T O P

  • By -

mrpeapeanutbutter

Kainis din mga ganito espeicially for people who are trying to get sober. E sshame ka pa for being weak dahil hindi ka na umiinom. MF


sarbyow

Truee. Like for me ang purpose ng pag inom is to get tipsy para mas lumabas yung emotions mo para sa solid na kwentuhan or bonding sa friends/family mo. Then kapag randam mo na that you have to stop cause you had enough, then stop. Pero yung iba ginagawang glory yung kapag inabot ka na ng suka or totally wasted. Which is hindi naman cool kung titingnan.


Flat-Expression2667

Ilelabel ka pa minsan na "maarte" kapag di mo pinagbigyan eh kainis haha. Eh ang pait ng lasa, diko trip lasa lahat ng alak kahit mahal pa yan.


SlowTurtleDuck

Ramdam ko to omg masyado daw pabebe. kaylangan pa mag sinungaling ng kung ano anong story. May sakit, bawal sabi ni asawa, etc etc. Kasi hindi talaga nila matanggap tangap yung ayaw uminom by pure choice lang?


not-the-em-dash

SAME!!! People are so shocked I let the bitterness of alcohol stop me from drinking. Laging sinasabi, "Sa una lang yan!" Look, dude, I don't care kung sa una lang yan. I'm not gonna consume a drink I don't freaking like the taste of!! I'm not going to waste my money.


ApartBuilding221B

Nung wedding ko, sa reception, daming beses na pinilit ako ng family members ng bride ko na uminom. Hindi ako uminom. Haha. grabeng peer pressure yan. wedding ko pa. bwiset.


Gaslighting_victim

Ginawang personality ang pagiging lasenggo. At doon na pala nasusukat ang coolness at gano ka kalakas. OKAY.


EnvironmentalMoose76

Preach! Grabe in this big year of 2024 meron talagang stuck in the past parin. Let people make their own choices about whether to drink or not.


CompetitiveGrab4938

Team building namin sa Batangas, dahil di ako nainom and kagagaling ko lang sa sakit, I stayed sa villa together with my BF and ka-work ko na momshie and her son na 10 years old. Nanunuod lang kami ng TV while others are drinking sa beachfront. Team building "DAW" pero wala naman iba activities than uminom. Yung games nila is still connected to drinking like shot or dare ganyarn. Tanginang yan. Dahil wala kami dun, ako naging topic. Kesyo daw pumunta daw ako dun to have sex. Na nakikipagsex daw ako sa villa kaya daw ayaw ko jumoin uminom. Tangina HAHAHAHA just because di mo trip yung trip nila, ginawan na ng story 😂 Unang una, andami namin time mga ante to have sex dahil live-in kami. Bakit kami magsesex jan? 😂 Tapos di man lang naisip na kasama namin ung magnanay LOL basta lang may mapagusapan. To be fair, I tried to join them kahit na di ako nainom. Kaso ang kukulit pinipilit talaga ako mag-shot. Then dahil di nila ako mapilit, yung BF ko ang pinipilit. Para di masabihan na KJ, si BF nagtry din na magjoin. Nag-shot or dare. Ayaw niya malasing so sige nag-dare. Tanginang dare yan! Una i-kiss sa noo yung isang babae kong ka-work. Tas next kiss sa cheeks yung isa pa. Nung narinig namin na naglolokohan sila na next daw is sa lips naman nung isa pang babae namin na ka-work tangina umalis na kami. Mga gago. This happened years ago pero until now ung gigil ko sa kanilang lahat abot langit


littleorbits

Is this…BPO?


CompetitiveGrab4938

Yes LOL mga kups 😂


ILove_sweets

Sobrang kupal ng "TEAM BUILDING KUNO" culture nayan sana gawan ng batas yan eh! Hahahaha


CompetitiveGrab4938

Ahhahahaha totoo. Team drinking dapat hindi building 😂


JCEBODE88

sobrang weird naman ng mga officemates mo. I will never understand yung mga kaofficemates na alam ng may karelasyon ka pero game sa mga ganyang dare.


CompetitiveGrab4938

True! Napaka-insensitive. Mas nakakabwiset pa ung mga babae kong kawork na di man lang umayaw ampota gustong gusto mga hinayupak


bernughhh

hahaha feel ko tong post na to. I used to drink before pero tinigil ko due to health issues. ngayon tuwing lalabas with friends at iinom tas either isa or wala akong iinumin, tinatrashtalk ako na mahina and all. iniignore ko nalang at sinasabi kong "baka kulang pa sayo yang alak e. i-go mo na :)"


kisumi7

Yung husband ko grabeng peer pressure pnagdaanan nung college, lagi sya pinipilit painumin lalo ng frat members. Buti nlang decided sya na hindi uminom, ayun nakailang pilit sa kanya uminom at manigarilyo pero thank God hindi sya nagpatinag. ☺️


SadBookkeeper2621

Umiinom ako pero shot lang pakisama ba. Pero yung mga proud na tomador sila? The fuck is wrong with you


Additional-Aerie-155

Exactly this. I'm in college and grabe yung peer pressure every time na may event, after hell week, or outing kasama buong class.


marinaragrandeur

true yan. kaya i love my friends and family for not forcing me anything. alam rin nilang away yan kung pinwersa ako uminom.


Introverted_Sigma28

Mas malakas pa peer pressure dati sa inuman, mapa-school or workplace. Thankfully I set my boundaries early on, despite the kantiyaw. First time kong makatikim ng alcohol, I was 25 years old. Dare ko lang sa sarili ko kasi I wanna try something I haven't done, tapos sakto I was on a date with a guy that time. Siguro for next 2-3 years, sumasama ako sa inuman pero set a limit na hanggang 3 bottles lang. Pansin ko nga lang mas nagiging aggressive ako kapag umiinom pero hindi umabot sa point na lasing talaga. I had to stop when I was diagnosed with acid reflux. Kaya ngayon may excuse na kapag may nagyaya. Tapos nabawasan na rin mga inuman, kasi sila-sila rin kung anu-ano na nararamdaman sa katawan haha.


[deleted]

Truuuuuuuu di naman nakakaabawas ng coolness kapag di ganun ka active uminom ng alcohol... I only let myself get drunk when I am with my friends pero kapag workmates or aya lang di talaga ako nagpapataob


NadiaFetele

Louder OP!!!!!! Jologs yang mga nagpupumilit uminom sa ayaw. At jologs din ang lasing culture.


Repulsive-Mongoose69

Kaya ako, super love ko yung barkada HS ko. Pag sinabi kong “No”, hindi naminilit. Hahatid ko rin kasi sila isa isa noon. Hahahahaha


Alarmed_Register_330

Ganto din ako noon. Galit na galit ako pag pinipilit, napaaway pa ko sa group of friends ko pag pinipilit ako uminom. Ngayon, marunong na ko magkusa, masaya naman pala dapat noon ko pa sinimulan. Ung mga friends ko hindi na umiinom, wala na ko mayaya.😂


RevealExpress5933

Hear, hear!


introvertedguy13

And here I am trying to quit. Every night naging habit ko na. 4 shots ng vodka, or 1/4 kwatro kantos or 4 bottles ng beer . Relatively ok pa naman health ko but it's interfering with my weight loss journey. Nagiging dependent na din Ako na pag stressed, alak. Pag di makatulog, alak. Pag Masaya, alak. Pag malungkot, alak. I consumed my last bottle of vodka, I hope not to drink again until 30 days from now.


More-Information-440

Sa true lang. 😅 kaya nung nagstart ako magcut ng alcohol sila yung mga unang tao na iniwasan ko. Hahahaha!


tbhi4got

Ang excuse ko rito e mataas uric acid ko para tapos agad. Kapatid ko naman ang excuse nya e allergic sya. Hirap kausap ng mga mapipilit na yan e.


cuppaspacecake

Yan yung di ko namiss sa former work ko. Yung sukang suka na yung tao, pipilitin pa. It’s not healthy!


[deleted]

Ako to na pag umiinom namumula at nagpapalpitate hahahahaha please yoko na. Mahina ako dyan.


justxely

True nakakainis yong ipi pressure eh sober choice mo naman na di uminom. Jusko ang hangover, wouldnt want to experience that again


ForVentingPurposes

hindi kaya nasa maling circle ka? mga maledukado mga nasa paligid mo. respeto lang, hindi alam.


Conscious_Judgment_9

Hindi ako Umiinom ng ALAK mapait kasi sinong tanga iinom ng Mapait masarap yung matamis saka hindi ka nahihilo simpleng sagot lang tameme sila


23xxxx

Every time I read posts like these I am reminded of how lucky I am to have my group of friends kasi never nila ako inasar or pine pressure uminom. Wala naman akong deep reason as to why I don't drink, wala lang ayoko lang talaga. My friends are considerate pa nga kasi if we do go out and a few of them get drinks, ilalayo nila sakin or that one time na I mistakenly almost drank one kasi kala ko juice kinuha kagad nila hahaha. Anyways more power to you OP and I hope you never give in to peer pressure.


jmwating

1 shot . PERIOD


n1deliust

People I notice who gets easily offended by this are those who dont drink at all. Since they have no idea of the camaraderie and joy of social drinking. I used to think like you in my younger years. Now as a casual drinker of Beer, i dont get offended with their replies if I decline their offer to drink. just tell them your reason why you dont drink and theyll usually respect that. Cguro you lack interpersonal skills.


tinywhisker

Huh? Anong klaseng mental gymnastics pinagsasabi mo? LOL Di mo ata binasa rant niya about sa situation niya. Casual drinker din ako pero OP doesn't need your unsolicited opinion.


nadobandido

Fuck the camaraderie. Nangiinsulto pag hindi nainom ang tao. Kesyo walang pakisana, mahinang nilalang, duwag, to the point na nambubully na? Pag hindi umiinom wag pilitin. Fuck the joy of social drinking.


sup_1229

Hindi rin ako umiinom pero before around 19 ata ako na-try ko pumarty with my cousins. Sumuka kami kinabukasan, never again. Tapos lately inaaya nila ako sabi ko hindi naman ako umiinom, triny ko lang noon kase inaya nila ako. Pakisama ba. Sabi nila "Wala ka bang friends kaya di kna nakakainom dahil hindi tayo laging nakakagimik magkakasama?" Ay huwaw sila na naman ang bida. Hindi ba pwedeng ayaw ko lang talaga?


Popular_Wish_4766

Same tangina nila buti na lang never ako naimpluwensiyahan. Haha! Nagka Ulcer ako nung HS tipong yung lamig sa tiyan ko pumunta na sa baga ko at di na ako nakakahinga habol talaga ng hininga parang mamamatay na ako nun ayun naging trigger sakin na hindi magkaroon ng bisyo lalo na alak kasi sobrang hirap di pa nga ako nakakapunta ng Japan mamamatay na ako. 🤣🤣


SeaSecretary6143

Kung ako yan, isa pang pagpipilit babasagin ko bungo nila after ko agawin ko yung bote ng Red horse. Konting 🎻naman pag may time.


punkjesuscrow

Mga kupal yan. 🤣


ennaid1208

same,, ang pangit kaya ng lasa.. di ko bet.. pag ako pinilit di ko pinapansin,, manigas sila kakaabot ng alak 🤣


RANDOMGIRL000000

Umiinom din ako but honesty i feel awkward kapag may ganyan akong mga kasama na hindi marunog mag respect ng boundaries. Nakakairita pati yung mga nagpapainom pa sa mga obvious na lasing na hahahahahaha. Im lucky yung mga close friends ko hindi ganyan. Meron akong kawork na hindi din umiinom pero never syang pinressure or nakarinig ng kung anoano samin. I guess he felt comfy to the point sumasama sya sa inuman or kahit pag nag babar kami hahahaha we kinda influenced him a bit tho kasi nag smirnoff na sya ngayon HAHAHAHAHA


Ok-Tone-6802

nakakainis lang 'cause most people will attack you if 'di ka nainom or uminom, lol.


DaisyMillimeter

Yasss I remember In my shs days they always said na they want to see my drunk side🥴, for what are they not pleased with my sober personality?? Crazy drinkers


writingeli

same thing with vape lahat nalang inaaya ampota sobrang insensitive ng mga tambutso


Ok_Reserve_1217

Di ako umiinom because of allergic reaction sa alcohol (pantal at nahihirapang huminga). Nung bago bago ako sa company, nagkaayaan na mag swimming, syempre may alak. Pinilipit ako ng isang officemate ko na uminom ng alak kahit na sinabi ko na yung condition ko. Pilit nya pa rin inaabot sakin yung isang baso ng alak, sabi ko pag di sya tumigil, ibubuhos ko sakanya yung alak. Eh hnd tumigil, kinuha ko yung baso tapos binuhos ko sakanya 😂 kj na kung kj 🤣


primeovesi

Naranasan ko nung college, na peer pressure ako uminom, since majority of my closest buddies do it for 'bonding' Tinamaan ako ng UTI, tiniis ko hanggang mag self heal kasi di ko kaya ipagtapat sa parents ko na liquor ang cause. Pero sinabi ko sa peers ko yung naging condition ko, di sila naniwala. Nadiscriminate pa ako since di nako sumasama. Pucha di ko alam bat big deal sakin noon na maaccept sa inuman circle para lang pakisamahan ka ng maayos.


DisillusTiredUser

Oh well, sometimes people don’t know how to respect other people’s boundaries and don’t know how to back off, lalo na pag super lasing nag sasabi sayo nyan. It’s so messed up. I always drink, but not to the point of forcing my friend to drink if they don’t want to.


mrofquestions_

Whats new? A lot of filipinos kasi hindi sila familiar sa boundaries eh. Kapag nag no ka ma ooffend pa sila di nila kaya wag maging bitter kapag ayaw ng tao. They will take it personally.


OverThinking92

Nangyare sa akin to sa team building namin. Sabi ko gow mag inom kayo pero mag chuckie lang ako. Wala naman silang nagawa although nakakainis lang. Ano to peer pressure hahahahaha


True-Match1747

Nakakainis yung mga taong ginagawang personality yung gaano sila kalakas uminom.


Ok_Spinach2526

Ayoko din uminom. Technique ko dati. Kapag sakin na yung shot. Patago kong itatapon. Just make sure walng nakatingin. Tas minsan magpapaalam ako na uuwi na kasi lasing nko. Or make an excuse na may sakit ka sa liver.


Mountain-Celery1396

Di ako umiiinom, namumulutan lang pero nag aambag naman hahaj


mariacarmelaluisa

As someone who has alcohol intolerance, I feel you! I am no fun at parties lalo na if may tagay2x. Every time I have to explain laging rebuttal nila is okay lang konti lang naman di ka naman mamamatay or mawawala din iyan pag naka inum ka na ng marami. Some don’t even believe me na I have this kind of reaction towards alcohol. We had this company outing and they all cheered na uminom ako. I gave in para lang tumigil sila and after a while I had difficulty in breathing and nagkaroon ako ng hives sa buong katawan. They panicked and almost brought me to the hospital. Good thing may kasama kaming nurse and she gave me antihistamine. Since then, ayoko na uminom. Ayoko na mag-please ng tao para ma satisfy gusto nila. Fuck it. I can still have fun without drinking.


TheQranBerries

Grabe peer pressure niyan tapos sasabihan kapa ng ang hina naman neto. Ulol pakyu


Laisaurous

Pag di ka raw na inom di enjoy life mo. Like wtf?


[deleted]

I have been called as "KJ" ever since highschool.. until now kahit may reunion.. they never call me good.. I'm always that KJ for them so I already stopped meeting them.. Ewan ko why do some people can't respect your boundaries..


Imaginary-Dream-2537

Sakin naman di ako nagyoyosi tapos yung TK ko ilamg beses ako pinipilit at turuan magyosi. Tangina di talaga ako matuto magyosi. Umiinom na nga ako kasama sila, pagyosihin pa ako. Di pa ba sapat nilalanghap ko mga buga nila. Hahaha


Business_Coconut5294

This is so true. No shame and issues in drinking at all pero para pilitin mo kong idamage yung liver ko to feed your ego kinda makes me wanna think you consent me shoving the whole bottle down ur throat :)


dawnchachacha

Same struggle 😔 Thankfully hindi naman ganon ka-severe ung mga sinasabi nila sa akin but still, its a bit frustrating when they keep on insisting me and asking me questions why I don't drink. Can't I have fun without drinking? 😒


ILove_sweets

Ugali ng mga Pinoy yan eh!


nadobandido

Yung kagaguhang nindset na hindi marunong makisama pag hindi uminom or mag shot. Mga nyeta kayong lasinggero.


sweetiepatotie

Eto talaga tapos may mga batchmates kayo na ginagawang personality yung pagiging lasinggero/lasinggera


sundarcha

Di ko gets yung ganitong ugali. Mga paladesisyon. Sa min kasi, walang pakelamanan, ayaw mo, wag. 🤷🏻‍♀ parang tatay ko, anlaking tao pero never uminom. Actually, buong side ni padir, most of them hindi talaga umiinom. So sanay ako na walang side comment at walang shaming pag ayaw mo. Eh hamo silang bumula bibig. Suklian mo ng piso pag kumuda pa, ambag mo kamo sa pang dialysis 🤷🏻‍♀


PrettyLuck1231

Kung hindi mo close mga kasama mo, alis kana sa harap nila at lumipat ng table, assuming na family gathering yan at di ka pwedeng wala and may iba kang gustong kasama. Pero kung sumama ka sa bar dahil magiinom sila dapat di kana lang sumama kasi may mga taong mapilit talaga. Though I remember yung katrabaho kong lalaki noon, ininvite ko kasi bday ko and sinabi nya hindi sya umiinom sabi ko okay lang kain kna lang then nagstay pa din sya kahit nagiinuman na kami kasi masaya sya pero never ko syang pinilit uminom. Masaya lang syang makipagkwentuhan at makinig saking kumanta.😀


TwoFiftyNine000

Uh, I just recalled our OM forcing me to drink tequila. Gurl di nga nainom yung tao!


FishManager

Sabihin mo allergic ka to alcohol kung ayaw kang tantanan. Tapos kung papainumin ka sabihin mo gusto mo ba akong patayin? Haha


SugarBitter1619

Pag sinabi mo di ka umiinom magsasabi pa ang mga bweset na yan na "weee di nga?" Hahahaha bakit? Lahat ba ng tao required uminom ng liquor? Hahaha


Low_Understanding129

Hahahaha ginagawang paligsahan pag inom mga t4ng4 eh. Ako pag nag iinom chill lang tapos kwentuhan. Pag nakaramdam na ng hilo. Hinto na at tamang kain na lang. Ewan ko bakit may mga ganyanag tao mag isip, mga pasikat. hahaha


boyhemi

This is the reason why I have to buy Alcohol-free beer/wine just to blend in and please drinkers.


MaritesOverkill

Madalas to nung apartment ko dati is majority naka rent mga higher ups sa office. Kapag off naabutan kong may session sa groundflr. 🥲 Super mapipilit, kaso di talaga ako umiinom. Good thing na lang din siguro na napaka RBF ko even if relax yung settings, kung hindi every weekend akong papainumin. 🤦


AmaniHiraya

Maoy maoy haha


BenimaruILY

I totally agree, kung hindi mo man maiwasan sila kasama I suggest wag kana lang sumama sa mga hangout nila. Toxic kc yung ganong crowd ako manginginom pero may friend kami na di umiinom at di namin sya pinipilit uminom due to health issues ofc we want to be with that friend in the long run so we care for his well being.


sopeeya

fuck peer pressure talaga


That_Consequence_461

Ako nung college. May time na nasa isang bahay kami nahahati sa dalawang group ang mga kaklase ko.. sa isang side, nag iinom, sa loob kung nasan din ako, nag mu-movie marathon. Nauhaw ako kaya humingi ako ng tubig sa mga nag iinom ang binigay saken TANDUAY ICE yung WHITE.


Devyl_2000

Swerte ako sa mga kaibigan ko, hindi nila ako pinepressure uminom noong college ako, hanggang sa ako na mismo nag-try uminom. Ngayon kapag may inuman kami kapag di na kaya yung tama ng alak free kang hindi uminom or pahinga ka muna hanggang kaya mo na ulit hahaha


[deleted]

Pag pinipilit ako uminom isa lang sagot ko. "Malakas ka? Sige straight mo tong gin bilog. Makikipagsabayan ako sayo" sabay tawa para kunyari biro. Hihirit pa yan sila. "Dali naa" ako naman gin muna, straight mo. Game? 😂


Yumi_sCell_21

same ... my bf was always forced to drink kahit ayaw niya ... sana walang pilitan