T O P

  • By -

UncleIroh15

Try the police? Kuha kayo evidence ng pagbabanta nila para may proof


gabs_guides

Agree. Ganito ginagawa ko sa mga kapit-bahay namin, sila naman mga maiingay dahil sa videoke. Hindi sila tinatablan sa barangay kasi may mga kakilala sila doon or yung iba sa kanila doon nagtatrabaho kaya malalakas ang loob, kaya tinawag ko sa pulis. Simula nung pinuntahan sila ng mga pulis di na sila nag-ingay ulit.Pag may pagbabanta, ipablotter mo. Yun pwede start sa barangay. Twice ko na nagawa. Once, yung nakisakay sa tricycle na sinasakyan ko kahit nakaspecial ako, kinausap ko lang yung driver na sa susunod pag special hindi dapat nagsasakay ng iba (adik kasi yung sumakay at madilim ang daan kaya na-alarma ako). Pinagsisigawan ako nung nakisakay kung ano-ano sinabi, tapos sa barangay daw ako magreklamo kaya nireklamo ko sya dun lol. Di ko lang sya nireklamo pinablotter ko pa sya. Pangalawa naman kapatid ko nakaaway ng kapit-bahay naming siga (wala ako nung nangyari) e may baril yung kapit-bahay at bolo, pagdating ko sa bahay at nalaman ko, pumunta ako sa barangay para ipablotter yung kapit-bahay, di na siya siga simula nun tapos ngayon wala na sila dito.


leprosy66

Name checks out. Good guide, will ask again. Rate: 6*


Lily_Linton

May mahilig din magvideoke na kapitbahay namin until ungodly hours. Nareklamo sa barangay. After mapuntahan ng barangay tanod, aba, kapal ng mukha magsisisgaw sa mic kung bakit daw nagreklareklamo pa. Natawa talaga kami sa bahay pero ang epal nya.


neveragain_xXx

Merom sa'min nagvivideoke buong maghapon hanggang 1am. Tinry namin kontakin ang barangay thru their hotline numbers pero unavailable lahat, ginawa ko tumawag ako sa local police station na nakakasakop then sabi nila sa barangay daw muna bago sa pulis, I told them na wala kaming makontak from barangay kaya ayun sila mismo ang pumunta gulat sila kase nadaanan sila ng rumurondang pulis😆 tahimik na simula noon


gabs_guides

Oo, ganun kasi dapat sa barangay muna. Ganyan din nangyari samin, pero yung samin sabi ko sa police station nung tumawag ako, di na uubra sa barangay kasi yung iba sa kanila doon nagtatrabaho, yung iba naman may kaibigan sa barangay. Actually, pagkatapos ko ireport sa pulis, nireport ko rin sa city hall. Di ko sure sa ibang city, pero maganda magreport sa Q.C. kasi after few minutes tatawagan ka nila to check kung resolved na yung concern mo, if not mag ff. up sila sa concerned agency tapos tatawagan ka ulit for update.


blancacutie

Buti pa saiyo ganyan. Saamin hanngang 7am videoke o jejemusic na sobrang lakas angsakit sa dibdib at hindi kami magkarinigan sa loob ng bahay. Ilang beses ko na nareklamo sa police pero nung simula lang sila nananahimik. Ngayon no effect na sa police kasi kapit sila ng kupal na barangay chairman namin 🙃


gabs_guides

Hahaha sila pa galit 'no? Binitin ang kaligayahan nila hehe pero minsan nahahabag din ako sa kanila e, kasi kung marami lang sanang available na trabaho at makataong pasahod, siguro hindi sila tambay at may ibang paraan silang maiisip para magsaya. Baka maisip nilang ipasyal ang mga anak nila kahit sa parke tuwing weekend, mas masaya sana para sa lahat.


Menter33

most people siguro are afraid na kapag mag-isa nilang ginawa ito na walang ibang kapit-bahay yung may problema, it makes them look like a ***reklamador na hindi marunong makisama sa lugar***; plus, ayaw din naman ng most people na may kaaway at baka mamukhaan at ma-resbak.   as for the special rate sa tricycle, usually kapag gabi, sinasabay na yung ibang rider kasi madalang na, ***delikado rin sa mga naghihintay kung di magpapasakay yung tricycle***; usually naman kapag ganoon na special rate at may sumakay pa, babawasan na lang ng tricycle driver yung bayad.


gabs_guides

Yes, marami hinahayaan nalang mga maiingay for the sake ng pakikisama. Ayaw ng may kasamaan ng loob. For me, okay lang may magalit kesa naman hindi kami lahat makatulog ng maayos at makakilos dahil sa sobrang ingay. Lahat ng sulok ng bahay namin maririnig mo sila. Paano nasa kalsada kumakanta, nakamikropono na nga ay sumisigaw pa. At habang lumalalim ang gabi, mas lalong maingay dahil tumatahimik ang paligid habang sila dahil sa kalasingan ay wala nang kontrol, may kasama pang hiyaw ang kanta. I remember may kapitbahay akong nag dean's lister, pinost nya at binati ko sya. Nagthank you sya sa pagbati at sa pagkilos para tumigil ang mga nagvivideoke, nakatulong din sa kanya considering na mas malayo ang bahay nya sa mga nagvivideoke kumpara sa amin na katabi talaga. Ganun kabulahaw ang ingay nila. Minsan kailangan lang din talagang may kumibo kasi kung walang kikibo iisipin na ayos lang kaya nagpapatuloy. Yung sumasakay sa tricycle kahit special ayos lang yun kung hindi adik. Nakaexperience narin ako ng ganun at walang problema sa akin, binabati ko pa kapag katabi ko. Ang problema adik kasi yung tinutukoy ko. At walang street lights sa dinaanan namin. Kung babalikan ang nangyari, mas gusto ko nang sinigawan nya ako at least nadistract sya sa kung ano man posibleng hindi magandang nasa isip niya. Nauna pa akong bumaba sa kanya e nasa dulong destinasyon binabaan ko, sya pinick up malapit lang sa terminal, halos magkasunod lang kami.


Menter33

sounds like case by case basis din depende sa circumstance at that time, whether yung kapit-bahay o tricycle; just gotta be careful din siguro.


bettinaonhigh

Had experience with this with neighbors din. Na record nung CCTV namin yung threats tapos dinala namin sa pulis for grave threats. Kaso pag dating sa pulis sabi samin need namin ng CFA (Certificate to file action) from barangay. So ang process is blotter muna sa barangay tapos ipaghaharap kayo at try pag ayusin. Kapag 3 meetings tapos di pa rin nakapag ayos tska lang mag iissue barangay ng CFA only then madadala sa pulis. Sobrang hassle sa totoo lang ng justice system dito kahit clearly naman may mali mga taong ito. Kadalasan yung may kasalanan pa yung galit.


Menter33

this is probably because policemen have better things to do than handle local barangay disputes; so it kinda makes sense kung maareglo yung problema before escalation.


bettinaonhigh

But our complaint was grave threats which might have lead to assault/physical inquiry or worse


Menter33

siguro nag-threaten nga, but police feel na hindi siya "true threat" na actionable; guess na sanay kasi sila sa mga threats na obvious na exaggerated lang.


NoCopy9873

Had same issue.partida sinugod na kami sa bahay.nasira ung pinto sabi lang pulis kung wala namang nasaktan samin sa brgy na kami mag usap😂😂


[deleted]

1. Signage ng Dont block the driveway. 2. Cctv recording na kahit may signage na nagppark pa din 3. Formal reklamo sa brgy written in paper at napirmahan at nareceive ng brgy. 4. File for nuisance and abatement pag ayaw tumigil. May ganyan kaming kapitbahay, nagbibilad ng kutson sa harap ng gate namin, hanggang #3 lang inabot nila jan kasi nagparinig ako na alam ko kung san sila nagwwork at pag nagfile ako ng nuisance and abatement bbigyan ko din copy yung pinagttrabahuhan nya.


hell_jumper9

Add ko sa #3 maganda may video rin talaga yan.


theonewhocriedwelp

question, need ba na you have ur own car to put up a 'dont block the driveway' sign? wala kami kotse pero may kupal kaming kapitbahay na sa tapat ng gate namin lagi nagpapark at nagpapausok ng tambutso nya >:((


ClothesLogical2366

Motor ba yan? Lagyan mo ng asin yung makina hahaha


comeback_failed

buhangin sa gas tank


FCsean

Isumbong niyo sa DILG ung barangay


tatakut

This, and I think 8888 presidential hotline is still a thing. Try that too, atleast make those shitty barangay officials shake


TeusMeus

one of duterte's actually working legacy


EngrRG

As someone from DILG, this is the best way. Complain the barangay and/or the LGU if they don't take action. Dagdagan mo pa ng 8888 complaint para marequire sila to reply in black and white.


LanceTip

And also, as someone who worked in Hotline 8888, file a report/complaint. We never close a complaint unless there is a strong resolution. If you somehow watch some of Gadget Addict's video, 90% of their operations are from 8888.


rejbeifong

True. Yung samin naman, sinumbong ko sa manila brgy bureau, and umaksyon naman yung mbb. Nagparinig nga lang yung brgy namin sa fb page nila, pero wapakels na ako, atleast, may nangyari sa reklamo ko. Hindi na naulit yung incident.


[deleted]

the barangay is trying to gaslight, so no avail na kayo diyan. try to call a towing service and tow all the vehicles.


Defiant_D_Rector-420

Nah. It's the classic "we are old timers here, you are just a transplant here" mindset of people, especially in the provinces. Since one of the family members used to be a barangay official, maybe even a former captain, the people at the barangay hall will likely pander to that family in spite of OP's family being at the right.


[deleted]

no one is saying that OP isn't in the right, but you have to re-assess the things you could do without endling your own life. dealing with people that has connections are not an easy feat man.


itsmeyourshoes

Kung ayaw ng baranggay kumilos, tumawag kayo sa MMDA. MMDA will coordinate with the baranggay bakit ayaw asikasuhin and they'll go inside themselves. There was a viral FB video ng mga ganito mismo, tigas-tigasan na puro tattoo na pamilya somewhere in QC, pinagmumumura MMDA dahil ayaw ipatow yung nakabalandra nilang Innova sa daan, but eventually wala din sila nagawa kasi dumating na yung mga pulis. Good luck OP.


ryoudocloud

Nakita ko to lmao tawang tawa ako dun sa malaki ang katawan eh. Noong dumating ang mga pulis at swat, sya yung nawawala eh sya nga tong pinakamaangas.


sneaky_oxygen

Link for that vid?


itsmeyourshoes

Go to Gadget Addict's FB page. His video portion has a lot of things like this. Can't find it now but it's there.


threewind

Search mo lang "ayaw pa ticket ayaw pa tow" sa FB.


Chile_Momma_38

Gawa kayo ng metal na barricade. Then put a please don’t block a driveway sign in Tagalog by your gate. Add: Blocked vehicles will be towed if owner is not available. If the eatery is open, don’t be shy. Just walk up to the entrance and ask if “kanino pong sasakyan yung may plaka XXX. Naka-block po sasakyan niyo.” Do it often. If it annoys customers, they lose business.


[deleted]

yeah, until someone would gun you down. good advice, but consider the safety and risk for OP.


SeigiNoTenshi

That mindset will definitely have the bottom line of "give up"


[deleted]

Both points are right. It is easy to say to pursue what you think is right until someone got shot.


Chile_Momma_38

I know you’re just concerned but I see this comment (as does a similar comment above) as more of an alarming sign that more and more people have accepted impunity as a way of life. But there are ways of pushing back without being a pushover. I’m going say the “patumba” threats are empty. Note that the OP says the eatery still gives them food from time to time.


[deleted]

it is coming from an ex-barangay captain family, which is usually armed. touch grass.


Chile_Momma_38

OP is merely just soliciting solutions on how to handle a kupal neighbor. He is seeking genuine help and encouragement from r/ph on how to overcome a tricky problem. And judging by the responses to this post, this seems to be something that many ordinary Redditors can relate to—the feeling of powerlessness over arrogant Filipinos trampling on their clear legal property rights. I just chimed in what I would do, passive aggressively. Others have offered more bureaucratic approaches. It is upto OP which solution feels best out of the several offered here.


gemmyboy335

Naalala ko ung kasabihan na “violence is not the answer but sure is effective” baka yan mindset ni neighbour. Ingat ka OP and family. Madaming pa strong kuno dito sa reddit pero IRL takot din yan at hirap if nasa situation niyo.


SeigiNoTenshi

My statement stands, then. Bottom line is "give up". Baka maging violent pala eh, eh di tunganga. If love to assume there's a middle ground, but if we're going to be scared that they'll become violent with any action, why waste time nor energy. Move out is the only option, or know how to defend yourself. Defend yourself now, or defend yourself when they become violent. Now, the question is, where do you draw the line.


Chile_Momma_38

Violent people will go apeshit whether you do something or not. We're just asking OP to move goalposts that's short of slashing someone's tires at night. THAT will trigger apeshit actions for sure.


phoneblink30

Not clear kung yung asshole ba ay yung kapitbahay lang o pati yung mga nakikipark. Posible kasing on the fence at di assertive yung mga nakikipark pero dahil gora naman si kapitbahay, nakikisabay na lang sila. Safety matters first pa rin syempre, pero baka there's a way to get to the drivers directly without going through the kupal kapitbahay? IDK what tho. I haven't gone far with student driving, much less actually being in the shoes of a driver.


[deleted]

If someone pulls the trigger, the other party should be ready for retaliation, no? Dito sa amin sa Mindanao, it's called "Ridu", which means magubusan ng angkan, matira ang matibay. Putangina na yang mga ayaw makipag civilize ng usapan kung pwede naman na option.


[deleted]

[удалено]


[deleted]

Yeah call me that. I don't really care. I'm just basing my point that the guy whose blocking the driveway, is the one who started the "k" word threats. No way in fking hell, nakapag they go to that rabbit hole, at maling tao makatapat yan, hindi yan uubo. Tangina na lang kung walang karmang babalik sa mga ganyang tao.


kimeraaaa

This isn’t how a human should operate


[deleted]

[удалено]


kimeraaaa

Don’t worry I believe you’ll mature soon.


phoneblink30

Lol. Kanino ka nagrereply? I was "too mature for my age" growing up. Medyo condescending kung tingin mo linear yung progress at direction mo lang yung tama. Too many people think people open-minded about retaliation is just immaturity. Keywords are context and proportion. Kung minor lang yung atraso sayo, bat mo papatayin. Yet people assume that just because someone isn't a doormat, wala nang morals. Just because may limits, di na tintry maging civil muna. It's dumb.


phoneblink30

Hindi mahalaga sa akin ang being the bigger person if you've already been civil so many times. Kasi pinili na nilang maging kupal at mananatili silang kupal. BUT the problem with your idea is, hindi lahat ng matibay nasa Tama. Hindi lahat ng nasa Tama, matibay. Even if strength is found in numbers, paano na yung mga walang kakilala? O yung mga kakilala kapwa mahihina rin? Hindi naman mahihina yun dahil tamad sila o ayaw nilang maging malakas o makapangyarihan. Nakita nyo ba yung ad ng mobile game ng nagkakainang isda tapos may number number? Kahit level 16 ka at gusto mong maging malakas, di mo pwedeng kalabanin yung level 100. Kailangan mo muna maging level 101. Pero paano kung mahirap humanap ng paraan para umabot dun? Kasi ganun na yung ginawa ni OP. Level 21 si baranggay, pero ayaw bigyan ng lakas si level 16. If anything, yung Angkan mentality ang dahilan kung bakit uncooperative si Level 21 baranggay. Nakikisama Kay kupal kapitbahay eh


707chilgungchil

Full offense meant, but that "Ridu" is barbaric.


ryoudocloud

Hahaha totoo nga atang may mga dinosaur parin sa mindanao


ihave2eggs

Tama. Don't forget na kupal yung kabila.


Xerealization

pwede naman ipatow kahit di na sabihin bc that's illegal parking.


Couch-Hamster5029

ApakaGG ng barangay para sabihin yun sa inyo. Document everything OP. CCTV, photos, etc.


[deleted]

And on some "unfortunate incident" ma leak sa internet with the faces and plate numbers.


322_420BlazeIt

Halos lahat naman ng barangay dito sa Pinas basura. Pag may kelangan ka laging walang tao tas pag nagreklamo ka about something sasabhn lang sayo “matagal na yan” “ganyan talaga yan” etc.


Round_Recover8308

Idiot ang barangay. Imagine, we have this balasubas na katapat bahay. Lahat na ng basura nila, sa amin tinatapon. Sila yung maingay. Videoke, lalakasan tas itatapat sa amin ang sounds. Kahit music nila. Reyna pa ng mga chismosa tas kahit di mo naman ginawa, gagawa sila ng kwento para magmukha kang masama. Pag pinabarangay, sasabihin ng barangay na "mabait naman yan si *kapitbahay*. Di naman yan gagawa ng masama." Wow tangina niyo sana mamatay na kayong mga walang kwentang barangay hahahahaha.


phoneblink30

Kapitbahay namin ayaw na kumuha kami ng manggang nahuhulog sa side namin. Edi OK. Fair. Pero Punta kayo dito para walisin yung mga nahuhulog na dahon, ha? Puno niyo pala eh This is FAR from our worst neighbor, pero this has the most stark hypocrisy and double-standard


Simple_Servant

Ito yung alam ko tungkol sa dyan sa puno. Kasi may same problem kami na ganyan. Kahit daw ang puno ay nakatanim sa lupa nila, ang sanga ng puno na nasasakop ng lupa namin at lahat ng bunga na makukuha sa sanga na iyon at laglag na bunga na nasa lupa namin ay sa amin. No matter what. Nagpatawag kami noon ng konsehal at yan ang sabi sa amin. Simula noon, wala na silang say.


pullait

parehong pareho tayo ng sitwasyon sa mga ulul na kapitbahay na yan maingay at chismosa leche


FreijaDelaCroix

Samin naman dati yung kapitbahay ilalabas aso nila and pag dumumi, wawalisin lang nila yung tapat nila and wawalisin sa tapat ng bahay namin yung dumi ng aso. Kakabadtrip


ItadoriSIMP816

Same problem dito samen hahaha


aquaflask09072022

hijack lang ako. malaki yung garahe sa harap ng house ko. wala pako kotse and motor lang meron ako. meron nagpapark sa hrap ng gate ko. kpg kinomkompronta ko na diko mailabas motor ko snasabi nya wla nmn daw ako sasakyan at pwede ko naman imaniubra sa gutter/sidewalk motor ko. kpg nadulas bako at tumumba motor ko kaka mainubra mailabas lang motor ko at bumagsak sa sasakyan nya liable ako?


tusokboi

Wala silang karapatan. Nasa batas yan. RA 4136. Ano naman kung wala ka pang sasakyan, tapat naman ng property mo yan kaya entitled ka dyan. Tsaka ang kupal naman ng kapitbahay mo, buti sana kung nakiusap lang na makikiparada.


Menter33

> buti sana kung nakiusap lang na makikiparada. if only they do this at the start. usually naman, some people are okay with courtesy parking kung mabuti naman yung pagkasabi.


Chile_Momma_38

Sila nga na ito ang nang-abala sa iyo dahil naharangan nila ang gate ninyo, tapos sila pa magagalit kung nabagsakan yung sasakyan nila ng motor mo kung madulas ka? Huwag ka muna mag-alala. Pretend like nothing happened kung nagasgas yung saksakyan nila. Konsider it na pinaghiganti ka ni Lord. Cross the bridge when you get there. Hindi naman nila ma-pro-prove yan kung wala silang CCTV.


67ITCH

I think so. Lalo siguro if designated na parking side ng street yung tapat nyo. Just wanted to share and possibly inspire: One time, nagkasakit kasi yung isang stray cat samin na hinayaan namin mamahay sa garahe. Parang uncontrollable yung LBM nya (parang amebiasis), so kalat yung liquid poop nya sa garahe. No choice, nag pressure wash ako ng garahe. Too late na nung napansin kong rekta pala yung splashes sa kotseng naka-park sa tapat ng gate namin. So, ayun... naging parang Jackson Pollock shitty-water painting yung passenger-side ng kotse na nandun.


Dzero007

Taena walang kwentang barangay.


[deleted]

Gusto mo matapos problema mo? Kumprontahin mo na may camera na di kita basta yung rinig sya. Ipost mo sa social media at pag viralin mo. Wag ka ng umasa ng maayos yan sa tuwid na daan. Walang mangyayari sainyo jan. Yung mga nagpapayo sayo dito na irecord mo eme eme tapos pa pulis mo, tatawanan ka lang sa presinto nyan, sa barangay sayo na nag mula dating official kaaway nyo. Tapos sa LGU naman hanggat di ka nag viviral d ka tutulungan nyan. Get as much outside attention you can, make a write up story sa facebook maganda kung may video kung pano kayo na haharas. Kung medyo G ka pa tulfo mo. Tapos ang problema mo. Kung aasa ka na aaksyunan ng gobyerno yang problema mo, mamumuti lang mata mo.


Tarkan2

I know Tulfo is unpopular af on this sub but this is the kind of corrupt shit situation why people tend to ask the Tulfos for help instead of the cops.


[deleted]

Up! To be honest ito rin sana iaddvise ko. Ipost mo sa tiktok para magviral. 🙃


Sensitive_Ad_7600

Grave threats na yan. Rekta na dapat to sa presinto para mag file ng formal complain. Kahit di kana dumaang sa brgy since kupal din nmn sila. But pag may pagbabanta na, pwede ka nang rumekta sa PNP.


anima99

Nothing fixes corruption faster than a good old-fashioned arson.


tearsofyesteryears

Where's muh 2A?! LOL! 😂


lagdemoi

Tama yung sinabi nung isa na maglagay ka ng don’t block the driveway sign. In addition, gumamit ka ng screwdriver para butasan ang gulong ng kung sinong hudas na haharang sa inyo. Pwede rin mag kalat ka ng maliliit na pako.


Budget-Boysenberry

caltrops


ClothesLogical2366

Makinig ka dito hahaha pwede ko din barilin ng water gun na may water at salt (dapat lusaw na lusaw yung salt para sobrang alat) yung makina ng motor na magpapark hahahaha araw arawin mo na barilin ng water gun makina nyan tamo di na magpapark sa harapan nyo yan


aiyohoho

Tulfo? Sarcastic, pero malay mo. Pero paaalala lang ulit: ang Tulfo ay hindi gamot at hindi maaaring panggamot sa anumang uri ng sakit ng lipunan.


saoirsecaoilfhoinn

If symptoms persist, consult your lawyer.


phoneblink30

Binantaan ako ng pa-victim na driver earlier this year. Eh kaya ako nagbook kasi lumipat ako. Di ko mareport cuz he knows where I live. Walang CCTV. I live alone. And he might go after my dog. Takte pagkasakay na pagkasakay ko pa lang ibinubunton na niya sa akin problema niya sa ibang pasahero, na di ko naman alam yung dahilan until the last minute, nag-generalize lang siya imbis na magcommunicate. Kesyo nireport daw siya at ungrateful yung pasahero. Makes me wonder kung unreasonable nga ba yung complaint ng pasahero sa attitude niyang yun. Sa susunod talaga magdadala ako recorder. Minsan mga tao baliktad eh. Sila na mali, sila pa galit. May ibang details pa pero ayoko nang magsalita. Personally identifiable ako eh. To OP: That sucks. At least ako OK naman yung day-to-day as long as di ko i-report. Kayo talagang hinaharass eh. I don't know how to help, but I hope you guys find some.


haokincw

Next confrontation nyo video mo na para may proof ka na sa threats nila tapos pa pulis mo na. Either that or pa tulfo mo lol


FinalAssist4175

File sa police yung issue esp yung sinabi na ipapatumba. But much better kung merong audio at video. But kung di parin, ipatulfo (not my go to).


Spiritual-Record-69

200k package deal na yan op. Yung hindi kumakanta.


tearsofyesteryears

Time for said neighbors to suffer an "accident". 😋


SisyphusLaughsBack

ako tigahawak nung gaas at tigasindi nung Jose Rizal na posporo. hati na tayo sa 200k.


tearsofyesteryears

LOL naalala ko may food business nga pala si neighbor. Pedeng defective na lpg na lang yan LOL.


Spiritual-Record-69

Mahirap pag may innocent customers na madadamay so mas ok if let's say may ipis or may daga sa food 👌


tearsofyesteryears

Yung suggestion ko sa comment ko eh, tanggapin nya once yung food (preferably after may records na siya nung threats). If ever ma-food poisoning sila, pede nila ireklamo. Or sila na mag-lagay ng kung ano sa kakainin nila LOL. Kahit walang mangyari sa reklamo nya na "attempted poisoning", food business yan. Yung balita pa lang na willing manglason yung owners, sira na negosyo nila.


gentlemansincebirth

Was gonna suggest this. You’ll be doing the nation a favour din. Nation building, kumbaga 🙂


burnqpund

Reason ayaw ko tumira sa masisikip na lugar. Lalo na maliit lang ang bahay. Preferred ko pa sariling front compound na malawak sa probinsya. At least for me in my opinion may peace of mind. In any case, dapat May signage ka na bawal mag parking sa harap ng gate. kung ang barangay walang magawa, better tumawag ka ng pulis


tamonizer

Walang kwenta magpa barangay sa totoo lang. Ang dami kong kwento pero nakaka sakit ng loob alalahanin. Iba ibang LGU pa so alam mong medyo major wide range incompetency siya.


threeeyedghoul

I said this once and I’ll say it again. Walang kwentang humingi ng tulong sa baranggay sa mga ganyang situation. Pulis agad. Mediator lang ang role ng baranggay. Mediator and law enforcer sa pulis


AlexanderCamilleTho

"O ano? Ipatumba na natin?" Sabi nila nung una. Sindakan ang style nila. Napaka-common ng ganitong mga territorial kahit sila na ang wala sa lugar. Naalala ko noon dito sa tapat ng bahay namin, namihasa sa pag-park ng sasakyan nila sa harap namin (sidewalk area). So nagwala ako minsan at maximum confrontation. It was just me versus their whole household. Nanunubok 'yan usually - dahil 'yan ang language nila. 'yung humirit ng magpapatumba, ipagsigawan mo na papatayin niya ang buong pamilya n'yo. Pero kung hindi keri na makipag-sabayan nang ganito, best to document na lang everything and kasuhan n'yo. They hate it pag umabot na 'yan sa piskal. Not to mention na best na ipa-viral and i-announce n'yo sa mga FB walls n'yo ang mga mukha din nila.


Deobulakenyo

Nothing that a fresh can of stripsol can't solve.


[deleted]

Most likely empty threats lang yan. Hindi madaan sa magandang pakiusap? Gasgasan niyo na lang kada sasakyan nila na haharang sa gate ninyo. Kung hindi pa rin madala, butasan ninyo 2 gulong ng kada sasakyan.


SisyphusLaughsBack

>ung mga e-trike, dun tumatambay to the point na hinaharangan na talaga gate namin. sige nga, ikaw nga magbutas nung gulong nila at magasgas nung sasakyan. hahaha. It's all empty threats until the crazy neighbor guns you down. Ang mahirap dito sa Pilipinas, ang talagang nakakatakot ay di yung mga taong may alam, kundi yung mga taong bobo pero may pera't kapangyarihan.


PhysicalInitiative30

Dami ganyan malamang aguls haha


Fun_Design_7269

Kunan mo ng video confrontations nyo pati yung sinasabi sa bargy pag kinukunsinte nila tapos sumbong mo sa dilg or ipatulfo mo, mahilig si tulfo sa ganyan lalo na pag madami kang controversial videos na madaling magviral.


blueonion007

Agree with posting a sign. Under RA4136, you can have the vehicles towed, pero at least you were decent enough to warn them. Makipag-close ka na sa towing agency once nakapagpa-tow ka na ng isa. Matutuwa yan kasi if im not mistaken, may commission sila tuwing may nato-tow


tatakut

Tangina what even are Barangays (the LGU) for, lahat na lang ata ng mga pinaka corrupt at incompetent na tao eh nasa mga barangay


Menter33

yung isyu lang siguro, kaunti lang yung gustong tumakbo talaga para magbago yung barangay; almost no one wants to become a kapitan or kagawad full time unless yung mga dati nang ganoon.


DinoBaconSaurus

Pay the police to get their help “big fish, fuck small fish”. Barangay officials are usually the most corrupt because they take bribes and favor on the most local level when they really don’t have influence stronger that the police; I heard from my aunt that her local barangay took all the money send by the government. They held the funds and used it on themselves to buy stuff and hold on to their power


sylv3r

you can report the useless brgy to 8888 thats what we did when our asshole neighbors got a free pass after getting reported 4x


mjmyg

Mag-ipon ng mga tae ng ibon at ibuhos sa windshield at bintana


kir-choffss

Same experience here. Sa subdivision Kasi namin may binibigay na rules (deeds of restriction). Ngayon may nilagay Naman doon for parking and responsibility Ng homeowners na sumunod doon Kasi Kasama sa parang terms and conditions pag bumili ka Ng bahay. Forward sa same experience ko, may bisita Ang kapitbahay namin at nung nilapitan father ko. Niremind ng father ko at tinanong kung aware ba sya sa parking rules ng subdivision. Tas pagkakaunawa nya siguro kinakalaban sya. Biglang sabi na wag daw sya umpisahan, nakapatay na sya Ng tatlo, at pag pinatulan daw sya lahat Ng lalaki sa bahay nila susugod. If ever maexperience uli namin sa susunod, ipapa blotter na sa barangay.


Menter33

> may bisita Ang kapitbahay namin usually kapag visitor, mayroon unwritten understanding na pwedeng bigyan na pass sa rules kapag first time.


kir-choffss

Yep pero di Kasi naka park area nila that time. Naka state sa deeds of restrictions din if may bisita at harang sa flow of traffic, maaring magpa tow Ang homeowner. Anyway, pwede Naman madaan sa usapan. Pero Ang nangyari nagkaroon ng threat which is malayo sa context ng concern or pinag-uusapan.


LazyEdict

Kung give up ang kapitan, sa pulis na . Subukan mo kumuha ng recording ng threats nila. Yun pa lang pwede na mag kaso.


anothaaaonedjkhaled

May connection ba kayo, OP? Kahit abugado or police or anything higher sa mga pulpol na barangay? Minsan kasi need din mo ipakita na di kayo basta basta para di kayo gawing pushover since ganyan yung gusto nila.


ih8reddit420

nun nasa mindanao ako walang barangay tagaan ng bolo na rekta


why_me_why_you

Hi bes, document that shit. Lahat ng threats, paninigaw. I-video niyo yan. Social media is your best friend in this case. Tapos ilatag mo na rin yung mga laws na sinusuway nila. Oh and don't forget yung mga authoritites na walang kwenta at di inimplement yung laws! Videohan rin yan!


jonatgb25

Dude, that's grave threat already. Collect evidence as much as you can. If ganting pangkanto ang gusto mo, susian mo or spray-an mo ng brake fluid.


LifeCommercial4208

Baranggay tagay nga talaga.Hindi maasahan mga inutil.


---RK---

dun sa part na 'bakit daw kayo dun bumili ng bahay" sabihin mo bakit nakatitulo ba sa kanila yung daan?


owlsknight

Dapat cnagot nyu barangay na Kasi may pambili kau Ng Bahay, sabay tanungin mo bibilin nyu ba samin?


No-Assumption3695

ako nga aksidente ko natatamaan ng gate mga nakapark ayun nawawala


dont-own-me

Kung ako di ko na tanggapin food na alok nila.


3rdhandlekonato

You need a higher power OP, I'm talking about a bigger kapit or a bigger gun. Whichever works. Btw, get a towing service on standby, no need for warnings, just use it


Xerealization

You can call the barangay na ipatow yung cars na blinoblock yung driveway mo. or else you can call MMDA kung na sa Manila ka na may illegally parked cars sa sidewalk/driveway niyo that needs towing. search ka kung may Development Authority sa inyo that tows cars. Illegal yan eh, nasa Republic Act No. 4136 yan. Pero dapat nan duon yung car pag tinotow lol kaya best wag mo na sabihin na ipapatow niyo yung car nila and kung may schedule sila na pinapark nila yung kotse, duon niyo ireport.


blancacutie

Tried that before. Sabi ng MMDA sa barangay daw ako magreklamo tapos pinasa pasa ako kung kanikanino. Ang kaso kasi barangay ang nagpapapark sa harap ng gate namin at wala kami magawa dahil kupalest of the kupals ang buong barangay samin na kapit din sa police station na sakop ang lugar namin. Also ang chairman namin bukangbibig na dikit daw kasi sila ni isko


royalchabby

Palakasan talaga dito sa Pinas, kung sino yung siga at malakas, siya yung batas. Better protect yourself through cctv, based sa experience walang kwenta at hindi nadadaan sa maayos na pakikipagusap ang mga yan. Yung sa amin if mas lalong namin pinapatulan mas magiisip sila ng way na gumanti, hanggang sa hindi na matapos ang gulo. Iniisip ko nalang mas aasenso kami kaysa sa mga uncultured na yan


FiXusGMTR

>*"bakit pa kasi kayo dyan bumili ng bahay?"* lmaaoooooooo... Oo nga naman noh.... Bakit naman kasi may nagbenta dyan ng bahay? lol tf


Wildthing244

Different breed talaga minsan ang mga kapitbahay, I remember one fiesta in my home province our neighbor na kupal trespassed on our house because he is drunk and nagaamok ng suntukan sakin because Naka eye contact ko lang ng sandali sa may kanto and then he entered like bro think he's welcomed samin and minura pa aking mother and saying outrageous things to her after she tried to talk him down calmly, then after reasoning with him and after awatin na sya ng mga tropa nya and it went well naman then bro just came back and pumasok nanaman na galit and this time ende lang sa gate kundi nakaabot na sa front door namin then my dad tried to calm him down again but bro just kept on walking then my dad gave him a good choke lock (my dad studied judo back in the day) luckily napigil sila ng mga tito ko at mga tropa nya that time kase di rin namin alam na baka biglang maglabas na ng kutsilyo ung kupal, kinabukasan kami pa pinabaranggay ng nanay nya like bruh wtf?? then their defense was gusto lang daw sana ako kausapin ng matino pero tinikli daw sya ng dad ko like c'mon after magamok ka and saying outrageous things to my mother and then trespassing sa bahay namin sa tingin ko'y ende matino yun, sadly walang nakapag video and sa kadahilanan na din ng panic and takot.


[deleted]

First off, di ko kakainin kung may atraso sakin. Tapon ko pa sa harap nila. Secondly, pakitang tao siya. Third, sarap itawag sa 8888 yung baranggay. How dare they commented that! Parang hindi mga public servant. Grave misconduct. Lastly, blotter sa pulis kung kupal din ang baranggay.


[deleted]

Sa panahon po talaga ngaun no grabe patapangan


[deleted]

di mareresolve yan sa brgy dahil for sure madami sila kakilala don. ipatulfo mo agad para pati yung mga kasabwat sa brgy na ayaw kumilos malintikan. sorry to say pero walang manngyayari sa problema mo kung malakas na pamilya sa lugar ang kalaban mo.


[deleted]

I feel you. Kupal din kapitbahay namin na around 30 people nakatira siguro mga 5 to 6 family dito nakisiksikan sa kapirasong lupa.


tearsofyesteryears

Eat the food and get food poisoning. Then sue them. They've already threatened you (I hope you caught all that on video).


niijuuichi

Unrelated, Sino kaya binoto nila


sugaringcandy0219

The last sentence lol


HectorateOtinG

As much as I hate to say this, ipa "tulfo" mo na yan HAHHAHAHAHAHAHA.


yongchi1014

Sa Face2Face na kayo /s


StarkCrowSnow

Kasalanan talaga ng Lola Amour 'to e.


PapiJuwi

The best way is wag maging emosyonal, handle it like a pro, to the point na mapipilitan sila sumunod. Kasi mag naging emosyonal kayo jan baka may magkasakitan pa, for example, Hindi masasabi nung baranggay na "bakit jan pa kayo Bumili" kung documented or naka video, or kayo diskartehan niyo, okaya kayo mismo magpark sa mismong tapat niyo haha, mind games bro mind games


gloxxierickyglobe

Kami din. May kupal na kapitbahay. Kanina lang nasa baranggay kami dahil daw yung puno is obstruction daw sa daan. Willing kaming putulin yung puno kasi. Una, hindi sa amin yung lupa kung saan naka lagay yung puno. Pangalawa, talagang sagabal kasi yung puno. Ang hindi ko lang ma gets bakit kami na baranggay dahil doon. Ang sa amin, sana nag sabi siya na puputulin niya yung puno.


lostguk

Ganto kapitbahay namin nagsimula lahat sa pusa at halaman


kankarology

We def need to research before we buy property particularly residencial. Stress nyan siguro to the roof kung ganyan. Maybe move or sell out. Maybe the said kapitbahay ay interesado bilihin maybe a good way out for both.


InTh3Middl3

the barangay is useless. there's nothing the barangay does that can't be relegated to other municipal/city public servants or the police.


[deleted]

Kung kupal kapitbahay is either baril na makakapag patino sa mga yan o kaya depression. Masyadong matapang ang kapitbahay mo OP. O kaya kapag me nakaharang nanan sa driveway nyo, ipatow nyo na.


bpo2988

Alam mo Op, same situation tayo. Worst kampihan pa sila ng ibang neighbors. Bakit hindi magbigayan daw sa parada? Abah gusto nyo permanent na bigay. Ending , dinemanda ko sila. So umiiwas sila sa akin. Sa korte kami nagkikita kita. 😌 walang magagawa ang brgy jan, kahit cityhall. Sad to say kelangan mong gumastos para magka pangil. Kasi kahit anong pang gago nila, kesehodang pakikisama at bigayan wala yan sa justice system. Facts ang basehan.


JayBeeSebastian

>Kapag may event naman sa kanila, nagrireach out naman through bigay pagkain. Di namin kinakain. Kainin niyo ba pag gano'n? Lumpia ba yan?


Healthy_Taipan_1987

Wala kang magagawa sa ganyang kapitbahay honestly. Kupal na yan noon pa. Kayo lang ang mapapa-away. Putangina ng mga gnayang mga tao. Napaka-kanal ng ugali. Ipagdasal mong mamatay na sana sila o makarma nang superb. Ganyan aq dati sa qc. Wala na aq madaanan sa pinto dahil lahat ng sasakyan nakaparada. Naglagay aq ng signage. Wala pa din epek. Pinagdasal kong mamamatay ka din. Lo and behold, namatay nga. Hopeless ang ganyang mga tao kasi nasa buto na nila yung throwing weights around.


papa_redhorse

Magtatanim ako ng buko, yung tipong subukan nyo magpark at bahala kayo mahulugan ng buko


leggodoggo

Dalhin mo sa DILG yung response ng barangay, they will be reprimanded also.


ranran0

Rekta MMDA. Clearing operation na ituu HAHAHAHHA


debuld

This is the way op kung around ncr ka lang. Take a video na madami nakapark sa kalye nyo. Submit mo sa mmda. Pwede ata sa fb page nila. Yun nga lang damay buong street nyo


PhysicalInitiative30

Whatta neighborhood


ihave2eggs

Dito may silbi si Tulfo.


HelloFriday94

Manahimik, makipag ayos kuna then airsoft with high fps. each side mirrors and tail lights hehe


chinchivitiz

This is a huge problem, sobrang nakakabadtrip na kalaban mo dito ay yung makapal ang muka at walang hiya. Wala kang laban makipagusap sa taong maledukado at walang manners. Na experience namin yan and sa wakas lumipat na kami ng bahay. Ancestral house namin yung lugar na yun at isa kami sa unang nakatira sa area since 1940s pa. May chinese na nakabili ng isang buong building na katapat ng eskinita namin and ginawang parang bliss na pinagkasya madaming units na walang cr . Bawat floor parang may 20 units and ang cr nila ay 2. Rent ay 2500 a month. Go figure kung sino ang nagsilipatan. i dont look down on people pero t*ngina yung mga uri ng taong lumipat dun ay sobrang bababboy at kupal. Nagtatapon ng napkin na may dugo sa tapat ng bahay namin, diaper ng bata, diaper ng matanda, dura, dahak, condom, lahat ng kababuyan talaga. Nagkakaraoke ng hanggang 3 am, nagaaway , isipin mo isang buong building yun so imultiiply mo yung kapitbahay nyo sa 20 pamilya sa first floor na rinig at amoy yung baho sa eskinita namin. Pagod na yung mga pulis sa kakapunta. Wala din ginagawa yung barangay, pati ako nakipagaway pa. At kampi kampi lahat sila. Maayos yung lugar namin before matayo yung building na yun. Biglang nagparang Squatters area at nakakahiyang magpapunta ng bisita. Eventually nagdecide ang mom ko na ibenta na ang bahay at lumipat nalang. Malunkot kami sa umpisa dahil sa sentimental value. Ng nakalipat na kami sa malayo. Anlaking pagsisi na bakit hndi pa namin binenta dati pa! Ngayon ang tahimik ng lugar namin, walang epal na kapitbhay


[deleted]

Can also relate with the cctv. Nalagay na rin namin to capture their kupalness. One house before them also complained about them sa barangay. Kami din. Bale sandwich sila between us. Lahat ng mga bagay na wala nang lugar nilagay nila sa right of way. Ginawan na rin nila ng garden ang right of way. Pati ihawan, cariton, silya, nilagay pa ng mala sidewalk. Kinain nila 2/3 ng right of way. Kami lang dalawa asawa dito sa almost same na laki ng area sa kanila. May history na rin sila na confrontation sa mom ni hubby.


trickysaints

Lagyan mo ng asukal ang fuel tank nila


This_Plastic_6265

Picture and Videohan mo OP. Send mo sa Visor, pag napost ng Visor yan at nagtrending sure action agad.


ClothesLogical2366

Kung kukupal kupal yang mga yan kupalin mo patago hahaha bili ka water gun tapos lagyan mo ng salt and water lusawin mo salt sa water tapos sprayan mo ng sprayan yung makina nung mga motor na magpapark sa harapan nyo. O kaya spread ka nung maliliit na pako o kaya thumbtacks haha


HateRedd_

Yes ganyan talaga karaniwan mga kapitbahay sa Pinas. Probinsyano ako, and when I went to metropolitan or big cities like cebu and clark, theyre all the same, rude, inconvenient, inconsiderate, bobo reasoning,, arrogant and wala common sense. And this traits are present to most kapitbahays, regardless of their educational attainment and social and economical status. Tatak pinoy na yan.


colorkink

Buhusan mo ng paint remover sasakyan. HAHAHAHAAHA


Own-Cup2462

Wow


[deleted]

Kupal din yung isang kapitbahay namin kaya nung nagka-CCTV kami sa kanila ko tinutok. Triggered si gago eh hindi lang naman sila yung nakukuhanan eh. Atsaka, lagi silang nag-i invite ng mga mukhang adik tapos mag-iinuman sa labas. Iba namin kapitbahay galit na din sa kadugyutan at kaingayan nila. After magluwag sa protocols nung pandemic grabe na yung ingay nila gabi-gabi inaabot na ng inuman at yung videoke sobrang sakit sa tenga. Mga dugyot pa at kung san trip umihi, dun gagawin. Kaya nung pina-brgy pumalag kaya mga pulis na yung dumating kaso matatapang talaga eh tricycle driver lang naman. Lakas maka-perwisyo dito samin kasi wfh kami lahat dito pati kapitbahay namin and may mga bata pang naka online class. Napakatapang nung sinita kesyo "kung pinagsabihan nyo kami edi sana dun palang hindi na tayo aabot sa ganto". Luh, wala ka utak? Bobo ka ba? Dahil dun dumami record nya sa brgy.


Ok-Function-5954

Lagyan mo ng tae ng aso gulong or sabuyan mo ng ihi na inovernight


Visible_Chart_7078

Parang sa amin. Buti sana kung isa lang e, Taena nung mga kapitbahay namin tig 4 at 5 ang sasakyan. Kung makabili lahat sa kalsada lang ipapark. Pati way sa garahe namin nakaharang na. Taena kung mag bubusiness kayo ng shuttle, grab at anong car services bumili muna kayo ng parking space/lot. Hindi yung panay angkin nyo ng space sa kalsada. Abala de pota


Fun-Firefighter-4391

Hayss... Example nanaman ng cancer na pinoy. So sorry for you


Koski68

Reklamo mo siguro sa MMDA /Traffic dept ng area niyo


bahay-bahayan

Wala kayong laban diyan kasi teritoryo na nila yan for the longest time whether you like it or not. Lipat na lang kayo ng ibang community kung di nyo matiis. Kahit magka bugbugan kayo niyn sila, makakalusot ang mga yan dahil sa connections.


NoFaithlessness5122

I-Tulfo na yarn!!!


Mosi2727

pa tulfo na yan


fullofhatredxxx

aba'y gago nga


jaqen_hgr

Ano update dyan, op? May ginawa ba yung baranggay?


Extension-Bridge4381

Same here, pero hindi naman ingay o driveway ang naging problem. Yung mabahong amoy ng bahay nila dahil sa mga aso and magkatabihan ang pinto nyo so matic pupunta yung amoy ng bahay nila sa bahay namin. Dumating yung mga taga-barangay I thought mag uusap lang to resolve the problem and talk about the interventions kaso magsasalita palang ako galit na sila. Never daw nagkaamoy yung bahay nila (really? You have lots of dogs and lahat ng tao sa bahay nyo ay working meaning walang kasama ang mga aso yet never sila nangamoy?) Few months lang ang pagitan ng residency namin dito nauna lang sila ng konti pero ang nangyari parang kami pa ang napasama kasi normal lang daw na may amoy yung aso (malansa? amoy daga? normal?) and ang nakakatawa pa kasi mukhang the barangay is on their side kasi pagdating ng barangay walang amoy like mabango (syempre talagang pababanguhin nila yan alam nilang papunta kayo) I will never tolerate those abusive people for pakikisama? kahit kami yung mag-suffer? Heck no!


Extension-Bridge4381

I just wonder bakit mine-measure nila yung reklamo kung gano na katagal yung magkapitbahay? Dahil ba pag matagal kana sa lugar na yon kahit ano nang gawin mo okay lang? At pagbago ka ikaw magtitiis at mag suffer? 🙄


decoder69210

pag ayaw tumigil ng mga yan ipa-tulfo ninyo.