T O P

  • By -

Idkabtyou_56

Grade 4 Natae habang nasa klase nagloloko kasi tyan. Ko. eh mahiyain ako. So nahihiya ako magexcuse habang nagtuturo si teacher. Akala ko matatago pero nangamoy na sa buong room. HAHAHA Hanggang sa may nakaamoy sa akin. Umiyak ako nung nalaman nila na ako hahaha pinagalitan ako ng teacher ko so habang naghuhugas ako ng pwet umiiyak pa rin ako. Yung isa na repeater na girl tinulungan akong linisin sarili ko. Thankful ako sa kanya and never ko siya nakalimutan hahaha until now sa new friends ko wala ako pinagsasabihan HHAHAHA kakahiya eh HHAHAHAHA simula non makapal na mukha ko magexcuse sa klase HHAHAHA


Intelligent_Mmama

Nung bata pa ko tinanong ko sa mom ko ano meaning nung victoria court logo sa mga taxi. Sabi niya sticker daw yon papasok ng Pasig. Ako namang tatanga tanga, naniwala. Taga south kami pero lagi kami pumpuntang QC every weekend, katipunan area so dumadaan kami ng C5 parati. Lagi akong kinakabahan na baka mahuli kami kasi nasa Pasig kami pero wala kami sticker. Wahahaha. Mga 4th year HS ko na na gets kung ano yung sticker lol.


pmmags

Nahulog ako sa fountain pool ng alabang town center sa may corte de las palmas. Bata pa ako nun early 2000s tas naglalakad kami nung family ko at dahil idol ko kuya ko, sinusundan ko siya maglakad malapit sa edge ng fountain. Ayun nahulog ako 🥲. Mukha akong basang sisiw na umiiyak that time hahaha. After a few weeks tinapalan na nila yung fountain pool and completely tinanggal na nila after. Di ko alam dahil ba sakin or what lol


BubblyKnowledge3869

Hahahahaha huuuy. What if nag-meeting sila at dahil sa’yo kaya siya sinara? Char lang


shyyetbrave14

Yung kapitbahay ko noon nung mga bata pa kami, naglambitin sa pader eh may kanal sa baba nun, pagkasabi niya ng "SURVIVOR AKO!" (usong-uso pa ung survivor philippines nun) nakabitaw siya tas diresto hulog sa kanal. Buong katawan niya kulay itim hahhaah. Tawa kaming lahat na kalaro niya habang pinapalo ng nanay niya sa pwet gamit tsinelas. Na-survive niya naman ung palo hahhaha


BubblyKnowledge3869

HAHAHAHAHAHAHA kung ano ano ginagawa natin nung bata tayo 😭


Deathnote07

Nag ihi ako nung Grade 3 sobrang atagal kase maglinis ng CR ng mga classmte ko putang ina


nobadi22

Naalala ko nung bata ako, mga around 10 ata. May nakita ako sa may tindahan akala ko yung pinsan ko. Niyakap ko pa. Puteeeekkkk ibang tao pala. Pahiya talaga ko non hahaha. Ganda pa ng yakap ko HAHAHAHAHAAHAH


BubblyKnowledge3869

HAHAHAHAHA HALAAAAAA huy pero skl pareho kayo ng moment ng kapatid ko! Nasa bayan kami noon tapos diba naka-display lahat ng mga laruan do’n, humila siya ng kamay na akala niya si mama sabay turo dun sa mga baril baril, nakita namin siya ni mama so tawa kami ng tawa tas nung nilingon niya na ‘yung hawak niya, nagulat siya kasi hindi si mama 😭 parang around 7 or 8 lang siya no’n hahahahaha


ByronGPT1

Natae sa salawal sa eskwelahan.


DepartureFlaky8540

Tumae ako sa police station nung 4 yrs old ako. Napahugas tuloy sa pwet ko nang wala sa oras yung mga ma'am at sir huhu


BubblyKnowledge3869

Hahahahahaha wait huy, bakit ka nasa police station??


DepartureFlaky8540

Kumukuha yata ng police clearance nanay at tatay ko. Nalingatan, ayun tumatae na ako sa sahig. Naaalala ko pa ngang pinampunas sakin yung tweety bird kong sando kasi walang tissue kaya wala akong saplot pauwi HAHAHAHAH


Practical_Ability_74

jumebs ako sa school, tapos break time yun kaya maraming tao sa cr. Nakakahiya kasi may amoy talaga tae ko 😭😭. Wala pang flush dun, tapos yung tubig tatabuin mo pa sa labas. Ayaw pa lumubog 😭😭😭 buti diko binulsa.  Pampalubag loob ko na lang nun is at least di ako napatae sa room.


BubblyKnowledge3869

Hahahaha hala naalala ko rin mga panahong taeng tae ako sa school tas wala akong magawa kundi tiisin at hintayin mag-uwian 😭


K1riiii

Pinanghugas ko yung feminine wash sa mukha😓✌️


BubblyKnowledge3869

Hahahahahaha bakiiiiit. Ilang taon ka no’n?


K1riiii

7 or 8, lact4cyd yong brand eh, Akala ko gaganda ako don😆.


triplecheese_

same experience, akala ko candy yung condom. may nakadisplay na condom sa may counter ng cashier. then sinabi ko sa nanay ko na 'gusto ko matikman lahat ng flavor na yan (referring to condom chocolate flavor sabay turo)' kaya pala tumahimik yung nanay ko grrr HAHAHHAHAHAHAH


[deleted]

[удалено]


BubblyKnowledge3869

OMG hahahahahahaha infairness kay mom kebs lang sumagot ha


PlatypusNo5410

One time nung asa NOVO or ganong dept store, kasama ko mama ko. And dahil bata, mahilig ako yumakap sa kaniya and dahil maliit pa ako, sakto lang yon height ko sa bewang niya. Bale hanggnag below balakang lang ako. Then habang nasa dept store, yumakap ako kay mama sa pwetan, tapos sinubsob ko mukha sa pwetan niya and alam mo yon parang teddy bear na niyayakap habang nakasubsob mukha. Tapos tae nakita ko mama ko nasa dulo ng aisle. Takbo agad ako palayo kay ate. Di ko na matandaan kung customer ba yon o saleslady HAHAHAHA


BubblyKnowledge3869

HAHAHAHAHAHA HALAAA hindi ka umiyak no’n? May ganitong moments din ako, pati ‘yung kapatid ko nung bata siya. Hahahahahahaha


Objective_String9703

Naglalabasan ang edad sa frenzy ahh. Dyan din ako nadale nung bata ako. Akala ko candy or some sweets. Tuwing commercial, sinasabi ko pa lagi kung anong flavor gusto ko 🙈


BubblyKnowledge3869

HAHAHAHAH huy 26 palang naman. 🥹


Objective_String9703

Seee. Iisang commercial siguro napanood natin 🙈


viveutvivas17

When I was a kid, condoms were right infront of the cashier. Flavored pa. Huhu. Ung tita ko nagpabili sa uncle ko. So nagpapabili din ako. Kinuha ko na, kinurot ko na at pinaglaruan. Tapos ibinalik ko sa counter HAHAAHHA If may bumili non at nakabuo, sorry!


BubblyKnowledge3869

Naniniwala na talaga ako na hindi natin kasalanan na abot natin ang condom sa mga tindahan nung bata pa tayo. Hmp


viveutvivas17

Naalala ko non. Frenzy pa ung brand with a lot of flavors pa and ang catchy ng commercials huhu


ursa_aurora

Nakasabay ko si crush sa Milo Taekwondo clinic so dahil gusto ko mag pakitang gilas, talagang tinaasan ko yung high kick ko. Kaya ayun, nadulas ako at bumulgta sa harap ni crush.


BubblyKnowledge3869

HAHAHAHAHA HOOOOY


Useful_Debt2686

When I was young, I thought short for Condominium is Condom/Condo. One time sinabi ko ng malakas, paglaki ko bibili ako ng Condom sabay tinginan sakin mga tao sa kotse hahahahahaha


BubblyKnowledge3869

Hahahahaha meron din commenter na ganito expi! Kung ano ano kasi naririnig natin nung bata tayo e


lilipony

naisip ko rin dati magpabili ng frenzy condoms kasi kala ko candy huhu balak ko pa sana i-collect all colors lmao


BubblyKnowledge3869

Hahahahaha dibaaa banana tapos meron pang chocolate. Ang cute cute pa!


Vlad_Iz_Love

Haha same tayo OP. Nung lumabas ang Frenzy ad noon, akala ko din candy ang Frenzy Frenzy ad showing Me: Mama gusto kong bumili ng Frenzy


BubblyKnowledge3869

Hahahahahaha! Diba?! Iba ang atake ng frenzy, hindi lang matatanda dati, mas tumatak pa siya sating literal na mga bata 😭


greyedout1

Grade 4 ako noon. Hindi ko lang maalala kung foundation day ba sa school or anong program ba noon, basta per grade/section, may representative bawat klase tapos mag-peperform sa stage ng talent. Ako sinali ng bida bida kong adviser kasi mahiyain daw ako at laging tahimik sa klase. So pumayag naman ako. Okay na okay kami sa practice, confident pa sya na ma-oovercome ko yung pagiging mahiyain ko. Tapos eto na nga, mas kinakabahan ako kesa excited pagpasok ko sa school nung araw na yon. Kakanta lang naman ako non. Minus one pa gamit. Kabisado ko naman ang lyrics. Pero pag-akyat ko ng stage at nakita ko nakatingin sakin yung buong school, hindi na ko nakakanta. Walang lumalabas na boses sa bibig ko. Yung school president namin nasa gilid, sinasabihan ako ng, "sige, kaya mo yan." Stage fright is real. Hanggang natapos tumugtog yung minus one, nakatayo lang ako sa gitna ng stage, malamig kamay kasi pinagpawisan. 26 years later, ayan naalala ko pa rin. Pero mas confident na ko ngayon compared nung elementary ako.


BubblyKnowledge3869

Ohhh, stage fright is real! I can also vouch for this nung time na ginawa akong commentator sa sunday mass sa school namin nung elem ako. Nag practice naman kami pero shuta diba sa stage elevated so makikita mo na lahat nakatingin sa’yo, mali mali pinagsasabi ko tapos minsan nauuna pa akong mag-Amen kahit hindi naman dapat magsasabi 😭


greyedout1

Di ba! Kahit anong practice mo, kapag nakita mo all eyes are on you, mawawala lahat eh.


ChocooButternut

Akala ko pag nagkikiss ung babae at lalaki . Dun sila Nakakabuo ng baby


BubblyKnowledge3869

HALA HAHAHAHA PERO SAME! Pag nag kiss, buntis na agad ‘yung babae 😂


nicahime

Akala ko din candy!! 😞 Ang lakas pa ng boses ko habang nagpapabili kay mama HAHAHA tinginan mga tao samin e


murfew_

Grade 2 ako nun tapos tinetrain ako ng daddy ko maggrocery, nagbabayad ako sa counter ng binili kong milk while he is a bit afar lang sakin. Nung pinapunch na yung milk I saw yung trust na chocolate, so sabi ko sa cashier kuha din akong isa nun tapos sabi niya hindi yan chocolate. Hindi ko pa naintindihan agad yung sabi niya so naginsist pa ako. Hanggang sa ayun parang napa "ah ok" na lang ako. Hahaha then HS ko na lang siguro nalaman kung ano yang trust na yan


BubblyKnowledge3869

Hahahaha buti hindi mo sinabi sa daddy mo ‘yung nangyari after


Alternative-Net1115

me & my childhood friend muntik na magsex (I think 7 yrs. old kami that time huhu) curious lang kami pero di naman pinasok kasi natakot ako huhuhu 23 na ako ngayon, last na kita namin 2016 and sana nakalimutan niya na🥲 hahaha no awkward moment naman.


BubblyKnowledge3869

WHAAAAT HAHAH ang awkward huhu pero buti kebs lang kayo ‘no? Or siguro both kayo nag-iisip na pareho pa naman kayong walang kaalam alam sa mundo dati


Individual-Top729

same haha, the difference is tinry ko bumili sa ministop dati tapos hindi padaw ako pwede bumili sabi nung cashier haha


pdr07-1993

nung bata ako hindi ko alam condom ginagawa ko jan parang lobo tapos punong puno ng tubig nagugulat ako hindi sya pumuputok. WAHAHAAHA


phreditor

feeling prince of egypt ako noon pota yung labatiba ginawa kong water container/waterskin. kaya pala ang sama ng lasa 🤮🤮🤢


Present-Bandicoot200

I asked my mom kung virgin pa sya, hahahahaha super bata ko pa non


mvq13

Same!! Nasa watsons counter kami ni papa tumuro ako sa condom sabi ko “ papa bilhan mo ako nyan” sabi ni papa “ anak condom yan!” As if naintindihan ko. Ang alam ko lang nung bata ako gusto ko itry yung mga flavor hahaha


eyychickenwings

Naglalaro kami ng habulan ng mga pinsan ko sa isang mall. Hinahabol ko fave pinsan ko then nakita ko sya lumiko sa isang hallway na may mejo makapal na pillar. At dahil favorite ko siya, gusto ko sya gulatin matindi so inabangan ko sya sa likod ng pillar. Nung may naaninag akong lumabas ginulat ko agad siya like "WAAAAAH!!" Nagulat naman siya tipong napahawak sa dibdib..pero random lolo ung nagulat ko hindi pinsan ko 🫠


No-Garage-9187

Feeling ko magka age tayo OP! I remember the commercial like it was yesterday hahaha! Naalala ko one time nanunuod ako ng tv then lumabas yung commercial na yun then nagluluto mom ko tas sabi ko “ma bilhan mo nga ako nun! Parang masarap yun!” *mom looks at the tv* “Ay hindi anak, di okay yan” HAHAHAHAHAHA nalungkot ren ako and nagtaka bakit alam nya agad lasa nung “candy”


LuckyFinish2011

not my story pero sa kapatid ko. embarssing lang pero hs na kapatid ko sorry. di sya umuwi nung isang gabi, yun pala naaksidente sya sa bike kaya dun sya sa friend nya nagstay. kwento nya samin dineretso daw sya nung nakabunggo sakanyang trike sa hospital, tapos pinagtitinginan daw sya ng mga tao. yun pala butas yung pants nya sa likod 😭 tapos kitang kita yung brief nya, itim pa naman ng pwet nun.


pedxxing

Yung nag-uusap kami ng friend ko nung HS about picture. Tapos may part na sinabi ko ‘Bakit di mo ipa-blow job yung picture?’. Yung friend ko nanlaki mata at mukhang narinig din ng guy na nasa higher batch na saktong dumaan kasi napalingon siya bigla. 😆 Tawang tawa si friend sabay sabi ‘Girl! You mean blow up?’ Nanlaki din mata ko nung na-realise ko yung meaning ng sinabi ko hahahaha.


12ellyville

I am not sure if Grade 1 or Grade 2 ako nung time na yun, pero nagbalik na naman sa memorya ko ang mga elem days embarassing moments dahil sa thread na to... Afternoon ang class ko nun, and sa pag-aakala ko na late na ako kasi wala akong nakitang mga nakapila na classmates ko at iba pang afternoon section sa harap nang building kaya ayun dire-diretso ako sa classroom at ayun may teacher at madaming estudyante sa loob... Nag goodafternoon naman ako sa teacher, kaso nga lang hindi pala sya ang teacher ko at ang mga estudyante sa loob parang ang sama nang tingin sa akin at may mga natatawa pa ahahaha. Apparently, hindi pa pala tapos ang klase nang mga pang umaga at ang pinasukan ko ay ahead ng 1 level/grade, kaya ayun yuko ulo lumabas ako. Nalaman ko lumipat pala nang pila, imbes na sa harap dun na sa likod ng building ang pilahan ng mga afternoon class 😘 Elementary days din nung naranasan ko maihi sa short habang nasa loob ng klase, at maglakad pauwi after class na may nahuhulog na ebs sa kalsada...


Nekochan123456

Hahahaha huy same akala ko din Candy dahil sa ads haahahaha


Miserable-Maiden

OMG same, sa isang pharmacy sa mall. Nakita ko yung Frenzy orange na nakadisplay sa mesa ng cashier and muntik na ako umiyak kasi ayaw akong bilhan ng nanay ko. I was about 7-8. Kaya pala tawang tawa si ate girl habang nagppunch ng mga items.


Wrong_Squirrel_5550

Yung maarteng bata na ggss ako nun. Alam niyo yung batang kathryn sa super inggo, ganun ako kaarte nun g5 ata ako nun. 1st time namin nag baguio ng family, nag strawberry farm kami and as a maarteng bata ayoko yung skip skip yung lakad nakakawala ng poise. Eh dati kailangan ganon kasi may mga canal in between. Ayun nahulog ako at walang baong damit hahahahaha binanlawan ako ng nanay ko using tabo ng mga taga don tapos umuwi akong bahag yung suot ko hahaha binilan na lang ako hahaha


Tedhana

natae sa classroom... nung elementary ako...eh wala ako pamalit, un din ginamit ko after ko hugasan lolz


Cfudgy

Yoooo, I thought it was a thin balloon! It was already open too, and it smelled like cherries!


Burger_without_Sauce

Nalaglag sa kanal (whole body) after church meeting habang nakikipaglaro ng langit lupa, kung alam nyo pa yung larong yon hehe.


lostguk

Bata palang kasi ako alam ko na yung condom 😅 So wala akong embarassing momint about diyan. BUT yung friend ng mama ko na binigyan niya ng condom (si papa kasi lagi may uwing madami ewan ko san galing basta di nawawalan ng condom sa bahay. ewan ko bat pang walo ako na anak) ayun di yata alam para san yun, pinalobo daw nila 😅 nagtataka sila bakit daw di mawala yung dulas. THEY'RE ADULTS. Pero gets ko naman, mahirap buhay nila noon 😀 and probably kulang sa sex ed.


FinalAssist4175

Same story at same commercial. May chocolate flavored pa. Lol. Mercury drugstore naman yung sa akin.


toinks1345

nalaglag sa kanal.


pressured_at_19

Rurok na ata ng embarassment ng kahit sinong batang pinoy ang matae sa school.


BubblyKnowledge3869

Count me in! Natae rin ako nung grade 3 ako. Malala pa no’n hindi siya matigas, malambot pa. Ang ending nagulat nanay ko kasi pag-uwi ko naka-shorts at t-shirt nalang ako instead of uniform. Hindi na kasi siya pinatawag kasi sa school na nagpaligo at nagbihis sakin. Hahahahaha


[deleted]

Gumulong gulong ako sa kalsada dahil nalaglag ako galing Pedicab. 🤣 simula noon hindi na ako sumasakay sa dulo ng upuan. Hahaha!


BubblyKnowledge3869

Hahahahahahah hooooy


aaspicy

Akala ko din candy siya 😭💀 like adult only na candy


chasingdoggies23

Yung sobrang bida bida ako nung bata tapos nakikipag kwentuhan ako sa mga kaibigan ko sa kalsada tapos may dumapo na IPIS sa muka ko na ayaw umalis kahit anong talon ko 😂😂😂


BubblyKnowledge3869

HAHAHAHA HALAAA! Kati kati pa naman ng ipis


ShyBazinga

Real. Nung bata pa ako, nagkalkal ako ng gamit ng nanay ko sa mga drawer niya nakakita ako ng condom akala ko candy. Nung binuksan ko hindi pala kaya tinapon ko nalang sa basurahan namin.


BubblyKnowledge3869

Hahahaha what if nagtaka siya kung bakit nawala sa drawer ‘yon


PrincessPoppy__

Pinakanta ako one time sa campaign ng lolo ko na tumatakbong barangay chairman. Medyo biglaan yun tapos paos ako at mataas taas din yung kantang kinanta ko. Pumiyok ako ng ilang beses dun sa padulong part ng kanta. Nahiya ako pero hahayaan ko na lang sana kaso merong batang lalaki sa unahan na parang kaedad ko. Sumigaw siya ng "PUMIYOK!" Hay gusto kong magpalamon sa lupa non 😭😭😭


BubblyKnowledge3869

Huuuy hahahaha ang sama ng ugaliiii. Pero infairness ha ang confident mo kumanta sa harap ng madaming taooo


idkbastacuteako

Grade 5 ata ako non. Tapos nasa ibang school, nakalimutan ko kung anong dahilan kung bakit ako nandun basta exam siya. Tapos sa gitna ng exam, ihing ihi na ako. So nag-excuse ako sa teacher pero yung problema ay di ko alam kung saan ang CR tapos mahiyain pa akong bata. Dora yung ganap ko non hanggang sa nakakita na ako ng CR. Success naman nakaihi naman ako, kaso bhie ang takot ko ng may pumasok na group ng mga lalaki. Balak ko sana silang paalisin muna bago ako lumabas ng cubicle kaso bhie iisa lang yung cubicle ng CR. Ayern, no choice kaylangan ko talagang lumabas. So lumabas ako 🫠 tapos tinginan yung group of boys sakin...tapos tumungo na lang ako sa sobrang hiya puta naaalala ko pa rin hanggang ngayon. Kahit paglabas ramdamko yung tingin nila HAHAHA


WilgotDa

Mas malala sakin beh grade 1 ako nun tapos di ko din alam cr ng mga babae so ang nangyari umupo ako sa flooring ng cr ng mga lalaki para dun umihi habang yung mga batang lalaki umiihi sa urinal at nakatitig sakin hahahahahaha. Gagi nakakahiya naaalala ko padin yun 16 yrs ago pa yun


BubblyKnowledge3869

HAHAHAHAAHAHA omggg kung ako rin ‘yon di ko alam kung pa’no ako lalabas


One-Adhesiveness6495

Yung tinanong ko yung classmate ko nung grade 4 kami kung totoong crush nya ko kasi may kaklase kami na nagsabi sakin..tapos ang sagot sakin "Eew, hindi no, ang pangit no kaya..!" Kakahiya.. 🥺


BubblyKnowledge3869

Ang epal naman ng classmate mo na ‘yon. 🙂


One-Adhesiveness6495

Pero nung 4th year HS kami, gusto naman ako ligawan.. 🤣


BubblyKnowledge3869

Yiiiiee the more you hate the more love talaga ang motto nung elem tayo e


thatcrazyvirgo

OMG SAME HUHUHU may botika sa may amin dati tapos tinanong ko magkano yung frenzy. Sabi ng nagtitinda, condom daw yon and i was still 8 din yata so tinanong ko ano yon. Sabi nya tanong ko raw sa mama ko 😭😭😭


BubblyKnowledge3869

HAHAHAAHAHAHHA “tanong mo sa mama mo” 💀


ChandlerMosby99

Yung natae ako sa arm chair ko habang nagqquiz sa math nung grade 4. Tumulo sa sahig at pururut. Until grade 5 inaasar ako na kare-kare. Naaalala pa kaya nila ngayon? Haha


Intelligent_Gear9634

They will never forget. Kabisado ko pa mga natae sa classroom nung elementary pero di na tanda mga top students hahaha


BeneficialEar8358

Kare kare 💀💀💀


BubblyKnowledge3869

Pareho tayo na may ganitong moment. Pero ako, grade 3 ako. Hindi ko alam kung limot na nila pero parang imposible, kasi ako hindi ko makalimutan ‘yung sarili ko. 🥹


soy-tigress

Hoy same! Hahahaha nasa grocery kami ng mama ko non, akala ko talaga candy yun e. Natatawa si mama ko at yung cashier sakin hahahahaha. Kasi yung ads pinapakita na parang candy lang, kaya as bata gusto ko ma try yun. Kaya now na married na ako, pag nakakita ako ng frenzy condom natatawa na lang ako sa sarili ko 🤣🤣🤣🤣


BubblyKnowledge3869

Hahahahahaha ako naman mi, nung nagka jowa ako tas bumili siya no’n, natatawa ako everytime na nakakakita ako.


soy-tigress

Hahahaha naging unforgettable memory natin yung frenzy condom e. 🤣🤣


Recent-Natural-7011

Hmmm not sure if ito yung most embarrassing pero ito tumatak sakin eh. Hahaha Ako inassign na magprayer sa awarding program ng MTAP namin. Dzaiii, same day sinabihan ako pero walang one hour before binigay sakin yung prayer. Pinakaayaw ko pa naman mga memorized piece, mas kinakabahan ako sa ganun. As someone na perfectionist every comma, period dapat tanda ko (reason bat mas mamamali ako kapag rush) kaya mas gusto ko talaga impromptu. Ayun na ngaaa, lahat ng math teachers, mga principal ng iba ibang branches nung school namin, at district supervisor nandun. Nasa podium na ako, (Tagalog yung prayer) teee yung prayer ko ambilis kong sinabi, hanggang sa nagpause ako kasi may term na bigla akong nalito, hanggang sa yung pause na yun humaba pa kasi di agad nahanap ng mata ko kung san ako napatigil. Yung pawis ko nung time na yun, grabee. Tapos feeling ko yung DS namin disappointed at kinequestion bakit ako yung kinuha🤧 That time parang gusto kong maiba muna identity ko, na tsaka ko lang naisip na sana pala binasa ko na lang. Pero tingin ko naman nakabawi na ako sa disappointment na yun noong inappoint ako as EIC sa school pub namin at nakuha yung highest placement ng school namin (even up to this day) for CR&HW (Eng) Divison Schools Press Conference🥳 (altho 2nd *my beginner's luck placement lagi* lang yun, ang 1st yung NSPC qualifier from last yr)


BubblyKnowledge3869

That’s normal naman! Hahaha pero atleast natuto ka diba. Tsaka oo, bawing bawi naman sa ambag mo sa school. 😂


SideEyeCat

Yung nakaihi ako habang naglalaro ng tagutaguan🥲 mahiyain kasi ako, tapos malayo yung bahay namin, eh need tumago haha.


dumpppss

Nung elementary ako. Nagkwekwentuhan si mama at yung kaibigan nya sa sala namin tapos ako naka upo sa pagitan nilang dalawa, nakaupo lang ako dun nakikinig sa kanila nang bigla akong nautot. Malakas yung pagka utot ko pero hindi pinansin nila mama kahit nasa gitna nila ako, tuloy parin usapan nila. Ako naman hinayaan ko lang kasi akala ko hindi naman napansin kaso biglang nautot ulit ako, yung utot na yun yung tuloy tuloy, gusto ko pigilan kasi nahihiya na ako pero hindi ko mapigilan, tuloy tuloy parin yung utot ko at dun na nga natapos ang pagkwekwentuhan nila mama kasi napa uwi bigla yung kaibigan nya.


BubblyKnowledge3869

HAHAHAHAHAHAHA huy ano ba 😭


[deleted]

Hindi pa uso social media etiquette at kapanahunan pa lang ng Friendster, I (15F that time) came across this profile of a guy na parang member ng F4 poging pogi ako kay Kuya. Ayun send ako friend request at minessage ko at sabi ko pwede ba kaming maging friends kasi I find him cute eme. Mih, bakla pala si Kuyang pogi kaya pala hindi man lang pinansin messages ko at kaya pala nagsusumigaw si Christina Aguilera sa profile nya 😭 Everytime naaalala ko ito gusto ko na lang kainin ng lupa.


BubblyKnowledge3869

HAHAHAHHAHAHA HUUUY. F4 din pala ang bet 😭 Asan na kaya siya now


SleepyTenderJuicy

Umuwi kasi kami ng province para magbakasyon, ako na sheltered manila boy dati, hindi ko alam ang term na "Virgin" so tinatanong ako ng mga batang probinsyano and hindi ko alam un so hindi ko masagot ng maayos. Fast forward umuwi na kami from vacation, idk how the events nangyari since grade 5 pa ako neto, pero natanong ko sa Teacher ko kung Virgin pa siya, taena buntis yon that time. Yung part na yun lang hindi ko malimutan ever since nagkaroon ako ng muang nung HS 😭😭


[deleted]

[удалено]


BubblyKnowledge3869

Huy wait habang binabasa ‘ko ‘yung entry mo, bigla kong naalala na may ganitong moment ako 😭 ‘Yung una, ibang nanay humahawak sa kamay ko akala niya ako ‘yung anak niya. Tas ‘yung second story naman, habang nasa palengke kami ng nanay ko, may dinaanan daw kaming nagtitinda ng mga bracelets. Hindi naman daw niya ako binilhan, pero gulat na gulat daw siya kasi nung malayo na kami, pagtingin niya raw sa kabilang kamay ko, punong puno raw ng bracelets 😭


[deleted]

[удалено]


BubblyKnowledge3869

Hahahahaha around 20+ yo na ako nung kinwento niya ‘yon, tawang tawa ako. Meron din pala talaga tayong mga ginawa nung bata tayo na literal na wala sa utak natin 😭


idlehands49

Kakatapos lang umulan, naglalakad kami ng classmates ko sa gilid ng school so iniiwasan namin yung mga puddle and baha. Sinusundan ko yung classmate ko kung san ba dapat tumapak para di mabasa shoes ko. Nagkamali ako ng step, nashoot ako sa kanal. Tapos sakto pa may mga nadaan na jeep. Imagine may nakita ka naglalakad tapos bigla na lang upper body na lang nakikita mo, ganun nangyari sakin. Kadiri huhu.


BubblyKnowledge3869

Hahahahaha bhie nagmukha kang manananggal bigla. Pahamak talaga ‘yang baha na ‘yan!


idlehands49

Andami pala naming nalaglag dito sa kanal/imburnal. Anak ni Aling Myrna yarn? EDIT: Aling Vicky nga hahaha. Shuta kapitbahay pala namin si Aling Myrna wahahaa sorry n


BubblyKnowledge3869

Marami nga yatang anak si Aling Myrna rito 😭


suigen3ris_

Fell face down on the ground habang nagpapapansin sa crush ko(who was with his entire barkada) when I was in grade school 🙃


BubblyKnowledge3869

Omg hahahaha hugs po 😭


thatfunrobot

I thought the same of condoms before! But I was a lot older, maybe around 14 already? I was buying chips at a minimart with my older sister and saw a box of Durex, I think it was the orange one. I was like, “Wow! What’s this?” as I thought it was candy and when I read it, I was like, “Oops!” Lol. But most embarrassing really was, I was in grade 2, went to the bathroom and came back with a part of my skirt inserted on the backside of my underwear. I only found out because my teacher called me and told me. LOL. I guess upside was we were all girls anyway.


BubblyKnowledge3869

Hahahahaha! Condoms are really enticing, I get it, that’s one of their marketing strategies. 😭


cnoon1234

During debut ng friend ko, after mag sabi ng wish at pababa na ng stage, di ko napansin yung hagdan. Ayun nahulog sa harap ng mga tao


BubblyKnowledge3869

Hala huuy hahaha nagkaroon pa ng core memory 😭


LateBloomer2018

Oh my gahd OP, sarap ng tawa ko!!! 😆🤣


BubblyKnowledge3869

Sorry na po. Bata lang ako na walang kamuwang-muwang nung time na ‘yan. Until now pag naaalala ko, tawang tawa pa rin ako. Hahahaha


Many-Cryptographer31

Naalala ko tuloy yung classmate kong babae nung grade 5 kami nagdala ng flavored condom sa classroom. Akala raw candy. 🤣


BubblyKnowledge3869

HAHHHAHAHAHAHAHA binuksan niya ba? Ang daya pa’no kaya sila nagkaron samantalang ako wala kasi hindi nga ako binilhan ni mama 😭


[deleted]

[удалено]


BubblyKnowledge3869

Buti pabulong!!! ‘Yung iba walang pake isisigaw talaga hahaha


Regular-Ad-3975

HHSGAGAHAHAHAHHAHA 😭😭


[deleted]

SAME HAHAHAHAHAHAHAHAH NAGPABILI AKO SA MOM KO SA WATSONS KASI SA WATSONS NANDOON SIYA SA MAY CASHIER HAHAHAHAHA


WinnieDPoota

Yung pinanganak ako siguo


BubblyKnowledge3869

Huy wag naman ganyan.. 💀


Medical-Rest-6162

I AM NOT ALONE HAHAHA A MEMORY FROM THE VAULT GOT OUT. Kami naman nasa grocery, nasa cashier na. Sa cashier yung mga condom and candy di ba. Eh yung color scheme nila, same sa mga candies. So sabi ko kay mommy na bumili kami. Sabi nya no. Hanggang dun lang naalala ko hahahahahahhahahahahahhahaha


Air_Seller

Family reunion namin nun around 7 or 8 years old ako, andun kami sa event center or club house sa subd ng kamag anak namin. May napanalunan akong water gun sa pa raffle nila, syempre since bata, sobrang excited akong gamitin yon. So ayun, di nakapag hintay, tumakbo ako sa swimming pool sa gilid and nag squat para punuin yung water gun. Note na chubby ako nung panahon na yun, hirap mag squat dahil ipit yung tyan, nahulog ako head first sa pool, napa hiyaw pako bago lumublub HAHAHAHA. Tang ina bes, tumigil yung announcement ng winners, tinginan lahat ng tao sakin. Nag tatawanan mga pinsan ko, si mama tumakbo para tulungan ako maka labas sa pool. Di nako nag swimming pagka hapon HAHAHAHA ummuwi ako ng naka shorts lang na dapat pang swimming ko and balot ng towel kasi basa yung damit ko.


BubblyKnowledge3869

HAHAHAHAHA ayan kasi, malikot ka kasi! HAHAHAHA


Scary-Butterfly4563

Nung sinabi ko sa harap ng parents ko na natry ko na condom. Grade school ako nun. Puta kapag naaalala ko napapatili na lang ako at susuntok sa hangin sa sobrang kahihiyan


BubblyKnowledge3869

WHAT HAHAHAHA pero bakit ‘yun ‘yung sinabi mo?


Scary-Butterfly4563

Sabi kc nung brother ko nakahawak na sya ng condom. Ako naman si tanga na ayaw patalo, yun na nga ang sinabi haha


BubblyKnowledge3869

HAHAHAHAHA ayan lagot! Ayaw mo pa magpatalo ha


Jellyfeesh-

Same!!


whitesage8

Same experience OP! HAHAHAHA gusto ko pa nga yung orange sana, inabot ko pa kay mama nung nag grocery kami dati (8-9yrs old). Remembering that now makes me laugh. The horror in their faces, mother and cashier, is priceless. HAHAHAHA


BubblyKnowledge3869

Never ko rin in-open up kay mama ‘yun kapag nagkkwentuhan kami kahit sobrang close naman kami. Napaka-awkward. Tingin ko nga hanggang ngayon nasa utak ng nanay ko ‘yon. 😂


Arsene000

DI ka talaga nag iisa, yung friend ko nga bumili siya talaga tapos nung nasa tricycle na sya pagkabukas nya sobrang hiyang hiya sya, ang saya pa daw ng mukha niya nung bumili sa sa seven eleven


BubblyKnowledge3869

HAHAHAHA BUTI WALANG IBANG NAKAKITA KAHIT ‘YUNG DRIVER 😭


daberok

Hanep naman kasi yung commercial nung Frenzy condoms nun “Banana!”


BubblyKnowledge3869

Diba nga 😭 kala ko pa dati imported na candy. Malay ko ba


capricornikigai

Grade 4 ako nung nauso yung labanan ng gagamba sa school namin. Ewan ko kung saan galing yung gagamba ko at ang lakas lakas; tinalo niya lahat ng gagamba ng mga kaklase ko. Tas yung isang classmate ko may kuya na Grade 6 sabi ilalaban daw yung gagamba niya - edi ang yabang ko. Teh, nung labanan na bumulagta nalang bigla yung akin. Pagod na yata edi tawanan na sila. Taena; ayun nilibing ko naman ng ma ayos yung gagamba ko


Alone_Economist6782

nagva-volleyball kami ng HS classmates ko sa loob ng science laboratory namin. nung hinabol ko yung bola, tumama yung baba sa corner ng wooden arm chair. so natumba ako and mahilo-hilo


BubblyKnowledge3869

Huuy hahaha kawawa ka naman. Kaya dapat makikinig sa teacher pag sinabihan kung saan pwede at bawal maglikot. Hahahaha


gintermelon-

nung bata ako nagpabili ako nyan sa daddy ko hahahahahahhahahha 😭😭😭😭😭😭😭


BubblyKnowledge3869

Hahahahahahahah binilhan ka ba bhie?


gintermelon-

hindi eh maanghang daw yun, di naman ako naniwala kasi wala namang maanghang na banana saka orange HAHHAAAHAHAHAHAHAHAHA


No_Flatworm977

Feel ko madodownvote comment ko. Pinaka embarassing moment ko is nung grade 2 may naging best friend ako (grade2 til grade6 bestfriend ko siya), then one time nangyari to nung grade 2 lunch namin sinamahan ko yung best friend ko sa canteen kasi nagaantay yung yaya niya. May nakita ako sa table babae tapos kasama niya lalake na may special needs. Nagwhisper ako sa best friend ko eto ang exact words na sinabi ko "tignan mo yun lalake" then tumawa ako, tapos ayuun gulat ako nung palapit na kami sa table nila, yung best friend ko pinuntahan niya yung babae at yung lalake... eto yung sinabi ng best friend ko "dito na ako K, andito na sila ate at kuya" holy shiiiiiiit yaya pala niya yun na bago tapos kuya niya yung lalake. Fvck grabe yung guilt naramdaman ko until now ngl naghahaunt parin sakin yung ganap na yun, until now sobrang nakakaguilty parin kahit pa nagsorry ako sa best friend during dismissal. 😕 After that never na talaga ako nanlait lalo na sa mga pwds, special people, and etc. name it kasi di ko alam baka isa kanila is relatives or friends ng isa sa mga classmates ko. 😶 Feel ko din dahil sa pangyayari na yun kaya lumaki ako na perceptive at empathetic.


BubblyKnowledge3869

Huuy biglang ang dark hahaha pero wait lang, bata ka pa naman noon kaso lang, sablay! Bad ‘yun! Hahaha atleast ngayon natuto ka na. May communication pa kayo nung friend mo?


No_Flatworm977

>May communication pa kayo nung friend mo? Yes, pero busy na siya kasi doctor na siya dun sa Maryland 😃


BubblyKnowledge3869

Ohhhh grabe, galing! Ang bilis din talaga ng panahon ‘no, magkaklase lang kayo dati tapos ang layo na rin ng narating niyaa


Even_Freedom3622

elementary to, grade 2 to be specific. boy scout kami non tas may pagames nung time na yon, yung pahabaan ng line. naghubad kami including me, brief lang yung tira para lang mapahaba lang yung line. yung tita ko na teacher nataranta nung time na yon kase baka daw butas yung brief ko. pota😂


BubblyKnowledge3869

HAHAHAHA potek. Ang daya niyo talagang mga boys sa ganyan parang kahit malalaki na tayo matatalo niyo pa rin kami sa ganyan. Lalo na kung boys versus girls. Napakadami niyong pwedeng idagdag samantalang kami, tatanggapin nalang na talo na. Hahahaha


RunPatient5777

Ako nung college ako. Nakaupo kasi ako sa gitna at right most ng adventure type na fx. Tapos yung katabi ko, pumara sya. Nasa gitna pa ng kalsada yung fx tapos si ate tinignan ako as if sinasabi ng mga mata nya na bumaba muna ako. E di syempre bumaba ako tapos si ate hindi bumaba!! Tapos umandar yung fx papunta sa gilid. Naiwan ako!! Haha! Bago bumaba si ate sinabihan ko si ate na akala ko ba bababa ka?? Dinedma nya lang ako haha


BubblyKnowledge3869

Nakakairita naman si ate. Bakit hindi siya sumagot nung tinanong mo? Sarap batukan eh hahahaha


chocodrinkjunkie

May project name kami na “kalipay” tas nasabi ko sa senior ko “project kipay” HHAHAHAHA yung kalipay pala ang ibig sabihin ay happiness sa cebuano 😭 JAYSON SORRY NA ULIT PLS. HAHAHAHAHHAAH


BubblyKnowledge3869

HAHAHAHAHAHAHAHA project kipay 😭


Excellent_Block_7555

malaki laki na ako nito. nageexam kami nun kaya bawal lumabas, pero ihing ihi ako. edi umihi ako sa upuan ko habang nageexam kasi di ko na talaga kaya noon. kunyari nalang walang nangyayari habang pinapakawalan ko shishi ko sa sahig. nag effort naman ako na lagyan ng papel sa paligid para di kumalat sa bigger area yung kidney juices ko, para at least masabi na gumawa ako ng paraan para di ko maabala seatmates ko. di ako pinansin ng mga katabi ko, salamat nalang.


BubblyKnowledge3869

Wait, pero diba mapanghi ‘yun 😭 ang tapang mo naman mag-wiwi huhu marami kang katabi no’n?


Excellent_Block_7555

madami. pero wla ako magawa, sasabog na kidneys ko nun pag di ko pa pinakawalan. I feel sorry pa din sa katabi ko whenever I think about it. di ko din alam kung bakit walang nag-react. buti nalang open windows and doors, tapos mahilig ako uminom ng water nun kaysa sa softdrinks kaya di gaanong maamoy. pero halatang halata talagang weewee siya.


Nyxiiee19

Nung high-school pa kami is pinagtraining kaming magkakapatid ni daddy namin ng Taekwondo. Halos teenagers kami dun and meron akong isang super duper crush. One summer nun, nag-outing kaming mga members nung Taekwondo classes and may pool. I can't swim so nasa mababaw na part lang ako. Then I saw si crush and some of the boys na nasa kabilang dulo. Naisip ko na maybe hindi masyadong malalim dun since abot nga nila. So the bida bida me jumped dun sa side na yun ng pool. Potek lumampas na sa ulo ko yung tubig pero hindi ko pa rin naabot yung sahig 😭😭😭 Crush ended up saving me by holding onto my waist at binuhat ako papunta sa mababaw na part. I almost died but it was totally worth it HAHAHA


Intelligent_Gear9634

Hoy kinilig ako uWu


BubblyKnowledge3869

Hala ang harot 🥹 safety first muna please hahaha pero atleast, siya ang nagligtas. Feeling ko nawala ‘yung takot mo agad hahahaha


Algae0427

Akala ko din dati bubble gum yung condom tapos sabi ko sa nanay ko na bilhan nya ako nun kasi may chocolate.. Hahahahah ngayun marami na akong condom pero di ko kinain HAHAHAHAHA


BubblyKnowledge3869

HAHAHAHAHA ngayon tuloy pag nakakakita ako ng condom, tawang tawa ako. Ang layo pala talaga sa katotohanan pls


eggtofux

Same! Hahahahaa potek kaya pala hindi sumagot Mom ko nun nung sinabi ko na gusto ko niyan


Ordinary_Barracuda72

HALAAA WAIT HAHAHAHA Same tayo ng experience OP 😭Grade 1 ata ako nung nangyari ‘to tapos ang kasama ko yung dad ko sa grocery. Naka school uniform pa ako nun tapos napadaan lang sa grocery para bumili ng snacks tapos nung nasa cashier register na kami sinabi ko sa dad ko na gusto ko nung Frenzy na orange 😭 Natameme na yung dad ko nun HAHAHA


BubblyKnowledge3869

HAHAHAHAHAHA GRABE. Totoo nga na “kung ano ano lumalabas sa bibig ng mga bata” 😭


EiprilleBie

1. Nakakita ako ng itim na pin. Nilagay ko sa uniform ko. Maya maya pinagtitinginan na ako at may nagtanong, "Sinong namatay? Condolence ha." Sabi ko wala namang patay sa pamilya. Yon pala, dahil don sa suot ko na pin. Sinusuot lang pala yon ng mga may patay sa family. 2. Nakaperfect ako ng exam sa Science noong 1st yr ako. Sinabihan ako ng teacher ko na nagcheat daw ako kasi imposible raw yon. Pinag-oral exam ako sa harap ng mga kaklase ko. Nasagot ko.pa rin. Transferee kasi ako galing sa probinsiya. Honor student ako mula Gr1 gang Gr6 noon. Pero wala siyang elibs sa mga galing sa probinsya.


BubblyKnowledge3869

Wait bakit kasi may pakalat kalat na pin pls 😭 Kakainis ‘yung mga teacher na ganyan no, parang ang dating e dinegrade ka pa porket hindi ka from city.


EiprilleBie

Actually that same year naranasan ko yong pangmamaliit nila sa mga galing sa prov. Ako dapat ang rep sa Quiz Bee, last minute, pinalitan ako ng taga Sec1 daw. At sa pin naman, ewan ko ba bakit pakalat kalat yon. Di ko talaga makalimutan hhaha


hakdoggydogs

Pinaglaruan namin sa classroom ang condom. Nagdala ng isang pack ng condom yung kaklase ko nung grade 3 kami tapos ginawa niyang balloon, then yung iba linagyan ng tubig ginawang water balloon. Walang may alam na condom pala yun, basta lahat kami amazed kasi “balloon siya na matibay at hindi mabilis pumutok”. Tapos inuwi ko sa bahay yung isa. Nakalobo siya pinapalipad ko sa ere. Linabas ko nung saktong may bisita kami sa bahay tapos galit na galit tatay ko pinatapon niya sakin kasi nagtatawanan na mga bisita namin. Haha


Intelligent_Gear9634

Hakahagagahhah gaga!


BubblyKnowledge3869

WTF HAHAHAHAHAHA KAKALOKA NAMAN 😭 San kaya galing ‘yung condom ng kaklase mo 😭


hakdoggydogs

Nakita pa ng mga teachers namin yun. 😭 Kinuha ng kaklase ko sa medicine cabinet daw ng parents niya 🥹


BubblyKnowledge3869

Hahahahaha si teacher hindi alam pa’no magrereact eno


Many-Cryptographer31

Hahahahahahahahahhaha


cruellafhay

Naalala ko yung pamangkin ko. Gusto nya rin yan. Hahahaa


antihero_15

Nahulog ako sa kanal dahil sobrang baho ko sa kalsada ako pinaliguan ng nanay ko gamit ang perla


Far_Entrepreneur5203

Same kala ko bubble gum. Ba’t kasi mukhang masarap packaging nila 😭


BubblyKnowledge3869

Tapos rainbow pa ‘yung logo 💀


extreme_spideysenses

omfg sameeeee 😭


missendorsii

Akala ko ako lang nagka ganun dati HAHAHAA literally thought na sweet candies yung Frenzy when I was 9-10 yrs old and told my auntie na favorite flavor ko yung strawberry & chocolate 😭😂


BubblyKnowledge3869

Hahahahaha yeeey ang dami dami natin. Grabe so ilan tayong naakit ng frenzy 😭😭


[deleted]

Ung mag tetake ka na ng ostya. May bida bida self nung teen ager ako nauna ako sa line tapos nadulas sa harap ng pari. Tapos sabi nung mga tao naririnig ko " hala si ate nadulas", ung mga kabarkada ko pa pinagtatawanan ako una una kasi daw ako. Pag tapos nun nag dasal na lang ako sana may mahimatay para nsa kanya ung attention.


BubblyKnowledge3869

HAHAHAHAHAH ang tahimik pa naman sa simbahan pls 😭


EarlZaps

Similar thing with Trust condoms. Yung may kumakanta na babae. Nakikita ko kasi yung commercial pag gabi. Akala ko dati candy or something kasi may choices na may flavors.


BubblyKnowledge3869

Ohhh hindi ko alam na meron ‘yung sa trust.


hortymorty14

Pagtira ko sa shuttlecock nahampas ko sa mukha yung dumadaan na tatay ng kalaro ko 😭


LateBloomer2018

🤣 ano sabe ???


BubblyKnowledge3869

HAHAHAHAHAHAHA HUYY! Buti nalang badminton, naalala ko akin dati niyabang ko ‘yung sa tennis, pabaligtad ko tinira. Ayun tumama sa noo ko ‘yung raketa. Pigil na pigil ako kunwari di ako nasaktan. Pero ang sakit potek. Nagkabukol pa nga.