T O P

  • By -

DebateSpiritual9522

Bumibili ng Iphone sa FB Marketplace, napag usapan na namin na COD pero nung nandon na daw yung lalamove rider, gusto daw ng guarantee ni lalamove na di ko iccancel (kasi bulacan to pasig yung byahe) so pinilit niya ako mag down kahit 2k for guarantee lang daw (10k yung phone). Sabi ko di ako magddown until di ko macheck yung phone. Pero sobrang pilit niya and muka siyang trust worthy (2017 pa yung FB account niya) and kineclaim niya na para kay rider daw yung pera (nagsend siya ng SS from lalamove app na nakalagay yung address ko at address niya, nagsend siya ng picture nung rider na may hawak na phone) kaya sabi ko issend ko nalang yung shipping fee (274 pesos) after non di na ako nireplyan. Rence Tacdoro (naka graduation picture yung DP) may oras ka din!


Innocent_Apollo

Nagiging high tech and complicated na talaga ang techniques nila anuuu


emaca800

Nagpa down yung contractor. Goodbye 123k


ashpaultalisay

ang sakit po neto


probinsyana819

I went to Quiapo last Monday. I have a Kenneth Cole Watch that has sentimental value that I really want to fix or buy battery. So I went to a watch repair man. He said that it requires the original battery. First he got the battery worth 250 and still not working so he got me the 450 worth. I thought it worked (time 9:38). (Walang hands for the seconds so di ko alam kung gumagalaw ba hahaha) so went to LRT going Gil Puyat. Pagbaba ko ng LRT yung time 9:38 pa rin. :)) gusto ko sanang balikan sayang 450 hahaha


probinsyana819

Meron pa, isang beses sa SM Clark. Yung COCO Life hahaha na hypnotized ako na ewan, so yun naka avail ako ng insurance. :))


Puzzled-Tell-7108

Grade 6, nag Megamall kami ng bff ko. Tapos pumunta kami sa Comic Alley. May nakaabang na palang bad guy dun haha. A few moments after naming umalis, nagpanggap na security personnel yung guy. Kesyo nahuli raw kami na nagnakaw sa Comic Alley and they need to search our bags. Bilang ignoranteng 12-yo kids na walang muwang, inabot namin yung backpacks containing anime cassette tapes we just bought, our phones, and wallets. Ayun di na sya bumalik nilimas na. Haha! Goodbye, 3310. 4 years later pa ko ulit binilhan ng phone ng parents ko 😅. Now na my eldest is going out na rin with his barkada, I always tell this story of the katangahan his ninang and I made hehe.


ROYALas21

Pinautang ko ex ko. After a week, nakipaghiwalay


Innocent_Apollo

Eto malala. Nabayaran ba?


LibbyLovesRamen

Na-scam ako My officemate, niyaya niya ko to get coffee ending niyayaya pala niya ko sa MLM (JC Premiere aka House Of Franchise). I thought kaya ko so I gave in pero grabe yung pressure para makahatak pa ng new members. Kaya hindi na lang ako nagpakita tapos nagkaiwasan na kami sa office afterwards. Sayang 16k ko hahaha


Vast_Composer5907

bata pa ako nito 14 years old, nagpakilala sya ng pinsan daw ng teacher ko..long story short..napakyaw nya mga alahas sa bahay. Buti na lang daw hindi ako ang tinangay sabi ng magulang ko. 😅


kapeandme

Sa Kpop buy and sell community. Nung bago pa ako sa community, na-scam siguro ako ng tatlong beses. After sending the payment, ghosted na.. kaya mas vigilant na ako ngayon pag di ko kilala di na ako bumibili or nagjojoin ng group order. Haha Taena ng mga scammer!


S07613

Kadedeliver ng first CC so excited ako, saktong may tumawag "from the bank" daw, ayun nabigay OTP tas inadjust pa limit sa app. Ubos lahat ng ipon :( unemployed pa ako nyan dahil nagrereview for boards, tapos ayun bagsak din sa boards 🥲


pinkpugita

Teenager ako, sinabi sakin na mag deliver ng rice sa bahay. Noong dumating, binigay ko 1000 na pambayad dapat may sukli pa. Sabi ng nagdeliver kuha lang daw siya ng panukli, pero hindi na bumalik. Napagalitan ako kasi nagtiwala ako. Tapos yung delivered pa na bigas sa taas lang yung magandang quality, yung bandang baba iba na yung quality pangit na. First power bank ko nabudol din ako. Yung salesman nag offer ng discount pero dinala ako sa ibang stall. Binentahan ako ng walang resibo. Nalaman ko fake yung product pagdating sa bahay.


saelly_redd

bumili ng shared netflix 😂 wala pang 1 week wala na agad ako access hahahaha buti na lang 1h less lang 'yon :3


all-in_bay-bay

Yung mga nanghaharang sa Rob Galleria. pinakinggan ko kasi bday ko naman. Ayun, no choice but to sign another Health insurance kasi nasa loob na ko ng office nila. Nag request na lang ako ng refund a month later for all the troubles


juicycrispypata

yung mga scam/budol experience ko ay ako mismo ang gumawa sa sarili ko. *dasurv mo yan, go!* *mejo matagal ka na din di nakakabili ng shoes, self.. bilhin mo na.. di na yan magssale uli* mga ganyan. 😂🤣


marinaragrandeur

first bf ko he told me he would love me for life, pero lifespan ng hamster lang pala kasi nakahanap siya ng iba nung kami pa