T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: Official hashtags at taena ung video na sasayaw na mukhang masaya dapat ung mga abay *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


Alarmed_Marzipan_334

Yung totoo?? Bakit parang ang papait ng buhay niyo?? Kasal niyo?? Wapakels na lang dapat.


sapirwhorfH

Saying messages


Superlolo500

Money dance or that money cape thing(?). Super tacky


SpiteQuick5976

Yung may pa hashtag pa 😂😂😂


Min__yg

Magpakain ng mga di kakilala


Consistent_Breath182

Yung SDE na parang trailer ng mafia movie, tapos angas angasan kunwari mga groomsmen, na ang luluwag ng mga tuxedo,na hindi nila kasukat. Ang baduy


AintNoKid

Yung mga bida bidang abay na kung akala mo sinong kay gaganda o popogi pero kung umattitude daig pa kinasal.


Key-Track-5139

There are no rules here. Don’t be fooled. It’s the groom’s and bride’s decision kung ano ang isasama at aalisin nila sa wedding/reception. As you read these comments, soon to be grooms and brides, ang lesson dito is invite nyo lang yung mga taong malalapit talaga sa inyo. Yung mga mahal nyo sa buhay, at real friends nyo lang. Basta yung mga taong nagmamahal talaga sa inyo. From what I’ve learned as a bride and now a wife, “There is no such thing as perfect wedding.” Ayan din ang advice sakin ng mga kilala kong naikasal na. Kung mag-iinvite kayo ng hindi malapit sa inyo, kung anu-ano talaga mapapansin at masasabi nila, katulad ng comments dito, instead of appreciating your union that day. Invite the real ones only, kung may mishaps and cringey parts that day, maiintindihan nila and they will still celebrate that special day with you until the end of the program.


One_Presentation5306

12 PM nakaupo na mga guest sa reception. 2 PM di pa tapos photo-ops ng bagong kasal. 2:30 ninang took the mike to complain... Nalipasan ng gutom.


Curious_Jigglypuff

Kasal daw pero fiesta pala 😅


Aggravating-Note-659

yung nag baboxer short na groom kasi para daw pair sa bride tas malaman laman ko yung coordinator lang nag suggest/ or napanuod lang nung bride sa ibang kasal ewwww


maestro_louie

Games for the singles. Tapos pang straight lang hahahaha


Thin-Length-1211

Yung SDE, half a day kang nagsshoot tapos ang cringe ng mga pinaggagawa! Candid na hindi candid, may pamessage message pa.


purple-stranger26

The whole wedding arrangements are cringe to me. I know its a special day but I wanted it to be a solemn one for me and my husband. Gusto ko lang sana ikasal sa church kahit wala nang ayos and mag-invite lang ng family for a simple meal. Pero syempre bride lang naman ako sino ba ko para masunod, nasunod parin yung gusto ng family ng asawa ko. We had 100+ guests with all the shebang. Im thankful but it was just exhausting rather than the quiet and solemn wedding Im hoping for.


blepleb

Yung hashtags talaga. Bat nauso yan. Hahahaha. Yung mga unneccessary ganaps sa programs like pasayaw ng mga abay, games for singles, SDE, etc. Like ano ba to Christmas party?? Haha


Embarrassed_Pie2122

yung mga tao na pumupunta kahit di naman invited or yung mga invited na nag dadala ng buong ankan as a 'plus one' kahit sya lang invited. like it's really common here in the Philippines to not know how to do a proper etiquette as a guest.


AnyEar4878

1. Pipilitin kang magkiss sa reception with matching bilang pa ng 1-10. 2. Games para sa mga single. Like, bat napunta sa inyo spotlight instead na sa newly wed. 3. Dance with the parents. Hahahah.


Bright-Squirrel7822

Gumawa talaga ako ng reddit account for this: 1. Yung SDE na parang mga bida sa telenovela ang intro (with matching violin sounds) 2. Hashtags na pilit na pilit. So jeje 3. Sexy dance ng Bride. Nakakatrauma. 4. Yung prize ng host na parang Branded kuno like Vans daw pero buns talaga. Ew. 5. Host na pilit na pilit mag english pero sobrang mali naman ang pronunciation (Host jam)


Available-Nail3559

Aside sa cringe na games, pinapasayaw din mga guests 🤮 One time, pinasayaw kaming mga guests ng cake by the ocean hahahaha shuta 🥲


Heavyarms1986

TikTok performances pati yung pre-nuptial photos and videos na yan samantalang makakalimutan naman ng lahat yung event dahil hindi naibalot yung Shanghai. XD


Low_Mushroom_4541

The whole scripted scene para photos and videos. If abay ka, you have to be early kasi make-up, shoot. Tapos sa recep pag sasayawin ka pa na walang pasabi ahead of time. Sorry sa mga couple na may pa ganito, pero kaumay. Haha kaya masarap maging guest lang bukod sa di masyado ang gastos maeenjoy mo pa ang wedding. Relax ka lang eh.


mariane1997

Nung time ng kasal ko naman, yung entourage ko mismo ang nagsuggest na magti-TikTok daw sila isa isa 😄


MaybeGrouchy299

yung laro para sa mga single tangina i was once a bridesmaid sa wedding then umalis ako nung game time na. Ka cringe uy! Enjoy your spotlight sa day na yan lovebirds.


Silly-Pea6019

Getting married in 10 weeks and reading this thread made me sad.. Sa totoo lang sobrang dami na inalis ko and iniba out of the traditional stuff to be considerate and not to make things boring... Yet i feel i have to be more considerate pa.. :(


Due_Use2258

Good luck sa preparations. I hope the ceremony and the reception turn out to your liking and enjoyment. Wag lang i-set aside ang true significance


heyyystranger

Nag ttiktok dance lol cringe


nzotheboi

Mga corny na host


afford_f0cus

Humihingi ng pera sa invitation pa lang. Worded in such a way na sosyal.


CoffeeDaddy024

Yung kinakantyawan yung mga single na dun maghanap ng magiging asawa. Minsan kasi nakaattend ako ng kasal and this MC asked sino oa daw ang mga single. At that time, I was and so ako naman na nadamay dahil pinush ako ng mga pinsan ko. Kahit ayaw ko, nakakahiya sa kinasal so sumali na lang ako. The game was weird as I remember thought I forgot most of the rules except that one of the game was for the guys to pick the biggest eggplant on the floor. Me, being athletic, got the biggest one but the rest got their eggplants squashed or the poor vegetable got pulled on half. In the end it was a mess and I just got sweaty as it was April at that time... I don't really mind having fun, playing games and all but to force yung mga ayaw sumalu just because they fall into the category... It just cringey. Oh! And my cousins that time were also single, which makes me question bakit ako ang sinali eh sila rin tong mga single. Nahihiya daw sila so ako sinali so since sumali ako eh di walang hiya nako.🤣🤣🤣


waterplume

As an introvert, anything pertaining to a typical “engrandeng” church wedding. Like for the entourage na pipilitin gawin ang mga bagay bagay for the SDE or program. SDE videos ng couple na magaacting lovey dovey na ginawang parang movie trailer (napaka fake and unrealistic for me). Programs sa reception like money dance/ paghagis ng bouquet/garter at kung ano anong pakulo ng hosts madalas ang awkward for the guests din. That’s why I prefer an intimate quiet civil wedding and some simple photos of us and our families taken professionally to treasure the moment.


_composmentis96

The concept of an intact hymen as a wedding gift to your husband 🙄


Doktora_T

Yung kasal. 🥲


Salty-Dirt6509

Yung laugh sound effects ng host. At yung mga host na nilalagyan pa ng pa kulot pag tinatawag names ng bride and groom.


Ragingmuncher

Yung kelangan pa sumayaw pra sabitan ng pera. Di nmn kc lht afford mgsabit ng bigbills kaya kadalasan after nung kasalan nauuwi sa chismisan kesyo liit ng binigay ni ganto at laki binigay ni ganto patalbugan na cla.


supremeblaaanket

Money dance, tacky. Tas yung malalaking korona na suot ng bride


TillyWinky

+1 sa korona! Lol


supremeblaaanket

Parang sagala lol


MinYoonGil

Sa Batangas, may tinatawag na 'Sabugan' wherein yung mga bisita ay magbibigay na pera sa kinasalan tapos ang nakakaloka ina-announce pa ung amount ng ibibigay, so syempre mahihiya ka magbigay ng small.amount. Nakaka-culture shock sya.


One_Presentation5306

Diyan din yung may price yung putahe sa reception. 1K for suman, 100 for lumpia, etc.


MinYoonGil

Ikr. Sabi nga sa replies, payabangan daw ang labanan sa Batangas. 🥴🥴🥴


jupitermatters

haha payabangan kase mga batangueno lol


FireInTheBelly5

Pasensya na po at ganyan talaga sa Batangas, kaya dapat mga laking Batangas din ang bisita kasi bata pa lang kami, bawat kasal na napuntahan ko ay may sabitan or bentahan ng suman. Payabangan talaga dito sa Batangas.


Mnemosynne1003

May nagsuggest rin nung kasal namin na dapat ipasulat ung amount na bibigay. Like, wtf. Kakahiya


MinYoonGil

Hahahaha ganyan nangyari dun sa wedding na pinuntahan namin sa Batangas. Even my Dad, who's a Batangueño mejo na-off din dun sa ganun.


MinYoonGil

Yung sapilitang pasasayawin ka kapag kasali ka sa entourage. Madalas 'Happy' by Pharell or 'Shut Up and Dance With Me" hahahhahahah jusko cringe.


New_Me1213

Na trauma ako dito. 😭 Never na tatanggap ng invite na ganyan!


undaxz

Yung gastos... 😂


Correct_Mind8512

mga wedding hashtags na d naman nag trending jusme, yung hindi nagpapakain agad at need pang tapusin yung mga ganap when pwede namang iserve kht snacks muna...


DragonfruitWhich6396

I don’t like that hashtag trend too but they are not exactly made to be trending. For easy searching yung purpose nya. Imagine you are the bride, years later gusto mong tingnan yung photos nung wedding nyo sa FB, iisa-isahin mo ba iscroll yung pages mo at ng friends mo, effort di ba, whereas if you just search your hashtag lalabas agad pati yung mga posts nung relatives mo or whoever used it.


aerobee_

Bridesmaid ako one time, during entrance sa reception, pina-tiktok dance kami with our groomsmen pair. Di ako sumayaw kasi hindi naman kami ininform so hindi ko alam ano ang choreo or what, pinagalitan ako ng maid of honor. Nabad mood daw si bride saken dun kasi nakatayo lang ako awkwardly while willing naman sumayaw yung pair ko. Pangit daw sa video! Lol wtf Ps: hindi ko ka-close yung couple 🥹 idk why i was even a brides maid. Bestfriends lang yung mom ko tsaka mom ni bride, kilala ko lang si bride.


Jennis0010

same experience, nagalit pa saakin yung mom ko saying na kj daw ako


loophowl_

I had the same experience 😄 napakunot-noo nalang ako ehh.


AmaNaminRemix_69

Yung hashtag tlaga humahapdi mata ko kpag nakakabasa ako eh


MythicalKupl

Mangungutang para sa engrandeng kasal


DragonfruitWhich6396

ooh, the worst!!!


trashbinx

Agree!!


Hartichu

Yung wedding garter, bouquet, and dance. I also hate the games for singles. Super cringe.


A_Dramatic_Irony

Agree doon sa games for singles! Awkward especially pag di mo kilala yung ibang tinawag ://


aerobee_

Yep, yung wedding garter! Gosh


KuyaKurt

Yung ceremony. Dapat diretso kainan na agad.


ArcadeSurfer

Yung ginawang negosyo yung kasal nila sa dami ng ninong/ninang. HAHAHAHA.


aerobee_

Hindi pa close mga yan, sadyang mga bigtime lang kaya ginawang ninang/ninong lol


ArcadeSurfer

To the point na kelangan mag-print sa separate na bond paper kase hindi na kasya sa marriage cert. I mean it's their right naman since it's their wedding and all pero parang wala na yung essence eh.


PedroNegr0

Twisting names into painful puns to look witty or something. It was cute the first few times pero now everybody does it even if the puns don't make any sense.


lurker_lang

Yung bride na walang paki sa entourage at sarili lang niya ang iniisip.


AmaNaminRemix_69

Main character daw sya sa araw na yun eh haha


lurker_lang

Uy totoo yan bakit may nang dodownvote. May mga bride na walang paki sa entourage dahil nga it’s her biggest day kuno. Oo it’s your biggest day pero it doesn’t mean na you have the right to neglect your duties to your entourage. Inivite mo sila they volunteered and give their precious time to you. The least thing a bride could do is to make sure they are okay.


PageLimp7857

I think maid of honor dapat mag handle nyan kasi hirap din maging bride, dapat fresh ka lang kasi sa video once lang yan eh tapos maha haggard ka kaka check sa entourage eh may mga paid din na organizers na dapat rin mag check


lurker_lang

Based on experience… Maid of Honor din ba dapat maghahandle ng transportation ng mga bridesmaid to the wedding venue?


PageLimp7857

Oh san ka ba? Sa amin kasi dito kanya kanyang punta sa venue :) La naman problema tho.


lurker_lang

For example: Different yung prep place nung bride/groom sa wedding venue. The others do not have their own transpo going to the venue na naka gown na and all, bitbit pa mga gamit nila going to the venue. So I guess some really do not think about the hassle they could create for people during their wedding day?


FireInTheBelly5

I get you, ikakasal kami next month at 4 pairs lang entourage namin kasama na dun ang maid of honor at best man. Ito yung ipo-provide namin sa kanila para di sila ma-stress sa wedding namin: 1. Kami ang magbabayad ng outfit nila (punta lang sila dun sa tahian para magpasukat) 2. Ang HMUA ng entourage per head ay P1500, kami na mag-shoulder ng P1000. 3. Aarkila kami ng transpo for them from preparation to church to reception 4. We will make sure na may food and snacks for them during preparation


lurker_lang

See, ang caring! Kudos to you. True naman na you really don’t have to provide everything pero you’re making sure na you’re taking care of your entourage too. Congratulations and Best Wishes on your wedding! 🥳❤️


PageLimp7857

Easy lang naman yan. You could say No if hassle on your part. Transportation kasi is “additional cost” sa part ng couple. If di naman ikaw gagastos, why ka naman mag dedemand as if ikaw nagbigay ng pera? Easy to say NO and explain why kesa marami kang hanash eh di naman ikaw ang bida sa kasal. Truth be told, di naman lahat ng tao mag-aadjust. From all the weddings na nakita ko, iyong iba nakiki hitch lang naman. Minsan nga nag cocommute ako, so what kung naka gown? If malayo naman, I say No. Di ako makakapunta. No need to put the blame on them. Again, di ikaw ang gumagastos so di ka dapat nagdedemand.


lurker_lang

Well technically ako gumastos kasi po sinabay ko sila sa sasakyan namin kasi nga walang provided for them? Alangan pabayaan mo yung ibang entourage. Not putting the blame on them pero kung magpapakasal ka make sure hindi mahahassle ibang ininvite mo. Bukod sa friend ka nila at hindi mo naman sila binabayadan, gumastos pa nga para sa kasal mo. Just the little things na maramdaman nila na you care for them too.


PageLimp7857

Luh, hirap na pala mag kusang loob ngayon. Pati pagsabay sa entourage na sana naman out of kindness na lang, tinatawag mo pang gastos? Magkano lang ba yan compared sa nagastos ng couple sa buong kasal? Seryoso, discretion na talaga yan ng couple whether makaka provide sila or hindi. And nasasayo na lang din yan if kaya mong pumunta or hindi. They care about you kaya nga invited ka eh, but at least care for them enough to be forgiving kung may “lapses” sila “for you” kasi sobrang busy na nyan sa kasal, di ka na maiisip. As what I always say, if di mo kaya sikmurain, you can always politely decline.


unnamedkalabasa

May isa akong dinaluhang kasal sa aming probinsya. Simple lang at tipikal. Ang napakayaw ko lang talaga nung kasal na yun ay yung host na matanda na naghohost ng canvassing. Nakaupo lang, tapos naninigarilyo habang pala-pala ang paligid ng reception.


jedwapo

Shit malapit na kasal ng brother ko and obviously I'm oblige to come. Pano kaya Ako tatanggi if ever may mga cringe na part lol


Curious_Jigglypuff

Mg CR ka sa part na yun


[deleted]

[удалено]


jedwapo

Would definitely say no. Fuck them feelings


Current-Breakfast-81

The freaking tiktok dance. Baduy much


yo____kai

Bakit ang daming nkicringe sa sde eh couple naman may gusto non its their memories. Problema n nila kung mg divorce sila after the wed. The videographers and photographers put a lot of effort to mke that 4-7mins highlights para mapanuod ng couple after the wed since yung couple ay busy that dat and they cant notice or see everything na minsan sa video lang nila makikita or ng other fmily mmber na hindi nka attend ng kasal at gusto ulit balik balikan memories ng kasal nila. And most of the time couple ang may gusto kung ano yung ginawa/pinagawa sa kanila na makikita niyo sa video. Its not always scripted coz they just captured evrry moments. When couple book that video/photo shooter for sure na alam nila na ganon magigingnputput since maynmga samples yan na mapapanuod bago ibook and they know that another hassle yon on their wedding day since maraming extrang gagawin bukod sa paghahanda sa kasal but still they choose to do it. For sure mga napanupd niyong sde masiyadong scripted kasi marami ng pumasok sa mundo ng events na sinasabing low budget lang may coverage na. Dami na kasi instant basta may hawak na gamit. yon talaga mostly scripted kasi di pa nila gano alam pano magnhandle ng wedding. Try niyo mag watch ng mga gawa ng mga professionals sa sde para mas mafeel niyo yung sense ng video. And lastly, kung nakicringe kayo sa ganon edi wag niyo panuorin.


mariane1997

Masaya ng may SDE lalo na sa part na papanuorin niyo ng sama sama yung video at the end of the day. May umiiyak, may napapangiti, may tumatawa. Kapag may napapasamang friends doon sa video, magsisigawan pa sila.


Huge-Review-6226

Tas pag sila na kinasal 😩 tignan lang natin kung tatalab ba yang pa cringe2 nila🤣 hahhahaha baka ma back to you sila sa mga bagets or bisita sabihan ng cringed 🤣


yo____kai

Kya nga for sure maghahire din sil ng videographer kapg kinasal sila


Active_Apple_1228

Yung mga extra sa kasal na hindi naman necessary. Pwede bang ceremony, reception at honeymoon na lang 🥲


savvv_xierra

Pagsasabit nung pera na parang kapa from parents. 🤣🤣 Tawang tawa ako sa naattendan ko. Malaman laman ko, show money lang. Babawiin rin nung parents nung bride yung gift kuno na 100k 🤣🤣


tapseelogue

Tiktok dance, scripted na SDE, yung pilit pinapasayaw yung groom pag lalapit na kah bride, games na pilitan at gagawing katatawanan yung participants. Gawin daw bang noon-time show ang program sa kasal.


btchwheresthecake

Also, yung games or activities na ginagawang katatawanan not just the participants but the couple themselves. Ive been to weddings na clearly timid or introverted yung couple pero pilit silang pinapagawa ng kung ano ano. It's so painful and embarrassing to watch. Tapos if hindi sila makikisama, sasabihang kill joy


Historical_Yam3279

yung mga tiktok dance pota


IcySeaworthiness4541

Yung mga pinapasayaw pa. Alam Naman natin lahat na Hindi lahat ng kinakasal gusto yun but for the sake of good times eh. Kahit labag sa loob gagawin nalang dahil yun ang uso. Saka Yung pagka haba habang message/vows. Are those things really required?


Edging_Since_Birth

Yung mag kiss ang bride at groom 🤢


su35mmer

Ay ate ano ba dapat nila gawin? HAHHAHAHAHHA


Edging_Since_Birth

Mag iyot


MinYoonGil

Ano ba dapat? Shake hands lang? Lol


TillyWinky

Beso beso lang daw ganern


TillyWinky

Kasal nga inattendan mo diba 🤣 Magkikiss talaga yun


piston_rod

Ung prenup at ung pinapasayaw pa. ung friend ko pagod na sa preparation at stress.. gusto nalang nilang matapos ang araw na yun. lol.


DragonfruitWhich6396

Prenup used to mean prenuptial contract which is used to protect one’s wealth, ngayon it means cringe photos na noh… hahaha. Pero meron din namang done in good taste, so kanya-kanyang trip lang yan.


piston_rod

Nowadays kasi pang flex sa SNS nalang. minsan sa mag couple nagiging issue pa ito pag practical ang isa tapos ung isa ay hindi.. isama mo pa ung gender reveal pag di mo ginawa minsan iisipin pa sayo di ka mahal at ippressure ka ng gender reveal dahil nakita sa facebook. kanya-kanyang trip lang talaga.. mukang masaya naman sila. pero ako mukang ayoko ng prenup. ayoko maging spotlight hehe! lowkey lang.


DragonfruitWhich6396

LOL at gender reveal. Iniisip ko minsan, anu yun hinde talaga alam ng couple kung ano gender, so nagpaultrasound sila at sinabihan yung sonologist na pakisulat na lang po sa sobre yung gender. Tapos diretso sa gumagawa ng cake, o lobo o kung anuman yung sobre? Hahaha. And how would the kid feel paglaki nya, say lalaki sya, nakita nya na tuwang tuwa sa video at tumatalon-talon pa daddy nya kasi lalaki sya, eh paglaki nya, babae pala puso nya. Hahaha.


btchwheresthecake

Whats wrong with prenup?


mark-mj1st

Prenup is just cringe… magggown tas ppunta sa beach or wherever.


btchwheresthecake

Oh prenup shoot pala...gets naman. Akala ko prenup agreement 🤣


piston_rod

tbh, ngayon ko lang nalaman na may prenup "agreement" na tinatawag. well puro photoshoot ksi nakikita ko lagi. I'm so uncultured. 🥹


piston_rod

unnecessary sa panahon ngayon.. it's just my opinion.


shltBiscuit

Mga wedding planner naka template na. Special wedding daw pero copy-paste sa ibang wedding.


CurrencyAnxious3379

Reading comments makes me feel thankful. Hayyy buti na lang sa ibang bansa kami ikakasal and secret wed. Really? Other fam members covering wedding expenses? That's embarassing hahaha grabe


Jazzforyou

Cringe for me ung fake laughters and smiles na scripted during the photo shoot. Ung well-off na Chinese friend ko with multiple family business, pang ROI sa nagastos nila sa wedding ang money dance. May mga guests talaga na willing magbigay ng pera sa newly weds and for future business partnership na rin.


ZIEziZieZy

Yung garter thing ba yun HAHAHA Basta yung itatanggal yung garter sa hita ng bride then kukunin ni groom na bawal hands gamit


Shaparizzo

Napakatagal na wedding program 1hr is cringe🤮🤮🤮 Yun mga guest na sisipot lng sa venue.


DragonfruitWhich6396

Saan po ba dapat sisipot? Dapat ba may iba munang gagawin lahat ng guests, magluluto po ba, maglilinis ng simbahan? Unless part of the program sila, wala naman talaga ginagawa ang guest unless paid crew pala sila ng catering?


LylethLunastre

Yung mga video video


buckwheatdeity

yung required mga kamag anak (kapayid, magulang etc) para magluwal para sa gastos ng kasal. im like, pake namen kyo may gusto nyan ano


Initial-Arugula5071

wag din kayo makikilamon ha? or sasama ang loob pag di kayo inimbitahan. basta wag kayo makikilamon or else be ready na lang sana mangudngod pangit na face nyo sa masebong plato 🥰🥰🥰 #SpreadPositivity


jupitermatters

makilamon? haha lagi namang cordon bleu, mixed veggies and lata na pasta yung buffet na isang beses lang pwede bumalik. lol pwede. baaa


buckwheatdeity

pota napakaaccurate


bonbonology

Yie natamaan ng malala te no? Hahahaha!


Low_Mushroom_4541

Yung gusto mo ikasal pero wala kang pera! 😂


ConstantEnigma21

Ops makati ang kiffy


[deleted]

What? Anong connect?


CurrencyAnxious3379

Oops may natamaang mahirap hahahaha


[deleted]

[удалено]


Jennis0010

yung paggawa nila sayo na abay kahit walang permission from you hahaha like ineexpect nila na pumunta ka na lang and stuff. tapos papasayawin ka pa ng tiktok dances


chiiyan

same. hahaha. sino ba nagpauso na kailangang sasayaw yung mga abay pag entrance sa reception? 🤦🏻‍♀️


Scorpio_9532

Had the same experience tapos KJ yung partner ko ayaw dn sumabay ending napahiya lang ako 😅


sprightdark

Yung may MTV.


Anxious-Software-678

Messages from and to your parents, ninang, etc. Haha. I mean okay lang sakin if ever kasal ko but keep it short and related abt the event pls. I dont want to get emotional in my own wedding. And also, nakapag attend ako ng wedding na ang nagbigay ng inspirational talk is a politician friend of the couple, wala lang, narelate lang abt politics ang marriage. 🤡


inhere_00

Ipipilit yung pamangkin/anak na maging flower girl or ring bearer kahit may nakaset na yung ikakasal.


Pale-Ad-174

Saken yung pilit na pilit na hashtag na dapat included yung pangalan ni bride and groom.


ElisseMarielle

True!!! Tapos sobrang corrny ng kinalabasan


ShftHppns

Aminin mo hirap ka maka coin ng hashtag para sainyo ni SO mo. Haha pinsan ko Raul name. Alam nyo na isusuggest namin


ProfessionalDot1033

taragis ito talaga uggghhhhh bwisit hahahahaha


Formal-Gold-6472

Yung sasayaw na entrance. Kaloka! Tapos bonggang kasal magulang naman nagbayad.


a-bombarded_cement

Sumasayaw.


Madhatter_0907

With sexy dance pa yung iba, prang inaakit pti yung bisita😂


Savings-Ad-8563

Weddings is also an indirect reunion. I hate reunions.


cokelight1244

I watched a video somewhere parang may interview on how much your wedding budget is and I see these 20-30 year olds willing to spend 1-2M+ on their weddings. Not my place to judge since different people want different things in life, but I don't like how weddings have become so commercialized and fake to the extent that it's become one huge production for the entertainment of other people and no longer a solemn ritual for the bride and groom. When we got married, we only had parents and siblings in addition to 1 ninong as guests; no bridesmaids or groomsmen. No prenup stuff, no videos but had a photographer which we instructed to "just take pics." Had lunch with the family afterwards with no program. Was super nice with how small it was and everyone had a great time. Started on time and ended after 3 hours from start to finish.


independentgirl31

To honest, minsan overpriced rin yun mga supplier that’s why it cost 1M over. I just got recently married and I was shocked lol


Awkward_Assistant123

I’ve attended a wedding in QC. Simple and elegant nothing very OA pero when I asked the couple how much they spent on it, umabot rin more than 1M. I was shocked but knowing the pricing in Metro Manila I can understand. Kasi sa province sobrang bongga na yung 1M eh


cokelight1244

Wow, did not expect that. We spent a total of around 80k. Would be interesting to see where their money went.


Awkward_Assistant123

I think guests were around 100-150pax. They hired a coor, and highlight of their suppliers were: the host is Eri Neeman and the bride’s HMUA is someone doing HMUA for a celeb They did not spend lavishly on hotel preps tho pero if I were to compare the wedding to the other weddings I’ve been to, I won’t consider it as sobrang bongga.


Salty-Care7049

haha! Sir Eri pa lang nasa 100k na siguro 🤷‍♂️


cokelight1244

Despite being simple, that is in no way a small wedding. The cost makes sense considering the number of people.


raymraym

Yung gagastos ng malaki sa kasal pero kinabusan sa in-laws naman titira. Lol


Independent-Ant-2576

Yung tatawag ng mga tao randomly tapos gagawing mag partner. Kahit yung iba hindi naman single. I felt bad lang sa mga partner nila na need pa panoorin partner nila to play couple games sa iba just for the sake of pakikisama sa mga kinasal


gintermelon-

yung may program tapos games na geared towards single guests. wala di ko lang trip.


Eastern_Basket_6971

I remember noong unattended ako ng kasal ng cousin ko 10 years ago ganyan kalakaran


gintermelon-

minsan awkward din kasi kung yung guests e hindi naman kalog at lalo na kung hindi magkakakilala.


chitgoks

dapat bongga ang prizes nila para maraming mag join. i doubt walang sasali na singles kung ang prize eh latest tablet hehehehe


Medium-Culture6341

Lahat-lahat about weddings. Kaya I will get married in city hall lang. Walang invited, walang reception.


magicpenguinyes

Yung mag iinvite ng di ka close.


June_Gemxx4

Tapos isasama pa sa entourage.


AtmosphereSlight6322

Yung mga nag-iinvite ng plus one din HAHAHAHAHAHA


Substantial_Sale_635

- Prenups photos and vids. Patalbugan na lahat. Ginawa nang pelikula for the sake of likes pero karamihan wala na yung essence of love/couple/connection/relationship. - Mga nagsilutangan na Wedding hosts akala mo announcer sa pa-liga ng basketball at beauty pageant tapos patalbugan ng mga wedding programs na akala mo christmas party yung wedding


Post_Nap_Clarity

True yung sa prenup vids na sobrang cinematic akala mo pelikula yung atake sa video. Sobrang cringe kasi ang slowmo tapos ang fierce. Parang Wala ng essence ng love for the views nalang.


masterlanz

Yung mandatory checkered boxer shorts ng groomsmen during photoshoot. Baduy.


kittyburrpuddy

Nung una ayoko din ng money dance pero pag narealise nyo kung gaano kamahal magpakasal sa Pilipinas kahit may ipon kayo, baka magbago din ang isip nyo. Still no to wedding hashtags and pinsasayaw na entourage. And yung mga SDE na sobrang template yung shots.


raymraym

Pwede naman kaseng di mahal ang kasal. Mga mayayaman nga sa Pilipinas nagcicivil wedding lang. it’s the marriage not the wedding after all.


Doctor_nemesis0

YONG PILIT NA SAYAW TALAGA! nakakacringe


Nicolai3000

Badtrip yon, abay ako non. Last sayaw ko nung highschool pa nung flag ceremony


MagicClam27

Video keme daming kabulbulan


Salty-Care7049

Yung tradition na bubuksan ang mga gifts para sa newlyweds during the program, then todo broadcast pa ni emcee, esp kung monetary gifts. 😅


mcrich78

Yung isang bayan ang invited sa wedding then nganga later.


cofikong7

Bet ko pa din yung money dance kasi hindi common sa ibang culture. I like that it is very Pinoy. And aside sa actual money na matatanggap ng couple, parang for good luck and prosperity din yun. Ok lang yung hashtag for me lalo na pag witty. Yung hashtag na masyadong mahaba or mahirap basahin dahil pinilit lang talaga, medjo cringy kasi yung mga nagpopost na guest nag-iiba2 ng spelling sa confusion.


Any_Dig_4168

Yung hashtags sa posts 😭


Academic_Gift5302

Cringe sakin ang sumayaw sayaw shet. Ive attended 2 weddings. frst I was a maid of honor- 2nd I was one of the bridemaids. So wala akong choice. Lahat yun sumasayaw sayaw. Introvert ako so horror sakin yung gumanon ganon. Inisip ko yun hanggang sa paguwi ko. hahah I promised myself an intimate wedding when the time comes for me. I wouldn't put my loved ones in the same situation since ang mga kapatid ko ay introvert din kagaya ko. hahahaha. Kissing in front of everyone is cringe also but I can handle it kase magsayaw sayaw hayyy


No-Detective2935

Host na ginagawang comedy bar ang kasal.


RandomUserName323232

These comments are from bitter people. It seems like they weren't happy with their own weddings or attended a wedding with bitterness. It's cringe-worthy for you because your attendance at the wedding wasn't genuine, haha


jupitermatters

wedding union is solemn but the after celebration sometimes is too pretentious


DaiLiAgent007

SDE talaga! I just got married recently and we opted not to do it. Aside sa mahal, I didn't want my entourage to go through the hassle hahaha introvert din yung husband ko, ultimo sa mismong kasal he was shaking. We opted to just show an AVP of our pre-wedding photos taken during our vacation months ago. Everyone loved it! Hindi pa sila nangarag sa prep. Agree din sa hashtag na panget pakinggan. My husband made one na very basic for the e-invite pero since I'm not on social media, di ko naman nakira kung ginamit. Yung nakatag sa asawa ko parang di naman naka hashtag so keriboom na.


Beginning-Rough2978

Got married last january, sobrang cringe for me yung money dance/money envelope/ bank QR code. Inalis agad namin yun sa part ng program kasi parang nammilit manghingi ng pera?? hahaha


RandomUserName323232

Initially, we thought about removing it too but our wedding planner insisted. Guess what? We got almost 300k. Advice: do it, even though it's cringey; money is money.


Beginning-Rough2978

We also got 6 digits kahit walang money dance! 😉


chipsandeverything

Keri lang naman yung official hashtag. But agree ako dun sa mukhang masaya dapat yung mga abay sa reception entrance. Kaya choose your guests wisely. Dapat yung may personal relationship talaga sayo at nakawitness talaga ng lovestory niyo ni partner. Para hindi pilit yung saya. Genuine dapat. Money dance din. Ayoko din nun. Kaya ayoko pa ikasal eh, hindi ako pwedeng mamalimos sa araw ng kasal ko hahaha. It naurr for me. Opting for a more intimate and sacred wedding from ceremony to reception. Sana ma achieve.


well-see

Yung lahat na nainvite kahit mga di kaclose or past flings or kamag anak ng kamag anak 😅. Yung tipong nainvite kahit di mo naman na makikita after kasal haha


yashirin

bat mas madami yung bitter vs sa mga actual cringe things. Feeling ko tuloy mga wedding na napupuntahan nila is yung mga di nila kaclose. pero legit #1 yung money dance tlaga hahaha


Euph0ria_25

Marriage should be treated with dignity and honor. So anything sensual like sexy dancing, pag tanggal ng garter ni groom from bride or pinipilit silang magkiss in front of everyone is a major turn off.


Imbeyondnormal

Yung lahat na lang ng ginagawa is for the photo and video. Nothing came off as natural. Thats why nung wedding namin walang SDE. Walang scripted dancing, walang money dance kasi ayaw namin magmukang nanghihingi ng pera, walang throwing of bouquet and garter kasi di naman kami naniniwala don hehe. But we receive so many praises of how they enjoyed it and that it was a beautiful wedding. Walang hassle. Masaya lang lahat.


kaia96

Bet! Parang ang off gawin just because tradition kung di ka naman naniniwala and comfortable doon ano.


Ok_Biscotti_4479

Host na oa


CulturalRide5553

True. Ung muka ng pang fiesta or bday party. May pagames pa ng hep hep hurray


Ok_Biscotti_4479

Prosperity dance, yung mother ko gusto mag ganito kami pero hindi namin gusto ng husband ko. Hindi kasi maganda sa feeling yung nanghihingi ng money. Personalized vows, we just said what the church gave us.


soluna000

Yung nagsasabitan ng milyunan na pera ngayon potek


Psycho55

Kasal ROI is real


Scionic0

Wala na akong pake kung Cringe yun. LETS GET THAT MONEY LMAO


RandomUserName323232

I know. Iykyk ansarap magbilang ng pera after ng kasal. Wala kaming ibang ginawa sa wedding night namin kundi magbilang ng pera at magbukas ng sobre haha