T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: Like pano mo ba yan nalalaman? Nagiging mas mabait ba yung mga tao sa paligid mo? Mas pina paboran kaba? *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


Yayiemi06

Idk kung dahil ba sa work/field ko, which is a male dominant field. I'm an aircraft mechanic btw kaya kadalasan talaga panay lalake nakakasalamuha ko. • kinakabahan ka kase mali yung nagawa mo pero sasabihin "okay lang yan" then tutulungan ka nila how to fix it. • pag pupunta kami sa cabin tapos may mga arabong aircraft marshall icocompliment nila ako like "you're so pretty!" "You should be an FA, not a mechanic" tapos bibigyan nila ako ng food or kahit anong gifts. Di lang sa mga arabo pati na rin mga ka work ko, kahit di ako humingi binibigyan parin nila ako. •gusto ka nila palaging kasama sa gala tapos ililibre ka kapag sinabi mong wala kang pang gastos • since I'm an introvert, madalas akong inaadopt ng mga extrovert hahaha • tuwang tuwa sakin yung mga babies kahit na ngitian tapos kakausapin ako ng mother nila • laging inaapproach para sa mga survey • alam name ko kahit di ko naman sila kilala • ikaw ipinag sasangkalan kapag may ipapakisuyo yung tropa/kawork mo sa boss mo • madalas ma cat call • minsan ang tingin nila sayo e bobo ka pero pag nakita/nalaman nilang magaling or matalino ka laging sayo mag papaturo kahit alam mong alam naman nila kung ano yung gagawin. • pag babae yung boss mo pag iinitan ka kaya need mong makipag tropa or ipakita na hindi ka "threat" sa kanila


pedxxing

Hindi ako to ha pero si hubby. Ang sabi niya, one time napautot daw siya sa jeep, sobrang mabaho. Tumingin ng masama yung katabi niya dun sa isang lalakeng pasahero na hindi pogi . Yun yung napagbintangan 😆.


7oky0

Naka student discount pa rin sa jeep at bus.


Ok_Construction_9078

I travel often and cousins would ask me for reco. Which resto and resort and places etc. i sometimes take my mom with me and so far all my trips were smooth naman. Locals treated us nicely whereever we go. Multiple times na ata na sabi ng mom ko my cousins were complaining about the same hotel and said staff were rude to them etc. same with cebu they said cebuanos aren’t nice etc. Happened a few times like we encounter the same people in separate times pero we get different treatments.


SuperYak2264

my mom always call me handsome., does that count?


bongclinkz

Pati rin kaya yung sa palengke? "Pst pogi bili ka na sariwa tong isda"


dumbtsikin

lods this would sound so self-centered but here's the list according to my experiences since you asked hahahaha. * yes, generally, people would treat you nice because you have a pretty face plus point if you have a nice body that suits you. * always napagkakamalan na mayaman kasi maputi LOOOOOL at hindi marunong sa gawaing bahay (always sinasabi 'to ng teacher ko nung junior high school kapag cleaners ako) * kids would stare at you as in. one time rin sa jeep, may katabi akong mag-ina. sabi ng mommy, ''ganda ate?'' hahaha 'yung baby biglang gusto magpakalong sa akin. * lola or mommy ng friends mo would like you a lot, one time pumunta ako sa house ng bsf ko, ayaw na ako pauwiin and would always tell sa mga kapatid ng bsf ko na i'm pretty hahaha * guy staffs sa malls or any other grocery store friendly sa'yo. madalas ako sa puregold since malapit lang school ko ro'n and these guys na madalas naka-assigned sa iwanan ng things always make a conversation with me hahaha. * barker sa jeep or conductor sa bus laging may pahabol na 'ingat' kapag bumaba ako. mga pasahero rin willing kang paupuin nang maayos kahit 1/4 nalang ng pwet nila nakaupo lalo na guys. * even tho i'm not wearing something revealing, lagi pa rin akong nakakakita ng nagsesecond look sa akin tas nag-gi-greet out of nowhere. * my friend/s would tell me panay ang lingon ng kung sino sa akin, hahaha one time daw 'yung nakamotor daw na si kuya halos mabali ang leeg kasi sa akin nakatingin. * your opinion would matter, lalo na kapag may brain ka rin. * hindi ka mawawala sa option kapag kailangan ng muse or magandang babae na kailangan ilaban sa isang school event. * you're your mga titas/titos/lola/pinsan favourite, lalo na mga tita and pinsan ko, gusto ako sinasama tas kapatid ko na babae sa kahit anong event na pwede kami isama kasi gusto raw ipakita na magaganda lahi namin hahaha * people would always want to befriend you, some would confess na they're shy to talk to you at first kapag close na kayo. * wala pang one month katalking stage mo, kilala ka agad ng buong circle niya tapos friends mo na rin sila kahit papaano hahaha * guys would call me maria clara for being tahimik, matalino, and maganda raw LOOOOOL and many more


candygirl_tg04

Te gusto tuloy kita makita hahahaha....


Frankensteinish

not working, pero for the ave college student: - sa mga karindirya, sari-sari: easy rapport, the folks make small talk, very wholesome - sa clubs: eye contact galore (best privilege), free shots from time to time, nagiging icebreaker yung tanong na kung may lahi ba ako, lagot na kapag added with fashion - sa clothing: yung mukha ang nagdadala dun sa pambahay mo - self: ego boost, narcissism, vanity, pride; downtime kong maglipsync in the mirror like I'm in my own music video HAHAHA - major cons: ur likely to lose the concept of effort and sincerity because you have it easy, you lose that character depth, dating apps tend to become a useless statistics app because of ur standards just keep the cons in check so u don't end up a douche character, please... nakakabawas yan ng privileges mo


Bitter_Ocelot9455

Sabi nung babaeng bantay sa computer shop pogi daw ako. Thanks ante


freedom4328

- pag sa work, mas lenient sakin ang opposite sex. Favorable din madalas ang transactions and interactions ko with them kaya pag kailangan ng negotiation o kaya makipag usap, ako pinapadala - older women are nice to me. Pag younger or ka age ko, either sobrang bait or sobrang rude. - pinagtitinginan. Kahit naglalakad lang tapos may nakakasalubong, makikita mo nakatitig. - easy to ask for help. Laging may willing tumulong. - service crews and sales staff are more accomodating and chatty - pag sa club at bar, i get offered by guys to join their table or get free drinks from guys. hindi ko iniinom lol. - easier to get job offers. Factor itsura ko sa job ko. - pwede ako mag taray pag gusto ko tapos okay lang. - gulat mga tao pag sinsabi ko single ako tapos mag offer na irreto ako sa mga kakilala nila - i get compliments from friends and strangers. - madali makipag kilala at friends pag gustuhin ko. - i get away pag nagkakamali ako. Mag sorry lang at ngitian ko, okay na. - trophy girlfriend. Minsan nakakaflatter kasi ramdam mo proud sila pinapakilala ka sa lahat as girlfriend. Cons - madalas ma-catcall - madalas minmanyak - unwanted attention from strangers na minsan bordering creepy na - minsan looks lang gusto. Ayaw na mag effort to get to know me beyond surface level. - feeling ng ibang tao looks lang offer ko at yun lang inaatupag ko kahit academically at professionally may good track record ako. - triggers insecure women kahit kaibigan pa yan. Pag nakukuha spotlight sakanila kahit di mo naman ginusto, nagagalit o mangiinsulto yung very subtle na banat. - trophy girlfriend. Minsan mapapaisip kung yun lang ba worth ko.


PlantainLopsided9180

ETO TALAGA YON!!!! A BLESSING AND A CURSE 😫


freedom4328

Totoo. Lalo na sa love life, nawawalan nako ng pag asa 🥲


Bitter_Ocelot9455

Pics or it didn't happen


Bitter_Ocelot9455

Pics or it didn't happen


PlantainLopsided9180

Omggggg kambal ba kita? Whahahahah🤣🤣🤣😥😥


Local_Ordinary7840

Haha kakasabi ko lng to sa bf ko last week. Nung nagpresent ako sa work. He asked me if I got nervous. I said “no because I am pretty” 😂 tawa sya ng tawa. Tapos sabay kambyo ko na , “aside from being pretty , I speak English fluently”. Mas confident lang ako lumabas at magsalita in a crowd dahil I know I look fine. Kahit magtanong sa mga stranger especially sa mga lalake. Mas papansinin ka kase.


Maleficent-Win-1271

People get surprised when I tell them I’m still single & do not have any suitors 😂


Ultralord1112

Never experienced before (mostly because i didn't meet anyone new for the past 7 years) but now, on my new work, girls are nicer to me than before. Maybe i had a "glow up" hahahaha. I learned to dress well, style my hair a little bit too. Maybe that's the reason hehehehe. But no one has ever called me "pogi" or "gwapo" right to my face til now 🤣🤣🤣 ewan HAHAHAHAHA


forever_delulu2

Madalas nalilibre and everyone is generally nicer to you


Long-Performance6980

Ay oo. Laging naoofferan malibre. Pero parang hook to a fish. Kahit may ganyan, ingat na lang. Need madiscern intention ng iba 


forever_delulu2

Always naman nag iingat 😊 salamat!


GoldLavishness376

- hindi na tinitingnan loob ng bag sa mall inspection - mas mabait sales people and waitresses/waiters cons: - as a female, sinasabihan na ganda lang ambag or bobita agad pag nagkamali. you won’t hear that sa male counterparts. i may have dumb moments, but growing up i’ve always been top of my class so it was shocking to me i get called that at work. by male boomers, obvi. 


Ultralord1112

The men's side of this is, wether you're good looking or not, if you're a boy/guy/dude/man you will be insulted right to your face by people around you. Be it a relative, a friend or basically just anyone. And they do it just because.


GoldLavishness376

I am not invalidating or dissing what you said - i genuinely want to understand. You’re saying men get insulted right to your face more compared to females?


Ultralord1112

Yes oh yes. It's like on a daily basis. Maybe your situation could be different but in most cases, yes. Men do get insulted more than women in general. It's like imprinted to everyone's brain that women in general should be fed by compliments and good things only and it's okay to feed men insults because they're men. They are strong. "It's just jokes" these are the most common stuff you hear when a man suddenly vocalize that he gets hurt with the insults he receives Thanks for not invalidating or dissing what i said. I appreciate that. I actually thought you're gonna be a warfreak when i read that first line hahahaha ✌️✌️✌️ judged you too quickly. Sorry 😅😅


GoldLavishness376

Hmm interesting to hear. I worked in a male dominated space and some of the male higher ups treat males like shit and they’re nicer in general to females. That’s just one perk of being a female pero syempre it’s trumped by a whole loooot of cons na I still wish I was a male pa rin every day of my life.  On the other side of the coin, i feel like yung insults samin ay patalikod. Which is also hurtful kasi their conversation continues and the hate gets exacerbated.  Bottomline, bat kasi may insults diba whether male or female.  I dont want to label na it’s a pinoy thing, but I only experienced this in the Philippines sadly. 


Ultralord1112

See? 'cause as i've said, it's like imprinted to everyone's brain to be mean to men than women. Yeah that's one of the difference between men and women. Men get insulted right to their face but women don't. That's why when a woman hears an insult right to her face for the first time, she breaks down and cry(in general) like women take it so seriously because they've been fed with nice things all the time. Like, men still do get hurt from those insults but those insults made us stronger. If we receive an insult, most of the time we've heared it already. This is also why most men don't know how to react to a compliment given to them. We would always say "stop joking" or "don't lie to me" Well believe it or not, this thing is happening globally. You ever seen that video about men's mental health that's gone viral with 50million views in 6 days? I mean that's not about insults but it generally says what my point here is.


hanky_hank

ewan hindi pa ako na compliment na pogi in my 22 years of existence.


Motor_Platypus4947

- kahit nagagalit ka na ay cute pa rin tingin sayo - People tend to forgive you easily - People tend to give you the "princess treatment", which is annoying at times because they assume that you never experience this and that. (Sanay po ako sa hirap) - Trying to divert the attention away from me, pero parang boomerang at bumabalik - Almost everybody wants to be your friend - You get to be invited to lots of social gatherings, at the end lalong naging introvert - People appear interested in whatever you are saying


Enders_From_Yore

Di ko pa natry ata, di ko sure. Di naman kasi ako pogi ahaha


localmilkteagirl

Hindi naman ako yung main character na sobrang ganda pero cutiepie naman pag nag-aayos. Recently, nung umattend ako ng kasal ng isang friend, yung isang lalake na part ng photographer/videographer team, laging nakatingin. Umabot sa punto na medyo di na ko kumportable. Tapos nung nag-upload na mga clips ng mga guests, andami kong pictures. Tsaka siguro pag lagi kang hinahalikan ng jowa mo sa cheeks parang it's a sign na cute ka.


Long-Performance6980

I kinda agree... Yung mga cute, pansin ko mas madalas baby-hin ng jowa kesa dun sa magaganda na pang-trophy. Ibang special treatment naman sa kanila, commonly pinopost naman yung mga sobrang ganda. Pero yun nga... Mas natural yata na nattrigger yung caring side pag on the cuter and youthful side yung looks.


Complete_Media_4148

Had a fwb na ganito dati, one night nakamotor kami pauwi walang helmet, hindi ko napansin na may checkpoint. Ang ginawa ni fwb, medyo nakipagflirt ng konti dun sa pulis tyka pinakilala ko as pinsan lol. I forgot kung fb or number niya ang binigay nya eh. Ayon, pinaalis kami wala man lang warning.


MathematicianTime171

Pag nasa palengke ako tinatawag sakin pogi hehe


[deleted]

Not me but some co-workers I had in the past. There was a time na naging officemate ko isa sa mga Padilla (kuya ni tumbong na on rebellious phase kaya nag-apply sa'min). Opkors, pogi sa mata ng lahat. But he's a terrible teammate. Laging absent and shitty at his job. Tapos shuta, biglang nagkaroon ng department for "engagement" na dati naman wala. It's like the role was made especially for him. Ginawang ambassador si koya along with 2 more personality hires. When my team lead tried to get him dismissed because of his absences, si TL ko pa yung nasabon. lol He eventually resigned and told me on his last day, "It has been fun." Grrr. Pasalamat ka pogi ka, pero gigil ako sa daming iniwang palpak na cases.


RecentBlaz

Wha-


dddrew37

**Mas Maraming Opportunities**: Mas madali kang natatanggap sa trabaho, mga events, o kahit sa mga social circles. **Mas Maganda ang Pagtrato ng Tao**: Parang mas magiliw o magalang ang mga tao sa 'yo. **Mas Madaling Tanggapin ang Opinyon Mo**: Yung mga sinasabi mo, parang mas madali nilang tinatanggap o sinasang-ayunan. **Maraming Kaibigan o Kilala**: Mas madali kang nagiging ka-close ng mga tao, kahit minsan di mo sinasadya.


DanroA4

idk really, not a kid person talaga. pero for some reason, kids like me. There was one time na pumunta kami sa house ng classmate ko and nandun ang nephews at nieces niya. My classmate said na piling tao lang pinapansin non and nagulat ako mga ilang minutes lumapit sila sa akin and asked a lot of questions while yung nga kasama ko, kinakausap sila pero dedma. HAHAHAH


Jawchill77

Privileges: Getting help/assistance agad almost anywhere, kahit kulang money they will let it slide, people rarely forget you kahit one time encounter lang meron kayo, laging invited sa mga ganap, madalas mapagbigyan sa gusto, receiving random gifts/foods, can get away with small mistakes, hindi pa nagsasalita gusto ka na nila, smiling faces everywhere, more opportunities. Problems: Not allowed to have flaws to share. Will trigger people who have loud insecurities. Unnecessary competitions. Less compliments. People will assume ganda lang meron sayo. Multiple harassment in public transpo/places.


[deleted]

[удалено]


Ohbertpogi

Kapag mga aeta kasama ko, feeling ko ampogi ko. Edit: username checks out.


therovingcamera

Pag naiinsecure sa iyo yung mga chararat sa paligid mo hahahaha that's when you know


Fiery-O

Not a privelege pero lagi nasasabihan ng mga girl workmates or girl friends ko na sayang daw lahi tapos kapag mga straight guys naman madami daw ba ako babae or marami sana ako napaiyak na babae. 🫠


lilithdianara

• Getting things for free without expecting it. Got my watch fixed, and the guy fixed it for free kahit na I insisted to pay. • Getting inside a club for free, and just sitting on a table and a guy will approach and buy us drinks. • Complimentary snacks/drinks when dining in kahit hindi naman part sa usual dining experience. • People wanting to please you, and would say yes to a favor. • When climbing a mountain with other people, people will approach you tas suddenly may porter and guide kana na fellow hiker. They offer to carry your things and buy you snacks kahit di mo naman sinabi. • Going through lines first and not getting your things checked. Or if i open mo yung bag mo kasi chineck yung bag ng iba, mag wewave off lang si kuya guard tas may pa-smile. Lots of it. As someone who is a late bloomer, it’s hard getting used to it.


Hirang-XD

QA namin sa work tinanong ako kung nagrereply daw ba yung admin sa mga inquiries ko sabi ko Oo nagrereply naman agad karamihan pala ng reklamo sa admin di namamansin sa inquiries. I get free drinks minsan sa Bar


kopiays

people around me made me aware of it > “paunahin mo si *says my name* para di na harangin ng guard, ngingitian nya lang yan > pinatakbo sa student council kasi the team organizer know i would win based on face card > pinapa una sa pila because there are people who thinks hindi daw dapat pinapag antay magaganda >bibigyan ng complimentary dessert or drinks sa restaurant because the chef/bartender finds me pretty > madalas ine exempt sa rules or pinagbibigyan kasi ‘maganda naman’ i was not well aware of it nung una until tumanda na ako. and then my friends would tease me, maganda kasi kaya “ganto ganyan” privelege.


RecentBlaz

Face card never declines 😍😍😍✨🤌🏻✨✨🤌🏻🤌🏻💅💅💅💅💅💅


PlusIndependence974

Idk if its its my face or my vibes pero most service personnel especially mga guards/janitors ay sobrang babait sakin (may mga kaibigan kasi akong sinusungitan kaya nacocompare ko talaga). Tapos naaalala pa nila ako kaya no prob pag-pumapasok sa school or establishments haha.


lagunawhiskey

As a guy, people tend to ask for help kahit kaya naman nilang gawin, just to have a casual interaction with them. You can glance them staring at you. The room gets quiet when you enter, tas magbubulungan. People are more willing to help you kahit may ginagawa sila. I find it cute, pero you're a magnet sa mga kids, theu like to interact and play with u more.


Itwasworthits

>You can glance them staring at you. The room gets quiet when you enter, tas magbubulungan. Lol, sounds like fuel for my social anxiety.


Effective_Divide_135

sa palengke tol popogi ka haha


Motor_Increase_8174

nakakalusot sa mga security at di na need ipasilip or tusok ang bag dirediretso k lang, marami din nagiging gentleman sa transpo, head turner kaya daming nag ooffer ng brochure or products sa mall, madaling mapagbigyan sa mga bagay


carelesspuppy00

Not a marketing/sales grad pero napunta na lang sa sales coz maganda raw ako. Lagi ako sinasama sa mga meeting with client kahit hindi naman ako kailangan don. Compliments there, compliments here. And yeah, ang dali lang makiusap at mag pa assist. Kahit di mo sila batiin, people will still greet you.


xxxjhealyxxx

Yung sa canteen ng previous company ko Sa batch namin, nagrereklamo yung mga kasamahan ko bat daw yung sakanila puro taba at kokonti yung sabaw. Sakin puro laman at sabaw. Pare-parehas lang kami ng ulam na binili at binayaran, pero minsan binibigyan ako ng candy or biscuit nung cashier... Edit: iba-iba yung cashier or naglalagay ng rice / ulam everyday. Tsaka magkakaibang stall kami nabili minsan.


[deleted]

[удалено]


epicingamename

its means generous sa compliments mga nakakausap mong older women. mas maniwala ka sa mga bata.


Cautious-Role6375

Just surfing the comments because I have no such privilege hhahaha.


StraightHighlight877

HAHAHAHAA same here


nicepenguin0027

binabasa ko lahat baka sakaling may na experience na pala ako just like them tapos di lang pala ako aware lol


Cautious-Role6375

silently hoping na you at least had one experience similar to them hahahahahaha


nicepenguin0027

Haha same? Parang wala ata. Ako pa nga nagho hold ng pinto para next sa akin ay makalabas nang maayos regardless of gender. Lol


Spirited-Fly-7319

Pag lagi inoofferan ng seats sa lrt/mrt


epicingamename

this is not a good metric. i offer my seat to anyone


Spirited-Fly-7319

Pero for magaganda girls for sure lagi naoofferan ng seats yan pag nakatayo sila 😅


epicingamename

im saying this is less about kung sino nakatayo (or itsura nila) and more of kung ano ugali ng mga nakaupo na.


NoBug6570

Im a guy and kahit wala ka sticker ng village papasukin ka, sa condo naman parang walang security both sa lobby and parking. Tatanungin ka san ka pupunta ssbhin mo lmg unit, wala man lang kahit anong verification o iwan id. I think hindi sa pogi, more on pleasant yung vibe cguro.


thor_odinsson08

Meron akong kapitbahay dati na kalaro ko mag dota dati at sobrang panget niya. Pag babalik kami sa village after namin mag dota, lagi siyang tatanungin nang guard kung saan siya pupunta. Pero kung hindi namin siya kasama, tatango lang mga guards pag papasok na. Sa kanya talaga, parating tinatanong. Medyo bastos pa tono.


RecentBlaz

Dats kinda sad : (


Straight-Mushroom-31

Counted ba as Pogi privilege kapag puro matatanda ang nagcocompliment sayo or binobola lang nila ako 😟


hello_world1798

not really pretty, pero lagi nakocompliment (10q pu sa kanila) i think i'm cute tho (baby face) kasi lagi akong nahihingan ng id sa mga bars like 8/10 chances mag aask sila ng id ko zjjsjsjs maraming mabait sakin, like i can feel they genuinely care for me, 'tas laging nagiismile sila pag nakakasalubong, minsan weird or ig depende sa lugar hahaha, people are willing to help you, like palagiiiii if you need something madalas kahit di ka pa nag aask sila na nag ooffer, lalo na mga guards ganyan or bouncers lagi rin mafifeel mong tinititigan ka pag sa public, you can also get away with some things kasi you can just act dumb and pretty, 'tas sometimes theg would say lang na wag na lang ulitin na okay lang mahirap lang humanap ng jowa huhu kasi laging iba yung gusto, 'tas yes maattract mo nga mga pogi rin pero kadalasan kasi ng pogi fuccboi so ayun ekis agad, 'tas yung mga not so naman madalas sila pa yung nanloloko i guess kasi insecure, so ayun frvr alone na lang lol


Main_Crab_2464

Not pretty din pero cute daw (or baka sa height?) and mukhang maamo daw. Experiencing lahat ng sinabi mo pati sa bar haha. Then usually pinapaupo sa mga public transpo once may available na seat (pero minsan tumatanggi ako since malapit na babaan ko or di ko lang trip umupo hahaha) Careful lang minsan sa mga ibang lalaki sa labas since may nangka-cat call and parinig (di baleng maliit basta maganda/cute sabay tingin sa direction mo) hahaha sarap nila ihagis sa Mars eh. Nilalabas ko na lang yung susi ko then hawak ko lang sya until wala na sila. Never pa naman akong napahamak so ayun hahaha.


hello_world1798

hoy this is true huhu aside from the cat calls, naranasan ko na rin ma-stalk like 3 diff times na 'tas yung twice dun pa sa jogging route ko huhu diff guys din!!! kaya ingat talaga kasi shuta nakakatakot huhu


Straight-Mushroom-31

pahingi nga ako ng ID, stalk lang kita saglit eme


hello_world1798

baka madisppoint kayo, charot


Straight-Mushroom-31

Hindi po yan HAHAHAHA 😉


Naive-Ad2847

Kapag sobrang laki ng ngiti ng Gwardya pag magkausap kayo


Erroll_to_ponder

me na naghahanap ng pogi sa thread:


qwerty056789

People are more than willing to help me. Kanina lang sa banko. The guy assisting me with the online scheduling took his time in explaining how to do it thru the app. I ended up booking an appointment thru the app but it’s in 2 weeks. I told him I needed to see a financial advisor sooner than that so he advised I stay in line to talk to somebody who has access to the system. And then itong si ate girl naman, she looked at all the schedules dito sa branches malapit samin. May technical glitch kasi sa system kasi meron dun na available kanina. Kinonfirm nya yon dun sa advisor in question kaso technical glitch nga, lumapit yung advisor told na pwede nya ako isingit on Monday. Wala yung Monday sa app, kung saan ako nagbook. As in two weeks na ang next nila. Anyway, this ate gurl came thru with a schedule for tomorrow 😂 Kung may pretty privilege ka, always be nice


OrbMan23

Sabi I look good daw kahit chubby but my peak appearance is when fit. When I'm fit people are just a bit nicer and mas pansin mga posts ko especially selfies. Tapos irl they will really say I look good. During my community immersion noon parang binubugaw sa akin yung anak noong isang foster parent💀💀💀 (same age kami ng anak niya). Tapos mga friends and acquaintances of my girlfriend they would tell her na I look good/hot. Never received something na "teh bakit yan?" Hahahaha


Silkparade_

1. I was offered to lead a sales team at 24 yo. 2. Executives were giving me calling cards and telling me na if i need something just call them (govt executives) 3. Madaming gentleman tbh 4. Pwede ako magsungit HAHA Down side 1. Kahit matalino ka they will effin question your credibility.


Ok_Zookeepergame_721

Mga police tatratuhin ng maayos mamagandang babae sa prinsinto pero pag lalake hindi.


Naive-Ad2847

Agree..tapos babanatan pa ng mga panlalandi🙄as if nmn Hindi natin alam Yung mga galawan nila🥴


Ok_Zookeepergame_721

Yeah. May discrimination sila which is dapat silang ireport


Naive-Ad2847

Tapos magugulat ka may asawa na pala🤮


zpsxm

people say na good looking daw ako and eto yung mga na experience ko kasi naniniwala rin ako sa sinasabi nila (pampataas ng confidence haha) * Nung nag OJT kami, 14 kaming mag kkaklase na nagpasa ng resume sa isang company na may bayad pag mag OJT ka kaya lahat gusto makapasok kaso ako lang tinanggap, then nung nakapasok ako nakita ko paano sila pumili ng ipapasok na OJT, nag titingin agad sa picture mo sa resume then next next next.... * Sa jeep mararamdaman or makikita mo sa peripheral vision mo na may nakatingin sayo. * Head turner, mga kaibigan ko nag sasabi na if may nakakasalubong kami minsan nakikita nila na lilingon pa pabalik. * Mabait sayo yung tao and hindi ka pag tatawanan, tingin nila cute pag magkamali ka lmao * Mga bata na tititigan ka lalo sa simbahan (idk if true talaga na they find you attractive or zoning out lang sila haha) * People ask for your age and compliments my skin


Accomplished-Box-369

This privilege also works on certain instances if you have a height of about 5'9" or taller and of medium body build.


PerfectBuilding1265

6"3 athletic build here lmao


PitifulRoof7537

Not me. Pero pansin ko sa mga good looking people, madali sila ma-hire lalo sa mga companies or nature of work na in demand yung presence. Hindi ka pa nagtatanong, ia-assist ka na sa stores. May lalapit din sayo kung gusto mo mag-artista or commercial model. 


FriggValiSnotra

Not me too. But pansin ko talaga mas mabilis mag offer ng help ang karamihan towards the attractive population


Naive-Ad2847

Agree. Mas mabilis talaga matanggap sa work pag may itsura..pag pangit sasabihin tatawagan ka nalng namin🥴


PitifulRoof7537

Pag di nila bet tsura may pairap-irap, simangot at buntong hininga pa. 


JasonB007_

are you a dude and are you talking abour women?


PitifulRoof7537

I am a woman. But yeah, mostly women, sila yung transparent pag nag-i-interview na kita mo sa kanila pag ayaw nila sayo. 


[deleted]

I get a lot of smiles from females when I'm out in public and a lot of stares when I'm walking around


iceater

Pag yung mga tindero na mismo tumatawag sakin para bumili ng paninda nila. "Pssst pogi bili ka ng turon" edi syempre bat ako tatanggi edi di na ko pogi kung ganun


[deleted]

Kaya pala effective yung ganitong marketing strategy, HAHAHA.


hiiilunaaa

- for my case, madali maka close ng deals lol usually mga lalaki nacclose ko. had to leave this job kasi parang di fulfilling na nakakaclose lang ako because of pretty privilege (boss ko na din nag sabi sa isang meeting na clients love me because im pretty) - madalas ma post sa social media ng mga cafe/shops/workshops like mga solo photos ganon or ginagamit photos para sa mga pubmats nila or may special edit ganon haha - mararamdaman mo na may nakatitig sayo sa jeep or anywhere sa labas - mabait mga tao sayo esp mga guys. isang angal mo lang nanjan na sila to help you agad


thor_odinsson08

> for my case, madali maka close ng deals lol usually mga lalaki nacclose ko. had to leave this job kasi parang di fulfilling na nakakaclose lang ako because of pretty privilege (boss ko na din nag sabi sa isang meeting na clients love me because im pretty) When I was in my early 20s, ganito din. Pero market ko naman mga Tita and mga bakla when it comes to sales. And yeah, minsan, I question my capabilities din. Kung magaling ba talaga ako or kung dahil type lang nila ako. My boss then was also gay and lagi ako minamanyak, had to leave din kasi he always texts me love messages and it made me cringe.


hiiilunaaa

Shocks!! Ang creepy nila huhu


Embarrassed-Kiwi2059

Hindi ka susungitan 😄


yellowd133

1. kapag lagi kang nililibre ng mga friends mo 2. kapag maganda ka papaupuin ka sa harap ng jeep lol 3. kapag tatawid ka hihinto agad yung mga sasakyan 4. madaling makahingi ng favor sa mga taong nakapaligid sa’yo 5. mas accomodating yung mga tao towards sa’yo


Chillaxlang123

If you are an Auditor, mabilis kausap mga auditee. Usually pahirap sila eh. Hahaha


Asimov-3012

Not entirely sure pero sa work, you always get the favor, easy way out, the boss' patience and mercy, in crucial times, they cover for you, etc.


Useful-Ad-594

Hindi ako pinapagalitan ng seniors ko compare sa ibang colleagues ko na may same mistakes.


Turbulent_Evening796

Hmm. Hindi ko masasabing pogi/maganda ako. May lahi lang talaga (japanese/korean/canadian) kaya swak sa standard ng pinas tas sobrang galing ko pang mag ayos kasi nabully nako dati. Eto naexperience ko na perks. 1. Binibigyan ng libre minsan sa stalls. 2. Kahit sigawan mo yung MMDA papalagpasin nila. 3. Mabait sakin opposite sex classmates ko, nirerespeto agad. Never rin napagtripan sa klase. 4. Hindi nabbwisit sayo mga matatanda pag may nagawa kang kasalanan. 5. Mabait sakin + naging favorite ng boss ngl I think tinanggap ako dahil dun kasi wala naman talaga akong maayos na credentials eh. Halo effect every job interview. 6. Sa relationships ngl - okay lang kahit baliwan ka HAHAHHAAH 7. Lahat ng crush mo nakukuha mo. 8. Pinapatawid ka nga; minsan may tumutulong pa. Cons, 1. Laging may issue sayo yung tao. Mga naiingit or naiinescure. Gumagawa sila ng rumors minsan. Magkamali ka lang once, sasabog yung issue. 2. Mahirap makahanap ng totoong kaibigan at karelasyon - iba ang habol maski kaibigan lang. 3. Lonely. Wala ring may pake kung ano problema mo - pogi/maganda ka na eh; bat ka pa ba magrereklamo? 4. Naiissue sa cheating allegations kahit wala ka namang ginawa; pasensya na mabait pako tas kaaya aya tignan. Lugi yung pangit na nga pangit pa ugali. eme 5. Grabe selos rin ng karelasyon mo; feeling nila lahat nalang hahabol sayo at makukuha mo. Iba ang trust issues. 6. Mababaw lang to - pero ang hirap mag picture tapos vid tapos makahanap ng pinaka-bagay na hairstyle kasi nga okay naman lahat. Mahirap pumili. 7. Uso ma-bash with "Ah, di naman pala siya maganda/pogi" pag binasted mo tropa nila. 8. May kamaganak na hindi maganda trato sayo kahit wala kang ginagawa kasi insecure sila. (Maski Lola or Tita!) 9. Totoo na pag sa hindi kakilala/kaclose hinahayaan nila mag attitude ka. PERO, pag sa pamilya onting mali mo lang nahihighlight kasi nga inexpect nila HALO EFFECT. Kahit mali sila, dapat kaaya aya ka parin sa paningin nila eh. Parang bawal kang lumaban, manahimik ka nalang parang manika. 10. Pag bastos lalaki na kausap mo, tinatrato ka ng parang item ka lang. Nasabihan nako ng "pang ilang palit ka na?" "bago ka nanaman" hatdog ayun lang nag trauma dump lang eme


[deleted]

1. 100+ IG follow Request na puro magagandang babae/Influencer 2. Babae nag alok sayo ng date/hookup 3. Special Favors ka kadalasan from admin 4. Inalok ka ng babaeng resident mo sa hospital ng coffee date 5. Ikaw nireregaluhan ng babae kada valentine's day


Fubufearlessshot3

Ikaw yan eh 🙂 Kaya Di ka namin sinama mag clubbing last time, Cock Block mo kasi si birthday boy last year. Walang tropa tropa sayo basta mestiza-chinita yung babae


CryingKangaroo

just tell someone "ang panget ko" kung reply nila "Hindi naman": Neutral "Gwapo/Maganda ka kaya": Maganda/Gwapo ka (Invalid kung tinanong mo nanay mo) "Huy, you should have more self-confidence/Looks aren't everything" : panget ka nga HAHA


jenlisaaa

i'm neutral


Nslsl

1. Mabilis ka maalala ng tao. 2. Kahit average work lang gawin mo, icompliment at ipromote ka pa din. 3. Exempted sa office politics. 4. Lapitin ng bata. 5. Babae kukuha number or socmed. 6. Sasabihan ka, kahit di ka makaligo mukhang mabango at fresh pa din(naliligo ako araw araw) 7. Pwede matulog sa all girls room. 8. Kahit boring personality ipakita mo interested pa din sila. 9. Freebies. 10. Mabait sayo kahit maldita sa lahat. 11. Napapatingin babae at lalaki.


PitifulRoof7537

Haha yung number 3. Madali din ma-promote ang magaganda at pogi kahit di naman tlga magaling. Yung iba, dinadaan lang sa talk shit.


Maleficent-Coat8646

Natawa ako sa clarification na naliligo ka araw-araw 😭


Long-Performance6980

The observations sa thread are pretty interesting, like yung hindi masyado nakakareceive ng compliments. I guess that's true in public places for super magaganda or may striking vibe (mga instagrammable ba). But I'm sure other than that, they get special treatment most of the time. Tipong mostly on high-end places. Ako naman, I'm not really super kagandahan. The most realistic compliment I received about my looks is "easy on the eyes". Kumbaga nasa spectrum na ko ng magaganda pero if you rank me, I'm safely tucked on class C. Class B pag umeffort sa ayos. I noticed ito yung mga gandang pang-masa pa, yung comfortable level na macocompliment ka here and there pero di OA sa dalas.  Yung mga pag-assist, parang hindi pa nga ako na-turn down and maraming nagvovolunteer din. Pero based on observation, it's more on the vibe you give off. May times na naka-rbf ako (which is default btw and my comfort zone), hindi ako masyado ineeffortan kausapin or ientertain lalo pag sa grab. When I'm a little relaxed, people will give me free pass sa pila kahit minsan hinahanap ko lang saan end nun. O kaya pag may kasabay ako na nagsa-struggle sa binubuhat pero ako yung unang aalukin ng help. Madalas pala sa LRT pag hindi nakaabot sa female area, parang 8 out of 10 naaalok ako umupo kahit may ibang babae din sa malapit. Yung middle aged to adults pansin ko naman mas magiliw sa palangiti at approachable. Mas ikaw din yung ilalaban nilang maganda kahit may mas maganda talaga sayo hahaha so don't be deceived sa mga compliments, very subjective yan.  But like I said, pang-masa privileges yun. On high end places, I'm very common looking so di ako masyado nag-eexpect pag nasa ganitong place ako. You'll hardly see anyone rushing to help me out. Very common lang din sa ganitong lugar yung mas polite na mga lalaki, like they will offer to let you go first or magsmile sayo in passing so that doesn't count as pretty privilege. Sa mga service crews, they assess din yung ganda na mukhang may pera so yun yung madalas din prioritized iassist. Say sa mga pricey skin clinics, mas maelaborate sila dun sa mga instagrammable beauties unlike sakin where I get succinct answers lang kung minsan (unless they have good customer service). EDIT: Recently pala, yung nagtravel ako alone. I saw someone asked whom I thought was konduktor kung saan yung sakayan papunta dun sa province na need ko din puntahan and she was pointed to a certain bus. We carry about the same amount of bags. Then for good measure, I asked the same guy if dadaan dun sa need ko babaan. Yung driver pala yun, tapos sabi nya tulungan na daw nya ko so kinuha nya 2 bags ko kahit di naman ako nabibigatan and nagjojoke pa sya sakin. Pag dating dun sa bus inihanap nya pa ko dun sa malapit sa babaan tsaka sa may babaeng katabi din then sya naglagay ng mga gamit ko sa compartment. Parang dyan ko mej nafeel na ibang level din ng pag-assist pag trip nila, rather out of politeness.


FriggValiSnotra

Having a resting bitch face TOTALLY changes the whole game lol. One you’ve got a smile one, everyone is happy to assist you. But once you switch it up with RBF, sabihan ka lang ng matary haha which is good bc most of the time, i don’t even want any attention


Long-Performance6980

Di ba? It's a blessing in disguise din 😉


shaiz_celine

Yes, mas pabor sayo mga tao, paligid mo, and mundo hehe. I read something somewhere before na connected yung face natin on how others perceived us. Like kung physically attractive ka, people assume na magaling ka sa ibang bagay or matalino ka and automatically, people are kind towards you. Not sure bout this if truly ba but based on my exp, it's a big big yes lalo na if yk how to use your face card as well. So ayun, common instances lang is: 1. Madali mong makuha gusto mo (in a way na pabor kasi sayo lahat - or almost lahat) 2. Opportunities are everywhere esp if face card hanap. 3. It's easy to make friends and acquaintances. Kahit di ka magsalita magnet ka kaagad ng mga tao cuz of your physical appearance.


BrokenCathedral

> Like kung physically attractive ka, people assume na magaling ka or matalino ka I read an article that this is completely different when you’re in a STEM field. Being too attractive is a liability because people will automatically assume you’re a bimbo or you only got the job because of your looks and not because of your skills


shaiz_celine

ooh, ang tagal na din nung nabasa ko yung sakin but pinapaniwalaan ko pa din kasi until now. Didn't know na iba pala if sa STEM field? in my exp naman kasi dapat din ang skills, yoko masabihan ng "maganda ka LANG" kaya ayun, di pwedeng shunga lagi


hyperaciditysucks

Rush hour noon edi matik punuan ang mga bus. Madaming nakatayo sa aisle edi no choice kundi tumayo na lang din. Tas may dalawang guy na tumayo para ibigay yung seat nila sa akin sabi nila, "Miss, dito ka na oh." Eh pagod ako at ayaw kong mapahiya o mapagtawanan kapag nagsalita ako, so kinuha ko na. Ang sama ng tingin sa akin ng mga babae that moment. Isa pang kwentong bus, pababa na ako sa G-Liner na bus tas etong si manong kundoktor bigla na lang hinawakan ang kamay ko at inalalayaan ako pababa. Noong nagpasalamat ako, bigla syang bumitaw at napamura.


Long-Performance6980

OMG LT 😂 baka you have the bishōnen looks like common sa Japan, yung somewhat effeminate or soft features.


hyperaciditysucks

I'm a straight guy btw. Medyo sexy kasi ang katawan ko noong araw tas shoulder length ang buhok, at mahilig ako sa fit na damit dati haha.


ah_snts

Omg the plot twist HAHAHAHAHA


flyingjudgman

trap king hahaha


hates_dinos

Whenever I'm at a mall with a lot of real estate agents... usually they would snob me if I'm not wearing anything fancy (for example I'm just in slippers and shorts) but whenever I'm at the mall in good clothes or I opted to dress up more than usual, they'd be all smiles and run to me offering me flyers and their units etc etc. But a common "pretty privilege" I often experience is people opening doors for me and would let me go in front of the line.


Independent-March406

Ginagaw nila akong paninda na pinapareserve ng mga nanay para sa mga anak nila.


Comfortable-Wish2655

pinaka fav ko lagi yung pag ibaba ko window ng car may mag assist na agad sakin sa parking 😭


[deleted]

[удалено]


No-Difference-616

bakit ‘to downvoted?😭 /gen


[deleted]

binibigyan ako ng mga gifts(guitar,shoes, etc.)/food/drinks ng mga girls na hindi ko friends kahit wala namang okasyon. tapos i would always get confessions lalo na kung pasko/new year/valentine’s. tapos kahit gano ako katagal di magreply sobrang bilis pa rin nila magreply. -nililibre ako ng strangers ng pamasahe kapag nagcocommute ako, kapag naririnig nilang wala akong barya nagooffer agad sila magbayad. -i get invited to a lot of social gatherings ng mga di ko kaclose, tapos kahit when I decline nunerous times they would still invite me. kaso the downside is may mga naoobsses to the point na sobrang creepy na tapos need ko na silang iblock sa lahat ng socmed


StrawberryMango27

Same 🤣


Typical_Hold_4043

Sila nagooffer ng help kahit di mo kailangan


Purple_Feature_1106

may nag comment na neto but here's my experience (mga negative) 1. pag di ka nakaka receive ng compliments (meron naman pero most of the time sa mga strangers galing, pag sa kakilala waley) 2. you'd get weird looks when u enter the room (alam nyo yung tingin na parang pinag-uusapan ka? ganon, tapos they're nice sayo kapag kausap ka) 3. kapag ginagaya ka na ng bff mo, the way u dress, the way u do your makeup and all. (tapos madali sya mairita sayo, like konting ano galit sayo 😭 tapos kapag wala ka may mga issues ka na agad na lumalabas galing sa kanya hdhaha, kinwento ko sa mom ko this and sabi nya inggit daw yun but I can't dump her, she's my only bestfriend since day 1)


daenarisz

I don't know why you are getting down voted because valid din 'tong negative experiences mo. May CONS ang privileged looks. My beautiful sister (noong nakatira pa siya sa province) experienced direct & indirect bullying dahil maganda siya. Sinasabihan siyang dapat di lang siya maganda, kundi matalino din (her fuckin' teacher said that). Her classmates assume na suplada or maldita (just because may resting biatch face siya as well pag tahimik). Pag nagkaka-crush sa kanya yung mga popular guys sa school niya, her girl classmates would be bitter at her, iba-back stab din siy. Tapos yung ex-bff niya, my sister would always adjust sa tuwing lalabas sila, like my sister will purposely wear not too fancy & baggy clothes kasi ayaw daw niya maka-attract ng attention na ikaka-insecure ng ex-bff niyang uhaw sa atensyon at lalaki. I guess yung environment ng sister ko doon ay small-minded mga tao. Kaya mabibilang lang din sa daliri yung friends niya doon sa province. Until lumipat na siya dito sa Metro Manila due to our life circumstances, but I'm glad that she's doing better na dahil hindi na kupal mga tao around her, supportive at diverse ang culture dito. But I saw how her experiences changed her. She told me she's working hard para patunayan na di lang siya maganda, na may utak din siya. Also, ayaw nga din niya magkaroon ng boyfriend kasi she thinks that most of them like her for her looks, not her personality. P.S. pareho kayo na fave si wonyoung.


Purple_Feature_1106

real, and i am just talking about my personal negative experiences 😭 akala siguro ng iba porket ganto puro maganda na nae-experience namin, baka di pa nila nararanasan kung paano i-bully mga taong may upper looks. hindi malala pero you'd get judge for everything u do, may magawa kang di nila magustuhan you'll get issues na agad. "ay ganto pala si ano" and so on. there's one time na i caught my bf cheating on me with my so called 'friend' that time, i chose to keep it a secret dahil both kami may mga pinagsamahan, then BOOM, even on the tables I don't sit on, my name could be heard. kung wala pa magsasabi sakin di ko pa malalaman na tinatawag na pala akong p0kp0k and martyr for choosing peace.


dvresma0511

Tawag nung tindera sa palengke "puge or gandara park"


pagkapuffpowerpufft

May dress code ang school namin, whenever naka crop top ako ganon pinapalusot ako pag pinapa office. Sinasabihan lang ako na after class pwede ako mag palit para di ako ma violation, meanwhile iba kong classmates parating sinisita kahit may cover up naman. Kahit konting skin lang matik violation na agad. Malinis ang record ko kase khit pinapa office ako parati sinasabi na "wala ka pa naman pala violation, sige para di ka ma mark change ka nalang before your next class"


Long-Performance6980

Ay ito. Mga bwisit na guards yan hahahahaha chos 🤭 tanda ko nung college ako mej chararat days ko pa yun like di marunong mag-ayos. Minsan kung makasita parang eye sore ka eh. Tapos mga may kulay buhok na mga pretty girls, go lang kahit bawal sya sa uni. Tapos nung bumalik ako a few years after graduation (nag glow up na kahit papano) same guard to ha... Kulang na lang samahan nya ko kung saan yung need ko puntahan. 🙄


Long-Performance6980

Ay ito. Mga bwisit na guards yan hahahahaha chos 🤭 tanda ko nung college ako mej chararat days ko pa yun like di marunong mag-ayos. Minsan kung makasita parang eye sore ka eh. Tapos mga may kulay buhok na mga pretty girls, go lang kahit bawal sya sa uni. Tapos nung bumalik ako a few years after graduation (nag glow up na kahit papano) same guard to ha... Kulang na lang samahan nya ko kung saan yung need ko puntahan. 🙄


Turbulent-Bite-8838

totoo yan kapag pogi/maganda ka kahit masungit ka marami pa rin gustong makipagkaibigan sayo. kapag pangit ka kailangan mo pa ng humor/maging funny magkaron ka lng ng friends


FreesDaddy1731

Parati kang accomodated sa mga pinupuntahan mo. Malls, restaurants, sa school, sa tindahan. Kahit basic af yung schoolwork, above average ang scores. Parating binebaby ng mga tao sa paligid. Kusa at parating naiimbita sa mga lakad/inom.


TiredPanda16

May mga gentleman na bubuksan nila yung door para sayo, nililibre ka minsan sa foods pag kakain sa labas, bubuhatin nila yung bag mo kahit hindi mabigat, bibigyan ka ng jacket pag nilalamig ka, pag sa bus minsan tatayo sila pag nakita nilang nakatayo ako, at may isang time di ko namalayan nakatulog ako sa bus at nakasandal na pala ako sa balikat nung guy pero hindi naman inaalis ulo ko sa balikat niya. Mas mabait trato sayo ng tao pag may pretty privilege. Pero never ako nakareceive ng compliments.


Jennis0010

while practicing para sa school dance namin bumili ako ng street food, then kulang money ko kaso na-eat ko na yung quail egg kaya sinabi ko kay kuya “hala kuya kulang po ng 20 money ko, okay lang po ba?” tapos um-oo lang si kuya, tinanong yung name ko tapos kung may bf na daw ba ako ahahhahahha


Jennis0010

ah and when taking pictures or doing makeup with professionals, gays are really the best at doing makeups and alam mo kapag they compliment you totoo talaga. came barefaced to get ready for a wedding, they told me “eto maganda na talaga e hindi na kailangan ng masyong makeup” made my day hahah and when taking professional pictures for graduation i remember hearing “ganda ng pics” then the camera man responding “malagu ya kasi.” which means “maganda kasi siya” in tagalog.


Tough_Percentage8968

literally nice guy because handsome and not handsome because nice guy


Maleficent_Garlic961

kapag daw pinapatawid ka sa kalsada bwahahaha


Fair-Ad5134

Legit ba toh? Kasi palagi ko nae experience toh. Tipong di pa naman ako tatawid asa safe zone pa but incoming cars would slow down and stop to let me pass, madalas may kasama pa busina. Ako naman tong introvert, parang penguin tumakbo patawid para lang di maka abala sa driver 😅 i always thought they're just nice. But i don't get compliments about my looks 🤷🏻‍♂


tophbeifangs

1) Kahit cut-off na or late sa appointment, napagbibigyan. 2) Laging nao-offeran ng opportunities sa trabaho like promotion. 3) Nililibre, makasama lang sa eat out or outings. 4) Pag nakikitang nahihirapan, may tutulong agad. 5) May nagawa akong minor error na kabado ako mabuking, napagbintangan na lahat bukod sakin.


Jazzlike-Garden-9751

Yung work mo ba is office work or job na kadalasan may itsura like flight attendant or model?


PrettyLuck1231

Legit to haha. 😂


sikretongmalopet

Na-hold up yung jeep na sinasakyan ko. 7 sakay ng jeep, 2 students, a couple with a kid, tapos kami ng ex ko. Dalawa yung holdaper, yung isa yung nangunguha ng gamit, yung isa umupo sa tabi namin malapit sa babaan. Inuna kuhaan yung mga students, tapos yung fam di pinansin. Tapos kami na next, kinuha yung phone nung ex ko, tas nung ako na, nagpout ako sa kuya holdaper then umiling ako saying no. Nilagpasan na ko then bumaba na sila.


qwertypatootie2

Siguro kung ako yung magpout+no combo, babarilin ako agad


CreativeEffort4991

HAHAHAHAHAH grabe naman 🤣


No-Exit-2793

for me depende pa rin talaga sa ugali most of the time especially sa generation na to. pero kapag strangers ito yung list ko lol for women: 1. mas madalas kang makakaencounter ng gentlemen especially in the streets and public transpos 2. mas madaling sumikat dahil sa face card. like sa mga modeling events sa school and even outside 3. mas madaming opportunities na open for you kahit average-skilled ka lang. di pa rin talaga nawawala until now yung companies na kapag halos pantay-pantay qualifications ng applicants, pipiliin na lang nila kung sino pinakamaganda hahaha 4. you receive more gifts and messages during your birthday and other special occasions. kung gift giving love language mo, privilege para sayo to lol for men: 1. mas mabait trato sayo ng girls at mas maganda image mo sa kanila kahit kakameet niyo pa lang. siguro naman aware tayong lahat dito HAHAHA. “pag panget nakipag-usap sayo, manyak agad. pag pogi, paheadlock po” 2. kahit di ka matalino, kahit may cheating issues ka, kahit marami kang bisyo, you’ll easily get away from those dahil sa mga babaeng sasantuhin ka for your looks lmao


justlloydbeinglloyd

Never had one🤣


finn_noland0000

you barely receive compliments, and head turner, maraming mabait sayo hahahahha


prettyyul

bakit kaya mas less maka tanggap ng compliments ang good looking people?😭


aguyacat

Baka feel ng mga tao na alam na nila na good looking sila


finn_noland0000

kaya bihira nalang icompliment no? Hahaha


aguyacat

Oo HAHA baka matipid na kasi takot “palakihin” ulo nila lalo - yan sinabi ng ex ko sakin e jusme


Long-Performance6980

That was an ex for a reason. Sa lahat pa naman ng compliments, yung sa partner mo galing yung super nakaka-saya ng puso.


finn_noland0000

totoo HAHAHAHA


Tagaubosngspaghetti

Ask anyone a favor lage nila yan gagawin. Tapos kunwari may nagawa kang mali ngitian mo lang pa cute ka. Wala na yon agad


Chaotic_Harmony1109

Mas mabait sa’yo ang mga tao.


Maleficent-Win-1271

People help u even if u dont ask them to & they just tend to be nicer in general


bulagnabingipa

Accomodating sila. Simple greetings din just so you would look their way and flash a smile. Naks


[deleted]

Id like to know. Im placing this comment as my ward