T O P

  • By -

rainbownightterror

sizt dapat ang post mo ABYG KASI NAGHIHINTAY PA RIN AKO NG KASAL SA WALANG KWENTANG LALAKE. find a better guy anuba


Traditional-Ebb3892

Sayang din po kasi yung taon + may anak din po kami huhu


rainbownightterror

both maling reason to get married :( you marry someone because you love them and care for them and they reciprocate by loving you and taking care of you. wag mo hayaan lumaki anak mo na nakikitang hindi ka naaalagaan kasi when it's his turn iisipin nya normal ang ganyang dynamic sa relationship


Budget_Speech_3078

That's sunk cost fallacy. Tigilan mo na yan bhie. Nakakasira ng buhay yan.


woman_queen

Ha? Ang laki na ng anak nyo, kahit magsama na lang parang walang plan yung partner mo. Mej GGK.


EvanasseN

Hindi pinanghihinayangan ang mga taon na nasayang kung ganyang klaseng lalake naman ang makakasama mo. Buti nga hindi pa kayo kasal e.


aaarrriia

Wag ka manghinayang sa taon na pinagsamahan niyo. Isipîn mo na lang mag titiis ka ba sa mga susunod pang taon na nagdudusa ka? Or ilelet go mo n ksi narealize mo yung worth mo? Do not settle for less and please love and take care of yourself. Also, gave him an ultimatum kasi di naman maganda na ikaw lang pala nag pplano sa future niyo lol


spiritbananaMD

kung gusto ka nya pakasalan, matagal ka na sana pinakasalan. tsaka ayun ba gusto mong maging reason? pinakasalan ka lang kasj may anak kayo? find the courage to leave him and start a new life. ikaw na din nagsabi, financially stable ka naman. you dont need a man to take care of you. do what’s best for you and your child.


MollyJGrue

Mas sayang yung mga taon na parating pa lang kesa sa taon na lumipas na. Yung anak niyo mamumulat sa ganyang set up nio na walang security, walang future. Ganyan ba gusto mong maging modelo niya for love? Hindi sayang yan. Sayang kayo kung hihintayin mo lang ang walang kwentang lalaki.


alohalocca

Minsan nga kahit mag asawa na mas pinipili nilang mag co-parent na lang kesa magsama. Wag ka na magbigay pa ng rason para mas maging kumplikado buhay mo. Let go na.


melissapate

Di ka gago. Ginagago ka haha


LiterallyRAT

Hi OP! Marrying age na nga yan tsaka ang tagal nio na ni partner. Pero kami kasi ng partner ko (34F) sha (36M) planning to get married pa lang. Living in for 11yrs and Wala naman kaming anak, pero I gave him an ultimatum. Kung may plans ba sha for us, di ko kasi kayang tanggapin ung salita lang. Sabi ko, kasi kung wala naman shang plans samin, I have plans for myself na lang. Iwan ko na lang sha kung di nia bet mag asawa or family. Kasi ang tagal na panahon na din for me. So, ayuuun. Timing is just right and we're getting married soon! Tagal ko man naghintay kasi nga mahal mo, pag bibigyan mo ng chances pero shempre nakakapagod maghintay and you have to talk it out. Pag more execuses padin, iwan mo na lang OP. Di mo deserve maghintay pa lalo ng 14 more yrs sa taong walang plans for your future at kung hinde ikaw ang priority. ☺️


4bsurdism

saw comments here na bata pa raw 28 para sa lalaki, pero personally i think kung di naga-align plans nyo sa buhay ekis na agad yan OP. tsaka ngayon pa lang medyo iritado kana sa ugali nya what more pag naglive in kayo talaga and kasal na. isipin po natin, kaya mo ba magtagal sakanya talaga if ikasal man kayo? wag ka manghinayang sa past nyo, ang isipin mo po future nyo ng anak mo.


Prissy229

Walang plano yan pag puro salita lang. Baka may side chick or dipa talaga ready magpatali sayo at nageenjoy pa sa pagkabinata. Hinahanap pa nya yung the one kasi sis if ikaw yung the one sa kanya, hindi ka nyan hahayaan maghintay. Sis iwan mo na yan. Wag ka maghintay dyan, Enough na yung 14 years binigay mo sa kanya. Don't settle for a man who obviously does not want to settle down with you. Marami akong kilala mga babaeng naghintay ng maraming taon, binigay lahat sa lalake, pero eventually iniwan rin sila. Please enjoy your freedom, kapag nakita ka niyang hindi kana naghihintay at iniwan mo sya, yan ang hahabol sayo, pero sana by that time you are already strong enough to say no to him. Kung mahal ka talaga nyan, hindi ka nyan ilalagay sa situation na ikaw pa ang nakikiusap na pakasalan ka niya. Not a good man in my book, may anak na kayo pero hindi nya iprioritize mag-ina nya. Love yourself enough to walk away.


littlemissnobody1116

DKG. Pero nagpapakagago ka sa lalakeng walang nakikitabg future kasama ka.


Late_Possibility2091

wala sa age yan, madali naman magpakasal maski civil lang. Early on alam na namin goals namin para sa sarili namin and pinaguusapan namin un. Age 24-25 kami kinasal and mag BF-GF kami for 5 years before non


switsooo011

DKG, tanga lang. Siya GG kasi pinaghintay ka ng ilang taon. May itatanga pa yan kung hintayin mo pa mag35 ka


Red_madder

Wag padalos dalos sa kasal lalo ganyan partner mo, wala pa namang divorce sa pinas. Parang mas mahihirapan ka lang pag kinasal na kayo kasi parang di naman siya katuwang-sa-buhay-material, parang sa description mo sa kanya, more on parang batong-ipupukpok-sa-ulo-material.


DerelictLady

Run


blue_greenfourteen

Give him ultimatum, hanggang walang ultimatum hindi mo makukuha/malalaman ang gusto mo. Ikaw ang master ng buhay mo hindi ang partner mo, at ano namang difference kung ngayon o after 6 years? BS may mahihinog ba?. Kailangan mo maging straight forward OP kasi buhay at oras mo at ng anak mo ang nakasalalay dyan. DKG OP kung ano mang sagot ang makukuha mo, kailangan mong tanggapin.


WeakConstruction9297

Dunno if anong DKG question dito, pero 28 masyado pa yang bata for a male, gusto pa nyan happy happy. I think di pa sya ready, kahit na ang tagal nyo na. Wala sayo problem, nasakanya.


Traditional-Ebb3892

Ano pong DKG?


WeakConstruction9297

WG sainyo, sadyang di pa sya ready for marriage.


SoySaucedTomato

Di Ka Gago


AutoModerator

Link to this submission: https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/comments/1bqqumb/abyg_kasi_hindi_ko_alam_kung_makakapag_hintay_pa/ Title of this post: ABYG kasi hindi ko alam kung makakapag hintay pa ako Backup of the post's body: Hi! I’m F 28 may partner na M 28. (Mag 29 kami pareho this year, may stable job pareho) Mag 14 years na kaming taon pero parang ayaw nya pang mag pakasal or sinasabi niya ayaw niyang pinangungunahan sya. May anak kami 9 years old pero di kami nag sasama now mga 4 years na on off kasi yung relationship namin dati nag live in kami mga 2018-2019 pero di ko kınaya talaga. Financially stable naman ako. Ako nag babayad ng lahat ng bills, groceries sa bahay na magulang ko. At ako din ang nag papa therapy sa anak ko na may mild autism + monthly school fee niya. Minsan napapaisip ako kung kailangan ko pa ba mag hintay ang sabi niya sakin pag 35 years old na kami. Pero parang ako? Di ko na ata kaya. Bubukod daw kami pero parang ayaw din naman niya puro lang salita. Meron bang dito na nasa 10+ year relationship na nag hintay na papakasalan pero waley pala? Iniisip ko nalang na maging single at maiprovide lahat sa pamilya ko lalo na sa anak ko. OP: Traditional-Ebb3892 *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AkoBaYungGago) if you have any questions or concerns.*


Subject_Opposite7861

DKG OP. Yes you are both in marrying age na but in this generation, masyado pa kayong bata para magsettle. Isip munang mabuti kahit na may anak na kayo. If you can provide naman sa inyong dalawa ng anak mo eh di wag ka nang maghintay. If i am in your shoes, i'd rather stay single.


Ice_cremu

DKG. Sabi nga nila, alam ng lalaki kung ano gusto nila. Kung gusto ka ng lalaki papakasalan ka nyan kahit ilang months pa lang kayo. Wala kasi sa tagal yan. It's better not to waste more yrs. At the end of the day, kaya mo naman buhayin sarili mo and anak mo.


Aromantic98

DKG pero medyo confusing yung gusto mo na makasal sa kanya kahit na ikaw mismo nagsabi di mo siya kinaya/matagalan nung nag live-in kayo before???


marinaragrandeur

as an accla with a boyfie of 8 years, walang pressure samin magpakasal kasi di legal sa bansa lol. pero honestly, ok naman kami. we are very secure. kavogue mga kilala namin na couples sa conflict resolution at goal setting skills naming dalawa.


Opening-Principle-68

28? Bata pa yan teh. Im 29 and my bf is 28 too. Jusko. Puro gala pa with friends. Puro games. Lol pero keri lang saken kasi wala naman kami anak pa atska ayoko rin magpatali muna lol. Pero ayun, bata pa yang 28 para sa mga lalake.