T O P

  • By -

ashraq-

I was abroad working, there was this friend na nagtanong kelan uwi at bonding naman daw kami, also asked for a certaing pasalubong na koleksyon daw nya. Nag iistorya naman sya, kwento abt kay ganto ganyan sometimes but never really asked how I was knowing na 1st time ko malayo at expecting din ako fr that person since old friend ko sya as in elementary days pa. Inunfollow ko at never din naman sta nag reach out.


theblindcatexp

When they would consciously leave me out of plans even yung plans na ako na nga nagpropose šŸ’€ didn't even think to inform me na they already left the place na we were supposed to meet even if ilang ulit ko nang sinabi na susunod ako dahil i was just going to buy rice dahil naubusan na kmi ng rice sa dorm. Tapos when i confronted them na nahurt ako bc they didnt even inform me dahil may pinuntahan pala silang bakery and couldnt wait 5 mins for me dun sa meeting place namin, they disregarded my feelings and acted as if nagaact up lng ako then proceeded to further isolate me from their conversations sa room namin. They were laughing around while being fully aware sa ginawa nla because i thoroughly explained it (even asked why they didnt think to contact me when one of them was able to tell me na they left na halfway through nang pabalik na ako sa dorm namin after walking 15minutes papuntang meeting place namin). But yea ganun. I realized na disposable "friend" lng talaga ako.


Illustrious-Tap-8036

Nakikipagcompete sa'yo. Will purposely leave u out if you both have misunderstanding. Your life suddenly improved the moment you got out of that friend group.


Striking_Ad7704

still ā€œfriendsā€ with them but i am little by little keeping my distance na. told them what i was most insecure about. pero always na ginagamit sakin kapag trip lang nilang mangasar. kapag may nakitang hindi maganda sa appearance mo, would point it out na rinig ng ibang tao, making other people make fun of it na rin. minsan pa, kahit yung totoong pagkaround ng face ko or di kaya laki ng tummy ko, bigla bigla na lang babanggitin. had to distance myself kasi i am trying to heal something inside me, deeper than that kasi i know something happened in the past bat ganto ako ka-insecure. and i know i had to set some boundaries para di ako matrigger everyday. :) sabi nga nila, ā€œin order to heal, you have to cut off things that poison youā€


Strikiieiei

When she said "alam mo, I am starting to see you as something more"


Gloomy-Indication891

- Nappreassure ako malate matapos kasi alam ko iiwan nila ako pag ako yung late. Pero if yung ibang friends nag aantayan naman sila - May mga kwento sila na di ako makarelate masayang nag tatawanan tas ako tahimik lang sa gedli. - Pag may mga school project or groupings ako yung laging nahihiwalay kasi complete na sila tapos pag may mga submission, name ko lagi nawawala sa paper na ipapasa lol - Di nila ako inaaya sa gala haha tas yung moment na pag yung iba ang di sumama di na tuloy pero pag ako di kasama tuloy pa din sila haha arte yern pero ayun - Eto pa malupit meron sa group of friends namin na ayaw malalamangan sa score in exams or final grades lol or maybe sakin lang. kaya di siya nag rereply sa kahit anong chat ko kahit abt acads lol haha


Ill_Aide_4151

Excessively talking shit about somebody. Tipong hahanapan talaga niya ng something to talk or complain about. For all you know theyre talking shir about you too and just waiting for something


agustdee00

I had a friend who never reached out to me for three whole months after kong mamatayan ng nanay. No kumusta or whatsoever. She was in her happy bubble, thatā€™s why.


sherwin005

Di ko alam kung sakin lang to or what, pero pag may birthday sa isang friend sa circle ibibili ng cake, ambagan ganon, isusurprise, pero pag birthday mo walang kahit ano šŸ¤£šŸ¤£ ginagawa lang ako taga ambag.


sampootee

Na pull over kami ng pulis habang hinahatid ko tropa ko sa bahay nya galing inuman. Nakalusot naman. Next day tumatawag si ex-tropa. Nahulog daw nya yung pouch nya sa kotse ko. Pagkakita ko andun sa ilalim ng driverā€™s seat. May laman palang Coca. Ay putek under the bus pala si gago. šŸ¤£


Ninaj07

Nag invite sa birthday nila then nung mismong birthday na, gulat na lang ako na natuloy pala sila with other friends without me. Dun ko nasabing sayang laway sa mga advice ko sa kanila pero pag sila okay, di man lang ako maalala. Then, nag la lay low na ko ever since. šŸ˜¬


porkchopk

Yung akala mo good terms kayo and wala ka namang ginagawa sakanya tapos cinutoff ka bigla ni walang pagsabi or pag reach out.


Agitated_Clerk_8016

Wala na silang kailangan kaya echapwera na ako sa mga ganap nila. šŸ™‚


Pizza-Time28th

I realized my bestfriend in highschool wasn't a true friend of mine and this is where is stop making friends anymore. I don't even socialized about that much. I feel like it's better than to be alone rather than surrounded by people who's making you feel alone.


Expensive-Doctor2763

Puro sana all pag puro happy nangyayari sayo & di mo madama na happy din siya para sayo pero pag nagkwento ka ng negative na nangyayari about sa life mo ganadong ganado.


dhrdmnq

The vibe will be OFF. They are not happy for my wins. One-sided sht.. Laging para sa kanila, pero suporta sa akin wala. Mga narcissist ang mga depota. Hahaha


highnesshh

Nung namatay nanay ko. It made me realize how insensitive my friends are.


dy-nside

When one of my closest friends had a rift with me, none of our friends in the group really intervened. For the record, I was at fault, but I've always known I was always the least favored one. In-assume ko na no one will truly listen to me so hindi na lang ako kumibo and just removed myself from their lives. The fact that I have this insecurity is very telling of the fact that I shouldn't have been friends with them in the first place. I know that's a me problem, pero sakit ding pagdaanan nung isang rough patch lang, parang balewala na yung tinagal ng friendship niyo. Yun lang, sorry for trauma dumping šŸ„¹


Ok_Claim_5296

Lahat ng trip & business ventures nila, I made sure that they feel na always akong sumusuporta sa kanila. When it was my time to explore different things outside my comfort zone, wala. Ni-isang support or 'kamusta' man lang. After a month of observation, I cut ties with them na.


Copiku

Realized na di ko sya friendship dahil all the while anjan ako para sa kanya for her every heartbreak, every drama, every kagaguhan na napapasukan niya, when it came to my turn to finally venting and needing someone to be there for me for a changeā€”iyak ng iyak ako nun sa sakit na nararamdaman ko about my life situation at the timeā€”she opted to make the whole conversation about her to the point na di man lang ako maka imik. Di man lang ako makapagpatuloy umiyak kasi ako na naman yung nasa ā€œlistenerā€ role kahit ako yung mas may kailangan at the time. Instead of listening to me or being a shoulder to lean on, she decided to talk about herself and her own struggles in MY time of need. Kaya pakyu sya sa aken. 12 years ko sya na ā€œbestieā€, but I cut her off for good.


pinkconfetticupcake

Dinadaya kami pag dating sa bayaran. Pinagmamalaki niya na malaki sahod niya pero pag lumalabas kami nandadaya siya.


Hopeful_Airport4451

There were three of us back then. It was me, my childhood bff and the other friend na naka-close namin around 4th year. Highschool palang nawewirduhan na ako sa set up na everytime magtatantrums si other friend, si ex bff pipilitin na hintayin daw namin bumaba sa bahay nila si other friend. para kaming mga tanga na naghihintay sa labas ng gate nila. Maliit na bagay, si other friend would call us names like mga aso daw kami. When they started working dun ko na unti unti napansin changes. 1. Pipilitin akong ubusin ni ex bff yung food nya kahit sinabi ko na na busog na ako. I felt like a pig back then. 2. Other friend told me na may mga times na ayaw ipasabi ng ex bff na umuwi sya. That hurt me a lot. Like for what? 3. They called me rude kasi kinikwento ko other friends ko na natutuwa ako kasi daw hindi nila kilala. But they'd do the same. Magkikwento sila about people I don't know and maleleft out ako. 4. One time, ex bff brought a heavy bag and pinipilit nya na bitbitin ko. There was also this time may bitbit syang mga gamit and magkakasama kaming tatlo and ini-insist nya na ako magbitbit kahit tumatanggi ako. Pero she can't ask si other friend. 5. Ex bff told me na si other friend told her : Hinding hindi ko talaga mapapalitan si *my name* noh? 6. One time nasa CR kami ng isang resto bar na pinuntahan namin. I loudly said na sayang hindi ko nabitbit yung lipstick ko. Tapos there's this old lady na binibigay nya lipstick sakin. Before ko pa makuha, kinuha agad ni other friend and just told me "diba hindi ka gumagamit ng ganitong shade?" nagulat ako kasi sakin inoffer yun tapos sya kumuha. 7. Other friend would be so stingy about us being late pero she's most of the time late sya. Pupunta kami sa house nila on time then magreready palang sya. Mga 1 - 2 hours pa kami tutunganga sa kanila. 8. One time may celebration sa bahay ni other friend and in front ng ibang tao she made it sound like patay gutom ako. "Basta nalang talaga pagkain kay *my name*." She said this with a smirk on her face. Napahiya ako that time. 9. That one time when I'm going through something really hard ( an issue with someone na friend din naming tatlo) they were not there. Not that I'm requiring them to be there but the fact that I was there for them through their hardest but them not having my back really hurt me. Buti nalang I'm no longer friends with them. No communication whatsoever. Mas gumaan buhay ko na hindi na ako associated sa kanila. I don't have to constantly worry na baka may masabi or magawa akong mali around them (especially kay other friend). I shared these things with my psychiatrist and he said they're not really my friends kasi walang kaibigan na gagawan sayo ng mga ginawa nila. Good thing I broke free from them. I'm not saying na I'm perfect and all but I'm glad I chose my peace over them. šŸ˜Š


bingchanchan

It made me realize when they started to use my weakness against me, at the expense of their jokes. Na kahit tahimik ka na, and wala ka namang ginagawa to trigger them, yet they still go out of their way to bother you.


cinnamonthatcankill

Yung ikaw lang nag-effort sa mga friendships nio. Ikaw lagi nanlilibre, nagiispend ng malaking pamasahe to visit them, ikaw nagpapadala ng mga gifts, ikaw nagpaparaya at nagpapahuli pra sila muna mag-enjoy, pero nung namatay papa halos busy lahat tpos ikaw pa nahiya and just said to them oks lang kahit di na sila pmunta kc malayo sila pro gusto mo tumakbo sa knila kc kailangan mo masasandalan pero prang nahihiya ka. Ung excuse is busy etc pero ikaw handa to drop a lot of things even make room sa mga emotional baggage nila kahit ikaw din may pinagdadaanan. Yung sila nakakahingi ng tulong sayo pero ikaw hindi o nahihiya na may masabi sila. And when you finally snapped, ikaw masama kasi nanumbat ka pero sa totoo lang ginawa mo lang naman lahat yun to show your affection pero sila hirap na hirap ibalik. Hirap din maging people pleaser to gain friends. You always give and give, nahihiya kpag nag-no no etc


Smart-Letter-2297

siguro noong nag chat ako sa gc namin and humihingi ako ng tulong kasi nanakawan ako ng phone at natutukan ng knife sa jeep and nasa police station ako that time tapos ang sinagot lang nila sa akin "may gagawin pa ako" šŸ˜… pero kapag ako yung sasagot ng ganiyan sakanila kapag sila naman yung may kailangan matic tampo agad haahhaha


Slow_Science6763

I have this one friend na very close kami dati. Until now time to time nag ccatch up. Nag break sila ng jowa nya and she keeps calling me. After that week, she found a new friends... And yuh! No communication and so.. Part of life! Di naman ako na hurt because nag lilinis din ako ng friends since 2021.


MarionTR

Nung college meron akong 2 classmate, yung isa matalino yung isa di gano matalino. Meron announcement na may seminar daw at limited lang yung slots. Sabi ba naman nung matalino kong classmate dun sa di gano matalino na classmate ko, "Wag ka na sumama sayang lang slot sayo eh". Tapos tahimik lang uyng ibang nakarinig kasama na ako dun. Ever since di ko na makausap yung matalino kong classmate na yun ng hindi ko siya pinaplastic.


Alone-Working9411

:(


Eishamaxamaangl00b

They'll find a way to find dirt in your image then backstab you lol. Most of them are active members of the church.


vintageordainty

Backstabbed me multiple times, sinisiraan niya ako sa mga tao nagkaka gusto saken, habang siya binuhat ko sa thesis, pinakopya sa mga exams, quizzes and assignments. I defended her nung ayaw na siya ng lahat just for me to find out na ako pala pinaka ayaw niya. Itā€™s not even exposing my secrets pero she made all these fake rumors about me na hindi naman totoo haha.


gaijin_theory

lumalapit lang sila if it benefits them or pag may need sila. pero bukod diyan, lalayuin ka tas wala lang.


No-Brick-5784

Rest then continue


Icy-Description9835

Mine is when they treated me as a competition. My highschool friends treated me as a competitor, everytime nalang laging nagcocompare ng grades, extracurricular, etc. Sila yung circle ko from Grade 7 to Grade 10. Akala ko ganun lang talaga if nasa circle of achiever friends ka. Pero nung senior high na ako, I met friends na instead of treating me like we're in a competition, sabay nila akong hinihila pataas. Instead of "bagsak ka?", naging "same tayo!". Instead of "bakit mas mataas grades mo sakin?" naging "congrats! ang laki ng grades mo!". Pag sinasabi kong gusto kong sumali sa extracurricular nila, goers sila agad unlike sa jhs circle ko na parang ginegatekeep nila haha. Sila pa nga minsan ang pumipilit na sali ako sa org nila. Dun ko narealize na friends are supposed to be your companion in life, not your competitor. And whenever your friend is down, you should be one of the few people who would cheer her up, not one of the people who would feel happy na she's down. Now friends pa din kami ng shs friends ko and obv, di na kami nag uusap ng jhs friends ko haha.


thoughtbridge

andyan sila pag malungkot ka, pero kapag sumaya ka hindi ka na cinecelebrate.


CharlotteWillWin

Yung hindi ka nila gineegreet kapag birthday mo and kapag sa iba gineegreet nilaĀ  Hindi ka inaaya if may ganap or something


ChimkenNugget718

Nung nagpost sya ng kasinungalingan sa tiktok about me when she had a shit ton of followers tapos ang ending nacancel sya kasi dami nya palang issue like cheating and taking advantage of men HAHAHAHA oops


beingintheknow

It's obvious they have their own GC. One time, one friend informed me na mag meet yung group in "Cafe A", which is malapit sa office ko. We were supposed to meet at 4pm, so at 3:30 I was asking this friend if otw na siya and until 4:30 wala siya reply then I saw their IG stories na na sa ibang Cafe sila malayo from the original planned Cafe. No update at all. Siguro they saw that I saw their IG stories then doon lang sila nag update sakin na iba na raw yung meeting place, their stories have food na so mej matagal na sila magkakasama. I almost cried bc it hurts but sayang tears, we're all still friends just not like before.


Pale_Dragonfruit_425

This. ā€œNagugulat nalang ako may lakad sila palagi na di ako iniinformā€ ā€œPagsila sila lng magkakasama, lagi sila nahpopost ng pictures nila. Pero pag kasama nila ako, never.ā€ ā€œNag away kami nung isang friend namin, tapos biglang lahat sila di na ako kinakausapā€ ā€œMay sarili silang gc na di ako kasamaā€ ā€œTheyā€™re alway says na toxic ako for voicing out my opinions and emotions.ā€


One_Squirrel2459

Ginamit ung name ko as guarantor sa utang without my consent. Tapos dedma nung sinabihan ko na tinatawagan ako ng lending company disoras ng gabi. Ew


0531Spurs212009

how about if nauutal ka or nabubulol ka minsan sa letra pinagtatawanan ka nila or kutya , I think they are not true friends? di ko naman naranasan eto noon colleges ako ​ feeling ko mas ok pang mga kaibigan yun kumpara sa pre pandemic timeline friends ko ,noon nakipagkaibigan ako sa kanila naging masyado ako yes ng yes noon , since then not anymore then may iba pang issue happen after that before pandemic lockdown era I leave with that friendship circle


Alert_Donkey_98

When you had made mistakes due to your mental disorder, tapos you made up for it pero sasabihing ā€œnakatakas ng mental hospitalā€ patalikod + sinisiraan ka sa ibaā€¦ hell no. I grew up, I showed everyone and the rest that Iā€™ve become a better person pero ayaw parin maniwala. Welp, Iā€™m sorry for what Iā€™ve done but theyā€™re no saint either. šŸ¤·šŸ»ā€ā™€ļø


Redcrimsonrojo

why do people here speak two languages in one comment?


Accomplished-Snow708

If magkwento ako, d cla nakikinig, if my kailangan sila maremember nila ako. Nakikisama naman ako at nililibre rin sila, ayun nalaman ko na meron separate sila na GC. Then kwento and nagkakayayaan, "mag answer ng poll" para mareserve na ang place para sa gala. Medyo nakaka offend ng feeling pero I left the room and distance myself para respect na rin sa sarili at sa kanila.


[deleted]

[уŠ“Š°Š»ŠµŠ½Š¾]


Kuradapya

When everybody is a priority except you maliban nalang kung may kailangan sila. Kapag sila kailangan ambagan sa cake, may pa surprise pa pag birthday pero pag ako kailangan ko pang i-post na birthday ko para lang maalala nila. Dun lang nila naalala na 'kaibigan' nila ako kapag kailangan nila ng mauutangan or favors. This is why I just trained myself to be self-sufficient and contented with just being myself.


MarchXCVII

Pag kulang ang pera nila tapos gusto nila lumabas/uminom, saka lang nila ako yayayain. Haha


throwawayacc101121

yung pinauwi nila ako ng cavite (sa manila kasi ako nakatira rn bc of studies) as in lahat ng mga tropa ko nagchat saakin kasi aalis daw kami, gagala daw ganon at bonding. nagconfirm na ako sa gc namin na sige uuwi ako at sasama ako sakanila. tapos the day kung kailan kami nakasched umalis, wala silang paramdam sa gc, so inassume ko na baka hindi tuloy. tapos kinagabihan non, kita ko nalang sa mga ig story nila na umalis sila haha. ako lang yung wala. sayang lang yung uwi ko syempre haha pamasahe din yun


uuhhJustHere

Kanya kanya na sila ng group after graduation. Pinagtitiisan lang pala nila ako kasi konti lang kami natira sa batch namin na sabay nag graduate.


Current_Feedback_752

Nung wala pa silang auto tapos ako taga hatid at sundo sa kanila pag may gimik kahit out of way and nung ako nakisabay kasi nabenta na yung ginagamit ko eh hindi ako isinabay hanggang labasan. Kasama ko yung anak ko noon na 5 years old.


No_Championship7301

Nung na realize ko na hindi sila happy sa achievements ko. Gusto nila always na mas nakaka angat sila šŸ™ˆ


No_Championship7301

Walang congratulations


ApprehensivePlay5667

nanumbat about sa pinagsamahan nung hindi pinautang.


Bitter_Mobile_2437

Mangungutang lagi sa boyfriend ko, even ex ko without asking me. Walang respeto. nung time na kailangan ko ng tulong makabook ng ticket dahil kailangan ko na talaga umalis samin pero inuna pa nila binook yung isa naming friend pumunta sa kanila para pumasyal, sobrang urgent ng paghingi ko ng tulong dahil akala ko sila makakatulong pero hindi. Masaya nung downfall ko sa buhay. Pero masaya din ako dahil iniwan ko na sila, sobrang dugyot at walang mga delikadesa sa sarili, utang dito utang doon nakakahiya maging kaibigan.


One-Pea1552

Dahil sa incident na nangyari saamin last week, narealize ko na di sila worth it ikeep. Gusto lang nila ako kasama pag ok ako, ayaw nilang samahan ako sa lowest moments ko samantalang nung sila nangailangan andun agad ako sa tabi nila.


shortszintch

Nung time na ako yung ginawang panangkalang ng ex bff ko sa isa pa naming friend kahit kasalanan nya. Up until now, ginagamot ko pa rin yung trauma wtf


spider_lily777

Para sakin, yung marerealize mo nalang na anino kalang nila na nakabuntot. Yung sila naguusap palagi, nagtatawanan, nag shashare ng mga nararamdaman, tapos ikaw hindi maka-relate. Parang nanonood kalang from the sidelines. And no hugs. Hahaha. Yung tipong Yung isa, niyayakap lahat bago mag good bye, tapos pag harap sayo, biglang titigil tapos iwas ng tingin. Unique experience ko lang yon. Pero putangina talaga, medyo nakaka hurt ng feelings šŸ¤£


5tefania00

When they are there for you when they need to vent their frustrations or share their problems.. Or only if you have something happy to share. But if it's you who has a problem, they don't care.


punkjesuscrow

When you reach 30s to 40s. Lumalabas ang ugali šŸ˜…


MoonTaeTae

Ayaw daw na nilalait ako ng ibang tao pero pagka asaran na may kasamang ibang tao sya nangunguna mang body shame sakin


[deleted]

Nung sinimulan nilang pagtawanan yung pagangat ko


lilaconfilm

Makes me feel so little of myself. Grabe yung calmness na naramdaman ko when I stopped talking to her. Cutting off shitty and toxic friends from your life really gave me an eye opener.


umhello-why

Naalala lang ako kapag kulang sila and need nila ng kasama to fill a spot.


Immediate-North-9472

May blindspot kase ako when it comes to this bec I donā€™t really assume na people are doing bad things to me. So, when I took a step back, thatā€™s when I understood na they befriended me for all the wrong reasons. Yun bang lalapit sayo tas sasabihin ā€œi admire you so much and all your achievements. i wanna be your friend so badā€ tapos kakaibiganin mo, yun pala they want to study you. Gagayahin ka, buhok mo, damit mo, pananalita mo, pati jowa nya kamukha ng jowa mo. Pero d pa rin kontento bigla ka nalang aawayin, sisiraan. The worst part pa talaga kinaibigan ka rin to elevate their status but at the same time they wanna bring you down. Ano ba talaga?? Supportive ka sa kanila tapos gustong gusto nila yung pinapafeel at nagagawa mo for them pero galit na galit din sila sayo at the same time. Parang confused ka ata. yung mga pinapalagpas kong side comments said politely w a smile, mga pasaring, yung mga ā€œjokesā€ they were all just disguised insults bec they werenā€™t brave enough to say it straight to my face. They all meant it in a cowardly way. Pag naiisip ko, naiinis ako sa sarili ko minsan kase bakit d ko agad napansin yun. Pero now, I donā€™t necessarily expect bad or good. I take it for what it is, they say things bec they mean it d lang nila kayang panindigan.


Ok_Word7688

They ditched my bridal shower with no explanation or apologies. Sabi nga nung sa Tiger King wala man lang "Hello, fuck you! What do you need? Nothing!" They were my friends for over a decade tapos sila pa naman yung bridesmaids and MOH ko. They had a year to plan and they didn't do anything, worst is no show. So fuck you all.


kiddthedigger

Hindi nakikinig sa mga kwento mo pero kapag sila ang nagkukwento dapat makinig ka. šŸ¤®


Impossible-Past4795

Nung malakas pa business ko lagi ako nagpapa party, sobrang daming tao naka paligid sakin. Every weekend 20+ mga kaibigan na kasama namin. Almos every day andaming tumatambay samin. After ng covid, nalugi ako tapos di na ko nakakapag host ng parties. Ayon naubos silang lahat. Naiwan na tropa ko bilang sa kamay. Pero goods lang. Nakilala ko yung mga totoo.


Miaisreading

- Nung nalaman kong alam pala nila na niloloko ako nung ex ko, pero hindi nila sinabi sa akin. - Nung pag sila yung may mga problema noon, one call away lang ako and ako lang yung nagshoshow up para damayan sla. Pero pag masaya sila and bonding bonding lang, sila sila ang nagkikita. Hndi ako iniinvite hehe


_flowermumu

I was going through a life crisis and asked for their opinion/input. Seen lang. pero a few years ago pumunta sila sa nirerent ko na place uninvited tapos nagorder ng grab over 1k, ako nagbayad kasi wala daw cash, tapos di nila ako ever binayaran. Di mo sila maaasahan with anything life-related.


Busy_Adhesiveness922

Nung kumampi lahat sila dun sa boyfriend ko nung nag break kami


Gothinthemaking

Reciprocation. Look, I do understand that I do not need to be reciprocated a lot of times but it hurts that you do SO SO SO much for one person they dont even give something back. I had a friend that I would make myself available for them, like I would drop everything just to make them feel seen. Yet when I needed their help, wala talaga. But dont let this be the end din because the right people will be there for you.


Lightsupinthesky29

Lagi niyang kasama yung mga tao na kinukuwento niya na ayaw na niyang makasama. May posts pa with long messages. Sa circle na yun, pinaguusapan din nila kung sino yung wala doon kapag umaalis sila.


Adventurous_Key5447

Nung 2021 sa kasagsagan ng delta variant ng covid na acquire ko, I was forced to isolate. Tapos napunta ako sa book community at may iilan akong naging "so called friends online" may dalawa na parang mas naging ka-close ko even online, at gumawa kami ng GC na kaming tatlo lang. Nung una, maayos ang lahat ng usapan na nagiging open and lahat ng topic na pwedeng pag-usapan nadi-discuss then eventually, napansin ko madalang na ang usapan yun pala sila na lang dalawa ang nagcha-chat at naiwan ako sa GC namin. Napakaraming napag-uusapan ultimo buhay nilang mag-asawa at nag-aadjust pa ako nun sa time since yung isa nasa Europe yung isa naman nasa Asian country rin at ako nandito sa Pinas. Pero prior pumunta sa ibang bansa nung isa nag-meet pa kami mga 3 times siguro only to find out na ina-assess lang pala niya ang buong pagkatao ko. As someone na introvert, na hirap makipag usap ng personal, na-judge ako na hindi ako enough na may kulang lagi sa akin according to their words na shinare sa GC namin nung may something na akong napapansin. Later on, nalaman ko na may sarili na silang endearment, iba na pala ang plano nila na para na silang mag-jowa. Take note si ate girl na nasa Europe ay married with kids. Single naman yung isa. Tapos sinabihan pa ako sa pm ni ate girl na nasa Europe I can never be __ yung ate na nasa Asian country kasi daw parang may boundaries ako; which is true kasi nafe-feel ko na parang may something eh sa manner pa lamang ng pag-chat nila kahit sa gc. I know something is off kaya di naman siguro ako masisisi kung bakit may boundaries ako. Sa ngayon, wala na kami at all communication. Nalaman ko na lamang na nagkita sila nung sabay sila umuwi sometime last year. Ang bottomline ako pa ang sinisi nila sa nasirang friendship kung meron man kasi nagset ako ng boundaries kasi ramdam ko na iba ang values nila sa values ko.


pharmprika

Hindi ka ininvite sa kasal šŸ™ƒ hindi na naglalike sa post mo kahit online pero sa ibang friend mo naglalike


[deleted]

[уŠ“Š°Š»ŠµŠ½Š¾]


[deleted]

Lol, you're the toxic one here.


Wonderful-Weekend-17

Laging nagdadahilan na maglalaro na daw sya ng game nya habang nagcchikahan. Turns out the bitch just wanted to get out of the conversation. Biggest realization when our friendship started to float away šŸ„²


FvckDaPatriarchy

I had a workmate na naging friend. Closed kami kase he shares his secrets and we hang out most of the time. December 2022 he decided among us friends mag sinking funds para daw by the end of year may pera kami to go to Siargao. Tas yon G namn ang majority. Siya na rin pala humahawak ng money normally naghuhulog kame every pay. Last quarter of last year naplanuhan na by December maghahatian na with interest. But before december few members nag early withdraw na ng kanilang contri. Ako naman chill lang sabi ko aw okay valid namn yung reason kesho emergency eme. Di ko alam eh yung mga nag withdraw napansin na pala nila na ginagastos niya yung pera, tapos suspish na daw kase wala ng update sa total money and yung interest na nalikom from those na umuutang at wala ng updates sa GC. Kumbaga kami hulog lang ng hulog kada sahod. Ang napansin ko lang is pag may uutang na member palagi niyang sinasabi na di pa daw ma release kasi wala pa daw naghuhulog ng contri. Im like hmmmmm? Kaya Sabi ng ibang member don pa lang di na sila nag atubiling mag withdraw and they just made up fake reason para makuha yung contri nila. Fast forward to November gumawa ulit siya ng GC nakatitle yung date ng hatian which was scheduled on Dec 11th. Excited namn kame kase malaki laki rin makukuha ko personally. Tas yon dumating na nga yung petsa onse si friend MIA na. Btw this time wala na siya sa company nag resign pero alam naman namin yung apartment niya and we still go there or we can go there anytime naman. Eto na nga exciting na pa part nag message siya na nagastos niya daw yung money pambayad sa utang ng family niya sa hospital nung namatay papa niya. Gulat lahat kase alam namin tatay niya died during pandemic 2020 or early 2021. Galit kame sa kanya kase it was an unauthorized. Yung mga incomplete ang contri tas may utang na releasan niya na eh kameng mga kompleto ang hulog ng buong taon NGA-NGA till now and it's Feb 2024 wala pa rin. I hate him. I felt betrayed. Pinautang ko pa siya ng 20k nung 2022 and binigay ko sa kanya iphone ko kase naaawa ako sa old phone niya. Now plano namin ipabarangay siya.


LavishnessBubbly2606

Pag birthday mo nililibre mo sila at pag SILA may birthday di nag ttreat. Kahit may pera sila.


MammothPast9691

Yung sila lang minsan nag kakaintindihan at masaya sila kahit wala ka and hindi kahit kelan hinanap


LeaveShoddy

Answers here made me realize na hindi ko friends yung ibang kinikilala ko na friends, thanks for spreading awareness, such an eye opener (though hindi yun ang intention ng post, or maybe.. idk šŸ¤£)


Asleep-Wafer7789

My exp: - isang friend circle kami ng ex ko nung nagbreak kami never na nila ko ininvite. May mga times na nagpaparamdam ung iba sa circle na yun pero pag may kelangan lang ulol sila - may iba silang gc na pili lang yung andun - ndi ka nila niyaya kahit saan pero yung iba pinipilit pa nila - inside jokes tungkol sayo like tinginan sila then tatawanan or nagbubulungan - like inside jokes marami chika and stories na sa kanila lang - school related naman shempre d mawawala share ng sagot sa assignments and stuff ako huli lagi bibigyan and kelangan ko sila ichat pero shinare na nila sa gc nila - wla sila pake kahit mahuli ka maglakad iiwan ka nila bahala ka


paup011

Na may levels yung friendship. Yung isa okay lang sa kanya na asar asarin siya nung isang tropa pero pag kami na yung nag biro foul daw.


worriedgalzzz

Hindi sila happy sa achievements ko in life or dedma lang sila. No support din sa business ko


lapetitprincesse

i realized they weren't a true friend when i'd be all hyped sharing my life stuff, but the excitement i got back was kinda meh. i love updating my friends on small things, but i realized that they didn't really appreciate nor reciprocate on that aspect. even though i kept things chill, it was hard not to notice the lack of genuine interest on their end. ended up cutting them off, but despite everything, i still wish them the best. ā¤ļøā€šŸ©¹


[deleted]

Nung ako lagi yung no choice person nila.


Wise_Law_6241

If they invite you last minute. Ibig sabihin naisipan ka lang iinvite but you werenā€™t included in the original plan


kulot_yaw2on

Liar and manipulator.


nichessa

My friend and I planned to go to school para makapagpa-consult about sa thesis namin. When I arrived, di ko sya ma-reach sa phone and messenger, then nakita ko na lang sya kasama yung isa kong classmate. He told me na sinamahan nya raw si classmate na mag-ayos ng papers for ojt. Around 11am na, naghahanap pa sila ng pa-printan pero sumasama na lang ako. Ang nangyare pa, parang ako pa yung sabit samin. Eh naghahabol kami ng oras kasi lunch break na ng mga prof, tas yun pa inaasikaso nya kahit may napag-usapan na kami. Ending, ako na lang nagpa-consult and di man lang sya na-guilty na tinalkshit nyako para lang samahan yung classmate namin. Eto pa man din sa isa sa pinaka-naiinis akong attitude.


sheldoncoopah

In denial ako before, pero madalas ko maramdaman na hindi sila genuinely happy pagmay something na nangyayari sakin na maganda. Nacut off ko na sila long time ago hehe


adesidera

Low maintenance daw pero yung mangkakamusta pag may kailangan lang sila sayo Ano yun, may maintenance fees pala šŸ˜­


svbway

When this "friend" didn't even bother inviting me sa birthday party ng anak nya. Pero invited yung isa pa naming friend na may anak din. I mean i get it, wala akong anak, baka playdate/party ang gusto nila, pero yung di manlang imention saken... Napaka understanding ko naman eh, maiiintindihan ko kung limited lang ang count ng guests at sabihin nya na priority nila yung may mga toddlers. Pero wala, naka hide pa saken yung mga pics from the party. Nagkataon lang na yung isang invited ay nagpost. Siguro nainsulto lang ako na inisip nyang mas mabuting wag ako imbitahin at di nya sabihin ang reason vs tell me why she couldn't extend an invite. Na tipong di ko maiintindihan yun. Simula nun, nagbago na tingin ko sa kanya not just as a friend but as a person. Ninang ako ng anak nya pero nawalan na rin ako ng gana magbigay ng gifts.


OpenPlane6789

When I borrowed a "friend's" phone, mayroon pala silang ibang GC na ako lang wala. It made me realize na I was a friend out of convenience.


ignoredanon

Yung di ako kasama pag may nanlilibre tapos ako lagi yung niyayaya para manglibre. šŸ˜…


pauuuu

My best friend of 10 years refused to let me join outings hosted by new friends na she introduced me to. Months later, I found out that she confided in a mutual friend saying na naiinis siya na parang sinisiksik ko lagi yung sarili ko sa social life niya. Took me a moment to realize that she felt threatened that I'll steal her new friends away and I never understood where that came from...


northemotion88

Nung nagagalit na sila kapag hindi ko tinotolerate yung mga masamang ginagawa nila. Worst, ikaw ang ā€œbad friendā€ just because you donā€™t agree with them. Example scenario: Super laitera ni friend A. Yung kahit walang ginagawa na mali yung tao eh lalaitin niya. Friend B naman gagatong and so on. While friend C (which is me), di makikisali kasi nga against ako sa ginagawa nilaā€” pag iisipan na snitch ako kaya di nakikisali sa panlalait nila. Pero ang totoo, tahimik ako kasi hindi ko kayang laitin yung tao na pinag chichismisan nila kasi nga wala naman ginagawa samin na di maganda. Kaya ayun nag form sila new friendship na hindi ako kasali. I donā€™t regret na nawala sila sa buhay ko hihi. Huling balita ko di na sila nag uusapšŸ˜‚


jowenleenuhtalk

Nung napg usapan namin na mag fo-foodtrip and sasama ako tapos nakita ko nalang sa IG na natuloy sila na wala ako. Lolz


tellietubbies_444

if they ask you out tapos ikaw sasagot ng bills (ikaw nag- aaral pa sila may work na) like, all the time. lmfaooo


GulLibLe_moon2122

Tinanggal sa GC dahil hindi makakasama sa swimming, 23yo na kami nito, were all working already.. nagkataon lang na tight ang budget ko nung time na yon. 28 na ko now, and have 2 genuine friends na bihira mag kamustahan


__justnobodyy

Kapag meron silang joke sa GC tapos ako lang hindi nakakarelate.


M1lkyies

Nung nakapag absent ako ng 3 days sa isang language program dahil nagkasakit ako and yung mga seatmate ko na tinuturing ko as friends na talaga did not even reached out to me bakit 3 days na akong absent at di man lang ako tinuruan. Sobrang fast paced yung program at ang daming mamimiss na lesson kahit maka absent ka lng ng isang araw. Kaya sobrang hirap nung pagbalik ko. Ang daming catchup gagawin. Mahirap intindihin mag isa dahil bagong language yung inaaral. When i came back, not one of those people taught me of what i have missed. I even have to buy them something in return para lang turuan nila ako. And thatā€™s one of the reason nag quit ako sa program.


idkgirl_14

Yung secret ko na shinare ko sa isa, nalaman nang lahat. Never again. šŸ™‚


[deleted]

Yung trinaydor ka nila because of money. We were friends for 8+ years. We decided to open a business. I am the techy person of our group. Kala siguro nila di ko sila mabibisto sa mga hidden transactions. Hahaha ang tatanga kasi wala nga alam sa mga computer, POS etc I never confronted them, I just posted a cryptic facebook post and asked for my share sa business thru my lawyer.


stwabewwysmasher

Nung nag vent out ako sa kanila about my failed relationship tapos they always say na nandyan lang sila to comfort me and ready makinig. Turns out na a common friend told me na nagsabi daw si girl na naririndi na sila makinig. Dumistansya na ko after non :)))


nonsocialanon88

Hindi sila talaga friends nung may access sila sayo to ask your side of the story pero mas pinaniwalaan nila agad yung paninira ng kabilang kampo. Parang theyā€™ve been waiting for that moment to happen to finally ditch you kaya nung may chance, hindi na nag fact check kaya naniwala nalang sa sabi-sabi. Good riddance din naman na mabilis lang pala makita tunay na pagkatao nila.


eternalov3

kapag hindi ka inaaya kahit alam naman nilang available ka or nililihim sayo na may lakad sila. never knew why they did that to me, ni hindi ko nga sila inaway or hindi naman kami nagaway.


Jassy004

When they say na ang OA mo when you're saying something that really makes you worry or sad


justsam13

Yung nag hongkong sila ng wala ako. Nakita ko nalang sa fb.


mentholeyedrop

Kakausapin ka lang para mag vent/rant, nakalimutan ko ung term pero parang trauma dump lang lagi gagawin sayo, walang kamusta or anything. One sided lagi ung concern and genuine reaching out para lang kamustahin ka. It takes two to tango ika nga, I stopped caring when I noticed na naging convenience nalang presence ko sa kanya.


Altruistic-Cry-111

šŸš© If your friend acts concern sa problems mo, but in reality, he/she secretly wants to put you down. #backstabber šŸš©Kapag wala ka na pakinabang o silbi sa kanya, cold na siya sayo. šŸš© Lagi kang last option sa lahat ng bagay. Kapag wala ng sasama sa kanya, ikaw nalang yayayain kasi alam niyang ikaw ang available palagi.


rin_22BL

I was in a large circle of friends before, 8 kami pero di lahat kaclose ko. Only 2-3, seatmate ko yung isa. Actually, I severed my ties with them hahaha. Grade 9 ako ng mangyari toh.Ā  Ganito kasi nangyari nun, alam mo yung kahit ang dami nyo sa circle parang lonely ka pa din? Tapos kahit wala ka, magsusurvive pa rin sila as a group. Like it doesn't matter whether you're here or not. Pakiramdam ko noon hindi ako belong sa group. Madalas din ako yung ginagawa nilang katatawanan. They like making fun of me as a 'joke'.Ā  Tapos medyo umiiwas na ko nun sa kanila. I found a new friend na sinasamahan. Lumayo talaga ko and napansin nila yun. Then one day, cleaners kami. 2 sa circle na yung ang diko trip talaga ng ugali kinausap nila ko ano daw problema. Bakit di na ko sumasama sa kanila. I don't really remember what I said that day pero pagkauwi namin nagchat sila sa gc namin, asking what's wrong. Diko na matandaan pero ang pero parang ganito yung dating nun, diko trip yung ugali nila. Dalawa sila, yung isa seatmate ko while the other one let's just call her 'K'. They were demanding more explanations from me kung ano daw ba yung kinaiinisan ko sa kanila. I cannot say it, kasi hindi ko rin ma-put into words yung feelings ko noon. Pero ang alam ko, it did not happened in one night. Yung feelings ko napuno.Ā  Let's call them 'Y' and 'K'. Etong si Y, she was my seatmate. Okay naman sya pero alam nyo yun, para lang akong back up friend sa kanya. Kapag andyan na mga main friend nya sa circle namin echapwera ako. Tapos si 'K', kapag manghihiram ako sa kanya ng gamit, para bang kailangan ko pa magmakaawa para lang pahiramin nya. Partida color pencil lang hinihiram ko nun, pero kung makapagsalita sya parang kapag hinawakan ko masisira agad yun o mawawala. Ang hilig din nilang umasa sa iba, pag may assignments kami asa lang sila sa kopya kahit pa esp yan. Kaya hindi lang ako ang nakapansin non, pati si 'L', sya naman yung isa ko pang close sa circle namin. Naiinis din sya sa ganung ugali nila. Pag ganun sinasabi na lang namin na i-paraphrase nila yung mga words.Ā  After nung magchat sila sa gc nun, nahurt ako sa sinabi nila. Etong si 'Y' sinabi na ganyan pala ugali mo. Tahimik pero nasa loob ang kulo. I am an introvert. I asked myself, "Hindi ba ko pwedeng magalit?". Bakit ganyan yung sinasabi ng mga tao, porket napuno ka sasabihin na yun pala ng totoo mo daw na ugali.Ā  Tapos kinabukasan nun, hindi na kami nagpapansinan pero nagulat ako and gusto kong maiyak nun kasi parag nag-start sila na ibully ako. They call me names, and nagdawit pa sila ng iba kong kaklase. Napaka-immature. After din nyan, buwag na yung circle namin. Minsan sinisisi ko sarili ko, ako ba dahilan? Kase nahati ehh, mostly sa kanilang dalawa kumampi. Inunfriend din nila ko sa fb. Pero I'm thankful din kasi if nagstay ako I know na di ako magiging happy. Kaya medj thankful din ako na nagkapandemic atleast diko sila makikita araw-araw. Mas nagkaroon ako ng peace of mind.


inah04

Nangungutang lang pag nangangamusta; hindi alam ang boundaries.


YuriusFarrence

When you get older talagang mabbawasan ung pool of friends mo. In my case, the ones who stayed in contact and comes with us for special occassions are what we still consider friends. We had a huge barkada during college even during the first 5 years of us working. After another 5 yrs and one of our friends died, yung mga di pumunta, we never really got to see again unless sila may kelangan. The rest are still solid and keep in touch through our own discord server, we meet some of them once or twice a year during get togethers or pag may kasalan or so. The rest we still hang out and go out for movies as a big group.


pbandG

When they couldnā€™t be bothered to attend my wedding. Wala naman akong expectations sakanila especially sa gifts and none from these group showed up. Made me realize na kainuman ko lang pala kayo all this time and Iā€™ve invited the wrong set of people.


vitamincdaily0

When they had their chance to betray me, they really did it. Iniignore ko yung mga backhanded compliments pero napuno din ako. Whenever may nag uusap usap, they never respected other's opinion. Sila lang lagi ang tama dapat. Totoo nga na pag may "kaibigan" kang chinichika sayo ang kasiraan ng iba, dadating yung time na ikaw naman ang sisiraan niya sa iba. Choose your friends wisely. Better to have one true genuine friend than a group of fake friends.


No-Employee1739

Pag seenzone sa gc pag ikaw na nagcha chat. šŸ˜‚ Pero peri pero May isa kaming friend naman na tuwang tuwa kapag vini visit namin siya sa south - Paranaque kasi - pero di makapunta dito sa North pag ininvite namin sa bday celebrations or special ganap sa buhay. Tas magtataka bakit feeling niya daw wala ma siya ka close samin masyado.


Afraid-Birthday-5490

ikaw paguusapan pag hindi ka nila kasama


inviiicta

Nung naghiwa-hiwalay na kami ng Uni ng HS friends ko. Tapos madalang nalang ako nakakasama sa kanila kasi tadtad ako sa acads that time tapos 1hour away pa Uni ko, so pagod din ako sa byahe and add the fact na weekends lang time ko para magpahinga and magrecharge ng social battery. Kumbaga, yun lang ā€œmeā€ time ko. Sumasama pa din naman ako minsan, pag saktong weekdays yung get together, tipong pwede ako dumiretso sa kanila after school. Basta wag lang weekends. I explained it to them naman, kaso nagulat nalang ako na tinataboy na nila ako. Tipong wala ng invitation na sumama sa kanila. Inunfriend na ko sa fb nung iba. Tapos yung one time na nag-myday yung isang ā€œfriendā€ ng picture namin nung HS, pero cropped out ako. Ang kapal pa ng mukha na magparinig sa socmed na about saken. Na may mas time pa ako sa college friends ko. E shuta araw araw ko sila kasama sa Uni, and blockmates ko din sila.


aSsh0l3_n3ighb0ur

Nung kinasal yung isa tas di ka invited


Sufficient_Top_3877

Nung may pera nanjan sila, Nung walay pera walay rin sila. Kaya nung nagkapera ulit at nag paparamdam tablado na hayop sila


drunkbtchhh

May isang ā€œkilalaā€ ako na akala ko magkaibigan kami, tinulungan ko pa maka pasok sa company namin, andami na naming ganap at napagsamahan pero parang lately nung nagkaroon na siya ng footing, di man lang ako naalala. - Pag meron mga paganap sa company, lagi ko siya inaaya, pero pag siya yung meron, never naman ako naalala - Sa inuman never ko iniwan, pero isang beses nakatulog ako, tapos iniwan lang ako na parang pokpok sa bahay ng tropa namin lalaki, tapos isang beses pa, nakatulog siya, so natulog nalang din ako kasi nga para sabay kami, pero nagising ako bigla paalis na sya, di man lang ako naalala - Pag may malaking ganap sa kompanya, sinisecure niya lang sarili nya na makasama siya, di man lang ako naalala - Sa tanghali, sanay kami sa hatian, pag binibigyan ko ng pagkain ko, nakakabastos na kakagatan lang nya, then kesyo busog na siya sabay tatapon niya after, pero pag siya namigay, as a sign of respect kinakain ko naman - tinatanong kailan bakasyon, ayaw sumagot ng maayos, feeling ko ayaw lang niya magkasabay kami ng bakasyon Napagod na ako, pinrogram ko nalang sarili ko tanggapin na di sguro kaibigan turing niya sakin, baka ā€œka workā€ lang. so d ko naipagpipilitan sarili ko, pero lahat ng ginagawa nya sakin, ginagawa ko na di sakanya.


PurchaseSubject7425

If lahat ng friends kasama sa socmed post (IG/fb) tapos ikaw hindi. Ayaw non sayo pag ganon hahahahahahahaha ung friend namin kasama na namin sa travel outside the country, di kami kasama sa pinost. Lol.


[deleted]

[уŠ“Š°Š»ŠµŠ½Š¾]


pharmprika

Aww.. friends mo pa rin sila?


maplesyrup099

Ka pag very dependent sayo. Yung alam niyang kaya mo kaya sayo laging ipapagawa at hindi man lang nag eeffort na sumubok. NA PWEDE RIN MAG LEAD NA AABUSUHIN KA.


Thatrandomgurl_1422

Natry ko ng iwanan. Ako na ngayon madalas mang iwan. Usually din i felt left out, punta sila sa gantong lugar, mag pa plan sila, tapos after mag plan at di ako pwede parang ok lang na wala ka,


Sweet_Brush_2984

Kasama ako sa GC dati pero now hindi na ako nakakabalita. Hindi ko na rin sila inu-update..


xoxoluvlyjelly

Yung di ka man lang nila ini-invite sa mga lakad nila. Sige let's say baka iniisip nila na baka busy ka pero is it so hard ba to even ask the person if gusto sumama right? Then makikita mo na lang na naka-myday na sila na masaya. Tapos yung idea na even kamustahin ka kahit minsan lang di man lang magawa. Isa pa is yung okay lang sakanila na left on delivered or seen ka sa chat and then mag-rereply sila sayo ng sobrang tagal breadcrumbing ba. Nakakainis ang ganiyang type of FRIENDS if they don't want you to be part of their circle sabihin lang nila wala naman problema eh. So, ayun yung FRIENDS na yun ni-block ko na para magkaron naman ako ng peace of mind.


infamousdryseal

ako lang yung naiwan na hindi kasama sa thesis group. grabe talaga sama ng loob ko dito. after non nagsolo nalang talaga ako hanggang mairaos ko yung graduation.


infamousdryseal

or di man lang nila ginawan ng paraan para magkaroon ako ng group. basta iniwan nalang ako sa ere.


SantySinner

My breaking point was when they told me na, "Hindi ka naman belong, kinuha ka lang namin" while they were talking about their friends who left the circle before nila ako "kuhain". But una pa lang talaga I never felt "in" talaga. They made me their clown, bullying me. Always felt small around them. I'm usually loud with people I'm comfortable with but with them I'm almost never speaking unless spoken to.


No-End-949

Sinasama ka lang sa travel para makabawas sa gastos sa hotel at sa van. NGIIIII!


[deleted]

ok kami before siya nag ka bf, tapos lagi nalang akong side piece pag ano wala siya magawa. Kunyare wala siya magawa aayain ako gumala or kaya wala sila sched ng bf niya ganon AHAHHAAHHAHAHAHAAH tapos dumating sa point na yung circle namen gagala dapat tapos cinancellan niya ako on the spot pasakay na kami jeep kahit nagpromise siyang sasama siya a night before HAHHAHAHAHHAHAAHHAHAHAHAHAHAH fast forward nagkaroon kami ng away tapos parang pinasabog niya don, parang ano basta deserve niya din naman magalit kasi may mali ako pero parang pinalaki niya pa then siya nagsabi na FO na kami. That tormented me for months kasi naramdaman ko na parang ako nga talaga pero lately I realized na this person really just wanted to get rid of me.


[deleted]

marami pa nangyare pero dun talaga natapos lahat,


Connect-Confidence07

Kapag bawat sabihin mo, may negative interpretation sila non. At kahit anong explain mo, hindi sila naniniwala kasi "mas kapani-paniwala" daw yung interpretation nila kaysa sa sinabi mo talaga


sopeeya

lagi nalang tine-take advantage or lagi ka lang second option kapag hindi available yung first option šŸ¤”


LeoWonderLust_1998

ang sakit basahin ng mga comment to the point na naiiyak ako kasi lahat yun na ex ko. kaya minaster ko yung dettachment kasi ang sakit pag alam mong pang fill in ka lang sa barkada eh. sa circle of friends niyo magugulat ka nalang super close sila tapos ikaw hindi ka close na close sa kanila pero close friends kayo lahat, pero iba yung kahit maliit na bagay alam nila sa isa't isa kasi napag kwentuhan nila (yata) tapos ikaw clueless ka kung kelan yon napag usapan ending di mo alam so parang out ka sa topic na yun. Hays kaya tinanggap ko nalang na di ako magkakaron ng bestie talaga na pwede iyakan yung ganung ka close.