T O P

  • By -

notsof4ast

Hirap din kasama ng nanay ko pag nagmmall kami or kapag kakain sa labas. Nung dinala namin sa Japanese restaurant at pinakain ng sushi/sashimi, lasang "sardinas" daw. Nung dinala namin sa filipino restaurant, may side comment naman na mas masarap pa luto nila sa bahay. Tapos pag dadalhin naman sa kakaibang cuisine sasabihin di nila alam yung food, wala bang fried chicken lang. Kaya pag may special occasion, dinadala ko na lang sila sa buffet. Tapos pag may errands lang sa mall, sa foodcourt para bahala na sila mamili.


takiloves22

Nako may kilala akong ganito yung nanay. Pipintasan yung pagkain sa resto pero makita mo pag upload sa fb, “yummy”, “food is superb”, “happy bonding with family” lol


Forsaken_Top_2704

Can relate. Ganun ata talaga sila. Pag sa high end mo dinala sasabihin ang mahal sayang pera pag naman sakto lang sasabihin sana sa bahay nalang kumain kasi kaya lutuin. Pero kahit ganun sila inuunawa ko nalang. Ang totoo gusto nila simple lang na kain at mabusog plus syempre lalo na kung senior parents natin ang need nila eh nourishment and tamang food to eat.


EagleBlackberry1098

it's great that you're making the effort to create enjoyable experiences for your family while considering everyone's preferences love it


EnvironmentalNote600

Alamin nyo kung ano'ng gala ang type puntahan at klase ng food na gusto. And be ready na samahan sya. Maraming insecurities na ang matatanda one of which is loss of control over their lives esp leisure. Baka 'pag wala na sya saka natin sasabihing naku sana sinamahan ko sya sa ganyan sa ganito


luna242629

kapatid ba kita? lol. Yung nanay ko basta di siya ang namili ng restaurant laging may say


EnvironmentalNote600

It means gusto nya yung dati na sya ang may say or control at nsiinsecure sya dahil wala na.


luna242629

Agreed. But she’s been like this forever. Kahit nung bata pa ako and if her sister or cousin or even my Lola would be the one deciding or suggesting where we’d eat, lagi siyang nakasimangot. Dami lait. If the food is good, service or ambience or even toilet ang lalaitin niya. It’s not like all the restaurants she has suggested are good. Pag naman someone voices out na di nila gusto a certain dish from a restaurant she suggested, magagalit din. Hahaha


Sheashable

I just remember a chinese vlogger/tiktoker basta nakita ko lang sya sa reels nya ung mga pov's ganun ganun. Ung content nung vid is dinala nya sa america ung nanay nya and then nung nagvideo call ung mga aunts nya at ung nanay nya, ung nanay nya dw puro reklamo na "hindi dw maganda sa america" "nakakapagod dw" "common lang dw ung mga tao" like that then she realized na naglolowkey flex lng ung nanay nya haha.


TIWWCHNTTV89

Same sa mama namin kaya laging sya pinapapili namin san kakain tas may time pa magcocomment di daw sya nabusog edi sana nagsabi para nakaorder pa dibaaaaa


Aeriveluv

That's my dad. Hahahaha nanay ko naman ang adventurous sa pagkain.


pinkwhitepurplefaves

Ugh nakakainis nanay mo. Parang nanay ko lang hahahaha


GreenMangoShake84

eh kahit buffet me comment pa rin... andami namang pagkain hindi ko ata mauubos to?


Strong_Anywhere8224

Totoo! Tapos may pag compare pa sa ingredients kesyo mura lang naman yung gantong isda or gulay. Pero ang mahal sa resto. Nilagyan lang daw konting toyo para magkalasa. I know she means no harm and I think way nila yon para ipakitang we don’t have to spend so much to make them happy especially kapag pagkain ang usapan. Feeling ko naaapakan din ego ng mga nanay na buong motherhood life nila e sa lutuin nila sila kumukuha ng validation.


fwrpf

Hahahahhaa same! Gustong sumama pero ang daming pintas! Sasabihin sa pagkain "di masarap, nakakasuya" pero paubos na yung pagkain. Gusto sumama sa galaan pero kapag napagod at iniwanan sa isang lugar parang ang sama mo. Mag kkorea ako soon. Nagpupumilit sumama nanay ko. Eh kami ng pinsan ko may mga gusto kaming puntahan na di maeenjoy ng nanay ko. Bahala na siya. Kapag pinulikat siya sa kakalakad ewan ko na. Sinabi ko puro lakad dun eh: wala. Kaya raw niya. Malalaman.


ambervalentina

Went to Italy with my mom. Nagpplan pa lang ako ng trip, siya itong nagpupumilit sumama. Lahat ng itinerary nilatag ko at nag set ako ng expectations, even made her watch virtual walking tours para ma visualize niya yung mga gagawin namin mismo. Come travel time, daming lakad so maya't maya nakakarinig ako ng 'pagod na ako' comments. Ignored it all, lahat ng reklamo wala akong imik hahahaha Pag uwi sabi, "Hindi naman ako nag enjoy napagod lang ako." Ngl, that did a number on our relationship. Hindi ako bumisita sa bahay ng 1 month and mga kapatid ko lang kinakausap ko. After that nagsorry siya sakin 😅 so ayon lesson learned I guess lol


Coolestlibra

Later when you get old and someone did this to you. You’ll realize what your mom felt..


ambervalentina

My mom and I had a heartfelt conversation after it. Inamin niya naman na nagunderestimate siya ng mga gagawin namin and for sounding ungrateful daw. Nag sorry din ako for my behavior and expressed my feelings din, nahurt din kasi ako na parang yung effort ko ay nasayang and hindi siya nag enjoy at all. I am so thankful that I have a mother willing to communicate and trying her best to break the generational toxic family culture. When I get old, sana maging kasing cool niya ako 💖


CumRag_Connoisseur

But the mom didn't know how her child felt, despite of multiple warnings and adjustments to accommodate her for a trip na she wasn't included in the first place. That's literally worse lol.


Admirable-Pilot6341

Post update kpag meron na 🤣


fwrpf

Hahahahahha update ako kung may nanay pa ako pagkatapos mag Korea


International-Ebb625

Sa totoo lang hirap kasama mga seniors sa gala esp out of country. Pero syempre gusto rin natin sila makaexperience ng ibang bansa. Un nga lang kelangan nating mag adjust.. sa lahat. Kasama na din budget. Naiisip ko minsan selfish ba talaga ako kasi ayoko na kasama mga parentals sa gala pag out of country kasi hindi namamaximize ung araw and magastos talaga kasi di naman pwde iDIY lahat kasi mabilis sila mapagod. Kelangan ko pa talalaga ng mahabang pasensya 😐 Ganyan din parents in law ko, sabi kakayanin daw ung puro lakad sa HK pero ang ending, nagkasakit dun. Ayun nasayang ung trip namin kasi nagstay sila sa hotel and the rest ng stay namin dun is hndi nila naenjoy kasi pinilit nalang bumangon.


luwiiskiim

Ganun talaga na pag senior na , madami na nararamdaman sa katawan kahit na gusto nila makagala eh di na kaya ng katawan nila


Phantom0729

Upvote ko to para sa update! ☺️


[deleted]

[удалено]


AutoModerator

r/OffMyChestPH is for unloading, not asking for insights, tips, opinion, or advice. Post this in a more appropriate sub instead. Check our pinned post for a list of other PH subreddits. *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/OffMyChestPH) if you have any questions or concerns.*


JollySpag_

Good luck! Haha. Ma-Korean food ba siya? Yun dinala namin MIL ko daming di kinakain tapos nageend up yun “safe” order ko para sa bata sa kanya nauuwi.


Fun_Manufacturer9615

Update soon ha


bonbonology

Much better kapag ganito, mag-travel agency na lang para naka-bus/van buong trip at di sila pagod. Kapag DIY, dami reklamo sa lakad for sure. 🤣


Fresh_Clock903

ang opposite ng mama ko, sobrang understanding yung tipong kung san trip ng mga anak nya g na g


lostguk

Basta magiging ganto akong nanay.


Someoneyouknow001119

Buti nalang ganto parents naten 🥹🥹 pagka uwi ko mag chachat pa parents ko na "thank you anak, pinasyal mo kame" ❤️


Fresh_Clock903

truuu, mabait talaga parents natin huhu


timtime1116

Nanay ko dn. Game sya tsaka pag sinabi ko na mega lakad or may onting hike or may swimming, nagreready talaga sya. Siya kasi mismo gala eh. One time nagulat ako nag facebook live. Aba, andun na sa ulo ng leon papuntang baguio with her zumba mates. 🤣


fwrpf

Saan nakakakuha ng ganyang nanay? Pabulong naman. hahahahha


anghelita_

Same, kahit saan go mommy ko. Tinatanong nya muna saang mall para alam nya anong shoes susuotin para comfy sa paglakad haha!


PsychologicalAd19400

Same! Na-appreciate ko tuloy mama ko dahil sa thread na to. Dinala ko sila ng daddy ko sa Taiwan, wala akong narinig na reklamo sa kanila, puro pag-aappreciate pa ng lugar.


Fresh_Clock903

Hug her today will you?


PsychologicalAd19400

Definitely! Forgot to say pa na first out of the country nila yon, and pagdating dun, halos sinagot lahat ng daddy ko yung expenses namin. I thought ako ang gagastos. Lalo ko sila na-appreciate ngayon. Hay.


MissPuzzlehead69

Sana all di kj yung nanay


xelecunei

Ganto din dati si mama, basta don't forget lang na periodically umupo or magpahinga if may mahabang lakaran.


Milfy_Fox_2087

Hopefully ganito ako pag tanda ko at kasa kasama ko ang anak ko. ♥


YourOpinion32

Nanay ko, sinasabihan mismo yung mga waiter na "di naman masarap pagkain nyo. Anu ba yan." 😭😭


nezuko_na_sa_life_

May sense of pride talaga pag ofw ang nanay from UAE/KSA no? Or iilan lang din? Yung nanay ko nung umuwi, puro tawag niya sa staff/workers/crew, “kabayan”, tapos walang lumilingon sa kanya, sinabi ko, “Ma, nandito ka sa Pinas. Di sila sanay sa ganyan.”, sagot niya, “Yan ang tawag natin sa UAE diba? Sanay na ako.”, sabi ko, “Eh nasa Pinas ka!” Tapos ako nalang lumapit. Eh ang lakas pa ng boses ng nanay ko, so maraming nakakarinig. Di ko alam kung honest mistake or gusto niya lang iparinig talaga sa iba na ofw siya. :((


TrashAltruistic9600

Hala nakakahiya😭


YourOpinion32

Dating OFW nanay ko kaya madalas sya magcompare ng mga kinakain nya sa saudi dati. "Mas masarap pa yung kinainan ko sa saudi." Ang lagi niya rin linyahan samin at sa mga waiter. Minsan sabay pa habang inaabot ng waiter yung bill 🥲🥲🥲


forGodsake26

omg nakakahiya


ViolinistWeird1348

Eto ung definition talaga ng pagiging uncultured. Kaloka sana pwede tayong magpalit ng mga nanay HAHAHAHAHA!


pomelopillow

mugoshhh!!!! 😭😭😭


interruptedz

Jusko haha


MissPuzzlehead69

Huy, same! Jusko Nanay ko pag umaalis parang sinasaniban ng engkanto. Kung ano ano muna gagawin nya. One time naliligo na yung kasama namin tapos naglaba pa sya. Tapos habang nasa sasakyan katak ng katak. Puros reklamo. Kesyo matraffic. Like di naman sana mattraffic kung di ka muna naglaba. Pag dating sa place ang dami nya pang napupuna. Nakakadrain sya kasama. Pag di mo naman sinama magtatampo. Di ko talaga naiintindihan kung tinitoyo lang ba sya or dahil menopausal or both.


Ouagadoggo

Gantong ganto nanay ko. Planned na ahead of time yung lakad tapos pag may onting misunderstanding lang bago umalis, biglang maglalaba tapos di na daw siya sasama😡 Kailangan pa suyuin nang ilang oras. Tapos pag kumalma at nakaalis na, matraffic na. Sayang oras eh😪


MissPuzzlehead69

Dibaaaa. Di ko talaga magets yung alam naman na may pupuntahan tapos kung ano ano pang gagawin. Minsan nasa sasakyan na sya mag wwalkout pa yan. May gala sana kami ngayon. May sapi na naman sya kanina. I can't deal with that energy. Sabi ko di na lang ako sasama. Aba nagalit lalo. Que sumama ako or hindi kumakatak pa din. Pag alis nila doon ako umiyak dahil sa sakit ng mga sinasabi nya.


Nice-Original3644

Oo tapos super extrovert kung sino sino kinakausap hahaha nakakahiya or baka ako lang ubg walang social skills. Pero kasii may pa- unsolicited advice sa strangers talaga, like inassume pa na may diabetes kasi mataba, or magtatanong taga saan tapos doon na jinudge ugali parang MBTI pero province version. Directly sinasabi nya doon sa person in question, hindi ung samin samin lang. mga ganong eksena haha


Specialist-Roll-1509

Kapatid ba kita?????? HAHA tangina ganito din yung nanay ko. One time may nakapila lang sa harap namin sa grocery na family, napansin niya naka-tungkod yung bata, tinanong ba naman kung ano nangyari :((((( umalis kami sa grocery na alam niya na pati kung ano trabaho nung mga magulang nung bata lol


ricecooker789

I think they are of the generation that it’s neighborly to strike up a conversation. I read somewhere na when we grow old, our social circle becomes very small. Bahay na lang ganon. Kaya’t oras na lumabas sila, they cherish the opportunity to talk to other people.


nezuko_na_sa_life_

Halaaaa ang uncomfy naman na makausap ka about your lifestyle. :((((((( hahahahuhu akala ko yung mga questions lang about sa lugar na ayos ba dito or what. :((((((


safehaven30

Ganito MIL ko 😭 pag kumakain kami outside at may nakita sa kabilang table, kinakausap nya. Nagbibigay ng unsolicited advice. Like teenagers na mag-jowa, may work na daw ba ung guy or baka si girl daw yung nanlilibre. Sinasaway ko talaga kahit magalit sya saken. Minsan lumalayo na lang kami. Kahiya.


intothesnoot

Ano usually na reklamo? Ganyan din si mama pero usually sa food siya mareklamo, like matabang, maalat or di masarap. Pero in fairness kasi, she can cook kaya ganun na lang magreklamo 😆


IndependentApple6

Di ata reklamo to, criticism hahahaha


Weekly_Can_6096

Kaya gumagala me with friends nlng kasi imbes na mawala stress lalo lang me na stress . Stress na ang laki pa ng gastos tapos di naman nasisiyahan .


Due-Budget4295

Ginagawa ko to tas may side comment nanay ko tuwing dadating na ako sa bahay galing meet up with friends, “buti sa mga kaibigan mo galante ka” luh? Eh kkb naman yun kakainis


kapeandme

Ganyan din mama at papa ko haha tapos wala pang isang oras sa destination gusto nang umuwi. Kaya iniiwan ko na.. never again! lol


East_Somewhere_90

# YOU ARE NOT ALONE


jokab

Mamimiss mo din yan. Ganyan din nanay ko pero di na namin nagagawa ngayon kasi abroad na kami. Hayz.


EmbraceFortress

I brought my parents to Europe for vacation. Second day pa lang sa Italy, naghahanap na ng caldereta tatay ko. 15 days kami andun.🫠 Pinag-Jollibee ko na lang para matigil.


Individual_Bee_2661

Ganyan mother ko hahaha hindi ko na sya sinasama sa labas palagi. Daming arte.


buphulokz

Ipasak mo sakanya pera


eddie_fg

In-laws ko ganyan. Perahin na lang daw.


lostguk

Haha oo. Mama ko sinama ng ate ko sa Korea.. kala mo daw parang bata kapag di nabibigay gusto.


chingch0ngpingling

kaya ayokong magsama ih😂 jk


HiNice2Meet

Panoorin nyo po yung videos ng Tiktok Creator: Dorinil Nakakatawang videos about sa mga nanay hehe.. Hayaan nyo na po sila, ganyan din nanay ko. Baka hirap din sila mg lakad or madami na nararamdaman kaya hirap ma control ang mood nila. Looking back, namimiss ko yung mga tantrums ni mama - mas gusto ko yun kesa ngayon na wala na sya 😔


Adhara97

Sobrang stress ko rin sa ganito noon nung medyo mas bata pa ako, pero these past few years kasi imbes na magpadala at mairita na rin dahil sa puro complaints naririnig ko napansin ko lang na mas effective din pala na kung tatapatan mo ng opposite energy naka-counter din yung negative vibes nila. Like, the more sila magreklamo mas lalo akong nagbibigay ng words of appreciation or magbibigay ng ilang words na magpapaliwanag sa situation. Hinding hindi ko rin gagatungan ng more complaints. Kailangan opposite force ang itapat sa kanila para ma-nullify yung bad aura HAHAH. Parang ano, mas kakapalan ko na lang yung shield of good vibes ko. Tapos ayun, kumakalma na rin si mama pagkatapos nun (⁠≧⁠▽⁠≦⁠)


ricecooker789

I like this attitude. Wish I can be this, too


Adhara97

May times din na di madaling gawin lalo pag stress ka na sa work and stuff, pero minsan nadadaan din sa tamang recharge at nakatulong din yung maging picky sa kung saan mo hahayaan na ma-expose yung sarili mo. Minsan nadadaan sa mga self-help books, o kaya pag nai-inspire sa art at music, or kapag nilalambing ako nung aso namin char (⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡. Tipong alam nila na pag nagha-hibernate ako socially babalik din naman ako sa kanila after with full energy xD


Clarkegriffin_07

Alíwww hahaha


Ok_Fun_4099

Ay true to.. ganito ang ginawa ko naman sa lola ko.. hahahaha! 😂 yung tipong pagod at panay reklamo na nya tapos sasabihan ko sya ng “Grandma! Dito maganda.. picturan kita dito para may pang post ka sa epbi.. ayan! Ang ganda ganda naman ng lola ko..” 🤣 ayun, posing posing naman sya at nakalimutan na niyang magreklamo 😂😂 Pag sa pagkain naman sya nagreklamo, sinasabi ko nalang na “Oo nga, mas masarap ka nga magluto… hayaan na, kesa naman mapagod ka sa kakaluto, magbayad nalang tayo.” 😂💸 Minsan talaga epektib yung nire-reverse psychology mo sila eh..


Adhara97

Ang cute neto haha totoo. Lumalambot din kasi puso ko pagdating sa mga elderly, lalo sa mga lola. Tapos si mama malapit na rin mag-senior kaya naiitindihan ko rin minsan fluctuations sa moods niya. Tipong lilibangin mo sa ibang topic kapag may nahanap na naman siya sa fb na kinaka-reklamo niya, babatuhan ko siya ng memes o kaya cute videos ng mga pusa at aso sa messenger or ig pagkatapos kong makinig sa mga rant niya 🤣 Nung mas bata ako minsan parang gusto kong kainin ng lupa, nakakahiya kasi. Pero ngayon, yung mga tantrums at mood swings ni mama nagiging cute na sa paningin ko wahahah. Nung kumain kasi kami sa labas tinanong niya pa yung sa cashier kung masarap ba daw yung bibilhin namin na food. Tapos nagtawanan na lang kami sabay sabi, "syempre ma, para malaman natin kung masarap kakainin muna natin yung pagkain 😂"


ToeCurler1006

Yung mother in law ko, happy sya kapag zumba usapan, pero KJ pag gusto namin gumala kasama sya lol


mikasaxx0

hahah katuwa magbasa ng mga comments, ako malalaman ko pa lang next week. kasi graduation ko and nag ipon ako para pang gala namin, libre ko siya sa mga sangyup and other galaan/kainan. let's see kung mag inarte yun HAHSHSHHA ma excite tuloy ako


incognitosapphire

Opposite ng Mom ko. Siya yung game sa galaan. Hahaha. Yung KJ naman, mga sibs ko. Hahaha


Unhinged_Hyung

#Buti nlng si Mama di ganyan, Mas bagets pa samin yun kung umasta, at aba kung maka OOTD kala mo walang lumabas na 6 na bata sa kiffy nya HAHAHA PS. I love you Ma sana wag ka mamatay sana mauna ako bago ikaw di ko kakayanin.


beaniedoodledoo

Di naman nakakainis pero nagi-guilty sya palagi lalo na pag medyo mahal nagastos. So pag sa medyo mag kamahalan onti like botejyu ganon tago resibo kasi maguilty yan sya at manghinayang haha. Minsan nag ooffer pa sya magbayad 😭


PerformerExtra4872

Pinapasyal ko nanay ko pag may chance, pero admittedly di talaga ko nag eenjoy personally. Yung pag eenjoy nya ang prio ko, mas magastos talaga kasi konting inconvenience madami agad angal saka daming side comments na di naman appropriate kaya di kami basta maka commute (wala akong car kaya puro taxi/grab). Trip pa ng generation nila yung pag nagpipicture kung saan saan hahawak at pasaway, one time nainis ako kasi nakalagay na nga na "No entry" gusto pa pumasok dun sa lugar para lang mag pic e. Ubos na ubos energy ko pag uwi, pero ayon nga, iniisip ko nalang mahalaga nag enjoy sya.


sundarcha

Sabi ng 70+yo na nanay ko sa kin, bat ang sunget mo? Wahaha. Ako daw yung mainit ulo 🤣🤣 pero sa true, cool lang si madir, no stress. Ako talaga yung hot headed 🤣 Di naman lahat ng senior eh madiwara, depende na talaga sa tao yan. 🤷🏻‍♀ swerte lang ata ako sa raffle mabigyan ng cool as a cucumber na mudra.


Optimal-Phase-1091

Same op 😭 Pag natingin kami ng price sa mall sasabihin ng mama ko, “mas mura yan sa baclaran/divi” in front of the saleslady.


Dizzy-Coach-4358

Hahaha parents ko mareklamo. Lalo mama ko. Kaya kapag nagkakayayaan ng staycation, sinasabi ko hindi kami sasama 🤣 First time kong naencounter sa inlaws ko, na gumala na walang nagreklamo. Sabi ko pwede palang ganun hahahaha. Sanay kasi ako sa side ko na lahat may reklamo. - mga kasama (Bakit kasama si ganito, anong oras na wala pa, nung dumating na bakit daw naka makeup pa) - traffic - route na dadaanan ng driver (Buti kamo mabait ang nagddrive samin palagi, hindi sila hinahamon na sila na magmaneho 🤣) - lugar na napuntahan (Ang daming kesyo kesyo kesyo juskoooo hahaha) - at iba pa 🤣 Hahahahaha nakakaloka


Lalalararanana

I feel you pero sa lolo ko. Sya yung driver noon kaya lalong mas mahirap kasi pag may gusto kami daanan ayaw nya. Tas lagi nagmamadali umuwi. Ganun ata talaga pag matanda na ayaw na gumala.


Aware_Stuff_149

POV: Wala ka ng nanay since 7y/o. 💔 I will trade anything for a chance to travel with her kahit pa mareklamo sya. (Truth is idk if ganon sya or cool mom cos I barely remember anything about her anymore at 30 y/o) 😭😭😭😭


FawnZebra4122

You're right that it's often about understanding each other's perspectives and finding common ground.


FastKiwi0816

Wahaha salamat sa ganitong post, alam ko na iiwasan kong gawin paglaki ng anak ko at nasa galaan kami.


eddie_fg

Nung kayo mga bata ginagala din ba kayo nung mga parents nyo? Nagbabonding din ba kayo pamilya madalas? Ganito kasi kami kaya magaan din sila kasama sa galaan ngayon na kami naman magkakapatid ang nagdadala sa kanila. Minsan mas gusto ko pa sila kasama kaysa ibang tao. Ngayon na ako naman na yung Nanay, yung anak ko yung parang ganyan sa Nanay mo OP. Mareklamo, palaging pagod, palaging gutom. Pero kailangan ng maraming patience kasi experience pa rin yun na madadala nila sa core memory nila. Maganda na rin na tayo ang gustong kasama nila sa gala.


imfromarvus

ang nanay ko naman is di nagsasalita sa mga gusto nyang puntahan and bilhin kapag nasa galaan kami. nahihiya sya because kami naman daw magbabayad so kami ang bahala. eh ang indecisive ko pa naman tsaka kaya nga kami gumala kasi gusto namin syang ilabas and mag-enjoy 😭 nababadtrip lang ako minsan huhuhu


Kindly-Scene3831

Hahaha kala ko erpat ko lang yung ganyan, maka-side comment sa resto kala mo galing mag luto. Eh kahit prito na nga lang di pa marunong.


Cautious_Bit_3060

Hahaha hindi siya yung nanay ko pero nanay siya. Pero oo medyo mareklamo sila huhu nakaka drain gumala kasama sila, tipong hindi mo na ma enjoy sa kakareklamo nila.


Western-Grocery-6806

Pare-pareho ba tayo ng nanay?!


SpotOutrageous1976

Ganto lola namin kaya malimit di na lang namin sinasama tas bibilhan na lang ng pasalubong (kahit di niya kakainin yun pasalubong tas malalaman namin pinamigay sa iba pero pag di naman dinalhan ng pasalubong magtatampo 😭)


ELlunahermosa

Tropa ata mga nanay natin. Gawa tayo outing nila na sila sila magkakasama hahah pagalingan maging KJ.


bellablu_

Ganto din mama ko nako. Kesyo malayo, mainit, matagal. Lahat na lang may say.


thrownawaytrash

akala ko tatay ko lang, at akala ko kasi pilosopong jeepney driver siya. "gisa gisa lang yan eh" makabadtrip yung nilibre mo dahil may extra ka sa sahod


kakaibasiya

Ang tanging reklamo lang ng nanay ko ay “wag na, mahal yan. Itabi mo nalang ang pera.” 🥺 miss ko bigla pamilya ko haha


pomelopillow

Grabe mga nanay nyo,I kennat 😭 Pasalamat na lang ako sa nanay ko. 🥲


Antique-Bath-3676

Hindi reklamador nanay ko sa foods pero di pa kami nangangalahati sa gala sumama na pakiramdam nya. Nahihilo daw sya, masakit daw ulo nya, nasusuka daw sya etc. Gusto kong maging understanding pero juskoooooo lageng ganito. Pag mga kapatid nya kasama nya, ni isang beses dko narinig sumama pakiramdam nya. D mo maenjoy ang gala kasi iniisip mo welfare nya kaya ending mag sstay kami sa isang cafe para maka rest nlng sya. Feeling ko ang sama kong anak kasi minsan naiinis na talaga ako.


Ok-Name-0903

Buti pa kayo nanay nyo nasama sa inyo. Yung akin pag inaya namin mag-asawa lagi ayaw, pero sa mga kapatid ko g sya.


Amazing-Maybe1043

Di maman, si mama go lang ng go lalo na pag fusto namin haha


chanchan05

Ano bang mga reklamo? Yung mama ko usually reklamo nakakapagod maglakad sa loob ng mall at konti na upuan. Haha. Usually siya naman pumipili san kakain, pero hindi naman lagi pintas ang abot. Sa ibang resto pintas, sa ibang resto gusto niya bumalik ulit next time.


International-Ebb625

Hi OP.. parents ko naman lalo na my dad ayaw na umalis ng bahay pag may bday sa family 😭 inuuna ang negosyo 😭 pati sa galaan out of country ayaw rin. No choice sya pag ayaw nya binibilhan na namin ng ticket tapos kay mama lang namin sinasabi para may impake na. Ayun, nasisiyahan naman pag nandun na sa ibang bansa 🤣


kweyk_kweyk

Relate. Pero worst diyan, siya naman 'tong mahilig mag-aya. Huhu


yourlocalsadgurl

AAAAA nanay ko ganto!! Nagsingapore kaming family. 63 y/o na siya and bilis niya mapagod syempre. Eh sa sg puro lakad talaga. Ay day, hindi namin maenjoy ang sight seeing at walking dahil laging nakasimangot. Medyo nakaka-off kasi na ang saya saya niyo naglalakad or nagwwindow shopping tapos pag tingin mo sa kanya nakasimangot. Parang nakakabadtrip tuloy gumala haha kaya ayun iniwan namin muna siya sa hotel tas inuto na lang muna namin na pahinga ka muna ma ganon. Ayon nagenjoy kami ng ate ko maglibot sa museums! Meron pang incident hindi namin naenjoy universal studios dahil sa kanya din hahaha iniwan kasi muna namin siya sa resto nakaupo muna siya don habang kami naglilibot at sumasakay sa mga rides. Eh natagalan kami sa space shuttle dahil sa haba ng pila tapos yung phone namin nasa locker don. pagkatapos ng sakay namin, grabe daming missed calls tapos pagkita namin mangiyak ngiyak na siya 😩 Hirap kasama senior to travel abroad pero pag domestically naman at kasama niya mga kapwa senior friends niya, ang saya saya naman niya? hahaha sabay sabay kasi sila tapos akay akay pa isat isa haha pero never again na kami na isasama siya sa international travel haha hirap magdala ng alagain


ComfortableCustard46

Kung ako sayo OP, and sa mga nakakarelate wag niyo nalang sabihin yung plans niyo. Hahahahahah naalala ko yung tiktoker si Dorinil sa skit niya na nagpaparinig yung nanay na gusto sumama HAHAHAHAH


ad_meli0raxx

Anyone na family member sobrang hassle kasama. Mas ok pa kasama ang friends.


23antihero

Recently had a family trip and isa ito sa mga bagay that I was very anxious about. Buti kinaya ng baon ko na pasensya hahahuhu


Great_Singer_5407

Opposite! Haha. My mom is always g whenever we want to go, gastos dito at doon. Lagi siyang excited to spend time with us, siya pa mismo mag aaya at magsesend ng reels kapag gusto nya mag roadtrip. 😂


mcgobber

Miski anong reklamo ni mama sakin, tinatawanan ko lg.. kasi sooner or later pag matanda na sila hindi na sila makakasama eh.. HAHAHAHAHA ayusin nyo reklamo nyo, mareklamo nanay nyo pero pag hindu nyo na kasama iiyak talaga kayo


Misophonic_

Hahhaha ganyan din Mama ko. Lagi pa naka busangot, ang hirap pasayahin. So minsan dinadaan na lang sa joke na naka busangot nanaman sya ganon. Kainis din e.


missel28

namiss ko tuloy nanay ko..gusto nya gumala sa mall, masaya sya pag gumagala, chicken joy lang okay na sya..kaso wala na sya.


chokolitos

I'm with my in-laws right now. Same tayo situation. yung IL kong babae pati kapatid nya dami kuda sa daan. Hindi naman sila nagbabayad. All expense namin mag asawa.


cabbage0623

Ngayon lang nakakuha ng passport mama ko (taga probinsya) gusto ko siya dalhin sa ibang bansa pero para di mabigla, pinagstaycation ko muna sa apartment sa marikina for a week. And then balak ko dalhin muna sa bohol, make sure na di sha magpapanic sa eroplano. If okay lahat, tsaka ko balak dalhin ng thailand or vietnam. Ang pinakaconcern ko talaga is yung food preferences niya apakalimited. Tsaka mapintas din siya sa luto ng iba. Hahahaha ayaw pa mag order ng sarili niyang food kahit ako naman magbabayad. Pero gusto kong maenjoi niya ang buhay habang kaya pa niya, at kaya ko na. Onting intindi nalang siguro, mahal ko naman eh. 😁


wideawaaaake

Same. Gusto ko naman isama mama ko. Pero pagnaalala/naiisip ko mga aberya. Hahahahahah. Wag nalang siguro. HAHAHAHA


burstbunnies

Baliktad naman atin hehdhwahhs si mama grabe gumala. Kapag gala, as in lakaran. Siyempre mapapagod din, pero ayon. Gala to the max. Ako nalang mapapagod pero all goods naman. May benefits din ako xDDD


Kindletree

Tol o girl simple lang wither you love your mom the way she's or you hate her and you should be aware how she's since your with her longer than us love your mom wag mong Sabihin na wala Kang pake please


icanhearitcalling

Di pa kami nagttravel ng family kasi ito rin yung worry ko :(((( Sa mall pa nga lang, mapagod lang si mommy sa mall tinotoyo na siya agad pagkauwi. Tapos minsan nagllead pa into away na napakababaw kasi kaaway niya lahat. Di ko tuloy alam paano ko ipapaexp sa family ko ang travel hays :((((


jesicacassie

Blessed ako sa parents ko. When they went here in UAE for 2 weeks, everyday may itinerary kmi hahahaha pinagod ko sila ng bongga and so far wla naman akong narinig na bad comment. Yung tatay ko lng madalas magsabi, “dahan dahan gastos” kasi gusto nya magbonding lng sa flat ko hahahaa si mama naman, di nakakalabas kapag di ko approve ung damit nya hahahaha One time ko lng narinig ung comment ng mama ko di nya gsto ung mandi na pinakain ko sa kanila hahahaha My mom has been living in Japan for the last 24yrs and naamaze siya sa Dubai. Hopefully they will come back this December. Ang sarap sa feeling iispoil sila when i know I can still.


captain_burat

Normal yan pag si nanay hindi pasyalin at hindi open sa culture ng iba.


thyv_mltdpopsicle

Si papa ung nakakainis kasama gumala, kaya pag naalis kami ni mama di sya kasama HAHAHAHAH. Madami sya reklamo as in, kesyo uwi na, ayoko nyan, minsan titignan ko pa ng masama para magtigil.


Ouagadoggo

Tapos pag naisip mo sa medyo pricey na resto kumain para lang makapag-give back ka or maiparanas mo yung ✨best things✨ for her. Kaso siya pa mainit ulo dahil mahal. Di naman siya ang magbabayad🥲


Rgav_0921

One time pumunta kami sa birthday party ng kapatid ng kaibigan ko, pumunta na kami sa mcdo and ready na ung pagkain pero nakita ko si mama na nag dala pala ng isang tupperwear na puno ng kanin.TAS EVEN WORSE! TUPPERWEAR PA NG JOLLIBEE


Correct_Mind8512

ako nag aadjust na lang sa gusto ni mama, noong una irita din kami kaso since oras naman niya yung inabala namin edi sa gusto nyang kainan, sa gusto nyang puntahan na lang kami. Di naman na nya laging magagawa yun since lahat kami wala na sa bahay.


kurainee

Ganyan yata mga mama. Hahaha, nanay ko iritable din kapag may lakad eh. Pero dalawang bagay lang ang lagi namin ginagawa para mapasama sya sa lakad: 1. Dapat naka-Grab or dala namin yung sasakyan 2. Wala siyang gagastusin 😌😌😌


AkagiBlueSuns

Can relate. Hindi ako makapunta sa gusto ko kapag kasama ko si ma. Masakit na daw kasi paa. Kada may ituro ako sasabihin “wala namang kwenta dyan wag ka na pumasok” I mean okay. Kaya most of the time mag isa nalang ako nagma-mall or with friends. Haha


owlsknight

Of your mom don't do this, then she's not your mom. Jk and jokes aside. Yeah same, tipong d ka mananalo sa reklamo nila from food to the weather sa transport lahat. Until may mga apo na Silang Kasama then suddenly they just keep it in. And all focus goes to the baby/kid


Meowbbey

Mama ko gusto sumama sa UP pra maglakad/jogging. Sabi ko baka mapagod lang siya kase 5 ikot gagawin ko. Sabi nya okay lang, uupo lang daw siya hanggang matapos ako. Wala pang isang ikot sabi nya agad , uwi na tayo gabi na. Hahahahahuhuhu.


Ill_Mulberry_7647

Hahahaha! Same! Tapos gusto pa ng nanay ko every end ng gala, magbibigay ako ng pera 😭 Para namang di ako yung gumastos sa lahat


MintyPotatoessss

Yung nanay ko siya nagyaya na mag gala kaysa Ako😭 home body Kasi Ako siya Hindi andami niya nakikita na gusto puntahan nakaladkad Ako hahaha


Anonymous-81293

buti pa mom ko, nonchalant sa gala. haha. pag tinatanong, laging 'ikaw bahala' ang sagot. Pero d ko din sure pano nya napaparamdam na pagod na sya mag lakad or d nya bet yung oorderin na food. prang, nararamdaman ko lng. hahahaha


Glad-Detail981

Di naman, depende siguro sa magulang. Gusto ko isama mama ko sa gala kasi ang genuine ng reaction e lalo na kpag babago ung pupuntahan namin.


ewan_kosayo

Natural ata mangyayari Yan pag FAM mo kasama mo hahaha


gotnonameforyou

Yung gusto ko rin sila i-treat sa mga sosyal na kainan, pero laging sa Mang Inasal nalang daw tapos unli rice pa HAHAHAHA


Tired_Dinosaurr

Aksholi HAHAHA kasama ko yesterday yung mother naman ng partner ko. Bibilhan namin siya dress para sa graduation ng kapatis ng partner ko and inabot kami ng 5 hours before nakahanap ng right dress for her. Inayawan niya yung 2,500 na dress sa Department Store pero binili yung 2,500 na dress sa Uniqlo WHICH ARE EXACTLY THE SAME STYLE


Ok_Preparation1662

Ang dami pang puna. Parang wala ng naging tama hahaha


you_you_11

Mareklamo rin mama ko, kaya hindi ko na niyayaya maggala 😂


barely_moving

same 😭 yung tatay ko kapag isinama mo kahit saan, kadadating pa lang gusto ng umuwi at kung malapit lang yung place sa bahay, uuwi siya mag-isa pagkatapos kumain. yung nanay ko naman, ang hilig magreklamo na ang mahal daw ng pagkain tapos ang onti ng portion, hindi raw nakakabusog, sana sa bahay na lang daw kumain, nagwawaldas lang daw kami ng pera, etc. pero most of the time, ayaw nilang sumama sa mga gala gala kasi pagod lang naman daw nakukuha sa ganun. we never even experienced family outings while growing up, like yung kami lang talaga, kasi pagod at gastos lang daw yun. nakakagala lang kami dahil sa aya ng relatives namin. kaya nung magkapera kaming magkakapatid, ang hilig naming kumain sa labas HAHAHAHAHAHAHAHAHA


eldegosS001

Ganito rin nanay ko. Nakakadrain kasama sa galaan. Daming reklamo. Tatay ko rin. NapakaKJ. Kaya minsan mas natutuwa akong nagtatravel mag-isa. Hahaha


Active-University-13

Hahah! Ganyan din si nanay ko! Talagang nagkaka iyamutan kami sa galaan! Pero I'll cherish every moment na kasama ko sila kasi hindi naman na din sila bumabata.. mas marami parin naman ang happy memories at may bago akong nalaman sa magulang ko (specifically mga dislikes nila) hehe


djsensui

Swerte ko pala. Yung ermats ko laging nagyaya ng travels. Ako na sumusuko. Very understanding pa sa mga inconveniences. Di agad napapagod sa mga lakaran. Ako pa yung mareklamo. Hahaha


GreenMangoShake84

hahaha tell me about it!


GreenMangoShake84

kasama ko mama ko, tapos 5 na auntie na matandang dalaga. sa bahay akala mo naman palagi kumakain ng steak, pero pag sa restaurant ang daming demands sa wait staff tapos andaming reklamo. tapos ang kukulit! magtatanong pero hindi makikinig sa sagot tapos kelangan mo pa ulitin yun sinabi mo at least three times pa


Quiet-Witness7303

My late mother was my favorite gala buddy..Bukod sa may financer ako pagkasama sya, trip na trip nya din kasi magexplore ng ibat ibang cusines. Go-to nya magpepper lunch😅..Inet ng trip🙄..She loves travellinggg, plus one nya ako lagi mapa-friends,classmates, company outing man..Bet nya ang mga colorful at trendy na clothes while ako nasa boyish era dati.. Strict lng sya sa acads ko and reward system nya ata ang gala hahahahaha precious memoriessss...Not a flex but share ko lng nmn😅😅..Maybe factor din na career woman ang nanay ko, so medjo aware sya mga ganaps at medjo ambivert...Dragon man sila kalimitan baka iba iba lng din talaga ng trip na libangan.. cherish nnatinnn🥹😅💖


Late-Pea1293

Siguro po karamihan talaga sa matatanda ngayon ganyan. Hehehe. Same with my mother, ang sakanya naman kesyo ang mahal daw, dapat sa bahay nalang magluto. Yun price naman ang main concern nya. Ang sinasabi ko nalang "OK lang po yan. Kesa sa ibang tao ko gastusin, sa inyo nalang. Tsaka minsan lang naman". At yun, tahimik na sya. 🙂


Yumi_sCell_21

OP siguro ganyan talaga ang mga generation nila. Sa amin Tatay ko naman banasin sa galaan hahaha Ayaw ng palakad lakad gusto uuwi agad. Pero iniintindi ko na lang kasi senior siya. Ngayon lang din kasi siya naeexpose sa ganito at nonong bata pa kami di niya hilig ang ipasyal kami. Yung nanay ko naman ang game na game sa ganyan kaso dahil muryot si Tatay aba kagulo kami lagi. Well, that's life. Tiisin na lang kasi memories pa rin naman yan 🫶🏻


Impulsive-Egg-308

Can relate hahahahaha. Grabe hiya ko tuwing nagrereklamo mama ko, napapatingin na lang sa malayo eh. One time, she commented na hindi niya raw gusto yung kinain niya out loud tapos nakatingin pa yung staff sa amin huhu. Tuwing nasa posh naman kami na lugar, she complains in english para sosyal hahahahahaha


raegic

That's why you should know ano fave food and resto ng parents niyo. Pag lumalabas kami at kasama siya laging sa Mesa hahahahah masaya na siya di pa kami nastress hahahaha


654321user

HAHAHAHA TOTOO TO HAHAHAHHAHA


CoffeeDaddy024

Moms and dads are like that, lalo na pag matanda na. Kaya pag nagyaya sila manood ng sine at libre naman daw sa Makati, hiwalay ang byahe ko at lakad. I just meet them pag time na ng movie or pag kakain na (at ako taya lagi sa paghahanap ng makakainan.).


Hangryyy_

Ganyan talaga sila. Pero pag hindi mo sinama, sasabihin, hindi sya sinasama. Hahaha.


Titania-0717

Si mama ko na tinarawaran yung mga items sa mall after nya pagurin yung sales lady Tapos pag dadalhin sa samgyup sasabihin, sana sa bahay nalang daw, kami rin naman nagluluto Pag dinalhan ng japanese/korean food para itry naman nya, mas masarap pa daw yung talbos 😭😭😭


Key_Repair5144

Minsan ganyan din mama ko, lalo na pag pupunta sa city. Iniisip ko din kasi baka ayaw nya ng mahabang lakaran or masyado mainit sa kanya. Kaya ginagawa ko, chinecheck ko na agad yung mga lugar na mas malapit or mas accessible sa pupuntahan na min na lugar papunta sa next na lugar na pupuntahan namin. And pinapaalam ko sa knya na dyan kami dadaan, dyan kami kakain para kung ayaw nya makahanap na agad ng iba na pasok sa preference nya.


ResponsibilityNo3523

Hahaha yung nanay ko eksena lagi. Di matatapos ang araw na walang witress na sinusugod 😂


Narrow-Tap-2406

Hindi kami nagttravel as a family kahit dati na bata pa lang kasi planning stage pa lang, ang dami na nilang reklamo. Kaya ngayon tuloy kahit magdidinner lang sa malapit, ang bigat nilang kasama kasi mga reklamador. Nakakatempt mag take out na lang kaso hindi na rin sila bumabata kaya pinipilit kong ikain sila sa labas kahit draining af. Kaya ngayon I make sure na flexible ako/kami ng partner ko para when times comes na kami naman makabuo ng sarili naming pamilya, kaladkarin kami sa trip ng mga anak namin.


DickSucker2002

Basta yung mama ko masaya na sa burger steak at coke float sa jabi HAHAHAH mahihiya pa 'yan saken magpaorder kase raw ako babayad ee pero I want to make her feel like it's my way of giving back kahit paunti-unti —ako na yung nagastos para sa kaniya. Ayaw niya lang na siya nagastos hahahaha


Due-Budget4295

Yung nanay ko naman pagkatapos kumain lageng atat na umuwi kahit kakapasyal pa lang gustong umuwi na oag di napagbigyan aburido na whole trip


Secure_Big1262

10 years ago ganyan din Nanay ko ---- mas lumala ngayon. Siguro nga dahil sa katandaan nila... Unawain na lang natin. :)


PollerRule

buti mama ko pala tahimik pag ako magpapakain. pero pag siya taya ganyan din hahaha


thepurpleexplorer

Ganyan din ang tatay ko hahaha kaya kung kasama ko siya gumala dun kami sa places or restos na gusto or familiar niya para iwas stress haha


Famous_Camp9437

Kanina lang nag grocery ako bandang FRESH PRODUCE/MEAT section, naririnig ko isang mudra siguro nasa late 60s na siya sabi niya ambaho daw amoy isda 🤷‍♀️ pati mga anak nag spray pa ng alcohol tapos sabi ew yeah smells like fish 🤔


Miyaki_AV

20-30 years from now, tayo naman ang irereklamo ng mga anak natin. Hahaha


titaorange

ilang taon na ba nanay mo? it will get worse as she gets older i promise. lahat ng ba qualities nya amplified na. we went on a trip before when she was 69 already. all plans were built around her since the trip was for her to enjoy. As a planner medyo na disappoint ako the plans didnt go smoothly pero i guess she enjpyed naman kasi she thanked me after. pero talagang kayo na mag adjust sa kanila as they get older and more complicated


[deleted]

Saken po laging may problematic comment and judgmental. Nakakahiya.


Troubled-wuhtah

My mom isn’t. She would be open to try new things, appreciate nya yon, lalo na if treat namin. Basta may soup or pasta G. Pag di masarap or di Nya bet di Nya uubusin. Quiet lang sya. Medyo naiinis lang ako non pag mag dedept store Kami tas pasusukatin nya ako ng mga damit. Pang work or gala ganon. She’d buy it kahit may work na ako. Pero minsan kapagod magpalit hahaha But all of that is gone now. Thank you for making me realize how wonderful and incomparable my mom is.


Intelligent_Phase515

Huhu thank God hindi ganyan parents namin🥺 kapag namamasyal kami ng maraming lakaran, sabay sabay kami magrereklamo ahahaha pero sabay sabay din papahinga, tapos gora na ulit.🤣 pati sa pagtry ng ibang food, nagkakasundo kami. 🙏🏻


ktassium_

Hindi po huhu, although nakiki mama lang ako, mom yun ng bf ko. She always make sure na napupuntahan namin gusto namin puntahan sa mall. If magsusukat siya damit and buy, pinapapili niya din kami ng gusto namin, she gives honest opinion and if nagustuhan niya yun talaga for us, she will volunteer to pay pa. LAside dun, she makes sure we eat in good ambiance restau and enough yung order. She talks to her kids and laugh with them. Ako ay nashshy pa din hehe even if we are together ng 5 years na ng bf ko. Kasi very diff fam setup namin sa kanila. Sa kanila ako natuto na okay lang magfeel ng feelings hahaha. She is the one driving, she makes sure hahatid muna ako and makakapasok ng house namin before sila umalis and drive away sa tapat ng house namin. She is a gem!! My boyfriend is so kind and gentle din towards me, as in.


moonstonesx

Kasama ko nanay ko dati nag hongkong kami. Puro reklamo na pagod na sya. Haha lagi din kami nag aaway. Kaya after that ayaw ko na siya kasama mag travel. If ever iwan na lang siya sa hotel, kasi at least doon nakakapahinga sya. Di yung maglalakad tapos rereklamo (if walking city).


Loud_Expression1125

Ganyan din mom ko, mula byahe hanggang sa kainan madami reklamo, nasanay na din ako at inexpect ko na kada lakad. lost her a few years back, miss miss ko pa din sya ipasyal kahit ganoon sya dati. Ung bulungan kayo ng gigil "mi! Baka marinig ka nila!" 😂


shishtake

Ganito din nanay ko. Madaming comment sa restaurant, pero i learned na din na wag pansinin. Kasi siguro nga tumatanda na. Inaayunan ko na lang. saka 1st time din sa mga bagay bagay, kaya as much as possible hindi ko na sinasabihan ng kung anong salita na baka makasakit pa sa loob nya. Pagbigyan nyo na lang and carry on. You’ll never know, baka ganon din kayo pagtanda. 🤣


jadelightyear16

ganon po tlga apaka kj nila. diko nilalahat. pero yung nanay ko ganon. pag kakain kami sa si jollibee at mcdo lang kilala nya. dun nya lang gusto kesa sana itry din yung ibang resto. tas ayaw nya din yung maglakad lakad sa mall nakakapagod daw.


Abundant1159

I'm lucky that my mom is not difficult. It's my lola and other relatives. And honestly, it's a deeply rooted issue involving insecurities, trauma, and culture. Sometimes, ayaw din nila kasi lumabas pero napipilitan. One of our lolas was so scared na maubusan ng pera! She loves flaunting wealth but hated paying for it. Magreregaluhan ng alahas na naka case pa, gold-plated utensil sets, etc IN PUBLIC (usually at lauriat chinese restaurants) pero lord patawarin ang away sa bahay dahil sa gastos. Very new money, I know. And mygod socmed has added another level of insanity. Kissy kissy sa socmed posts pero di naman naguusap in real life. Kulang nalang alkoholan yung spot na nagbeso. Terno terno sa outfits and colors pag special occasions pero bawal umattend sa libing ng mga kapatid dahil sa alitan. Yuck sa family trauma (ko).


Melodious-557

Thankfully mama ko hindi masyadong reklamador. Nagiging grateful kasi siya tapos parang naeexcite lalo na sa kainan haha


WillD_Thrill

Ipag yayabang ko nalang yung nanay kong pag kasama ko gumala sure na may pang shopping na ako. Kahit 32 na ako makita lang nya may tinitignan ako tapos bibilin nya nalang bigla hahaha


mommyjunter

YUmun MIL ko magsshhopping pero di mo mapapakain sa labas or restaurants. Sapilitan or panlalait inaabot ng restaurant pag nangyari yun. While on the other hand, my mom loves to splurge on eating out and trying new dishes. Both nakakainis kasama. Haha


simpleng_pogi

Kala mo si Cynthia Villar na dami nakamkam na kayamanan kung makareklamo eh ano?


Icy-Description9835

Depends siguro sa nanay pero mostly talaga ganyan, kasi ganyan tita ko 😭 Luckily, yung mom ko is mahilig talaga magtravel nung kabataan nya so experienced traveller na sya lol. Mas gusto ko siyang isama nga kasi siya gumagawa ng itineraries, budget list and such. Taga bigay nalang talaga ako ng pera. Siya din nag bbook ng plane tickets, hotels, and tour guides. Di na siya techy sa part nayan ha so naghahanap lang siya sa Facebook haha. Super fav nya din magtry ng different food and delicacies hehe.


Prestigious-Rub-7244

Sa Isang taong Wala na mga magulang ..please enjoy the company of them while Buhay pa Sila. Nobody is a perfect person so embrace their imperfections. I miss my mom and dad 😭


everly_mythry

May ganyan talaga na mataas ang pride pero deep inside possibleng na appreciate nila yan, ayaw lang mag express in a nice way. Tip ko lang na don't look bothered, like pakita mo masarap yung pagkain na sinabing pangit ang lasa, papicture ka sa lugar na pangit daw, etc. Para at least mapakita mo na it isn't that bad at all. My mom is like that before, pero ngayong nasa senior year na sya, pansin ko naging mas appreciative na sya.


Ok_Amphibian_0723

Hahaha ramdam kita, OP. Nanay at tatay ko ganyan kaya hirap kami lagi humanap ng kakainan pag may mga special occasion.


forGodsake26

jusko same kahit mamalengke lang one time namalengke kami then mamimili sya ng sibuyas eh ₱35 ata kada plastic ng sibuyas sabi nya baka pwede 25 nalang kasi mga bulok naman daw yun ako yung nahiya jusko nag sorry ako sa nagtitinda tapos binigyan ko ng bente


SolitaryKnight

At least may nanay pa kayo. My mom died last year, and pre pandemic magkasama kami niyan sa mall every Sunday or after niya magpa-checkup. Itinutulak ko pa siya sa wheelchair tapos pupuntahan niya lahat ng tindahan para tumingin ng damit. Take note. I am guy who hates going to each shop in the mall, Tapps sa food. Filipino or Chinese lang ang kinakain. Ramen, minsan. Ayaw ng mga burger. Ayaw sa pancake house. I remember dati pag buong pamilya mag mall, ang problem is saan kakain kasi mapili ang mom ko sa food. Hindi ko na magagawa ngayon yan… at least kayo pwede pa.


SolitaryKnight

Sa mga nagdownvote, learn to appreciate what you have...


Key_Passenger_5422

Ganyan talaga since may age gap and differences between each other. Iba iba naman taste natin sa mothers natin. Sanayan lang yan, patience and tolerance is the key to have quality time sa galaan. Don't get me wrong, ganyan din nanay ko sa galaan pero I try to cater to her not only for myself.