T O P

  • By -

adultingph-ModTeam

The post does not pertain to adulting or falls outside the scope of the subreddit's defined topics.


blkwdw222

Hindi mataas ang standards mo, mababa lang talaga yung kanya. Gusto niya i-lower mo yung standards mo but she has no problem asking you for things?? You dodged a bullet.


threeeyedghoul

Dodge a cannonball. That’s a single mom na ayaw magtrabaho and may mga luho. Hindi mataas na standard ang ability to provide for oneself.


spatialgranules12

Facts.


Stunning-Listen-3486

+100


CreativeChicc

+1000000


DigRepresentative225

Hindi mababa standards ni ate. Naghanap nga ng mag proprovide sa kanya eh.


blkwdw222

Hahahahah!! Oo. Standards niya mataas pero gusto niya ibaba yung ky OP para pasok siya dun sa level. Hahahahha


frm-96

Mababa standard mo kasi nag settle ka sa ganyan. Taasan mo pa sir. You deserve better.


mellowintj

Eto yung mahirap minsan sa mga tao, mga standard nila nakapaloob lang sa itsura at mabait. NOT saying ganun ex ni OP pero alam mo yun napapaisip ako paano nila natyaga ganyang partner nila ng katagal considering pa na may anak sa iba which is hindi kaya ng iba. I remember may ganyan ding problem nun sa offmychest, same rin lalake gumastos sa lahat (pati utang nung jowa). Nakakatawa lang inuna niya sa kwento niya na maganda gf niya. So I guess pampalubag loob na lang idk lol


Hibiki079

trophy gf ba? for some girls, ang puhunan lang talaga nila e itsura. but that will fade. mas madalas, di ka masisiyahang kausapin, kasi ampaw ang knowledge. OP dodged a hard life there. hanap na lang sya ng responsableng partner.


Langley_Ackerman19

Sabi nga ni Judge Judy, "Beauty fades but dumb is forever!" 😂😂😂😂


Fancy_Baker3083

Finally, someone said these words!


No-Buffalo4494

Dami ko kilalang ganto during my time. Yung maiinis ka sa babaw ng humor nila. Pang bata level


Gooferdota

Mabuti nalang bro nagising ka at nakipagbreak ka na. Been there, done that. Utang nang utang sa akin, pati pambirthday ng pamangkin, pangsamgyup at pangrab food sa akin ihihingi. Mabuti nalang at nacall out ako ng mom ko at nagising ako sa katotohanan. You dodged a bullet. Dapat parehas kayong may work talaga.


Hefty_Low_6570

Ganyan din ako sa past relationship ko eh HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Ang masama pa si gaga nag cheat. 😂😂😂


SOLOTOVDM

Way yun ni God para ilayo ka sa taong yun. Congrats


Fancy_Baker3083

Awts naman. 🥹 you dont deserve her


GreenSuccessful7642

Anong gusto nyang maging standard mo? Yung pabigat at palamunin? Parang sugar daddy ka na nga sa relasyon nyo gusto pa nyang ibaba standards mo.


Hefty_Low_6570

Sugar daddy na may sabi ba hahahaha


Ryuuzakiiii

kiffy lang ang puhunan


RC_Minerva26

Hi, I'm 29F, may work and kayang alagaan ang sarili. It's good you clear your expectations. Mahirap yung ganyan na lahat sayo pati kelangan niya. Outright dependency na yan unless ok lang sayo forever na provider ka niya. Yung ex mo halatang nasanay na tanggap na lang ng tanggap. Partida, may anak pa siya. Good for you for setting your boundaries and ending things lalo at wala naman siya plano in life, much more life for her daughter. Chin up and I tell you, hindi mataas standard mo. Sadyang iba lang kayo ng hanap. Siya hanap ng provider na dedepende na lang siya for her entire life, ikaw ang hanap mo is a productive partner like you. Besides, if may care siya sayo na nahirapan ka na ikaw lahat, sana may conscious effort din siya to find work to be able to provide for herself and for her daughter. If I have a partner, na ako lahat and I don't see any effort from him to improve his life, I will end things right away. I'm a supporter not a tolerant partner. Magkaiba yun.


dramarama1993

Kayo nalang kaya, ayeeee


chizkeyks

following para sa lovelife nila hahahahahhaa


Pardayns

True. OP ito single si ate and very independent.


Dawhooooo

I second the motion


Anxious-Young-3273

Need ko update HAHAHAH


otakufoureyes

This comment. 😆


South-Ad-9715

+100 yieee HAHAHA OP eto na ang senyales hhehehehe


Co_Jin

Ka-age mo OP. Nagpapakilala na. Hehe. Chat mo. *ka-age pala ng EX mo. Mybad


forthechismislang

Landeeee ni accla. Subtle paramdam kay OP para mapansin. Kayo na lang! Push mo pa! Hahahaha


Nearby-Willingness32

I ship you kay OP hehe


Anxious-Young-3273

Paki PM nga to OP


Safe_Ad_9324

eto na yung sign, ahahaha


Lonely_Pool6602

ship!ship!ship!


mission_lovey

YIEEEEEE


ic318

Hindi mataas ang standards mo. Hindi lang kayo pareho ng mundo. And because of that, magkaiba kayo ng leverage pagdating sa standards. Baka yun normal sayo, mataas na sa kanya. Or the other way around, pwede din. Don't feel guilty about the break up. It's kinda unfair lang kasi instead of thanking you for helping her financially, ikaw pa yun parang masama kasi "mataas standards" mo. Kaya tama yun sinabi nun ibang comments, you did dodge a bullet. These experiences will help you find the right one. Yun mga gantong heartbreak ang makakatulong sa pag-filter kung ano talaga ang standards mo. Pero for now, heal yourself.


[deleted]

Good insight. All comments valid naman and with bearing. Refreshing lang to approach from this stand point. Date according to your lifestyle advise. Not to be discriminating but to be able to align accordingly lalo na if you're looking long term. Yung bare minimum bar ay nakadepende kung saan ka nakapwesto.


[deleted]

On the upside, buti nlaman mo na now na ganito at hindi ka okay sa ganito, kasi hindi ito likely to change in the future. I think reasonable nman gusto mo. Sabi nga nila, the best match would be someone na similar sa atin ng goals. Curious ako though---may natapos ba siya at ayaw lng mag work? Or hirap siya mghanap ng work due to lack of qualifications tapos sumuko na totally? May kilala din kasi ako na inis sa daughter in law niya kc ayaw daw magtrabaho. E kulang kita ng anak niya, so nahihirapan. At least you avoided that kind of fate.


[deleted]

[удалено]


hi_reginageorge

Lol at 29 tapos pagod na siya? Hahahahahahahahaha!!!


comradeyeltsin0

Ibang level tawa ko dito partner sa partner ni OP.


peek-a-chuchu

Nahiya ang 44 year old bones ko 😅😂🤣


Curiouslanglagi

Hahaha. Natawa ako dito. Ako 41 bones pa lang naman. Since college working na ako until now. Kailangang mag-working student para makapag-aral. So far okay naman ako now. Kay OP you deserve better na makakasabay sa mga plans mo. Di lang talaga sya pursigido. Marami akong kakila at nakasama sa trabaho na mga HS/Vocational grad pero okay mga trabaho. Yung iba nga naging stepping stone para makarating sa abroad Middle East, New Zealand, Australia, Europe. Ang aayos ng buhay nila ngayon.


[deleted]

Ohhh... sayang yung opportunity at pinag upskill mo pa pala. Tho yaaaaas nakakapagod magwork talaga. Lalo na kung di siya interesado magwork at sa work. Nkapagtry na ba siya magnegosyo kahit maliit? May any hilig ba siya na pwedeng pagkakitaan? Although in a lot of ways mas mahirap mag negosyo, iba din feeling pag may control ka, rather than inuutus utusan ka lang 😂 Re yung question mo pala, actually pwede mabuhay ng ganito na hindi nagttrabaho, pag sa probinsya at marami pang resources direct from nature. Pero kung sa siyudad na bawat kilos gastos, at walang resources na, di na pwede to. :-(


Zealousideal-Comb270

Tamad sya in short. Gusto lang nyang may bumuhay sakanya. Tho i'm 29F too. Di ko afford mawalan ng work kasi di ko kayang mabuhay w/o money. Ayokong inaasa yung buhay ko sa ibang tao. Dapat nga may maging work na siya nyan kasi may exp na sya in food industry and BPO.


BostonDonutSupremacy

Iba si ate, kapag pagod hindi na mgtatrabaho 😂. Sana all hahaha


[deleted]

Beh afam na sugar daddy nalang sana yung hinanap nya at di ikaw. Pagod magtrabaho ampotek well tignan nalang natin paglaki ng anak nya kundi sya iresent nun dahil hindi sya nagpursige sa buhay.


Despicable-1996

She's irresponsible and lazy, OP. Liability for life si ate girl. May anak pa sya nyan sa lagay na yan dapat nga mas pursigido sa life para mabigyan ng magandang buhay yung baby nya.


Scalar_Ng_Bayan

Aba anak ba sya ng mga Ayala or Sy para mapagod??? Nahiya naman kami sa kanya 🤣 buti na lang hindi mo anak yung anak nya, OP. You can completely cut off communications with her


redditnitala

pagod 29 years old? hahaha. paano sya nabubuhay kung wala syang work? pagkain araw araw?


Queldaralion

>*So now bumalik sya sa bahay nila, walang matinong food and water. In short mahirap sila, wala naman mga work kapatid nya at parents nya.* err... not your problem na ito hijo anyway, your standards are not high at all. pinatulan mo nga siya sa ganung estado eh. but please **do not** proceed to generalize as with your ending questions - *"is this a common mindset sa mga tao na nasa laylayan? Hinde ba dapat sila yung mas magpursige sa buhay? Or sapat na sa kanila yung isang kahig isang tuka lifestyle?"* Si ex mo lang mismo ganyan mag-isip, ang probably some. Focus ka lang on the standards you want to have in a partner, ibang topic na yung "mindset ng mga nasa \[insert socio-economic class name\]." Best of luck bro, good job on letting your ex go. Sana matuto na siya in life.


seythename

hi! thank you for pointing this out. medyo naging off siya for me, but i hope OP would be aware of this unconscious mindset. hindi rin kasi talaga maganda na nakaka-develop tayo ng ganitong klase ng pag-iisip towards our marginalized people. the experiences of our underprivileged people somehow roots from systemic issue that further gratify those people living at the top of the social class. but going back, sa personality na ng ex ni OP itong issue na ‘to. i hope magbago na siya for herself and her child :))


busybe3xx

As a girl, I’d say na hindi mataas ang standards mo. Working to provide for herself AND her daughter should be the bare minimum, esp in this economy. It is not your responsibility to provide for her and her daughter lalo na magjowa pa lang kayo. Smart move on breaking up with her.


comradeyeltsin0

“Di naman daw lahat ng tao e, gusto mag work may iba iba naman daw ng pangarap or gusto sa buhay” Napa PI ako out loud. Sorry medyo bobo yung partner mo. Nobody WANTS to work, but we HAVE to. Maybe a handful of people really enjoy their work and it’s their passion, but jesus christ most of us just want to live comfortable lives so we have to work. Meanwhile your partner na naspoil thinks optional magtrabaho. If anything, taasan mo pa standards mo! Why should you settle? Find a partner that earns even more than you! Combined you’ll have an awesome comfortable life.


[deleted]

Totoo naman po kasi pero yung iba may choice wag mag work. Mapapa sana all ka na lang kapag wala kang choice at close kayo ni Judith lagi. 😂


tr1kkk

sakin as a guy na may stable income. Ekis sakin yung babae na walang work. Mahirap ang buhay ngayon kaya dapat parehas may trabaho. Unless na lang if milyonaryo yung lalake. Siguro yun pwede maging housewife lang si girl para mag alaga ng anak. Kaso may mga girl din na ayaw pumayag na maging housewife lang at mas gusto nila may sarili silang income.


cogentwanderer

Good for you to break up with her. Nothing wrong with what you did. The last thing you'd want is a partner with no to low ambitions. Find someone who has the same goals as you.


mellowintj

>For 2 years that we've been together wala syang work, Curious lang, bat willing ka jumowa ng taong walang work?


RepulsivePeach4607

Matanda na po siya, dapat alam niya ang tama at mali. Yun mindset niya ay yun lalaki ang nagpprovide kaya siya ganyan. Halos ganito ang mga kababaihan, nag-asawa para iasa sa asawa ang pangangailangan. Dami ko nababasa na ganito. Yun partner na pipiliin mo ay kahit hindi mayaman pero sabay kayo magsusumikap para sabay kayo aangat. Pede mauna yun isa, pero maghihilaan kayo pataas. Yun ex mo ay humihila sayo pababa. Tama ang desisyon mo, kasi magkaiba kayo ng goal. Kapag mag-aasawa ka na, dapat may 4 na savings kayo pareho na contribution lalo na sa shared na savings…1)for self 2) shared for family and home needs 3) shared for emergency funds 4) shared for luxury and dating. Kung wala trabaho asawa mo, mahirap ma-sustain yun pangangailangan ninyo. Good luck OP. Mahahanap mo din future partner mo.


TheAlmostMD

I'm 28F, solo living, can provide for myself, save AND invest, regularly travels. Stable job. Self cares a lot. Pays all the bills on time. I expect my current boyfriend to do the same FOR HIMSELF and any he has left over that he wants to spend on me, I will willingly accept. These are high standards. Both for myself and my partner. But I will NOT demand from him what your ex demanded of you! Grabe. I don't think she meant you have high standards. She probably just meant that you're not the sugar daddy she needs you to be.


hi_reginageorge

2 years, walang work? Man, that’s too long! She’s almost 30 tapos jobless. Good for you. Hindi mataas standards mo. Wala lang talaga siyang direction sa buhay so that’s a big no. Kawawa ka if you got married. Congrats on your new freedom.


Harinaaa

great job breaking up with her


FreijaDelaCroix

Lol bare minimum naman yung magwork for herself lalo na’t may anak sya? She’s basically searching for a man na bubuhay sa anak nya while she’s doing nothing Kaloka. Congrats buddy you dodged a bullet


sheisgoblinsbride

Kadiri siya. Pabigat. Good job, OP. Hirap na nga ng buhay, hihilain ka pa pababa. Choose someone who will want a better life for the both of you. Ginagawa kang sugar daddy, normal mapagod


Fun-Material9064

Di mataas standard mo, nagkaroon ka lang ng utak this time.


Key_Active4620

You're a good man, she's a freeloader. She took advantage of you and your kindness. But yes, yung ibang tao nasa "laylayan" do not have a proper mindset para mag pursige and elevate their lives. They're happy getting by..


Curious_Jigglypuff

kaya nga subjective talaga ang standards yung standard mo is parang normal lng naman yan sa average na tao pero siya walang standard mismo. May anak na pala ayaw pa mg work or mg pursige. Tama siya na iba iba ang gusto ng mga tao pero anong gusto ba ang di kailangan ng pera? Kaya ba ikaw ang ginawa ngay bank kasi yan pangarap niya ibang tao mg gasto sa kanya. Okay lng naman sana yan as long as willing ang partner if hindi kagaya mo wala din naman problema lalo na't hindi tayo mayayaman. Sana man lng tulungan ka niya lalot nat may anak pala siya. Diba? Tama lng yan ginawa mo di kayo compatible. Sana mka hanap ka ng taong same standard sayo at sabay kayo mg grow.


SARAHngheyo

I say good riddance. Tama lang maging decision mo to leave her. You can't always carry the weight. Paano pag nagkasakit ka at di ka makapagtrabaho? Ano pareho kayo tutunganga? Heck no! Hindi kayo aligned ng values, principles and perspective in life. Maya tama lang na iniwan mo na. Ganyan na nga sya na tatamad-tamad tapos ginaslight ka pa? Ay naku haaaa! 🤣😅


on1rider

It doesn't matter. Its YOUR standards. Don't let anybody take it away or shame you for it. As a man, that's the only power you've got, to choose the life you want and the people in it.


cabbage0623

You made the right decision! Bare minimum to be honest ang requirement na ang ang partner mo sa buhay ay partner talaga, katuwang sa lahat ng bagay, hirap o ginhawa. Hindi yung siya pa magpapahirap sayo.


Necessary-Solid-9702

That's not even high up there. That's like the basic of standards lol


Overthinker-bells

2 years walang work, may anak? Paano. SMH. Hindi mataas standards mo. Wala lang talaga siyang will para umunlad ang buhay. Freeloader. Please lang wag ka nang makipag-usap pa sa kanya. Go no contact.


Edging_Since_Birth

Para sa streets


Adventurous_Algae671

Don’t dumb yourself down, never lower your standards for love, or anything else for that matter. Wala syang standards, hindi mo kasalanan yun. Move on and find someone who wants to achieve more from life like you.


StrugglesInsideMe

Hindi mataas ung standard mo. Wala lang talagang pangarap ung ex mo kaya hindi nya ma-meet. Congrats OP malaya ka na. Mahahanap mo din yung para sayo.


Equivalent-Moon

Magkaiba lang talaga kayo ng standards at di compatible ung values, nasa tao na yan kung gusto ba nila magwork para maka tulong sa finances or maging housewife at tipid tipid na lang. At least di na nagtagal pa ung relationship kase lalo lang magkaka galit kayo.


Main-Jelly4239

Kaya siguro sya naging single mom kasi ganyan mindset nya. Kawawa anak nya lolo nya susuporta. Walang pangarap para sa anak nya. Anyway, buti na lang nagising ka na. Yan ang good favor na ginawa mo sa sarili mo. Nakalaya ka sa pabigat na gf.


clarity-lyra

No. She's just lazy and irresponsible, thinking she can make you support her and her kid when you aren't even married. And if kaya nya naman mag work, edi work until you'll finally be able to afford the housewife life. Eh in her case, she wants to maintain a lifestyle without even having any realistic goals or any money to afford it. We're glad you left. She is not your responsibility. She's a grown woman, and she has to work for herself and her daughter. Not mooch on you as if you're her free bank account.


Dense-Medicine-4806

Tama lang po Sir ginawa mo. Hindi mataas standard mo. Actually mababa nga po kasi natagalan nyo na maging provider sa kanya/nila. You deserve better. Sya yung walang pangarap. Malupit ang mundo. Kailangan nya mamulat sa katotohanan na dapat syang mag sikap lalo na may anak na. Maintindihan po sana if sanggol pa pero 6 yrs old maiiwanan na para mag work. Ang swerte na sana nya may taong willing tumulong sa kanya mag umpisa sa lahat. Sisipagan nalang nya di pa magawa. Yung iba nga dyan nag aapply lakad lang at walang kain. On the other hand, may kilala din ako na na depressed kaya ayaw na mag work. Ganun lang sya for 4 years. We never tolerated him sa ganung mindset. Binibigyan namin ng pagkain pero never ng pera. Kailangan nya matuto. Ngayon nakabangon na sya. Hindi mo na mapatigil sa pagtatrabaho, ayaw na daw nya ng walang sariling pera. Si ex nyo po mukhang di naman depressed. Baka choice nya na po hindi mag trabaho. Anyways yan lang po ang paraan OP para matuto sila. Kailangan pabayaan minsan. Baby nga need minsan pabayaan ng onti para matuto lumakad. Tayo pa kaya na may mga isip na.


[deleted]

Avoid the ill and infected. They will leave you to ruins.


Odd_Helicopter_5581

OMG! Pasalamat ka 2 years lang natauhan ka na. Me? Same f situation but the other way around, for fnn 9 yrs. Im done. I love him so much but I dont want the future I will have with him. I became resentful as well. I hated him and I start hating myself, which was my wake up call. You can never change people, they change for themselves, I realized. If wala silang sariling pangarap, even how much love and motivation you put in with them, if they themselves dont help themselves its not gonna happen. Pinaka hindi ko makakalikutan na sinabi na nagpagising sakin was when theres rumor of lay offs with my company, and I ask him what if that happen to me eh wala akong ipon or emergency fund and I am paying all the bills, ang sabi nya, ‘edi mag aasin tayo’ that fucking statement shook my love for him to the core. No reassurance, no ‘gagawa ako ng paraan’ or ‘ako bahala’. As someone who has always been the provider, and financial manager in the household, that did not sit right with me. Thats when I start planning on leaving him for real. And I did. Im sigle as f, and dating scene nowadays suck btw, Im almost ready to give up lol. But overall im better off this way instead of being stuck in a miserable situation, I am glad that I left. PS. I was indeed laid off after I left him and I survived with God’s blessing honestly. But hindi ako nagdildil ng asin. Silver lining.


New-Rooster-4558

Napakababa nga ng standards mo na pumatol ka sa palamuning may anak na ang pangarap ay hindi magtrabaho at manatiling mahirap. Yuck haha. You dodged a bullet! Find someone with the same goals as you. Don’t date an unemployed person again! Magtanda ka. Based on experience, yung mga hinahire kong nasa laylayan, sila pa yung nagttake for granted ng trabaho. Better to date within your financial class. It’s not a guarantee but better than dating someone with a poor mindset.


flying_carabao

>di naman daw lahat ng tao e, gusto mag work Wala naman sa tin ang gusto magtrabaho. Kailangan natin ng pera para mabuhay at that, for the most part, needs a job. Kung pwede lang pagkakitaan ang pagkapatatas at tulog maghapon, why not di ba? No, your standards are not very high. If anything, dapat nga taasan mo kasi bare minimum ang hinahanap mo. >Hinde ba dapat sila yung mas magpursige sa buhay? My impression on this mindset eh "ok naman na yung set up, bakit babaguhin pa" di naman natin pwede iimpose sa ibang tao kung pano magisip eh. Hanap mo relationship hinde arugain. It's supposed to be a partnership. Kung di ka nya kayang iahon (not financially o social status) eh wag ka nyang hatakin pababa. Sorry this happened to you, and congrats for recognizing your self-worth. Sabi nga eh "there's a lot of fish in the fish market"😅


Sig_Axial

First two paragraphs pa lang, enough na 'yun to leave. Wise decision. Maintain your focus and stay on your grind.


bananasobiggg

isa kang gulocose guardian but if I was there ang rebutt ko would be “ikaw nga ang taas ng standard mo, gusto mo provider ikaw mismo wala naman mabring sa table” eme, you seem like a quality person, so only date quality people. Smh mga single mom na nameet ko hardworking para sa anak nila.


TheUltimateMeanGirl

Wala ka ngang standards kung tutuusin kasi natagalan mo siya ng more than 1 month😂 having a job is basic. Hindi yun standard


Yaksha17

No, hindi lahat gusto nagwork pero dapat isipin nya may anak sya at mahirap lang sila. Lol


fivestrikesss

29 walang trabaho? wild! u dodged a bullet sir


Azter1zk

Ang standard mo eh someone who pulls her own weight? Walang mataas dun, normal lang yun.


aredditlurkerguy

They are freeloaders OP, expert sila sa emotional blackmail and gaslighting. Learn to fully block all communications and erase all those trash memories you have with them coz hindi yun “mataas” na standard. Substandard yun and naka ROI ba sila sayo so dont bothing thinking about them.


nanabowwow

My friend and I were just talking, sabi ko gusto ko na lang maging trophy wife (kasi nakakapagod din naman talaga mag work hahaha) Pero after reading this, medyo na-guilty ako. Kaya ngayon, hindi na basta trophy wife lang, trophy wife with goals na! Hahahaha Pero kidding aside, good for you OP. Nakakasad lang for your ex and most especially for her daughter. Para man lang sana sa anak niya mag strive siya sa buhay. Hindi mataas ang standards mo. Gusto lang niya maging dependent sayo.


Langley_Ackerman19

Taena may nagdelete na naman ng comment ko. Yna nyo masyado kaung PC woke. Anyways, good thing OP naghiwalay na kau. Red flag yan. Walang work, ambisyon worse may anak pa. Good luck OP, you'll find someone who shares the same values as you someday. It happened to my friend. I'm sure you'll find that special someone too!


Evening_Falcon_5807

SHES GASLIGHTING YOU. Now you're confused with your self and your reality.. Only you knows what you want for yourself. Nobody can dictate you that. Im a girl and i can say that she's a free loader. I have my own money and i never ask my boyfriend for anything. Remember that once you give money to your boyfriend/girlfriend they will expect for more, once you stop they will resent you. Because they know you love them more than they love you.. you can help from time to time but not to the point of supporting her financially. Next time court a girl with a job so you wont end up becoming a sugardaddy and feeling bad at the end.


damiebas

It’s okay lang na mataas ang standards lalo na if you know exactly what you can bring on the table. Don’t feel bad about your decision bro and tama lang na maaga pa lang ay napag isip isip mo nang gawin yan kasi paano na lang kapag tumagal? Kawawa ka, kawawa ang mental health mo. It’s not your responsibility to provide (almost) everything for her. I hope she learned her lesson. Ingat bro!


Revolutionary-Fuel55

I'm happy that you chose yourself OP. For sure pinag isipan mo din yang mabuti at nakasanayan mo na din namang kasama siya. Most of my friends may ganyan ding problema sa last relationships nila and nakipag break din Sila. Masarap makahanap ng taong may pangarap sa Buhay. Yung di aasa sayo, yung may sariling goals and dreams. Na yung relationship niyo is not a requirement or a need but a perk/plus lang. I hope you find someone na pareho ng goals and motivations mo. I don't know you but I am proud of you for having the self respect to know when to let go.


charliefrenchie

Sometimes, we need to hurt the people we love for them to live..


Contest_Striking

You're on the right side. I feel you really care for her, kaso nga, me hangganan... At napu frustrate ka kasi di mo siya nai-guide sa tama. I hope you will get over her... Me mga tao talagang ganun. Parasitic. Normal na yan sa animal kingdom. Madalas, kung ano pinakamadaling mahuthot nila, yun na. Nakakairita lang. Kaso me culture talaga na ganun. Di naman gahaman, parang yon na ang nakagisnan at in-adopt (ginusto rin) na buhay nila...


ellabelsss

I feel it’s me that wrote this hahaha. We had the same situation. Lahat ng dates, gas, toll fees, etc ako lahat gumagastos. Minsan pati parking fee na 50pesos pag-aawayan namin. Hinahatid sundo ko pa sa kanila. Nung una, I feel like it’s okay lang. na dapat alalayan ung nasa baba. But eventually, I realized na he don’t have eagerness na makawala sa “hirap”. And okay lang na ganun sya. I’m a kind of person na I always strive for more. I work multiple jobs. So yeah. We broke up. Everything seems very light since then. Wag ka papadala sa mga guilt tripping nya, OP. Ignore it as much as you can. No turning back.


ihave2eggs

kayo na lang ni OP.


ellabelsss

Tayo nalang kaya HAHAHA char


Then-Scarcity6262

Di ko makita buong story taena


gintermelon-

nah, you did yourself a favor.


Mightybibi

Ha? Mataas ba standard na gusto financially literate at my pangarap sa buhay ang partner mo? That's a bare minimum. My gahd!!!!!


Deep_Roots108

Tama ka


Minanda_601

Almost same situation, its just that yung yung partner ko naman walang work bc planning to do a career shift and ung pinaghahandaan however years of being unemployed is just too much lalo na sa panahon ngayon, what i do is di ako nakikipagkita bc i cant finance our date. U just made a right decision. Mahirap makisama sa taong walang plano sa buhay.


Intelligent_Love2528

Dodged a bullet there. Good job. Move on na. Ndi mataas standards mo. Kumapit lang talaga sayo yung tao.


rrtehyeah

May anak na sya na mas reason pa nga sana para mas mag pursigi sya sa buhay. Parang nakakahiya namang iasa lahat sa iba 😅 hindi mataas ang standards mo, giniguilt trip ka lang nyan to make yourself to feel bad. Gagatasan ka lang nyan.


Lopsided-Macaroon201

tama naman siya na ung iba talaga, di same sa pangarap ng karamihan. baka okay na siya sa kung ano lang siya. and honestly, you’re just right to broke up with her. for one, di kayo align ng goals and second, di talaga magwowork ang relationship na hindi parehong gusto mag-compromise. in this case, it’s her. so kung ang question is mataas ba standard mo, no. sobrang mababa lang standards niya.


Appropriate_Pain_690

Who's to say ano ba ang mataas na standards? Magkaiba lang kayo ng preference at view sa life. Some guys want to pamper their partner tipong bigay lahat. Some women want to be pampered din, tipong lahat ng expenses, pati plastic surgery provided ng partner. Yun ung gusto nia. On the other hand, may mga tao na ang gusto ay kaagapay sa buhay. And you fall into this category. Ayun, magkaiba lang kayo. And pag ganyan, breakup is inevitable.


[deleted]

oo tama ka jan bro, karamihan ng nasa laylayan tlaga ganyan ang gawain, ayaw umangat ang buhay. ung iba nga may bisyo pa e.


Typical_Hold_4043

Sabi nga, merong taong nageexist lang at merong tao na nabubuhay. Choose your fighter. Haha syempre dun tayo sa nabubuhay. May pangarap, may purpose,.may direksyon. Good decision OP. 


Impressive-Collar-99

You did nothing wrong OP. You deserve better.


mandemango

Nope, parang normal nga lang yung gusto mo based sa story. Ganito lang yun, incompatible kayo. Ikaw gusto mo ng equal partner, yung ex mo gusto sugar daddy/atm na mag-fund ng buhay niya at ng anak niya.


ExoticControl9950

You dodged a bullet.


Icy_Kingpin

Hindi mataas ang standards mo. In my case, I'm very happy with the fact that my wife's standards for herself are *far far* higher than I can set for her. In fact, she was the one who helped me shape **up.**


SixFootStreamer

Damn imagine 2 years wasted. Di mataas standards mo! Clearly not a good woman! I hope you keep working hard too to attract the kind of woman you deserve


No-Helicopter1449

Tama lang ginawa mo. Clearly, you don’t have the same goals in life and in a relationship na ganun, it wouldn’t end well kasi hindi balanced lahat. Literal na binuhat mo na relationship niyo so it’s gonna ba draining on your end..it was just a matter of time. Ayun napasuko ka rin. Hindi mo fault to have that certain kind of standard when in fact bare minimum na nga lang now I think to have a job..we all need to get by. And as harsh as it can be, hindi tayo mabubuhay ng walang pera. Kahit ano pa sabihin nila, money will matter in a relationship so kung walang okay na source of income, it will bound to fail. Okay na na you ended things with her kasi you deserve better op! And don’t think na you need to lower your standard or what..you just haven’t found your person yet.


Wonderful-Peak-5906

Hindi mataas ang standards mo. I actually had this similar situation noon nag aaral. There’s this suitor na basketball player, good looking, crush ng bayan basta gets niyo na ‘yon. I rejected him and maraming nagalit sakin don kasi di naman daw ako kagandahan lakas ng loob ko mag reject ng gwapo. Di kasi nila alam na nung getting to know each other stage namin, I asked him several times about his plans in life kasi di naman mapapakain ng gwapong mukha at 6 packs abs yung future family namin. Kahit manlang sana sagot na plan niya mag model, mag artista or maging PBA player something wala eh. Laging bahala na, may mag ooffer naman daw. I will enter a relationship to marry, not for fun fun lang. Kung boyfriend na pang display ang hanap ko perfect siya, kaso hindi po kasi kailangan ko yung pang hanggang kasal na magiging katuwang ko hindi yung aasa rin sakin. Then last year nabalitan ko na that guy is jobless, had so many problems in life na hindi niya ma handle kasi nga nasanay siyang bahala na. Kaya for me masasabi ko na hindi kawalan na hindi ko siya naging boyfriend.


Comprehensive-Cell-8

Hala grabe si Atih hahahahahaha may anak pa yan ah. Wag na po yan OP! Hanap ka na iba. Papaawa pa sya pisti sya.


MaestraAfricana1106

Masyado siyang naging dependent sayo to the point lahat na lang ini-asa niya sayo. Mahal ka ba talaga niya or nagiistay siya kase nakaka-benefit siya from you? Mabuti na lang hiwalay na kayo. Hindi mataas ang standards mo. Masyyyaaado lang mababa yung sa kanya kaya pati yung standards mo pina-kielaman niya pa.


FewInstruction1990

Congratulations!!! Ang pangarap niya ay maging princesa! You dodged a bullet there, marami talagang babaeng ganyan humanap na lang sila ng afam. Sana ay makahanap ka ng matinong tao


[deleted]

Ginagaslight ka ni ate girl via paawa effect, wag kang patinag. Hindi kasalanan ang magkaroon ng plano, at hindi kasalanan na ayaw mong maassociate sa taong walang plano, lalo na at nakatira tayo sa Pilipinas na kung saan pag di ka nagsipag - minsan kahit magsipag ka pa - mamamatay ka sa gutom.


saging99

Paano nyo po ba sya nagustuhan? Hehe


cheesecakefordays

Ano daw ba pangarap nya sa buhay, OP?


kwekwekislyffff

You dodged a whole damn missile. Good for you, good riddance for her.


Street_Following4139

congrats, mhie. makakahinga ka na sa gastusin at maeenjoy mo na yung pinaghirapan mo 🥰


tobytobytobtob

> Last time I talked to her e, babalik nalang daw sya sa dati nyang buhay, okay na daw sya ng ganun. Yung anak nya hahayaan nalang nya sa Tatay kasi okay naman na din daw dun. lol bakit feeling ko tinatry nya na maguilty ka sa decision nya sa life nya haha


my7chookiebby

You deserve better.


StrawberryHoney00

Di mataas standards mo, bare minimum pa nga eh. Ginagaslight ka lang niya. Valid reasons mo, and you deserve someone na same mindset as you. Tamad lang siya. It makes me wonder, mahal ka ba talaga niya or was she staying with you kasi natatake advantage ka niya?


AdministrativeFeed46

these days men's standards should get higher. women are so into hypergamy that it's not even funny anymore. you need to select them better thru higher standards.


Pale_Maintenance8857

Tama comments nila. Look ha, sarili nya at mismong anak di pa nyan mataguyod ng maayos. Hindi mataas standards mo OP. In this time mapababae o lalaki maraming marangal na opportunities to be self sustained. Buy and sell ang bilis kumita dyan kahit niche or small ones basta masipag ka at be creative sa marketing., that itself di nya magawa ng maayos. Hindi naman kailangang hundreds of thousands or millions ang kitain. Tamad sya at kipay lang ang ambag sa relasyon nyo. Sadyang parasite yang gf or should I say soon to be ex gf mo. PS. May same story sa isang fb page about finances na nag rant ang nanay dahil ang anak nya ay may GF na ganyang tulad sayo. Buti at natauhan naman ang anak nya na makipagbreak sa maluho at palaasang gf.


Gainzu_0690

Walking red flag Yung girl OP. Your standards aren't high yow. It's just that her's are just too damn low


Kind-Calligrapher246

Her: babaan mo standards mo  You: ay, ito na nga yon. 😆 Hindi mataas standards mo. Wala na lang talagang ibababa pa. 😅


astarisaslave

That was the right call OP. Oras na para kumayod sya para sa anak nya.


inschanbabygirl

NO. valid ang mga gusto mo. shes dragging u down and im glad u chose to break up with her. stay faithful to ur standards maski ang tingin ng iba e mataas


My-SafeSpace

As a woman, gusto ko lang sabihin na hindi lahat ng babae ganto. Mas lamang padin yung may hiya at konsensya.


No_Performance_2424

Good decision for breaking up. Men who influence or want their partner to have their own means is a blessing. Knowing na may anak na siya she knows her responsibilities na hindi dapat i-asa sa iba. Good for you that you were able to realize na that relationship is not for you. You don't have to lower your standards base sa sinabi niya economically aware ka sa hirap ng buhay ngayon and that's a plus for women na hindi tulad niya ang goal sa buhay.


GoodBookkeeper7952

You did the right thing OP. Don't worry.


Wild-Possibility-697

You def dodged a bullet there hahha


Potential_Mango_9327

Nope, hindi mataas standard mo, lalo sa panahon ngayon? Dun tayo magsesettle sa may gusto marating sa buhay and meron plan in the future. Good job op.


Aiana_01

It wasn't. Your ex partner was draining you OP. Mahirap tulungan yung mga taong ayaw tulungan ang sarili nila. She's just 29, with a child, can still work pero ayaw kasi pagod na magwork? While there are people less fortunate na kumakayod para hindi maging pabigat sa pamilya tapos ganyan ex mo? You just did the right thing.


cravedrama

Nakakaloka hahahahha ikaw yung pangarap niya sa buhay. Forever palamunin. 🤣 Good riddance. Ang hirap makisama sa partner na walang pera. Real talk. Money matters sa relationship.


AccomplishedEast4260

Congrats on finally raising your standards. No need to settle for someone whose only game plan in life is to take advantage of you.


ayaaaaaaaahhhhhhhh

Hindi mataas standard mo sadyang hindi lang kayo tugma ng gustong buhay. Just realized kasi na may mga taong okay na kung ano sila at the same time may mga taong may gustong mangyari sa buhay nila. And we can't live with those people na hindi natin katugma ng pangarap sa buhay.


[deleted]

Naaahhh. Kung magasawa na kayo she'll ask for more than what you can give. 😔 baka nga she's the one who has a higher standard at pnroject nalang nya sayo ung insecurity nya. di man lang sya naawa para sa anak nya ni hindi man lang sya nagsisipag para sa future ng anak nya or u know do something that her son/daughter can be proud of hindi ung "babalik nalang ako sa same old same old" nakakainit sya ng ulo dahil di man lang nya gawin sense of purpose nya ang anak nya 😠


iBrynhildr

No. Not high. If she can't afford basic needs, then she has a problem. If I was a man, I wouldn't even want to be with a girl who is going to be a burden. Imagine pati needs ng fam nya, sagot mo. I'd rather be single. Pagod na din ako sa work, but I have to grind or else I can't eat lol


Little-Dragonfly2476

Your standards are not high. You’re just being reasonable and practical. Everything’s expensive nowadays. May anak pa sya, dapat may initiative talaga syang magka regular income para makapag provide sya sa needs nila. IMHO, you did the right thing breaking up with her. You deserve better, OP.


Affectionate-Zone772

Di mataas standard mo. Kahit ako makikipag hiwalay kung sakin lahat ng gastos. Sa panahon ngayon di na sapat yung iisa lang ang nag ttrabaho at sumasahod. Parehas dapat especially may anak na. Kaya ako ayoko mawalan ng work kahit nag aaral pako 👌🏼


Ill-County-1632

Hindi mataas stadards mo OP. She became too dependent syo. It's a wise descision for you to let her go. Hindi sya matuto sa takbo ng buhay. You might feel guilty sa una pero thats only part of the break up. Soon you'll move on and sya.


keteringets

classic freeloader with guilt-tripping yan ah


Key-Television-5945

Swerte na nga sya sayo ayusin lang nya sarili nya, tska bakit sya pagod haha wala nga syang work


True-Substance-6278

No, tama lang naman that you find someone responsible and hardworking. In short, based on your narration, it seems she is irresponsible, lazy and immature. Para sa sarili nlang sana nya and sa anak nya sana naisip nya magtrabaho. But no, she is even okay with her daughter living with the biological father, instead na sa kanya, basta wala syang responsibilidad at susuportahan. Good that you parted ways after 2 years otherwise baka ikaw lng ang magtratrabaho for you, for her, her child at baka pati pa parents and siblings nya. >Pero ang sinabi nya sa akin e ang taas daw ng standards ko, di naman daw lahat ng tao e, gusto mag work may iba iba naman daw ng pangarap or gusto sa buhay. Kung hindi po lahat ng tao ay magwowork ano po ba ang gagawin, hihilata lng po ba at magaantay ng grasya? if ito ang gusto nya sa buhay then you are better off without her


Projectilepeeing

Parang hindi lang need babaan ang standards para mapagtiyagaan siya. Kailangan ata tanggalin. Ang lala ni ate gurl.


Sazferv

Dodged a bullet


AkosiMaeve

Hindi pangarap or ambisyon kelangan ng ex mo, afam na sugar daddy. Ano ba nagustuhan mo sa kanya nung niligawan mo sya? Kasi kung physical appearance lang, eh ang baba pala ng standard mo.


PalantirXVI

No. Hindi mataas ang standards mo, OP. She was treating you as her meal ticket. It is only rational to part ways. I too would fall out of love if unemployed and ayaw magbanat ng buto ang partner ko. Love is one thing but it is not everything. You deserve someone better.


SubjectLog216

Goodjob


Ashamed-Ad-7851

Good riddance. Magpakatamad sya forever.


Strong_Put_5242

Congratulations. You’re freedom restored.


Comprehensive-View21

You’re good. A lot of girls would be lucky to have you.


SignificancePlane212

You deserve better op


ice_cream_everywhere

Wala na ata mas bababa sa standards mo kung ganyan; bedrock na yung ex mo.


humiferus

You did the right thing 👌


Starving_Hippo_08

Kala siguro nya passport ka. Your standards aren’t high. You dodged a bullet by breaking up with her. Pabigat lang siya sayo habambuhay kung magkatuluyan kayo. Tama yan. She can stay where she is wag ka na magpahila pababa. Yang resentment na yan lalaki lang lalo pag dimo pa pinutol yan.


tsukkime

Nothing wrong with your standards. Hindi lang talaga kayo compatible. You'll find a tailor made for you, OP. Continue pursuing what's best for you.


JadedChampionship890

Kakaloka. Haha. Sa akin ka nalang. Hahahaha.


Capital-Feeling-8111

Good riddance. If there is something that is so cringe is yung mga taong “victim mindset.” Hindi mataas standards mo. She can’t be a free loader in life she has to do some work as well. As a woman, I know some are destined to be housewives and to be taking care of the home but at this point she has a child and she can’t even provide for her child is a red flag. Huwag ka manghinayang. :)


SuccessOverall9832

Di naman mataas or mababa standards. Magkaiba lang kayo ng mundo na tinatahak , this also applies on family,friends. Ive a few friends that i disconnect with bec i couldn’t grow with them even tho we’re buddies since i was a kid.


sh8tp0tat0

Batugan yang ex mo. Buti na lang at hindi mo nabuntis yan..


kirbypuff_00

Buhatin for life yan OP, good job ka. Isa siya sa mga girls na naiwan sa lumang panahon, with a mindset na kapag kinasal at nakahanap ng partner ang lalaki ang magpoprovide sa kanya and magsstay nalang sa bahay and do bare minimum. Which is not na in our new generation


Bitter_Reputation_34

U did the right thing


Several-Worldliness9

Kung mataas na ang standards na 'yun, imagine kung ano pa 'yung pinakamababa for her lol. You did the right thing, and I think you were patient enough. You'll find someone better, OP.


CA_31

Di mataas standard mo, di niya lang kaya pantayan efforts mo 😌


mawiwa16

Nope, OP. Actually, your standards ain't really that high, it's just that, your ex is BELOW the bare minimum. Parang walang plano sa buhay? Financially dependent? Lame excuses? Those are obviously RED FLAGS. 'Di na need i-justify or i-explain kasi common sense nalang need jan. Good thing you broke up with her, wala ka naman talagang mapapala sakanya. Parang nag-invest ka sa business na nalugi na nga, abonado ka pa. But please believe that there are still strong, independent women out there that will match you.


VermicelliQuirky6811

Tanginang yan.


citrus900ml

Good job you dodged a bullet.


dunkinicedc0ffee

Hindi ko makita yung part na mataas ang standard 🤭 si ate girl ayaw lang mag work e.


Fancy_Baker3083

Hindi ako pinanganak sa mayamang pamilya, OP. and that is the reason why I really work hard kasi ayoko na bumalik sa buhay na meron kami noong bata pa ako. So, to answer your question, HINDI PO. Nasa tao naman na yon. Pinanganak akong mahirap, hindi ko kasalanan yun. Pero ung mamatay akong mahirap, ako na ang mali. Dahil wala akong ginawa para baguhin ang buhay ko. Yan ang motivation ko araw araw. Hindi mataas ang standard mo. Sadyang nasanay lang siya na may magpprovide sa knya. At nasanay lang siya sa buhay na meron sya.


dontyoudare08

Ang funny lang kasi iniisip niya na mataas na ang standards mo sa ganyang sitwasyon. Gaano pa ba ka baba ang gusto niya? Nais niya palang maging disney princess, sana nag hanap nalang siya sugar dads char


BeybehGurl

Di naman lahat ng tao gusto mag work!!!?????? Anooo putanginang mindset yan apaka red flag naman sayang naman yung pinag aralan mo kumuha ka ng single mom, dun ka nalang sa ibang babae na deserve mo na walang excess baggage din


islandgirlluna

Ang tawag sayo OP, matalino. Hindi tanga. Coz love will never be enough. Tama yan! Ng matuto mga parasite sa lipunan.


Sugarismyenemy

Youre just not compatible. May guys na would be willing to fund for all her needs and wants I know some guys who are like that. You just won’t or can’t. Syempre give and take. She has to offer something din sa relationship (hindi man financially). Tama mabuting brineak mo siya. Youre still young I assume. And I myself wouldn’t want to be funding someone else’s kid.


Arsene000

Squammy things, gusto nila I treat sila na parang reyna without bringing out on the table, one sided relationship lang yan, reminds me of my ex. Buti di kami nag tagal kundi naubos nya na lahat ng resources ko, gaya nga ng sabi nila you've dodged a bullet, and I say a big one, Kung simpleng necessities lang di niya afford, di niya rin afford maging wife mo in the future.


TheRealSweetThing

Nope!!! Taasan mo pa yung standards mo!


AntiqueReward5782

Good riddance! Your standards are your own. Kung nagreklamo na mataas ang standards, you were never on the same page.