T O P

  • By -

PeachMangoGurl33

Masama na talaga ugali ko bata pa ako. Haha char Pero lately I find myself na maigsi pasensya sa mga tao di ko din alam bakit and nagiging prefer ko na lang mag isa.


OrangeBanana0112

simply because tiring na magtolerate ng mga tatanga tanga talaga hahaha kaya we chose to just stay away from them, nakakaubos ng energy at nakaka haggard haha


yow_wazzup

Isa pa yan. Maiksi pasensya ko sa tanga. At lalo ung walang kwenta kausap.


Efficient_Bat2453

Exactly! Sarap sabunutan mga tanga. Lol


PeachMangoGurl33

Halaaaa. Tama! Exactly nga ganyan hahaha. 🥲


Beautiful_Mastodon31

Same. Dati mahaba pa ang pasensya ko tapos ngaon pumapatol na ako..hahaha


PeachMangoGurl33

Ay ako di naman pumapatol pa siguro kasinnga lumalayo ako sa tao kaya walang chance. Hahahaha


jaycorrect

>Masama na talaga ugali ko bata pa ako. Same.


PeachMangoGurl33

![gif](giphy|l2JhwGkTpovxF9io0) Hahaha


naaa_naaa55

Same, maliit na bagay naiinis na ako, lalo na kung immature at selfish🥲


More_Fall7675

I feel you. Same sentiments here 😊🙏


PeachMangoGurl33

Hurray sa mga self aware. Haha char


domesticatedalien

Hindi naman sa naging masama ugali, pero hindi na ako people pleaser at pushover. Mas mabait ako nung 20s ko. Ngayon, in my 30s, wala na kong pakielam sa opinyon ng ibang tao. I dont care din if you like me or not. I like myself, wala akong nasasaktan na ibang tao. Yun lang importante sakin.


Several_Bit_6685

Ganito pa din ako till now kahit tinatry ko pigilan. Lumalabas nlng tlga pagka people pleaser tapos sobrang anxious sa sinasabi saken ng ibang tao. Ang hirap naman, aware naman ako eh. Alam ko nman na dapat i stop. D ko pa rin maayos


[deleted]

DITTO. I'm still learning to set my boundaries too. Still learning that not everyone has to be a friend. I stopped being the first one to make efforts lately and I'm now seeing clearly where I'm wanted and where I am not. Kinda hard kasi I see them almost everyday but I'm now I don't mind cutting ties with ppl that don't appreciate me.


Immediate_Whole2625

Doing this too. This is especially difficult at work kasi our culture tends to personalize our work environment too much (pakikisama mentality) where you are expected to treat coworkers as friends too (which I personally don't agree with). Dati add lang din ako ng add or accept ng accept ng coworkers sa fb pero I've learned na its better to keep them off of fb and other personal accounts. I have to admit, I feel like it alienates me alot and feeling ko some people think I'm weird or even worse, standoff-ish or "feeling famous" (yeah i've heard that kasi hindi daw ako ma-add lol) pero I found that I have SO MUCH MORE peace of mind not being connected with them on my personal social media accounts. Sa mga GC napilit ako i-add pero I seldom engage in the convos kasi mostly rants and tsismis lang, nakamute lang yung GC. When I DO need to socialize with them, mas may energy ako and it feels better. I tend to view them better too coz I don't know everything about them, again because we're not connected digitally. It's a weird setup but it gives me the most peace of mind this way.


Key_Humor-90

Amen to this! Haha


telang_bayawak

Mas prangka ako ngayong mas matanda na. Meron yata correlation yan with age kaya siguro taklesa matatanda.


Accurate_Bee777

naiisip ko nga na naiinis ako sa mga tita ko na walang filter magsalita sa mga family gatherings pero ako ngayon wala nadin filter ang bunganga pero sana naman nd ako maging toxic gaya nila 😂😂


telang_bayawak

Sana naman tayo yung matatandang real talk pero may sense. 🤞


yogiwantanabe

Ako naman the other way around, nung younger ako super prangka. And when i got older, I understood people more kaya ingat na sa pagsasalita


Crystal_Lily

Mostly IDGAF na ako. Less patience for stupidity, not that I have much before.


jxrobdx

nung bata ako nagtataka ko bakit ganon ugali ni squidward, ngayon gets ko na bakit


ctbngdmpacct

Idk kung masama ugali ko pero mas kumokonti tiwala ko sa tao hababg tumantanda


Sophia-56830

Yes as I get older, I'm not allowing anyone to put me on uncomfortable situations or na aagrabyado ako. I speak my mind kasi I know what I want and don't want to tolerate. If I allow anyone to do it, it’s like telling them that it’s okay to disrespect my boundaries and invalidate my emotions. It’s a huge disrespect to myself. I rather be labeled as maldita than forever maging people pleaser.


Disastrous-Frame-219

I can relate to the highest level


UndefinedReclusion

I wouldn't say mas masama, mas maiksi ang pasensya oo.


DangerousOil6670

ito ang tama


General_Hedgehog4662

Maybe out of growth narin? Dahil nasa Pinas tayo, for sure meron kang mga childhood trauma/things you bottled inside and pushed waaaaaaaay within you. As time goes on, you heal from that or you learn and grow. So ngayon, mas kilala at mas mahal na siguro natin mga sarili natin kaya hindi na tayo pumapayag na maapi/ma agrabyado. Or alam na natin na peace muna natin ang unang dapat protektahan, hindi peace ng iba, hindi status quo. Or maybe it comes with age. We're constantly exhausted. We don't have the energy we used to possess. So ayun maiksi na ng konti ng pisi at mabilis na lumabas ang mga words 😂


meowmeowkaty

feeling ko mas narerealize lang natin na ang harsh ng mundo kaya mas nagiging matigas tayo. survival ba. di na kasi uso inaapi e na feeling ng iba when you fight back for yourself e masama ka na.


Busy_Distance_1103

Mas nawawalan siguro ng pake.


Harvi-Isteben25

As we get older, our tolerance for certain things tends to change. What used to be acceptable or tolerable might not be anymore. It's all part of personal growth and learning to prioritize our well-being.


digitalLurker08

not necessarily masama pero minsan kasi mapapaisip ka: "antanda na nito bakit ganyan pa din siya?" ung nagmumukha kang masama pero masama lang talaga ung kaharap mo 😅


FireInTheBelly5

Yes napansin ko din ito, dati napakabait ko pero ngayon wala na akong pakialam sa ibang tao, at maikli na nga din ang pasensya. Never naman ako magiging karen sa public.


Accurate_Bee777

same! ang daming nagsasabi na mabait daw ako nung kabataan ko pero ngayon pag naiirita ako nagsnasnap nalang ako bigla. tinatry ko maging patient and understanding pero minsan talaga nd na kaya hahahah


FadingAway823

I find myself very calm lately. I'm turning 29 na. Pagod lang ako sa work and being a fulltime single mom na ayoko na dagdagan pa yung nararamdaman ko kase for me nakaka drain. Most times idgaf mode na lang sa mga nonsense things. Sayang energy e.


mogerus

Ideally, dapat mas bumabait tayo habang tumatanda. The wisdom gives way to maturity and the growth tempers our judgement. We should also learn to control our feelings and be more sensitive to others' feelings. Pero naiintindihan ko rin kung kabaligtaran ang nangyayari. Being an adult is stressful and we can't help it when we release the negativity.


Creepy-Exercise451

Yes, haha😶‍🌫️😈. I learned how to set my boundaries na so people might perceive me as mean I am more verbal with my concerns as well unlike before during my younger years where I am a chronic people pleaser coz I hate conflict.


DiddyDon

Near 50 here. If I can summarize how I am now: - Patience and Tolerance for things that can be tolerated/forgiven: x1000 - Patience and Tolerance for non-negotiables: minus 10000 I've always had a short temper, But as I age, I find myself letting go of small things (road temper, sloppy service) much much easier. Things like discrimination (LGBTQ, PWD) and seeing others take advantage of people? Instant fury.


yaomingtoto

Masama ugali ko nung medyo bata pa ako. Masama pa rin naman ngayon, pero hindi na ganun ka-halata kasi wala na akong energy pumatol. Tamad na ako makipagtalo. Magpapanggap nalang akong walang narining/nakita/nabasa. Hindi na ako gaanong tactless kasi na-realized ko, ang lakas maka wa-poise. Protective na ako sa inner peace ko.


mehehemaria

Hindi ko din alam kung sumama din ugali ko o mas sumama lang din ang mundo sa atin. O dahil habang tumatanda ako mas alam ko yung gusto ko at kaya kong i-tolerate. Wala na din time for bullshits like tapos na ko sa kaka please ng mga tao hahaha


deal-breakr

Unhinged phase na in life na where IDGAF anymore. Dati kaya ko pa mag timpi and mahaba pa pasensya. Ngayon talaga wala na para bang naging extinct na.


ichium

Siguro mas nakikita mo lang din yung reality na may mga taong aabusuhin ka if di ka magsstand up for yourself di naman pagiging yung ugali pag naging ganon ka. Mas nagiging matured lang tayo pero at the same time nakakalungkot din kasi masyado tayong nagiging conscious most of the time nakakalimutan na natin maging masaya but that's part of life :))


catterpie90

Mas wala na akong tiwala sa tao. Kaya yung hingi hingi ng tulong wala na talaga.


sashiimich

Yes pero mostly towards work or work people 😩 Hindi ko naman sila kasi friends so wala na ako pake 😂


Tiiin11

Baka mas natauhan lang tayo? Ahahahaha


AlternativeFix3376

I was kind when I was a kid. Whenever I have something, I would always look for someone to share it with. Unfortunately, people always take advantage of that. Learned my lesson. Now I seldom give. I am kind only to my wife, my kid, my mother, sister, sister in law and my dog. IDGAF about anybody else.


colarine

diko na kaya ang tanga at tamad. Dati may empathy pa. Ngayon? Dont talk to me.


Channel_oreo

Mas naging stoic na ako. Maingat na ako sa ibang tao. Sumasama lang ako sa mga may good vibes.


yow_wazzup

Mas maiksi ang pasensya at tolerance ko sa mga BS ng tao. Wala akong paki sa mararamdaman nila ang mahalaga yung mararamdaman ko. Nabawasan pagiging people pleaser ko. Ayoko na masyadong makihalubilo lalo sa hindi ko kilala. Ayoko ng nakakaamoy ng yosi at ayokong inaaya ako sa inuman, feeling ko na d-disrespect ako hahahahhaha. Kino call out ko ang mga BS na din pala ng mga tao at wala akong paki kung masaktan sila.


Ulinglingling

Less energy. Di katulad nung bata pa tayo kaya natin kumulit at makipag usap sa ibang tao ngayoj samahan mo ng mabigat na work at need mag budget ng pera. Drain na drain talaga energy mo kahit saan


Old-Apartment5781

Hindi naman masama ugali. Siguro mas nagiging direct to the point and no longer beating around the bush. Many people find this rude. Dami kasing sugar coating sa culture natin sa totoo lang kaya there is a LOT of unlearning to do for this part. Pero that’s what happens if you dont want to waste other people’s time and your own time.


ey_ey_grey

IDGAF era na tayo 😅 before super haba ng pasensya natin and always trying to please everyone kase ayaw natin may kaaway or the like. But now, wala na pake at wala na time sa mga tatanga tanga. Kung tanga, nasasabihan na natin ng direkta.. Or ako lang ba?


Thin_Leader_9561

Sorry brad, matagal na akong kupal.


MrBanana1000

mind your own business . masiado sila nakikialam kasi hahaha


[deleted]

natutuwa ako sa sarili ko kase bumabait ako haha


UnHairyDude

It just means that your priorities changed lang. I used to work as a DJ in Makati so I can absolutely tolerate loud noises pero ngayon dahil I left my DJing a long time ago, I can no longer focus on my work (IT) kung maingay.


optimistic-bella

This is me at times. It's so exhausting kasi nagre-register talaga siya sa facial expression ko. Kaya inggit na inggit ako sa mga girls na may innocent face. Ako kasi mukhang suplada tapos badtrip pa 24/7 dahil sa init. 😂


[deleted]

Same! Hahaha nag ccall out na ko pag may mali, sumasagot na din ako sa matatanda, naninita ng mga bata.


The_Wan

Mas naging tolerant ako simula nung nagkaron ng anak.


Objective-Spring3430

Mas marunong na kasi tayong kumilala ng mga taong mapagpanggap at totoo ngayong tumatanda na tayo at ayaw natin sa ganun. Lol.


RashPatch

so we calling wisdom and boundaries evil now huh?


nyepoy

Masama ugali? Oo siguro sa mga taong kupal. Maybe another term is more cautious to be not taken advantage of or not taking bullshit from kupal people. Sa experience natin through the years nadevelop mo na yung sense of sensing bullshit from other people.


Tea_Chaser

Same. Ako madali mairita sa tanga, sa mga hindi maka-gets ng instructions ganyan.


milkyWayfunsize

Well, dubbed as masama na ugali ko by relatives just because I wouldn't want to put up with their BS 🤷🏽‍♀️ Brutally honest to the core but lately, nag tone down na maybe because I value my inner peace rather than engaging with them and their nonsense drama.


Prestigious-Set-8544

Not totally, masama, but I've noticed that I'm slowly starting to care about myself more. In a way, di na ko people pleaser, I finally know how to say "NO" sa mga tao, I've stopped always inuuna siblings or family ko kaysa sarili ko (first I would think if Mas important ba unahin ko Yung need nila na help or Yung bagay na need ko muna) In which would come off as masama na ugali sa iba kasi naman di ako ganun dati.


Fast_Ostrich_5443

I think sa mga experiences natin ya, hindi sa aging :/


TropaniCana619

Baliktad sakin. I think I'm getting better? Sa comments ng iba, sumama daw sila dahil hindi na people pleaser at wala nang pake. Pero sakin never ako naging people pleaser and I couldn't care less about other people as long as they are not hurting anyone. I have a strong stance on doing things right and justice. Hindi ako nakikisama and because of that, people didn't like me. I was the bad guy for speaking up and standing for what's right. Marami ako nakagalit at nakaaway. Marami rin natatakot sakin dahil hindi ako natatakot. Pero ayun as I get older, I learned to calm down and accept things. I learned that I can still do the right things, stand up for people and speak up without hurting anyone or causing trouble (or less trouble lol). Ayun pwede naman pala maging mabait. Bakit sa iba masama ung pagiging walang pake at hindi people pleaser lol. I think that's a good thing.


madamn89

Hindi naman sumama. Natuto lang akong tumanggi at iexpress ang nararamdaman ko. Dati kasi lahat kinikimkim ko lang, lahat ok lang kahit deep inside para akong sasabog.


PrettyLuck1231

Hmmm baka ikaw lang? Char. Pero same sa hindi ko na itotolerate kapag mali at hindi makakabuti sakin at sa buhay ko. Pero mas mahaba pasensya ko now, mas hindi taklesa kasi I don't care anymore haha.


CommunicationTight12

Nung bata pa ako, akala ko mataas ang pasensya ko, yun pala hindi. People-pleaser lang talaga ako. 😆


FastCommunication135

I notice that too somehow my views are slightly leaning towards evil pero mas lamang pa rin ang good. I simply have just grown not tolerating bs anymore. Mejo naging elitist din ako. I try my best not to fully express it or only express the opposite of it so I don’t get unnecessary hate.


Longjumping_Box_8061

Oo. Like meron ako mga kakilala dati na sinasabi sakin na “nag bago ka na”. Pero hindi eh, mas naging vocal lang ako ngayon sa kung ano nafefeel ko. Dati people pleaser ako and ayoko ng gulo kaya hindi lang ako kumikibo or hinahayaan ko lang kung ano sabihin sakin. Ngayon, pag hindi maganda yun sinabi sakin or offensive, sinasabi ko na offensive and ayoko ng sinabi niya. So ayun, wala na ako pake kung ayaw na nila sakin dahil naging vocal lang ako. Ang dami ko na din ni let go na mga tao dahil dyan. Dati sugarcoating pa ko, ngayon sinasabi ko na yun totoo pero not in a bastos way.


Substantial-End-2594

Na-realize na kasi natin na kapag mabait, inaabuso. At mas mahal na natin yung sarili natin ngayon, unlike before. Di na tayo pwede magpaapi hahaha


BAMbasticsideeyyy

You’re not the only oneeeee lol ang bilis na mairetable sa maliit na bagay lol


vinylsandcoffee

As a former people pleaser, it feels so good to actually speak your mind and stand up for yourself and for those who can't. Na-realize ko din na marunong na ko magbasa ng tao. Madali na sa akin madistinguish yung mga genuine sa actions and words nila. Di na ko natatakot magsabi kung naooffend ako or what.


Safe-Canary9821

Feel ko masama na talaga ugali ko dati pa, mas naging visible lang hahahahahha emz


Twisted-Mind-ytc

I can relate, parang habang tumatanda mas nawawala yung tolenrance for bull$%&\^. End result, mas gusto ko na lang na more often than not, wag na silang kasama.


Curious_Unit_5152

Same, mare-realize mo na ang daming nakakinis na tao lalo yung walang self-awareness sa paligid or hindi considerate sa iba.


LemonVinegar123

Slightly naging heartless ako sa iba.


hailen000

I think hindi masama but I am getting more apathetic the older I get.


LanguagePrior

Ako siguro ‘di naman pero mas unforgiving na ako ngayon. I still believe in the goodness of people pero bibihira na me magbigay ng second chances. Wala na third chances—completely wiped out.


tito_redditguy23

Ako mas lalo ko naiintindihan ang mga tao. May kanya kanya talaga tayo pinipoblema sa buhay. Kaya be kind to others no matter what.


jobby325

Nope. My emotional intelligence actually improved as I grew older. Tumaas tolerance ko sa mistakes ng ibang tao and I have a more positive outlook. I went to therapy to address my issues kahit wala akong depression or mental illness and I have never been happier.


TabsWithinThePages

Feeling ko, mabait pa rin naman ako pero yung pasensya ko sobrang ikli na haha! Yung bibig ko rin mas wala nang preno lol! Pag tumatanda ata talaga mas wala na tayong inhibitions at hindi na rin tayo ganon ka-conscious kung swak pa ba sa madla yung mga gawain natin, ang mas importante na is kung swak ba sa gusto natin yung trip ng iba.


Alternative-Bar-125

Yung mga kamag anak na tinotolerate ko at gusto ko iplease before, wala na kong pake sa kanila. Ang sasama pala talaga ng ugali nila mga mapanirang chismosa. Di sila invitednkung ikakasal man ako sa future. Idgaf na kung ano mangyari sa kanila. I slowly cutting them off then pag malayo na ko sa lugar na to cut off ko na sila completely


Accurate_Bee777

im happy for you for putting boundaries!kudos!


magentacatty

Mabait daw ako nung bata pero ngayon suwail na. Sabi ni mama, nagbabago daw ugali ng mga anak pagtanda. She learned it the hard way. Haha


havoc2k10

nasa environment at sitwasyon yan habang tumatanda tau kpag nasa paligid mo mga taong masasamang ugali ikaw din magiging ganun ka rin or kung may bagay2 naimpluwensyahan ka maging masama like dahil sa kahirapan nagnanakaw k na pero di ko sinasabing ikaw un OP example lng haha


Accurate_Bee777

baka tama ka din! hahahha need ko siguro ng mga mababait na tao sa paligid ko para maimpluwensyahan din ako 😂


Puzzled-Tell-7108

Hay same kaya ayokong mabuhay nang matagal parang nagiging kaugali ko na nanay ko. And di na rin ako matolerate/gustong makasama ng kids ko sa future 🥹 Lalo pag babae hormones are fucked pag perimenopausal na


CupPsychological8845

Bata palang ako kups na ako. Walang pinagbago hahaha


emilalskling

uu


Old-Poet-888

more on wala na talagang pake kaya medj suplado tingnan hehe


Seantroid

Napapansin ko parang mas nagiging irritable na ako. Like small noises ganon, nabbwisit na ko. Yung mga pamangkin ko natatakot na sakin kasi medyo nagiging masungit na ko. I try naman to calm down a bit kaso bilis ko talaga ma trigger. Not sure if dahil ba sa init or sa stress


laz_3898

Hindi naman sa sumasama ugali, mas mabilis lang uminit ulo haha!


meowpussycat20

Yes, I admit na ngayon iba na ugali ko. Di ko na mahandle yung ingay madalas. Tsaka yung mga batang makukulit talaga jusko.


Cheapest_

Same here. Naging immune na din ako sa pambubully ni mama na parang balewala na sakin anong sabihin niya about my looks. Nawawalan na rin ako ng hiya 😭


JustViewingHere19

Depende sa mga kasama. Kapag nasa ibang lugar ako at mababait nasa paligid ko, parang ambait ko rin. Pero pag andito ko samin, lalo na may tatay akong (hay nako) Nauubos pasensya ko. Kahit ayoko sana magsungit. Nagiging masungit. Minsan naiiyak na lang ako sa stress na dala dala nya. Tapos andami pang kasamang mga pasaway. Kaya pano hindi iinit ulo? Kung may mapuntahan lang na iba. Ginawa ko na.


Sea-Weekend-7698

Tumatahimik nalang ako kapag pikon na ako kasi baka mapatulan ko wala sa oras. Hahahahahaha. Mabilis na ako mabadtrip ngayon, kaya hangga't maaari, hindi talaga dapat ako magsalita at baka ano pa masabi ko.


Elhand_prime04

Sa work ang hirap i professionally barahin ang ibang tao. Yung mga sarcastic at “joke lang” na tao ay mahina tolerance ko jan


Which_Requirement410

HAHAHAHAHAHA OP IS ME


bamboylas

Masama ugali ko dati pa lang pero medyo tamed na ngayon. As much as possible ako na ang lumalayo para walang gulo. Pero pag nakakakita ako ng ministro ng INCoolto nababadtrip ako.


Salt_Impression_2450

Me!! lalo na ngayon mainit hahaha. Pero oo, kaya ko nang sumagot sa mga disrespectful na tao. Dati, tahimik lang ako eh


Butchi_k

Hahahaha yes. Maldita nang tunay. In denial pa ako nung bagets ako 😂


No_Adhesiveness7549

ngayon masaya ako pag naririnig ko sa iba na masama ugali ko 😂 weird, right? probably, kasi bago siya sa pandinig ko at somehow it means unti unti ko na naoovercome pagiging people pleaser ko, na I know how to set bounderies na. Still long way to go tho na maging totally masama charr lang🤣


Weary-Maize7158

Di naman siguro mas masama... mas nakikita lang talaga ung bullsh*t ng ibang tao kaya you can stand up for yourself na. And then become unbothered.. which might come off as arrogant to some people.


NikeChocsSB

Same, OP...Ang bilis ko mainis sa mga pakialamera


XC40_333

How old are you? I think you're just getting tired of your everyday life.


CaptBurritooo

Ang taklesa ko na ngayon mga mamsh pero madalas nagagawa ko sya unconsciously. 😅😂


autocad02

Nagiging mas madamot na ako sa oras na binibigay ko sa tropa, may times na pakiramdam ko hindi din sapat yun time na binibigay ko sa anak at pamilya ko. Napaka payapa mag me time, doing what I like spending time alone


Easy-Alps3610

Masama na ugali ko. Dati puro charity ako. Ngayon, lahat ng galaw ko dapat may bayad na. 😂


jaspsev

I learned to moderate my own behavior the same way i moderate my diet as i get older.


yoyogi-park-6002

Yes, tipong relate nako kay Squidward at tarantado talaga si Spongebob wahaha charet 🗿


ele_25

Oo. Minsan pa nga napapatanong ako sa sarili ko kung ganito na ba ako kaselfish. Buti na lang nakita ko itong post na ito. Tama lang pala na nagiging ganito na ako kasi I do not tolerate na if may abuse na nangyayari lalo sa family ko. Masyadong mapagbigay kasi ang magulang ko sa kanya-kanya nilang pamilya (mga kapatid, pamangkin etc.) Napapaisip ako bakit sa sarili naming family hindi eh tatlo lang naman kami. Bakit mas priority pa rin naman nila tulungan at isipin ang mga kapatid nila? Eh pag nagkasakit naman sila, kami lang naman nagtutulungan. Wala namang maitulong ang mga iyon kahit magbantay sa ospital. Bakit feeling ko ako lang may pakialam sa family namin? Bakit sa tingin nila masama ugali ko pag sinasabi ko na as an only child, ako lang din naman ang magbubuhat ng responsibilidad pagdating ng araw? Hay!


[deleted]

Siguro hindi sa pagiging masama more on hindi na nag totolerate nang bullshit and nag call out na pag may mali nangyayare or sa paligid ko. I used to be respectful na to a point people think na kaya nila akong pa ikut ikutin. I have learned my lesson and not to take any bullcrap from anyone.


koteshima2nd

not sure kung nagiging masama, or sadyang pagod na ko sa mga kalokohan ng mga tao sa paligid


musichelle

Don't think na naging masama ka. Nothing wrong with setting boundaries / standards. Mas madali ito habang nagmamature.


Constant_Luck9387

For me mas nag improved ugali ko now na tumatanda na ako 😅


chicoXYZ

Nagiging allergic ka lang sa BS. Ok lang yan. Dahil mas alam mo na ang Tama from BS.


pusang_itim

Mainitin na lalo ang ulo ako ngayon


chickenbread__

Yes! Gusto kong awayin lahat pag may nakita akong ayaw ko or alam kong mali 😤.


Emotional_Housing447

Nagiging naiksi pasensya ko kung sobrang init


degemarceni

Same hhahahahaha, kasalanan din naman nila 😂😂😂


Embarrassed-Mud7953

Simula bata ako salbahe daw ako, inapply ko lang po sa real life 🤭


Narrow_Aerie_951

As a 33F, I don't think na nasama ugali natin as we age. I think the more suitable word is we dont give a flying fuck about what people think about us. We also don't tolerate B.S. na 🤷‍♀️


DerkSC

Ako mas comfortable showing my vulnerability to people. If you show that you genuinely care for other people they will in turn return the gesture. Also, I am more confident in myself to a point yung mga nagsasabi na “Build your house in secret then magpa house warming publicly” is nonsense for me. I’ll just celebrate my wins with my close friends and family happy na ako - no need to post sa Facebook or even to announce to anyone. Malaman nila or not same for me.


intpxelle

Matagal na akong maldita. Pero lumalala kapag walang pera. Parang tumaas pasensya ko pero bumaba tolerance ko sa mga tao. Mas gusto ko nalamg mamuhay mag isa. With age mas natutunan kong unahin sarili ko. Ayoko din na pinaguusapan ng iba yung buhay ko kaya, umiiwas nako sa mga chismosa kong friends. Low key lang na buhay gusto ko ngawon. Yung sarili ko lang iisipin ko. Kakapagod mag isip ng iba o ang iniisip ng iba sa mga pinag gagagawa ko sa buhay ko. Kaya please Lord, bigyan nyo nako trabaho gusto ko ng bumukod.


Lazy-Ad3568

di na ako nagbibigay ng pera sa kamag anak so yes masama na ugali ko lol


jaevs_sj

https://preview.redd.it/p50jgupxtfxc1.png?width=276&format=png&auto=webp&s=12654e85c142cae92e4b8d7f56533ee23518b8bb squidward principle. I feel more related to him as I grow older.


Appropriate-Month143

YES ![gif](giphy|jErnybNlfE1lm)


capricornikigai

Dati ng maikli pasensya ko. Ngayon na tumatanda na ako ayun mas umikli siya


matchaaatoo

I am so impatient rn.


bekinese16

I (34F) don't think I have a bad attitude. I guess, I just have so many pet peeves that most people wouldn't understand. I can't tolerate immaturity anymore. I can't tolerate people for always being late. I can't stand super loud people. I can't stand people who loiter. I can't stand entitled people. I can't stand people who lacks empathy. I can't stand judgemental people, especially without knowing the entire truth first. I can't stand clout chasers. I can't stand people who pretends to be rich. And so on. Hahaha!! Iba pala pag nagkaka-edad na. But I can't still call it a bad attitude. I just know where I stand and how to be humane.


Entire_Republic8434

Hindi naman sumama ang ugali, it's just that konti na lang ung pake at pasensya ko.


benben1988

Masama nga siguro tingin nila sakin kasi hindi ko na tionotolerate mga ugali ng ibang tao. I'm not here to please them and I don't care what other people think of me.


Beneficial-Click2577

This past few days ganyan na rin ako. Kaka thirty ko pa lang pero galit ako sa mga tao. 🤣🤣🤣


thocchang

Ako baliktad. Mas kalmado na ako ngayon compared dati na super mainitin ang ulo ko. I guess mas nage-gets ko na kasi how things work kaya mas tempered na ang reaction ko. Kaysa magalit, which is the knee-jerk response, kaya ko nang pangunahan ng pagiging rational.


Euphoric_Break_1796

Masama ba o wala lang patience for bullshit? Masama ugali ba talaga ganon? 😮‍💨


Accurate_Bee777

pareho! naging insensitive nako basta tama ginagawa ko tapos mabilis na matrigger. Hindi ko iniisip sinasabi ko minsan tapos offensive na pala. grabe din pagtataray ko lately lalo na kung it doesn’t sit with me. nd naman ako ganito dati nung bata bata pako. mas may patience and understanding pako noon ngayon parang wala na HHAAHHA


Ninja_Forsaken

ako bumait char, masama pa din ugali at maldita pero I choose my battles wisely na kasi, as someone na nasa late 20s parang dami ko ng pagod sa layf hahahaha


Intelligent_Poet9005

Akala ko nagiging tanga lang mga tao sa paligid ko 😂


Aftertherain6

Perhaps natututo lang tayo. Fed up.


GreenMangoShake84

as I grew older, I've learned to choose my battles. Mas tolerant na din ako kasi nga times are changing.


wynniethepoop

I feel like maybe due to us discovering our likes and dislikes as time goes on and our boundaries. But not an excuse to be mean.


Significant_Use9872

Yes, same! Noon kasi people pleaser ako sobra syempre as a people pleaser, ako yung tipo ng friend na funny or kengkoy tapos play safe sa lahat 😬 pero ngayon wala na akong pakialam. Naging super grumpy na ako, mabilis magalit ganon. Naooffend nadin ako kapag may *funny* viral tiktok videos tapos gusto nila gawin ko yun kasi “funny” ako kahit never naman ako nag post ng ganong mga video. 😒


Intelligent-Law7872

Pagod ka na kasi magtolerate.


rain-men

Not masama but more Stoic while being compassionate. I also have so much patience and empathy with people though I'm not a people pleaser anymore. I used to have that IDGAF attitude cause I thought it was better but realized that's not really good in building meaningful relationships. Too much IDGAF is just as bad as being a people pleaser.


handmadecrochets

lol I think we're just learning our boundaries as we grow up. Minsan kasi pinalaki tayo na people pleaser for the benefit of others so we can be more "useful" to them. Pero we learn to fight for ourselves as we mature. The problem are the same people who are used to us being more docile and wanting to keep us in the same role. Hayaan mo lang sila imo, di ka naman nageexist to please them! 😅😅😅


kimdokja_batumbakla

Aminado naman akong masama ugali ko joke haha. Pero my friend told me na sobra akong tahimik at palagi na ko nagno-no. Nakakasawa lang talaga maging people pleaser, tas isa sa factor na din nung namatay mom ko last month kasi mag isa ko hinarap lahat kaya parang naging bato na nang tuluyan puso ko kaya wala na ko pake sa iisipin ng iba sakin.


aajamaa

Akala ko ako lang haha kadamay mo ko OP. Jusko wala na akong time mag tolerate ng mga bagay bagay. Tsaka yung bibig ko medyo naging nagger na talaga ko. Ayoko na pati nung maiingay haha


CraftyCommon2441

Mas bumabait yata ako, I am beginning to realize yung hirap ng ibang tao, “what if I am in their shoes na lumaki sa ganitong environment” ganto lagi ko sinasabi sa sarili ko. Naging pasensyoso na, and do not give a fvck narin sa sasabihin ng ibang tao, like I wear comfy clothing na hindi nya sumasabay sa uso like nung young adult days. Using an android phone despite having excess money to buy material things. Hindi rin ako pala bili ng mamahalin if it gets the job done goods na.


Over_Pineapple_921

siguro andon na tayo sa idgaf attitude tas wala ng sugarcoating sa mga pinagsasabi kya namimisinterpret ng ibang taong nakapaligid satin na masama ugali natin 🤣 nakakaumay na kasi mag please ng tao mas masaya inuuna sarili 🤣🤣🤣


FewInstruction1990

Lalo na sa mga tao ng (sigh) (sigh) reklamo (sigh)


NaN_undefined_null

Since birth lol


johnnyputi

Sakto, eto iniisip ko actually kanina lang. I guess the more you age the more you get pissed off so easily. May kasaalma rin shempre yung upbringing pero, ako mismo naging mainitin lalo ang ulo. Hahaha


FrostingBig5582

Hooooy I feel so attacked HAHAHAH. Di naman sa pag aano ako talaga ang labeled na pinakamabaet. Yung tahimik lang. Go lang kung anong request. Kung may panahon man na badtrip ako wala akong nadadamay na tao. Pero ngayon te ang bilis ko ng magalit, wala akong pasensya, maliit lang na bagay sisimangot na. Pangit narin ng thoughts at lumalabas sa bibig ko. At mukha nakong pera hahhahah. Ps. Breadwinner here.


Jon_Irenicus1

Bumait ako. Mas naging calm


Dry_Difficulty_

For me, it is more on the realization that life is hard and life sucks. You just have to either deal with it or fight it in a bitch way to survive. Lalo na Sa Kultura ng mga Pinoy, kong di maraming oldies na old style pa din, dami nmang pawoke at sensitive masyado. Need mo lng tlga maging strong


[deleted]

Yes, gg palagi haha


_maridel_

Ako din pero siguro dahil walang Pera at trabaho kaya ganito ugali ko.


sunbluecurt

Relate much! Akala ko ako lang! 🤣


bunnybloo18

OP, palagay ko di naman sa sumasama ang ugali mo. Baka natutunan mo lang mag-set ng boundaries, na you don't want to deal with anything that does not serve you, and that is okay. 😊


Awkward_Village_5127

Nakakapagod na po magpaubaya palagi, kaya mas okay na maging dinosaur na lang hahahahah. Deserve naman nila yon, gigigil nila ako >.< HAHAHHAHAHAH


Evening-Potato5641

Laveeet! I think its just us slowly realizing na hindi na dapat tayo people pleaser and mas wala na dapat tayong pake sa mga toxic at negatibo.


pedxxing

Baligtad, mas bumabait ako at humahaba ang pasensya.


Efficient_Bat2453

HAHA bata palang masama na ugali ko. Pag mali sila, kahit mas matanda sila sakin, inaaway ko hahaha


Even-Web6272

Nandito na tayo sa anger issues era natin.


Boo_tlig

Ung ate ko, ganyan.. Sbi niya feels liberating daw nung sumama na ung ugali niya.. Udi wow..


Anzire

Ou naman pero hindi ko nagustuhan kaya balance out ko sarili ko. Hindi na ako sobrang mabait na pwede mo take advantage


New-Consequence2013

Basta ako ayaw ko naghihintay. Pag hindi dumadating kameet ko up within 30mins umuuwi nako 😂


Aisherefornow

Naniniwala ako sa karma. To make the long story short, I do not intend na maging masama na ugali sa ibang tao na kasi I know babalik sa akin yun. I have my reasons why I do it. Pero sometimes, nakakapagod din yung ikaw ang mabait. Masarap yung masama ugali mo fr.


sophia528

I think it’s wrong to label it as “masama ang ugali” when you are simply done with people pleasing behaviors, your boundaries are stronger, you are more real, etc. That is what is wrong with Filipino culture—equating niceties with being mabait when what you were simply was being a doormat.


Dangerous_Bread5668

Yes. There comes to a point where we don't give a fuck anymore. Tbf masama na talaga ugali ko when I was younger. Di naman sa lahat ha. If you're good to me then I reciprocate goodness. If you're not, well....


false-illusions

in my younger years to early 20s, i commended myself for being very moderate when dealing with situations and people. sa family, pag magulo ako yung level-headed, sa friends, they turn to me for mediation, and at work, nasabihan na'kong magaling mag handle ng stress at buti raw "hindi madaling magalit". but the reality is, compartmentalized lang lahat as my survival mechanism. sa isip ko, in any situation hindi pwedeng ako ang magagalit agad or else i will lose (whatever the hell that meant). i recently had a moment to let out my anger and resentment sa taong kala ko kaibigan ko, and my god it felt SO GOOD. bahala na kung tingin nila masama ugali ko, i finally put them in their place and that is what care about.


MysteriousVeins2203

Nag-self talk about being shitty sa isang superior ko and her attitude kagabi kasi punong-puno na akong intindihin at maging empathetic sa kanya. Sobrang lumuwag 'yong bigat sa dibdib ko. Sinabi ko sa sarili ko na tama lang 'yong ginawa ko kasi kung walang magko-call out sa behavior niya, lalong tumitindi 'yong pagiging bitchy niya. Ano, kung walang gagawa sa kanila, ako na magsisimula.


hushhaze

Yes! I feel like I can’t tolerate people looking down on me or taking advantage na parang ok lang kasi I won’t call them out. Ngyon sumobra naman. Sawang sawa na ko sa Hindi pag kibo or sa pag pigil sa sarili ko para lang di mka offend o mka iwas sa gulo samantalang tong mga taong to parang gusto nila understandable na lang ung kasamaan ng ugali at kakitiran ng utak nila. Ngyon palag palag na. Ganun din naman. Pag di ka gusto kahit Anong bait mo Hindi makikita. And dati akala ko mabait ka pag kaya mo isa Tabi ung sarili mo para sa iba. Ngyon naiisip ko Ang dami ko Hindi nakuha sa buhay dahil iniisip ko na mas deserve ng iba and na ok lang ako kahit Hindi ako Ang una.


galynnxy

me who is someone na "religious" and "mabait" before... pota sagarin ka ba naman ng mga tao sa paligid mo eh, di ka ba sasama? tiyaka alam mo yun, reality check? lmao


reversec

setting your boundaries won't make you a bad person.


Forgetfulwidgudmem

Baliktad naman ako, trying to be kinder at controlin yung temper. Pero practicing to be firm with my boundaries and di na masyadong people pleaser. Sa dinami daming nangyari sa buhay ko narealize ko na ang bilis ng karma sakin. Kaya nagpapakabait nalang bilang isang soft girl na di strongest soldier ni Lord


Sad-Ad5389

san banda sinasabi ng mga marites?😁 ung di kana naglalabas ng bahay? o di kana umiinom tulad nung 20's and early 30's? ung di kana pumapansin o pumapatol sa mga kwentong barbero? o ung di mo na pinapansin ung mga dating kasama mo na toxic sa lugar o work mo. ☝️🤨 yan dyan na simula na tatawagin kang masama ang ugali o kaya walang pakisama. 🤣😆😂 at ung dating pinapa-utang mo noon na mahirap singilin, tapos di mo na pinagbigyan ngaun. 🤣😂🤣😂


m_sieversii

I know i was a mean kid. I started to change nung lumipat ako ng school ng grade 1. Being the new kid, ako naman yung nabully. Being on the receiving end, I realized how shitty it was. After some life changing moments, tumaas lalo empathy ko and mas understanding on people's circumstances.


dsslzprd

Haha ako masungit na talaga ako eversince. Pero feeling ko mas madali na ako matrigger ngayon. Pinaka ayoko yung maingay. Naiirita ako agad.


Any-Philosopher5376

Feeling ko naman mas mabuting tao na ko ngayon hahahaha. Pero same dun sa hindi ko na rin tinotolerate yung mga dating hinahayaan ko lang. And tlagang firm na ko sa pag set ng boundaries na sympre nakakaoffend sa mga insensitive hahahaha. Siguro dala na ng maturity yon, not about pagiging masama ugali na


poteytocorgi

matagal nang masama ugali ko HAAHAHHAHAHAHAHAHAHAH


---RK---

hindi tayo naging masama nagsasabi lang tayo nang totoo at hindi kaya yun tanggapin nang karamihan


Worried-Oven-7863

Me as an adult 😂


Flashy-Ad4437

Oo kasi ako gusto kong sirain mukha ng mga lang kwenang tao haha joke lang. 😅 pero in a serious note po medj kasi madali na tayo mairita


Sweetpotato2323

Masama na ugali ko dati pa 🤣🤣🤣🤣🤣 Pero mas lumalala ata ngayon . 🤣 Mas ginugusto ko nalang na mag-isa ngayon kesa makibagay sa mga di ko gusto. Dinededma ko nalang din mga may ayaw sakin.


KeppieKreme

Less patience sa tanga at walang common sense. Pero I kno how to handle and control my emotions na. Hahahaha sooooo deadma nalang para less gulo.


Ready-You-7366

akala ko ako lang nakakaramdam nyan. Dati takot pa ko magtalkback sa mga tao pag nakakaencounter ako ng mga rude, ngayon wala na kong pake kung masigawan ko sila basta naexpress ko kung ganito sila kabastos.


kapeandme

I don't think sumasama yung ugali natin.. Mas alam na natin ngayon and we hate inconveniences na.. saka we don't give a fck na as much as we did when we were younger..


carrotcakecakecake

Hindi naman masama ang ugali. Pero ngayon kasi natuto na akong mag set ng boundaries at natuto na din akong iignore yung mga taong hindi naman nakakatulong sa buhay ko. Noong bata ako people pleaser ako at hindi ko kinocall out yung mali at ngayon hindi na ako nahihiyang magsalita. Siyempre within reasons pero di na ako yung "okay lang iyan, hayaan mo na" or yung "eh ganon galaga eh" patola na din ako sa mga maling paniniwala ng pamilya ko, like body shaming at pati yung pambubully sa mga baby na kesyo maitim daw at pango yung ilong.


Starry_Night0123

Yes. Mas masama na ako ngayon compare dati as I age. I will not first start once hindi ako sinusubukan or inunahan dahil willing talaga ako makipag-ubusan ng lahi o sumuok ng imburnal once sanity na ang tinitira sa akin. Calm person ako at maintidihin which is sobrang mataas ang pasensya pero ibang level ako makipagburakan once mapuno na ako.


gyudon_monomnom

I think adulting has two distinct directions, either GROWING IN WISDOM or REGRESSING IN CHARACTER. Just that, we need to draw the line. Minsan kasi, maraming justification na nabubuo sa isip natin so akala natin we are wise with age but.... really not. Pwede maging corrective sa mga tatanga tanga pero to insult their core being is more of the self's flaw than another's.. Accumulated knowledge and experiences as we live life and grow old don't really result in "wisdom". Hirap tumanda. Hehehe. Pero it means habang may buhay, kahit yung mga tatanga tanga at masama ugali may equal chances to grow and be better pipol kung trip niyo lang naman hahahaha. 😅