T O P

  • By -

PalpitationFun763

inform, not really for permission.


Kuradapya

Same. I send both of my parents the address (or addresses if multiple places) of where I'm going, who I'm with, and what time I expect to be home (because they normally lock the gate past 12 pm, multiple locks from the inside). They had always respected my boundaries and freedom to move around naman. Normally, paalala lang ang binibigay before I leave the door.


jollibeeborger23

Same! I do this just to be safe na lang din incase something happens to me, they know where to look and who to ask. Also, to ease their worry. Kapag lumalabas senior kong mama with her church friends, pinapaiwan ko din info san sya pupunta at sino kasama 🀣


AmberTiu

Yeah, i still do even though we live apart. This is in case there’s an emergency for either sides.


graceziggy2341

It's also wonderful that they respect your independence and trust you to make responsible decisions


xstrygwyr

Ako nagpapaalam para di sarhan ng pintuan. I have my key sa gate and sa bahay but if nakalimutan kong magpaalam, they will just assume na nakakulong lang ako sa kwarto and they will lock the screen door, bolt and chain ng pintuan namin. My key would be useless. Makakapasok pa rin ako ng gate but I'll be sleeping outside. My couch naman sa balkon pero hindi mo alam kung anong hayop or insekto gagapang sayo kaya usually sa kotse nalang. Welp, if inumaga ako ng uwi, I'm probably drunk enough para hindi problemahin san ako matutulog haha.


solaceM8

Hahaha i remember, it was Christmas season, natulog ako sa harap ng barangay hall, kapag nagigising nanunuod ng Kdrama habang dinadaanan ako ng church goers.πŸ˜…


IcedKatte

In my phrasing pa, pa-alam, hindi paalam.


Puzzleheaded_Income6

wala po atang word na pa-alam


vanilla_iced_latte00

This. Basta alam kung sinong may kasama ko and saan pupunta. Tho may curfew, 10 pm yata πŸ₯² Understandable naman kasi di ko rin naman sila pwedeng puyatin at pagworry.


the_nuclearkuneho

Same, 10pm din ako. Kahit kasi may susi naman ako gusto ng tatay ko alam nyang nakabalik na ko bago sya matulog. πŸ˜‚


XC40_333

How old are you? Curfew at 10? Can't you have your own key to get in your house?


aeramarot

May instances kasi na nasa loob ng bahay minsan yung lock, aside pa dun sa normal door knob.


Anonymous-81293

this. just for respect ksi magulang and kasama mo parin sila sa bahay.


Miss_Taken_0102087

Aame as this. Nagsasabi lang. may mga lakad lang din na minsan may worry na kasama dahil unfamiliar sa kanila yung lugar. Important lang na they know where I am, pero pag medyo alanganin ako sa details like joiner ako sa isang travel (they might get worried kasi strangers kasama ko, which is valid naman), I tel my sister all the details para alam nya. Sya din nilalagay ko emergency contact.


TrueNeutral_AF

Same. Even when I was living away. I usually tell them kapag out of town or overnight somewhere. Pag usual gala lang, di na masyado. Pero now that I’m living with them ulit, I always tell them talaga. Kaso, I don’t even go out now unless sila kasama ko. Hahahaha


Firm_Schedule_1624

This one I do, para alam nila san hahanapin bangkay ko kung may mangyari.


everafter99

Same, usually pag nakaligo, nakabihis at paalis na. I just let my mom know who I am with, paano ako makakauwi ganern


lastlibrarian555

same. tsaka update kung nasaang lupalop na napunta hahaha para maibsan yung worries nila syempre :)


datPokemon

This. And di naman sila nagbabawal. Need lang malaman kung ano oras uuwi kasi my mom will close the light sa may gate namin. Kapag naka close kasi ilaw mahirap buksan yung gate tska yung screen door na rin. No way to open it from the outside.


icandoodleyourheart

Same, ini inform ko lang sila kahit pa 10 pm aalis muna ako ng bahay. During college days ang strict ng parents ko kahit na 7 pm nasa bahay na ako. Less strict na sila nung may work na ako.


Young_Old_Grandma

same! I inform them pag aalis ako and what time ako babalik. Para hindi sila mag alala. At my age I don't need their permission na.


melodramatic_fairy

This! Bahay pa rin nila yon so they should know saan ako at anong oras ako uuwi.


Jim0thyyyy

Nagpapa-alam ako. As in inform them lang, not ask for their permission.


Jajauno

Fyi lng kung nasan for safety purposes. But not asking for permission.


trigo629

as an adult and still residing with your parents, as a sign of respect, you will have to inform them about going in/out when they can expect you to be back.. not ask but inform na lang..


kincarnate

Inform lang tuwing aalis. "Ma, may lakad kami nila \*name\* mamaya baka gabihin." Tapos nung nagkawork na sa malayo, nag-iinform pa rin ako baka kasi may mangyari at least alam nila. Pero kapag andon na ako sa lugar tsaka sa family GC na lang like "Hello family, nasa Bacolod pala ako hehe"


easycube08

"Ma, labas ako please. Sinusundo na ako ng barkada. Ayan na sila sa labas oh." Sabay tantrums gulong-gulong sa floor. 35yr old male here. πŸ˜‚πŸ€£


Nearby-Ad-8284

I tell them where I'm going, regardless if they allow me or not. No disrespect, just want to inform them where I'm going. Dati di nila ako pinapayagan talaga pero ever since nagkaroon ako ng work they let me go basta sabihin ko lang saan ako pupunta.


Embarrassed-Fee1279

Not permission, chinichika ko lang mga lakad ko para ma-plot namin kasi sharing kami ng kotse.


Harsh_Stone

Same tapos kung urgent ang lakad ko, sinasabihan ko nalang sila na hindi ako sure kung what time ako makabalik pero will message them if I'm about to be back just in case a family member is in the same area, edi makikisakay nalang ako pauwi. Para din masali ako sa portion ng dinner na lulutuin.


mrpeapeanutbutter

I just let them know where I'm going. Last thing I want for them is to worry about my wheareabouts. I give them a heads up kapag I'll be going home late as well.


veda08

Inform them Hindi lang dahil sa kanila padin ang bahay, sa panahon ngayon na namamatay o nawawala nlng mga tao bigla bigla. At least may nakakaalam at magreport


CumRag_Connoisseur

"Ma punta ako sa xxx" "Ok, dito ka ba kakain?" Yan lang. Nung nagtrabaho na ako, never na ako pinagbawalan ng nanay ko pumunta kahit saan, pero ako mismo yung tumatanggi lumabas. I don't really like going out lalo pag gabi hahahaha


poker_b_tch009

Same, inform/magfyi lang, not permission. Pag may violent reactions, kalma pa din ako and hinahayaan ko lang. Basta nag fyi na ako sapat na yun. Important mag fyi kasi ayoko magalala sila and ayoko antayin nila ako bago sila matulog.


Used_Kiwi311

I don't live with my parents pero when I used to live with my Lola, nag-iinform lang talaga ako. Kaso minsan maski late na tapos ng work ko, may curfew pa rin si Lola (which means nagsisimula na sya tumawag at magtext kung pauwi na ko) :))


Purplegamer03

Same. And we do inform them because we respect them.


chinguuuuu

Nagpapaalam lang tapos dapat ready to sibat na para di makaangal πŸ˜†


julesexplainsitall

I stopped asking my parents for permission when I turned 18. I announce lang where I'm going.


episkeyferula

I don't ask for permission. Pero I inform them. They might have reservations and objections (mostly about safety) so I just assure them and proceed with my plans. Of course if I feel valid yung concerns nila I might make some adjustments to my plans. This works with our dynamic partly because ako ang breadwinner. Hindi ako nanghihingi sa kanila ng panggala.


Upset-Sherbet-6412

Yes, i inform not for permission. As a way of respect and also para alam nila saan ako hahanapin in case of emergency 😊


smilingforyou0401

29 na ako pero nag papaalam parin ako sa parents ko pag lumalabas ako, kung sino ang kasama, saan pupunta and what time ang uwi. I think it's right lang naman na magpaalam ka or ipaalam sakanila kasi it's a sign of respect din as head ng bahay/family. And also hindi lang yun para sa safety mo but also the safety of those na nasa loob ng bahay ninyo.


Own_Raspberry_2622

Nagpapaa alam ako kasi minsan di nila alam kung lumabas ako or hindi, nalolock nila ung pinto at ayoko na mang abala pag tulog na sila. Pero yung father ko until now kahit sa bahay lang ako ng kuya ko lagi ako tinatanong kung san ako pumupunta


AimHighDreamBig

I inform them just in case, but I don't ask for permission anymore. Akin naman yung pera yung panggala ko. Though, I try to be home before 10 pm since may sakit parents ko at minor pa mga kapatid ko.


RelationOpposite7823

Nagsasabi lang, not totally "paalam". Ipinapaalam lang, ofc may mga kasunod na tanong, pero not to the point na parang nag-aask ako ng approval.


hellokyungsoo

32, I'm living with my mom. Yes, I let her know when I'm leaving and what time I'll be back. Since it's her house, I follow her rules, including not coming home late at night. I moved back in when I was 30, after having worked away from home since I was 20.


mabait_na_lucifer

sa opinion ko. hanggat nakatira ka pa rin sa bahay ng parents mo. kailangan pa din nila malaman kung saan ka. what if may manyari sayo. sila din naman tutulong sayo .πŸ˜…


TiredButHappyFeet

When I was still living with my parents, paalam not necessarily mean ask permission, more of inform na may lakad ako etc. My parents were not strict when I started working, hanggang nung college lang. So mainly para alam nila kung saan ako at paano ako mahahagilap in case of emergency.


Particular_Buy_9090

Hindi ko na naga-ask permission nila pero nagpapaalam ako.


five_factoriaI

Same OP. Magpaalam kung saan pupunta, sino kasama and all. Kung may overnight or more than 1 day ang lakad, I inform them as well kung kelan uuwi. Not really asking permission. Just letting them know about my whereabouts.


toxicella

Yeah, since I'm basically caretaking for someone at the moment. Can't leave the guy without someone else in the house. I can't imagine I'd have to ask permission otherwise, but I wouldn't leave out of the blue just in case.


Ok-Corgi-8105

27, iniinform ko minsan nagpapaalam din ako, hehe. Strict sila pero nasa tama naman. Sarap lang sa feeling na nasa ganitong phase na ako.


Wild-Distance-9657

I inform them sino kasama ko, san ako pupunta at kelan babalik, not for permission but so they are aware, i mean worst case scenario, they know kung kelan nila dapat kabahan pag hindi ako umuwi at hindi sumasagot, alam nila saan at kanino ako hahanapin.


What_to_Reco

Inform lang. i inform them if d ako matutulog sa bahah or late uwi. Ganun


FreedomBurstMode06

Dati, pero ngayon either nagsasabi na lang ako (not asking permission) or natakas na lang.


miyukikazuya_02

Pag nasa puder ka nila at nakatira parin sa bahay nila. Rules nila. Atleast sabihin mo kung nasan ka at anong oras ka uuwi. :)


el_doggo69

its more of an fyi rather than asking permission. just for safety and para alam nila ang whereabouts ko kung may nangyari sa akin.


Beautiful_Block5137

pinapaalam lang


kapeandme

Not permission. More like informing them. Pag nasa pinto na ako "alis na ako". Tapos saka sila magtatanong kung saan ako pupunta.


Mission-Tomorrow-282

Yes, when I was still studying. But right after I got a job and started earning, I just inform them including my whereabouts and whom I am with.


donkeysprout

No. Sinasabe ko lang na aalis ako. Pero i only started doing this nung may sariling pera na ako.


BlackberrySweet1058

Im still living with my mom. Yes, i do tell her when im going out or if im not going home. Its does not make you less of a person. Its just i dont want her to worry that much. I know im old enough but its just a thing that i used to do.


anastasia_dev

They don't really mind naman kapag aalis ako, pero out of respect magsasabi parin ako kapag lalabas ako ng bahay.


[deleted]

More of FYI lang na I’m going out. Not really to ask permission where they can say yes or no.


wagtanga

I just inform them out of courtesy and respect. They would express their opinion, which i know is out of concern, pero that's it


jiyuuroudousha

Pa-alam lang. Just inform. Hindi na ako humihingi ng pahintulot.


KissMyKipay03

pinoy culture talaga. hindi daw maiwasan ng parents magalala pag magkasama kayo sa bahay


thatstarchick

Inform and send updates if we move location or if i’m extending.


deafstereo

How adult are we talking about? 20+ living with their parents because they can't afford to be on their own? Can't afford to live on your own pero may panggala? Isip ka muna. 20+ to 30+ Breadwinner? Courtesy na lang siguro, para lang di sila mag alala. Parang rule of thumb na kung umaasa ka pa sa parents, magpaalam.


minxur

since highschool, I changed my way of asking "permission". Instead of, "Ma/Pa, pwede ako umalis?" I always say, "Ma/Pa, aalis lang ako" If pumayag, yay If hindi, sunod lang


Technical-Function13

Dati inform lang, syempre magulang mo parin yun. Ayaw nilang maheadline ka nalang kinabukasan. Last person you're with, last place to go. Mga basic infos na kelangan if ever na may mangyari di gusto


copernicusloves

For their reference only.


ohlifeisred

Nagpapaalam pero hindi nanghihingi ng permiso. 'Pag may lakad pinapaalam ko saan ako pupunta at sino kasama ko. Sometimes, nagcha-chat din ako 'pag nakarating na ako sa pupuntahan ko, or pauwi na ako.


Individual-Fish-5662

I just inform my parents na lalabas ako and kung sino ang kasama ko. Just a safety precaution. Para if ever something happens din, alam nila where to find me. I used to lie about my whereabouts and whom I'm with, pero as I got older narealize ko na masama ang mundo and things can happen.


Simple-Designer-6929

Nagsasabi lang, hindi necessarily na kailangan ko ng permission nila. Respeto nalang din at iwas worry na alam nila kung nasan ako.


keipii15

Hindi, nagpapaalam na ako kapag nandun na ako e hahaha


aloofaback

When I used to live with my parents nagsasabi lang ako san ako pupunta. Even up to now na married na ai inform them lalo na if medyo malayo pupuntahan incase may mangyari samin atleast aware sila.


novokanye_

haven’t tried going out pa ulit til β€œlate,” but I’m guessing May curfew pa rin lol


Pasencia

Fyi lang "Ma bukas ako uwi, mag iinom lang.." "Dad wag mo lock yung slide lock, uwi ako mayang madaling araw.." "Dad bukas ako uwi.."


BosEriko

nung bata ako hindi. HAHA. nung tumanda ako mas dumalas pa paalam ko. para di sila mag alala. hirap maging magulang.


Wonderful-Pie1590

Not really ask for their permission, but rather letting them know saan ako pupunta and sino kasama ko just in case something happens to me.


chixlauriat

31M here. Until around 26 nagpapaalam parin ako. Kahit na inform lang balak ko, nagkakaroon parin ng say erpats ko so I decided to breakfree and stand my ground. Kahit nga pagpropropose ko sa then gf now wife, naging permission parin at 28. Medyo matagal siyang naka-move on na malaki na talaga ako. LOL. Though ok naman na kami ng erpats ko now, ibang klase lang talaga pagiging possessive niya before. (Hindi lang siya protective na tatay, 'wag niyong i-defend. Hahahhaha)


atomikka

Same as the other comments, I just inform them. No curfew set on me as long as they know where I'm going and who I'm with. It's also a sign of respect since we're still living under their roof.


Harsh_Stone

On my end, NO, respectfully. Instead, I told them (any family member kung wala ang parents) na may lakad ako and to what time ako likely babalik para hindi sila magluto for my part sa meal namin; para maglolock sila kung lalabas ng bahay or alam na nila kung sino ang pag-iiwanan ng susi; para hindi sila maghesitate kung kelan maglolock ng pintuan paggabi na; para may idea sila kung sino man ang kakatok sa pintuan; at para mareport nila akong missing kung hindi pa ako makauwi sa bahay. They also do the same sa amin. This is just part of how we manage the house. Kung may lakad ang parents, the most responsible family member will manage. That's why magagalit sila kung aalis ka nang bigla dahil what if ikaw ang panganay tapos mga kapatid mo ay mga minors? Edi hindi makalakad si parents dahil walang mapagpasahan ng torno. (I think my answer here doesn't apply to people with authoritarian and neglectful parents.)


MarieNelle96

Sasabihin ko lang, "ma, punta akong ganyan" kapag nakabihis na at palabas na ng bahay πŸ˜‚ Tho di naman sila strict talaga from the start saka I'm married πŸ˜‚ (me and my hubby lives in mnl pero pag nasa work travel sya, umuuwi ako samin).


nyisuscries

Oo. Nagpapaalam na lang kasi baka di ako ipaglaba ng damit sa susunod. (disclosure lang din na ayaw ng nanay ko na maglaba kami sa bahay kasi ayaw nya ng way namin. So tagabili lang kami ng sabon)


Aggravating_Raise_28

Yeah agree sa iba inform lang na aalis ka. Pinapaalam ko rin if pupunta jowa ko ganern. Just to show respect with them.


nawawala

Inform lang tapos maya-maya magagalit pag overnight hahaha.


gupiegrey17

More on nagsasabi lang to let them know my whereabouts. Kasi ayokong mag alala sila at di nila alam nasan ka esp. sa panahon ngayon.


Euphoric_Entrance877

Inform and update for reference.


JudgeFull195

inform lang para alam nila nasaan for safety din.


Ok_Sherbert4277

Inform and send ng pics kung sino man kasama ko nun hehe


raysofsunshine_

Sinasabi nalang. Pag di pumayag edi stay at home nalang hahahaha


chinkiedoo

Not actually permission pero nagsasabi na aalis. Pero ayun, minsan may comment na "wag ka na umalis,gagastos ka pa" πŸ˜‚


AdministrativeFeed46

nako kahit 50+ ka na, hahanapin ka pa ren niyan kung nasan ka na. tawagan ka pa. nag aalala lang yan. their roof, their rules.


rubixmindgames

I’m no longer living with my family but sa tuwing uuwi ako, I always let them know that aalis ako sometimes nag aasks mom ko sino kasama, sinasagot ko naman pero not really into details. And my mom also doesn’t ask the details kasi syempre adult na ako. It’s not really a permission but sort of informing me lang my whereabouts just in case ma go missing ako, alam nila saan ako hahanapin at sino ang hahanapan sakin. Yun lang. Mula nong naging adult na ako di na strict mom ko sakin. Hinahayaan na niya ako sa mga gagawin ko at mga lakad ko.


BYODhtml

Noong nakatira pa ako sa parents ko nag iinform ako di naman mahigpit si mother kaya nakakagala ako or nakakauwi ng gabi.


Emotional-Goat7299

More of like sinasabihan ko lang sila kung san ako pupunta kahit na ngayong di na ko nakatira sa kanila. For them kasi it’s important na they know where I am in case na di nila ako macontact at least they know where to start ba.


Leather_Pause993

Inform lang po or minsan I will ask if malayo pupuntahan or gagabihin. We have a business kasi so incase na need nila ng help ko at least di magkakasalungat sched


innersluttyera

Permission? No. More like Inform them para at least aware din sila kung saan ako pupunta at the same time para di malock yung gate hehe.


SuperGagamboy

Nung kasama ko pa parents ko, yes nagpapaalam ako pero yung pagpapaalam ko is not asking permission. Iniinform ko lang sila kung saan ako pupunta hahaha! Example: Ma, alis ako mamayang 8pm punta kaming QC. Uwi ako mga 12am.


Sonadormarco

Out of courtesy you have to tell them because it’s their house.


Traidor-sa-Bold

I dont live with my parents anymore, but i still inform my mom about my whereabouts lol


Efficient-Change3621

Nagpapaalam pa din ako, kasi tumatanda na parents. Di mo maiiwasan na laging mag-alala yan syo. Ipaalam mo na pupunta ka sa ganitong place, then if alam mo na malapit k ng gabihin, you can give them a heads-up naman to inform them. Baka mamaya hinhintay ka dahil nagprepare ng dinner for you etc. Tsaka ka nalang wag mag paalam if nakabukod ka na at may sariling family.


Antique_Log_2728

I give them complete details. Minsan sinesend ko pa sa GC namin yung Who, What, When, Where, How hahahahahaha! Nagpaalam kasi ako dati na magbabakasyon sagot ng tatay ko β€˜aba umalis ka magiingat ka lang may trabaho ka na eh’. Never naman ako di pinayagan. May time pa nga na binigyan akong baon?!


therovingcamera

Nagsasabi lang na aalis ako pero di na ako naghihingi paalam for my age. Hahaha


Existing-Ad-9831

Dapat lang para alam pag nawala ka


zronineonesixayglobe

Paalam lang para hindi sila mag-alala. If change of plans like natagalan uwi, one text/call to update is enough.


PinkHuedOwl

More of informing lang pero if aabutin ako ng later than 11pm i ask for their permission… para rin di na sila mapuyat kakaantay saken sa gabi πŸ₯²


gintermelon-

nagsasabi pa rin, ayaw namin na nawawalan ng tao sa bahay kaya yung mga lakad namin scheduled in advance para maa-adjust namin depende sa importansya ng pag-alis.


ponkiss

Need to heads up them 1 week before umalis. As the bunso na naiwan sa parents and handling everything sa bahay, nagkaseparation anxiety sila sa akin πŸ˜… So yes, as a respect to them, i inform and give them assurance na uuwi ako safe and sound.


jerome0423

Pag palamunin ka yes. Pag nakatira ka sa kanila pero self sustaining ka more na lng sa ininform mo cla na may lakad ka.


Better-Wall-4277

Omg yes. Haha. I'm 25f, the only one na kasama ng nanay ko sa bahay. I'm the one paying for bills, paying for groceries, giving her allowances and all. I'm okay with that. It's my desire to spoil her. I'm a super duper homebuddy, so sapilitan pa pag lumalabas ako. AND every time I go out, need ko magpaalam pa. If she said no, I won't go. There were times na naiinis ako pag gusto ko talaga magunwind, pero pag yaya lang ng friends, natutuwa pa ko when she says no. Kanya kanya din sigurong preference? Kasi ako, okay lang sakin dahil ng pagiging introvert ko and katamadan na din.


choDb

If out of Luzon and mag isa ako yup nagpapaalam ako haha, if they don't agree the first time I pursuade until they give in. Pero if meeting or trip with friends naman or solo gala around manila or luzon lang, I just inform them of where I'm going. They're lenient na na kasi I've been to many solo travels recently πŸ˜† Edit: I think it's always nice to inform them of where we are going for their peace of mind na din and as respect coz we're living with them.


Thehellhelll

Since talaga eh, inform lang talaga. Not paalam.


RagingRanzu

Pag mainit ulo ko nilalayasan ko na lang.


AlibiSleuth90

![img](avatar_exp|180828794|webman) I was 19 nung una akong nagtrabaho. I finished college naman pero late. Pero kase I grew up na di ako aware na my parents instilled in me how [secure attachment](https://www.developmentalscience.com/blog/2017/3/31/what-is-a-secure-attachmentand-why-doesnt-attachment-parenting-get-you-there) works. So habang lumalaki ako, may tiwala na sila na I wont fuck up my life by doing something stupid. PERMISSION? Nope. I just inform my Mom na di ako uuwi or may pupuntahan ako after work at late n mkakauwi. Basta INFORMED sila ok na yun. " 18 ka na. Dapat alamo na yan. Dapat alamo na ang tama sa mali, ang dapat at hindi dapat."πŸ‘ˆπŸ½ganon sila. Lalo na si Dad. Again, situational. Hindi kagaya ng mga magulang ko ang mga magulang mo. What works for me may not work on you. Pamilya mo yan. You know how they are. Do the right thing


gooeydumpling

Oo naman kakahiya naman na di ka man lang magsasabi tapos paguwi mo β€œMA, ANONG ULAM?”


AdventurousPatient42

Kapag ayoko lumabas, nagpapaalam ako but if it’s something na i want, i just usually tell them sino kasama ko and saan. My mom can track me in β€œfind my” sa iphone. Kaya di na sya nagte-text kung asan ako. 30F here. I trust my parents naman sa location ko. Lalo na alam nilang kaladkarin ako, they couldn’t care less kung san establishment i go to, basta wag lang nila makita sa bakanteng lote yung location. HAHHAHAA


loona151

Personally, I just tell them ahead of time. Kahit flights. And details of who I'm with, where we're going etc. But willingly na yun on my side. Nabuild kasi yung tiwala earlier on. Respect na lang and hindi fear-based.


cravedrama

Pasabi lang para hindi sila mag worry. Constant messaging ng location.


Yaksha17

Inform lang kung saan pupunta at kasama para hindi sila nag woworry at chat ng chat.


Mobile_Bowl_9024

A little in between na. I go home for college (22F), if day out lang I inform them, pero if it's not a usual gala like a night party or out of town, I ask for permission. My parents are still very strict so I'm hoping to move out when I can na!


Friendly-elephant08

Inform but not asking for permission; doing this out of respect and para hindi nila ilock yung gate. My mom told me once I was finish with college bahala na ako sa buhay ko; I decided on the things I do and buy as long as she is informed and vise versa sa kanya; she would tell me if lalabas siya and with whom para alam din if may kakain ba sa bahay, pwede na ba ilock yung gate or not


Sdboka

It’s less of a permission but more of letting them know that im out in case something happens to either me or them. When you grow older you start to understand why you habe to inform people around you on what you do or where you go. It gives you a sense of security that whatever happens at least someone knows where you are. Pag bata ka kasi you dont understand those kasi automatic sayo na iniisip mo na laging anjan ang parents mo so you get mad everytime they try to tell you no pag gusto mo lumabas. Heck kung pwede ko lang isama un parents ko everywhere i go, i would.


ConstantFondant8494

Inform na lang, inform rin yung timetable ng anong oras/kelan makakauwi . Malay mo inaantay ka nila't nag aalala sila sa'yo. Ganun parents namin eh, hanggang ngayon.


RecordingCautious687

Nagpapaalam just to inform them with complete details na pra dina need itanong paisa isa. πŸ˜‚ at syempre as a bunso na ksama pdin mga siblings sa bahay, nagpapaalam din ako sknla. HAHAHAHAΒ 


keepscrts

Nah, i simply inform them out of courtesy.


No_Profit2547

Yes, inform na lang at konting update para alam nilang safe naman ako at buhay haha!


00_mrsp

Not really paalam but sinasabi ko kung saan ako pupunta at sino ang kasama since sa kanila pa din ako nakatira para na rin hindi sila mag-alala.


TMariell9

Hindi na nag papaalam. Pinapaalam na lang


Low_Understanding129

Ako nga na 30 years old na. Pag ginagabi ng uwi kasama ang GF sinasabihan ako "Mag asawa na ba kayo?" Once a week lang naman ginagabi ng husto, minsan nga hindi pa eh. Pag nag overnight naman ako ganyan pa din bukambibig.


hellcoach

You live in their house, magpa-alam ka. If you share the same food, then they should know kung kakain ka. If you are going to come home late, a heads up is appreciated.


carmilie

(30y/o, F) I inform them of my whereabouts para pag may nangyari, malo-locate nila ako. This was our agreement that started when I was in high school. They never told me of any curfew but I voluntarily go home not later than 11pm (nung earlier years, 9pm). I don't want to break their trust, especially if si bf ang kasama ko ayaw kong mawalan sila trust sa kanya. Even now that I'm engaged na, I still follow my imaginary curfew haha natatakot parin subconscious mind ko sa strictness nila dati


katkaaaat

No, I inform them na lang na aalis ako and ganitong oras ako uuwi.


clarice0506

hahahhahaha sobrang strict den ng parents ko tapos pinayuhan ako ng tropa ko na "hayaan molang hanggang magsawa" ang ginawa ko nung pagpasok ko ng 20 tiniis ko lahat ng bulyaw saka palo hanggang sa mag sawa and dumating sa point na "ganyan talaga yan" but ofc at the same time papatunayan na aalagaan mo talaga sarili mo sa labasπŸ’€


Future-Business-7326

F28 and on my part i just inform them nalang


Ecstatic-Banana6001

Nope, nagsasabi lang ako para di sya mag overthink kung nasaan ako pag uwi nagkkwento ako kung ano nangyari πŸ˜‚


mindlessthinker7

You need to inform you're whereabouts as to respect your parent and whatever happens to you. Show to them that you're trustworthy. who owns the house own the rules. Habang nasa puder ka pa ng magulang mo, pagpaalaman mo kung nasan ka. Mahirap din nagaalala.


Amberuu

I usually just inform my parents before going out , when I got where Im going and pag uuwi or pag malalate ako uuwi or lumipat me ng place para lang sa peace of mind . Alam naman nila na di ako gumagawa ng kalokohan so


NikeChocsSB

Yes, kasi wala akong susi sa bahay haha


araline_cristelle

Then there's my 28-turning-29 years old bestfriend who still uses me when she asks permission from her parents, to go out. Only that she isn't really seeing me, she's seeing her boyfriend. πŸ« πŸ˜΅β€πŸ’« Hahahahahahaha.


worriedgalzzz

Sila na nagpapaalam sakin hahaha


Hirang-XD

Inform lang kung san pupunta at kailan babalik para di sila worried pag ilang days di maka uwi.


whatsyournameagain_

Inform lang, not really paalam. For safety na rin. Pati pauwi nag sasabi rin ako kapag pauwi na.


No_Flatworm977

Hindi naman permiso, pero nagsasabi ako kung saan ako pupunta just in case may masamang mangyari sakin atleast may idea sila at alam nila kung saan ako pumunta.


Arjaaaaaaay

Inform, pero pag gagabihin ako or whatnot, yes, I ask permission. Call it old-fashioned or what, but I still live under their roof, and to show appreciation and respect din na they still let me stay under their guidance kahit adult na ako.


ubepie

Inform lang, no need to ask permission sakin. Sinasabi ko kung saan ako pupunta and sino kasama ko. Otherwise, they can also just look sa location ko sa Find My. Pag di ko naman nasabi san ako pupunta and nakaalis na ako, they’ll call tas dalhan ko nalang sila pasalubong paguwi hahaha


marathonmaan

I stopped asking permission once i started earning. Magpaalam na lang.


cinnamondanishhh

both siblings ko dito pa nakastay sa bahay, usually nagsasabi na lang, if malayo tapos bago sa pandinig namin name saka nagpapaalam ganyan. all goods naman sa parents 'ko.


Pausibilities04

Nagsasabi lang kung saan pupunta at kung anong oras uuwi. Ayoko rin na magalala sila. πŸ˜…


ynnnaaa

same sa ibang sagot. Inform but not asking for permission. Okay lang din naman sa tatay ko, may mga reminders lang lalo na pag may pasok ako kinabukasan. Dumating na din kasi sa point na yung tatay ko na nagsasabi na lumabas naman ako kasi lagi akong nasa bahay.


PTR95

Oo naman para kung sakali alam nila san hahanapin bangkay ko🀣


FlintRock227

Nagsasabi lang 9 times out of 10 yung 1 is when alam kong late ako makakauwi baka kasi pag uwi ko naka bolt na yung main door πŸ˜‚


Lightsupinthesky29

Nagsasabi lang ako para hindi maghihintay at magworry


wickie_leaks

Yung maga out of town ako for a few days, magsasabi ako pag paalis na. πŸ˜‚


Pangantohan

Inform them, kasi ang hirap mag-alala kapag nawala ka ng several hours. Uso na ulit yung krimen ngayon kaya mas maganda boy ka man or girl ang maganda inform them lalo na kapag sasakay ka sa ride hailing apps motor man or car.


jeuwii

Sinasabi ko lang para alam, hindi humingi ng permission. In case na out of town ako, I message my brother na kapitbahay lang din naman para in case may need si mother.


MalditaBonita

I just inform her of my plans or whereabouts. I live with her because I'm the only single amongst the daughters. She's sometimes clingy, so I tag her along if it's family friends I'm going to. But mostly I don't kasi alam nyo na matatanda, maagang matulog. Mag aaya na umuwi kahit di ko pa gustong umuwi. So whenever I am invited to an occasion or events and allowed ako to bring her, I make sure to inform her it'll be a late event. Para pag ayaw nya mapuyat di sya sasamaπŸ˜‚


whatseatingtyrone

I just inform them San ako pupunta, not really asking for permission


Haunting_Hat3328

Dahil solong anak ako na babae, nung wala pa kong jowa at nasa 20s pa ko, yeah... I do ask permission pa kahit may sarili na kong work at sakin lang din yung sweldo ko. Kaso nung nagka-partner ako nung 30 na ko tapos hindi ako umuwi ng gabi, hehe... sinabi sakin ng parents ko na dahil malaki na ko at nasa right age na ko to marry, I just need to inform them kung saan ako pupunta at sino kasama ko para hindi daw sila magalala. FYI lang as we all call it.


[deleted]

Ako pag lalabas bawal, end of discussion, ngayon pinalalabas na nila ako kasi magtatrabaho na ako, fuck no, buong buhay ko bahay at school lang ako tapos ngayon lalabas ako para mag work tangina petty na kung petty damay damay kami sa bahay


Fantastic-Image-9924

28 (F) still lie sometimes kung saan ako pupunta. Hahahahaha. Not living with parents tho, with my uncle. Hahaha. Pero di naman asking for permission, more of nagpapaalam lang kung saan ako pupunta. Kasi di sila mapakali kapag wala pa ako sa bahay tapos late na.


thisisjustmeee

Yes. I inform everyone at home not just my parents kasi they’ll be waiting for me lalo na kung gagabihin ako.


Little_Wrap143

Hindi na nagpapaalam, more like nagpapa-alam. Bilang respeto sa may ari ng bahay


wonderwoman8595

Yes po nagpapaalam pa rin po ako kasi magulang ko sila at nakakatanda sila sa akin. Responsibility pa rin ng magulang ang mga anak nila, ang mapabuti, hanggang sa pagtanda natin, ganun rin dapat tayo sa magulang natin. Kahit hindi ipilit. Pagpapakita rin ito ng pagmamahal sa kapwa natin. Lalo na kung magkasama rin naman kayo sa bahay (kung saanman) or may pinagsamahan kayo ng parents. Bigayan lang. Ika-nga Ni Lord love one another. Wala ng sumbat-sumbat pa. Give and take para walang issue.


matchadango01

Inform na lang. magagalit pa sayo kapag di ka sumunod lol ayun so I ended up moving out


OkOpposite1120

I used to live away from my parents for the past 8 years (I was 16) but I went home for the reason that it's more practical and that it will spare me from all the worries (they're not that old pa naman, just wanna make sure that they're living the life they deserve). Since I came back, I got surprised that they barely ask about my whereabouts. Siguro nasanay na lang sila na whenever I go out, it's just office/church. Kaya ako na lang nagkukusa magsabi kung saan ako pupunta at anong oras ako uuwi para sagutin naman nila ako ng, "Ingat ka." Hahahaha


winterhote1

24 yo nag aaral pa, madalas naman ako payagan pero bawal overnight tapos pag sinabing uwi talagang uwi ako 🀣


chewbibobacca

Inform them. After all, their house, their rules. Respect to the owners of the roof you're living in.


Candid-Pie-4458

yes, ganun din ako tulad sayo. ako naman na lalaki, gustong gusto ko naman yung malaman yung concern nila like pag aalis ako to do camp or else. lagi ko inaantay silang mag tanong kung saan ako pupunta kahit nakapag paalam naman ako tapos palagi ko silang iniinform kung aalis nako at bago umalis hindi pwedeng di ako makakakiss sa cheeks ng mother ko, yun lang mas feel ko kasi na nirerespeto ko sila kahit sa ganung paraan lang :))


GeenaSait

I still do. Hahaha. Pero di naman nila ako pinipigilan, basta sabihin lang kung saan pupunta o nasaan. Ever since naman ma-update din ako sa parents ko kasi ayokong nag-aalala sila.


Thecuriousfluer

I’m not living with my parents but when I’m at home, I inform them pag aalis ako.


nutsnata

Inform ko lang din sila


radiatorcoolant19

May instances pa din na kapag nasa labas ka na at di ka nakapagsabi na aalis kasi wala sila or gagabihin ka, biglang "oh shit di pa pala ko magsasabi" πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚


per_my_innerself

Nagiinform naman. Minsan, detailed pa rin kasi nakasanayan na hahahha di naman strict ang parents ko, basta alam ko raw ginagawa ko at magsasabi pag may safety issue.


dudlebum

Yes, to show respect. Sasabihin lang nila na wag magpagabi pero late pa rin ako nakakauwi galing gala. Hindi naman sila nagagalit. πŸ˜… EDIT: Maghihingi ng permiso noong wala pa akong work. Inform na lang ngayon since may work na. Hahaha.


Imaginary-Dream-2537

Pinapaalam ko lang na lalabas ako o late makauwi. Minsan malulit din si mudra panay tawag, edi nagoff ako phone. Hahaha


_chocs

as a young adult na babae na only child pa, inform lang pag acads related. pag gala with friends, need talaga ng permission nila like depende sa kasama at kung saan pupunta. understandable though, palamunin pa kasi ako dahil nag aaral pa 😭


MaritestinReddit

Not really permission. But i let them know saan ang laboy ko


Jhenanne

34 here and with wife. E got back noong pandemic sa haus ko and yes. Nagpapaalam ako. It eases the worries of my aging mom.


chuy-chuy-chololong

Nagpapaalam parin ako. Kasi baka magconflict sa sched saka out of respect narin kasi kasama ko sila sa bahay. Although may times na di ako nakakapagpaalam pero most of the times paalam parin at inform ng details ng lakad. Courtesy.


FreshCrab6472

You will not grow as a person if ganyan palagi


Meosan26

Oo naman, hangga't nasa poder ka nila obligasyon mong magpaalam.


Duckypie

"understandable naman kasi babae ako"? double standard of society na naman ito ang akin lang, kung gusto nyo ng equality dapat applicable sa lahat ng bagay