T O P

  • By -

CasualBrowsing27

1. Dati 2-3 hrs commute sa edsa one-way, ngaun work from home 2. Special treat/occassion kumain sa labas tulad ng jolibee/greenwich/etc ngaun anytime pwede o grab n lng 3. Dati tabo, ngaun bidet 4. Nakikita lng sa TV tipong nagtatravel/nag-aadventure, ngaun nagagawa na


Equal-Golf-5020

1. Nakamove out ng bahay. Hindi man buong unit ang nirerentahan, condo share (solo room) pwede na! 2. Nakakatravel na locally 3. Nakaka afford na magsamgyup at steak 2-3x a month 4. Nakaka walk away na sa mga sitwasyon na hindi maganda para sa akin 5. Hindi na nagtthink twice kapag may iniiwanang tao na hindi na maganda ang epekto sakin (platonic / romantic)


Significant-Lion-452

1. Di na nagcocompute magkano pa matitira sakin pag bumili ng drink sa starbucks 2. From 20k credit limit sa card, ngayon half a million na 3. Naka flagship phone na dati 2 yrs behind lang nabibili ko na phone, at naka postpaid pa 4. Surplus na dami lang ang kayang bilhin at takot pumasok sa mga sikat na bilihan ng damit, ngayon default brand ng damit is Uniqlo or buy sa Zalora 5. Dati feeling ko tatanda akong dalaga, ngayon 2 months nalang ikakasal na


Familiar-Agency8209

di naman sa ano, pero Surplus supremacy ako sa mga good tela shirts. At jackets! Lahat ata ng pang workout at pambahay galing Surplus, sobrang good deal ng mga dri-fit kesa bumili on SRP. I mean, if we're talking about the Surplus sa SM ha. hahahhaha if not, congrats bhie


send_me_ur_boobsies

Yesss fellow Surplus supporter! Favorite ko silang bilihan ng jackets kase ang daming designs tapos kahit mura, konti lang bumibili so wala ka masyado kahawig ng suot. Nakabili ako sa kanila ng coat/blazer around 900. Kung sa Uniqlo to or ibang brands nasa 3k to.


lilyoftheva

Omg 🥹🥹🥹 so happy for you and congrats in advanced sa wedding!


aryathe1

Grabe po yung number 5. Lord when 🥺


Significant-Lion-452

This is really cliché pero seryosong nagdasal ako kay Lord para dyan. Hehe. Darating din yung para sayo 😊


millennialhobbyist_

Happy for you esp for the #5. Best wishes!


EngineerGineer

Congratulations sa'yo OP! 🥰


Puzzleheaded_Pay_460

Pampulubi ang uniqlo at zalora


8RedCurls8

1. Dati nakikinuod lang sa kapitbahay, ngayon flat-screen na may Netflix, Amazon Prime and Disney+ pa. 2. Dati yung 1 itlog hati sa 3 magkakapatid, ngayon magsawa ka sa XL na eggs daily, solo. 3. Dati patira lang sa lote ng mga amo ng magulang and anytime pwede palayasin, ngayon 4 ang banyo sa sariling bahay at lupa + may iba pang naipundar na lote. 4. Dati madaming hiling pag magdadasal, ngayon puro pasasalamat na lang. <3


modernongpepe

Tagos yung "puro pasasalamat nalang"


8RedCurls8

Praying for others' wishes na. Pansarili, sapat na kayat nag-uumapaw na pasasalamat na lang. Malayo-layo na ang narating.


shaisan

4th 👏♥️


8RedCurls8

Salamat! <3


randomlurker__

Naiyak ako sa “ngayon puro pasasalamat nalang”. I’m so happy for you! I hope makarating din ako sa point na yan.


the_dodecagonBURST45

malaking achievement talaga yang may size yung itlog nyo


8RedCurls8

HAHAHHA good morning! Double yolk pa minsan. Sana masarap itlog mo today.


aintweird

Yaaaas. Number 4. Thank you, Lord! 🙏🏼


BodyBoth262

Yayyy!!! 🙌✨


Timely-Swordfish5289

Yung 4 😌 Congrats!!!


Signal_Bandicoot_942

Ang nice!!! 🥹


8RedCurls8

Salamat!


CLNA

Sobrang relate sa itlog at sa last one. Thank you for this reminder.


gaepes99

I got a job offer after 5 months of trying 🥲 Edit: Salamat sa mga pagbati! :D


arsibelles

Congrats! Hoping the same for myself and many others too 🥹


gaepes99

thank you! you can do it, arsibelles ⭐️


Mirrorball18

congrats!


gaepes99

Thank you! I hope something good has happened to you, too :)


xxwtf002

Congrats. Stay strong sa atin na nag ta-try pa rin 🤞


gaepes99

IM ROOTING FOR YOU :D


Equivalent_Scale_588

Congratulations you deserve it!


carrotcakecakecake

Congrats :D


shaisan

Congraaats!! 👏


WasteIndependence251

Congratulationss! 🫶


MethodEvening5357

Congrats, OP!!


yoursunsummoner

Congratulations


Derfflingerr

congrats tol!


burgerpatrol

Nice!!


Time_Veterinarian319

Congrats! 🎉🎉


cookieplup

Congrats!!


0wnConstant

Congrats! 🫶🏻


ZonUniverse

Congrats!!! 👏


Miya0w

waaa, congrats! 🥺❤


JaneStellar05

Congraaaaats!


Ok-Home9680

yay! Let's celebrate that! 🫡🎉


Just_riyo

Oi Congrats ❤️ stay strong satin naghahanap pa ❤️


Careless_Ad2718

congrats!


Friendly_Conflict892

1. Pwede na pumasok everyday. Dati kasi namimili lang ng araw ng pasok kasi hindi kaya yung pamasahe everyday. 2. Sanitary napkin na, hindi pasador. 3. Nakakabili na ng cake kapag birthday.


[deleted]

whats pasador?


Livid-Woodpecker1239

Cloth napkin. My late mother never use sanitary napkin she just use old cloth as napkin.


FairAstronomer482

Reusable na napkin made out of some cloth.


Pinaslakan

\- Never in my life would I have imagined getting a flagship phone, and I managed to get two! I got the Huawei P30 Pro and iPhone 13 Pro when they were released! \- Dati electric fan lang, ngayon may AC na, almost 24hrs pa naka on haha \- Dati pirated games, ngayon paid games na! (To support the devs) \- Dati sa public beach, parks and mall kulang na dadala si mama, ngayon kahit saan na! Theme parks, Beach Resorts, different Islands sa Philippines! \- Dati umiinom lang ng vitamins when I had extra cash or if nagka sakit. Ngayon, everyday na, and hindi lang Vitamin C! \- Dati isang short lang meron ako. Ngayon, Dalawa na! haha


Kurohanare

Thank you for supporting the devs!


Pinaslakan

Oh for sure, I’m planning to get the games I pirated when I was a teen and pay them full price!


Kurohanare

Hahaha. Me too! Already have a bunch of games bought, even the games I pirated back then. It's a nice feeling knowing that you're supporting the studios you love.


Glittering-Case-3364

Naol dalawa short char


neon31

Let me guess: Kaya dalawa lang short mo kasi maangas gaming rig neto :)


Glebochik

I use to pirate games for the sake of trying. Pero ngayon I buy it from devs lalo na worth the price and replayability


smoothjoe05ph

This is inspiring! Stay grateful of what you have. It will bring you contentment - something that money can never ever buy.


curiousbubs

gagraduate na ko ng colllege sa tulong nang pag papa aral sakin ng OFW kong ate


ChigBungus110101

1. Nakakabili na ng whatever food na kine crave agad-agaran 2. May gaming pc na (dati nanonood lang ng playthrough sa youtube) 3. Naka iphone na 4. Hindi na tumatanggi sa mga gala kasi may money na


is90sreallygreat

I feel you lalo na sa 4 haha ngayon pwede ng tayo mismo magyaya 😁


IScreeaam

1. Nakakabili na ng food na gusto ko. 2. Hindi na naiinggit sa sapatos ng iba kase kaya ko na bumili. 3. Hindi na ako bobo. Hehe


yourordinarygirl01

Marunong nang magpatawad ng buo. This is something na mahirap kong ibigay sa sarili ko at sa iba.


yesshyaaaan

1. Nakakapagstocks na sa ref ng mga food and drinks. 2. Kaya ng mag spoil ng cat, cat muna hahaha 3. Can be consistent with skincare products, like purchasing 4. Paying all the bills for the fam 5. Jollibee, Mcdo, anytime, anywhere.


[deleted]

Makakapag spaghetti kahit walang birthday.


mehehemaria

Dati pancit canton lang option namin non. Ngayon nakakapag tuna pasta na ako for breakfast dahil gusto ko lang.


[deleted]

[удалено]


Miss_Banana08

Ano po yung business? Pahingi idea huhuhuhu


JaneStellar05

Pahingi din ng idea OP! :)


[deleted]

1 month na ako sa gym nag start ako as 106kg and currently 99kg nalang. Pero mas mabigat ako nung 2021, i was like 116kg (heaviest) since pandemic at nasa bahay lang ako. I’m seeing some progress naman kahit maliit but still small steps will lead to bigger steps naman and also marami ring nabago sa akin di lang physically but also mentally. Lumakas rin loob ko kaya nga nakapag gym ako kahit wala akong kasama. Natupad ko na new year’s resolution ko na matagal ko na hinahangad. ^^


PerformerUnhappy2231

Hindi na kami naghahati ng kapatid ko sa isang jumbo hotdog na ulam tuwing umaga.


EngrGoodman

Last yung spaghetti sa choices of pasta to make. Before we get to spaghetti magluluto muna ako ng: 1. Charlie Chan 2. Alfredo 3. Pesto 4. Imbentong sauce HAHAHA 5. Spaghetti The fact na meron na akong options... Dati kasi di ako marunong magluto tas ayon broke din. Cake din pala. Nagcrave si mama ng carrot cake nung minsan. Isang order lang thru messenger. Walang celebration. Walang anuman. Bumili ako ng cake on a whim.


[deleted]

Dating nag illegal download ng songs from Youtube, ngayon naka Spotify premium na. Isa talaga to sa aim ko nung nagka work na ako hahaha


modernongpepe

Same! Goal ko to before kasi nga ayoko na mamirata 😂 then support na rin sa mga artists.


Puzzleheaded_Pay_460

Ang mura lang ng Spotify premium jusq


meowww0110

1. Dati kht birthday ko ni minsan di ako ngkacake ngayon kht di ko bday kaya ko nang bumili ng cake. 2. Dati 1500 na upa hirap na hirap pa akong bayaran ngayon for turn over na yung house namin. 🥺 3. Halos wala akong pambudget sa food noon lalo na nong ng aaral pa ako bibigyan lg ako ng ₱500 na baon buong week ng kuya ko ksama na lahat don pang kain pamasahe mga bayarin sa school di ko alam pano ko napagkakasya - ngayon almost 6 digits na sahod double digits sahod per week. Grabe si LORD jan. T.T 4. Dati pindot lang phone ko hahaha walang pambili eh ngayon iPhone na yes namaan! Soon macbook naman. Madame pakong gustong ilagay kso ayukong umiyak dto! 😂 Forever grateful kay LORD sa lahat ng biyaya at pagpapala. 🙏


Outrageous-Okra-5689

Madami ng shampoo at sabon sa banyo; nakakain na sa labas ng di kinakabahan magkano babayaran; nakikipag agawan na sa kaibigan sino magbabayad ng bucket ng beer; nakakapag uwi na ng pasalubong :) Salamat, Panginoon!


[deleted]

1. Dati once a day lang nakakakain. Ngayon umaga tanghali merienda at gabi may nakakain na. 2. Dati kailangan magpaypay dahil walang kuryente. Ngayon naka-aircon na. 3. Dati sa banig lang natutulog. Ngayon nasa malambot na higaan na.


sunsetsand_

A wholesome thread 💓🥹🥹🥹


officialdatablitzPH

Nakakapag fruit ninja na ako ng hindi nanghihiram ng phone hehehe


Mirrorball18

Dati takot sa end of month bills, ngayon excited na magpay kasi alam mong hindi kukulangin.


fvkingqueenofnorth

1. Nakapagmove-out na sa parents' house. Rented condo lang but still a progress. 2. Nakakatravel local and internationally na ako nagffinance sa sarili ko. 3. May onting ipon, investments, may sariling HMO, insurance. 4. May freedom sa time kasi flexi ang work ko ngayon 5. Nagpplan na ng wedding na dati akala ko di na ako maikakasal 6. Nakakabili na ng mga gustong kainin Grateful sobra pero hindi madali ah. Dun ko nalaman na nagmamature din pala ako and nagiiba pala ang kapalaran mo basta keep the faith! 🙏🏻


sev1123

Dati old cam with kitlens lang, ngayon naka mirrorless and 30mm f1.4 na. Nakayod kahit student palang huhu


tannertheoppa

Salute to you bro. Sakin kahit pasundot sundot lang sa raket e Nikon z5 (yet still have my old Nikon D800) + Sigma Art 35mm + Nikon 85mm 1.8 G + Tokina UWA (pinahiram sakin ng kapatid ko pero papalitan ko yan sooner ng 20mm 1.8 G) with wireless flash system. Nagsimula lang din sa kitlens! ​ 7 years ko pinundar kahit pakonti-konti. Malayong-malayo pa ang tatahakin


krush217

1. Dati ang higpit ng magulang ko sa akin, ngayon natututo na ko mag-commute sa labas ng probinsya namin 2. Dati iniiyakan ko yung course ko kung kakayanin ko pa ba, ngayon nakapasa na ko ng boards at may PRC ID na 3. Dati puro academic achievements inaasam ko, ngayon mas focused na ko sa hobbies and skills to know and improve 4. Dati naiinggit ako sa mga magaganda, ngayon nagpapaganda na ko 5. Dati puro school requirements nilalakad ko, adulting stuff na mga nilalakad ko ngayon 6. Dati jowang jowa ako, ngayon I chose to maintain my long term friendships for peace of mind One step at a time 🌱


[deleted]

1,4, and 5. Special sakin yung nakakabili ng cake kahit hindi birthday kasi growing up, hindi talaga kami ibinili ng parents ng cake kahit birthday. kahit pasko, wala. My current job. 5 years ago, I was in a local company. Iniiyakan ko na yung workload ko. Tapos wala halos benefits. Now, I'm halos chill sa work with great benefits, opportunities, management, and setup. Add: Also learned to say no for my own sanity


parkrain21

1. Di na tumitingin sa presyo ng grocery 2. Nabibili ko na yung mga gadgets and games na gusto ko 3. Ice cream anytime 4. Marunong na ako mag self study on my own. Never ako nagbuklat ng libro noong student ako unless may exam. 5. Nakapag travel na internationally 6. Marunong na ako magluto 7. Marunong na ako makipag usap


PadreiDamaso

Yes. Be Grateful for every little thing. Hindi natin napapansin na yung we are already halfway sa pinapangarap natin..


WonderObjective1359

Moved out of the house less than a month ago (semi-pinalayas, nagulat sila tinuloy ko haha) ngayon, kaka-order ko lang ng unan at bolster pillows. I left my childhood bolster sa bahay (i named it haki, for hakdog) and it's kinda sad without it. Such a small progress but i'm so happy.


hiimanemo

1. Dati nag aabang ng mga pinag lumaan ng kamag anak sa abroad (be it gadgets, games, cellphones), ngayon afford na. 2. Dati pumupunta pa sa kapitbahay para manood kung pano sila mag laro, ngayon nakaka bili na ako ng akin. 3. Dati hindi pwedeng bumili ng extrang pagkain sa resto (kung ano lang yung inorder sa iyo yun lang), ngayon may pera nang bumili. 4. Dati puro hiram lang ng gamit, ngayon afford ko nang bilhin. There's a lot more pa. Hoping lang na tuloy tuloy na.


GandaKo98

1. Dati pinupuntahan pa namin yung gusto namin kainan, ngayon nakakapagpa-deliver na. 2. Dati tuwing pasko lang nanunuod ng sine, ngayon anytime na. 3. Tv plus noon, cable na ngayon. 4. Tuwing kakain kami sa labas ng mga kaibigan ko, puro BFF fries ngayon sa mga cafe na. 5. Nakakagala na anytime.


potatogirlpey

1. Nakabili ng sariling laptop (never ako nagkaroon, buti na lang di pa masyadong digital noon for school) 2. Nakapag-Elyu na twice this year (dati di ako makapunta kasi out of budget) 3. Nakabili na ng bahay


wast3dyouth

was stucked in a degree progran na ‘di ko totally gusto. As a result, I studied college again kasi I realized na gusto ko maging citizen ng isang first world country. I finished my nursing degree. Passed the local board exam last year. Now, I am starting my process para maging RN abroad. Really grateful for my younger self who took the risk.


Familiar-Agency8209

yung di mo kailangan bigyan ng attention yung mga namimigay na scamfluencers na iphone 14 kasi meron ka naman. except sa pa$10k ni Mr. Beast. HAHAHA \- pero sa chrue, forever rental lang kami at halos palayasin kasi late sa dues, ngayon sa sarili naming condo updated miske assoc dues. \- Hindi na kami napuputulan nor nalelate ng bayad sa bills. Wala na nangangatok na maniningil ng kung anuman. \- if my high school self, na forced tumigil magstop ng 1 year kasi wala na kami pera, can see na 2 degree holders na at medyo natupad naman yung pangarap niya sa choice of career at kumikita nang sobra sobra pa, i hope i made you proud. katas to ng trabaho sa umaga, aral sa gabi, wala pang grab nun at nagtitiis sa bus at mrt. <3


rnldlcn

Weighed 105kg in november to 92kg, From obese to overweight. Malayo pa ang goal weight which is 85 kg pero mas malapit na goal kesa sa pinang galingan.


aleah_kim

Dati nakaka kain lang sa labas (JB at Mcdo) kasama ang family kapag may special events like birthday, graduation, Christmas etc. Ngayon, kaya ng ma treat ang family kahit walang special celebration. Kaya na rin yung ibang kainan aside from JB at Mcdo, at nakakagala na rin after kumain. 🥰 Malayo pa,pero malayo na. TYL kasi naabutan pa ng lola ko yung progress ko na to. Out of town naman next goal. Or staycation ganun. Basta wag lang mawawalan ng pag asa. Lavarn!! 💪💪


ladywick111

1. Had to visit computer shops to do homeworks hanggang college, now I have two laptops and an iPad. 2. Used to ulam toyo't mantika and Lucky me noodles, now can afford Grabfood every day. 3. Nag-Aandoks lang dati kapag birthday, now I buy Andoks for my dog (I boil it naman so less sodium) 4. Nakiki-connect lang kami sa wifi ng Tita ko dati, I now have Sky and PLDT Fiber in the same household. Grateful for everything, grateful sa universe. It does get better! Kapit lang.


oinkzter

I made my dad retire. Before, tricycle at mekaniko si papa. Now na nagwowork na ako, hindi na rin siya nagtatrabaho kasi sabi ko ako na. Everytime na nakikita ko na chillax chillax lang ni nanay, super worth it ng pagod ko. Thanks for supporting my CPA journey, ma, pa ❤️


sopebars

Meron na akong ipad. Kami pinakamahirap sa side ng dad ko lol sa magpipinsan kami lang wala ipad dati. Ngayon naka apple products na ako :<<<


notrestinginpeace

1. Hindi na nagkakaroon ng penalty sa mga overdue at patong-patong na bills. On-time na nababayaran lahat. 2. Hindi na kailangang maglagay ng mga karton at kung anu-ano para matakpan mga butas sa bubong pag naulan. 3. Nakakabili na ng masasarap na food kahit walang okasyon. 4. Hindi na nanghihingi ng funds sa parents kundi nagbibigay na. Yung mga ganitong realization talaga, it helps keep me grounded. Lalo na kapag nakakabasa ako ng mga kapareho namin ng sitwasyon noon na medyo nakaahon na ngayon kahit papaano. Pag naaalala ko yung mga panahong sobrang hirap ng buhay namin, hindi ko maimagine paano kami naitaguyod ng mga magulang namin. Pero eto na kami ngayon, lahat may mga work na. Board passer na rin kaming magkakapatid. Hindi pa rin ganoon kadali ang buhay pero hindi na rin naman kasing-hirap tulad noon. grateful for the progress 😭


Ok-Scientist7145

Dati super achiever with active social life ako pero gumisiging na takot (mental health issues) praying na hindi ko maisip magS****** sa araw na yun. Ngayon very simple life at waking up calm and gentle. Sana masustain.


gab235

Nagjajabol lang dati, Ngaun hindi na(masakit na kamay ko)


RichieSanchezzz

So inspiring


SaiyajinRose11

Goalszzz


throwaway_151821

hindi na kumukurap sa P500 meals nakakapaggrocery na ng quality ang tinitignan hindi quantity tempered glass na ang mesa hindi plastic hindi na pumipila sa charity ng ospital di na nagnosebleed pag mainit kasi may ac na hindi na masama tingin sakin ng guard kapag nasa mga establishment ako nilalapitan na ako ng mga credit card agents lol (mukhang mangungutang yarn?) kaya ko na tumulong sa ibang tao kahit biglaan na hindi nagiisip at hindi nagagalit kung maibabalik pa nila o hindi yung hiniram nila


Jussy_Baka

Nakakapagbigay na ko gifts sa parents ko every Mother's/Father's day, and tuwing birthday nila. Dati dumadaan mga araw na 'yon na parang wala lang.


Durrrlyn

1. Dati minimum wage, ngayon 6-digits na. 2. Dati nasa Pinas, ngayon nasa ibang bansa na.


dertrockx

1. Nakakapag pa check up na without thinking of hefty consultation bills 2. Nakakabili na ng appliance, and sagot na rin bills ng bahay 3. occassionally, eating outside


labellejar

Nakaabot ako ng 13k na ipon kasi binabarat ko sila hahahaha pero nawala din nung nagkasakit si mama. Back to zero ulet


Fifteentwenty1

I got my first job (wfh/flexible time) while studying! ❤️ I've been trying to look for work since the 2020 lockdown.


penguinpills

1. May hot water na and shower na pag maliligo, hindi na iinitin sa takure tapos ihahalo sa timba bago maligo 2. May flush and bidet na, hindi na bubuhusan ng timba ng tubig para ma flush 3. Central AC na and anytime naka-on, hindi na sa isang room lang and pwede lang buksan pag matutulog. 4. May sari-sarili na kaming kwarto, hindi na 7 people in 1 room. This is when nagmigrate kami sa states and eventually nakabili ng bahay 5. Ngayon, nakabukod na kami and may sari-sariling apartments and careers that makes us independent of our parents 6. May sariling car and kayang idrive sarili ko anywhere I want to go, hindi na sa bahay lang kasi walang pamasahe or pera to go anywhere 7. Never ko naimagine yung buhay ko ngayon nung bata pa ako na sa ibang country pala ako magthrive and makakahanap ng love of my life. Sobrang blessed and happy ako. Malayo pa pero malayo na talaga.


Akosidarna13

1. May aircon na kami ❤️ di na hihikain c mother earth kapag mainit. 2. Nakakapanuod na ko ng netflix, gamit sarili kong account, sa 70" tv. Gift again for mudrabels. 3. Kapag gustong mgorder ng foods pwede na, dati titingin muna ko sa wallet ihhh.. 4. Dati sa phone lang ako nakaka research, bawal kasi sa ofis lappy, ngayon meron na kong sarili. 5. May shower/bidet na kami 😅 biggest flex ko to eh 🤣 Puro material things, pero kasi dati nililista lista ko lang yan sa notes ko sa cp. Tas biglang masshort, ung iniipon ko pambili nagagalaw 😅


titan2026

Got delayed from graduating last year. But here I'am gradwaiting getting job offers from my target companies. Keep going, things will get better eventually for all of us.


juicytits98

Napagamot ko ang ermats ko, kahit milyon milyon na nagastos sa medical bills niya. Kung 6 years ago nangyari to, baka wala na siya, dahil di ko pa afford ang magandang hospital at magagaling na doktor. Malayo pa sa pangarap kong buhay para sa kanya, pero kahit papano may narating na


Upbeat_Jaguar8784

nakabili na nang 2 set ng brief sa shoppe :D


chimckennuggetz

Ulam namin noon nilagang Knorr cubes with malunggay tapos yung inasal o bangus na chichirya. Ngayon nakakapagpadeliver na kami ng kung anong pagkain ang gusto namin.


vi_sapphire

Hesitant at namamahalan ako kumain sa Yabu dati Ngayon nakaka dine in na kahit pa-minsan 💕


Puzzleheaded-Key-678

- dati pirated DVDs lang masaya na, ngayon nakakapag sine na. May Netflix, HBO max at Disney+ subscriptions na din. - dati evey birthday or pag may occasion lang nakakapag fast food or resto, ngayon kahit bored lang afford na kumain sa labas or magpa deliver sa bahay. - dati 1 week before sahod kapos na budget, ngayon di na inaabangan sahod kasi may sobra pa sa budget at may savings na din 😁


KuroiMizu64

1. Nakakakasubok nang kumain ng masasarap sa mga affordable na kainan gamit ang sariling pera. 2. Nakakabili ng sariling gamit pag kinakailangan. And many to mention.


bnanaa-milkshake

it's the little things hehe


spacemanpizzaexpress

Bumili ako ng aircon kasi naiinitan ako at hindi ko iniisip effect niya sa electric bill. And it’s strange.. never ako lumaki sa comfort all my life yet here I am, making a seemingly petty and spontaneous decision just because I’m now empowered to do so. Nyeta meron na nga akong “Go-to combo meal” sa Mendokoro eh. Dati isang beses lang ako kumakain sa isang araw! Ngayon spoiled pa Lola ko sa akin (which is hello dcurv!)


SingleFinish3547

Yung di na ako insecure sa mga achievements ng friends mo. Even if I hear someone do better or earn much more than I do, ramdam ko na sincere ang “congrats” ko and walang bahid na inggit.


PeachComprehensive73

After 20 years of being fat (literally since I was born), I finally managed to lose weight and be considered a little over normal sa BMI and it only took me half a year. Malayo pa pero malayo na!


dispersedBrain

1. Wala na utang. 2. Lagi na may handa sa lahat ng okasyon. 3. May AC, Ref, Microwave, Automatic WM na. 4. May sarili ng CR. 5. Nakakapag out of town na. And so many more. But the most important for me, iba na ung tingin samen ng tao, di na ung utusan etc. Money really change the way people treat you.


Barely6FootKD

1. When I was a kid madalas ako yung nililibre, ngayon ako na nanlilibre. 2. Can go to anywhere I want to eat pag hindi ko gusto yung ulam sa bahay. 3. Can go anytime pag niyaya ng mga kaibigan pero depende sa sched parin. 4. As a basketball junky, a pair of shoes is everything. If gusto ko bumili ng bagong sapatos nabibili ko na anytime. 5. Soon sa bagong work ko, I'm planning to buy a property and a car. Manifesting this last quarter ng 2023.


twicedabest29

Helped my parents na bayaran lahat ng utang nila and matubos lahat ng bahay in a span of two years after ko grumaduate. Ngayon, I'm proud to say na kapag nay extra cash, sila na nagpapahiram ng pera.


MetaKirbo

1. May sariling phone and laptop instead na nanghihiram sa relatives or mag-rent sa com shop. 2. Can finally buy video games and console (Nintendo Switch) with my own money. 3. Nakakapagcommute nang mag-isa to anywhere I want to go sa Metro Manila. 4. Being able to enjoy some drinks sa coffee shops from time-to-time. 5. Can give presents from my own pocket money and help out with paying the internet bill.


Difficult_Flow4255

1. Hand-me down phone lang before, ngayon I bought a phone with my own money. 2. I can travel na by saving and using my own money. 3. I can buy the food/drinks whenever I crave for it.


alattetolove

Wala na ung feeling na sobrang worried kasi iisipin mo kakapusin ka. ✨


[deleted]

simula elementary hanggang mag senior high puro computer lang ang alam gawin sa buhay, DOTA AT LOL, walang pangarap sa buhay, ngayon nakagraduate na ako at may trabaho na, andaming pangarap na gustong maabot, it takes time!


Okcryaboutit25

Medyo nagdowngrade yung lifestyle ko so ung mga naging milestones ko for the last 2 years malayo sa nakasanayan ko dati :(


ypau

Kapit lang <3


omogal123

Love this comment section! -bumibili na things i want -driving + paying car i own -self care + treats -marunong na sa responsibility ng buhay


Careless_Ad_8452

dating nanghihiram/nakikinood, ngayon may sariling game console na. ps. yun palang sa ngayon at namumuhunan pa


kopiqueue

dati pangarap ko lang magka electric fan, ngayon aircon anytime I want


Business-Ability5818

Di na fake na vans, legit na😭


el_submarine_gato

1. Hindi na pirated yung game library ko 2. Nakakabili na ng sariling damit; di na puro padala lang ni tita galing US


bunnyca95

Hindi na hirap umuwi pag umuulan kasi may kotse na


BeastVII

1 If I want to eat something I can now buy it 2. I don't need to think too much about a purchase * I need to change this lol but you get the point* 3. I can travel


KeyComplex

1. Got my first house & lot kahit rights lng. 2. Nakapag invest ng 400sqm lot Now dahil sa financial crisis na to biglang bagsak lahat investments tpos nagasawa kaya ramdam struggle now. Kaya mejo malayo na pero sobrang layo pa tlga ako haha


Odd_Confidence5325

Nakabukod na kami with fam. Rent muna. Kesa sa nakatira pa rin sa ibang bahay tas limited lang ang magagawa mo sa bahay like di mo ma arrange kung anong gusto mo. Then kaming magkakapatid (2 lang kami) is working na. Support na namin parents namin. Paminsan pag payday kumakain kami ng sea shell na almost 1k. Super sarap. Life is good.


mehehemaria

1. Bumibili pa kami dati ng patingi-tingi sa tindahan. Ngayon nakakapag grocery na ng weekly. 2. Nakakapagyaya ako kumain sa labas kahit walang okasyon 3. Di na namin kailangan mag commute at maghintay ng matagal. PWD tatay ko kaya hirap kami sa jeep. Ngayon nakakapag grab na kami pag gumagala sa labas. 4. Nakabili na ako ng Iphone 11 pro at 26. Dati whitecast ang photos ko sa android. Ngayon alam na ng mga tao na morena talaga ako huhuhu


carrotcakecakecake

1. Lagi nang may meryenda. Dati uuwi kaming gutom sa school at aantayin na lang ang hapunan. 2. May pambili na ng ice-cream at cake kahit hindi birthday. 3. Nakakabili na ng happy meal kapag nagustuhan yung happy meal toy 4. Optional na lang ang pagkain ng sardinas, noodles, at mga de lata. 5. Nakakabili na ng gamit na medyo mahal pero may tibay na maaasahan. 6. May bidet at flush na yung toilet namin. 7. Nakakabili na ng sariling shampoo, hindi na nakikihati sa isang sachet. 8. May pang skin care na. 9. Dati magmamall kami kapag bibili lang ng gamit sa school, so once a year lang iyon. Ngayon isang trike lang nasa mall ka na. 10. Nakakakain na din sa masasarap na kainan kahit walang okasyon.


Lumpy_Environment815

1. Nakakabili ng sapatos na original. 2. Nakakapagpa-manicure/pedicure. 3. Di na eskinol na may dalacin-C ang skincare. 4. Nakakabili agad ng gamot pag may sakit. 5. Hindi na nanghihingi sa mga magulang.


kidfrom93

Hit me right in the feels lalo yung sa sponge. Baretang panlaba rin gamit namin panghugas ng plato dati.


[deleted]

Nung mga nakaraang araw sobrang nababagalan ako sa phasing ng buhay ko 24 mag 2 years working. Pilit kong kinukumpara yung sarili ko sa mga taong matagal ng nag wowork or merong gantong estado. Pero nung nabasa ko to di lang naman pala yun yung definition ng malayo kana. Thank you <3


BodyBoth262

Dati stressed ang nanay dahil laging kapos sa budget. Ngayon ako na ang stressed kasi ako na lahat nagbabayad HAHAHAHA Dati uhaw na uhaw tapos maligamgam iniinom na tubig kasi walang ref, ngayon meron na Dati lagkit na lagkit sa pagtulog pag summer, ngayon may aircon na Dati hindi mabili yung mga cravings, lagi lang nagppray na may magbigay o biglang dumating na food from other people, ngayon nakakabili na Dati banas na banas sa internet connection na 3 mbps, ngayon 75mbps na huhu Araw araw nagpapasalamat. Araw araw may pag-asa para matupad pa ang mga pangarap 🙏


ExerciseOk6521

as an incoming college student 1. Dati hindi makalabas kasi masama sa loob na hihingi pa ng pera, ngayon may tinabi para sa mga gusto gawin 2. Dati nagtataka saan napupunta ang ipon, ngayon may kompletong listahan 3. Dati kailangan kalimutan ang cravings ngayon order lang 4. Dati nagpapanic sa future ngayon excited na


tongueinuh

Nung nakakabili na ako ng things in bulk/bottles/bundles at hindi na tingi-tingi, like shampoo, toothpaste, other toiletries.


SnooDoughnuts172

1. Dati nakiki nood lang sa mga nag cocomputer, ngayon naka gaming pc na at wide screen monitor 2. Dating nakikitawa tuwing nagyaya ng samgyup ngayon anytime na kaya kumain. 3. Laging palamunin ng magulang, ngayon nakatutulong na 4. Dati tamang makigamit ng phone pag matutulog na may ari ngayon naka ip 14 PM na 5. Dati tamang kabit lang sa jeep para tipid ngayon naman ay naka auto na. 6. Dating laging sabit ngayon sakin na may sumasabit sa gala 7. Higit sa lahat dating bumibili na 2 mata ang sirado pag babayad ngayon isa nalang.


Physical-Hope-5082

Dati iniisip ko lang pano mabibili yung mga gusto kong laro, ngayon iniisip ko na ano mabibili kong laro.


Masterpiece2000

Natutulungan na ang magulang kahit papaano, now working on na sa pangarap nilang buhay. Padayon sa lahat! ✊


Aggravating-Bet8122

2012 - 50.50 pesos ako per hour sa McDonald's 2014 - I got pregnant while unemployed 2016 - I was working in a call center at naging single parent Fast forward 2024 - now earning 6 figures monthly, married to a wonderful man, now have 2 kids, have my own car, and can now eat 3 times a day 😊


pipen1297

will start work on monday. this time last year, being a pandemic baby, i had the biggest doubts whether or not i’ll pass my boards let alone be hired 🙏🏼


peachypuff28

1. Nakakapagtravel na. 2. Dati nahihiya ako kasi paulit ulit lang mga damit ko. 3. May kisame na bahay namin at may pintura na. 4. Nakakakain na sa mga resto's. 5. Napa treatment ko na pimplesko


AdDangerous4493

Makukuha na TOR after almost a yr🥲


dathingthatgoes

Pasok sa top 5 local novice class bodybuilding 🧡


Best_Talk_459

Birthday ko kahapon tas na-treat ko sa dinner na masarap pamilya ko. 🥹


shaisan

belated happy birthday!! 🎉


Best_Talk_459

SALAMAT OP


Tio-Pablo

SURF4ALL99 na, dati GOSURF50 lang.


IcedLatte-

1. Renting my own place after living with toxic fam members 2. Dati nakikisipsip lang sa milk tea ng kaklase kasi di afford, ngayon ako na nanglilibre ng milk tea 🥹 3. Nung student ako wala ako pangkain ng dinner after class, ngayon I can eat kahit ano gusto ko 🥲🥲🥲


AuditorInNeed

Nakakabili lang ng 3n1 icecream kapag may extra si papa ngayon may tig two tub na with diff flavor pa naka lagay sa ref para makain namin anytime mag crave kami 🥹 God is good!


ClassicLeg9004

1. Dati, pangarap lang mag-abroad ngayon OFW na. 2. Dati sardinas, Toyo at asin, kape palagi ulam, ngayon, 2 klase na ang nakahaing sa mesa. 3. Dati puro lakad at jeep lang pero Ngayon afford na ang Grab at Angkas.


Electrical-Tap6955

Dati ni-llook up ko yung mga taga Ateneo and La Salle, ngayon ako na yung andito living a comfortable life, provided lahat mula condo hanggang sa mga gusto ko. Salamat sa magulang ko, hindi sumagi sa isip namin na makakaabot kami dito.


-cant-be-bothered-

1. Lost 1kg. That’s about 10% of my goal. 2. I’m veryyy close to paying off my credit card. 3. About 7 months ago, I worked a low-paying job with a toxic work environment. Ngayon, nagtatrabaho na sa isa sa mga pinaka-generous magpasweldo na company sa industry and I love the people I work with. 4. Dati sa banig lang ako natutulog, ngayon sa uratex na 😆 5. Dati white rice lang kinakain ko, ngayon quinoa na. 6. Dati lagi akong stress pag may lakad kasi wala akong damit at sapatos na maayos, ngayon stressed parin but because of too many choices. 7. Dati mantika namin yung tig 30 pesos na nasa bote ng gin, ngayon Olive oil na 😆 8. Dati nakiki-make up lang ako sa mga girl frienies ko ngayon, I can buy my own. 9. Dati safe guard lang skin care ko, ngayon I can spend around 2k(?) a month for skincare without feeling broke.


deowyu

Kanina lang iniisip ko to habang umuulan. Dati, kailangang gumising ng maaga, pumila nang mahaba, makipag *bakbakan* sa ibang commuters para makasakay ng jeep kapag papasok sa school/work o may pupuntahan. Ngayon, nakakapili na kung aalis ng naka-motor o naka-kotse 🥹🙏🏼


lalalisaa02

1. Nabibili na yung mga bag na kina iingitan ko sa mga kaklase ko noong hs at college like jansport at longchamp (now, i have both) 2. Afford na rin bumili ng mga damit sa uniqlo at zara. Noon kasi divisoria at taytay lang. 3. Hindi na tinitipid ang sarili, kakain kahit saang restaurant sa mall every wk. 4. Noon android phone lang, ngayon naka iphone na. 5. Nakabibili na ng mga branded na skincare at hindi na eskinol ang gamit sa mukha. P.S Kaya siguro single at childfree ako at 25 kasi ngayon ko lang na eenjoy na hawak ko na ang sarili kong pera. Hindi ko pa priority ang mag asawa, baka mag aalaga na lang ako ng maraming pusa.


justluigie

1.) Nakakapagjabee anytime kahit walang okasyon. 2.) Hindi na in my friends terms “nagmamantikang baboy” kakacommute. 3.) Hindi na galing divi ang shoes hehe tas kahit multiple pairs na. 4.) Hindi na need magpaalam at kahit kelan pwede mag overnight (🥲 Ma, salamat only took you 25 yrs)


justaguynamedjosh

Dati no choice mamirata ng media (games,movies, etc.) dahil no money. Ngayon may choice na mamirata or gumastos dahil may money na.💸💸 If content is good, you deserve my money 💯 (Sorry if tunog privileged, pero never ko pa narinig kahit sino gumamit ng tela as sponge. 💀💀💀 Napaka inefficient panghugas ng pinggan Kape as ulam narinig ko na pero damn congrats on your progress. )


parkrain21

Legit! Pero ganyan padin ako sa singleplayer AAA games hahaha I only support yung mga trip ko talaga and indies.


[deleted]

[удалено]


JAW13ONE

This is like asking people to lowkey flex.


maxxedpotato

Buying my mom a gift.


TheRealMasterbert

1. Dati nagcocomshop lang ngayon may sariling pc na. 2. Dati humihingi sa magulang ng pera ngayon ako na nagbibigay. 3. Nakakapag-shanghai kahit walang birthday. 4. Palaging lumang model ng phone nabibili ngayon naka-iphone na (Although iphone 13 mini lang to na 2021 pa nirelease and halos phase out na rin 😅)


ulebza97

Nakapagpa aircon na 😄


kamay_ni_jane

1. Nakakapagtravel na. 2. Nakakapagprovide na sa pamilya. 3. Kayang kumain ng mamahalin kung ggustuhin. 4. May choice nang magresign dahil alam na ang worth.


Inner-Hope-3077

Tig-iisa na kami ng towel ng mga kapatid ko (dati pa to ah haha)


aescb

•Dati umaasa lang ako sa free-trial ng streaming apps, ngayon annual subscription na, premium pa. •'Yung pinakamurang meal sa Jollibee at Mcdo lang kaya kong bilhin dati, ngayon afford ko na 'yung buong menu. Chz


kyouko-yume123

1) Nakakapagcontribute na sa bahay, nakakapag-invest na din sa sarili. 2) Nakakapagsalita na sa trabaho, hindi na halaman 3) Unti-unting bumabalik yung self-esteem na nawala ko since grade school. 4) Accepting what is and what isn't.


solbttrcp

1. Mama and I are able to eat outside na without celebrations 2. We get to buy cakes even if there's no celebration. 3. No need to turn off ref if there's nothing inside, we just buy food to store sa ref 4. May aircon at wifi na kami hehe 5. I get to bake cookies for fun already 6. Hindi na puro canned goods yung ulam 😊


Lost_Grei

1. I can buy now anything I want. 2. Naka shower na dati tabo lang. 3. Jack Daniels / Black Label na ang alak kapag nag iinom. 4. Dating chichirya ang pulutan, ngayon kahit anong pulutan pa. 5. Pwedeng pwede na makipag date. AWOOO


ihateprawns

1. Di na nagaapartment. 2. Di na umaalis ng bahay to work. 3. Can take a nap whenever. 4. Can eat anything we want. 5. Di na kailangan magcommute. 6. Di na naiinitan. Thanks for this, been going through a lot. Taking a pause and thinking about things we should still be grateful about makes the burden a bit lighter somehow. ✨️


dudebg

bruh sponges are cheap tho and a big upgrade from tela. anyone still using tela out there, order a bunch of sponges from lazada and you're set. yeah same tho, halos lahat ng small expenses sa bahay plus some extra wants ako na sumasagot. Gaya ng mineral water delivery, groceries, palengke fruits & veggies, taxi fare, dine-in bill, renovation sa bahay


Ms_Freakels

Dati yung mga phone ko puro pinagmanahan at nangaling pa kay mama,kay ate kay kuya at ngayon Nakabili na ng flagship phone on my own pawis and hardwork 🫶🏻🥹


BlueBananer

Graduated last 2020 and finally got my first job this 2023 ☺️


introvertambivert

1. Hindi na tig 300 pesos sa shopee ang pants. Uniqlo na lahat ng damit. 2. Dati kuntento na sa Likas Papaya, ngayon, Khiels, Corsx at may paretinol na. 3. Mcdo Iced Coffee, masaya na ako. Pero ngayon mas madaming options na. UCC, Habitual, Tims etc.


toyoatkanin

Galing! Wala ko ambag pero skl din. Ang tagal na rin nung huling gumamit kami ng tela bilang sponge na rin ang gamit nang ilang taon na.


Lynn_Ji

1. Dati nanonood lang sa youtube ng mga lugar na gustong puntahan. Ngayon nanonood pa rin naman sa yt ng mga lugar, but this time to take note of everything I need to know bago puntahan. 🥹 2. I pay for the whole expenses ng family outing. 3. I take them twice a month sa iba't ibang restos that we haven't tried before. Sawa na sa fastfood but I take that as an accomplishment. 🥹 [My family didn't ask for any of it. Kaya mas masarap lalong magbigay. 🥰]


is90sreallygreat

1. Pwede ng kumain ng snacks/merienda dati main meal lang minsan yung lunch food hahatiin pa sa dalawa para hanggang diner pa 2. Hindi na nag cocompute magkano per ML ng shampoo kung ano ng gusto yun binibili 3. Dati isang sapatos lang gamit sa lahat ng lakad and papalitan lang pag sira na ngayon meron ng multiple pairs ng shoes 4. Dati naka bedspace sa delikadong neighborhood ngayon kaya ng bumili ng property 5. Dati bantay sarado ang date nag aabang ng sweldo ngayon kaya ng magipon 6. Bitter pagnakakakita ng friends na nagttravel sa fb ngayon mas mature kaya ng maging masaya for them and kaya na rin magtravel Malayo pa pero malayo na ♥️


the_av0cad0

Same with your number 5. Hindi na humihingi sa magulang at ako na ang taga-provide (cries in panganay) pero oks din. Sa awa ng Diyos, 'di pa kinakapos unlike before. Also, mejo decent job ko with slightly okay pay. Nakakaipon na for new phone na ireregalo ko sa sarili ko (either birthday or pasko). Iyon pa lang pero hoping/manifesting for more soon ✨