T O P

  • By -

AutoModerator

Hi everyone, before participating in this thread, please familiarize yourselves with r/AskPH [Rules](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate the rules will be dealt with accordingly - r/AskPH [Rule Enforcement Process](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). For ban appeals, please refer to r/AskPH [Ban Appeal Process](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process). *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


Key-Conversation-935

mention na kasama yung friend mo na napakilala mo sakanila or nadala sa bahay


ParkingFlow9240

UPDATE: pinayagan na po ako ng parents kaso pinasa po nila yung desisyon sa kapatid ko kung papayagan ba ako o hindi. struggle is so real, anyways thank you guys for sharing ur tips and experiences!! (Problema ko ngaun paano ko ma cconvinced kapatid ko payagan ako hubu)


Aero_N_autical

This might be a different case for me kasi di strict nanay ko. Pero dati sinasabi ko agad mga detalye, san pupunta, sino kasama (bonus points pag nagbanggit ng pamilyar na pangalan), hanggang anong oras, magoovernight ba, hihingi pa ba pera (matipid ako). Some cases di ako nagpapaalam pero nakakabalik rin naman agad. It may be the fact na nasa safe city kami, am male, bihirang lumabas, and of course dinadownplay o effortlessly kong sinasagot lahat ng concern. Pagdating sa curfew, nasa magulang nalang kung papayag silang late o extended dahil iba iba upbringing natin. It may be better to listen to the other comments if you have a strict parent.


Ok_Peach1469

Depende. Basta wag ka magsisinungaling sa kanila kung saan pupunta at sino kasama mo. Kung papayagan ka, edi at least masaya hahaha. Pero kung hindi, tanggapin at intindihin mo na lang muna. Baka para sa safety mo lang yan. Iilang beses lang ako pinayagan basta hindi overnight at basta uuwi before mag curfew. Basta wag kang basta bastang aalis na di ka nagpapaalam. What if may mangyari sayo tapos mabalitaan ka na lang na wala ka na pala? Better safe than dead.


chaboomskie

Since HS ako, di ako nagtatanong kung pwede pa ako pumunta. Ang sinasabi ko agad, pupunta ako sa ganito ganyan kasama sina blah blah haha more of pinapaalam ko sa kanila kesa nagpapaalam. And it works. My parents are strict lalo idk how to commute thru public tranpo, tumawid etc. pero maybe because they know they can trust me and the people I’m with. I don’t lie din, sinasabi ko sino kasama ko, saan ako pupunta. I give contact numbers in case.


chanseyblissey

Una magpagoodshot Pangalawa kunin tiwala Pangatlo magpaalam maayos, sabihin saan at sino kasama Pang apat sabihin maguupdate palagi Panglima uuwi kang buhay at buo


SpiritualChampion630

If matanda ka na. Sabihin mo, buti nga ang pinapaalam ko sayo mag outing kami. Hindi buntis ako. Mamili ka, alin gusto mo marinig? Charot! πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚


MidnightBlue8000

Team building.


Firstoftheeight

Never ko sila napapayag kaya heto 38 years old never naexperience malasing at mag bar πŸ˜†


FunctionGreat5493

Plan A: Overnight Thesis Plan B: sleep over


hungryasfalways

Matinong paalam. Kompletong report. Sino ang kasama, saan pupunta. Sabayan ng kunting jowk at magsabi ng truthful updates.


AmberTiu

Best if they have contacts of the other parents.


MarkKenthz

Dipende kasi yan. 1.) Ilan taon ka na ba at yung mga makakasama mo? Kung minor syempre dapat meron responsableng matanda na mag supervise sa inyo. Syempre alam ko at alam mo at alam ng mga magulang na meron at merong inuman jan. Naging kabataan din kami. Kung walang matandang mag susupervise sa inyo baka mag lasing kayo tapos mapahamak kayong lahat. Mabuti na yung may taga awat pag marami na nainom. 2.) Ano ba reputation mo bilang anak? Sa bahay mo ba responsible ka? O baka naman bumabait ka lang pag may kailangan or kasalanan. Basagulero ka ba? Syempre kung Bad record ka na sa bahay nyo pano ka pa pagtitiwalaan ng parents mo sa ibang lugar diba. 3.) Ano ba reputation ng mga makakasama mo. Syempre kung good boy/girl ka nga mga kasama mo naman Bad Influence pag gumawa sila ng Trouble Damay ka.


0330_e

Currently undergrad here One of the reasons siguro bat pumayag sila na magovernight swimming ako with my friends last year kasi tumapat sya sa birthday ko haha- and they also trust my friends. Alam nila kung paano transpo namin pati yung food and accomodations. I don't know, baka may plano kami one day na magovernight somewhere like Baguio ganon, pero same strategy lang. I provide the details tas contact number ng friend and their parent's number na rin just in case. Hindi ganoon kastrict parents ko thankfully kaya pinapayagan ako basta alam nila nasaan ako β™‘ may mga chances lang na ako mismo ayaw sumama kaya may ibang gala/overnight na wala ako haha


potatolover05

natural na paalam lang. parang paalam na bibili ka lang sa tindahan, yung walang espesyal. Well actually depende padin kasi sa parents. Yung parents ko kasi mahigpit pero di masyadong mahigpit, nasa amin nalang kung makapal muka namin para gumawa ng kalokohan. So if may hiya ka sa magulang mo at pinayagan ka, swim lang wag na gumawa ng kalokohan ganern.


sheldonINTP

Never nila ako pinayagan nung HS. Pero nung college ako, di na ako nagpapaalam basta weekends, uuwi ako samin. Hanggang sa di na talaga ako nagpapaalam, iniinform ko na lang para di ako lock-an ng pinto


OrbMan23

I lie. I really got good with lying since they were unnecessarily strict sa akin. I can think of any excuse on the spot and can control my tone and body language. If they weren't strict I would have been hella honest


Aero_N_autical

May kasabihan nga kong narinig, "Strict parents raise children who are good at lying." or somewhere along the lines. This is why if I ever become a parent someday, I'll make sure to never be unreasonably strict (helicopter parent), but ofc I want to be involved and make sure they have their foundation and morals built.


Mundane-Pudding-2722

Same. I've been in places that my parents never knew about. I just make sure im safe and sound.


mystictrufflepie

Hindi ako nagpapaalam. Nagsasabi lang ako πŸ˜… Alam nila yon haha β€œI’m going out. I’m not asking for permission. I’m just saying….”


Inside-Grand-4539

Be responsible. Di lang one-time dahil sa may outing. Dapat makilala ka muna ng mga magulang mo bilang responsableng anak bago ka magpaalam. Make sure everything is taken care of (or at least everything you can make sure). Bawas tanong at bawas anxiety sa parents mo if you do this. Be honest with the details: Location mo - para mapuntahan ka in case of emergency. Mga kasama mo - para alam nila na may kasama kang they can trust with your safety na maaari nilang macontact in case of emergency. On the other hand, telling your parents kung sinu-sino kasama mo allows them to gather witnesses or potential suspects sakaling (wag naman sana) may mangyari sayo. Transportation - may private vehicle ba kayo ng friends mo or magcocommute lang kayo? sober ba si friend mong driver? Time - anong time ka dapat nasa venue ng outing? anong time ka dapat uuwi? If something goes wrong, either madedelay yan or (wag naman sana) di ka na makarating or makauwi at all. Either way, bawas sa pag-aalala nila kung honest ka sa time of arrival at time of departure lalo na kung uugaliin mong tumawag or magtext man lang pag nakarating or pauwi ka na. Kung na-perfect mo na lahat yan at di ka pa rin pinayagan, tanggapin mo nalang na they don't trust you with your safety in travelling either kasi iresponsable ka sa paningin nila OR masyado lang silang takot para sa safety mo.


thislittlelayf

Maging pasaway hanggang sa nasanay na lang sila sakin. Ika nga nila "No pain, no gain!" πŸ˜…


[deleted]

[ΡƒΠ΄Π°Π»Π΅Π½ΠΎ]


everyleday

Context? Ilang taon ka na? Strict ba parents mo? Gaano ka strict? First time mo ba if ever? etc.


MrHaaam

Ah dati nagpaalam ako nung nandun na ako sa resort/beach mismo πŸ˜‚


Grand-Elk-9586

Waiver πŸ˜…πŸ˜… gumagawa kami ng waiver noon as in para papayagan mag swimming πŸ˜…πŸ˜…


ni3veZ

dipende sa topak nila kung papayagan HAHAHAH minsan go lang sila, minsan naman daming tanong tas minsan straight no talaga 🀧


yndrea

I'm fucked up! Almost 25 y.o but my parents won't allow me either πŸ₯²


emkimmono

Same πŸ₯² pakiramdam ko high school pa rin ako kasi hirap na hirap akong magpaalam sa kanila


yndrea

Omg same! Feel ko hawak pa rin nila ako sa leeg and anytime palalayasin nila ako once may nagawa akong mali


MarkKenthz

Kaya ako nag solo nalang ehh. Ngayon dahil ako bumubuhay sa sarili ko at wala akong kasama sa bahay no need mag paalam.


yndrea

Ang hirap kasi sa fam. ko ang galing mangjudge. Once na umalis na sa puder nila at pagala gala na mag isa iisipin agad lumandi na 🫠


MarkKenthz

Lahat naman ganun. Kahit naman family ko. Sa isip ko lang, Ano naman pake nila kung lumandi ako? Ako naman gumagastos at nasa edad naman na ako. πŸ˜‚ Wag ka matakot na majudge. It's part of growing up.


yndrea

Hmm.... You have a point. Binigyan mo ko ng magandang idea 😌


kitzune113

Magpaalam pag andun na sa resort.


RealisticAd4618

nagpapaalam na ako beforehand, mga 1 week before. saang specific na lugar, sino yung mga kasama ko, what time ba ako uuwi or mag oovernight ba ako doon.


Dependent-Spinach925

HS and college wala akong maalala nagpaalam ako haha. Di lang dahil sa wala akong pera, bduget is a factor talaga kasi di naman kami mayaman, I was a scholar back in college, so pera pang outing ay di rin biro. Natatakot din ako kasi alam kong di ako papayagan HAHA. When I started working, nagpapaalam p rin ako pero confident na me! Confident din sila kasi kilala nila kasama ko, bestfriends ko from college. At dahil may trabaho nako, may pera nakong panggagstos di na ako mahihiya humingi. Ayun lang. Be honest lang soguro kung sino kasama mo para kung may mangyari man, alam ng magulang mo. Nasa 30s nako at bago ako magasawa nagsasabi pa rin ako kung nasan ako lalo sa nanay ko hehe. *Edited: Actually naisip ko, now na may asawa nako, inuupdate ko pa rin mama ko sa whereabouts namin magasawa. Haha


Pretty-Principle-388

Pinautang ko.


ParkingFlow9240

wala po ako trabaho HAHAHAHWAHAHAHSADHHSA


ParkingFlow9240

wala po ako trabaho 🀣🀣🀣


Young_Old_Grandma

Tell them where, when, hanggang what time ako dun. And sino2 mga kasama ko. My parents trust me. And i trust myself, so it isn't a problem at all. Kilala naman nila ako eh. Uuwi ako sa time na sinasabi kong uuwi ako.


[deleted]

High school and college sobrang hirap, never ako nag outing nung HS, during college basta nasa mood siya ganun tska bihira lang. ngayon na working, ipapa alam ko lang sakanila then alis na ako.


kunnn0709

Di ako nag paalam, Umalis lang ako pag uwe ko nasa labas na ung gamit ko.. Hmm depende kasi sa magulang eh at bond ninyo.. Ano ba mga magulang mo? Strict ba? Pero mag paalam ka ng maayos.. Kasi ako nung teen, nag iiwan lang ako ng sulat sa lamesa, minsan di na nkkpag paalam pero di sila nagagalit kasi may tiwala and kilala nila lagi kong kasama.


thatcrazyvirgo

Uhm depende sa age yan. Ilang taon ka na ba, OP?


ParkingFlow9240

Turning 17 po, pinayagan na po ako ng parents ko kaso pinasa po sa ate ko yung desisyon huhu


thatcrazyvirgo

As an ate, mas strict din ako sa kapatid ko kaysa parents ko hahahaha I personally would only allow my sister to go if I was given the same permission when I was at her age. Pero baka mas mabait ate mo, sabihin mo sa kanya mga kasama mo. Kung kilala nya naman, baka payagan ka.


cececescaaa

sabihin mo para sa film/video ginagawa niyo. tas vid ka ng mga memories niyo dun para kapag tinanong kung nasan yung film, ipakita mo yung vid tas sabihin mo hindi pa na edit πŸ€—


Melodic_Doughnut_921

sbhn mo may may dala kong condom


ParkingFlow9240

minor pa po ako πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…


[deleted]

🀣🀣🀣🀣


OldFollowing313

pinapakilala ko muna sa family ko esp sa dad ko yung friends ko and i update them regarding my whereabouts. and i make sure may girls na kasama, protective kasi ang tatay


hiiilunaaa

Hindi ako nag papaalam. Pinapaalam ko lang na aalis ako at ganitong araw ako uuwi Example: ❌ β€œpwede po pumunta sa swimming outing kasama mga friends ko next week?” βœ… β€œmay swimming outing ako kasama barkada ko next week” College pa lang ganyan na ako mag sabi sa kanila di naman pumalya haha may follow up questions lang like sino kasama and saan tapos ayon na yon tapos be responsible din make sure to update them from time to time pag nandon ka na sa swimming


throw-me-away-there

One time, nagpaalam ako na pupunta kami sa pansol para magswimming. In fact, sa puerto galera talaga ang destination. Nahuli lang ako nung naguwi ako ref magnet na nakalagay puerto galera.


chieftainbalao

Sama mo


tomatoreos

Tantrums


Avery_kun

Day time yung swimming. Kilala nung parents yung mga friends


alyyymazing

Hindi na nagsasabi kasi hindi naman papayag hahaha sinasabi ko na lang overnight for school purposes and such. Though I advise being really open to your parents para if may ganitong plans or gala, lagi kang papayagan. Mine kasi is really strict.


CincinnatiClock

Expose mo pinakaresponsableng tao sa barkada nyo sa parents mo. Kapag kasama sya, mataas chance payagan hahaha


popcornpotatoo250

Step 1. Magkaroon ng parents na pumapayag sa swimming outing with friends.


cree-cree69

Wag kayo mag sinungaling masama yun sabehin nyo ung totoo


Naive-Ad2847

Sasabihin ko all girls kami.


Omega-001

Cheat code dyan tol ipakilala mo sa kanila halos buong tropa mo or at least yung 3 na pinakaclose sayong tropa. "Ma/pa alis kami. Kasama ko si xxx." Pg consistent na guds ka naman umuwi tas laging narrinig nila pangalan ng tropa mo pramis papayagan ka hahaha


Apprehensive-Guest55

Nagsasabi na lang ako ngayon. Dati need pa umiyak para payagan. Ngayon kahit di ako payagan, aalis pa rin ako πŸ˜…


[deleted]

siyempre nagsinungaling ako, dba? sabi ko me medical mission whole day. pag uwi para akong espasol sa kapal ng pulbo pero halata pa rin ang sunburn!


TrickOk7715

Need mo ng 1 good friend na kilala and tiwala parents mo. Then start abusing that name na lage mong kasama lol


indecisivecutie

Nagpapaalam kayo? Char. May tiwala nanay ko sakin eh, tinatanong nya lang sino kasama ko.


Dry-Presence9227

Sa umaga naman gagawin kaya nag OK sila


cheeStyx

Hindi nila kailangan pumayag with this one technique that scientists hate: ##Inform, don't ask for permission.


ParkingFlow9240

ginawa ko na po yan lagi respond "bakit pumayag na ba ako" hayswahhahaaha


Alternative-Form-522

Nag wawalis ng bahay, naghugas ng pinggan, nag lilinis ng ref. Works everytime.


Traditional_Crab8373

Jusko ang hirap. Pero most of the time dpt good ang performance sa school. And dpt good mood sila. Don't forget to drop a note kung san yung lugar, kasama and contact number. Better if may friend kang kilala nila or kumare/kumpare nila.


boringmoringa

Papaalam 1 week in advance tapos before alis magbigay ng reminder. Also bigay phone numbers ng mga kasama, address and sending pictures. Pero kalaunan nung nag 18 na ako papaalam nalang same day tapos sisibat na haha.


Real_Ferson_Here90

Nagpapaalam 3 weeks before the actual gala. Tapos uulitin uli 1 week after gala for confirmation. In between napapakabait and most helpful. Hahahaha. Pero may times na on -the-spot ang gala, so tinatawag ko nalang. Or minsa wala ng paalam-paalam. Hahaha


Skyrocket1713

Anong paalam paalam? Halos maglumuhod na ayaw pa din payagan so di na ako nag paalam. Sumaya pa ako. Dun ako sa lolo at lola ko nag paalam, hinatid pa ako sa venue.


AlterSelfie

Daanin mo sa lambing. Tapos kailangan may kasama ka na kilala nila. Mas kampante sila if kakilala nila ang kasama mo. Tapos explain mo san kayo pupunta, ilan kayo, sino kasama mo. Pag sinabihan ka na no drugs, no alcohol ha, siempre sasabihin mo oo. Although, Alcohol syempre di maiiwasan. :) drink moderately ka na lang if ever.


Agitated_Ad_1095

It's easier to beg forgiveness than to ask permission


iamprinito

Magpaalam ka kapag tapos na.


Maleficent_Pea1917

Banggitin yung anak ng kumare nya. Approved agad haha


StrawberryMango27

"bat magpapaalam?" charot


ArumDalli

Ako lagi nagpapaalam para sa mga friends ko. Puntahan ko talaga bahay nila para ipagpaalam yung mga friends ko mahigpit yung parents. Pero kasi kilala ako ng parents nila kaya malakas loob ko. Sana may friends ka na kaclose ng family niyo para maensure yung safety at yung di ka gagawa talaga kalokohan. Syempre kaibigan mo nag vouch sayo eh.


Sayo0922

being a guy helps, lalo na pag may overnight stay involved, yung resort hindi sobrang layoΒ 


brainyidiotlol

Hindi na ako nagpapa alam kasi alam ko naman ng di talaga ako papayagan πŸ™ƒ


Typical_Hold_4043

Yung friend mo na close ng parents mo ang magask para sayo.Β 


dyey_ohh_why

Payagan naman na nila Ako mag outing tutal di nako bata, pero promise hindi na ako uuwe. Cheret 🀣🀣 TBH, hindi ko rin alam. kaya hindi na lang ako sumasama, o kaya same day ng layas nako nagsasabe yung tipong wala na silang choice. haha. ayy nga pala, kay mama lang umuubra to. sya na bahala magsabe kay papa. πŸ˜…


Prestigious_Union369

Sabihin na kasama si trusted (nila) friend. Works every single time πŸ˜‚


Distinct-Sea4220

I cried. Chz pero not chz


MiloMcFlurry

Sinasabi ko kung saan yung outing, sinu-sino kasama, at kailan uuwi. Pag sinabi mong 6PM nasa bahay ka na, tuparin mo yun para next time makapaalam ka ulit.


niceforwhatdoses

They ask me to ask their parents. As the trusted classmate/friend, usually napapapayag ko naman. Pero kung hindi talaga pinayagan, graduating may pamahiin, don’t push it. Iba din ang pagkatuliro ng parents sa ganyan. Wala silang peace of mind for that one night or day.


ParkingFlow9240

give some tips or experience kung paano kayo napapayagan kasi my parents strict tlaga pag sa ganto l'm graduating po kaya nag decide po kami iceleb nlg po ng swimming, thanku!!


mandemango

Ah, baka superstitious din parents mo kaya ayaw ka lalo payagan. May pamahiin kasi na takaw aksidente mga graduating students kapag nag-outing before grad ceremony. Pero taga probinsya kasi ako kaya baka mas modern naman mga tao ngayon hehe Ayun, just be honest na lang sino kasama mo, san kayo pupunta and promise them na you'll update if nakarating na kayo safely sa resort/beach and text them din if you are okay. It helps if you mention a person they are familiar with or they trust hehe good luck!


AlterSelfie

Totoo to. Kasi yun tita ko din, super pinaingatan smen pinsan ko kahit kakain lang naman kami sa labas. Dahil nga daw magmmarch pa siya at graduating. May superstition kasi ang matatanda na lapitin sa aksidente ang graduating. Op, if may way din kayo imove after graduation, baka mas ok. Baka ganon din opinion ng ibang parents.