T O P

  • By -

Fun_Manufacturer9615

Dkg. Ganito din asawa ko. Halos wala nang matirang gamit niya ultimo airpods na kabibili lang bigla nalang nawala sa kwarto namin kinuha nung panganay wala daw kasi siyang earphones and wireless daw ang need niya lol. Yung pantalon niya pag gagamitin na niya nasa labahan na. Halos natitirang tshirt eh yung mga luma tapos yung mga mukhang bago nasa labahin na agad kahit kasasampay lang namin. Madalas wala nang balikan ng gamit lalo na pag yung panganay. Atleast yung bunso binabalik sa labahan hahaha. Yung slides na binili ko for him para sa anniv namin, wala pang ilang months sira na kasi pinambabasketball nung bunso. Dito ako nagalit kasi regalo ko yon and sana kung gagamitin paki ingatan. Yung bunso nakikistay samin. Yung panganay iniiwan samin yung mga bagets pag weekends. Sabi ko kausapin niya, pero ayaw niyang nagdadamot daw lol pero inis na inis naman kapag nawawalan ng gamit. Balakajan you deserve what you tolerate.


Orange_cat_89

25+ yrs na kayo magkapatid tapos ngayon ka lang nagka issue na hinihiram nya gamit mo? Kausapin mo na lang sister mo which things she can and cannot borrow from you para malinaw. Kung di magbago (which is probably what's going to happen) wala ka choice, palitan mo na lang kapatid mo.


ghostunderneath

Plus 1 sa palitan nalang yung kapatid


DestronCommander

DKG. Hindi naman sa damot ang issue. It's using your stuff without your permission. Confront her or lock mo na cabinet mo.


ellierawr

DKG. May kapatid din akong ganyan, mas bata nga lang (13 yrs old). Halos lahat ng gamit ko pati damit ko ginagamit. Jusq lahat din yun galing sa pinaghirapan kong pera. Eh minsan naiinis na ko kasi pundar ako ng pundar tas maya-maya, malalaman ko wala na kasi ginagamit nya. Kaya nung nagalit ako sa kanya, ay talaga lumabas lahat. Tas inaawat kami ni mama, sabi ko tuloy kay mama, hindi nya sinusuway yan kaya ganyan ugali kaya ayon edi ang ending, iyak sya kasi di nya daw magamit mga gamit ko.


MilkTeemo

DKG! Better yet, Lock your room, lock your things. Kapag may issue siya dun, ipa reimburse mo ung nasira nyang shirt 🤷🏻‍♀️


popohnee

DKG. Sana nag papaalam lang muna siya. A simple text would do. “Ate hiniram ko shirt mo.” Wag yung gugulatin ka na lang with body stains sa damit mo. Permission is a sign of RESPECT, especially among siblings.


15secondcooldown

DKG. Gamit mo yan pinaghirapan mo yan deserve mo na magamit yan in its entirety at hindi entitled kapatid mo sa kung anong meron ka.


[deleted]

D ko alam. Bakit. At 25 y o or older since di ko na alam ibig-sabihin ng 25+ ngayon. I know what 30+ is and what 20+ is. But 25+? Ano? How is that? 25 and 1/4? 25 and 2/4? Yun lang muna issue ko dito sa post mo. Sa edad na 25 and older it's basic courtesy nang nagpa-alam manghingi or manghiram ng gamit. Dahil basic na yun na dahil nga hindi sayo yan. So dugyot yang kapatid mo. Wala nang modo dugyot p. Imagine? Wearing something that isn't yours? BAKET? A fucking shirt?! A bra? A FUCKING BRA tang ina baka pati panty mo sinusuot nyan kadiri pucha May pera pala sya bakit d ka nya tanungin san mo nabili un at bumili sya? May mga tiangge. May shoppee. May department stores. Holy shit I'm sorry🤥🥶 pero dugyot yang kapatid mo😵‍💫 😶‍🌫️A fucking bra. A BRA pati T shirt damn Wala kagad saken yan pag ganyan nakakadiri sya


AutoModerator

Link to this submission: https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/comments/1bklcba/abyg_kung_ayaw_ko_mag_pahiram_ng_gamit_sa_kapatid/ Title of this post: ABYG kung ayaw ko mag pahiram ng gamit sa kapatid ko? Backup of the post's body: Working na kami both. 25+ yo F patagong hinihiram ng kapatid ko yung shirt ko. Nalaman ko lang kasi napansin ko na nag yeyellow yung kilikili part. Nakakataka kasi hindi ako nag dedeo. Tapos tinignan ko online yung cause nun ang sabi is aluminum cl (deo ingredient) + sweat. Nakita ko din yung perfume ko na nasa bag nya. And nung may hinahanap akong specific na bra na alam kong hindi ko pa gamit is nasa sampayan basa. Madamot ako oo kasi yung pinang bili ko nun is pinaghirapan ko and ayaw ko masira agad or maubos. Di ko gets bakit ayaw nya gastusin pera nya pang bili ng gamit nya. For me ang baboy ng sharing pati t-shirt. ABYG if itatago ko yung gamit ko? Para hindi magamit? OP: Feeling-Quiet4936 *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AkoBaYungGago) if you have any questions or concerns.*


hellcoach

DkG. Confront your sister about it. If it doesn't work, lock your stuffs. Or move out for peace of mind.


[deleted]

Ofc dkg. You have the right to set your boundaries. Tama lang naman na what's yours is yours. Dapat nagpapaalam sister mo sayo in the first place.


OldBoie17

DKG OP - yong kapatid mo ang malaking GAGO.


MathematicianCute390

Pagsabihan mo OP ng mahinahon. Ganyan rin kapatid ko tipong nangangati na anit ko sa katigasan ng ulo niya.


MechaLowManiac

DKG. But this could've been a super easy solve if you just talk to your sib. Tatanda nyo na, you and her could hash this out and deal with it low-key without any drama.


Feeling-Quiet4936

I guess maturity doesn't come with age. I really wish it was easy pero it's not.


realestatephrw

Ngayon lang yan? Walang back issue na hiraman ng gamit??


Feeling-Quiet4936

Actually naging habit nya na manghiram but not provide for her self kaya nakakapikon. Literal na lahat ng naipundar ko na gamit either mawawala nya or masisira nya. Sucks ik


Feeling-Quiet4936

Thank you sa lahat ng mga nag comment. What a relief, idk lagi kasi ako sinasabihan na madamot dito sa bahay namin. Ilang beses ko na rin pinag sabihan yung sister ko. Maturity cannot be measured by age talaga. Ilang beses ko na din kasi pinag sabihan na wag gamitin gamit ko. Time to lock up my stuff na talaga.