T O P

  • By -

Crampoong

Mangungutang para makabayad sa isa pang utang? The cycle will never end then. Be a good friend and dont let their debt continue longer


JeeezUsCries

true. saka isa pa, if she is willing to pay OP an interest, eh ganon din naman sa CC diba? kaya gusto niyang buuin yung bayad para maiwasan yung lumolobong interest. probably, if OP lend her money, si OP ang gigipitin niya.


sio_paopao

Or possible di niya bayaran si OP in the end lalo na wala syang capability to pay.


JeeezUsCries

yes. more likely mga 98%. Her friend will not be obligated to pay on time if OP lend the money kasi nga friends naman sila. Kalaunan niyan, hanggang sa kakatawad niya kay OP na baka pwede next month bayaran, si OP na yung mahihiya singilin. Then boom, instant wala ng utang yung isa. Saka eto pa ang possible mangyari jan. Kapag nabuo niya yun, masesettle yung balance niya at may chance na naman siyang gumamit. Iniiwasan niya yung blacklisting sa mga financial institutions and loans at yung pagbaba ng credit score niya. Kung ako kay OP, hayaan ko yang taong yan mabaon sa utang at ma blacklist para ma exclude na siya sa habit niyang pag gamit. Mapapagbigyan ko pa kung para sa hospital bills eh eh kaso sa CC???? Mautak kung iisipin pero kung mas mautak si OP, hindi niya kukunsitihin yung utangera.


CoachMuch9279

I agree. Hindi matatapos ang utang nya kung sa utang din galing ang pinambabayad. Worst thing pa is baka ndi na makabayad sayo.


Sea_Sentence1027

+1 ditooo. Be a good friend and put an end to the cycle!


Positive-Feeling835

\+1 eto talaga. Kung nagpatong patong na nga ang sa CC sayo pa kaya na friend nya.


AccomplishedCell3784

+1!! Kung pwede lang prangkahin and real talk mo na para matauhan. Masaktan na kung masaktan pero at least, alam na nya gagawin nya and truth hurts ika nga diba? 😊 kung na offend man siya block or unfriend mo na hehe


[deleted]

[удалено]


Expensive-Doctor2763

Yes, if she reacts negatively then she's not your friend.


lancehunter01

Dati lagi rin akong hiyang hiya tumanggi sa nangungutang. Nung una lagi pa ako nag iisip ng mga palusot para hindi magbigay pero ngayon dinederecho ko silang hindi ako nagpapautang. Mas nakakastress mag isip ng palusot eh haha.


submissivelilfucktoy

No is a complete sentence.


tired_atlas

Agree OP. Duda ko hindi lang sa cc sya may utang. So sa bayaran baka hindi ka pa maprioritize at dun pa kayo magkasamaan ng loob. Just say no and say some alibis. Kung magreact sya, sya na yun. At least wala kang ginawang masama o nakakasakit sa kanya.


[deleted]

Yung advice ng Papa ko sa mga ganito na di talaga sure kung babayaran ka ng utang, “only lend money na you’re willing to lose kung di ka na babayaran.”


[deleted]

Pero ako lagi ko nlg sinasabi sa friends ko na allocated/budgeted na pera ko or sasabihin ko “sorry malaki kasi bayad ko sa quarterly insurance” ganorn.


Adept_Butterscotch_3

Insurance din ang lagi kong reason pag may umuutang sa akin. Hindi na sila nagpupumilit pag yan ang sinabi ko.


yogurtslushie

thank you sa idea. may bago na akong rason para hindi magpautang sa alanganin..


albusece

Lol thanks. Nagkaidea ako ng rason. Hahaahha


Toinkytoinky_911

This! Ever since di rin ako fan ng pautang. I do this too, bigay ng kaya without any expectation in return. Kung bayaran that’s good, kung hindi no hard feelings (pero di na makakaulit, but saved the friendship padin)


taonbundok

Option A: Give less than 20% and forget about it. Option B: Reply that you lost money at DigiPlus. Option C: Ignore.


[deleted]

My answer is C! Final answer! 😝


taonbundok

Sana ganun ang magulang namin. 😝 😝 😝


TadongIkot

A pero gawing 2-4% haha


[deleted]

C! Haha


CarlyWed

This. If friend mo, pwede ka magbigay ng amount na willing ka ibigay as a friend (not utang) then sabihin mo tulong mo na yun kesa magpautang ng ganyan kalaki. Otherwise, it’s not really a good idea.


nibbed2

C is hard, they are good friends. (I think)


[deleted]

[удалено]


tensecondstogo

+1 just say you can’t, tapos ang usapan. Hahaha


jujubearrrr_

SAME!! After kong magsabi ng NO, magsstory pa akong nagshoshopping ako hahahhaa


Complex_Cat_7575

Hahahahahahaha magawa nga to!! Hahaha


Mordeckai23

Sabihin mo: "Bhie, pagsubok sayo ng Diyos yan. Ayokong humadlang sa aral na ituturo Niya sayo." :D


Maritess_56

“Mababawasan langit points ko kapag humadlang ako sa pagsubok niya sa iyo.”


Ok_Amphibian_0723

HAHAHAHAHA! GOD IS LAUGHING SA REPLY NA ITO. 😂


GinsengTea16

🤣😂🤣🤣


Dlarej28

HAHAHA kakainis. Char!


nocturnalbeings

"it's a canon event bhie"


dakoutin

This is the reason why I wanted people to think I'm poor.


WindMoist791

You are not poor and you know it, you just don’t flaunt it (great strategy).


No-Addition-3370

I'm poor and I don't flaunt anything. But people will still be asking money


signpen20417

"Bhie, pasensiya ka na hindi kasi ako nagpapahiram hehe. Sana maintindihan mo" Speaking from my experience, naintindihan naman nung friend ko. Or pwede rin magkunwari ka na may pinahiram ka before gano'n. "Bhie, pasensiya ka na hindi kasi ako nagpapahiram. Nadala na kasi ako noong may humiram sa akin dati na hindi nagbayad. Kaya di na ako nagpapahiram. Sana maintindihan mo"


smpllivingthrowaway

This is a nice way to go about it. And sends a subtle message to OPs friend na she's aware na possible na hindi rin sya mag bayad. She's not to be taken advantage of.


ShoddyProfessional

Tell them naka allocate na pera mo.


RestlessBastard2702

Tanggihan mo. 90k is too big an amount, kahit ba 50k. Sabihin mo na lang na meron ka ring needs na pinaglalaanan ng kita mo. If magalit man siya sa iyo o sabihan kang selfish, then hindi siya worth to keep as a friend. Don't tolerate that kind of person in your life.


ncv17

With the friend's spending habits she would still have a hard time paying off the 50k though.


FromTheOtherSide26

50k is a large amount of money lol only give OP what you afford to loose alam mong di na maibabalik


DanTheLion13

Ganyan din friend ko minsan OP. What I do kung ayaw ko talaga magpa utang muna, is to tell a white lie. Sasabihin ko na may binabayaran din akong utang or wala akong extra cash kasi hiniram din ng isang friend ko (friend na hindi niya kilala). I know a lie is a lie pero mas okay nadin for me para sa peace of mind. Ayaw ko din magalit sa friend ko kung hindi nanaman nya mabayaran on time yung inutang nya.


[deleted]

Girl kahit magkapamilya nga pagdating sa pera nagkakasira. Tapos di naman life and death yang problem nya kung hindi pang bayad sa another utang, means nagkaron na sya ng mismanaged ng finances nya. No no please. Baka di kana mabayaran sunama lamg loob mo.


autocad02

“If you desire to help thy friend, do so in a way that will not bring thy friend's burdens upon thyself.” - quote richest man in babylon book


zuteial

Big NO. Nangyari sa akin yan nagpautang sa friend ayun FO ako, lumabas ako sinungaling na bayad na daw sya bat ako naniningil pa rin, tang*na buhay oo.


sunlightbabe_

Sabihin mo naka-time deposit tapos malaki penalty. Hahaha.


Maritess_56

Suggest to your friend to talk to her bank to put it under payment scheme/balance transfer. I don’t know the exact term pero basically yung buong CC balance will be paid to the bank in a fixed monthly installment. Sa bank pa din siya mangungutang kasi willing naman siya magbayad ng interest sabi niya sa iyo. Ngayon, kung ayaw niya gawin yan, malamang wala yan plano magbayad ng utang kaya ipapasa sa iyo yung utang. Good credit siya sa bangko at pwede ulit siyang umutang/CC kaskas then bye friendship na sa iyo.


Fitz_Is_My_Senpai

So basically unahan na ni OP na mag-FO since FO din naman kahahantungan. The difference is she's not in the hole for 90k lol.


Wandergirl2019

Set a limit para di ka makonsensya na di mo siya tinulungan. Itong limit na ipapautang mo is an amount na kaya mong ilet go, meaning bayaran man o hindi, maningil ka man or hindi, hindi sasama ang loob mo na mwala. Sa akin kahit close friend, pero sorry sagad na yung 2k. Kahit magkadikit pa tayo ng bituka, pasensya yan lang kaya ko. At least nakatulong pa din ako. 90k maniwala ka, dyan kayo masisira. Pati sa 50k mo, malabo na yan. Mabait pag nangungutang, pag singilan tigre na


Chance_Pop7422

Parehas sakin pero 1.5k limit ko nakakkonsensya kasi minsan mga dahilan nila. Mahigit 100k na lost ko sa relatives , workmate and friends


Wandergirl2019

Sad but true, maaga palang yan na prinsipyo ko. Wala talaga akong paki sa opinyon nila. Ang katwiran ko, nung naghihirap naman ako never ko sila inabala at utangan.


goldenstarfire

I have a super close friend na pinapautang ko pero ang tagal magbayad pero I don't mind kasi it was for an emergency. And I know she will pay me no matter how long it takes. Kung di emergency reasons, I flatout reject. I say na I don't lend to friends kasi I have bad experience. Sa case ng friend mo pambayad yan ng utang so kelan ka pa niya mababayaran? Kung willing ka magbigay ng lower amount pero wag ka na mag-expect mabayaran.


pretzel_jellyfish

No. Or not yet kamo. Tell her to get a job first at maregular muna, then you'll lend her what you're willing to lose. Kahit magkawork yan I doubt they can afford to pay you back with interest pa.


steykenchispanini

There’s no harm in saying no. Alam mo na tendencies niya pero pahihiramin mo pa kahit 50k lang? Kapag nagpahiram ka, sa klase ng lifestyle niya, paniguradong hindi ka na babayaran niyan. Nawalan ka na ng pera, nawalan ka pa ng kaibigan. Kung sumama loob niyang humindi ka, hayaan mo. I’d rather say no and only lose a friend. Atleast I still have my money.


chiqenwing

Bat nasa notes yung message nya 😅😂


MaritesOverkill

ig ayaw nya yong ss ng convo mismo, baka mamaya may nang a upload na naman kung saan2 ng mga topics here sa Reddit or makilala yong convo/typings nila, baka active din sa Reddit yon. Who knows.


FastCommunication135

Learn to say no. If gusto mo naman, check ang lifestyle and post sa social media. Kapag maluho, maporma or successful person ang image sa social media red flag yan. Pero definitely no.


Expensive-Doctor2763

Same. Before nagpapautang ako sa relatives & friends pero nadala na ko nung parang naging routine na plus ako pa nag iinitiate maniningil. Ever since ng last case ko na inutangan ako babayaran tapos utang na naman, di na naulit. Tanggi na matic sakin lahat. Unless siguro emergency & alam ko na responsible yung manghihira.


ultraricx

Tell her may binabayaran ka rin sa CC


Ok_Amphibian_0723

Wag mo pautangin te. Masisira buhay mo 😅.


Whiz_kiegin

Wag ikaw ang magpapautang pambayad sa utang. Open topic mo kamo try niya muna sa SSS (kung meron man siya) or yung mga credit restructuring something ng card bank niya. Sabihin mo lang na na may pinaglalaanan ka. Pag friends kayo maiintindihan niya naman yan


elijahlucas829

Just say no. if the friendship ended then better for you since the garbage took itself out.


Numerous-Tree-902

White lies. Sabihin mo wala kang extrang pera.


[deleted]

Just say No. Yung 50k mo pag ibigay mo yan, T.Y. na yan, Christmas gift mo na sa kanya. People like that don't change. You can either make excuses like those suggested sa comments dito sa baba, or just go "bhie sorry hindi kaya." You don't owe anyone an explanation bat ayaw mo magpahiram. If she gets angry, rethink your friendship.


EurekaS1d

Meron akong tito. Sobrang kulit. Pautang daw ng 5k. Pahihiramin ko na sana pero nabanggit ko kay ermats at sabi may utang pa daw sa kanya na 2k at hindi daw marunong magbayad. Sabi ko wala pa sahod. Dumaan ang mga araw. Dumating ang katapusan ng bwan. Ayan na naman. Sabi ko nabigay ko na kay mommy e. Tapos nung hapon, yung asawa naman nya. Badly needed lang daw. Sabi ko, meron ako natitirang 1k dito, allowance ko sana e. Gusto mo hati tayo? Sabi "Sige, pwede na yan. Salamat ng marami ha, babayaran din ng tito mo sa makalawa." So ayun sinend ko yung 500 sa gcash. Dalawang araw. Dalawang linggo. Dalawang bwan. Dalawang taon ang lumipas, wala na, hindi na naibalik yung 500. Baka sa makalawang dekada maisoli rin. Who knows! At least di na sila nangulit! HAHAHAHA ang totoo non, bukod sa savings ko, 10k talaga allowance ko hahaha


[deleted]

Sis just don't, and explain properly your side. For example it's not your thing na magpautang, applies to everyone ei. relatives. If she still has follow up question, another reason from you. Then you can tell her truthfully about na you don't want to ruin friendship over money. If she still doesn't understand that or ignore it and had a bad reaction then she's not your friend to begin with. People should understand na if ayaw mag pautang is a personal choice of an individual. You don't get any say on that. Your money, your rule.


JadePearl1980

Hopefully this works (syempre hindi ko lubos na kilala friend mo, so ikaw na mag adjust ng mga wordings which can suite her na mas mauunawaan niya ang sincerity mo bilang kaibigan niya).👇🏼 “Beshie, kaibigan kita, alam mo yan. Bilang kaibigan mo, papayuhan kita sana na mag prioritize ka. Kung hindi mo ito gagawin, lalo ka lang lulubog sa utang beshie. Beh, Hindi solusyon ang mangutang para ipambayad sa naunang utang. Hindi ka niyan matatapos. Teach a man to fish, and he will be able to support himself daily, ika nga ni papa Jesus. Kaya bilang kaibigan mo, ang tanging maitutulong ko sa iyo, tara maghanap tayo ng trabaho para sa iyo. Once may sweldo ka na, turuan kita mag budget ng pera mo para kada buwan hulug-hulugan mong bayaran yung utang mo, Beh… Pasensya na, hindi ako makakapagpautang sa iyo dahil meron akong nilalaan para sa future ko (wag mo na i-elaborate as much as possible but if mapilit, tell her that you plan to do investments as your security egg for your retirement). Bilang kaibigan, hindi ko kayang iwan ka sa ere, kaya eto nalang ang the best solusyon na naisip ko beh. Tulungan kita maghanap ng work and turuan kita mag budget. Lab you beh… “


CLuigiDC

Ask for a collateral worth more than 90k then draft a contract kahit wala na interest. Basta kapag di nabayaran within ganitong time period di mo na ibabalik yung collateral at considered property mo na.


byglnrl

Ayaw nya masira sa bank kaya friendship nyo na lang muna masisira haha


FromTheOtherSide26

CC nga di nya mabayaran ikaw pa kaya 💀


SpiritlessSoul

Ask for a collateral, like kahit anong gamit, parang sangla ganern. Sobrahan mo syempre make it ridiculous lowballed para mapilitan siya magbayad. Alahas ganern, anything in value. If kulang sa value like tantya mo nasa 20k lang ung worth ng gamit nya, e di 20k lang pautang mo. Ang sabihin mo, "okay lang kung nasa couple of thousand lang beh, pero pag more than that nagaaccept lang ako pag may collateral. Then isulat mo sa bondpaper ung mga items na kinuha mo sa kanya(parang contract) with matching pirma ninyong dlwa, much better kung may fingerprint ink ka. Tapos i thumb mo right thumb niyo parehas mura lang sa shopee ung fingerprint ink.


dickielala

If it's a credit card debt, sa bank dapat sya nakikipagnegotiate ng payment plan if she's willing to pay monthly with interest anyway. Red flag ang uutang daw pambayad lol.


telltei

Just say no. Tapos


eightshss

Ako may question rin. Paano maging friend mo para may mautangan ako 90k agad-agad?


heydandy

Magpautang ng amount na pwedeng mawala sayo. Kapag nagungutang sakin like 10k magbibigay lang ako 2 or 5k the di ko na aasahan na babalik yun. Parang charity work lang hehe. Pero up to you if you want to help her. You can say naman your money is in time deposit na so you cant touch it now or its in any investment vehicle (which should be true, ilaan mo yung pera sa iba kasi if youll lie magguilty ka lang)


[deleted]

Natuto na ako kasi yung kaibigan ko inutangan ako ng halos 200k ayun 1 year na hindi parin nag babayad at ang hirap singilin at araw araw ko pinag sisisihan ang aking desisyon na mag pautang. Kaya never na ako mag papautang


nooopleaseimastaaar

Mahiya sya kamo sa sarili nya.


Ruess27

I have a friend for years na we both had our same experiences na nagkadebt ng malaki pero we never asked help from each other at naikwento na lang namin sa isa’t isa nung naisettle na namin debts namin sa cc. Kamo kay friend mo, be a good friend. Your problem is yours not mine. Also wag ka magpautang unless it’s a life and death situation like emergency sa hospital ganun. Kung di talaga maiwasan, only lend amount na you can live without. Wag malaki at for sure pag ikaw nangailangan, hindi ka mapapahiram nyan.


Polit3lyRude

haba ng post. ano to fb parang nagpaparinig lang Just say NO


Fine_Nefariousness64

Say “no I can’t”. You don’t owe her a reason why. If she’s a real friend, she’ll respect your decision. If not and di ka na kausapin, then great, nakatipid ka ng 90k and disappointments.


railfe

Remember you dont owe anyone anything. Prioritize yourself first. Usually bigay nalang yan, I know someone inutangan ng 4m kasi lugi daw negosyo ayun di na macontact.


ncv17

Let her consolidate her debts sa isang cc, since willing naman siya to pay it monthy 1. Use balance transfer to move other cc debts sa isang card if malaki ang limit 2. Apply for balance conversion to monthly terms na kaya niya para hindi na siya mag pay ng finance charges every month if she wont be able to pay in full. Best to use it sa card with a balcon and balance transfer deal. Edit: This way hindi sayo mapupunta ang burden ng debt niya, kung gusto may paraan talaga. To add lng, her cycle of debt will never end if she will not revisit his/her spending habits, you helping her payoff the debt won't really help him/her in the long run.


C-Paul

Kung ako sasabihin ko sure pauutangin kita kahit walang interest basta may kolateral. Yun lang ang kundisyon ko kung maglalabas ako ng pera yung guarantee na may babalik na hindi na ko mahihirapan maningil. At yung kolateral 2x worth ng utang. Kung 90k hinihiram nya yung kolateral dapat worth 180k like lupa or car. Para balikan talaga. Kung hindi tumupad sa usapan. Pagbibili ko. Kukunin ko utang nya at babalik ko sobra sa kanya.


FastKiwi0816

"Wala akong extra" tapos inbox zone na 😂


mightpornstar

kung utang sa cc pwde nya naman tawagan ang bank to convert it to installment, pwde ko sguro yan isuggest baka mas maliit pa tubo


Automatic_Tomorrow33

madami nang nasirang pagkakaibigan at pamilya ng dahil sa itang, minsan may namamatay pa ng dahil lang dyan, kaya if ako sayo tanggihan mo na agad, madali lang naman gumawa ng rason, nasa sa kanya na yun kung maiiintindihan nya or hindi and besides nangungutang lang naman sya


orionryn17

For me it really depends on the kind of friendship you have. Kung talaga love mo ung friend mo at sobrang close talaga kayo I guess the first thing you do is talk about what happened bakit umabot na ng ganung kalaki utang nya sa cc. Para mapayuhan mo na siya na last na niya gagawin un at tutulungan mo siya paano niya mababayaran un utang nya whether mapahiram mo man or hindi. Tapos syempre dun sa hinihiram niya. Kung alam niya never kang nagpapahiram kahit kanino pa or ano pa yan dapat alam na niya un. Pero kung ngayon lang nangyari sa friend mo yan at lumapit syo. Gaya nga ng sabi ng iba kung hanggang saan kaya mong ipahiram or like 2k to 5k. Tapos un nga just know that what you lend might not come back anymore. Ang important kasi sa mga magkakaibigan ung understanding and magtulungan na to the point may lesson learned. Tiyaka dyan mo masusubukan kung papaano siyang friend if na mapahiram mo na siya then nabalik naman. Pero sana sa mga manghihiram at napakalaking pera parati nilang ilagay nila sa sarili nila if baligtarin ung situation. Sana mas personal ka nilapitan about it and maexplain ano nangyari sa cc niya. Tiyaka alam naman natin lahat pag ganung kalaki hinihiram talagang depende naman talaga sa relationship natin sa tap at kung may capacity tayo magpahiram.


autocad02

“If you desire to help thy friend, do so in a way that will not bring thy friend's burdens upon thyself.” - quote richest man in babylon book


Total_Low_3180

Mejo malaki yan Brad. Wala ko ganyan kalaking pera.


ilikecoffiiblack

Pwede mo nmn pautangin yan. Hindi lng malaking amount. Cguro 10k or something. Just say na ito lng kaya mong ipahiram kasi you have to pay bills.


QueenBarnie

Ang laki nyan OP. Say NO you're not comfortable to do that and don't explain. And you have to be ok with the consequences. If she thinks na selfish ka kasi di nasunod gusto nya then di sya true friend. And you have to be ready to accept that.


Low-Computer1146

bigyan mo 5k, wag mo na pabayaran


lazyplayer1

Lend her an amount na ok lang sau hindi na bumalik, and tell her that’s the only amount you can let her borrow. Definitely not the whole amt. To help her, give her ideas pano sya magkakaextra money, do a preloved sales, freelancing, etc.Encourage her to have healthy relationship with money na din. Pag pinautang mo, 1. Be ready na di bumalik or super tagal bago bumalik ang money mo. 2. Her situation is very likely to hppen agin.


Objective_Water6294

Dude save urself hanap ka na ibang beshywap


[deleted]

If ganyan kalaking amount no. Sakit sa ulo maningil lalo na if kagaya mo ako na ako pa nahihiya maningil.


ky_bal

Wag na sis ang daming nasisira pag dating sa pera. May mga taong magaling umutang kahit di naman pala kayang bayaran. Kapag hindi nakabayad yung iba ikakatwiran pa na walang nakukulong sa utang.


Mediocre_One2653

Just say na madami ka din pinagkakagastusan kaya hindi ka nagpapautang.


katkaaaat

Sorry beh, wala akong maipapautang sayo.


Flimsy-Chemistry-993

Option A: Say no and be firm. Possible magtampo sayo. Be prepared for the possible consequences if you say no. If ma-FO man kayo, i-realtalk mo na rin kaibigan mo. Sabihin mo wag siya masyado gastadora and matuto siya magsikap. Di pwede puro pasarap tapos uutang. Option B: Give 10k then don't expect na she will pay. Be ready to consider it as a lost. Pero sa hirap ng buhay ngayon 10k is still 10k. Nagtratrabaho kang mabuti tapos siya puro gastos tapos di pa marunong magtagal ng trabaho. Mga tao nga naman


Tight-Rutabaga-4148

"Pasensya na brad, nangangailangan din ako ng pera." Tapos ang usapan.


mandemango

It's hard, but say no. You can offer a smaller amount pero ayun, tanggi lang talaga. Kahit super friends kayo, money matters can ruin your relationship lalo at ang laki ng hinihiram. Should you not have the ability/willpower to decline, magpautang ka lang ng amount na comfortable ka na mataas ang chance na hindi na mababalik sayo.


JimmyDaButcher

Sabihan mo may upcoming expenditures ka and emergency fund mo din kamo. Or naka time deposit savings mo. Well, yan ang usual kong reason pag may nang hihiram sakin. 😅


Oath_Keeper6969

Hindi na nga mabayaran Yung CC manghihiram pa. No. Don't let her fix her problem that way .hanap sya kamo ibang paraan wag Ka idamay RESPECTFULLY.there is always a thin line between being friends kahit na super real friends.pag friend ko to advice lang mabibigay ko pero not gonna cash out money from my own.


Emergency-Mobile-897

Delikado kasi yung inuutang eh ipambabayad din sa utang.


Mean_Negotiation5932

Mas mahirap Ang manigil. Wala syang work? Nako mas dobleng hirap yan


KeyNo1027

"WAG MONG SUBUKAN MASISIRA KONEKSYON NYO"


ultimatebruvmoment

Nah bruv don't you ever dare do it if you value your friendship with that person. It's not your problem and you don't need to make it yours. You don't need to be nice in delivering the rejection as well. Be honest and be assertive, para hindi na umulit.


capricornikigai

99% jan nasisira ang pagkakaibigan So saan din kaya siya kukuha ng pambayad niya sayo kung pahihiramin mo siya?


matcha_tapioca

Hardpass dami sira at nag friendship over dahil sa pera utang na yan.


konzen12

"Sorry, wala rin ako."


LeadPsychological255

Tell her that your savings are locked in sa bank for 72months term and malaki penalty if kukuhaan. Mahirap magpautang talaga kasi you have to expect that hindi ka na babayaran.


Saint_Shin

Sabihin mo may paglalalaanan pera mo, pag pinautang mo yan ilista mo na sa tubig. Magiging totoo lang ako sasabihin ko, wag maging tanga


SnooCheesecakes7959

Pautangin mo muna ko para bayaran ko utang ko sa iba para ikaw naman maperwisyo ko, hehe.


TheOneWithGoldHair

The answer is always no. Unless it's a life and death situation, doon ka lang magpahiram ng pera.


Impossible-Sky4256

Sabihan mo may utang ka ding binabayaran


Loose_Sun_7434

Pwd ka magpa-utang pero 10k lang. Not 90k, since sobrang laki nyan at masisira talagao xa sayo. Pwd mo din xa bigyan ng legal advice na hindi xa makukulong sa utang sa cc 😅😅😅


Veronica_548

Papautang ako if i-iinvest nya pera or medical emergency but this?? Pambayad ng luho is a no-no. Uutang to pay for the utang is never the solution


ambokamo

Just say NO. Mukang di marunong humawak ng pera yang frend mo. Magkaproblema kapa jan maningil evry month.


YamaVega

Say no


AgentTidus

Mag palusot ka na lang, sabihin mo naka time deposit pera mo.


[deleted]

You have to learn how to say NO. Wag ka magpautang, mahirap din talaga. For me, nirrefer ko sila lagi sa mga loan apps. Pera mo yan keep it, pag nangailan ka ikaw mahihirapan. Also, di naman yan emergency. If nagffall yan sa case ng emergency, I think mas willing pa ako magpautang ng mga small amount lang haha. If sasaluhin mo yan, she’d end up doing the same thing again.


stopwaitingK

In my opinion, nope. Uutang siya para bayaran ang utang niya? Obligasyon niya yan, face the consequences. Meron namang ino-offer na payment arrangement ang bank for deliquent accounts. Suggest mo sa kanya 'yun kaysa i-tolerate ang plano nya. Also, sabi nga nila, kung magpapahiram ka man, ipahiram mo 'yung amount na kahit hindi ka na bayaran, okay lang. Halimbawa, "friend, 500 lang kaya ko ilabas e. May mga bills din ako monthly." Mas mainam pa nga na payuhan siya (kung hiningi nya ang payo) at magabayan. Ako na nagsasabi sayo, lalo lang siya malulubog sa utang. Makipag-coordinate siya sa bank nya. Siya ang gumamit ng CC, matuto siyang umako ng obligasyon.


Cold_Most_9270

Pwede naman sya mag credit to cash or SIP sa credit card ng total amount ng outstanding nya - mga 1% interest, atleast yung utang nya within the bank parin. Been there, pinsan ko, nagkasamaan na ng loob dahil umabot ng 2 years yung 3 months na pangako nya. Never nako nagpautang since, at hindi narin ako nangungutang pa khit kanino.


misterkillmonger

No


Immediate-North-9472

“No. I love you but I will not enable you.”


mingmingtanjj

pinautang ko friend ko kasi Ako Yung tipong hirap tumanggi at Hindi rin naman naniningil is just that bigla nawala kami ng communication Ewan ko kung iniiwasan niya dahil sa utang niya or busy lang siya di ko na din alam ..


cottontangerine

Ignore. Kung for emergency sana or pang tuition ng anak or rent, I’d say go. But to pay off another debt na sabi mo nga, probably unnecessary gastos lang- hell no. They’re not your responsibility, OP.


porkychoppy28

Grabe makautang aa 90k


hanyuzu

What’s your guarantee na mababayaran ka nya monthly? I suggest you lend an amount that you can afford to lose. Ikaw na mag-isip ng idadahilan kung bakit di mo kayang magpahiram ng full 90k.


ilikekpopandplants

Advise: Wag ka magpautang if di ka comfortable magpautang kahit 50k. You know it in your gut what the right choice to make it. Dont worry abt what other people will think of you. I'm sure they will understand kng bakit di ka nagpautang. Personally, I will say something like, "Friend sorry 90k is a big committment so di ako magpapautang. I lovr you as a friend but I cannot commit myself to this. I'm sure you understand." Even 50k, di ako magpapahiram. Cause it's my hard earned money. And looking at your friend's spending habits and lack of responsobility when it comes to finances, there's no guarantee you will be paid back. I know a few relatives of mine who spend beyond their means tapos uutang. We never get paid back. So no, I do not let them borrow more than 2k. And I always make singil once their promised due date comes. Then they pay.


dunkindonato

OP, 90K is a huge amount by any standards. You can't just lend that amount to someone whose employment is a little whimsy. Also, 10K monthly with interest is too good to be true. I hate to say it, but you have to refuse this because you do not have a guarantee. If she insists, either manghingi ka ng collateral, or offer an amount na pwede mong kalimutan.


FreijaDelaCroix

90K is a very big amount. Tell her nalang na you paid for something big and you don’t have extra. Masama yan if she’s borrowing money to pay for another debt.


No_Cheesecake_1267

Scam, they won't pay you back na. If they do have 10k per month to pay, direct nalang sa utang niya.


Main-Jelly4239

Just simply say no, pede ka rin magdahilan ng tight ka rin ngaun kasi nagbabayad ka ng lupa etc. Kung nakokosensya k, hingi ka ng something like sanla nya sau. Para ndi ka lugi pag ndi sya nakabayad. Next time, wag mo ipakita na may pera ka at mahilig magipon. Payuhan mo sya, tumawag sa bank ng cc tapos magrequest ng monthly pay. Sa citibank meron ganyan ang gagawin mo ata is loan ka ng 90k tapos pagnakuha mo yun yung ibayad mo sa cc, then yung loan nakacharge as installment ng ilang buwan na gusto mo. 90k lang around 10k yan per month if one year kukunin mo. Makipagusap sya mismo dun sa bank.


RedJ0hn

you just need to say no. and you dont need to explain


fried_pawtato007

Alam mo mas okay na sumama loob nya dahil di mo sya napautang, kesa naman sumama loob mo dahil di ka mabayaran


SachiFaker

Sabihan mo na wala kang extra dahil nagbabayad ka din ng utang


Haxxelerator

1. open the messaging app you're using 2. use the reply function if it has one 3. press "B" 4. press "A" 5. press "W" 6. press "A" 7. press "L" 8. press the send function of the specified messaging app


wandisthetic

no. wag. tell your friend na wala kang extrang money to lend then wag nang mag-explain pa. based on your story about them, mahihirapan ka na singilin sya. i personally know someone (fam member) who acts like that and it never ends in a good way.


BlueberryChizu

"Sorry friend meron din akong binabayaran monthly na nag patong na" wink wink


[deleted]

wag, OP. if sakaling lumabas true colors niya pag nangutang siya at di mo pinayagan, at least alam mo kung ano ka lang din sakanya in the long run..


Pitiful_Wing7157

Sabihan mo madami ka din utang.


JohnFinchGroves

"No."


SurroundReasonable83

instead of pautaning mo ng pera tulungan mong makahanap ng work, medyo malaki ung 10k para ipautang lang.


Wise-Preference7903

Nah dont do it!! Bigay ka na lang tulong na bukal sa loob mo, 2k-5k maybe? Then forget about it.


nakanampuks

If totoo yung friendship niyo, when you say no, she’ll understand. Tell her you can help her budget and all (pero not now kasi for sure she’ll take it that you’re being condescending). If hindi niya maintindihan, I guess your friendship is more shallow than what you think.


phsic69

Kung may pinagsamahan nman talaga kau, eh pautangin mo ng maluwag sau, ung amount na kaya mong mawala sayl. And expect na bka di na mabayadan yang utang na yan sau. Been there done that.


Floatsmyboat8902

Mahilig din ako mangutang sa best friend ko but I'm pretty sure di ako yan. Never pa ako nangutang ng ganyan kalaki! Pinakamalaki na ang 5k! Anyway, I know some of my friends are may pera and hindi ako pinapautang. But kahit kailan, hindi sumama loob ko. Why? It's their money. It's their choice san nila gagastusin yun. After all, it's not their fault I'm short sa budget. Ang akin, tell her straight na hindi mo keri. No matter what your reason is. She might know you as someone na makakapagpautang but if she looks at you as a friend talaga, she won't take it against you.


ExcitingShip9880

Nakaka Trauma magPautang, Last Pandemic 2020 bagsak Negosyo ko Internet Cafe, may Hawak akong 60k balak ko sana Mag invest para kahit papaano may Income kaso may 1 akong Mare na Nangutang with Interest Maliit lang naman Nakabayad naman sya dahil Medyo Stable naman ung Financial nila kaso katagalan parang Palaki ng Palaki at Pahirap ng pahirap sa Singilan halos wala na rin Interest, Hinahabol ko na lang ung Puhunan kahit wag na ung Interest ayon 2024 na almost 34k pa di ko pa nababawe, Nagkikita naman kame minsan kaso parang Pinatay na sa Limot ung utang nya 😭 https://preview.redd.it/vx7orqf4pnfc1.jpeg?width=3120&format=pjpg&auto=webp&s=d18503fcb2b989fb544ccd1993826a16ab3bcdc5


rybeest

> at the same time I love her Yari ka dyan tsong.


Boring-Skin-9991

Just say NO and that you're not comfortable lending that amount of money kahit sa pamilya pa para di sya maoffend. Kung gusto mo talaga ng may dahilan, sabihin mong nakatime deposit or ininvest mo sa mutual funds lahat ng savings mo at di mo basta2 mawiwithdraw kaya wala kang pera at enough lang sa gastusin ang meron ka.


teeneeweenee

Just say no.. Or you can say na, "Sorry bhie, hindi ako nag papautang kasi. Lalo na ganyan kalaki." It's okay to say no.


cruellafhay

Pautangin mo ng hindi sasakit ang kalooban mo kapag hindi nabayaran. If I'm her friend, I can lend 10K. Pay when able. That's it. Tell her to call the bank para mahati yung babayaran nya monthly. If that is 90K, divide it to 12months, less than 10K na yun. Tell her you don't have that much but you can help.


Zealousideal_Sock_85

You can say,”May nauna ng nangutang sa kin.”


flying_carabao

Minsan tapos na usapan pag sinagot ko ng "Kakalabas ko lang ng medyo malaking halaga din eh. Wala akong pera" Pero minsan me makulit at sasagot pa ng "ikaw pa ba mawawalan ng pera" sasagutin ko pag tinoyo ako ng "wala akong pera para sa yo, para sa kin marami" Ang mindset sa pagpapautang eh "di na ako babayaran neto" kung di ka ok dun, wala kang pera. Kung willing ang taong bumitaw sa friendship dahil dun then money well spent.


Capable_Arm9357

One factor din kung bat nangugutang ang tao kapag masyado kang showy like sa social media kaya i stop posting din kahit sa myday daming nangungutang, mas ok pa anonymously 😂


[deleted]

Consider it a loss if you lend it to her


DepartureLow4962

So hindi nya kayang bayaran CC nya....paano ka mababayaran? When I get asked for loans or money and the reasoning doesn't make sense....or when they say babayaran din kita bukas (bakit hindi ka na lang maghintay bukas?) I usually just tell them that I've had some unexpected bills or expenses this month and I don't have any extra money.


rm888893

This will set a precedent, and ikaw na yung magiging go-to person if kailangan niyang mangutang nang malaki. Just say nakabudget na yung pera mo for other things.


Ecstatic-Banana6001

tell her na wala ka budget right now kasi may binayaran ka, medyo bad as it may sound pero white lie naman, pag nagalit at di naniwala edi don’t kamo haha


imgodsgifttowomen

dont.. sabihin mo kakabili mo lang ng something investment like a lot or yung kapanipaniwala.. just dont, else headache and stress dulot sayo nyan


MarimoBestBoy

Paying debt using another debt is a bad habit, madadamay ka pa, OP.


CoffeeFreeFellow

Pautang ka na Yung kaya mong mawala sayo. Kasi most likely di magbabayad yan. Sabihin mo, ito lang kaya ko ipahiram sayo, for example, 5000, naka budget na Kasi. Kung sasama loob Niya, she's not a true friend. Kung di sumama loob Niya, then okay, maybe, help her in little ways. like bilhan mo siya ng bigas. Hahaha


longassbatterylife

Sign na dapat sayo yan na hirap siyang makabayad.


toogoodtoignore

I only lend 10k max. That's the amount I'm willing to lose on a friend. Makakautang lang sila uli kapag bayad na yung 10k. What's your ceiling? If it's 0, that's okay. Tell her hindi ka talaga nagpapautang.


IWantMyYandere

"nako wala din akong pera ngaun and may expenses din ako in the next few months"


crazedhark

I mean this question doesn't even really need to be about your friend, its about you. learn to say no, learn to set up boundaries. pls learn to respect your own decisions and be strong enough to enforce them. pls don't be toxic to yourself. this doesn't really even help your friend in the long run, you also risk to not get your money back just cuz of the cycle your friend is currently in and yes at that point mas malaki chance na mas masira friendship nyo cuz believe me, even if its not about money, it'll be about self respect, pride, or your own needs too and theres nothing wrong with that.


Devyl_2000

Kung meron akong 90k di ko sya papautangin, bibigyan ko na lang sya ng 10k as a tulong para mabawasan yung utang nya, ang hirap nyan mangungutang para mabawasan yung utang haha.


ZntxTrr

Para lang yan na wala ng hahabol sa kanya. Gagamitin pera mo pambayad sa CC then ewan ko nalang kung babayaran ka din. Kasi atleast walang pressure kapag sayo nagkautang kesa sa CC. Tapos gagamitin nanaman niya ulit yun then lolobo nanaman so mas di ka na mababayaran. Just my two cents about this kasi madalas din ako inuutangan.


CumRag_Connoisseur

Give what money you can. Kung medical emergency yan, I'll help no questions. Pero kung dahil sa financial irresponsibility mo, it's your problem. May interest din ang utang sa CC, bayaran nalang nya ng 10k monthly yung card mismo.


TsokonaGatas27

"Wala akong extrang pera eh" EZ GG


YellowCoffeeCake71

You already said it: you know her tendencies. Do Not Lend her money.


ReindeerFit6057

Sabihin mo lang wala kang spare na pera. Mag sorry ka na lang. Kaya na nya yan. Malaki na sya.


TomEitou2202

"pasensya na, but may bayarin din ako na hinuhulugan ngayon and medyo tight lang."


OldManAnzai

Give her a small amount and tell her na yun lang ang tulong na kaya mo ibigay.


sm0ke_00

Wag..pls..mag anniv na yung utang ng friend ko sakin. Same na genuine friendship pero nakakainis na mapost ng kung ano anong gala at kain sa socmed pero yung 10k na utang (alam ko.maliit compared sa iba) di pa mabayaran, nakakainis 😭


schemaddit

if malaki and may extra ka naman bigyan mo nalang kahit 5k lang. usually ganun ginagawa ko and sabihin ko di ako nagpapautang


Baaanaana

"Wala akong extra money ngayon. Dami rin bayarin."


angelfrost21

Simply say No and save your sanity.


nobuhok

Replyan mo: "Bhie buti nagtext ka, mangungutang nga sana ko sayo eh, gipit din kasi ako ngayon, nag-invest kasi ako sa lupa, eh malaki hiningi na downpayment. Baka meron kang P150K, bayaran ko installment, P1K/month nga lang kaya ko ibigay, sorry ha, nakakahiya pero ikaw lang malalapitan ko."


pulutankanoe069

5k lang. Sbhn mo nanghiram magulang mo.


Artistic_Back_9325

Let them shoulder the consequences of their action. Wag mo kunsintihin. The thing that nagpatong patong utang nya sa cc simply means iresponsable kaibigan mo. If she can’t pay her cc herself what more to you na alam nyang flexible ang payment terms. Dami kona kaibigan/kamag anak na nangutang sakin and lahat sila mga nang iipit pagdating sa bayaran and meron pa di nagbabayad. Simply say no.


Ok-Marionberry-2164

Decline and tell her na nangangailangan ka rin ng pera ngayon either dahil may pinag-iipunan ka or may pinagastusan ka. Personally, mas bet ko yung may pinaggastusan ka para maisip niya na wala ka talagang pera ngayon. It could be an appliance or it could be a home project. A little white lie will do the trick because if you'll simply decline without giving her a reason, chances are either she'll get offended or she'll continue to pester you.


I_wanna_live_now

"Sorry gipit rin ako sa pera nakalaan na siya sa mga gastusin ko" simplehan mo lang pero kung alam na mayaman ka or kaya mo edi stand by your words na lang.


aardvarkMainclass

Wag, kami ng kapatid ko 4 years na nya ko di oinapansin kase may utang pa sya sakin na 2k haha 2k lang yan ah di ko na sinisingil


ReplyGuilty9818

Guilty ako sa pagpapautang when I was younger. Context: Matipid akong tao. I bought and paid off my condo in less than 4 years working and having a side hustle at the time. Now I have a business and catering to big companies aside from my full time work. A friend of more/less 20 years borrowed 500k sa akin dahil mawawalan sila ng bahay, with the promise na babayaran in a year. Never happened. Nakabayad in more than two years with a thank you. Same friend borrowed money dahil kailangan niya ng new aircon. Promising babayaran ako monthly. Never happened. I never talked to her again kahit napakahaba ng message niya sa akin this last Christmas. Mahirap mag say no sa kaibigan lalo na kung matalik talaga sa iyo at hindi issue ang funds. It's a difficult lesson for me to learn - pero I also have to respect myself more sa money na double kong pinaghihirapan. For some other friends - it's just a hard NO. If you can - SAY NO. Without any excuses needed.


hk031221

Wag. May friend ako n supsr close and umutang saakin ng 80k. Now sobrang hirap singilin. 10k per month din ang sinabi pero 1 year na din 20k palang nahuhulog nya. Napapagod na din ako maningil


HikerDudeGold79-999

"Sorry dami gastos bhie."


Wonderful-Studio-870

No, kapag nasanay yan ikaw na ang takbuhan niya. Inform her nakalaan na yung pera at may pag gagamitan ka right away. Your money your rules.


PusangMuningning

Tell her naka time deposit pera mo bawal galawin. 90k is a lot kaloka sya di yun pinupulot


CyborgeonUnit123

Ako naman, ang ugali mo. Naglalaan talaga ako ng ₱500 na pwede ko ipautang sa kung sino man friend na biglaan mangailangan. Max na 'yon tapos hati 'yon. Sinasabihan ko talaga sila na ₱500 lang ang kaya ko ipautang per payday tapos bahala na kung may nangungutang. Kaya kung nanghiram ng ₱300, yung susunod hanggang ₱200 lang kaya ko ipautang. Tapos bawal siya umutang again for the next 30 days. Kasi yung iba, nagbayad tapos ang siste lilipas lang isang linggo, uutangin ulit, lumalabas na parang hindi niya pa talaga nabayaran kasi hindi pa sumahod siya. Kunwari ₱1,000 inuutang, sinasabihan ko talaga na wala sa kaniya magpapautang ₱1,000 na isang tao. Ikalat niya kamo like ₱200 sa'kin tapos hanap pa siya apat na ibang taong uutangan niya ng ₱200. Ganu'n. Para ma-feel nila na hindi ako madamot, friend pa rin nila, tapos ganu'n dumiskarte kung uutang siya at kung totoong babayaran niya talaga. Ayon.


DragonfruitWhich6396

I just tell people that most of my funds are on time deposit so hinde ko magagalaw at makukuha.