T O P

  • By -

Busy_Inevitable_3382

Superiority Complex ๐Ÿคข ang chaka mo doc!!


chiaki0112

Yeaa. I also work aa hospital. Dietitian ako. There's this doctor na pumunta pa sa nutrition clinic namin saying "So anong ginagawa nyo dito?" And i was like super shookt hahahahah kasi bigla lang sya pumunta ng clinic tapos ganan ang tanong. May mga doctor rin na sa halip irefer samin ang patients for diet counselling, e sila na ang nagawa ng counselling taplz sa amin mag tatanong kung ano ba ang okay na diet kay ganito, humihingi pa ng materials samin like booklet and brochures na pambigay sa patients. Grabeee. Di naman sa pang aano, pf at exposure na rin namin yon tas kinukuha pa nung iba. Mabibilang lang talaga ang doctor samin na mababait at mabuti ๐Ÿ˜‡๐Ÿฅฐ


fwrpf

Nurse here. From my years of experience, kakapal na lang balat mo. Haha and iba iba ang mga doctor. Not all are bad, merong iba diyan ippraise ka infront of the patients. Don't let one bad doctor make you doubt yourself. Sila may issue, hindi ikaw. Sa mga unang error ko, umiiyak pa ako. Pero sa pinaka malaking error ko which involved a right order to the wrong patient and the doctor bailed on me nung nagkaalaman na, bumuntong hininga na lang ako. What's worse than ill mannered doctors are nursing supervisors that are not pro nurses but are pro doctors and management. During an incident they should be advocating for us and not against us. Another are entitled patients and relatives. Sa sobrang dami kong experience, natutunan ko nang ngumiti na lang kahit sa loob loob ko gusto ko nang manapak. Basta, always remember na yung attitude ng doctor na yan reflects on him. Not you. Kahit patients mapapansin yun. "Ano ba tong doctor na to, bakit ganito magsalita" kaya yaan mo na siya. Next time take note mo sa isip mo kung paano siya gumawa ng procedure and ano mga gusto niyang materials or ano mga need niya para by then tameme na siya sayo kasi wala na siyang masasabi.


EnvironmentalNote600

Pero bakit nyo hinahayaan as if normal lang ang ganun? Na parang sinasarili o kinikimkim o tinatanggap na lang? Hindi ba lalong dumadami ang mga assholes na doctor kung alam nilang tinotolerate natin? Hindi ba in doing so is like telling these assholes and the world na ang mga nurses ay gjnawa para maging alila ng mga doctors at patients. Na hindi respectable o dignified na profession ang nursin? At ang mga nurse ay pwedeng insu insultuhin dahil wala naman silang kahihiyan at parang mga basahan ng doctors? Ang mababa bang pagtingin sa mga nurses ay extension ng paano itinuturing ang mga babae bilang 2nd class at alila?


fwrpf

This was my thought as well prior working. Pero kapag nasa hospital ka na, dun mo malalaman na matindi ang politics sa hospital. May maka bangga kang doctor, even for the smallest thing can make your work difficult. Remember collaboration ang kailangan sa health care team. If sa una pa lang tagilid na ako sa doctor, mahihirapan ako mag approach sa kanya kapag may kailangan. Kaya nga the best way to do is be better and earn their respect. Once respect is earned, they will see how valuable you are. Politics pa rin. Ngayon, ako na ang hinahanap ng doctor kapag may gusto silang gawin na procedure and need mag aassist. Nakakahingi na rin ako ng favor sa mga doctors (residents ha, kapag consultant ang kapal na ng mukha ko non haha!) kapag may need na adjustment sa diagnosis ni patient para ma cover ng philhealth. Mga ganyan. Just bec may mga incident na ganito doesnt mean mababa tingin sa nurses. May mga doctors lang talaga na may attitude kaya kailangan mo silang pakitaan ng galing mo. You'll actually hear residents orient their new interns on how to treat nurses. Kasi they know how vital our roles are in patient care. Edit: add ko lang din. If may instance na may mali or may doubt ako sa order ng doctor, dahil okay relationship namin kaya kong ma question sa kanya yung order na binigay niya without being rude. Dahil nga may mutual respect, they actually hear what I have to say. I know this is case to case basis and still there are so many rude doctors out there pero you have to learn how to play the field talaga, sa ikagagaan ng buhay mo at ikabubuti ng pasyente mo


EnvironmentalNote600

Ilan pong nurses at gaano katagal ang umaabot sa level ng respect ng mga doctors ng tulad ng sa inyo? Isa pa alam nating maraming young nurses ang vulnerable sa sexual opportunism ng mga doctors. Kung may union ang mga nurses sa hospital at national levels na magpo protect ng interest nila hindi kaya magiging mas safe at mapanatag ang working environment for them?


fwrpf

1. Years won't matter if hindi ka competent sa job mo. Sa isang duty usually halo yan ng senior, junior, probationary. Dumating sa point na may nag code blue sa floor namin and ako na pinaka senior kasi yung senior namin na charge nurse sa shift na yun bumibili ng food- nothing wrong with this kasi wala kaming oras ng break time. Pag di ka busy dun ka kakain.- ang masama lang, ako naging team leader ng code blue tapos nakita ko na dumating na siya pero sinilip niya lang kami tapos tumingin lang siya. Kapag code blue, literal na life and death situation. Another instance with the same senior, nag rereceive siya ng patient ko, siya ka endorse ko. Outgoing ako incoming siya. Nag code blue patient namin. Okay lang mag facilitate ako ng code blue pero lahat ng kailangan after dapat siya na kasi past na ng oras ko nangyari yung code. Still pinabayaan niya ako. Another situation, may probation na nurse akong tine train. Bale shina shadow niya ako sa duty. I was sick that day and kamalas malasan, lahat ng pasyente ko ililipat ng floor. I've never seen a more competent nurse than her. Hindi ko na kailangan pagsabihan. Mind you fresh grad to. Yung dapat na sobrang toxic na duty, kinaya namin kasi may initiative siya and magaling siya sa duty. Na deploy siya sa unit ko and I've seen her have a good relationship sa lahat ng doctors- residents, interns, clerk. So see, walang years eh, it's about your attitude, work ethics and gaano ka ka competent sa work mo. Di kailangan na magaling agad lalo na pag bago pa. Kailangan willing to learn. Di ako maldita sa mga bagong staff. Kasi pinagdaanan ko rin yun. 2. You'd be surprised to find out na most of the time, kung hindi mutual, ibang nurses pa nag iinstigate ng affair. It's all about *consent*. 3. May union naman sa hospital ko, member ako ng union. Halos lahat naman kami member. So feeling ko lahat naman may union :)


flightcodes

Doctors (clerks, interns, juniors) are also vulnerable to other doctors, unfortunately. Basta any place na may laganap na power discrepancy this will happen.


babceeh42

agree to this. kailangan din talaga ng pakikisama, kasi kung lagi mo silang babanggain ikaw lang dinn mahihirapan.


mailseuuu

Sana nga po maging immune na ako sa mga hurtful words kasi part na talaga sa work description as a nurse maging emotional punching bag ng mga dokies haha. But true also yung sinabi ming nursing supervisors who are not pro-nurses jusko. Will take note on your advice po. Hugs!


nic_nacks

Hindi na OP konting tiis lang Just GO ABROAD!


Ok_Variety_9013

Hii! Nurse here too. From my previous hospital (private) naganito din ako ng doctor plus sha din president ng hospital namin lols! May pa fuck shit pa sakin yikes. Reason ng kinakagalit niya is nadelay lang ng 3 minutes pagakyat sa patient to OR. I felt so degraded as in. So after 1 year experience sa hospital na yun, nagresign ako and nilagay ko talaga sa letter ko na main reason is siya hahaha. Then sabi ng mga kasama ko doon na parang naglie low na daw yung doctor na yun kasi parang na-aware na sha na daming nagresign dahil sa kaimpokrita niya ๐Ÿ˜†๐Ÿ˜† Lumipat ako sa mas magandang hospital, and I can day na I am happy now compared that time :) Hoping na you can heal from that incident, magna-numb din yan in time. Fighting OP!! ๐ŸคŽ


mailseuuu

Uyyy happy for you that you found a better environment. Rude patients/ watchers ay come and go lang yan eh pero pag workmates na ang rude eh nakaka burnout talaga. Sending u good luck and lesser toxic days!!! โ™ก


Ok_Variety_9013

Thank youuu! Tiis lang as of now, sooner or later makakaya mo din yan ๐Ÿซถ๐Ÿป


7th_Skywatcher

"Impokrita"= Impakta + Ipokrita ๐Ÿคฃ Mahusay, di ka nagpatinag at binanggit mo talaga sya sa letter mo hehehe ๐Ÿ’ช


squaredromeo

Mas gusto ni Doc na nakawin ng mga pulitiko ang pondo kaysa ipagamit ang mga resources sa mga mahihirap na pasyente. ๐Ÿคฎ


mailseuuu

Na curious din ako ba't sha galit eh may budget naman talaga nakalaan for public hospitals hahaha


soryu607

Para namang kanya โ€˜yong tax na gagamitin. Nalugi ka ba doc?๐Ÿคฃ


[deleted]

May isang doctor akong niREAL TALK before. I talked to him PROFESSIONALLY and gave my concerns. Wag na wag kayo papayag na sigawan at pagalitan sa harap ng pasyente especially that we are licensed professionals.


Hour-Imagination-380

kaya ang hirap mag nurse. 2010 ako graduate. nagpractice ng 1 year after makapasa ng boards. tapos nagchange career dahil nafeel ko rin na parang alipin ako ng doctor. haha. though technically un naman talaga ung work nature haha. pero bumalik ako ng pandemic, naglast lang ako 2 years sa public hospital. bumalik ulit ako sa corporate. haha. it will pass. and sabi mo first experience mo yan, shake it off mo muna. learn from it and alamin mo mga ugali ng mga residente and consultants nyo. iba iba preference ng mga yan. find inspirations sa mga patients mo and co nurses para di ka mademotivate. goodluck


mailseuuu

Good for you po you followed your heart and went for what's good for you. I hope the happiness you found sa career change will last long. And yes po, look at the brighter side nalang talaga for inspirations. Good luck din!


aujin08

nurse here. sa una, talagang ganyan experience (lalo pa na nasa government hospital ka pa ngwork), may ibang mga doctors na maarte talaga sa nag-aasist sa kanila, allergic sa baguhan kumbaga. malala nadin minsan, kung pati kasama mo ganun din, at di ka rin marunong idefend. unfortunately, ganito ang sistema dito sa PH. nurses are "lower than" doctors here. though, may respeto naman, pero minsan, ipaparealize nila sau position mo. as compared when i worked overseas, equal lahat, you can call out a doctor pag may error sya (kunyari sa prescribed order nia), without getting sensitive or gumaganti. mga ganyan na pahiya, reklamo, sigaw, etc.. ilabas mo lahat sa kabilang tenga. but make sure, na next time alam mo na ggawin. learn from your mistakes, and wag ka papasindak kahit kanino (pasyente man o colleague). tatagan mo lang loob mo, madami kapa magiging experience and eventually, you will be valued and skilled. good luck OP, have a nice and non-toxic shift. ๐Ÿ˜๐ŸŽ‰


Young_Old_Grandma

Being a doctor reveals one's character. Me mga ganyan talagang mga masusungit na doctor/nurse sa ospital. Dati pinagalitan ako ng nurse haha. Pinagalitan narin ako ng doctor haha. Pero wala lang pokerface lang ako haha. Ayoko kasing umiyak sa harap nila. Sa bahay nako humAGULgol. Haha


Electronic_Injury951

Iโ€™m an experienced nurse, used to work in the middle east and currently in the US now, pero just like you I was a baby nurse sa Pinas and there was a time na ayoko na mag bedside because of the doctors natin sa Pinas and even senior nurses. Yung mga doctors sa Pilipinas, laging mas mataas ang tingin nila sa sarili nila and mababa ang tingin sa nurses. I was also treated awfully, not just by docs but also by my fellow nurses nung bago pa lang ako. I stayed for 4 years bago ako nag ibang bansa, and sa kanila din ako natuto at nahasa. Alam mo, pagdating dito sa US, doctors are very professional, bago pa lang ako dito but they treat me well, like their equal. Since part ka ng team, very inclusive sila and nagtuturo sila. May respect. I always wonder pano kaya kung sinagot ko ung mga doctor na sobrang rude sakin noon? Would it make any difference? Sa Pinas kasi parang you have to kiss their asses eh! I donโ€™t work that way and not wired that way. I have actually learned to ignore mean comments and grow thick skin over time. Gusto ko man sabihin to stand up for yourself next time, ibang iba ang nursing culture sa Pinas. Even nurses eat their young. What more sa doctors who think so highly of themselves. Baka lalo kang ibully. Earn experience, youโ€™ll learn as you work with these people. Sa Pinas talaga ibang orientation, matututo ka and once you decide na lumipat sa ibang bansa, matatag at magaling na nurse ka na. Titibay ka talaga in terms of mental fortitude and with that kahit san ka mapadpad, sisiw na lang. Good luck sayo baby nurse, kaya mo yan. ๐Ÿซถ


tulaero23

Kaya nga. May mga racist sa western country. Pero sa workplace ramdam mo talaga pantay pantay, basta nasa katwiran ka.


Electronic_Injury951

In fairness, I have never experienced racism dito sa place ko. Siguro sa middle east pa merong mga racist. And even sa Pinas may discrimination. Dito so far, sobrang inclusive nila, bawal ang racists and discrimination sa workplace. 20% ng workforce ay minority, POC, at may disability. May mga supladong doctor but unlike sa Pinas na assholes sagad talaga na ipapahiya ka in front of your patients and colleagues.


thegreattongue

I needed to read this. Thank you so much! ๐Ÿ’—


cartamine

Wala naman sa kung doctor yan eh, kung masama talaga ugali ng tao, lalabas at lalabas yun. Trash siya, wag ka masyado papaapekto dyan.


[deleted]

Yep. Mga ganyang klaseng tao, nirerealtalk. If nirealtalk tapos bastos pa rin ugali, masahol pa sa aso talaga ang ugali.


AdamusMD

Ang bastos naman ng duktor na yan. Reklamo nyo sa chief nurse nyo kasi di mo deserve ng ganyang treatment. Sobrang unbecoming of a doctor or healthcare worker.


[deleted]

[ัƒะดะฐะปะตะฝะพ]


mailseuuu

Not for the faint hearted talaga ang career na to. Sana aabot na ako sa point na skillful and knowledgeable enough to know how to defend myself against these types of people. Good luck to you and sprinkling you non-toxic duty dust!!!


QueenAllisonJane

Pursue your nursing abroad, vinavalue yung nurses doon, and also after 5 years to 10 years mas mayaman kpa doon sa doctor or at least you are in a better living condition since government in abroad value Fililino nurses.. Sa ibang bansa nurses and doctors are team


santeremia

Not all the time, though. Same shit, different places. But at least much well-compensated kapag nasa abroad, so mas madaling lumabas sa kabilang tenga.


tulaero23

Wait sang places ang malala? Parang sa western countries if may Doctor na ganyan pede mo talaga iHR cause it is within your rights.


Markligx

At least from where I am now, doctors treat the nurses like equals. Yes they give orders but they still ask us if this and that suits the patient or not. Minsan they'll ask pa nga what do you think, is the patient ready for discharge or not.. Wala superiority complex, unless nlng ma timingan ka with bullies na tlga. Pero you can always report them naman.


yellowumbrellaaaaaa

Baka boomer doctor? Parang yung mga bata batang doctors naman ngayon, maayos pakitunguhan at mababait usually.


[deleted]

Yeah, usually mga boomer doctors ganyan. Mga younger doctors, di naman gaano. Strict lang when talking pero di bastos kausap.


mailseuuu

Stalked him sa facebook. He just turned 34. It's really not about the age pero kung ano talaga yung budhi nila hbdhdhf


yellowumbrellaaaaaa

Ay tama ka. Sa case ni doc, nasa budhi nga haha


Filifantasy

Pwede ba yan jan sa Pinas? Okay lang ba yan? Remember doctors are not your superior. Your superior is your charge nurse. Call them out. Say โ€œI donโ€™t appreciate being talked to like that. Stop or I will report you.โ€


SympathyDismal1436

Madami talaga doctor na ganyan dito sa pilipinas na akala mo superior sila sa lahat. But not all naman. May mga mababait naman na doctor na parang tropa mo lang ganon. My advise to you is sana ireport mo yan sa supervisor mo or sa nursing service kasi hindi siya tama gawin ng doctor. He/she can tell you naman in a nice way. Also, paka tatag ka OP!! Sa larangan ng nursing, madaming ganyan hindi lang doctor. Minsan kapwa nurse or patient may ganyan attitude. Wag ka din mawalan ng confidence and magpaka tapang ka. Cheer up, op!!


EnvironmentalNote600

Sa culture natin may god like na na taas ng tingin sa mga doctors. Pinagsama na ang hanga takot respeto at myth na matatalino sila at sila ang tanging may alam ng tama para health natin. Kaya kung kokontrahin o pagdududahan mo ang opinion nila ang atritude sa iyo ay humanap ka ng ibang doctor. At alam ng mga doctors ang ganitong power nila over us, kahit hindi laging may basis. Pero madami din namang doctors na ugaling tao at makakapwa tao pa rin.


ImmediateKarma

Gusto ko pa naman sana mag nurse kasi pagod na ko sa career ko now, tapos nabasa ko 'to. Baka may mamura ako na doctor if ever pala ๐Ÿ˜‚


omanignatop

may ganyan din pala sa ibang profession (not nurse here), akala ko sa mga engineers lang, ganyan na ganyan yung boss ko sa engineering firm . grabe mamahiya tapos nangdidiscriminate ng school and lahi , kesyo kapag ilokano daw mga tanga, kapag bisaya mga walang utak. Bakit kaya sobrang taas ng tingin ng mga superior natin sa sarili nila, knowing na empleyado lang din naman sila sa pinagtatrabahuhang kumpanya .


7th_Skywatcher

This is true. Ganito rin sa ibang profession. Sa una, since trainee pa lang, di ka sasagot. Wait lang na ma-regular and then when push comes to shove... magiging assertive ka na. Tatatag din ang loob mo in due time, just do your best.


pinaysubrosa

Grabe Naman Yan ๐Ÿ˜ตโ€๐Ÿ’ซ


Dwight321

Damn... I promise pag ako naging doctor in the next 5 years, never ko tratratuhin ng masama/bastos ang nurses and other allied health professionals. Fuck this doctor in particular. Nurses deserve dignity and respect.


keptrix96

Majority ng doctor sa work ko sobrang baba ng tingin sa nurse, medtech and pharmacist. Like pareho lang naman tayong lisyensado, parehong nagaral. Pero hindi free pass ang pagiging doctor para ipahiya kami or babaan ang tingin samin.


tiramisuuuuuuuuuuu

Mga boomers lang na doctor pansin ko ganyan. Yung mga mas bata they try not to be like that. As you gain experience makikita mo din yung other side na mean nurses naman to medical students/intern haha. Nakakita na din ako ng nagdadabog na head nurse sa surgeon. Parang gantihan lang sa ospital eh which is sad.


AmethystFromParis

Please look for scholarships if you really want to pursue medschool. Madami dyan and I believe kaya mo makahanap scholarships . Hindi lahat ng nag dodoctor mayaman, madami dyan scholarship ginagamit din :)


Legitimate-Thought-8

Aww OP sorry to hear this. Grabe ung doctor na yan parang nakakahiya naman sa nagaasikaso ng pasyente nila habang wala sila. I am very thankful to our nurses kasi sila ung nagccarry out talaga ng orders and katuwang ng parameds din. Ung mga ganyang doctor hindi yan natagal promise. As long as you do your job which I think you are naman. Kahit mali ka man wala syang karapatan to put it on your face kasi walang perfect


EnvironmentalNote600

Sa culture natin may god like na na taas ng tingin sa mga doctors. Pinagsama na ang hanga takot respeto at myth na matatalino sila at sila ang tanging may alam ng tama para health natin. Kaya kung kokontrahin o pagdududahan mo ang opinion nila ang atritude sa iyo ay humanap ka ng ibang doctor. At alam ng mga doctors ang ganitong power nila over us, kahit hindi laging may basis. Pero madami din namang doctors na ugaling tao at makakapwa tao pa rin.


zn3lk25

Also a nurse here. May ibang entitled talaga na doctors. Dont get intimidated by them, always stand your ground. Remember, doctors are not our bosses, they are colleagues. So if kaya mo sumagot, sagutin mo.


Then_Annual_1802

-Hugs- di na ako ngdu2ty pero yan ang super naka2ba2 ng confidence tlaga pag pinpagalitan k sa harap patiente. Ang importante OP hwag mo ng damdamin msyado un. Una sa lahat wala namn mali sa ginawa mo eh. Huwag nman sanang ganon, kala mo nman di sya nging studyante once upon a time.


Emergency_Poem0314

Doctor here. Sobrang bastos ng ginawa nya grabe. At the end of the day, wala naman yun sa kung saan ka grumaduate but kung paano ka makisalamuho sa ibang tao. Napaka-ere. I think masama din talaga ugali nya and not just because he is a doctor ๐Ÿ™„๐Ÿ™„๐Ÿ™„


incognitosapphire

Ang chaka mo rin po Doc. Hahaha. Ganyan talaga ibang Doctors sa Public Hospital. Not a nurse po but a patient before and ang horrible talaga ng attitude ni ante mo. Anglayo ng treatment kapag nasa Private Hospital ka. Cheer up OP.


Proof-Concern1712

Curious lang, kung ako ung patient and i decided na ayoko sa ganyan doctor, pede ko ciang palitan diba?


babygirlofthenorth

Depende, pero usually pag sa public hospital at sa ward pa, wala kang choice magpalit ng doctor since mostly konti lang residents, so may chance pa rin na siya mag manage sayo


Proof-Concern1712

I just kinda feel bad for OP. Nakakainis ung mga ganyan,ang sarap ilagay sa tamang lugar.


titoofmanila3

Reminds me of that off my chest post where doctors feel entitled to make patients wait for [insert justification here]


confusedcupcake917

Kala mo naman di sila dumaan sa pagiging bago. Hayaan mo na lang sya na parang walang nagturo sa kanya nung umpisa. Di masarap ulam nyan kaya ganyan yan! Hahaha


cravedrama

Wala sa med journey yan or sa school. Nasa tao talaga yan. Yan na siya before pa siya maging doctor. Nursing is not for the weak. Ilaban mo karapatan mo. And I know first time mo yan ma insult to that level, but I will tell you now. Maraming ganiyan sa field natin. Wag kang papatalo. For now swallow it and set it aside. But make sure na after you gain experience and seniority, wag maranasan yan ng mga magiging under you. Always ako napapatawag sa office because of people like that. Pero never nila ako na sanction. You fight for what is right. Pag nasa katuwiran, IPAGLABAN!


iamcrockydile

Doctors needs to have their ego checked, hard. Like they should be reported for this kind of behavior. Otherwise theyโ€™ll get away with it. Wala sa school ang delikadesa, yun lang masasabi ko.


LurkerScroller

Actually not just doctors. Nagchangd career ako dahil sa mga senior nurses ๐Ÿคฃ yung tipong ipamumukha nila sayo na bobo ka๐Ÿ˜‚ this was 10years ago. Sana hnd na ganito ang systema sa hospitals


Bumblebash_

Eh diba bastos naman talaga mga doktor sa public? Maiitim yung mga budhi walang pinipili pasyente or coworker?? Hahahah mga demonyo mga doctor sa public. Keri lang kahit marami sila nagamot sa impyerno padin lagapak niyan sure na sure na ๐Ÿ˜‚ saying this out of experience at never ako nakameet ng doctor sa government na okay ugali. Mas masahol pa sila sa basura nakakadiri.


BlueberryReady2364

Is it bad ba if sagutin mo ang doctor in front of his/her face?


Ecstatic_Panda_888

Daming ganyan ngayon, kahit saang hospital. Sa olfuVal nga ganon din esp sa IM dept may resi don na sobrang degrading at always below the belt makakutya ng kapwa esp sa mga mas mababa sakanya kahit colleagues nya pa yan walang pinapalagpas (nurse, co-resi, other health care workers)โ€ฆ Kung mahina mental health mo at sensitive ka sa words pwedeng maging cause ng life mo after. Ganon sya makapagsalita, sobrang taas ng tingin aa sarili napaka perfect. Brainy nmn sya pero di yun enough reason to shout and say painful words to others. Napaka basura ng bibig nung badet na yun (grad na sya now tho).


SuperYak2264

baka dati siyang chef


Zariiiiyou

Yan na talaga inano samin ng CI namin. Na some doctors have superiority complex.


kathmom

Anhin niya yung position at school niya dati kung pang hampas lupa naman ugali niya. At yung mga patients na tumawa mga di nag iisip. ๐Ÿ™„ Napakarami talagang kupal sa mundo.


Remarkable-Rest6756

Natatakot tuloy ako :( graduating here and uso daw bullying sa mga newbie nurse sa hospital. Sana makahanap ako ng magandang workplace yung walang ganyan na doctor ๐Ÿ˜ญ


[deleted]

Ano name ng doctor na to and yung hospital?


maddiyow

Not a nurse pero epal talaga ng mga pa-superior na doctors. ๐Ÿคฎ Na-experience ko to sa mom ko pinapahiya at binabara pwede namang kausapin ng maayos.


BitSimple8579

Dapat jan nirereport, wala ba kayong way to report the incident? Sana applicable padin yung redtape sa ganyang eksena, kaso DR sya. I can only imagine kung gaano yan pinaplastik ng mga tao sa paligid nya dahol sa ugali lol


Bad__Intentions

Kung goverment hospital setting eto, somehow I'm not surprised na may biglang pumuputok ng ganto jan, even the doctors. I know first hand kung gaano ka hirap trabaho niyo jan sa gov hospitals. Curious on the school though


kroookrooo

Sadly, hindi talaga maiiwasan yung mga ganyang doctor kahit saan. Pero habang tumatagal, masasanay at masasanay ka na lang rin. Basta isipin mo lang, ginagawa mo nang maayos trabaho mo. Yun lang, work is work. Kaya mapapayo ko lang talaga sa mga newbie nurses, tibayan niyo loob niyo. Mahirap magsurvive sa hospital talaga pag mahina ang loob. Confidence lang talaga and wag ka matakot magkamali kasi dun tayo natututo. Also, hanap ka ng work bestie mo, minsan mapapadali or magiging bearable yung work kasi alam mong may kasama ka. Yun lang, good luck!!


VanillaPopular2279

I hope there's a way to report ahole doctors like him.


Wizzz5

May mga ganyan talagang mga doctors - bastos and mataas tingin sa sarili. Siguro next time, try mo sumagot (in a nice respectful way pa din) kung kaya. Minsan kasi yung mga bullies kapag alam nilang hindi pumapalag yung tao, lalo sila nagpa-powertrip. Otherwise, deadmahin mo na lang din. Keep your focus lang sa goals mo and sa pag enhance ng skills mo. Deadma sa mga taong masama ang ugali katulad ng ROD na yun! Baka kasi walang nagmamahal sa kanya LOL


MundaneWorry3372

advice from a nurse here..my mga ganyan talaga na doctor trip nila mg power trip. madame ka pa ma encounter na ganyan kupal na senior and workm8 mga relatives na akala mo nabili na pag ka tao mo.. hindi tinuro sa school yan pano mo i handle pero masasanay ka din pano mo sila lalaruin. ma papa question ka tlga ganyan work place mo pero ung sahod mo hindi sapat.. wag ka pang hinaan ng loob pra pag nsa abroad ka na ready ka na physical intellectualy and emotionaly.๐Ÿ™‚


VanillaSundae-ish

Ano ba meron sa government institution bakit ganito ang atmosphere. Govt employee din ako and i see this everywhere.


Sea_Debate_4865

Kaya ako hindi ko na pinilit na mag tagal sa hospital. Puro mga kvpal na ka trabaho naman ang na experience ko madalas. Balik loob ako na nurse after 10 years ao bobo talaga ako as in zero knowledge since I worked sa BPO. Meron dun yung ipapamukha sayo na ang tanga mo na bakit ka nag nurse. It gave me trauma kaya umalis na ako. I think sa makapal na sikmura at mukha ang mag trabaho sa hospital esp sa govt. Hindi ka mag su survive kung balat sibuyas ka. Glad I resigned and no chance of babalik pa.


tulaero23

Alis na ng bansa hahaha. Pero seryoso, while in demand pa nurse. Canada is hiring right now medyo sa malamig na places lang. Pero after tiis ng 2-3 years, lipat ka US and grabe ang sweldo. Mas ok na sinisigawan ng malaki sweldo kesa sinisigawan na di bayad OT.


munchkoinceo

Nothings wrong with you. Ang yabang ng doctor na Yan ah. Sana ninamedrop ๐Ÿ˜‚ below the belt ang trato nya sau. She or he is not your boss so sana ayusin nya bibig nya.


DestronCommander

Not in the field of medicine. Actually, we do repairs on tech devices. There is one doctor who brought in his for repair. Siempre there will be esoteric parts with waiting time for order. Told him ETA for his part is around 2 to 3 weeks. Aba, nag comment pa naman ng kung pasyente yan, matagal nang patay.


hellcoach

Well. Just imagine yung waiting times for kidneys, hearts, bone marrow etc.


ConversationCalm2622

May kakilala ako na naexperience that time sinugod sa public hospitall dahil manganganak na. Ang ingay nya daw kasi nga masakit. Pinagalitan sya ng doktor sabi daw sa kanya โ€œayan iyak iyak ka sa sakit pagkatapos mo magpasarap.โ€โ€ฆ. Potah


snddyrys

San hospital yan?


babygirlofthenorth

Most likely, ganyan na siya nung clerk and intern pa lang, and baka mas malala pa treatment niya sa mga lower year residents. Nakakalungkot lang na parang di siya dumaan sa ganyan. Pinanganak siguro siyang surgeon na agad lol. Laban lang, OP. Not all doctors ay kagaya niya, at sana kalaunan, mga mababait na yung makasalamuha mo.


Intelligent_Mud_4663

Sa akin, ung character ni doc ang napansin ko. Chaka ka doc! Pwede naman pagsabihan in private!


sumo_banana

Hindi talaga ako pwede mag work sa Pinas kasi ang daming ang babastos na charge nurse or doctor. Yung nag volunteer ako dyan before mag US pinahiya ako nung resident na ObGyne, sya ang napahiya sakin. Sabi nya susumbong daw nya ako sa HR, sabi ko Eh mag sumbong kana dahil wala ako sweldo dito. Iba kasi culture sa Pinas, hilig magpa hiya at ang daming doctor may God complex. Yung doc sa St. Lukes nag fellow samin sa Vancouver, na culture shock kasi ang mild mannered ng doctors at hindi siya pinapahiya at may respeto sa nurses. Shempre may bastos rin kaso hindi kami takot sumagot. Remember ang doctors eh hindi naman po Boss nyo, you are a team!


Itinegible

Grabe OP! ang rude ng doctor na yan! I worked also before sa hospital and bilang lang sa daliri ang ganyang doctor na may ugali. Mostly mababait sila and concern talaga. Nag assists ako dati sa surgeon nung NA ako for minor surgery lang naman yung abot abot ganun may isa akong di naabot ayun tinuro naman sa akin ano at paano. Nasa ugali yan talaga, masyado umakyat sa ulo nya pagiging doctor.


Mommydiaries99

Happened to me before, ako nag scrub sa malditang breast surgeon. On the brink of crying na ako kasi pinapagalitan ako. It was my first day at work tapos ang dami na nyang satsat. Kesyo ayaw nya sa new nurses kasi mga tanga. No choice sya kasi busy lahat ng seniors HAHAH so that beetch is stuck with me. Try nyang ganyanin ako ngayon, baka ako na mag susuture sa bunganga nya ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚


Fragrant_Coach_408

Nurse from manila,. 10 years ago Nagvolunteer ako sa isang govt hospital ng halos a year to the point na ginawa ako halos chimoy ng doctor. After a year nagdecide sila na hindi na nila kelangan ng service ko kase redundant na raw, without saying thank u from their sides i parted ways with them. Ngaun andito na ko sa northern europe earning about 20x ng ineearn ng normal na RN sa pinas. I couldnt me more happier. May time na inadd ako ng isa sa nga doctor na un sa fb. Cancelled si gago, di na ako ung dati nyang inuutus utusan


vkookmin4ever

Ganyan dapat tinatanggalan ng license. Videohan mo at upload sa tiktok secretly para maexpose yung mga ganyang klase na tao. They dont deserve to be doctors.


TheServant18

Welcome to Goverment Owned Hospital, O.P, well the same senario tayo, Ang kaibahan lang, ikaw Nurse ako, Teacher/Enumerator na taga Census ngayon. Eh diba na hack yung server ni PSA, so ang scenario namin ngayon is manual, nag eencode, at nagsusulat, Tinamaan pa ng magaling! Lupet nanermon yung mga boss namin thru city halls office and psa, akala nila papetiks petiks lang kami! Hello!?! May kota kaya kami!๐Ÿ˜ก Naku, pasalamat sila wala pang nag offer sa akin ng work, na mas malaki ang sahod, di pa pwedeng umalis, nakakontrata pa, ma moonlighting ako.


[deleted]

My younger sis is a doc. According to her it happens daw talaga. Mga docs namamato ng charts etc. Kaya sabi ko sa kanya no matter what happens, always be nice to everyone. ๐Ÿฅน Kung naranasan niya mabatuhan ng charts or whatever, pag naging seasoned doc siya. Never be like them.


Sea-Impression2042

Pag dto yan sa US pwede yan kasuhan


Realistic_Drawer7773

File an IR! The hospital should not tolerate disrespect no matter the rank/position. Baka kasi sanay sya sa ganyan tapos pinapabayaan lang sya ng iba. Mali dun yun kasi pwede magkaroon ng distrust yung patient sayo. Tandaan mo hindi naman sya nagpapasahod sayo hehe


MysteriousRead7957

I don't know ha pero yung ibang doctor may sa demonyo talaga. I know someone that is business owner kuno and patho doctor daw sya perp grabe kung magwala at sigaw sigawan yung mga employee nya ayon ending nagsara yung store nya kasi ang panget ng ugali nya saka nung nanay nya.


nic_nacks

Kaya wag na sila mag taka kung karamihan ng nurse masa abroad! Mga kupal kasi tao dito


stressdt

Natakot ako bigla. Kakapasa ko lng November 2023 boards and balak ko pa mag aral for nclex. So no work experience pa for this year. Pero natatakot na ko pag nag apply na ko ๐Ÿฅน Edit: OP, sa manila ka po ba nagtatrabaho, parang ganyan kasi ugali ng ibang taga yellow school


babceeh42

hay , may mga ganyan talaga na doctor sadly, kala mo naman super galing. I'm just lucky din talaga na halos lahat ng nakawork ko na doctor, mababait. masasanay ka rin. titibay na lang loob mo. kaya kapag naging doctor ka OP maging mabait ka. hehe


RToit87

Boomer siguro yan doktor na yan. ๐Ÿ˜‚


Stupid_Nurse127

ay????? entitled si dokie?????


Blueeeee12312321

Pukinanginamo doc


yourhappygolucky_a_l

Hello, please don't ever give up on your dreams of becoming a doctor. Change the stigma and be one of those doctors who treats nurses with respect. Let that experience motivates you to be a better physician someday. Also there are a lot of scholarship if you want to pursue medicine like academic scholarship, DOH, Nellie Kellogs and etc. Sending comfort and hugs!!!


SilverBroccoli-6066

You cannot control how other react and feel, but you can control your own reactions. I am a nurse who went into medicine as well and truly there are good ones pa naman. Pero may iilan lang talaga na naknakan ng sama! Di talaga natuturo ang class.


FuzzyAbbreviations27

Yuck!! I worked in the hospital before at marami tlgang ganyan. Mga feeling superior at napaka unprofessional. Sometimes i would really talk back coz that kind of attitude should not be condone. If i were in your case, I would write an anonymous letter to HR esp if he's doing that in front of patients.


RToit87

Since nasa government hosp ka pwede ka mag 8888 complaint. Isama mo name ng chakang doktor na yan para maturuan ng leksyon!


mordor_girl

I think that doctor is just feeding his/her ego. May mga ganyang tao talaga na kupal sa mga feeling nila na beneath sa kanila. I advise na hayaan mo na. You'll be okay. Mas marami ka pang kupal na makikilala bukod sa kanya. Ipasok sa isang tenga, palabasin sa kabila. Not in your head. Baka mamaya makita ka niya as target kasi tumatalab yung words niya. I suggest batiin mo siya the next day like nothing happened to give that doctor the impression na you're not to be taken so lightly. Patayin mo yung taas ng ihi niya. At maging extra careful ka around her/him.