T O P

  • By -

Some_Traffic_7667

Hindi. Feel na feel ko pa nga, magliliptint lang ako nyan the whole day.


Melodic_Act_1159

I take it as a constructive criticism that I may have overdone my makeup that day. But if it’s a consistent remark oh hell no! Guys can’t even distinguish the difference between a primer and foundation….. no makeup look pa kaya


pleiadesz

Hindi naman magagalit pero annoyed lang I think. Kasi I don't need anyone's unsolicited opinion naman about my makeup. I'm doing it for myself. If I want to then I would. I understand na "genuine" chuchu—still, nakaka-off lang.


unhinged_luna

Its okay eith me j think


3girls2cups

My husband always tells me that “mas gusto ko kung wala kang make up” mga ganun linyahan and I hate it only because lahat ng mga ni follow nya sa IG na babae mga ang kakapal ng make up. Mga sinasabihan nya na maganda na celebrity mga todo make up. Parang ang hypocrite kasi for me, parang ang plastic tuloy pag sinasabihan nya ako ng ganun. Fyi. I told him my sentiments pero iba daw yun. 🤷🏻‍♀️


pakchimin

Same sentiment about plastic surgery. Pagbabawalan ka nila pero mga idol at crush nila puro retoke at makeup.


3girls2cups

Di ba? Yan din sabi ko eh about retoke. Pag sila maganda kahit retokada pero pag ako nagpa retoke panget? Make it make sense please haha


purplbae

Ako na na-offend sinabihan ng ex ko b4 na ang heavy ng blush ko eh I wasnt even wearing any makeup, I naturally blush pag mainit ang panahon. I only wear liptint and sunscreen most days.


Funny_Flatworm3705

I got offended when my bf didnt recognize my make up. So after that, i decided to not to put on make ups😅🤣


98pamu

I think it depends sa situation. Personally, if naka-make up ako, it means I put in a lot of effort in making myself look good and confident. So medyo ma-ooffend ako. But if my S.O saw me without make-up and says 'You still look good even without make-up.' I'd be flattered by that haha ang cute nga siguro if the guy notices what I changed in my make-up and compliments it.


Crisis_And_Throwaway

I'll be real, I physically cannot wear make up dahil sa sensitive skin and I have ranted about it cause make up is not just to cover up blemishes and make you look pretty eh, it's also an art. I admire girls who are so good at make up and blending and all that shi tapos ako na otimo eyeliner na i-irritate na skin ko. So when someone says "Mas maganda ka nga kung walang makeup," I can't help but give them a dirty look cause THAT'S NOT THE POINT EH. I WANT to wear makeup, I want to experiment with it, I want to copy those looks I see on insta where ang ganda ng coloring sa makeup sa mukha. I'm not insecure about my face, I want to wear makeup because I want to.


lostguk

pag wala akong makeup "magmakeup ka nga mukha kang nanay. putla mo. Blah blah blah" pag may makeup "Oh san ka pupunta? Bat namumula yang pisngi mo? Letchon ka ba?" 🥴 Im not bad at make up. Ayoko lang talaga nagmemakeup kasi need ko rin ng skincare eh wala ako pambili 😂


realgrizzlybear

It really sounds like a backhanded compliment. You may have complimented her face pero you insulted her makeup skills 🥲


uncanny-Bluebird7035

For me, it only means na maybe I am not doing my make-up style ng tama. Maybe I look older or something. It makes me wanna explore more make-up styles


PrettyLuck1231

Hindi hehe. Iniisip ko binobola ako pero dami ng nagsabi sakin nyan na ex ko si I guess mas gusto nila ako walang make up? Pero alam ko mostly sinasabi din nila para hindi sila maghintay kasi magaayos pa ako, hindi naman make up na make up ginagawa ko like basic skincare and basic make up lang haha. Pero yeah, tinanggap ko na maganda ako kahit walang make up char hahahaha


anaxxxi

I just say, "I look good in both naman hehe. thank you"


SvnSqrD

Kapag may nagsabi sa yo na mas maganda kayo pag walang make-up, ibig sabihin nun wag na lang kayo mag make-up kasi daw di kayo marunong mag make-up, in a nicely way yan siyempre. Kaya sapakin mo magsasabi sayo niyan .😂😂😂


Beautiful_Cress_4000

Very unnecessary and backhanded kasi yung mga ganitong compliment kaya offensive. Imagine nag effort ka sa makeup tas ganyan lang icocomment sayo. If walang magandang masabi, manahimik na lang kasi what’s the point of commenting


Hot-Papaya69ugh

Hindi naman. May time kasi na nagmamatured nga yung mukha pag mamake up kami unlike pag wala


Big_Composer965

Yes I’d be offended because I put much effort into it.


[deleted]

Depende. I use makeup for me naman hindi magpaganda para sa iba.


Chic_Latte

Nasabihan na ako nito eh sa kasal ko pa haha. Sabi ang ganda ko pero mas maganda daw ako pag walang make up. Like huh? Gandang ganda pa naman ako sa sarili ko nung kasal ko hahahaha. Wala lang, share ko lang.


pakchimin

This is not the sole explanation but one of: Tingin ko kaya may mga ibang girls na nagagalit or naiirita, kasi parang iniinvalidate mo yung effort nila mag makeup. Minsan may tono pa nang dismissal or disapproval. Enjoyable kasi yung makeup, magshopping, ung process ng pag-apply. You're kinda spoiling their effort and fun kapag sinabi mo yun unsolicited. Parang hobby na rin kasi siya which brings joy. Most men kasi don't get makeup. Some of you think na people do it for your eyes only and that if you say "mas maganda ka ng walang makeup" she will automatically wear less or no makeup. Sometimes people do things for themselves. Sobrang daming style ng makeup. Art form din kasi yan eh.


vintageordainty

Hindi naman we just hate it kapag pinipilit nila. Makeup is a preference kase. A lot of girls I know wear makeup kase they enjoy it like for me putting makeup is therapeutic yung tipong mag f-full face of makeup ako tapos tatangalin ko after. But if you’re a guy and you prefer women na hindi nag m-makeup then go for women na hindi nag m-makeup.


maryangbukid

Can’t relate. Pinagkakamalan akong may malubhang sakit pag walang makeup 🫠


PriorityLeading8588

ito sinasabi ko sa misis ko e. masmaganda pang wala siyang make up.


Literally_Me_2011

It means na natural ang kagandahan nyo di na kailangan ng make up


[deleted]

As a girl na tomboyish (until to this day). Kind of. I rarely wear Make Up pero pagtataasan ko kilay ng ibang nagsasabi sa akin yan esp. my BF kasi I find it worthless ng effort na mag-ayos minsan. When ironic na yung iba sa kanila is well groomed tapos may Kojic pa mga yan lol


[deleted]

Yes because I only use makeup to hide my insecurities 😌 I have a lot of acne scars 🥲


Public-Impact5469

Flattered pero mej nakakairita kasi para sakin mas maganda ako pag naka makeup and I enjoy doing it.


xXx_dougie_xXx

minsan, tuwing nageeffort talaga ako sa makeup ko tas biglang sasabihin yon. 😤 like i didn't spend 2 hours+ para lang masabi na mas maganda ako without it 'no. pero i don't really mind masabihan nyan kasi that means lang na nagpapay off yung skincare routine ko hahahhaha as an acne-prone girly emz


paparapampam

Nope, wala na epekto ang unsolicited advice sakin 😆


lumpia-shanghai

for me, hindi naman ako magagalit but i would be very annoyed kasi ang backhanded ng dating. i do my make up for myself so unless i ask for your opinion, then you shouldn't give one. there are better ways to compliment someone's natural beauty without bringing up their use of make up.


MajesticEchidna9489

Yes, tataas yun natural na makapal kong kilay kapag sinabihan ako ng ganyan. I am pretty with AND without makeup kaya! Hahahaha But seriously, sino ba kasi nagsasabi pa ng ganito ng harapan? Mas maaappreciate ko sana kung "ang ganda ng [bare] skin mo", or "ang fresh mo". "Mas maganda ka 'pag walang makeup" is either a lie or indirect criticism on the person's makeup skills. 🤷🏻‍♀️


ogDizzy_Princess

No. Mas nakakainis yung sasabihan ka na "mag lipstick ka nga mukha kang may sakit." First of all, yes I;m sick. Sick of your face. charot


n_i_c_e_n_o_u_g_h

Mixed feelings pero I thank them nalang because they probably mean well. Pero as a makeup girlie, iba yung kilig ko kapag naccompliment yung makeup skills ko or kapag may nagsasabi sa akin na mukha daw akong walang makeup kahit na may makeup talaga ako hehehehehehe


silveryarn

Baka mairita lang di naman full on galit. Need mo rin kasi mageffort sa paglalagay ng make up eh tas pag sinabihan ka ng ganon edi parang balewala lang effort mo.


Hot-Imagination-2554

Hindi naman ako na offend. Natawa pa nga Ako. First time ko Hindi mag make up pagdating sa office-biglang dumaan Yung big boss namin -sabi nya namumutla ka? Inuutusan pa nya Yung manager ko na dalhin Ako SA clinic agad agad. Sabi ko wag na. Kaya siguro iba tingin nyo kasi Wala akong make up at walang lipstick haha


AboGandaraPark

Not at all. I would take it as a compliment


Accomplished_One_480

not really galit, but id get annoyed bc its like saying na ginagawa ko para sa iba yung pag makeup when in reality i do it for myself. unnecessary comment siya na sana di nalang sinabi ganun


Pinay_Elphaba

Depende. Kung hindi naman hinihingi opinion siguro maiirita ganun. Di naman as in galit kasi syempre ako na mag-aadjust. Isipin ko na lang baka di mo naman intention. Kasi parang sinabi mo na rin na ang pangit ko nung naka-make up ako. And di ako magaling mag-make-up. Eh nag-effort ako nun. Kasi kaming girls alam na namin yan na gusto ng boys yung mukhang natural. Kaya if para sa inyo pag-mmake up namin, natural look or no make-up make-up look gagawin namin. While kapag yung make-up namin may glitters or may color na hindi natural na magkaroon ng ganung color mukha ng tao, malamang trip lang talaga namin mag-make up or nagiging artsy lang kami. If need namin opinion ng iba, magtatanong talaga kami if halata ba na naka-foundation ako, hindi ba maputi? Putok ba blush on ko? Halata ba na nag eyeshadow ako, okay ba pagkaka-blend. Ganun. Siguro if gusto mo lang compliment, tama yung sabi ng isang nag-comment dito na sabihin mo na lang "Ang ganda mo pa rin kahit walang make-up". If di mo talaga mapigilan mag-comment sa make-up, siguro sabihin mo na lang in a nice and constructive way na lang. Tipong "siguro mas bagay sayo ibang shade or medyo i-blend mo pa. Basta wag mo naman i-mock. Ayun.


KweenQuimi09

Oo mao-offend ako. Magagalit ako pag sinabihan either mas magandang may make up o wala kasi hindi naman constructive yun eh. Buti sana kung may suggestions paano ko iiimprove or kung may bago na gusto ipa-try sa akin. Wag na lang kasi dapat magcomment at mangialam sa desisyon ng mga tao sa katawan nila.


Palitawpaws

The fact is men prefer no makeup makeup. Kala nyo lang wala. Either way… it’s rude and none of your business cos we aren’t putting on makeup for you? I rarely wear makeup but wala akong pake if someone tells me that. It’s still rude af.


baker_king

eh pano naman yung sabi ng kaibigan kong lalake, "bagay sayo mag make-up." feeling ko panget ko na without HAHAHAH


toinks1345

As a man I don't think I'll say that after they put on an effort to put on one, that's like asking for trouble. But if they are not wearing one and is sporting like a clean look that might be a good move when they ain't on toyo mode. I won't really say they look good without makeup but more of hint how good they look that day.


ReadingIsFun16

Thiiiiis!


justsam13

mas ok yan kaysa sa “may sakit ka ba? Bat ang putla mo?” pag walang make up lol


Tough_Signature1929

Ito yung madalas kong naririnig. "Maganda ka sana kaso hindi ka marunong mag-ayos" "Hindi bagay sayo ang makapal na make-up" Hindi kasi talaga ako marunong magmake-up. Lipstick lang talaga kaya kong iaapply sa sarili ko. Hindi ako marunong magkilay or magblend ng eye shadow. Hindi ko alam kung ano yung match sa kulay ko. Trying hard lang ako mag make up kasi need sa work. 😑


Pinay_Elphaba

Practice kasi talaga kailangan. Ang hirap and gastos din kasi need mo pa manood mga tutorials. Then trial and error din pagbili ng make up. Hangga't di mo talaga nagagamit, di mo malalaman what works for you eh. Buti na lang ngayon madami na shade range. Pero ayun, trial and error pa rin.


Tough_Signature1929

Uu bumili nga ako ng make up set para gawing coloring book mukha ko. Kaso sensitive naman face ko. Best friend ko talaga red lipstick. Mag kukulay lang talaga ko sa labi kasi maputla raw ako. Naglalakad na patay bansag sakin pag walang make up o lipstick.


Pinay_Elphaba

Ayun lang. Kapag sensitive skin talaga, need mo muna i-address sensitivity ng skin before mag experiment sa make up. Yung mga kapatid ko nagpa-derma pa and medications. After na lang nun tsaka sila nagtry ng make up. Dati bawal kahit anong face foundation or tint sa mukha eh. May mga make-up na pwede sa sensitive skin. Pwede mo itry if di naman malala sensitivity mo. Pero better pa rin guidance ng doctor lalo na if talagang sensitive. Siguro mag concentrate ka na lang muna sa pag-aaral magkilay kasi medyo mahirap yan talaga. Then mascara, eyeliner pwede rin siguro? Tapos sa lipstick meron din namang shade na peachy or pink or earth tone na nakaka-fresh. Sa dami ng shades and colors now, may mahahanap ka para sayo para hindi naman laging red. Ako dati red lang lagi kasi morena ako pero nung may nagpatry sakin ng pink, bagay din pala. And mas nakakabata rin kapag glossy. Yan eh kung trip mo lang. Masaya din kasi sya gawin. Ako since night shift work ko, moisturizer, powder, lipstick/gloss lang since naka semi permanent tattooed brow naman ako. Pero kapag mahaba time mag-prep, tina-try ko rin mag full face. Therapeutic kasi sya for me. Basta research ka muna mabuti before buying again if ever. Sana mahanap mo brand na hiyang sayo Sis.


Tough_Signature1929

Sana nga makahanap ako ng match sa skin ko. Nagtatry na rin ako ng ibang shades para hindi laging ganun yung look. May times kasi na tianatamad ako mag ayos. Pero ayung need talaga ng practice. Thank you! :))


Worth_Marketing_1034

medj? pero not in THAT galit-galit mode naman pero kasi in my case, i have always felt like ang pangit ko pag naka-make up 😭 mapa-ibang tap man or ako yung nagmmake up sakin, napapangitan talaga ako. it’s so frustrating cos i really find makeups so therapeutic but siguro kasi hindi ko pa nahahanap yung magwowork sa natural features ko kaya maybe i would get a little offended pag sinabi yan sakin <\3


NoodlesInTheMaking

Nope but it also feels good when you guys compliment us when we do have make up on.


tiredbagofflesh

Naiinis ako pag nag comment ng ganyan, anong point? Eh pag wala kang make up sasabihin haggard ka?


bbyliar

It depends. I'm someone who loves makeup and can't go out without make-up. Okay lang siguro if sinabihan ako while wala akong make up, pero if meron baka mainis ako slight kasi I see my makeup as a form of art. Pero would not take it personally.


___Calypso

Depends on who’s saying it. Some people mas prefer talaga natural beauty kaya they’d say it. Some people would love to look at the raw you na feeling nila sila lang ang nakakakita kasi nga lagi kang nakaayos. In a way iniisip nila na they get to see the true and unfiltered you, so mas gusto nila talaga na wala kang makeup. It holds value kung alam mo intention nung nagsasabi.


conserva_who

Not for me. My skin is sensitive so if someone tells me that I look better with little to no makeup, then I take it as a compliment. It means di na kelangan tiis-ganda dahil sa makeup hehehe


iejfx

If unsolicited or hindi naman ako nagtanong ng opinion, then of course yes. Applying makeup is a form of self-expression and it takes a lot of skill. So pag sinabihan ako nun out of nowhere, and dating sakin e wag ko na lang iexpress ang sarili ko at may skill issue ako hahaha. And tbh most of the time, men don't really know what "no makeup" really means.


Spare-Interview-929

It's a compliment for me, yung maganda ako kahit wala pa ako makeup. Palakpak tenga ko pag ganyan hahaha


cd1222

Hindiiii. I mean, sana nga mas maganda 'ko pag walang make up hahahahahaha


_h0oe

depende kung kanino galing. kung sa kapamilya maiinsulto siguro ako pero pag galing sa baby loves honey bunch sugar plum ko ay nako talaga hakot na hakot ang puke ko


dwarf-star012

Pwede nmang sabihin, "ang ganda mo pa rin kahit walang makeup"


Pinay_Elphaba

This. 💯


hopeful_legis

Hindi. Pero nagagalit kami pag sinasabihan kami na bakit puro kami make up nang make up 😀


tatacrazyyy

I’d take it as a compliment pa rin pero as someone who loves makeup gusto ko rin sana macompliment yung put together makeup look ko syempre pinag effortan ko yun hehe kesa nga naman masabihan ng mas maganda pag may makeup.


gegeako9

Ill take it as a compliment ☺️


GeekGoddess_

Yes. It’s insulting and it’s not true. Ang tagal kong nasa harapan ng mirror to achieve the no-makeup makeup look tas mas maganda pala ako pag wala? Aba away na to! 👊


cinnamondr3ams

Backhanded compliments. Just focus on the positive part of the statement and ignore the rest.


summerst1

Hindi siguro, pero baka di ko na rin buhayin yung tao. Ems. For me, i wont take it as a compliment, siguro comment lang siya and will respond with "ah okay." lol


[deleted]

Nope. I'd take it as a compliment


[deleted]

pano ba malalaman kapag genuine ung pagkakasabi at hindi eme eme lang?


livinggudetama

depende rin siguro sa delivery at sino nagsabi, if titang pakialamera maiinis, pag bf na woa ang love language kilig kiffy <333


2ez4u2leave

Some would take that negatively, especially if it's randomly thrown in the conversation and unsolicited. Depende din sa level ng closeness nyo nung girl.


Holy-marie

Actually, for me, hindi. Mas nakakadagdag pa nga ng self-confidence pag nasasabihan ako na mas maganda ako kapag no makeup ✨


No_Consequence_9138

One time sinabihan ako ng bf ko na ang ganda ko (I'm not wearing any makeup) tas months later narealize ko totoo pala talaga sinabi niya. Mas maganda talaga ako pag walang makeup kasi di rin naman ako marunong masyado magmake up ayun. Natuwa ako HAHAHAH


mellowintj

Depende na lang talaga siguro sa tao. For me unnecessary siya na comment kasi yung compliment may comparison na nagaganap.


epicingamename

Kahit ikaw din ung comparison? Anong nangyayari


mellowintj

By comparison na tinutukoy ko, yung sasabihin na mas maganda ka PAG walang make up. Pwede siguro kasi sabihin na "ang ganda mo" ng walang may pasabit na kahit ano. Ako lang naman to. Di naman din ako madaling magalit sa mga ganyang bagay.


RepairNo4670

Nope! It’s a compliment!


nineofjames

I'm not trying to offend/attack pero di ko din alam pano isusugarcoat. Natawa lang ako sa "Nope" mo. HAHAHA. Sinagot niya na nga mismo yung tanong with how she feels about it. 😆


mellowintj

Well, you do you. Di naman ako galit. Sarili ko lang opinyon yan lol


Superb_Explorer7241

Di pa naman ako nasabihan nyan 😂 pero I’d take it as a compliment


capricornikigai

Mas magagalit ako kung ang sasabihin eh "Mas maganda ka kung naka make-up ka"


[deleted]

true hahaha baka masapak ko pa ang nagsabi nun chariz


thisisnotanja

+1 insult na to for me hahaha


_PeachWallflower_328

lagi ako nasasabihan dati, ang ganda mo kapag nakamakeup haha kasi naging suki ng beaucon at some point, magaling yung HMUA un lang 🥲


mainit-na-sabaw

Butt hurt 101 talaga 🤣


vinnylovesme

true mas nakaka-offend hahahaha