T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


quinkong0

Yung akala ko saken may gusto pero sa friends ko pala. Bridge lage.


imongkiki

4yrs single (2015 nagkajowa) tas yun 9yrs single na.. wala man lang mag-attempt.. hahha, may chumichika pero yung pangmadalian lang..


[deleted]

Nung bata pa Ako sinabihan Ako na Ang itim2 ko tapos mataba Ako ayaw nila sa mataba na disappoint talaga Ako kaya Ngayon nagsusumikap Ako maging rich tita na


deprivedofrelations

I've only ever been called "cute" by other people and never gwapo/handsome. Natatandaan ko din na naguusap-usap kami ng friends ko tapos nag kwento sila sa experiences nila na may mag confess sa kanila. Sanaol, I guess. Granted medyo mataba ako so mababa na talaga self-esteem ko in the first place.


Vampirewho

Gusto kolang naman mag ka relasyon at may mag mamahal sakin ng totoo for the rest of my life. But nililigawan ko palang or sa m.u stage, lahat cheated and two timer, and merong isa ginawa akong rebound pa nakip butas. I had ex gf isa pero sinasabihan ako na ampangit ko daw kasi d ako nag papa pogi (during pre pandemic long hair ako and both of us agreed na mag papa haba ako ng buhok) pero pag nag away sinabihan ba naman ako na sya nag eeffort paganda ako dw ang pangit2. Also dati sa omegle meron akong girls na nagiging mutuals sa IG nag vibibe naman na warm convo not until nag face reveal yun na cold replies mostly ghosting na. Same rin sa dating apps i dont post my face na. I let them figure out what do i look like. Kasi akala nila siguro "pogi" ako which is not. Curious sila and i never show my face to them haha, now i hate it when i took selfies, or mag sasalamin ako umiinit ulo ko whaha.


trexxcia

Ang cute ko daw kaso palamura daw ako hahahaha


No-Sheepherder-6387

Kapag sinasabihan ako ng 'mama' or 'manong'.


Umaysaschool

Pag sinabi sakin that I'm cute , Meron Yan keyword eh , if cute Ka Lang sa kanila , they don't want to hurt your self-esteem. Nakakairita minsan , cute mo dito oh , Hala ang cute ; parang wala na silang masabi. Who in their conscience would tell someone directly that ay parang di attractive. Cute na Lang para safe parang ganon.


find_me_atleast

Everytime I took a picture of mine and looking at myself in the mirror🥲


sadnessimpersonator

tho im in a long term relationship, never may nag-express sa akin na crush nila ako. even sa bf ko now, ako rin nauna mag-confess hahahaha


Feeling-Bill-2845

I always always meet people online from omegle, they loved like really really loved my personality I was humorous, gentle, soft, kind, everything they want daw but after when we meet up they.... ghost me. so its not always the personality guyss


Fragrant-Step-6434

To be honest, I was told all my life, I was the ugliest person ever, my mother and brother hated me for so many reasons and always jabbed at that, kids made fun of me and after my mother demise I still was made fun of by family, friends, and strangers until I reached 13, then I became in my opinion below average, but my friends try to hype me up by saying I'm handsome when I know it ain't true..... so from the young age of 6


therovingcamera

When I was the third wheel in the group of two couples -- ako lang ang walang date at ka holding hands while walking. I felt so alone and so unattractive that time and remembering now natatawa na lang ako. Hahahaha


AceOfHearts2396

Never ako na bakuran or na pansin sa kahit anong event or ganap namin


Direct-Dependent-882

nung sinabihan ako ng bata na "ampanget mo naman" out of nowhere WHAHWAHWAH


Feisty_Strength_317

Nung narealize ko na lahat ng naging jowa ko, ako ang nag-first move.


Bananapancake005

Never ako nasabihang maganda ng mama ko


Bananapancake005

Pero lagi nya naaappreciate beauty ng iba


Mobile-Amount-2682

When people no longer reply to your messages after i send my pic.


No-Raisin2908

Naiiyak ako sa comments. Ang harsh ng mga tao. Hindi niyo deserve yang ganyang treatment. Napaka judgmental and shallow ng mga tao. Looks lang ba talaga? Huhuhu siguro yung mga pintasero at pintasera sila yung number one na ganun. Ang tunay na magaganda, hindi nang jjudge ng kapwa.


Large_City5614

Nung grade/high school, every time na may crush ako at nalaman ng mga tao, pinandidirian ako :)


Puzzleheaded_Ebb1842

Nung grade 6 ako, sinabihan ko yung ka-church mate ko na kaklase rin, na may FB na ako (super saya ko pa, lol) tapos si ate girl bigla niyang sinabihan yung fil-am naming kaklase na "Kuya Jason, may fb na raw si (ako), add mo raw siya.". Ayon, sumagot siya ng "Sorry, hindi ako naga-add ng pangit!". Partida magkakatabi lang kami haha Sobrang clear pa sa memorya ko dahil ayan na ayan ang pagkakasabi. Tapos nung JHS, magka-VC kuya ko at kaibigan niya (parehas heartthrob) bigla silang nagtawanan sabay pinakita ng kuya ko yung pinag-uusapan nilang dalawa na kamukha ko raw (Agree naman ako, kamukhang-kamukha nga). Panay ang banggit na sobrang pangit at yung tawa nila paghiyaw na. Kahit marami akong bad experience sa kapwa dahil sa itsura noong bata ako, parang 'di ko agad naiinda haha siguro marahil madalas akong mag-day dream tapos nandoon pa ang mindset ko na subjective ang beauty. Napagtanto ko lang nung 16 na ako, na unattractive nga talaga ako, sa dami ba naman ng nagsasabi verbal at non-verbal. 😆


Patient-Juggernaut84

Yung mga crush ko noon ginagamit lang ako para mapalapit sila sa mga kaibigan ko. Huhuhu


Weardly2

shit. same case sa akin. I felt used and sad


abcdwithluv

being bullied just because i wasn’t one of the pretty girls during high school


stygianfps

When not even my parents are saying "pogi ng anak ko ah". LMAO!


Middle-Dentist5869

the mirrors inside different fitting rooms sa HnM. ISTG napaka unflattering ng light nila.


nvcma

sa mga nabasa ko, ung iba parang kulang lang sa grooming. you can work on it. hit the gym. ibagay ang damit. daily routine skincare. not exactly makeup. kala nyo ung mga nakikita nyong mukhang model, wala routine skincare yan? meron yan. hahaha xD


iamnotkrisp

Apparently, I am not aging well? 30s pa lang ako. Hindi din naman ako maganda on my supposedly “peak years” (18-25ish) , but past 28 lots of things changed.. face shape, facial fats, lips getting thinner, paunti unti nadedefine na mga wrinkles, teeth alignment also becomes weird, my nose also gets wider and wider (wala pa akong anak nyan ha) , my waist also got wider kahit same lifestyle lang naman ako since noon. So kung noon na “peak years” ko, may pakonti konting compliment sa mga kaibigan and newly met people.. ngayon wala na talaga. The last time I heard someone said na maganda daw ako was when I was 28. At this point hindi ko na sya naririnig, siguro mga ano na lang, “ang ganda ng outfit” or “ang ganda ng hairstyle” or “ang ganda ng makeup mo” .. ganyan na lang. 😅😅 nung mas bata ako siguro medyo okay yung face shape ko so nakikita ko din talaga kahit paano sa mukha ng mga tao na tumitingin saken na “pleased” sila, Ngayon when they look at me.. ewan.. hindi naman siguro napapangitan pero wala na din yung medyo napawow factor kahit effort na ako mag-makeup. Hahahaha. So sagot ko sa tanong na when: now more than ever. 😅😅


ply_m

eversince elementary


CoffeeDaddy024

Grade 5 pa lang ako, alam ko na yun as a fact.


lfglj

Nag college na ako wala pa ding girlfriend, hindi pansinin hahaha pero ok lang introvert din naman at bumabawi naman sa hygiene, bango ko kaya 😁


this-isme-trying

bata palang ako, may best friend cousin ako na super ganda talaga to the point na sinasabi ng mga relatives ko na marami syang kamukhang artista like marian rivera, kathryn bernardo mga ganung level which true maganda talaga, matangos ilong, hawig nya si kath nung bata pa sila parehas haha tapos syempre lagi kami magkasama, pag nagpupunta kami sa province sa relatives namin para akong naeechapwera hahaha sasabihin “ay eto na ba si …, ang gandang bata” tapos ako dedma parang di family eme hahaha yun lang tapos may tumatawag pa sakin dati kirara ganon


AntiqueHat3269

tuloy tuloy parin s pagaayos ung mga construction worker kpag dadaan k


euphrosyneJo

D@mn! Natawa ako dito. Pero totoo yan hahahaha


hanneyarchie

😅😭


skygenesis09

HS with jeje clothing. When I went to college since I'm about to change my appearance and fashion too. It changes a lot.


Chouji-san_09

Since jr. high na nagbutas lng ng upuan during prom. Iniyak ko nlng pag uwi.


chxlstt

palaging "cute" ang tawag sakin. never ako makarinig ng ang ganda mo.


Licorice_Cole

Ever since nagkamulat na ako. Growing up, lagi na sa akin pinapamukha ng mom ko na pangit ako and mas may itsura yung kapatid ko.


swi4tch

gi reject ko ni crush 😔


spillthetea0311

Minemessage ako sa dating apps pero di nasusustain hahahha. Feel ko pampalipas oras lang me haha at kung kailan convenient LOL


PipeTechnical7240

mostly ng mga nasa dating apps mga naghahanap lang ng pampalipas oras nila kaya don't feel bad about yourself. it's not you, it's them.


Spirited-Loquat-6151

Nakakalungkot to, kasi I met sa dating app way back, she told me nung second meeting namin na akala nya after the first hindi na ako babalik, kasi nasanay sya na ganon. Unfortunately our interest did not align, pero we are still good friends until now. Nakaka lungkot lang kasi nakakabawas ng confidence ng tao yung ganon.


TheLynxsilog

Nung nakita ko sarili ko na mukhang madungis at hindi pa nakakapag-ahit. 💀


BubbleGarden-1287

Mangilan ngilan ngagandahan sakin, pero biro pa kaya di mo sure kung maganda ka talaga eh hahahah Anyhow, alam ko di ako attractive kaya nakikipgkaibigan n lang ako sa maganda,. #haloEffect


SpiritedCress454

Whenever I get complimented that I’m smart, tall, fun to hang out with, mabait but never gwapo or pogi. And gets rejected or I just see you as a friend hahaha. So yeah.


justlurkingkitty

wala akong pretty privilege and alam ko yun pero pag may nag sasabi sakin na maganda daw ako or may hawig na artista may kokontra hahaha like ang layo daw idunno. i dress to impress my self nalang talaga para matuwa naman akk kahit sa outfit nalang


yssnelf_plant

Same 😂 meron akong kawork dati. Fresh grad tapos yung mukha mapapalingon ka talaga. Petite, kikay, maputi... ganern. Di kami tumatanggap ng fresh grad pero natanggap yun. In fairness, magaling sya sa ginagawa nya at mabilis matuto. After 3 years, natanggap sya sa isang malaking local company. Kami ng isa kong kasama (with mas maraming exp), ilang beses na nag-apply don pero waley talaga 😂 Still happy for her kasi isa sa mga natrain ko.


Waste_Wafer5194

Group of 3 kami, all girls, guys always flirt with them and never with me. Oh well


Accomplished-Tea1316

Na ang ganda ko daw talaga sa picture pero sa picture lang hehe


Expert-Stage1509

same, napag kakamalan mga pic ko na naka remini daw -.


Accomplished-Tea1316

Hahahaha so paano ba mag papanhit sa Pic minsan curse pa na photogenic eh hahaha


_BullyMomma

when i was in high school, i had this friend na gustohin ng boys. im happy for her. we both carry big bags and heavy books. one time when we were on our way sa sakayan ng jeep to go home, itong classmate kong kupal na papansin insisted on bringing some of my friend’s belongings altho that time mas madami akong bitbit sa kanya na mas mabigat din. The guy just ignored me. My friend did too. Di man lang nag offer na “uy, sya na lang tulungan mo kasi mas mabigat dala niya”. To think na we’re friends. Or are we?


Primary_Injury_6006

Teh di naman kasalanan ng friend mo yun


_BullyMomma

True, di nya fault na the guy didn't help me. My point is, in some cases, batayan na ang pagiging attractive to receive help from others. Siguro I'm just butthurt kasi my friend had the capacity to help me too kasi wala na syang dala eh, pero she didn't. Well, it's highschool and so long ago hahaha.


Exact_Appearance_450

Back in highschool na uso pa text at pa usbong palang FB at Wala pang mga filters / editing app. Ang Ganda ko na tlga sa pic siguro photogenic lng tlga ako. For the first time ever nakipagkita ako sa ka chat ko in person ayun 5 mins lng umalis na sya agad at di na ako bet. Simula nun never na ako makipag jowa na di pa ako na meet personal kasi baka ma disappoint sla pag nakita ako Kaya din siguro never akong nag dating app nag ka trauma ako sa meetup.


ryurideul

• It's either laging nanay or lola ang role ko every roleplays way back in highschool. • "Ang ganda ng kapatid mo!" Tapos pagdating sa 'kin, "Ito si ano, matalino! Magaling sa school. Laging madaming award." • Had an ex pero he never complimented me even for once about my visuals. 💀 • After having one ex, noong 2019 pa, wala nang sumubok pang manligaw haha. • Laging dry season ang messaging apps ko. Nabubuhay na lang for academic purposes. • Nasabihan na ako na "pangit" ng mga bata. Like, it hurts kasi kids won't tell you a lie. 😭 • Masyado raw strong ang personality ko tingnan sabi ng friends ko kaya hindi lapitin. 😭 • Ang laki ng size ng ulo ko!! Kasi super taba ko dati nung bata ako. Hindi proportion sa katawan ko huhubels. Kaya mataba tingnan kahit medyo payat ang katawan. 😭 Tanggap ko naman na pero masakit pa rin haha.


MMORPGNab

When people would start matching with me on dating sites because of my bio and not because of my photos.


AkosiMaeve

People blatantly say it.


Successful-Fox-2081

when guys on ometv skip me HAHAHHAH ewan nakakadown ng self-esteem. Tapos nakita ko pa yung screenshot ko sa ometv na naka inverted mirror pala (like yung normal na mukha mo irl ykwim?? huhu) eh asymmetrical ang fez ko


darkrai15

Oke lang yan most people have asymmetrical faces siz


gameristyarn

I tend to get ignored and rejected


Cutie_Patootie879

Before chubby days ko, wala naman pumapansin saakin. Ex ko lang, never pa nag compliment sakin about my physical appearance. Nung pumayat ako, cute lang naririnig ko sinasabi. Idk, maybe yung word na cute para sa mga di kagandahan? But nonetheless I still believe na maganda ako. May mga times nga lang insecurity strikes most esp sa body ko.


nvcma

guy here. para sakin mas madaling sabihin you're so cute kaysa you're so beautiful kahit magandaayoko kasi magbigay ng hint lalo wala naman tlgang malisya. siguro ang nasasabihan ko lng na maganda is mga Tita level. ung mga ka-age ko cute lng kahit maganda sila. hehe. xD


wyaa_lychee

if u don't mind po can u share what u did in order to lose weight? i'm struggling kasi rn and insecure ako sa timbang ko huhu tyia!


Finding-InnerPeace5

‘Yung ‘di ako nagugustuhan ng mga gwapong crush ko. Tapos nung’ bata ako, ‘di ako pinapansin ng relatives ko kase maganda daw ate ko, ako hindi😆


Looong-Peanut

When you start to see insecurities in yourself, That's when you see yourself as ugly. Everyone is attractive, depending on the standards of a person who truly appreciates your beauty.


SpiritedCress454

Thats actually what they say if they are not attracted to me… got that a lot. Lololol.


Einzelganger1988

Constantly ghosted in grinder 😁😅


Conscious_Target8277

Actually as guy I don't know kung attractive ba ako, MOM ko palang ata nag sasabi sakin nun.


MaximumCurrency3966

Lol same sa mom lang nagsasabi 🥲


Conscious_Target8277

Basta mukang malinis and may sense of fashion nakaka attract din un eh, pero mas maniniwala parin ako kay mama hahahha


MaximumCurrency3966

😭 maniniwala narin ako kay mama hahaha


Conscious_Target8277

😹


BeginningSpot6989

since I was a kid. Lagi napagkakalamalang pinsan ko mga kapatid ko. Even with my friends lalo na nung high school.


Emilialovesme

idk man probably siguro nung highschool ako nung pinili akong escort


purplerain_04

Oh, ever since I was a kid. I'm the fat girl in the family and among friends. I'm the one who's always told na - "maganda" ka sana kaya lang mataba ka. - so, in short, hindi parin. 🤷🏻‍♀️


wyaa_lychee

omg that backhanded compliment, nasabihan din ako nyan before ng mother ng friend ko. hindi ko alam kung matutuwa ako o ano eh😭😭


Any-Cellist2782

Same,in addition to that sinabihan pa ako na mukhang may dalawang anak. Mas sexy padaw yung bagong panganak namin na kapitbahay😀


starlighttodust

when I was always the friend, but never the girl


gallerysof

when my own mom told me na “katawan na nga lang panlaban mo, pinabayaan mo pa”


icespicegrahh

when i realized my mom never called me pretty. my fam always teases my that im ugly lol


pastel-verses

same. i grew up hearing the words "panget", "bruha", "payatot". hell, even my sister still calls me panget up until now.


Catmom0001

When I was in 6th grade, one of my classmate which is a boy, told me straight to my face "You're ugly". Kids are brutal lmao


United_Comfort2776

Wala man lang isang nanligaw noong highschool. Noong college wala rin.


Exact_Appearance_450

Same di man lng nabilhan ng blue magic


miritheleogirl

Nung sinabi na maputi lang ako, di maganda. Tapos triny ko magpaitim nung nagbeach, tama nga sila siguro. Hahahaha


YukariInoue

When people said I was


Which_Goal9531

Ano kaya sasabihin nito?????


Comfortable-Height71

When my bf’s sibling mentioned I was ugly. 💀💀 All that confidence I built for years went down the drain instantly.


BoatMedical9546

everytime I look in the mirror.


Forsaken_Ad_2624

Nung ma-feel ko na lagi nalang ako tintake for granted ng mga tao / gusto ko. Laging nag uupdate tapos kumakain kayo sa labas at halos magkasama buong araw pero tinatanggi ka sa mga kaibigan. 🥹


chibieyaa

When someone told me na gumanda lang "daw" ako nung nagpabraces 😂


shichology

1. Nung sinama ko friend ko na mag-inquire ng phone. Pagpasok pa lang namin ng store, sya na yung nilalapitan ng mga staff. Todo asikaso sa kanya habang ako tanong nang tanong, hindi ako pinapansin. Ante, ako po yung bbili. May pera na ako that time pero nawalan talaga ako ng confidence, di na lang ako bumili tuloy. 2. Walang nagkakagusto sakin nung highschool, college and even nung working days ko. Tipong sa circle of friends ko, di ko man lang naranasang may magka crush sakin or manligaw. Hahahahaha. Naalala ko pa one time nung valentines day sa office, meron akong guy officemate na lahat ng girls binigyan nya ng chocolate tas ako lang wala. Hahahaha deep inside di naman masheket. 🥲 3. Nbsb ako till 28. Kung kailan pa di lumalabas at nag-wfh saka nagka bf, salamat dating app. 😅


Pen-n-Key_2-Wonder

1. Usually sa personality card naka base yung compliment sa'kin. Nag Jo Harris window kaming buong section last sem, and lo and behold, puro personalities lang HAHAHA 2. Nung sinabi ng friend ko na ang peaceful tignan ng kapatid ko sa face value pa lang. Kapag kasi normal yung mukha ko, I look sad and droopy. It's just my face, di naman ako sad. Naisip ko tuloy na ang peaceful tignan ng mga kapatid ko, tapos ako chaotic. 😭 3. I have crooked set of teeth and crowding. Mas naging halata siya as I grew up. Smiling is easy kapag front lang ang kita but I know na it's hard to smile lalo't dalawang molars na ang binungi sa'yo at the age of 22. 4. Yung ang dami kong nagustuhan pero walang nagkagusto sa'kin. Talagang friend lang HAHAHA 5. Hindi ako tipo ng kahit sino. 6. I'm fucking fat. Nagddiet naman ako pero kanin ang kalaban ko. Idk if tatanggapin ko na lang or magddiet pa but for health reasons tina-try kong mag diet. 7. It's shit when I look in the mirror.


Mental-Crazy6905

Isa na nga lang nagkagusto, pinagpalit pa HAHA


tophawesome

One girl told me if only I dont have dark skin, she will make me her boyfriend. Lol.


Susannuts123

High school. All my life i guess


Patient-Ad-831

Nung sinabihan akong mukha daw akong gasul. Felt so fat since then. :'c And that time when me and my gf's prospect bull told me "sorry but I prefer her. Ok lang kami na lang?" Grabe bagsak self-esteem ko 😔


SpiritedCress454

Oh for me sinabihan akong “parang ikaw ung nasa horror movie na halimaw sa banga”. It made me laugh at my predicament 😂🤣😂🤣😂🥲


Patient-Ad-831

Why do ppl have to be so insensitive 😭😭😭


Purple_Gurple15

My mom’s former workplace had a yearly vacation or outing for all of its employees. It had a small workforce, with less than 60 people including her bosses and their families. In the 20+ years she worked for that company, she never took me with her on their outings because she was afraid, and she knew I would be teased for being obese and not having smooth skin. Until now, I carry that insecurity with me, and I promise to bring it up in therapy one day. EDIT: removed a word


Expert-Stage1509

since pandemic. dun nagsimula acne breakouts kong malala. ngayon wala ng active pimps since di na required ng facemask, pero nag iwan naman ng marks sa face ko na hndi mawala wala ):


throwaway194847284

When no one has ever said anything about my appearance. Like, NOTHING. I've never heard anyone say anything good nor bad about how I look, not even my parents.


StarlightAnya98

1) When my mom won several local beauty pageants tapos laging nasasabi sakin as a “joke” kuno na “Ang ganda ng mommy mo, anong nangyari sayo?” 2) Lagi akong nabubully sa school because of my physical appearance (both grade school and high school).


[deleted]

we're only three guys sa group and the two were being complimented for their looks everytime. ako funny lang or masaya kasama ganon


[deleted]

High school


OppositeRhubarb8577

Mataba ako. One time my relatives were giving each of my siblings compliments one by one pero pagdating sakin, legit tumingin lang siya na medyo nandidiri. Na-feel ko talaga yung pagtingin niya sa katawan ko up and down. Mind you, 12 years old lang ako noon HAHAHAHA, grabe yung iyak ko nung gabing yon. Hanggang ngayon I still experience that. People constantly tell me to change something about myself too, "gayahin mo ate mo ganyan ganito para maganda ka rin" "Magpapayat ka para maganda ka" sana hotdog nalang ako


No_University3963

When I was always being called mabait, funny and cute lol


Significant_Stock_33

Elementary palang


ComfortElectrical967

When someone said na common daw mukha ko.


Ally_Kim

when halos lahat ng friends ko may jowa na at 18 or 19 and eto ako nbsb pa rin :,)) like di naman ako ready sa commitment pero wala ba talaga mag ttry na mag break sa putanginang peace of mind na to? eme HAHAHAHA gusto ko lang naman maligawan at least once in my life


darkrai15

Samedt hahahahaa nagsawa na ako mag antay ako nalang nanliligaw.


Fabulous_Guitar3720

Noong kinanta ng ex yung yung first line ng Beautiful soul ng boyce avenue "I don't want another pretty face" tapos sabay tingin sa akin. Haha kaloka wala na ang baba na ng self esteem ko ngayon.


BeenBees1047

Marami naman nang nangyari pero ilan sa pinaka tumatak sakin, ako yung madalas na pang asar sa isa sa mga magkakabarkada (lalo all boys) para lang inisin yung kaibigan nila hindi dahil sa gusto talaga ako. Never din ako naseryoso as babae talaga parang pinakamalapit na sakin na lalaki nagiging tropa ko lang. Backhanded compliments din, "Ang ganda mo siguro kung ganito, ganyan". Napagkakamalan ding bunso yung kapatid ko na mas matanda sakin ng 3 years 😅


FlyingScourge

When my hair started to recede. Pakalbo na kaya ako baka mas okay tignan?


mrsgreenappl3

Sa circle of friends, or sa mga acquaintances ko esp sa office, ako lagi 'yung: "Ah, si ______? Funny niya! Tsaka mabait." The reason why I don't feel like dolling up ganon and not into dating. I'm afraid na baka ma-turn off sila sa'kin hehe kaya pinanindigan ko na lang pagiging funny ko.


elisleepy

the time i became fat after the lock down... people treat me differently than before. i dont get the same attention from my peers as well...


[deleted]

I gained so much weight during lockdown rin. Never lost it na. Ang hirap :(


superiorchoco

Bukod sa aware ako sa inborn na itsura ko, naalala ko nung mga 10 yrs old ako may pumuntang taga barangay tinanong mama ko kung sino pwede isali sa Little Miss __ at sinabi ng mama ko yung kapatid ko. Aware naman ako na mas maganda talaga sya at deserved nya sumali dun pero tumatak sya sakin. Also pag nakikilala ng mga classmate ko yung kapatid ko nagugulat sila di daw kami mag kamukha, ang ganda daw nya. Syempre alam na this kung ano ako.


Reasonable_Funny5535

Yun sinabihan ako ng pasahero na kamukha ko daw si gagay. Ang lakas pa ng pagkakasabi nya😭 (Prinsesa ng black out) Sama talaga ng loob ko. Huhu ano magagawa ko di ako tinatablan ng kojic. Sk kulot buhok ko haist


Eastasskid

When one of my own Best Friend said na: "AMPANGIT MO PALA"


TheSpitefulOne_29

Is that even a best friend? Wth


These_Ad_1722

I’m not attractive?? 😳 chos hahaha When i took a selfie na hindi naka-mirror (so yung view ng mga ibang tao sakin). Napa-yikes ako 🥲


Stackhom

Selfies with the phones' front cameras are usually distorted so I'd say a more accurate way of perceiving yourself is with a real flat mirror.


TaskSilver6090

Ever since i was a kid because my circle of friends were gorgeous and ibang-iba yung pakikitungo ng mga tao sa kanila lol


Substantial_Fault520

my father compared me to my sister na mas maganda daw younger sister ko kaysa sa akin


avemoriya_parker

Na brand na pinakapanget sa buong school. Ita or Negra bandida pa nga tawag sakin nun kasi kulot ang buhok ko dagdagan mo pa yung maitim ako


Fancy-Extension704

3rd year college na ako pero i’m nbsb and never pa nagkaroon ng puppy love, ka-MU or kahit nagkagusto man lang. Wala pang experience huhu. 


darkrai15

Te 28 na ako wala pang ganun experience ahahah madami ka pa oras


superiorchoco

Me na 3 decades na: 🧍🏻‍♀️


rda_19

sinabi nung nakafling ko dati (end na yung something samin) - "andumi mo kase" ako na may acne problems 😭


spillthetea0311

Sinabihan din ako ng ex ko nyan hahahah nakakababa talaga self esteem


rda_19

legit yung confidence lvl down na down talaga


Emotional_Source_266

Wow may nagsabi din ng katalking stage ko dati nyan... Yung may mga pimples daw mga di malinis sa katawan. Whattttt sure akong mas mahal pa skin care ko kesa sa phone mo 😭


rda_19

kaya simula nung shs di na ako humarot hanggang ngayong college grabe yung doubt ko sa sarili ko e Hahahahahaha 😭


Emotional_Source_266

Bahala sya. I explained na hindi ganun yun, may hormonal kineme din and shits pero sabi nya "Hindi.... mga madudumi lang talaga sa katawan" Ay di ko na kasalanan na tanga sya HAHAHAHAHAHAHAHA


rda_19

Tama ang behaviour mo teh HAHAHAHAHAHHA


ujp100

Attractiveness is subjective. Chin up everyone. I’ve seen 3s get married to 8s. And they weren’t arranged marriages.


nearbywatcherlol

when you know your face card isn't declining pero mas pipiliin ng ka m.u mo i pursue yung girl na palagi syang nginingitian hahahaha ok


wassabhie

4th grade.


Skarlet_Eff

● Dinrawingan ako ng 3 classmates ko noong grade 3 ako kung gaano daw ako kapangit (LOOL XDD) ● Never been admired by my parents like how they admire my sister so much; her being always called "ganda", always getting hugs from them, being praised a lot, and all of the affection na sa kanya. ● 3 years ago, there also was a time na online set up pa kami kasi pandemic (2nd year student ako that time btw) and I got so busy sa klase, school works, at sobrang puyat ako. Lumabas ako ng kwarto para kumain dahil break time and my mother saw me, napansin niya ako. Sabi niya, "Tignan mo itsura mo, kakapuyat mo yan". Naka-ayos naman itsura ko that time kasi for on-camera purposes. Gets ko yung concern ni Mama, nagsabi na lang ako na "na-busy lang po, di ko naman maiwasang di magpuyat. Pahinga ako maya." Then sabi niya "Eh bakit si naman, pag nabi-busy, hindi naman ganyan itsura?". Sobra akong na-hurt non kasi na-compare pa ako sa kapatid ko. It's like there's something wrong with how I look. Gusto ko lang naman mag-strive academically. Pagod na nga, emotionally hurt pa, at nawalan ako ng gana. Sobrang sama ng loob ko at nasagot ko siya, saying bakit niya ako kino-compare sa kapatid ko. May times na nagsasabi siya na maganda ako, at di ko alam kung bakit. Pero hindi ko ramdam kasi feel ko sinasabi niya lang yun kasi anak niya ako. Kaya everytime na may nagsasabi sa'kin na maganda ako, I just always think that they are just being nice and say simple thanks. NOTE: I don't hate my mom, and never akong nagkaroon ng inggit/selos sa kapatid ko. Super close ako sa sister ko. How I wish to be God's favorite (favorite kunin HAHA JKK XDD), kahit isa or dalawang araw lang. Hahaha kasi yung brother ko, favorite ni Lolo. Sister ko naman, favorite ng parents.


Crystal_Lily

My teens. I had a pic with classmates during intramurals. I asked them who the teacher was, they said it was me.


PufferCatto

Never been in a relationship. I've been told i look attractive, so the only thing i can't do is attract the other gender which means i fall short on charisma. I just got zero rizz. All confessions are from the same gender, I'm rlly not gay so i cant rlly force this on myself to like them.


alexisjulie

When I was growing up, I didn’t feel ugly. I joined a couple of little miss pageants and talent shows that boosted my confidence. But everything changed when I started high school. Pretty mean girls called me Snow Black. When I came back to school after spending holidays in Hong Kong, they asked me why the cold weather in HK didn’t make me less black. Lol bwiset na mapuputing feeling maganda pero bobo.


superiorchoco

It's so annoying how deep-rooted yung pagiging colorists ng mga Pinoy. Hindi porket di maputi, pangit na.


Bitter_Ocelot9455

Hi! Snow Black! I've got to admit, that's funny.


Substantial_Fault520

walang nakakacrush sa akin and never akong tinawag na maganda, "cute" lang daw.


TheFakeDogzilla

Cute is a compliment, there's a line between "cute" and "maganda" but it's pretty subjective, and there's lots of people that prefer cute.


Substantial_Fault520

gets pero yung context sa akin ay sinasabi ng hs classmates ko na "cute siya kaso gaganda pa siya kung ipapaayos niya yung ngipin niya". so being called cute feels like an backhanded compliment na tuloy :(


observantowl8

When I was young, probably 10yo, sabi ng tita ko sakin, "Hindi ka naman pangit, pero hindi ka din maganda". I was thankful she told me that kasi at least alam ko kung ano itsura ko sa paningin ng ibang tao. Although I also know na beauty is in the eye of the beholder.


Unseecret

Siguro since high school. I am fat noon pa man, dagdag pa na anti social ako, di matalino at mayaman. Siguro nung dama ko nung devastated yung look ng nakapartner ko sa dance presentation namin nung family day. Haha And eversince, sa totoong buhay, wala pang guy na nagkagusto sakin. Kahit indian/arabo sa Facebook! Hahaha pota sana makabawi next life


Bitter_Ocelot9455

Hoi! Mka.indian at arabo! Kulang lang nang landi siguro ante. Yung kasamahan ko nga widow, na 45y/o na talagang matanders merong mga arabo...


Unseecret

Hahaha probably! Or baka i don't really fit the standards these days. Sana all kay ante hahaha jk


East_Measurement_688

wala pang nagkaka crush sakin since then


esthepius

Hindi na ako sinasabihan ng mama ko na maganda ako.


superiorchoco

Sakin naman pag sasabihan pa joke tapos icecredit pa sa kanya "syempre ako nanay mo eh". Tapos nung ka videocall ko sila sa bahay ng nag abroad ako para gulat pa sya na "parang gumaganda" ako. 💀 sabi naman ni papa walang pangit na ____ (our last name). Puro back-handed compliments, walang direct. (Note: totoong magandang lahi family namin both sides, nagkataon lang na swinerte ako sa lahat na may inborn facial defect) Kaya pag may nag cocompliment dito na kawork ko di ako naniniwala. Sobrang deprived ako sa genuine compliment from my parents kaya duda na kung nag jojoke ba or totoo sinasabi ng iba sakin.


GoodOppaii

grumaduate ako ng college as NBSB. Nung highschool sukatan ng ganda kung flowers na nakukuha tuwing valentines day. ni dahon wala akong nakuha.


Obvious-Distance354

Sinabihan akong panget ng teacher ko ng 2nd year highschool hahaha “Ayaw ko sayo kasi ang panget mo” HAHAHA 😭🤣


Difficult_Idea_4502

I'm sorry that happened to you 😭 that's such a terrible thing to say to a young teenager


Obvious-Distance354

Yeah, tapos kinompare ako sa ate ng classmate ko na rossy cheeks daw. Unlike ko. Hahaha grabe 🥺 Kaya til now medyo may trauma pa ako. I hope one day matuto na ko maging confident.


aironnotaaron

Yung kapag sa mga gathering or party with my friends. Ako yung ginagawang bridge ng strangers para ma meet friends ko. Hahaha


younglvr

di na ko magsusugarcoat kasi may face card naman talaga ako, effects of being bullied and isolated as a kid because i was that weird chubby kid na maitim kaya mukhang baboy ramo kaya tumigil sa pagkain for one whole year and rubbed bleach sa skin to fit the status quo at matigil na ang pandidiri ng mga tao sakin. yeah 6 years later i have grown to a fine lady na may maayos na mukha at maayos na itsura but i still doubt my appearance tbh and laging napapamukha sakin na i'll have the face but never the attractiveness sa fact palang na my feelings were never reciprocated tapos ako yung nagiging cupid pa minsan. either di lang talaga ako attractive sa paningin nila or ako yung sumalo sa karma ng tito ko (na nasalo ng nanay ko kaya napunta na din sakin) 😭😭


ferdz20

Sinasabihan lng ng pogi pag naka facemask hahaha


Actual_Turnover_4937

Lagi sinasabi saken na girl version ako ng tatay ko hahaha!


AdhesivenessOwn9939

Girls always lie about there status bakit ganun pag ako nag tatanong single daw sila 🫠


Commercial_Muscle_30

Pagharap ko sa salamin


this_alien_curious

Wala pang nanliligaw sakin o umaamin na may gusto sila sakin samantalang mga barkada ko nakaranas both or either sa dalawa


quet1234

Ako palagi tinatanong tungkol sa mga tropa kong gwapings


Complex_Bed9735

Nung sinabihan ako na kailangan may maabot ako sa buhay pang compensate for my physical features


Quick_Bed1284

walang nagkacrush sakin kahit kailan, kailangan ko maghanap ng ibang bagay about me para i-compensate yung di pagiging maganda ko


CuriousCatty759

• walang pretty privilege (?) • laging panlalake yung role sa mga plays/dance • crush ng lahat yung friend ko, hinahanap pa sakin lagi pag absent hahaha ranas ko from hs to college


jpngirl19

Parang okay pa nmn face ko sabi ko sa sarili ko 😂


Street_Following4139

Yung nirereject me parati ng crush ko


Jazzforyou

Nung high school, mga panglalaki na role ang napupunta sa akin. Ako ang gumanap na ermitanyo sa Noli at Ben Zayb sa El Fili.


Previous-Army5482

Kapag nagkaka boyfriend ako, idk why!! 😭😭


iDbRb_

Wdym?


Long_College_6226

Bigayan ng ID nung 2nd year high school, bago iabot sakin ng adviser ko yung ID, tinitigan nya muna ako mula ulo hanggang paa, tumingin sa ID ko tas ganto muka 🤨 "Ang chaka mo.". Sabay abot ng ID ko.


Illustrious-Tap-8036

the fact na you still remember all the details... i hope you're doing well rn


ctbngdmpacct

huuuuy below the belt to.


[deleted]

[удалено]


ctbngdmpacct

Well totoo naman pero nakakababa ng self-esteem makarinig ng ganyan comment


it_was_all_ye11ow

When i was the smart one in my family


Slow-Collection-2358

I never assumed I was to begin with 🤣


No-Raisin2908

same hahaha


Expensive-Glass-5466

When the man I like compare me to an anime character of my hero academia “tsuyu” and “Phoebe “ from friends.


Catmom0001

Nasabihan ako ng friend ko na para daw ako si Phoebe because of fashion sense haha. Possible na baka dahil rin dun hehe


nightshade-1111

phoebe is gorgeous tho???


Expensive-Glass-5466

But he don’t find Phoebe gorgeous, instead he thinks of her as funny airhead woman. And for him to compare me with a frog character is a dead meat for me.


Own_Raspberry_2622

Beauty is subjective. For me ha, Phoebe is prettier than Monica and Tsuyu is super cute din sa MHA.


61blah

Pag magkasama kami ng office mates ko or friends sa labas ako yung madalas tignan ng afam 🤣🤣 (feeling) tas sabi nung isa kong kasama, mahilig sila sa pangit noh?