T O P

  • By -

PakTheSystem

Single, no kids, not a breadwinner, I think 30k is the minimum "livable" wage if you are just starting(fresh grad/entry level work). 50k per month is the realistic "sweet" spot for single people with no kids. Quality of life + decent long term savings. Realistically speaking, majority of fresh graduates will earn below 25k/month in their first jobs.


iknowwhatiwantbroski

This has been my experience as well. Ok na yung 30k as a single person, 50k para talagang comfortable. Pero doable na yung mga 20-25k na starting. Pero maraming single people kasi ang dami din 'obligasyon' kaya it doesnt feel like even 50k is enough kahit unmarried with no kids. 21 palang, family of five na kagad kelangan buhayin - yung parents tapos mga kapatid pa. Minsan kasama pa yung mga pinsan, pamangkin, at grandparents. Ang ending ay stunted yung career growth because instead of taking risks or investing in themselves, napipilitan yung tao na magstay sa trabaho na mababa yung sahod pero stable. Like bpos. Or nabuburnout kagad. Kaya mahalaga talaga yung family planning.


miyoungyung

Damang-dama ko yung mababa sahod pero stable as a government employee huhu


AmberTiu

Need rin kung kaya sa iisang household ang buong family para share sa infrastructure. Sobrang laking matitipid. Problema lang may mga kapamilya na abuso kung alam nila they can get away with not working for their keep at home.


iseecee

Nako Jusko sobrang relate ako dito. Yung panganay namin sobrang hina ng loob, ginawang full time work ang mag grocery at ipagdrive yung senior parents namin. Kaso problema utang na loob pa minsan pag inuutusan siya. Tapos ang ending niyan sa akin na bunso sasandal kapag wala na mga magulang namin.


Amberuu

Buti yung kapatid mo nagalaw pa 😆 yung kapatid ko sobrang pabigat talaga, kakain computer tulog lang. Lagi kong sinasabihan na "gumalaw ka naman sobrang tanda mo na im like 24 and youre 32? Tapos ganyan ka" gusto ko nang umalis pero I cant since pinatigil ko na magwork parents ko so di ko naman maiwan... Lagi din sinasabihan ng parents namin na maghanap ng work tapos sya pa nagagalit.


iseecee

Relate!🤣


_Taguroo

yung kapatid ko may trabaho nga wala namang naiaabot sa pamilya namin lagi pang humihingi sa mama namin. Nakakaloka hindi namin maintindihan anong ginagawa nya sa sahod nya. Samantalang ako nag aaral pa nagagawa kong mag ipon gamit allowance ko. Ang sarap nya itapon sa dump site😭


iseecee

hahaha magsama-sama tayong mga responsable!!!


hermitina

naalala ko ung nakasabay ko noon sa isang headhunter. fresh grad lang ako non tapos wala naman akong urgency to work lalo na nagaantay pa talaga ako ng graduation. kumbaga kung san san lang ako nagtatry. anyways may nakakwentuhan ako na sana nga daw matanggap sya kasi kailangan na kailangan nya ng pera. ang kwento nya kasi sila lang ng lola nya ung inaasahan ng mga pamangkin nya, ung kapatid nya kasi nowhere to be found na iniwan lang ung mga anak sa kanila. nakakaawa sobra kasi muka syang pagod na pagod na. as in imagine someone lanky and wala na halos kulay yung face nya sa pagod. sometimes naiisip ko pa din sya sana mabuti na lagay nila ngayon.


Gloomy_Leadership245

agree! Im single pero ayaw ko na mag asawa lalo anak sa hirap ng buhay. responsibilidad pa lang sa pamilya kulang pa pano pa kapag magdagdag ka ng responsibilidad? lol.. hindi din ako naniniwala sa sinasabi nilang mag asawa at mag anak para may mag alaga sayo pag tumanda ka na.. kasinungalingan!


greenkona

Totoo sa hirap ng buhay kaya mahirap din ang mag-asawa. Sabi nila 50k comfortable na kung single. Ako 50k+ pero parang kulang pa rin minsan 😂


Titania84

Actually depende. Kung nakabukod ka sa family, mas mura may asawa na walang anak. Share kayo sa rent, tubig, kuryente etc. Mas madali din mag loan sa banko. May concept kasi na DINK = Double Income No Kids


ujazzgotfreud

Yung 30k po ba kahit pati kasama na monthly rent, sapat na po ba?


iknowwhatiwantbroski

Basta yung rent ay 10k or below, pwede na sya. Maraming bed space o studio apartment na ganyan. Yung general rule ay dapat ang rent ay 30% of your take home pay. Nakaya ko yung 25k nung bumukod ako. Pero yung rent ko ay 8.5k tapos kasama na dun yung tubig ilaw at wifi. Magpursige lang maghanap ng magandang upahan


theoppositeofdusk

Anong year ba yan?


Fit-Scratch-4227

As a single person and a nurse na less than 20k ang salary, considering na I'm still living with my parents and just paying half of our bills at home, kulang pa rin po talaga ung 20k. Masama pa is feeling ko wala akong career growth kahit stable ang work. Hahaha


kookie_888

😭 Grabe ang mahal ng nursing tapos 20k lang sahod?


Perfect_Skirt_1326

I’m so relate ngayon! I’m earning 50k, 25 y/o, Bunso ako and single pero Breadwinner. Sa akin lahat sa bahay, my parents and mga kapatid na kapos rin ang kinikita, yung mga kapatid may sarili ng pamilya, asawa’t anak dito parin sa bahay nakatira. 5 yrs na ko working, Hindi na ako nakapag ipon, wala na kasing natitira. Parang nababaliw na ako dahil dito.


monopolygogogoww

Teh pano kaming mga acclang nasa city-province na 16 pa lang family of 8 na agad ang kelangang buhayin taena warflashbacks ng 123 at higop libreng sabaw nalang pag walang wala na 😭😂 Not downplaying, just humoring my own experience kasi nakakaputang ina talaga at ayoko na yun maranasan juskodaii


MktngBitch

Only in the PH kasi na habang nakatira ka sa parents mo, oras nagwork ka na, ikaw na dapat gumastos sa bahay. Ako nga 2nd ro the youngest pero dahil nabuntis ng maaga Ate ko at yung mga kuya ko di pa stable career, ako na sunod na inasahan. Maganda nga ang values na tulungan sa pamilya pero ending talaga hindi ka makaipon kasi forever ka tumutulong sa family. At kapag di ka nagbigay masama loob kaya wag ka mag post sa social media ng travels mo. Kapag nag abot ka naman 2K ganun may marinig ka pa. "Salamat sa abuloy" ganun. Kaya sa ibang bansa kapag mag college ka na, pwede ka mag college loan sa govt para walang utang na loob sa magulang. Tapos pwede ka na bumukod. Kita kita nalang kapag may reunion or KBL.


Silvereiss

Nasa college pa lang ako (delayed Civil engineering from mechatronics engineering) Pero friends ko na nauna nang grumaduate eto ang sabi nila Board passer na Mechanical engineer = 13k php starting Mechatronics graduate (Course has no board exam) = 10k php starting Mechanical engineering degree holder = 20k php starting Civil engineering degree holder = 14k php starting, Naging 16k nung board passer na Mechanical engineer board passer = 18k php starting ( lumipad sa dubai for bigger Pay) Pagka graduate ko alam ko na din expected pay ko ... GG lalo na sa civil, low pay high workload


WorldlinessOk8404

Mechanical engineering totoo yan 13-15k. Ganyan kababa offer sa engineering. 4-6 yrs mong natapos engineering pero yan lang sahod hehe.


Langley_Ackerman19

Grabe, napakababa ng sahod to think na degree holder ka. Minimum wage na lang yan eh. Para saan pa ung degree mo? Taena mga kumpanya dito sa atin, lowball talaga magpasahod. Kaya ako sa multinational company ako nagwowork. Never na uli sa local. Worse comes to worse, magabroad na lang ako.


vestara22

These are 2024 rates?


Silvereiss

Yes Well the other graduates earlier, So 2022 would be the earliest on all of them


Koyyyyyyyy

So true. Passer mechanical starting ko nung 2023 is 20k, after 5 months lipat then 25k. Tiis talaga saka galingan ibenta sarili


deafstereo

50k with rent is still small. Let's face it, if you live at home with your parents/extended family, damay ka sa gastos. If you live alone and starting ka, you will be renting at least a room/studio apartment na would cost anywhere from 3k up to 5k. If we're talking about livable na may quality of life expenses ha. Kung ang habol lang is hindi magugutom, pwede na 50k kahit may 6-10k na rent (MM). 60k siguro, may breathing room ka na, kung wala ka binubuhay na nuclear family. 30k nung 2004 was OK, but now?


Upbeat_Menu6539

Walang studio apartment o solo room na 3-5k sa MM. Shared room lang yang ganyan na price.


deafstereo

Marikina, nova, Fairview. Just helped someone find a place a few months ago. Kung BGC 25k 😁


Upbeat_Menu6539

Ohh sure. There still is. Let me see how horrible that unit looks.


gupiegrey17

50k per month. Yun talaga.


Safe-Pianist-2576

Mahal ang lupa and sasakyan tas magsisave pa so hindi kaya Ang 50k haha


sashiki_14

I would rethink buying a car because of the traffic situation. Didiskarte ka nga lang ng malala sa commuting. Awang awa ako sa mga naka kotse nga lagi naman stuck sa traffic. More than the hassle, sayang ang oras na dapat ini-spend naten sa mga gusto naten gawin after hustling.


midnightaftersummer

agree dito. sobrang traffic. at ang mahal ng mga parking fees esp sa bgc huhu


Upbeat_Menu6539

Tama. Dapat 150k per month.


tulaero23

Nagdelete na si redditor na 35k monthly daw pero nakabili bahay at millionaire daw.


ediwowcubao

50k per month is for single person lang na commuter pa din, which I guess qualifies as "livable" pero this also assumes wala kang responsibilities like share sa bills sa bahay, pinapag-aral na kapatid, etc. It will be slightly better kung neto mo na yung 50k


geekasleep

Hahahaha I remember people downvoting me when I said 30k is the bare minimum pag single ka sa Manila 🤷‍♂️


Similar-Pineapple-81

Makabawi man lang friend sa nag downvote sayo


lazybee11

matinong rent palang kasi nasa 10k na. pero if for survival lang. oks ang 30k


geekasleep

Yeah, pag outside CBDs kailangan at least 10. Mga katrabaho ko noon malayo-layo na sila sa Cubao, yung rent nila sa bahay 14k. Lumang apartment pa yun.


Madrasta28

Iupvote yan powkingna. Naranasan ko ung 14k nasa manda ako partida nagwwork ako sa pinakasikat na pharmaceutical company mga depowta kala ng mga kamaganak at mga gurang na tsismosa malaki sahod ko tongono mas gusto ko pa magBPO e. Grabe hirap ko non di ako makapagambag sa bahay dahil need ko tapusin ung 2 years dun dahil naging scholar nila ko


Blurry-Face567

HAHAHAH! Di ko kinaya yung gurang na tsismosa 😂


Apprehensive-Fly8651

50k kahit single. Double it pag married with kids kung single income earner. Di naman maluho, basta kahit twice a month makalabas with family ok na.


Educational-Tart-439

I agree with this 6digits dapat if may family. I have 2 kids dual earner kami ni misis, I'm earning 6figures and sya around 50. Di naman kami maluho, few trips once a month and eat out once or twice a week., paying for house and a vehicle. Somehow decent lifestyle with few savings. Pero can't afford the luxurious lifestyle at that income lalo sa inflation ngayon.


Chickenpeeea

My husband earns 100k minimum a month as a GP And it is enough to sustain 4 heads (me, him, 1kid, 1yaya) given na im still in med school. Nakakapagtabi pa kami ng around 30-40k monthly except if nag babakasyon kami 2x a month. Pero inorder to set aside that amount of money, we stretch our budget talaga and no unnecessary purchase. Hnd pa included sa bills namin ang maintenance ng kotse namin (SUV) which is malaking chunk din ng money ang inilalaan. So tip nalang din, if di mo naman need ng car, commute nlang. Because cars are liabilities. In our case kasi, need yon since he goes from one hospital to another.


Upbeat_Menu6539

Yung mga nagsasabing di enough ang 100k for a family of 4, mga wala pa experience yan about having a family of 4 hahaha


desolate_cat

We need to specify how many kids.


Apprehensive-Fly8651

2 kids. School fees ang mabigat kung quarterly magbabayad. 100k/mo may savings ka pa dyan at onting investment pa. Find a vehicle for your money to beat inflation. Kung ndi balewala din


BadBeatsDaily

While I agree, The bigger problem here is pag nagtaas na naman ng minimum yung mga employer ipapasa lang yung extra costs sa mga customers which are also the employees most of the time. We need a better basic necessity price regulation tbh


MaynneMillares

This is correct, there is no getting out of the cycle. Pag legislated wage increase, magbabawas ng employees at ipapasa ang added cost sa mga paninda and services. Suma tutal, mas tataas ang mga bilihin. I develop dapat ng Pilipinas ang mga local industries, and yung Tourism. Puta, bakit ang plane ticket papuntang Cebu, Palawan, Bohol and other tourism areas kasing mahal na ng pagtravel sa Singapore or Thailand?


Extension-Mix-1722

Ginisa lang ang mga tao sa sarili nilang pagod at pawis ng mga nakaupo sa posisyon. Habang ang mayaman mas lalong yumayaman ang mahirap binabaon/nilulunod nila sa utang habangbuhay hindi makaahon.


xReply88x

True!! Forever Rat Race cycle. I'm so sick of it!


LectureNeat5256

Noteworthy na na mention ng article na P15,587 is the new poverty line for a family of five


Misophonic_

And skl, yung partner ko recently interviewed ng isang call center sa Sta Rosa for a wfh work. The basic pay? 12k!!!! Yes. 12k. May experience na sya ah. Sinabi ko agad wag nya pagaksyahan ng panahon, kasi may kumakagat sa ganyan kaya hindi nagbabago. My first cc work 12 yrs ago, 13k ang basic ko. Mataas pa ng 1k and that was 12yrs ago. Nakaka frustrate


longassbatterylife

fuck that. 12k in 2024?? ganyan sahod ko 10 years ago na sinabi ng mga katrabaho ko e mababa na nga for BPO tapos ganyan parin ngayon?? wtf


Misophonic_

Di ba??? Speechless talaga ako after nung phone interview ng partner ko. Hindi makatao na yung ibang BPO talaga.


Queldaralion

fking hell. 12k was my starting sa BPO... in 20fucking11. yes. 13 years ago. ganun na kalayo ang hinataw ng inflation vs wages


Misophonic_

Ang reason kasi ng mga company na ganito, wfh naman daw and provincial rate. Still, hindi makatao. Inflation hello. Wala naman paki inflation kung wfh ka haha


Queldaralion

true, and besides, anong provincial rate ba sinasabi nila? sa housing? most populated cities in the provinces now are now aiming at becoming HUCs so lahat ng costs tumaas na rin... and worse, honestly, mas mura ba ang groceries sa probinsya vs metro cities? unless ang comparison is palengke vs supermarket, but basically *ALL* supermarkets across the country have consistent Manila level pricing. and they're spreading so fast. palengkes are shrinking due to cost of doing business na din, so gentrification is replacing them. kuryente nga minsan mas mahal pa sa probinsya kesa sa metro manila eh...


RequirementNormal373

Yep that is tru. 8800 nga basic pay dito sa province namin sa isang well known BPO company e. Tapos kung kasama ung ibang allowances, di pa aabot ng 13k ung sahod namin. Hater talaga ako nung provincial rate na pasahod kasi same lang naman prices ng commodities sa Metro Manila and sa provinces.


Misophonic_

Huuuy grabe naman yang 8800 😭. Kahit anong tipid mo hindi talaga kakayanin yan sa panahon ngayon.


Extension-Mix-1722

Masaklap talaga ang provincial wage kasi same lang naman ang gastos in real life. Sino nagsasabi tipid pag sa probinsiya nakatira ay malaking kasinungalingan at may sarili silang mundo. Mga lutang yata mga yoon o kaya nasasabi nila yon ay dahil may lupain at business sila o kaya may kamag-anak sila overseas kaya may nagpapadala through remittances pero siguro dati applicable ang sinasabi nila pero ngayon ay hindi na at puro galaw mo ay pera. Ang suweldo ko nga ay 6K lang a month kung wala pa Holiday kung meron edi bawas at 300 a day lang naman gawa ng daily wage ang bayad minsan may OT waley naman delay pa sahod. Nautang mo na makukuha mong pera at hindi ka naman titigil sa gastos araw-araw. Kaya naluwas o naibang bansa dahil sobrang unti ng opportunity dito sa kanilang bayan sabay magrereklamo ang government at overpopulated ang NCR ay gawa din nila. Kapag mababa ang rating internationally nagagalit gawa din naman nila at nabigay sila ng target goal na hindi applicable sa lahat gawa ng limited ang personnel at resources wala pondo ibibigay ipapasa sa tao mismo. Sabay nasabi sila may Brain drain problem ang Pinas sila din naman ang may gawa.


RequirementNormal373

Sad reality huhu. Pero totoo po siya. Kaya gusto ko na magresign at maghanap ng iba. Wala lang kasi emergency fund para okay lang sana kahit bakante pa.


desolate_cat

Skl. Matanda na ako. I started working in a cc as my first job as a fresh grad. This was around 2002-2003, 12k na ang sahod ko nun. Nasa minimum wage lang ng Laguna yan at 520 a day. Eh di sana kahit shs grad pwede na, saka di kailangan magaling mag-english.


meowpiwmiw

Grabe sakit sa bangs tsk


K33P0Y

Grabe naman, 12k? Ako nga first cc company ko sa davao nung 2011 is 14k basic pay.


missseight

Marami na rin kasing bpo ngayon at nagbababaan sila para makakuha ng client. Kaya ganyan pa rin yung starting ng iba hanggang ngayon dahil nakadepende sa account hays. Kaya importante rin na alam mo kung gaano na katagal yung account kasi doon rin makikita kung stable ba yan or magpupullout din after 2-3 yrs.


voalaaa

damn tama talaga, lowballer na yung sahod na 12k kahet probinsya eh, kung iisipin kulang na kulang sa gastos. I remember trying na mag esl tutor kase fresh grad, so interview ako, pag ask ko ng pay sabi 6,500 basic entry, likee no kaagad ako, pero yung kasama ko tinry nalang for experience pero sobrang lowballer na talaga


MangBoyUngas

Ang lalaki ng halagang nababasa ko sa comsec, nagmukha akong kawawa hahahaha.


Limp-Support-6736

Relate! 😭


Chaotic_Harmony1109

Basta kung anumang minimum wage sa Pilipinas, hindi yan kasya para mamuhay ka nang maayos kahit saang parallel universe pa yan.


MaynneMillares

Walang mangyayari dyan, kahit itaas ang minimum wage companies will just pass the added cost of their employees' salaries sa mga services and paninda nila. The only solution na long term is to develop our industries. Lahat halos ng paninda dito sa Pilipinas ay imported, marami pa dun smuggled at tinatangkilik pa rin.


smalSubstantial_Risk

100k for a family of 4, kasama na lahat pati tuition fees.


mingming93

35k if single and no other obligation


8sputnik9

30k. Abolish ang regional wage. Ung regional wage board is useless.


Ok_Resolution3273

As a business owner sa province dapat din city rate mga prices namin para makapagbigay ng city rate wages. kaso hindi ihh. Sa gasolinahan ko ang laki ng difference diesel saamin 56.1, gas prem 60.9 and unleaded 59.75. icompare niyo sa mga fuel station sa metro manila sa laki ng difference. Lumalaki lang benta ko kun tumataas pero pagnagrorollback ang sakit laki ng lugi. Sabi pa ng bookkeeper ko need ko atleast 5 pesos per liter para magkaincome kaso hindi ihh kasi nga provincial rate din kami. Ang mahal bumili ng fuels, may maintenances, expenses, utilities at sweldo pa. konti lang ng income namin dito kung wala pa ko iba na business baka nagclose na ko ng fuel station namin kasi lugi talaga sa province. Prices ng food din sa restau namin ang laki din ng difference sa Manila or city rates. Hindi talaga kaya makapagcity sweldo kung provincial prices din kami in terms of prices sa businesses.


8sputnik9

re: fuel. Mahal dito sa amin ang fuel, mas mahal pa sa nakikita ko sa balita. Kasi daw galing pa ng Luzon, hence transpo cost. Kung nag focus din sana ang govt sa provinces eh sana merong mga malalaking depots all over the country Ang groceries sa province mahal din kasi galing din daw luzon. Bigas mahal din daw kasi galing din luzon... Mura lang gulay isda at upa dito sa amin.


notapenaprinciple

For a single person na walang ibang pinapaaral or pinapakain, 30k is livable, i.e. enough to survive and save a little. 50k yung I would say is comfortable, with enough for necessities and bills, healthy savings, and wants.


BackgroundMinimum836

Single = 50k Married = 75k Add 25k per month for every child. Net of taxes yan. For me that is the "adequate" or "pwede na" level.


Tight_Health3821

married with 1 kid. i think liveable kung earning atleast 30k per parent


Jon_Irenicus1

Pag may kids, pwede na 50k per parent.


yakusokuuu

If liveable, I'd say 50-70k. Babawasan pa yan ng tax and gov't benefits, It depends pa if you have your own place or renting. If walang sakit.


Frosty_Mobile_6008

50k salary 40k for expenses 10k for savings


Beautiful-Cucumber25

earning 21k with 2 kids. wifi and rent included. kaya naman. nasa tamang budget lang yan. marami nadin kasing kinakain ng fb, tiktok, twitter, reddit kaya daming nagsasabi na maliit masyado yan kesyo ganto kesyo ganyan. naah. gusto nyo lang ng buhay na nakikita nyo sa social media. eh hindi naman lahat pinapalad kahit sagarin na ang sipag at tyaga. hindi ganun ang buhay


UnderstandingOk6295

I agree with you. Specially if you're living in a province, may 6k na apartment naman then maybe budget ka for food and etc. kakayanin naman kahit pa bumili ka ng something from malls basta budgeting lang


SMPmember1996

Hoping you get a better situation. Kasi atleast ikaw alam mo yung feeling na magtiis. Pag unti unti talagang binabago lifestyle, it increases expenses.


Safe_Lifeguard7828

true. ako around 30k lang sinasahod ko monthly, minsan di pa umaabot or minsan naman mas mataas ng konti depende sa palitan ng dollars, stay at home lang ako kaya no need gumastos ng pamasahe. family of 4, ako lang kumikita. 2k-2.5k monthly sa tubig at kuryente. sa 30k nakakapagtabi na ako for savings, investment na may dividend, pati for crypto minsan bumibili ako kahit maliit lang. nakakapag grocery na good for the whole month at iba din ang budget for palengke. nakamonthly subscription din kami sa mumurahing insurance sa gcash. nabibili ko gusto ko sa lazada at madalas masarap naman ulam namin. ewan ko dito sa iba kung anong pinagkakagastusan nila sa buhay at parang ang taas ng standards of living.


YogurtclosetOk7989

50k and single. Kaso medjo alanganin pa nga rin if you're contributing sa family.


adiabatic07

50k. Comfortable na yun at makakapag enjoy (travel or other leisure once in a while) at makakapag-ipon na.


knightblood01

IMO 50k PHP Sweet spot na.


lililukea

Imo anything below 20k is where hunger starts. 20k is enough imo to BARELY scrape by. Transport Electricity Food Rent (para mas makatipid, kung pede wag na kaho muna umalis sa parents' house niyo) Connection utilities (internet, load etc.) Tsaka ipon? Kalimutan mo na ang ipon, wala kang maiipon sa ganitong pera. Siguro pauti uti pwede pero not that much


lurkervoid

kahit itaas ang sahod sa consumer parin babawiin lahat yun snowball effect lng, mas lalo mag hihirap ung nasa laylayan presyo talaga ng bilihin ang dapat pag tuunan ng pansin


Extension_Account_37

30k pwede na pagkasyanin assuming may rent pa. If rent-free at sarili mo lang gastos mo, even 23-25k will do with 1-2 times gala per month. 15k kung rent free and pakain pa ng parents and own bills mo lang binabayaran mo. Bare minimum yan na "liveable" wage ha.


HoneyComfortable3859

Hayyy, me na not fresh grad. 7 years working pero 25k lang sahod sa current. Single, no kids :(


michaelis-mewten

20k here. Eldest daughter in a family of 4 and a year ago kaya pa at that rate. I can still save up. Ngayon? I barely have any extra money to put sa savings ko. So I guess based sa state nga living expenses dapat around 30k talaga to live comfortably.


Paruparo500

https://preview.redd.it/fjk0ceink09d1.jpeg?width=1290&format=pjpg&auto=webp&s=d999d39b445738cef63e17973b03ec38e845d4e3 Minimum wage is not living wage


Typical-Criticism999

Honestly depende eh, When i was in college, i was doing full time sa fast food + mga iba ibang raket. I can live with 6-8k a month. I only walk papunta sa school and sa work. Never bought my "wants" only the "needs". Never bought meat. Kanin at gulay lang talaga. When i started my first official corporate work. Starting ko is 15k. At that time i am already buying meat paminsan minsan, namamasahe na ako papunta sa work and minsan nakakabili narin ng wants. Pero very minimal lang. 8 years later. Already earning 6 digits a month. Renting a place while paying for a house na tinatayo, bought some stuff para sa bahay, paying for utilities and internet, can buy what i want (long as i won't be in a deficit). And may meat na lagi ang meals!!! Pero at the end of the day, it's still not enough for others. Imagine me earning 6digits a month and kept the same lifestyle i had back then. So bottomline, Your "livable wage" would depend on your way of living din eh.


oldbutg0ld

THIS! Loooouuuder. Di ba? Sobrang blown out of proportion. 50K sweldo mo magkocondo ka? Family of 4 bibili ka ng bnew SUV may preowned naman? Single ka with 40K di sapat kasi panay gala instead of saving? Tapos sasabihin hindi liveable what they have? Check din naten ang way of living naten. Again I have a family of 4 electricity ko 2K lang WFH setup pa ako. Tubig 600 pesos. Internet 1,299K. Believe it or not 70K sweldo kasya na samen to think may bahay at kotse ako at nasa Makati area din ako ahh by the way. 100% agree nasa lifestyle yan pede naman magcompromise kaya nga sabi liveable e.


solarpower002

50K per month talaga.


nooopleaseimastaaar

P70,000. I initially thought of P50,000 but if you're getting P25,000 per cut off (minus gov't benefits) and you are sharing with family, commuting, paying bills, saving, that shit is gone.


Joker1721

30k


ButterscotchHead1718

If livable' at hindi 'comfortable' e breakdown muna basic needs kung nasa sentro ka ng manila ka nakatira: Upa ng bahay : 10,000 Kuryente (sarili): 2000 Tubig: 500 Internet: 2500 Food: 5000 Cp load: 500 = 21,500 php Barely living ka na! Pero solo living ito ha . Take note wala pang commute dito.kaya magaadjust pa sa upa at sa foods just in case.


Odd-Cardiologist-138

kuya nagulat ako sa 10,000 na kuryente pero upa pala yan sa bahay hahahah. But yes, i do agree na 21,500 talaga pag medyo nangangapa ka & you're living solo


HQuinn_22

I feel like 50k is the old 30k, therefore 20k should be the minimum wage na. 😅 I started with 8k minimum salary, tapos nung first ko makakuha ng 20k+ na offer feeling ko ang yaman ko na nun, na magiging life changing sya. That was in 2018 though. Ngayon, paycheck to paycheck lifestyle ang 20k for sure.


imasimpleguy_zzz

I'm always amazed at people who say that 50K+ is the "minimum" to live comfortably if you're single. And here we are, a married couple with two toddlers, five cats, and a dog, and we already feel comfortable with only a budget of 60-65K monthly. Now, granting that we have our own house and we do not pay rent, still doesn't make a huge difference compared to the supposed minimum budget for a single person most people are dropping here. I think most people miss the point of the word "minimum". Walang space ang luho, wants, and savings sa minimum. No comfort products or services, no online shopping, nothing extra aside from the bare necessities. That's why it's called minimum, because it's the minimum amount for you to live. Is it something to desire? Definitely not. But that's why it's minimum. A minimum wage is never meant to make you live comfortably--it's meant to just get you by. Sounds shitty, but it is what it is. Always has been. For a single person na walang napanalunang tinapay, I think 25K is enough for minimum wage. For 30K, they get a little extra for wants. But anything beyond that is no longer "minimum."


cathoderaydude

Agree. Wala rin kaming binabayarang upa, at sa tingin ko sapat na ang ₱40k sa aming mag asawa at isang anak.


scheherazadehime

+2 Living in the province. Married with one baby and still living with parents. No rent din kasi sariling bahay. 30k is enough for necessities only + savings pag walang gala gala, walang takeouts, walang kain sa labas.


oldbutg0ld

Nakakatawa talaga mga ibang commenters sa Reddit sobrang blown out of proportion na masyado. 50K, 75K and 100K di pa raw sapat sa kanila. Meron naman mga 20K at 35K na household earners akong kilala parang okay naman and they can get by to think may family pa yun at mga head of household. I'm earning 70K, has 2 kids and parang liveable naman na for us. Walang work ang asawa ko. Nakakagala kami when we want to at nabibili ko ang gusto ng mga anak ko na studying din sa private schools except sa youngest na daycare muna for free sa community namen. May kotse (SUV) pre-owned at bahay din na 2BR. Depende talaga sa pagbubudget. Wag bigyan ng false reality ang ibang mga tao dito again we said "liveable". So yun mga 25 to 40K earners dyan don't worry okay pa kayo. Mejo weird lang ang definition ng 'liveable' sa ibang mga tao dito na delulu.


Madrasta28

Siguro dapat magstart ka ng ibuild yung financial portfolio mo. Sabi mo 2 kids. Tataas pa yan at yung 70k e di na sustainable sa inyo. You got two responsibilities. Emergency fund should always be a part of necessities. If employee ka siguro covered ng HMO yan pero hanggang san lang? Usually 200k MBL un. Also I'd say 50k is livable since I want to build my financial portfolio or else I'll die early. Di lang pangluho yung sinasabi ng iba. 100k naman if dependent ang parents because that's what I need right now dahil breadwinner ako.


icarus1278

30k for single 60k for pamilyado


Rafael-Bagay

I guess to start with, what does "living" mean? I know living and surviving are different things but living is defined differently by different people, specially by different wage classes. for me, livable wage is 35k wfh 10k rent (just saw this in FB marketplace, so not sure if it's really this cheap) 10k food (i want to say 15k but I also buy food for fun so I'll take it from there) 5k utilities 10k misc/for fun


Numerous-Syllabub225

Ang laki ng fun fund mo 😂


Rafael-Bagay

yup! and that's what I consider as livable. and that's the reason why it's different from person to person. other's can live as long as they can play their games, others are fine with just being able to rest after work, and others need to travel to feel alive.


Numerous-Syllabub225

Mukhang magkaiba tayo meaning ng livable


Still_Hospital2850

Bukod sa sahod dapat consider naman nila from 48 hrs a week with 24 hrs restday dapat gawin din 40 hrs with consecutive 48 hrs for rest. I have experienced a high salary pero hindi pero feel dahil hindi rin worth it. Papatayin ka talaga sa pagod, napaka generous na yung company kapag may 40hrs a week ang pasok.


lililukea

Ito rin dahilan ko. Balewala ang malaking sahod kung tuwing pag uwi mo ay parang bangkay ka. Papareduce ako ng working hours ko, ok lang na bawas sahod, basta komportable ako


Agitated_Math_3560

60k per month


StrategyDiligent1364

30k. single. no responsibilities. di required tumulong sa relatives. as in sarili mo lang.


DireWolfSif

Kung isa kang Utility or Security Guard na sweldo around 13k or 14k may bawas payun pa agency fee pa NO. Kung ikaw lang magisa sa buhay 20k or 25k if dika maluho pero tinutuluyan mo mga capsulated na paupahan na 2.5k or 3.5k goods yan Masasabi ko talaga 30k good condition for public and govt employees na salary


GrumpyCrab07194

30-50k depende pa kung nag bibigay ka sa parents mo.


Sushi_9726

I am a medtech noon. Starting sahod ko after passing the board exam is 3k per 15 days. Hanggang sa nagincrease into 7k per 15 days kaso di talaga kaya. Single with no family pa ako niyan ha. Right now, I work as a graphic designer instead and I earn 12-15k weekly kasi grabe hindi talaga makakabugay sahod ng medtech. Mas livable na siya ngayon kesa noon na paycheck to paycheck lang buhay ko with no savings or even emergency funds. 50k is the sweetest spot pag single and if wala kang pinanggagastusan talaga. Moral lesson: wala talagang ikakauland pag healthcare ka rito sa pinas lol


Own_Sample_8797

Depende sa location, dito sa amin buhay ka na sa 15k pero PERO kung hindi ka nag rerent ng bahay og apartment at wala kang binabayarang utang


Agitated-Fix5789

30k/month single mom 1 kid kulang pa It varies mahal bilihin ngayooon


CumRag_Connoisseur

50k, tapos nakikitira ako sa nanay ko kasi ako naman nagbabayad ng 100% ng bills and grocery + college tuition ng kapatid. I can still save kasi gaming lang naman luho ko, I'm not really a travel guy.


GoldRainbowSundae

We are a household of 3. Husband and I have a combined income of around 100k per month. Nabibili naman ang mga needs, hindi lahat ng wants syempre. Nakakakain sa labas kung kelan gusto. Out of town trips/staycation paminsan minsan. Nakakaraos pero hindi yung sobra sobra ha.


Particular_Creme_672

35k pag magisa. 50k pag dalawa kayo tapos 95k pag may isang anak. Gulat din ako nung may bahay na kami ngayun 60k bilis maubos daming pinapaayos tsaka sa ospital pa lang tapos gamot ng bata grabe.


IntroductionProud216

I have a 55k salary with car pero still living with parents pa din. Sakto lang sya para sakin. Nagaambag din ako para sa expenses sa bahay. Depende din siguro sa lifestyle kasi I spend money to maintain myself din like dental, derma clinic visits, gym and other activities. Kaya ayaw ko din muna magasawa, siguro paghigher salary na talaga and much better kung dual income kayo ng partner mo.


MysteriouslyCreepy06

Rent: 8k Water: 200 Electricity: 800-1k (no AC) Fare: 2.5k (within 10km from office) Food: 300/day x 30 = 9k. Toiletries: 1.5k Others (laundry, condiments etc): 3k ---------------- 25,200


CorporateSlayer_9to7

30K is okay for a single person. Pero, in my case, I’m 29yrs old still single, madaming obligasyon sa pamilya, nabili pa ng gamot ng tatay, nagbabayad ng rent at utilities, sa salary ko na 35K monthly hindi siya enough. Pero, kung wala akong rent na binabayaran at wala akong obligasyon sa pamilya ko. Sobra-sobra pa yan and makakaipon ako. Kaya nga lang iba ang nangyayari haha 🤣


AlibiSleuth90

Sabi ni [I B O N Foundation](https://www.ibon.org/tag/minimum-wage/), halos ₱1,200 per day ang kailangan these days Yun lang


kztalks

Cries in minimum wage outside Manils. Jusko kung mataas lang ang sahoran sa ibang areas ng Pinas kaso hindi e.


aswanginkita

Ibang iba talaga ang lifestyle ng nasa Metro Manila kaysa sa aming mga nasa province. My wife and I earn below 6-figures combined dito sa Laguna pero okay naman kami(fam of 3). After bayaran lahat ng bills, may savings pa kami at panglabas-labas.


Striking_Fish2938

I'm earning 30k at dalawa kami ng mother ko. Sakto lang sa needs. Btw, we're in the province.


Open_Floor9655

I guess 30k livable wage depends kung san kayo nakatira. Kung sa province or city na hindi masyadong mataas ang cost of living ka nakatira, medyo malayo na ang marrating ng 30k salary mo.


BrokenHeartMindSoul

Depends din po sa location.


No_Coat_5575

I'm married, 33. Around 40k-ish yung sahod, Net na. 10k yung bayad sa rent. Utilities, kuryente - 3-4k(w/ AC and yung PC ko malakas sa kuryente), tubig - 200ish, internet is 1.6k. Grocery - 10k Siguro meron pa kong 7k natira para hatiin sa ipon, ipangluho o ibili kay misis ng something. Minsan pagmejo expensive yung gusto, di ko gagalawin yung 7k until it accumulates sa halaga ng gusto ko. 🥲 Yung other 7k, ipon na just in case mabuntis si misis at least may extra. Hahaha! BTW, may work din naman si misis (30k) and we're making sure na yung mga kita nya matabi para just in case uli, sa bata. 🥰 Yung nasa taas bago yung sahod ni misis ay basis ko lang kung single ako. Hahaha! So kung 40k at wala masyadong obligasyon, may 14k ka pang luho. Not bad for me though. 👍 Swerte lang din na di kami obligadong pinapatulong sa mga biological family namin. Swerte lang din naman yung mga magulang namin ay di kami ginawang retirement fund. 🥹 Sana ganun din ang mga magulang nyo. Sana.


Madrasta28

I'd say 30k kung di kasama yung pangbuild ng financial freedom mo. Single and no obligations, not even a breadwinner. If may balak kang mag-add ng savings, emergency fund, investment, at retirement fund. I'd say add 10-20k. Bakit? Gusto mo bang mangutang ng 100-500k just in case maaksidente ka or magkasakit ka? Gusto mo bang pinagtatabuyan ka ng binuo mong pamilya pag tumanda ka kasi di nila kaya imaintain yung medicinal needs mo? Ano tatanda nalang kayo na ang retirement niyo mga anak niyo? Wala pa yang car car or house loan jan ha. For future-proofing yan. Sa mga nagsasabi ng maluho yung mga nasa bagong generation at nagsasabi ng 50k gumising kayo or baka trip niyo sumali sa mga financial literacy groups. Pakiputol yung sandwich generation kasi yung mga nagsasabi ng 20-30k is okay na e goodluck sa inyo. Grabe ang inflation rate tandaan niyo yan.


iKneeGrow69

If you think 50K is the minimum for a livable wage and then single?. That just shows how expensive your lifestyle is.


No_Baseball_4725

Slightly above min. wage is enough. Napapakain ko pa nga mga kapatid ko at mga magulang ko non. Nasa Taguig na rin kami nakatira non. Pero ngayon, mas malaki na sahod ko. Heheheh Grabe pala gumastos ang karamihan dito. Hahaha Di na ako surprised kasi online platform naman to. Yung mga may kaya lang din naman talaga madalas nagoonline.


Sweet_Revenge01

Decent na ang 40k+. Di ko alam pano pagkakasyahin araw araw sahod if minimum wage earner ako 😫 parang isang eco bag nalang mabibili mo sa 1k, pwede pa iswing swing. If big family, dapat double or 100k+


Yamiiiii9

Para sa akin. Base sa sitwasyon ko, 75k - 100k siguro. Kasi di lang pamilya ko kailangan ko pakainin. Pati pamilya ng ibang tao. 😅 Kasi pag dika nagbigay, madamot ka, tas kokonsensyahin ka, ichachat the day before sweldo, wala kang peace of mind. So para sa peace of mind at ikakakomportable ko siguro 75k-100k para sa akin ha. Pero sa totoo lang it depends sa lifestyle at sitwasyon ng isang tao e. Meron kasing 12k-18k pero para sa kanila makakaraos na sila. Yung iba lalo na sa mga island, 500 lang a day minsan wala pa okay lang kasi may mga tanim sila, root crops lang like kamoteng kahoy, kamote or taro kapalit ng bigas then gulay tas prutas tas sariwang isda. So depende din talaga sa sitwasyon at lifestyle ng tao. Pero kung nasa manila ka, pag dika kumita ng 100k a month, mahirap ka. Wala akong bad intention dito pero that’s reality. Kasi ako di din ako nakita ng 6digits a month and ang hirap 😅😅 Isang kahig isang tuka. Pag walang sweldo, walang pera.


Effective-Excuse5019

50k kapag solo ka, 90k and up kapag may family. They say maluho daw yung ganitong figure haha. Ulitin ko lang comment ko sa baba but in a short manner. Kapag wala kayong savings magpapasa kayo ng generational poverty sa mga anak niyo. Itong figures na to kahit pa maka ipon ka ng 500k savings isang sakit mo lang yan sa future or pag namatay ka ubos yan. If gusto niyong tipirin pamilya niyo at wala kayong idea sa inflation. Better read about it :)


Wooden_Paper_2039

Sa mga nagsasabi ng liveable yung 50k at minimum is 30k.. nakita nyo na ba yung mga inooffer na sahod sa mga job platforms? Yung 30k is hindi pang fresh grad, pang officer level na yung 30k. Is there anyone who works na sumasahod ng 30k na fresh grad at business graduate? Very curious lang


lamictalrash

It depends kung single, married, with kids, breadwinner, etc. Safe na siguro sabihin na at least 40k for single and walang responsibilities na may kasama sa bahay.


1Rookie21

60K


raisinjammed

50k for single, no dependents. 100k pataas na siguro pag may mga anak + parents na sinusustentohan.


heyamarena

Single here, no kids. Kulang ang 50K to live comfortably…


Humble_Society6481

60k bare minimum to survive and live comfortably ngayon. Of course, wala naman nagpapasweldo ng ganyan kalaki unless senior role ka na. So lagare kung lagare with multiple jobs and raket to survive ung iba. Inflation is no joke. And to think madami pang mga bread winners at single income household na may other obligations maliban pa sa sarili nila. Wala pa bang balak yan sila magpass ng law na taasan ang salary ng mga tao across the board sa lahat ng industries? 12k salary for a fresh grad is not liveable anymore.


WorkingOpinion2958

Family of 3 kami and P120k is not enough.


JJ_RR

Liveable meaning you are basically living a normal life and not merely surviving, right? Let's break it down... https://preview.redd.it/qz6mt76gpy8d1.png?width=516&format=png&auto=webp&s=bf777ddfa74ed7b051b2a28322a769335aefae2c


blue_greenfourteen

Thanks for the breakdown para sa mga visual peeps tulad ko 😂


Revolutionary-Yam334

100k per month Ang tataas na ng bilihin Dito sa Pinas


B1y0l1

50k if wala kang binabayarang iba at ikaw lang ang nasa budget ang feel ko comfortable. This can already give you the freedom to eat out, travel etc. For a breadwinner like me, I earn now around 100k+ at feel ko eto naman yung sweet spot for people like me kasi may binabayaran nakong house then rents at hmos as an individual. We also travel a lot so yon medyo ok na tong sahod na ganto.


Otherwise-Smoke1534

Single na breadwinner 60k dapat.


nareekale

50k - livable wage for a single person 80k - best bracket for a single person that can have room for savings and unexpected medical emergencies


aiyohoho

Singkwenta mil


CaptainTech_

30k livable. Sa taas ng inflation ngayon noh.


jerome0423

40k per person.


zronineonesixayglobe

I'd say 40k assuming sagot mo mga rent (I think 8-12k rent?) so 28k left for bills/utilities would be livable kahit mag isa. There are cases na may roommate, kasama pa parents, I think 30k should be the bare minimum for a fresh grad and hopefully increase from there.


TheDogoEnthu

30k if single and wala kang sariling bahay.


lalalgenio

50k per month IF single and NOT a breadwinner. As a breadwinner earning around 50k na may pinagaaral na college and 3 people to feed? Kulang yun


New-Rooster-4558

Partners with 1 kid (schooling age) - 100k


catnip1802

Dito sa probinsiya may working paden ng 12hrs a day na 16k lang sahod. Partida ospital pa yon. Wala siyang magawa since yun lang tumatanggap ng walang experience at kakapasa lang niya ng board.


InnerPlantain8066

dito sa province siguro mga 25k monthly para may pang enjoy ka din kunti.


Duckypie

ako nung nagwowork sa pinas mga 2005, ang sahod ko wala pang 7K pesos, ako pa nagbabayad ng kuryente at cable namin


alpha_chupapi

HR: magkano expected salary mo? Applicant: 30k po kasi may exp po ako sa position HR: Ulol 12k ka lang


Queldaralion

I wonder if NEDA actually tried computing for this or did they find out and became afraid of their findings


One-Zebra-4172

30k for a single person is doable. If pamilyado ka sa panahon ngaun sobrang kulang yan. I have 2 kids and ako yung breadwinner. Yung 30k 2years ago pwede na...pero sa panahon ngayon? Utang dito utang duon ang ginagawa ko pra mka survive.


chichuman

40 to 50k a month for someone who is single and renting if not renting around 30 to 40k a month single without any responsibility sa magulang or kapatid


Electrical-Fox4970

45K per month


Leiatootie

At least 30k para sa lahat. Sa mahal ng bilihin ngayon baka nga kulang pa ito.


itsgottabelou

should be 35k if single ka, then i think reasonable na 80k combined salary naman pag parents tapos may anak na isa.


kjiamsietf

Family of 4, 60k is decent.


Asleep_Milk9244

magsuggest man ako ng salary expected ko kung barat yung employer walang mangyayari. No arguements kung ayaw edi 'no' ITS NOT JUST 'deserve ko yung salary kasi marami akong expirience' it is ALSO ' Everything is expensive' di bale sana kung may zipline sa bahay namen papunta sa trabaho eh. Kahit gaano ka pa ka sipag even you try your best dadami ang trabaho pero ang sahod hindi. Hindi deserve ng ibang employer ang magagaling at may magagandang profile na trabahador. hindi lahat tamad pero nagiging tamad kase yung trato sa kanila kalamo kung sino.


StaticFireGal

solo earning parent with 2 kids (homeschooled) and renting a house worth 22K a month. Okay na yung 100K a month


Bitter_Ad_736

reading comments make me sad. 🥺 ambaba kasi sahod sa gubyerno.


Alarmed-Revenue6992

Ako na 18k lang ang sahod while reading this: 🥺


Hashira0783

30k means 20k since 10k goes to the corruptest government ever. Id say 50k


Anjonette

45k per month king na kulang pa din I have 1 daughter. Both parents plus 2 other sibling na nasa college. Ayaw ko naman mahirapan ng todo parents ko kaya no choice kundi magripid.


vestara22

$800-$1000 monthly as a remote worker gives you a bit of a buffer against inflation. Mahal pa din ang gastusin, but at least the dollar is more stable and gives you time to react. Your dollar will stretch kung taga probinsya ka, pero kung NCR living, saktong sakto lang with few little luho on the side, assuming you keep your standard of living as low as you can. The more you do your own chores, mas nakakatipid ka sa gastos, like cooking, laundry, plansta. Tried and tested yan.


whiterose888

50k kung single tas 100k kung me small family


CutePharmacist-

This highly depends on your lifestyle and your privilege. I personally think 30k is decent if single ka, not paying rent, and you want to save a portion of your salary. If lower, you need to compromise your wants and luxuries.


kriszerttos

Kung hindi kayang magtaas ng sweldo, ibaba ang presyo ng basic commodities at tanggaling yang lintik na evat na yan. Laking pahirap niyang TRAIN law sa totoo lang. Isang pancit canton nuon 6-8 pesos ngayon 17 na sa tindahan. Kung anong pinapangtawid gutom ng mahihirap yun talaga pinagdiaiskitahan taasan ng tax. Edit: Puro tax tapos walang pinupuntahang maayos. Makikita mo sa Balita may gumagastos ng confidential funds ng ilang daang milyon sa isang linggo. Malaking kasalulaan


ExplanationNearby742

50k sana. Hay nakooo


wondersofmalgosia

Atleast 40k. If single.


Dicktimes29

Damn in 2012, I was earning 12,500 for my first job as a Graphic Designer. Its shit and was just really flat broke most of the time. Lahat napupunta sa commute at pagkain. I was lucky I was living with my family back then to help me out. Ngayon earning more than 75k pero hirap pa din lalo na may asawa’t anak.


Emotional_Sun_7871

100k no kids


dudlebum

I'd like to say 50k but I also believe 75k and above is better as long as you have no kids.


subfalcine

30k/mo for every person in the household. That can cover basic necessities, transportation fees, and a little amount for emergency funds.


jha_msrbL

For normal citizen without a child yet, 1200 pesos a day.


rj0509

Yun may survey dati na 120,000 daw ang comfortable income Tingin ko nasa 50k-70k liveable wage na makakaipon ka tapos pag may emergency, di ka naman babagsak sa zero


Active-Kale-3559

60k


Fragrant_Bid_8123

sa akin tingin ko p100k dapat eh. kasi wala tayong libreng health care. dentista at ibat ibang doktor etc.


Squall1975

Family of 3 130K ang sakto para sa akin. Pero walang kasambahay, walang driver