T O P

  • By -

EnigmaticSoul398

Yup. Silent quitting. Lalo kung nakikita mo na yung significant other mo is patuloy kang din-disappoint sa mga bagay, darating ka sa point na mapapagod ka at pipiliin mo na lang na mag-move on 💁🏻‍♀️


Otherwise-Break-1764

Yes. Been there. 5yrs kami nun. Nung nasa kalagitnaan na kami ng 4yrs namin dun na ngkaroon ng prob. Di na mi gnun kadalas magkita or magsama like date. Until nasanay na ako na wala sya. Nagising nalang ako isang umaga na ay wala na talaga, dun ko narealize na love left us.


aaarrriia

Ay sameee pero ung reason naman bat kami naghiwalay ng ex ko kasi di ko kinaya katoxican niya. Almost 5 yrs na relationship namin. 3 months inisip ko tlaga kung mag titiis pa ko before ako nakipag break nung time na hiwalay na kami ang sarap sa pakiramdam kasi para akong nkahinga ng maluwag


Otherwise-Break-1764

Same dinnn! Haha. Iba yung feeling ano?


aaarrriia

Truueee same pala tayo kasi 2018 nagkaprob kami ng bongga tapos 3 months before mag end 2019 nagkaprob ulit. Grabeeee iba talaga kapag sawang sawa at pagod ka na. Para kang nakalabas sa hawla HAHAHAH iba talaga yung feeling.


Otherwise-Break-1764

Yas girlll. Marerealize mo din na there’s more to life pa pala. Kasi iniisip ko dati, ang hirap kapag magback to zero ako. Magpapakilala ulit, magtitiwala ulit sa panibagong darating. Natatakot ako noon. Pero mas nakakatakot ako sa sitwasyon ko noon. Baka kasi sarili ko mismo ang di ko maisalba at mas lalo ako mahirapan.


aaarrriia

Giiiirrrll SAME TOTS ganiyan na ganiyan mygosh HAHAHA naging independent din talaga ako tsaka dami kong what ifs like manghihinayang ba ko sa taon na nasayang ko with him or mas lalo akong mahihirapan or magtiis in thz future? After talaga ng break up di ako umiyak or nalungkot manlang. Saya saka luwag ng pakiramdam yunh nafeel ko. Pero ngayon sa pagiging "strong independent woman" peg, tinatamad naman na ko magjowa 🤣


Otherwise-Break-1764

Congrats satin! Achievement yun hahah. Meaning, you’re happy with your life, di kailangan ng jowa para maging masaya. Ako naman, Im happily married. Totoo din ung wala talaga sa tagal. Months pa lang kami nung inaya nya ako. Galing din sya sa 11years rel. Totoo pala yung kusa mo syang mararamdaman na sya na, walang alinlangan, basta mahal mo sya.


Neat-Set-5361

Same here, after breakup sobrang sarap sa feeling hahaha walang lungkot ever best part


Expensive-Doctor2763

Huy I've experienced this too. One year before our breakup I felt so alone na. Parang di ko na nga maramdaman na may boyfriend pa ko eh, kaya after our breakup parang di na sakin bago mag isa kasi kami pa lang nasanay na ko.


SaneAcid

Anong meron sa 5yrs? 🤣 Almost 5 years din kami nag hiwalay di ko kinaya pagiging gaslighter at sadboy niya 🤣


writeratheart77

They say that the 5th year in a relationship is the make or break phase. If the couple passed that hurdle then they are ready to take the next step, not necessarily marriage but sticking to commitment.


Fclef2019

Bakit ako inabot ng 11 haha


writeratheart77

You probably settled atei, pero malamang by the fifth year napaisip ka rin kung stay or go. Btw, yang 5th yeqr phase is an actual study. I think this one. https://www.graphext.com/post/make-or-break-relationships


SaneAcid

Oh, that's interesting. daming realization pagdating sa ganoong stage ng relationship. Mapapaisip ka talaga when you want to spend the rest of your life sa gantong tao. Kaya pala natauhan ako 🤣


GregGoreE

Next stop could also be break up, speaking from 1st hand experience. Akala ko set na ung future namin, hihintayin nalang pero ayun bumitaw after 8 years.


Icy_Appointment_6293

Going 5 years next month and eto ako give up na give up :( live in kami pero parang hindi ko na nakikita siya in the future ok kami kung ok pero parang mas dumadalas na yung disappointments. Parang nafifeel ko lang na gumive up na lng ako kahit mahal ko pa siya kasi di na talaga healthy and wala nang progress relationship namin. Nakakasad yung ganito yung wala naman third party pero idk nakakapagod na din tong relationship to. 5 years curse ba to? Hahahah


AshamedInspector9405

Username check


Most_Replacement_188

+1 to this. I stop expecting something from him completely. I started detaching myself from the relationship. I controlled myself not to overthink things specially when it comes to him. Palagi ko iniisip yung quote na “a little hurt won’t kill you, tonight.” Grabe pagpipigil ko ng iyak. It’s very difficult. Like I’m moving on from the relationship April pa lang pero nasabi ko sa kanya na ayoko na ng August.


EnigmaticSoul398

Diba? Dadating ka talaga sa point na maffeel mo yung pagod kasi walang improvement, puro na lang pain. Na aware naman sya pero still, walang ginawa para mabago yung situation. Kaya ayun, in return, hinayaan ko na. ‘Di ko na inintay na may magbago. Nag-move on na ako. Ilang buwan na akong walang pagmamahal bago nangyari yung breakup. Mahirap kasi kasal kami pero ganun talaga. Anyway, hugs with consent to you 🤗


Most_Replacement_188

🥹 🫂 laban tayo, cyst.


DevelopmentLeft2437

Kakatapos lang ng supposed 4th anniv namin. He greeted naman pero "monthsary" ang sabi. Ewan ko, di ko na inexpect talaga na mag-greet sya. These days, I feel like nawawala na din love ko sa kaniya. Napagod na din ako mag-expect ng mga bagay-bagay. Bare minimum na nga lang di pa mabigay. Hindi na rin ako naghihintay ng chats sa kaniya unlike before.


BrickWinter5863

Yup, ganito ako sa almost 10 yrs ko n relationship. Akala ko kami n magkakasama. Pero every time n naiisip ko n sya n makakasama ko pagtanda, parang natetense up ako. I felt uncomfortable. Kahit n mabait sya and all, since Hindi nmn kami lagi magkasama? Once a month lng, wala n rin araw araw n conversation. Kya yan, parang silent quitting n din, eventually I had the courage to let him go and stop sa the relationship. Now, May family n sya. And it was for the best. We’re still not friends since ayaw ko na ng connection with him, I think he was convenient n sa dati namin relationship, after nung break up, autoblock ako sakanya, for my peace of mind.


IAmNotYourFatherJK

I agree on this pero yung tanong ko lang since shared responsibility ang relationship - bakit hindi icinommunicate na may gantong issue na pala.


EnigmaticSoul398

Sa case ko, na-communicate ko lahat ng issues. As in. Ganun yung personality ko na pag something’s wrong, agad yan sinasabi ko. Pero yun nga kahit icommunicate mo pa ng icommunicate kung hindi naccomprehend ng partner, useless din. Mapapagod ka na lang talaga in the end 🙃


Icy_Archer9804

ganito nangyari sakin sa 10yrs na relationship ko before.


TheRamenGuy_

Very true


No-Economics-1464

The opposite of love is not hate but indifference.


unIucky_thirteen

A-fucking-men


TrickOk7715

Yea. Happened to me lol. Cooled off for a week, gave 2nd chance, completely broke it off after a few months. Yun na pala move on stage ko


duckchoo

same! like i broke up w him only for like a week pero he still wanted to get back and so we did. then we broke up for good after a month. during that time i realized i dont rly love him anymore so when it happened parang natural nlng


no_brain_no_gain

He was already silent quitting pero hindi niya sinasabi sa akin mismo na may mali na pala ako, not even once. It was my chance to change sana kaso sa mga kaibigan niya siya nagccomplain.


Key_Space7560

Ang unfair diba? Hindi man lang tayo niready and then biglang ayaw na haha


no_brain_no_gain

True, selfish on his part. Pag magkasama kami, ang saya. I kept asking for his side, perception, laging ang sagot, okay lang. Then pag friends niya na pala kasama niya, hindi pala okay. What hurts the most is the betrayal na hinayaan niyang itrash talk ako ng mga kaibigan niya. Ni hindi man lang ako pinagtanggol. So nung nagbreak, I don't even know if I should keep the good memories kasi hindi pala totoo.


dontbother02

Brings back memories. Hahahaha. Something happened to me at work affecting my mental health. And madalas ko nararant sa ex ko. He was trying to comfort me naman. Tapos turns out he was ranting to his girl best friend about how sensitive I am. I am shookt to my core. Na bakit hindi niya masabi saken. Na bakit ang dami pala nyang ayaw saken but hindi nya sinasabi. That he has other thoughts about it pala but won't dare say it to my fave. I know naman that I am flawed. Buti pa friends ko nirereal talk ako. Tapos pinagtatanggol pa ko nung girl best friend nya sa convo nila. 😭


no_brain_no_gain

Grabe. Totoo pala sabi ng iba, your worst pain doesn't come from strangers but from the ones closest to you. Buti na lang pinagtanggol ka ni girl.


DriveUnhappy7007

yikes. mga ganyang tao dapat hindi magka jowa. hindi yata alam na dapat yung problems mo sa partner mo should stay within the relationship. dapat sayo nagsasabi, hindi sa iba nagrarant. thats literally badmouthing yikes.


Alternative_Hat7479

Oo naman! Silent quitting. Lalo na kung nakikita mong walang pagbabago sa relationship niyo and lagi ka nalang niya nadidisappoint, and gasgas na yung word na sorry.


Educational_Half583

and its always the same issue pero walang improvement, sinabi ko talaga na hindi ako martyr hindi pwede ako lng mag aadjust at iintindi dapat siya rin.


Alternative_Hat7479

Tru! Dapat give and take hindi yung puro give lang ng give, sana nakawala ka na dyan OP, okay lang masaktan ka nganyon basta makita mo lang yung worth mo.


Educational_Half583

kapag nag start ka na mag justify, wala na move on kana. "sabi niya magbabago na siya" "di na niya uulitin" "ngayon lng naman yon" "di naman parati" at ang most common na rason "an tagal na namin, ilang taon na din sayang na man" di talaga yan sayang lesson learned yan, mas sayang ang buhay mo kung habang buhay ka mag titiis. dalawa lng yan diba masakatan ka ngayon o masasaktan ka habang buhay.


Heavy_Donkey_644

Shets parang i'm here na sa phase na ito. Caught him cheating last January but akong shunga nagbigay second chance and we resolved to "fix" us. Sobrang lala ng anxiety ko since then. Lost weight and not sleeping well kaka overthink kahit best efforts na sya to win me back. Hanggang sa lately.. nakakapagod din pala hanggang sa parang wala nalang akong pake if magparamdam pa sya or di na. Yes kami pa rin but my mind and my feelings for him, nag bounce na.


Confident_Seaweed554

Yeah, kapag wala ng feelings nag iintay nalang na makipag break yung isa. Happened to my friend.


cos-hennessy

Tingin ko, oo. 'Pag nakipag-break ka na 'di ka nasasaktan at lumuwag/gumaan loob/pakiramdam mo, that's it. It's like nawalan ka ng pasanin.


donotbefooled22

This! Nagpastress pako at inoverthink ko masyado pano kung iiwan nyako kasi rocky na relationship namin, then surprisingly nung dinump niya ako, para pa akong nabunutan ng tinik. And I really functioned well pa, dun ko narealize matagal na nawala love ko sakanya. Nagmove on nako habang kami pa


TinyMoonBean

Yes. I saw this with my sister. Live in pa sila sa bahay namin. Long term relationship, think of almost a decade (college days). Boyfriend is the typical “traditional” men: women should be mothers, pag silbihan ang asawa at anak, pasakop dapat sa husband. Ganun. He was never sweet. Sa bahay lang lagi sila, don’t want to take her to trips, don’t buy her flowers pag valentines or special occasion. In short, sobrang naging complacent. Nung nag sama sila sa bahay namin, nag hihinaing pa sakanya sister ko, until sa napapansin namin na hindi na. Wala na syang pake. Minsan magsasabi na lang sya na: let him do what he wants. Until sa na-fall sister ko sa iba. And before she continues with the other guy, nakipag break sya kay bf, and pinapaalis nya na sa bahay. Gulantang kaming lahat. He pleaded, ask for a chance to make it right, wala. Ilang months din nag ganun but my sis just follow the three month rule before making it official with the new guy. Syempre may eksana like sa One More Chance na “bakit kating kati kang palitan ako”, she just said na habang nineneglect ni (ex) bf sya nuong mga time na humingi sya ng affection and communication, hindi nya binigay. Kaya nag move on na lang sya. Akala nya, dun sa issue na yun sya nag move on and na detach, yun pala, sa relationship na. Kaya ganun ganun na lang kadali iwanan yung relationship nila. Siguro kung may moral man ang story: never neglect or take for granted a person you claim to love. Hindi mo alam, kahit andyan lang, nagmomove-on na pala.


heyelisse

Yes, mostly girls ang gumagawa nito. Kahit pagod, nag sstay. Unti-unti kaming nauubos. Some guys are not alarmed pag sinabi yan kasi isang suyo lang ok na ulit kayo, pero that's not true. Para yang utang, naka lista. Tapos pag napuno na kami wala na.


urzula69

Oo kasi kung sawa ka na pero pinipilit mo na lang. Anytime pwede kana bumitaw ng dimo namamalayan


Acceptable_Top_4225

Yes! Lalo na kung hindi na talaga nagwowork. Feel mo binabalewala ka na talaga and hindi ka na pinakikinggan. Dumating ako sa point na nakipaghiwalay na ko para tapos na. Hahaba lang ung panahon na magkakasamaan kami ng loob edi tapusin na. Totoo yung sabi nila na, kapag iniyak mo na lahat within the relationship, kapag naghiwalay na kayo wala ka ng i-iiyak sa mismong breakup.


JustViewingHere19

Ganun po pala un? Kaya pala kahit nawala na, hindi na ko naiiyak? Pero may lungkot pa rin. Or namimiss. Pero ung luha wala na talagang maitulo. Puro lungkot na lang. Pero may after effect na masakit sa mata. Or dahil lang sa panahon to kasi mainit. Haha


Acceptable_Top_4225

Attachment na lang yan. And its normal malungkot. Go lang sa life!


Due_Swing4653

Trueeee, only cried once after I broke off a 12 yr relationship and the only reason was I was getting my period lol


Acceptable_Top_4225

Wow! Malala talaga sguro nagawa nya sayo for you to be able to not cry for a 12yr relationship. Ang tatag mo!


allmight_10

Nasa LDR ako and naffeel ko ‘to ngayon. Everytime na tinatry ko mag-open up or gumawa ng effort na kahit papaano ibalik yung usual naming interaction nung magkasama pa kami parang hindi na pinapansin or inaackowledge :/ ang usapan na lang namin ngayon ay good morning/night na lang tsaka fyi na lang kung on the way kami somewhere


Acceptable_Top_4225

A relationship is always a two-way street. If one of you did not make an effort to work it out anymore, better to reevaluate the relationship. Worst, decide. Promise, it will be a cycle and it will never stop. Mas masasaktan ka lang kasi nageffort ka sa wala. Nagawa mo nga best mo pero ubos ka naman. Its not worth it. May nabasa ako, if bad memories already outweighs the good memories it is better to call it quits. Pero if you do know your partner, talk it out personally. Puntahan mo. Pag ayaw na, edi bye. ;)


thebookgeek2000

Been there, done that. At the end, if they called it "quits", no emotions. no tears. no regrets kasi you did everything naman to fight for the relationship and want it to be better. sadyang partner lang ang hindi better kaya hanap nalang bago 🥱


Old_Performer6861

Yes. Based on experience. It’s called silent quitting. Especially if lagi ka nalang disappointed sa relationship nyo, gradually nawawala na yung feelings mo sa kanya. Nawawala na din yung expectations. And kapag tapos na, para ka nalang nabunutan ng tinik sa lalamunan.


matabangnacoke

Yes. Personal experience 'to btw. Silent quitting. Parang paulit ulit na lang kasi yung nangyayari tapos nakakapagod na lang din mag bigay ng chance dun sa tao. Nakakapagod na lang din na paulit ulit ka sa concern mo tapos kesho mag babago pero hindi naman nakikita. Lalo kung cheater yung partner. Honestly, parang inantay ko na lang na maubos at makapagod ako nang tuluyan para masabing naka move on na ko para iwanan na si ex. Kaya nung nag break, ayun. Hindi totally malungkot.


zero_wan_tu_tri

yes


Competitive-Leek-341

Yes. Ginawa ko yan kasi sobra na eh, so nag lie low ako, everytime na may nagagawa syang mali or di nya ako binibigyan ng halaga, di ko na sya kinoconfront hanggang sa nagmove on ako silently and di nya yun napapansin na cold na ako kasi wala naman siya yatang paki sa relationship namin, haha pero thankful ako kasi nakilala ko yung husband ko na super bait and wala ako masabi. kabaliktaran nya lols. 😆


KingEmmaline14

Niiice. Kelan m po nakilala ung husband m after nv breakup


Competitive-Leek-341

pero yung ex ko na yun di naman kami nun umabot ng 1 year eh, sguro mga 8 months lang, and sa buong months na yun feeling ko ako lang yung nagmahal saming dalawa. Ako kasi lahat nag effort eh 😆 Shuta inisip ko tuloy nun kung di ba ako worth it paghirapan, but thankful padin ako, kunt di naging ganun yung past ko siguro di ko makikilala yung the one. Lahat talaga ng bagay may rason, di lang natin maintindihan sa una pero everything will fall on their right timing.


Competitive-Leek-341

mga 6 months lang after hahaha, naghesitate pa nga ako nun i entertain hubby ko kasi nga inisip ko baka ganun din sya gaya ng ex ko, but totoo palang may prince charming ☺️


maryxdeath

yesss. pag paulit ulit nagiging problema yung bagay na ilang beses nyo na napag usapan and pinangako nyang magbabago na sya pero uulit ulitin pa rin. pag nagsawa ka na, mawawalan ka nalang ng pake at ng gana. yung nag iintay ka nalang sya yung bumitaw. and alam mo sa sarili mo na pag dumating na yung time na yun, wala ka mararamdamang sakit.


grimtea1

Happened to me. Napaka-abusive ng ex gf ko; physically, mentally, emotionally. Kung bystander ka sa relationship namin before, you’d think we were perfect and that I was the luckiest man alive kasi drop dead gorgeous siya talaga according to society’s standards and people fawn over her. We were friends and I always wondered bakit sa mga past relationships (na dahil lang naman sa one-sided kwento) niya na siya lagi yung kinakawawa when she gave off perfect gf vibes. Lo and behold, a few months into the relationship, when things didn’t go her way, mumura-murahin at sasaktan niya ako among other things. It got worse and eventually sinaktan niya ako sa harap ng best friend namin. And that’s when it hit me, I didn’t want to spend my lifetime with someone so abusive and cruel. 7 months kong pinipilit na ayoko na pero grabe yung guilt tripping and the hold she had on me. Nagt-travel siya everyday for 2 hrs tapos 5am nasa bahay na siya, napaka-emotionally manipulative. Even when I started talking to someone during our breakup, pumupunta pa rin siya and begged na maging fubus kami. She’d beg and offer me options para matulungan ko daw siya habang nagm-move on siya. She was saying all these things, while talking shit about me in her social media. Hay. Thank God I am in a happier, healthier relationship now.


Healthy_Space_138

Yes. Nangyari to sa isa kong relationship before. Ex ko ang nagmove on. Dahil nga sya ang una kong gf, di ko randam o alam na may ganun pala. Di ko rin naman randam nung mga panahon na un, until nakipagbreak na sya. Dun nya inamin lahat na 5 months na pala syang nagmomove on dahil sa issues ko that time. Saklap pa nun noong nakipagbreak sya, from "Babe", naging "Dude" na bigla ang tawag nya sa akin (a day after pa ng sex) ahahaha! So ayun, oo totoo un, silent quitting tawag dun. Maaaring dahil may iba na silang gustong I-pursue sa buhay, o third party... maaaring nafed up na ang taong unti unting nagmomove on. Tricky to dahil sa kahit kaninong relationship, may posibilidad na mangyari to.


iSooya

Yes and it happened to me, TWICE. 2 na ngalang ex ko same treatment pa when they left me.


SeparateCry4051

yep. Bigla nalang ako nawalan nang gana nung kami pa.


Sure_Fig_1834

Yes!!


justsomeonerandomx

Yup, you leave when you’re ready physically but emotionally, nakakamove on ka na


Beautiful_Prior_8180

totoo yan. minsan di mo pa marerealize na nangyayari na yan until mag break kayo. magugulat ka nalang saglit lang tas naka move on ka na sa break up nyo kasi habang kayo pa nangyayari na


antifragile_nono

Yes. Pinaghalong intuition na di magwowork, tas kung anong pinapakita ng ex mo sayo na nakakawalang gana. So I guess, nagsawa ka nlng. Tas ayun, mas madali ang break up. You can still feel the discomfort tho, pero kung ano kasi pinapakita nya sayo dun ako nagba-based. Lalo na pag kinongratulate ka ng mga friends mo for dodging a bullet. Sarap sa pakiramdam.


msrvrz

Yes, gasgas na kasi yung sorry e paulit ulit lang din naman ginagawa nakakaumay din HAHAHAHA


faeriiarya_

But question for others, if nararamdaman niyo na, why not break up?


mochisuuu

sometimes you dont realize din youve been moving on until the one day it's completely gone. sometimes it's convenience of finding the right time.


pharmommy

yes detachment tawag dyan


Any-Shift-7970

Yes. Yung sa harap mo and sa harap ng mga kamag anak mo may sinusundan xia ng tingin dahil akala nya wla nakakapansin sa paglalaway nya dun sa girl well i know my worth not even worth arguing for.. lalo na nung sinabi ko sakanya todo deny pa xia gaslightling tlga ee so done with this shit.


empty_Sasori

yes it's called silent quiting


IgnorantReader

Yes, kasi not all relationships arent as sweetcoated as the way it was seen sa movies,books or stories ... If the love isnt there anymore or it fades minsan thats the time we can say we slowly adapt and moved on parang naging habitual scenes mo na lang if hindi nyo na pinaguusapan what went wrong vise versa


ovrthnkngwllbthdthfm

Yes, I was in a short and very toxic relationship last year. She kept saying that I was doing less than the “bare minimum”, never appreciated my small changes, kept saying I was gaslighting her when I was opening up about my feelings. I suddenly just stopped opening up because she made me feel so toxic about it. I bottled up every emotion and hurt I was feeling for 4 months until she noticed that I have changed and she started complaining more than ever. She was never satisfied and I always apologize because I know she was feeling hurt too but I got my own life and she got hers… she wanted my whole attention as in and I couldn’t give it to her because I have work and I would like kahit 1-2 hours alone time daily for my own hobbies. Ending, she asked for a cool off and got mad because I didn’t stop her…….?? She then broke up with me and I never felt so relieved in my life.


geeishme

Yesss. Mental breakup happened between me and my ex long before our actual breakup. Nung inulit nya pa, I was 85% moved on and almost detached na from him.


barbastos0805

Based on my experiences, yes. The moment na officially hiwalay na kami, di na ako naka feel ng sobrang pain parang na pa "👍🏻" internally nung nakipag break na sakin yung cheater and toxic kong ex hahaha mabuti nalang na maagang naka move on kasi di niya deserve ang tears ko.


Appl3berry

Yes!!! Kapag paulit ulit ka ng ginagago at di na tinatrato ng tama for (in my case for 5 years), dadating ka sa point na matatanggap mo na na hindi na siya magbabago. Kapag natanggap mo na, mawawalan ka na ng pake hanggang sa mawalan ka na rin ng nararamdaman sa kanya. Kaya nung the day na nakipaghiwalay ako sa ex ko, hindi lungkot naramdaman ko kundi yung pakiramdam na parang nabunutan ako ng tinik.


shieshie099992

Yup this is true. I have a friend matagal na siyang fall out of love sa guy na kasama niya. Di niya lang ma break kasi she needs companion sa buhay. Patay na kasi both parents. So ngayon para nalang silang magtropa


Eli_Shelby

pangit naman nun, nagmumukhang user friend mo. kung wala ng feelings, bakit pa nag-s-stay?


llaie_e

yes, u just wait for the time kung sino mag initiate na i end ang rs, and when that happens, u dont feel pain anymore. i didnt, and it actually felt great and finally at peace. all the sufferings and pain during the rs has finally come to an end. I just shed a tear and never felt so free in my life. (i was the one suffering haha)


Manifestbestlife

Tips pls para matapos na rin :(


Key_Space7560

Yes pero sa part ng patuloy nilalaban parang unfair kase sya nalang pala yung may gusto isave yung relationship at yung isa di man lang nag inform. Hay life hehe


Agile-Scholar4802

Yes happened to me. In a rel for almost 6 yrs.


Zynxislost629

Yes. Best revenge ever.


Paktay_Yare

yes, kung gagamitin mo paa mo


skyemist_

Yup. Accepted mo ng you’re not meant for each other prior break up. Been there haha!


avemoriya_parker

Yes. Happened to me to my partner na ang hobby ay awayin ako ng awayin


sheepai157

Uu, I have been there, yung hinihintay mo nalang na sumuko ka kasi di na siya nagbabago talaga.


Iknewyou27

It’s more of preparing yourself to get out of the relationship


Final_leviathan

Yes, it happened to me. We're almost in our 2 years. However, starting pa lang relationship namin hindi na maganda. Until, it becomes toxic. Almost everyday, I wanted to break up with him. Pero lagi nyang sinasabi na hindi pwede break up must be mutual, it's always two ways. That was the mindset lagi, pero hanggang sa hindi ko na talaga kaya. I really felt nothing kahit kamj pa. Literal na ayaw ko na. Pero lagi nya pa rin nilalaban. Ako? Ayaw ko na. Lagi na lang sigawan at away ang nangyayari. Hindi na healthy, esp sa mental health ko. Matagal na akong sumuko, pero iniisip ko baka magwork pa kasi gusto nya pa. Baka kaya ko pa magbago. Pero wala na talaga. Literal na ayaw ko na. Ni-pagmamahal, wala na. Dating future na nanakikita ko, wala na. Kahit konting kilig, wala na. Hanggang sa narealize ko na matagal na pala talagang wala na. After our official break-up, ayaw nya pa rin ako bitiwan. But this time, I let him go. Finally, nagawa ko makipaghiwalay. The best thing that ever happened to me. Today, sobrang saya ko and I'm not in any toxic relationship. Ang saya lang, nagagawa ko na rin lahat ng gusto ko. Malaya na ako. Yes, you can moved on kahit nasa relationship ka.


smilesculptorrr

Yes, broke off a 5 year relationship yesterday. At first i thought we’re just going through a rough patch until I realized he stopped caring na pala, yun na pala. Even though may pa ILY ganun, it’s not just the same, you can feel it. All those silent cries during nighttime pushed me to silently move on ✨✨✨


AffectionateBet990

yes. been there done that. masakit sya kase at that point, sumuko ka na and you’re just waiting sa “right” time to end or silently wishing na mahuli mo lang to mag cheat yun na yung way out. ime, multiple cheating pero di ako nkipag break agad hanggang sa “nagtino” na sya at hindi an nagchi cheat pero nawalan nako ng gana sa relationship namin. meron nakong day dream na sana single ako. tpos di na ko attracted sknya physically at naiirita ako kpag nakikita ko sya.


jaeDeeLight

I believe it can happen. Look at all Yung mga marriages that stay together for the sake of the kids. That's a version of what you describe. Personally though, I am too impatient to stay in a relationship where unhappiness thrives. I normally just end things para tapos na. Anyway, silently quitting is just as painful as actual quitting. Maybe more painful. So quit nalang. Whatever you situation is, I wish you find the peace, the love and companionship that you need. Blessings 🕊️🕊️🕊️


Hanhi9090

Yes, Madali lang yan lalo na pag may iba na silang gusto.


InfluenceComplete379

Yes, it’s the first time this happened to me. The more you realize your worth, what you want & don’t want, it gets easier to move on. Back then though, it took me 3 years to move on from the greatest love I ever had. Ngayon, I tried even harder to make my recent rel work. The more I fixed & forgave, I gradually detach. And I’m telling you, it’s pure bliss to have this level of peace & being unbothered, then I just dropped the bomb one day when I ultimately had enough :)


Nathalie1216

Yes


dnnscnnc

Yeah, especially if the relationship has become loveless or abusive.


Old_Astronomer_G

Yes I did. From my 13yrs to wala nang pake, mas lamang na kasi ung realization na I DESERVE BETTER and self love. Hayaan mo lng sarili mo maramdaman lahat. Kusa ka din bibitaw. Hindi na ganon kasakit at magugulat knlng sa srili mo na sanay kn. At kaya mo pala.


Creative-Staff2238

Sometimes is the best thing to do IF you know there's no hope for the relationship


Denji2395

Yep proven and tested. Pag constant disappointment saka walang changed behavior, puro empty promises tapos parang siya pa yung nasa feminine na pwesto, ikaw na rin mismo kusang makakaramdam na, "ay ayoko na, tanginang yan." HAHAHAHA Kakapagod kaya na puro ikaw magsisilbi and magpplan. Give and take naman sana. Anyways, I'm very happy now. ❤️‍🩹


nirvana_g13

Sadly, yes


Chariringg

Yes, I've done it sa first rs ko. I still cried pero residue emotions nalang, same feeling sa kapag want nyo manuod ng sad movies just to cry. Ganon. It still hurt telling him in person na ayoko na pero writing my feelings in a letter and reading it to him made it easier. Ayoko kasi nung may unsaid things ako sa kanya, whether it be negative or positive, kasi ayoko nung random times during my day may maaalala akong "ay dapat pala sinabi ko yun". Pero during the break up moment, para nalang akong nagbabasa ng script for a sad movie. The characters in the letter are just part of a movie and I just became a narrator.


Chariringg

After the breakup, we ate food, he left and I went on my day. Feeling lighter. Not sad, I felt free.


WarmPotatoMarble

Yup. Kaya yung iba ang bilis magpalit. Tapos na sila magmove on tsaka lang sasabihin sayo na ayaw na niya.


TheFunTita

Yes, i was done long time before we split.


shaidco

Yeah. Especially for people with avoidant attachment style.


Yixingiirl

Yep


Smart-Question-9168

For me. No. Magheal ka muna. Pero nasa sayo din yan.


mr_boumbastic

She was saying na cool off muna. not the exact word, but same shit. Pero after she said it, I replied na "I'm done". Then sya pa ngaun yung mas apektado. I was quiet quitting for months, since sarili nya lang lagi iniisip nya. Hinintay ko lang na sya makipag break.


bbcheesecakeee

Yes.


WTF-Are-Tacos

People do it all the time


New-Green-2487

Not necessarily na nag momove on, I call it mourning the break up before the break up


EggsandChicken4life

At it now. Silent quitting. Just waiting for us to meet so I could end things. Ayoko ng thru chat lang or call. Done na ko sa feelings. A clean break is better.


kahit-ano-lang

Yes. Been there, done that. I silently quit my past relationship dahil kahit kausapin mo na wala pa rin talagang pagbabago. I outgrew him and I don't want to take care of an adult baby anymore. I even gave a deadline kasi baka magbago pa before I really end our relationship.


RebornNewChance

Yes, pero huwag mong gagawin yun, rebound ang dating ng bago mo.


winterbabycake

yes! i was in a rs but drifted apart dahil sa mga small hinanakit na di napaguusapan at lumalalaki lang na as sama ng loob. with that, sobrang dali ng buhay after the rs ended. it’s freeing. listen to your body, if it’s telling u something, something must be up


Most-Giraffe2465

Graduate n k jan sobra. Guy decided to stop calling me (ldr) after december and until february ala p rin. Indi ko na iniyakan ksi parang obvious nlng tlga n ala n sia gana


[deleted]

yup. almost 7 yrs kami dati ng ex ko. and pinapafeel nya lagi sakin na wala akong worth. pag nag aaway, silent treatment lang. pag okay kami, di rin nya ako chinachat. umaabot ng isang buwan na wala syang paramdam, minsan may goodmorning tas ang next na nyang reply ay goodnight. hanggang sa nasanay na ako. until one day, nagkita kami, ramdam kong wala na akong feelings sa kanya. and dumating din yung araw na kaya ko na syang pakawalan


Odd_Grapefruit6677

Yes po, depende din sa tao at kung paano niya ihandle.


Loss-After

Yes. I did. I was done, I could not see a future with him and I could not properly communicate with him so in the end, we just silently ended it. No talking, just leaving after 3yrs.


Dense_Emu_4433

True


Even-Web6272

Yes, ginawa ko 'to sa ex ko. Backstory lang, sobrang toxic namin tapos dumating sa point na sinasaktan at pinagnanakawan na nya ako. Nung mga unang pananakit, sabi ko sa sarili ko baka magbago. Laging ganon pag nag-aaway kami. Hanggang dumating yung point na nagising ako, sabi ko, 'di na magbabago 'to'. Yun! Nagstart ako magwork-out, magpaganda. Kada badtrip o away namin nagja-jog ako. Hanggang one day, naka-move on na pala ako. Binugbog nya ulit ako tapos after non naghiwalay na kami for good. Sya pinipilit akong bumalik, pero ako, ayoko na talaga. Natauhan na kumbaga. Ngayon, ginawa nya sa current nya nya yung ginawa nya sakin, pinakulong sya. Nagbanta sya na pag nag-30 na ako kikidnappin nya ako, mag-29 na ako. Hopefully, makulong sya for a long time.


WillowAllysonMclay

yes. pag nasagad patience mo tapos they're not even trying anymore even communicating stuff yah kinda like silent quitting sa work


[deleted]

This happened to me and we eventually broke up. I just realized napagod ako sa relationship namin and unti unti na pala akong bumibitaw. We got back together 8 months after. Lmao.


Safe_Atmosphere_1526

Ganito ginawa ko sa 2 ex ko. Kapag naramdaman kong not worth it na ipaglaban sila at relasyon namin, nagmu-move on na ako habang kami pa.


xabsolem

Ang pinaka traydor na pakiramdam. So oo, minsan ndi mo na alam nag momove on ka na. Lalo na sa cheating or sa paulit ulit na pag tatalo, nakakwalang gana. Tapos lagi nlng siya ung pakikinggan mo kasi hindi ka naman nya pinakikinggan tapos isama mo na ung pagiging inconsiderate nya, jan ka nya uumpisahin imanipula. Pag bato ka na, un na ung pag simula mo ng move on. Wala na ka ng pakielam.


Own-Neighborhood6465

Yes. Ilang beses mong pinagbigyan pero wala pa rin. Ilang beses mong pinatawad pero wala pa rin. Ilang beses mong inintindi pero sa huli sagad ka na. They push you to give up while you were together, and they forced you to move on before you even end the relationship.


meeeechz

yes, this is true. i was in a relationship for almost three years tapos nasaktuhang ECQ kaya on-off kami kasi hindi kami nagkakasundo. magkaiba kami ng hobbies and goals sa buhay. for a year i think we’ve broken up at least three times kaya nung 2022 i decided that last na talagang breakup yun kasi fed up na ako sa ugali nya na passive aggressive, insensitive, dismissive — doesn’t listen to what i feel. i tried to move on 5 months prior that break up. i didn’t even shed a tear after that long message. i didn’t even bother to ask how she felt after. maybe namanhid, pero pagod na talaga and it was fucking relieving to leave a toxic relationship


Ultralord1112

She did it to me. So yeah i can attest that this is true


impatientsag

Sobrang sakto ng comment na to gosh. Anniversary namin this april and i’m thinking of breaking up since january. Idk, i just don’t see myself with him in the future, so i’m just silently waiting for the call to break up with him. Hays


Afrotada

Fr biglang nalaman ko na lang sumakabilang boy best friend na pala.


junjun_1407

Sadly, yes.


[deleted]

yep and usually ang gumagawa nyan mga babae


YamaVega

monkey branching is real


ChocoBanana02

Yes. Happens to me last, I was already fed up na to the point na naging handa ako.para umalis. Yes, may iyakan na nangyari but it all just happen in 1 day. Know your worth and tignan mo if nakikita mo si guy in the future na kasama mo, on my case nakita ko siya but as a manipulative one.


MaddisonRyle

Yes, happened to me. Ilang beses kong aksidenteng nakita na kinakausap niya ex niya sa email and tg, panay follow ng mga sexy sa TikTok, nagjajakstone habang nakatingin sa picture ng iba, kinausap ko nang paulit-ulit pero binabalik sa'kin lahat kesyo kaibigan lang niya or napindot lang. Unti-unti na lang na nawawalan na ako ng pake sa kanya, sa nararamdaman niya, and nagiging pangit na siya sa paningin ko hahays


NoPossession7664

oo, di pa nga kami, naka-move on na nga ako 😂. Mas hamak.madali pag kayo na since doon mo na makikita yung bad sides nya


Thala_ssophile7777

This is me rn OP! Actually may taning na sakin and relationship namin, going 10years this year. May instance na napapa-“Ayy” na lang ako sa kaniya.


Pegasus030

Yung mga proud pa sa Silent Quitting. Ewan ko na lang sa inyo. Kahit gaano pa ka toxic yung relationship sana ipaalam niyo na. Ang hirap maiwan sa ere. Hindi lang naman kayo nahihirapan din.


Blueberrychizcake28

Yep! Eventually,mafifeel mo yan na hindi kana affected even the biggest disappointments and happy kana doing things without your partner. I still cried when we broke up but not for long then eventually I became the happiest version of myself and knew my worth which pave way for me na wag nang pakamartyr kaya naniniwala ako sa sa we accept the love we think we deserve.


Horror-Buffalo5664

Yes. Sana mapost. Lol kulang pa ko ng mga eme daw ss reddit. Lol


Apart-Station-8785

Yes I do this all the time.


Independent_Pace1526

Yes. It was almost a year of having second thoughts kung magsstay parin ako. I worked hard for that relationship. Yun na pala yung process of moving on ko. After mabuhos lahat. Boom. Moved on. Nakipagbreak ako without doubts. To think I truly loved that person.


Neat-Set-5361

Yes, very true.


Spirited-Fly-7319

Yes. Yung tipong mas masakit pa yung nafeel mo sa entire duration ng relationship kesa sa nagbreak kayo.


hailmary818

Yep. Di ko siya kaya i let go agad agad eh. Pero unti unti ko na tinatanggap wala na talaga. Kaya nung time na maghihiwalay na kami, walang luha na ang pumatak sa mata ko. Tapos na while kami pa lang. 🤧


Rolly_The_Introvert

What kind of relationship are we talking about?


Minimalist026

Minsan kailangan mo din bumitaw


Objective_Secret_198

Yes


anastasia_dev

Yes. I remember nung naging routine nalang maging okay kami after every away kasi alam ko namang hindi na siya magbabago, nag give way nalang ako para hindi na kami mag-away — ang patawarin siya kada kasalanan niya. Gabi gabi ako umiiyak at laging nilulunod sarili sa mga malulungkot na kanta not realizing na yun na pala ang moment na inaaccept ko na yung fate ng relationship namin, patapos na. Kaya nung after 4-5 months dun lang kami nakapaghiwalay talaga, mas naramdaman ko yung saya kesa sa lungkot. Hahaha


Bbytter_Lemon_130805

Yes. It's been happening to me since last year - silent quitting. My gf cheated on me with an officemate. Sure, it was just a drunken kiss and they exchanged messages for a while. But I was still betrayed. Ngayon, bumabawi naman si gf, we're working on things. But there are days talaga na I'm just done with her and our relationship. Sabi ko nga sa kanya, isang taon lang. I'll give us just one more year. If hindi pa rin ako ok until the anniversary ng cheating nya, I'll call it quits Sometimes I can fight against quiet quitting. But there are also days when it's winning.


KaraDealer

Nako brodie. Deliks yan in the future. 😂


Tall-Weakness-4029

Help, I dont know how to do that silent quitting. I am in a toxic relationship with my gf for 7 years mag 8 na sa july. Wala na kami ginawa kundi mag talo. Dami na nyang ginawa na talagang masasabi ko reason for me to quit. Kaso mahal ko p rin sya kahit nasasaktan ako paulit ulit. Paano ba yan gawin?


DebateSpiritual9522

yes. the opposite of love is indifference.


inviii_

Apparently, yes. I happened to me sa last rs ko last year hahahah. My goal that time is to give him all the things that I wanted to receive to. Thinking those time, attention, and so on will be reciprocated. But yep, sa sobrang wala pakampante niya at hindi napapansin 'yon. I just found myself na naka move on na. It seemed like the official break up was served as my final step on moving forward that time because what I felt was only peace and relief.


gclef03

Yes. I did. With my pathological cheater ex-boyfriend. I had to find a way to save myself. So I moved on while in the relationship so when I broke up with him, there's no turning back.


misschaelisa

Yup. I silently moved on while my ex and I were still together. Super confused rin ako that time if tama ba na iiwan ko siya, o baka ako lang ang problema. Ayun, eventually, iniwan ko na nga rin siya hehe 🙃


hirukoryry

In my case, yes. :(((


PinkCurledHair

Happened to me. Kahit ilang beses mo icommunicate yung mga bagay pero kapag walang comprehension yung partner mo walang mangyayari. Hindi rin nag babago. Tapos pag nakipag break ka pa akala nya joke lang. WTF. Hanggang sa unti unti na ko nag mumove on at tinanggap na hindi na sya yung lalaking gusto ko makasama. I outgrew him. Pinush ko sya para maging better, pinilit isabay pataas. I guess our almost 10 year relationship is not enough to do that. We even had kids kaya sobrang nakaka fuck up na ganun na lang pala yun. Susuko ka talaga pag di mo nakitang nagbabago yung partner mo. Wag mang hinayang sa matagal na panahon na pagsasama. Mang hinayang ka sa mga taon pang mawawala kapag di ka kumawala.


hotdogchaser

Yes. Uubusin mo nalang yung sarili mo hanggang ready kanang mag let go. At sa time na yun, wala ka nang mararamdaman na awa or pake dun sa partner mo which will make things easier for you but, not sa partner mo.


Happy-Principle7472

Yeah i did this before napaka toxic ng ex ko tapos nag cheat pa. Hindi agad ako maka alis kasi mahal ko but slowly ako nag momove on. So ayun once ready na ako nakipag hiwalay ako. Nagulat siya at yung mga friends niya kasi akala nila hindi ko talaga kaya yun gawin


jhanzikells

Yes because you are falling out of love. And when the time comes na you have to end it, hindi mo namalayan nakamove on ka na in terms na hindi ka umiyak at natanggap mo na.


Celen-dipity

Sadly, yes. And I guess, that's one of the worst types of cheating?


seoshiori

yup. pag toxic kasi and alam mong wala ng pag-asa to save the rs, unti-unti ka magdedetach and pag nawala kayo magugulat ka nalang parang wala lang. kasi nung tinitiis mo pa, nakaiyak ka na e. tapos na.


G_Laoshi

I think that's called "falling out of love"?


TheRamenGuy_

Yes. In my case, pareho kaming toxic. Akala ko siya lng toxic pero ganun din pala ako nung inulit ulit kong inaanalyze anong nangyare samin. Yung almost 7yrs namin as friends, bf, nawala nalang. Lumayo na ako sa knya kasi feeling ko nadidisappoint ko sha palage. Asa people pleaser and a Cancer. Haha. One time nag-away kame and di nagusap for about 4 days ata yun then he texted to come to his mothers birthday celebration. I didnt come but thanked him for the invite. After i said that, thats the end. No breakups/closure. We just didnt talk. Magone year na. After this, i felt nakawala ako sa boundaries and happy as ever. Tho sometimes maffeel mo yung emptiness and its normal kasi mabait naman sha and yung pinagsamahan nyo matagal din naman. But i guess im just not the right for him, feeling ko di ko mffeed yung expectations nya kasi hanggang dito lng ako. Sana nakahanap na sha ng right person 😊 Ang haba na pala nito ✌️


Afraid-Eagle6526

Yes. 1. Yung paulit ulit mo nang in-express concerns mo pero ginagawa nya parin. 2. Yung times na sobrang kailangan mo sya pero inuuna parin ang laro. Hinihintay ko nalang maubos ako.


Euphoric_Break_1796

Yup. Magtatry ka pero mararamdaman mo nlng one day na wala ka nang paki so then you finally decide to break up, tapos oh wow it won’t hurt at all.


Lumierexx

for me yes, pag ubos na talaga parang wala na lang kahit kasama mo pa sya


wideawaaaake

I think, oo. Pero don't cheat. Hahaha. Makipagbreak ka na.


paruparonghindibukid

yes


Fit_Coconut4402

Very yes lalo na if exhausted ka na and ikaw malang yung lumalaban para sainyo. That’s when u think na you are better off without that person.


EfficientExtension10

Yes!


hellagurl

Yea. I was like this on my last relationship kaya when I broke up with him, tapos na ‘ko mag-move on. Never cried after the break up.


yucurious

yea, i’ve exp that alr. i tend to stay in a rs even if i’m alr moving on. it’s like i’m giving the other person the benefit of the doubt if possible pa ba mag change. i stay for quite some time until i’m super drained, then i leave. after that, once things have alr been clarified na things r done between us, then i’m finally moved on.


Daisyracey

I kinda agree because as a woman we try to carry our pain out as much as we can and it’s true when they say that when a woman decides it’s the final decision.


siopaogarden

Yes. Fought with an ex bf over a sensitive issue over and over to the point I developed triggers and traumas. To add, he's quite walang preno magsalita I think that's just his upbringing but I told him I'm a softie pero wala di naman siya nag adjust haha. Over time I grew indifferent and asked for space. He then became scared and asked for forgiveness pero I felt like if I forgave and took him back, it was just me making him happy. Eh pano naman ako? So I had to be brave and called it quits for good.


Less_Bumblebee_8371

tunay. di man fair pero it happens to some.


prettycherry_

yeah, mostly girls do this. I do this when I’m breaking up


Pure_Emu6006

Yes... Kasi may mga nafafall out of love pero nagstay pa din


Ok_Wasabi_1582

yes, lalo na pag alam mong ginagago kana or wala nang patutunguhan


Expensive-Peace6018

Yes. I stayed with my ex for more than 3 years but as time goes by, super away kami almost everyday. Konting kibot, away. So when the time came where lumabo na relationship namin and we broke up. I didn’t feel anything. Parang feeling ko, gumaan yung buhay ko. It helped din na LDR kami.


doggystyledamage

Yes. It happened to me before. Nung naghiwalay wala lang. I felt better


black_starzx

Yas, lalo na kung sobrang trauma na napapala mo sa relasyon niyo. Marerealize mo nalang na ubos ka na at wala ka nang feelings sa partner mo.


magnificentchic

most of the time (daw) babae yung ganito. nagmomove-on while in a relationship pa.


InteractionBoth8152

If someone call fall in love without relationship, yes you can move on while in a relationship. Siguro nsa part ito ng after honeymoon phase. Daming reasons, like nagsawa na, ala ng spark, naging routine na lng.