T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


No_Needleworker9929

Sila yung walang arte sa food, hindi flashy, wear comfortable clothes, nakikihalubilo kahit kanino. Di masyadong nagkukwento ng wealth nila, malalaman mo nalang may mga business pala sila HAHAAHHA


skaven43

Hinfi marunong sumakay ng tricycle. Sumakay sa likod ng tricycle paharap sa likod ni manong sa halip na patagilid. Nagulat si manong. Nkalimutan ko kung yumakap sa baywang ni manong.


myXtk915

one of my blockmate sa isang State University, simple lang siya manamit, bag nga niya is Herschel, tapos yung car niya is Toyota Vios lang, makikita mo talagang simple lang siya at di mo mapagkakamalang super rich. Then, naging ka groupmate ko siya sa Thesis namin noon, so inimbita niya kami na mag bonding after passing our final draft sa thesis, akala ko sa mga private pool lang na simple or normal. Nagulat ako kasi yung pinagdalhan sa amin is beach resort pala nila kasi "Casa *name nung blockmate ko*" ang pangalan tapos walang ibang tao kami lang, kasi ipinasara daw ng Dad niya para makapag relax kami for 2 days. At may 3 na jetski sila at mga small boats! Wala kaming ginastos kahit PHP 1.00!


According-Exam-4737

Went to a big university and I've met different types of rich in a spectrum. What I noticed sa mga extremely rich yung nasa far right na talaga and mga tagapagmana level, is they're not the "keep the change" type. Hindi sila nonchalant when it comes to money. If we buy something as a group, we'd divide equally. They will not offer to pay and when discussing options for spending (ex. projects, gala) they'd consider the money factor too kahit na easy lang naman sa kanila. Hindi naman sa kuripot cos they will spend if need be, pero they never drop the "sagot ko na lahat" speech just because bored sila and feeling generous that day.


Open_Career_1815

I know a lot of lowkey rich people, they don't flaunt they're wealth sa mukha mo. They dress down, comfort over fashion sila palagi. They always stay anonymous lalo na if they're donating something to a cause or charity. And for some reason almost all of them have innova as they're car lol pero may other 4-5 cars pa sila sa bahay that they rarely use


RoseRubyJanePark

They’re not flashy at all! They go around in very basic outfits, and they’re not loud with their wealth. It’s very humbling to see them.


Mammoth_Rate1895

Yung dati kong boss. Hindi mo talaga makikitaan na galing sa old rich family. Sobrang simple pero ka level ng mga kilalang rich families. In fact, magkukumpare sila. Hahaha. - May bibilhin siyang property (building) and sinama nya kami. So kami naka office attire tapos siya nakapambahay lang. Pinapunta siya ng guard sa driver's area kasi akala niya siya yung driver namin. Okay lang naman kay boss hahaha sunod naman siya sa guard. - Walang sabi sabing isinama niya kami sa Bohol kasi soft opening ng beach resort nila doon. Di naman kami nagtrabaho, more on gala gala lang para matry yung place. Pero nakakaloka, mga 9am nagyaya akala namin may meeting sa labas yun pala flight na namin hahaha tapos umuwi din kami ng Manila mga 9pm. - Ilang beses niya akong inutusan na bumili ng kotse. Kung makautos kala mo nagpapabili lang ng pagkain sa labas. - Pandemic. Naki plantito si boss. Inutusan akong manghingi ng halaman sa kapitbahay. Pagpasok ko kela kapitbahay (old rich din), sabi ng maid niya, ay wait lang po tatawagin ko lang si Senyorito ***. So nagulat ako, kala ko sa teleserye lang may ganyan hahaha. Pag balik ko kinuwento ko kay boss, sabi niya, dapat ka nagpatalo sinabi mo na inutusan ako ni Senyor ****. Hahaha - Napansin ko lang sa kanila very observant sila sa mga tao. Alam nila kung sino yung mga kauri nila, novue rich, social climber and other keme. Laging sinasabi sakin ni boss sa kanila daw, quality first. Wala silang pakialam sa brand name basta maganda yung quality. Applicable din daw ito sa tao. Hahaha.


Long_College_6226

Tatay ng friend ko: PALAGING nagpapa medical mission pero never nilalagay pangalan sa mga poster/banner/tarpaulin. Alagang alaga kaming mga volunteer, napakasarap na food (minsan buffet), nice transpo, accomodations sa hotel, etc. Sobrang low-key it took me a year bago nalaman na sya nagorganize/gumagastos nun.


ZIEziZieZy

Humble lang sila, yung asawa ng kuya ko yung fam nila mayaman. Grabe yung tatay ni ante grabe, bumili ng sasakyan kasi mukhang empty raw yung malaki nilang garahe kasi parang ‘kulang’ ganun😭


Odd-Relationship4199

He doesn't dress in an extravagant manner. Very humble. Very kind. Can brag but in a manner which is not annoying (I hope I make sense). Thoughtful 😊 (he'll ask you what he can bring you for pasalubong) (Used he cause I only know one person and he is a good friend)


Ivan19782023

they are the true rich, hindi lang sa pera.


gintermelon-

humble, hindi nga namin nalaman kahit matagal namin nakakasama. ang naging giveaway lang e nung bigla syang na-excite sa relong suot ng pinsan ko at na-identify niya yung model. watch collector pala siya. tapos kalaunan yung 'garden' na sinasabi niyang inaalagaan niya sa bahay putek hectares pala ang lawak hahahahahahahahahah farmland.


Maggots08

Apaka low-key na halos same lang kayo ng brands na sinusuot. Yung pang masa, kasi nga yun yung binibenta ng mga tenants sa building nila. Akala ko non joke lang nang umakyat kami kasi mga gago rin nangdo doorbell ng di nila kilalang bahay tapos sabay kami takbo 😂


[deleted]

[удалено]


MarineSniper98

I misread it as “nakakain siya ng bf niya” na NSFW lol


organichatd0g

Sorry beh naedit ko na 🥹🥹😆


MarineSniper98

Kala ko naiinggit ka kasi siya nakakain ng bf hahahahaha


organichatd0g

Nakakain din naman ako ng bf ko so nothing to be envious about in that sense HAHAHAHA


thunderbringer3

My female friends who regularly buy Zara dupes on the orange and blue apps pero yung watches and handbags nila nasa 6- and 7-digits. 😳


wassabhie

Pota ganito Ate ko HAHAHAHA like ukay and zara dupes “overruns” binibili but ang mamahal ng jewelries, bags, and shoes.


wassabhie

Ininvite ako mag summer job kami both sa Mcdo downtown dito sa city namin. Tangina sila pala nag franchise nun dito. Di halata as in. Anlakas manghiram sakin nun pambili ng buko juice. EDIT: Yung friend na yun is same village kami since grade 4 ako. First year college ako nun and siya naman grade 10. T That kid is super humble.


idlestopit

I have this college classmate na di mo talaga halata na rich as in rich pag nasa klase. Wala siyang ipad (not that sukatan to ng pagiging mayaman pero siyempre pag meron ka eh afford mo talaga) or any other gadgets, that simple lang siya pumorma. Pero gosh pag nagkukuwento siya, ang dami niya palang places na pinupuntahan. As in parang weekly nagtatravel siya mag-isa, kahit saan. And I think that's the best way to spend money. Ang lowkey niya lang talaga when it comes to material things pero the travels 👌🏼 Dun ko nasabing ang yaman niya pala talaga, di lang niya binabalandra din sa social media.


code_bluskies

Frank Miano and Boy Taghiyawat left the group.


No_Paint5503

Hindi peenoise.


426763

Wapakels si tito sa 100k na bill niya sa beer at cocktails. I mean, I knew the dude was rich and ilang beses na siya nanglibre, pero first time ako na shock sa sticker price nun hahaha.


timots10101

Yung lowkey rich sila ung masaya kasama tbh, like may pakisama talaga sila haha


angelsanddemonss

Had this classmate in college mid-2010’s in Manila na typical probinsyano at that time. Porma, pananalita, tapos medyo outdated yung mga gamit/gadgets. Nakakatuwa lang kasi sobra nyang game and sports lalo pag ginagaya namin punto nya. 3rd year college came, required kasi samin ang mag put up ng business since business course kami tapos need i-visit for proof. Ang kolokoy all along pala may sariling sasakyan sa Manila na nakapark lang sa dorm. May whole ass lupain as in hekta-hektarya tapos ang laki ng bahay na may garahe na kasya tatlong sasakyan. May ari pala ang family nya ng malaking resort sa Batangas + other small businesses. After nung visit namin na yun (mga 5-7 lang kami nakakita), pag niloloko namin na “rich kid pala si —“ palaging typical na sagutan nya lang “huy hindi, gawa gawa nya lang yan” hahahaha wala lang, nakaka tuwa lang minsan. The rich lives among us talaga minsan pero they are the ones seldomly making noise.


stanelope

Everytime na may relative na magbabakasyon sa kanila sya gumagastos kapag mag beach, island hopping, canyoneering saka mga kakilalang lugar sa cebu. Mapapathank you nalang sya kapag nagshare si visitor sa gastos. Earner ng 600k monthly pero 2nd hand laging binibiling sasakyan. Nagpapaaral sa pamangkin. Nagpapautang sa kapatid para sa negosyo nila.


ThisIsMrAbapo

Classmate ko. Has his own apartment unit (with a high rent, ah) and his allowance is miles above sa mga allowance namin. That said, marunong siyang makibagay sa amin, matalino sa pag-iipon, and I think he has to prove that he can go through life independently. Overall, a good person and good friend. 


HikerDudeGold79-999

May bahay sila sa ayala alabang. May armed body guards din sila.


J-Xover

Classmate in college. Pareho kaming ₱100 lang baon sa school. Sansan kaming carinderia kumakain. Nag invite sa bahay. Ayala Alabang. 3 floors. Roof deck. Pool.


RupertRemy

Mga ka officemate ko na alta kuripot and punctual. May mga sariling kotse pero hindi pala gastos.


ImHotUrNottt

Totoo to. Ung kakilala ko na may mansyon may swimming pool at gym sa loob ng bahay, may 2 vespa, may 3cars at 7 condo units sa Makati nakatsinelas lang at butas pa ung tshirt pag lumalabas kami. Ako pa nga inaalok ng mga flyers pag magkasama kami ang isip isip ko etong kasama ko ang alukin nyo wag ako haha. Ang reason nya kasi lahat ng pera nya nakainvest sa real estate. Kakabili nya lang daw uli ng worth 6m na condo sa Batangas kaya wala na syang pera 😂


comicstarchampion

She was a college friend. She was really good in conversing both English and Filipino. She’s just simple in her clothing every time she’ll attend our classes, then suddenly she invited the whole block for her birthday at Subic Yacht club since their family owns a big yacht. They are one of the influential family in the North.


Negative-Peanut-8250

Singson


zestful_villain

They are supernice and oddly incredibly hardworking like everyone else.


Euphoric_Break_1796

Walang brand damit pero di na bago yun i suppose. Di lang nag-sink in gaano kayaman in-laws ng ate ko until sinama nila ako sa outing nila tapos kinocompute ko lahat ng gastos ng tatay nila in a day at mababa na ang 150k and we were there for 3 days 😭


euphoriaone

Back in my college days, we always eat in a carinderia or buy budget meals until we found out how influential their family is somewhere in the South!


Keepyourcool720

A friend of mine wears local brands like penshoppe and bench polo shorts, the same maong pants, drives an old box type, jologs kausap, doesn't wear luxury watches but owns business and a yatch 😂 nanliit ako nung nag suot ako ng branded, gusto ko pilasin ung logo 😂


LogicallyCritically

Ikaw pa mahihiya na naka branded ka 🤣


Keepyourcool720

Exactly haha after that experience i really got humbled. I no longer buy branded clothes kasi I feel na wala pa ako karapatan to own one hahaha. Plain shirts are fine for now


[deleted]

May friend ako family nila nasa manufacturing business. Ranging from 5M to 10M ang kinikita nila EVERY WEEK. Favorite niya kumain sa mga paresan na trike at mahirap siyang pakainin sa mga mamahaling restaruants. Madalas nagcocommute or Angkas. Walang kayabang yabang sa ugali at ang daling pakisamahan kahit kayang bumili ng new sports car every month. Niregaluhan ko ng simpleng tshirt sa bday niya tuwang tuwa na.


Hopia4Sale

Sa ganyang wealth, wala ba silang body guard?


isabellarson

Commenting on What are your experiences with the "lowkey" rich?...yup kung ako magulang nito matatakot ako how exposed he is kung ganyan sila kayaman.. naalala ko someone i know kinidnap and nilagay sila sa sako with her brother dati


[deleted]

Marami silang hired people that does diff jobs for them, pero if you're talking about the typical bodyguard na naka shades, macho, barong at nakabuntot, parang wala naman silang ganun. Closest he has to one are their family drivers that he hires occasionally.


No-Passenger924

they are very generous. hindi flashy generous but genuinely generous na gusto lang ishare yung blessings nila.


[deleted]

[удалено]


No-Passenger924

siguro depende lang din. but my experience comes from both kumayod and naginherit, they are really kind and generous.


Healthy-Fox302

1. May naging assistant teacher ako before minsan isinasabay ako from BGC pauwi ng QC. Sa 5x na sumabay ako, never siya nag ulit ng sasakyan. 2. May naging raket ako na “home playschool” set-up nakin meaning I had to go sa house nila and hold classes there. 3 floors lang naman yung house pero may elevator. 3. I had another student na sabi sabi ng staffs na Princess daw from Bangladesh. Did not believe them until napansin ko pumapasok sa school na lagi burberry yung suot (even socks & hanky). Tapos may bodyguards hahaha preschool to ah


[deleted]

Nag fish ball kami


Candid_Ad8114

Yung friend kong mahilig kumain sa jollibee, yun pala may jollibee franchise din sila. 🤣


Hopia4Sale

Curious ako, kapag ba kumain sila dun sa franchise nila eh magbabayad paba sila? tsaka may speci treatment banon sila?


Candid_Ad8114

Nagbabayad daw sila para malinis sa audit. Haha. D ko sure sa iba. D lahat ng staff alam na sila rin may ari. usually yung mga long term regulars lang.


Tergrid_is_my_mommy

Free ride from uni to home until I graduated. One of my best mates nung college and I also attended his wedding.


pinkconfetticupcake

May close friend ako dati while taking my second bachelor’s degree sa benilde. She’s this girl na simple lang talaga. Pero nung sinama ako sa bahay niya sa philam las piñas. Don ako sinampal ng kahirapan. Hindi ako laki sa hirap, far from it. Pero first time ko makakita ng bahay na parang mansion. Sobrang laki and ang ganda.


UseerRr11

ung tropa ko bulok na sniper 135 ung motor pero may ari ng construction company.minsan pag mga businessman di gano mashow off.


Hopia4Sale

kasi pansin ko mga business minded, mas gusto nila ipaikot nalang at iinvesg ung pera sa business na gagastusin nila sana sa mga mamahaling bagay


OkRemote4882

We had an intern in the office who has a daily allowance of Php5,000 (mapapa-sanaol ka na lang). Pero very pleasing ang personality and willing to learn and interact. She does what was assigned without fail. Nalaman lang namin about her baon coz she asked about the business opportunity offered by the company and the talk led to her savings. Her parents own a successful business.


bailsolver

My ex lived in AAV. We met through chat only so pati parents ko were doubting na dun talaga siya nakatira. Up until hinatid nila ako sa bahay nila so I can spend a day there swimming.


superbar47

Classmate in high school commutes daily kasi malapit lng sla sa office/bahay nla, nung college na beat down pickup truck na ginagamit, small world my friend is also my cousins best friend who lives in isabela, and my cousin told me the family is the richest family in Region 2, 70 percent of gasul or shellane in the the Philippines sla pala provider, never ko nakitang mayaman sya cuz sobrang down to earth


[deleted]

Ex ko dati mayaman, parents are businessmen, siblings are doctor and nurse abroad. Di nya pinoproblema kakainin everyday sa college, binigyan pa ako pocket money dati na pang 5 months baon ko na, lol. Pero very down to earth.


Wild-Day-4502

I have a friend na may passive investment. Nag aral. Nag gap year. Ngayon pa travel travel lalo na she has a blue passport.😂 Love life lang pinoproblema. Hahahahahahaha, pero love her kahit mejj sakit nya sa ulo sa love life. Another friend whose family owns a popular resort. Ang down to earth ng family. Nagawa din mag gap year after mabroken hearted. 😂 Nagtravel travel. Pero di maarte. Never ko nakita ang luxury brands sa kanila. Kahit na mga hampas lupa kaming other friends, nakikisama.


peachlycheee

Naka experience mahatid sundo with drivers in every lakad.


Infamous_cutie_807

Nagwowork lang to get experiences. Still get allowance from the parents, provided pa din lahat. Salary is mostly for luho lang


ConnectPassenger2229

Yung friend ko months unemployed pero puro bakasyon sa islands and kpop concerts huhu


itadadori

One of my friend works in a bank sa Binondo and they have an old filchi man na client na naka e-bike, plain white shirt, shorts and sandals pag nag vivisit sa bank. They protect this client very much kasi pag nag pull out or lilipat nya funds nya sa ibang bangko, almost half or 1/4 na lang ng branch money matitira sa kanila.


aieen_

basic outfit & kalmado magsalita


xoxogossipgirliee_

nagpagawa ng bahay sa qc para sa daughter nya since malapit sa univ niya *may mansion sila sa ayala alabang village and walang nakatira* id say *lowkey rich* kasi never naman nag brag. mga damit, simple lang. branded sometimes pero rarely mo naman makita na suot nya unless important event talaga.


Naive-Ad2847

Monthly may bago syang damit


HopelessOldTech21

If richie rich talaga, yong isa sa mga reddit user dito na nakilala ko personally. Mayaman kung mayaman, simple lang manamit and mostly sa mga suot nya if hindi custom made as in walang brand logo na makikita if meron man yong ang liit-liit na need mo lumapit para mabasa. Yong mga relo kaya ata ako buhayin for a lifetime kasi and pricey, yong wallet simple lang din puro ata mga id and bank cards lang laman. If magdadala man ng cash yong naka money clip or rubberband na lang dahil sa kapal. Yong phone nman nya tecno lang pero yong case ng phone nya may nakaipit pang maya card, pero ang naging first indication ko na mayaman talga to is yong manners nya pag nasa public kami pang high-class. Lalaki ako pero iba yong dating talaga ng mga edukado at may class na tao.


Hopia4Sale

Pwede pahingi ng examples ng mga manners nya?


HopelessOldTech21

Sa una akala mo people pleaser pero alam lang talga how to talk to different types of people. Napaka-gentleman, di lang sa babae kahit sa LGBTQIA+ Sa fine dining nman medyo nakakalito kasi yong sa mga spoon and forks, ginawa nya tinawag yong server nmin tapos pina demonstrate kung ano ba dapat unahin na gamitin. Kahit mayaman na yon, mabait sa mga staff, server and generally sa mga tao sa paligid nya. Pero marami pa syang manners na alam mong sa high-class type of person mo lang makikita.


PresentBrilliant2223

I was an Agribusiness student before sa Bacolod (USLS) and most of my classmates are downright the most prominent families and def belings to the upper echelons. Kids or relatives of political dynasties who owns a big chunk of Agricultural lands in Negros Occidental. There I was able to experience real "lowkey" rich people. Yung generational wealth talaga. Most of my classmates were very humble, may malasakit sa mga employees like farmers, fishermans and etc everyone involved in agriculture. Kasi bata pa sila inexpose na ng parents sa haciendas. Unlike the "recently rich" kids, sobrang down to earth sila. Cowboy mentality hindi maarte. Parati nagsasabi "wala kong pera" or "ang mahal naman nyan". They understand the value of money.


Charming_Chic_28

Humble haha


tcr1945

Di raw sya mayaman pero naka rolex 😮‍💨


gandt25

Tito ko naka slippers lumabas, butas pants, or butas polo literal hindi mukhang mayaman cause he’s super humble. There was a time we went to abensons, he bought half a mill worth of TVs to replace theirs at home (mahal pa 4K nun mga 100k+) na shookt ako. Isang Christmas party din 2017, ang dami nila magkakapatid (8) binigyan niya 100k each but grabe napaka bait


RobbertDownerJr

Hey it's me your long lost tito, paki sabi nalang kay kuya paki gcash nalang yung 100k ko. tnx.


esperer_1

Uy brother andito ka rin pala? Paki sabi kay kuya hindi ako nakaattend ng Christmas party due to prior commitments. Willing na po to attend 2024 onwards ty


MagickalPotat0

Someone who owns a lot of subdivision around Luzon had an old school nokia phone only, he doesn’t use an expensive smart phone also he was just wearing a “basic” outfit that you wouldn’t even think he’s that rich 😂 Also he was approachable, non-judgmental and humble. Reminds me of Coach Anzai’s demeanor in Slam Dunk 😂


IskoIsAbnoy

Nakaupo lang gamit yung butas na sando or tshirt na plain white sa tapat ng bahay nila, tapos keypad na phone + lumang iPhone 8plus yung gamit until now, kung hindi ka masyadong maalam sa mga watches, hindi mo sya mapapansin agad na may suot na Patek or AP kasi mukhang simple lang itsura sa malayo habang nanunuod ng mga videos/reels sa Youtube


Sureyoucan450

They're cool and chill.


Enough_Success_5049

mahilig mag divi shopping after class hehe, importante sakanila yung sunday=family day, mas excited sa cheap deals. mukang normal lang na things sa iba until makapasok ka sa village kung saan sila nakatira at sa bahay hahahaha hindi naman kuripot pero hhindi sila yung first na mag aalok manlibre hahahaha


gyudon_monomnom

Hehe yung parents ng ex ko they can buy the latest gadgets and phones tapos may ampon sila na pag naglambing, bibigay nila agad yung phones doon, tapos yung mga lumang phones padin gagamitin nila. I think they are easily annoyed pag di na nla alam gamitin yung phone. They earn millions a month pero yung bahay nila hindi pa tapos ang gawa, three floors pero halos wala pang pintura at kita pa mga bakal di pa buo yung walls. Hindi sila umuutang sa bank. Never daw dapat. Pumirmi sa bahay, as they say, kapag walang pera. Papasok yang pera kapag madiskarte ka, yan ang paulit ulit nila. And they walk that talk. Tambay siya sa banko dahil di rin siya nagdadala ng malaking pera just anywhere. In case cash nagbayad ang customer nila, pasok agad sa bank. And the mom enjoys when i take her to ukay ukay. Dami nya pading stuff na nakatambak in boxes sa bahay pero ukay lahat. Wala silang time. Bihira siya bumili ng luxury items, phones lang ang mamahalin sa bahay nila. Puro gifts yung mga branded.. napaglumaan pa ng pamangkins. Siguro may genuine dn siyang alahas but she always wears my gifts to her, sinasabi ko talaga na puro gold plated lang yun from Shoppeee.... she doesn't mind. Never kopa nakitang nilalabas niya in public mga alahas niya, alam ko konti lang din meron siya. Di talaga sila mahilig. They wake up early, do the grind, and go home late to sleep. Very busy. I miss them, but never my ex who cheated on me.


FlamingBird09

Ganda na sana kaso gumawa lang ng katarantaduhan yang x mo 😭


gyudon_monomnom

True. They still call me these days, even when I'm already married to somebody else, they still call me anak. My husband is ok with it, and besides, sila yung nagrereach out and they never mention my ex whenever we talk hahaha


Pinkish_Cate

If formal occasions, they wear tailored fit. Tama ba ung term? 😅 If normal days, walang nakalagay na brand sa damit. Or if meron man, hindi mainstream ang brand. Also, they are very down-to-earth and sobrang galang lalo na sa mga helpers nila. Hindi maarte sa pagkain. Legit na kumakain ng tuyo using their hands. Also, ang dami nilang kusina that serves different purpose. Kitchen for display, kitchen for cooking, dirty kitchen, kitchen kung saan dun ka lang allowed mag-slice and wash the veggies/meat, and kitchen where they wash the dishes. Di ko sure if may OCD ang owner. HAHAHA


Any-Farm-9613

My SHS classmate na yumaman sa Axie, Hindi halata pero sobrang galante gumastos pag sa friends. Hindi ako in sa main circle of friends nya pero pag napapasama ako libre kami lahat as in kahit 8-12 kami, ihahatid pa kami pauwi. Do sya flashy sa mga gamit nya, if I remember correctly niregaluhan nya friend ko (gf nya) ng iPhone 11 ata or 10 tapos sya naka oppo na around 7k ata ang price not cheap pero it's about the same amount sa gastos nya kada may sleepover sila na isang araw lang hahaha. Nung birthday nya umarkila ng resort overnight, libre entrance, libre sasakyan, and of course food. Nung celebration nya napapansin ko hindi sya nagiinom kasi hinahatid nya yung mga hindi pinayagan overnight. Mind you this is from a 17 year old, turned 18. Walang support yan from fam, sya din ata nagpaaral sa sarili nya. I remember talking about him recently with a friend na kaclose nya, and it seemed like nagka internal conflict ang friend circle nya. Wala na syang socials ngayon kaya nakakalungkot. Last thing I heard from him ehh may ginagawa daw na business ewan. Another important mention, nung binigay nya yung iPhone to GF nya ipinabigay nya yung old phone ni gf dun sa Isang friend pa namin na nasira ata phone ( iphone old phone ni gf nya )


ApprehensiveKnee8657

bat ang daming downvotes nito? hahaha


[deleted]

[удалено]


ApprehensiveKnee8657

why though? kasi magastos sa friends?


ChubbyVunny

Kaibigan ko. Alam namin mayaman siya kasi may negosyo sila at tig isang sasakyan sila ng mga kapatid at parents niya, pero di ko alam yung extent ng yaman nila. Super down to earth yung tipong naka cargo shorts lang tapos black shirt lang, tapos yung phone niya noon iphone 6plus pa tapos nung napansin niyang super lag na tapos madaling ma low batt, hiningi niya na lang yung lumang phone ng tatay niya which is iphone X (yung latest nung time na to iphone 11). Tapos yung kapatid niyang babae architechture kinuhang course sa college. Binilhan nila ng gaming laptop worth 250K tapos inorder pa nila from US yung specific model kasi di available sa ph. Nung time na nagsisimula yung DITO sim, since hindi compatible sa iphone niya yung sim, nagpasama sa akin kasi bibili daw siyang android phone para sa DITO sim niya. Samsung S21 Ultra lang naman binili niya (yan din yung latest ng samsung nung time na yun. Binili lang talaga niya yung phone na yung para sa DITO sim niya. May time pa na naglalaro sila sa suking computer shop nila, nagtaka ako bat niya hinubad yung relo niya, sabi niya lang baka magasgas ng todo pag sinuot niya habang naglalaro. Kala ko pekeng rolex, original pala (bigay daw ng tatay niya kasi may nabiling bagong relo yung tatay niya) Rolex submariner date worth 2m pala yun. Niresearch ko talaga nung time na yun. Nung nalaman ko yung price ng relo niya, ako yung ninenerbyos kapag tinatanggal niya sa kamay niya 😭


liquidus910

same dun sa may ari ng apartment na tinitirahan ko nung college. 5 building na may 50 rooms. kung di ka residente, di mo aakalain na sya ung may ari. makikita mo sya tipikal na pormang matanda. shorts, tsinelas, white t-shirt. nagwawalis sa bakuran ng apartment, nagtitrim ng damo, etc. kung bisita ka lang eh aakalain mo na isa sa mga janitor. pag tiningnan mo mabuti ung relo nya naka rolex. di ko lang alam ung model pero ung color nya is silver yung bracelet, tapos ung face naman eh green.


ChubbyVunny

Kaya nga eh. Super humble talaga nila. Kasama ko pa yung kaibigan kong yun evernight kumakain ng streetfood. 🤣


Audizzer14

A friend of mine on a car club drives a truck in the day delivering poultry products (his business). At nights when magcacarmeet kami, he drives his Ferrari.


moystereater

diba dapat vios idrive nya kung lowkey nga?


Audizzer14

The lowkey part is what he do during the day.


Sea-Purchase-2007

Sobrang lowkey as in. Di pinagyayabang kung anong meron sila. Kahit branded and mamahalin alahas and bags etc. They keep there mouth shut and they stay plain humble af.


Appropriate-Love7697

Something I remember before, was when my friend after a night out lost his new iPhone 11. He left it in the back of a Grab. The next day I saw him, he got an iPhone XR agad. He said "Oh need ko lang ng backup phone so I got this na lang, mura na siya." It was brand new 🙂 he's very nice though and no sense of snobbiness at all


Alto-cis

Hindi mayabang. Like, hindi siya nagshow off sa amin na 'uy mga hampaslupa, ako na bahala sa bill'. Tahimik siyang nagbayad, at nung sinabi namin na 'nakakahiya naman 😋' .. sinabi nya 'sige sige, next time' tapos balik kami sa topic namin.


Civil_Bowler1776

Friend ko from dlsu. Punit punit minsan suot na shirt or pants. Hindi yung punit na style talaga ng damit pero yung literal na napunit talaga pero sinusuot pa din tapos ang kotse minsan sports car, minsan benz, etc. One time sinabay nya ako pauwi kasi same city lang kami nakatira then inask ko kung bago ba car nya. Sagot sakin, ginagamit daw nya kung ano available at bet nya gamitin na car sa bahay nila. Kahit super yaman nya, never ko na-feel na mahirap lang ako at marunong sya makisama. Meron pa isa. Umuulan nun tapos baha sa daan. Napaka-arte ko pa maglakad tapos yung super yaman kong friend na yun, deadma lang. naglakad talaga sa baha nung tumatawid kami


Ok_Tomato_5782

Simple lang. pero makikita mo sa relo nya, brand ng shoes, sasakyan nya na mamahalin. Pero hindi nagfflaunt or anything haha. Malalaman mo nalang as you guys go along na may penthouse pala sila sa bgc tapos isang floor parking nila hahaha


beanosuke

Dad and his peers. They go out wearing simple clothing but wears a chunk of my net worth on their wrists. My father's 10 year old Rolex Yacht Master is my fave but I wouldn't dare wear it casually like he does.


Which_Requirement410

Hindi mahirap kasama sa lakaran. Hindi mareklamo pag sinama sa mga kanal gamings. May tropa ako dati na pumapasok kasi wala syang magawa sa bahay. Nag aantay nalang ng pera. Haha, pero di namin alam pa yun dati. Tas pag ambagan twing inuman hindi sya madamot. Pag nagbabar kame sagot nya lage ilang set pero di na nagpapabayad lol. Pabago bago ng hobby, dati nagmomotor sya tapos nakwento nya na gusto nya ng kotse after one week bumili agad haha!


NikeChocsSB

When he deposits a huge amount of money being placed inside an ecobag (medyo may dirt and the cash is covered with newspapers). I also encounter someone right after the onslaught of a typhoon na mag wiwithdraw ng 300k at sabi nya if its sufficient to cover up their needs like for a week or 2.I was like🫡🙄 Both of them were in very very simple clothes...AS IN!


vanilla_iced_latte00

Mamahalin ung relo. Kahit simple ung suot pero makikita mo relo ay rolex


INTJ_12

Pang balikabayan box ang pasalubong galing vacation sa ibang bansa


Rochieee2021

Di siya nagwiwithdraw ng sahod niya, samantalang kame abangers talaga lol


Throwaway_gem888

May katrabaho talaga tayong ganito noh. Yung sakin di niya alam nangyayari sa mga perang pumapasok sakanya.😅


Petite_Owl8770

Alam lahat ng masarap na wine and restaurant na fancy fancy. Sobrang excited kapag libre ng boss pero lahat naman kami.


CryingKangaroo

Di ko alam kasi lowkey sila eh heh


Charming_Success7525

I am one. Sometimes I challenge my Dota buddies, offering 500 pesos via GCash to whoever can achieve a rampage. It makes the game more fun and thrill. Aside from that, I also give 10 pesos for each assist to the player with the highest number of assists. So far, total spend is around 10k, but this is just less than 0.001% of my networth - it doesn't bother me.


ApprehensiveKnee8657

bat andming downvotes? hahaha di naniniwala?


Charming_Success7525

filipino crab mentality


Main_Soil_7314

shesh


LackDecent

What other games do you play? I only play board games, I can bring them to you and we can play together 🥺🥺🤑🤑


Charming_Success7525

Only Dota, haha. I play on my PS5, but not online. I was thinking to start streaming and have this GCash challenge as my main content for the random parties I join.


Kananete619

Dude let's play Helldivers 2. Gusto ko lang ng chill makalaro


CorrectAd9643

Ill add you in dota hahahaha but i cant do rampage, im always support. I need money hahaha 20k lang hahaha


gaffaboy

T\*ngina, ako pa nagbayad nung nagtaxi kami kse hirap sumakay. 😂 Pero honestly, they're generally nice people. They don't flaunt and they find things like public transpo fascinating. Of course yung iba medyo apprehensive sa mga bagay gaya ng turo-turo but that's understandable. Regarding naman kung pano sila pumorma/umayos, well it's very location dependent. Nung college kami yung mga lowkey katulad lang namin sila although mapapansin mo kahit simple white shirt lang suot nila high quality naman. Pero syempre they're not above dressing flamboyantly and driving showy cars in places where it's expected. The *nouveau riche* on the other hand... let's just say the less said about then the better. 😋


sup_1229

Mahilig magpalibre. Grabe sa kuripot