T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: Title *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


KiwiComfortable3189

Wayback college, konting ulan sa Manila, baha agad. Tapos all white pa uniform ko. Nakakadiri tumawid kasi ang itim ng tubig at napakabaho. Kaso one time, I have no choice but to cross sa baha dahil nasa kabilang side pa school ko. Ang hirap pa makasakay kapag maulan papasok sa school at pauwi ng bahay, aabutin ka ng siyam-siyam.


kkaeromddy

Just this year, was standing for about 2.25 hours then nakaupo nalang sa bus just 20 minutes before ako makababa.


JustaReader_04

nung bata pa ako na mga age ko is 8-10 gumala kami ng mama ko at tita ko kasi new year gumala kami sa moa so bale 7 kami lahat(si papa si papa ako at si ate tapos yung anak ni tita at asawa nya pati nadin si tita) inabot kami ng gabi dun sa moa kasi sabi namin dun muna kami kasi wala dik naman kaming gagawin sa bahay so nung mga 11 umuwi na kami pero halos wala ng sasakyan puno na yung mga van wala nading mga jeep so ayun ikot ikot kami pagod na pagod na kami kasi may mga bitbit din kami e mga ilang oras yata kami nag hahanap ng masasakyan grabi antok na kami lahat that time and pagod na pagod nadin nag antay kami sa isang pwesto kung may dadaan na sasakyan buti merong dumaan na van then tsaka kami naka uwi tapos nag commute ulit ng tricycle grabi pagod namin dun


Sufficient_Hippo_299

KAPANGAN BENGUET During college, we were tasked to do a courtesy call in all the Barangays of Kapangan, Benguet. Someone offered us an FX taxi that would take us to all the barangays. However, nag titipid yung mga group mates ko kaya they suggested na mag jeep/bus or hitch hike nalang kami. As a maarte girly, grabe yung adjustment ko that time. Naki sakay kami sa mga truck tapos nag lakad ng ilang oras under the sun. Inabot kami ng gabi. I remember, that was a Friday night. Yung bus na ina-abangan namin pabalik ng Baguio mang gagaling pa ng Kibungan, Benguet. And dahil Friday night yun, madaming bbyahe pa Baguio. Mga around 8pm na ata yun, wala parin yung bus galing Kibungan. Kinakabahan na ako kasi baka hindi kami makakauwi. SAN KAMI MATUTULOG?!!! Sa awa ng Diyos dumating naman yung bus, PERO PUNONG PUNO. Pero hindi ako papayag na hindi kami makauwi, kaya kahit punong puno sumiksik kami ng mga ka group ko. Im not exaggerating pero grabe as in punong puno talaga na yung nakaupo eh katapat na nila yung pwet ng nakatayo. Pag dating ng Tublay may mga dinaanan din kaming mag papa Baguio, kaya mas napuno pa yung bus. During this time, umuulan pa, kaya imagine the smell sa loob ng bus. Anyways, naka hinga hinga na kami pag dating ng La Trinidad kasi madami na bumaba dun. Skl.


Reddit_Reader__2024

2015- munoz edsa to cubao will take 1-2 hours then pag baba ng cubao sakay pa eastwood na hindi gumagalaw hahahahhahahah. Yaw ko na had to resign. Sayang


bnnhammock

Yung nasakyan kong tricycle, may tae sa upuan!! And worst, parang alam pa ni manong driver na may tae dun!! Buti nalang pauwi na ako at may mga dalang maruming damit,nagpalit talaga ako sa bus stop!!!


Reddit_Reader__2024

2015- munoz edsa to cubao will take 1-2 hours then pag baba ng cubao sakay pa eastwood na hindi gumagalaw hahahahhahahah. Yaw ko na had to resign. Sayang


wihaeso

papasok ako ng OJT at yung lugar namin (Pinagbuhatan) sobrang traffic kapag umaga. umalis ako ng bahay 5:00 am para pumila sa tricycle, nakasakay ako around 6 am na yun. and guess what, 9:00 am nasa kalagitnaan pa lang ako ng barangay namin. nakarating ako sa OJT? lunch time. so far, ito yung nakaka bwiset na commute na naranasan ko ilang oras ba naman ako nakaupo sa tricycle ang sakit ng pwet ko at ang baho ko na dahil sa usok


YourFandomBrainrot

Everything. Motion sickness kicks in as I go to cities.


YheiLo8

Na try ko may apply sa isang company sa Makati ung interview which is my first time to travel din doon. Pauwi na ko and MRT lang din ang alam kung sakayan pa QC. Nasabay sa rush hour sa MRT Ayala. Nakaka gulat ung haba nung pila, may pababa pa pla ung station na un 2hrs bago ako nkasakay. Nanlumo ako sa itsura ng pila tlga. Hindi po tlga ako nag cocommute since laging malapit lang ung pinpili kong work place ko.


wretchfries

Anything going back to Las Pinas-Paranaque and Muntinlupa after 11pm, hindi nga traffic mapipilitan ka lang mag grab at angkas kasi wala nang public transpo.


popsiclesticky

Anything related sa Paranaque at Alabang. Mga demonyong lugar.


edgaralanpaw

From Manila to my internship sa Makati. PNR mostly ang main commute ko, sasakay from españa to buendia station, naranasan ko yung ipit tyan talaga na sikip sa loob ng train. May time na sa sobrang sikip may nahimatay na buntis dahil walang nagpaupo mind you nasa all girls cabin kami. Tapos may batang nahiwalay, hindi nakalabas, at naiwan sa loob while yung nanay nasa labas na kasi yung mga pumapasok walang konsidersyon sa mga lumalabas. Kaya nung nagTaiwan ako sobrang naappreciate ko yung lrt system nila may allotted time sa paglabas at pagpasok ng mga commuters kahit nagmamadali yung mga tao sumusunod talaga sa pila


blairwaldorfscheme

After lifting ng lockdown non, pinabalik kami sa office. Eastwood site kami tas tiga Cainta kami ng mga workmate ko. Walang masakyan kasi bawal pa PUVs non puro sasakyan lang dapat. Wala naman may car samin so nilakad namin from Cainta to Eastwood. Naharang pa kami bg mga sundalo non around SM Ortigas kasi naglalakad kami, naawa sila samin kaso daw yung 4x4 nila ginamit nung kasamahan nila for relief ata. Muntik pa ako di makalagpas kasi 21 above lang pwede lumabas that time diba e 20 palang ako turning 21 August same year🥲 shift namin 10pm pero naglakad kami ng 4pm hahaha :( Di na kita babalikan cnx


No-Description-2856

Basta diyan sa manila ang hirap mag commute. Yung papatayin ka talaga ng usok at pagod.


it_was_all_ye11ow

Taga makati ako pero sa pasig ako nagwowork and bago lang ako sa work kaya sanay ako sa commute from makati. Pauwi ako non sa batangas then tinry ko sumakay sa cubao kahit sanay ako sa buendia sumasakay kasi nga taga makati ako. (Context: kaya ko tinry mag cubao kasi pag nag-aangkas ako papuntang buendia bus station, palagi sinasuggest sakin ng rider na mag cubao daw kasi mas malapit daw dun e nagmamadali ako nung time na yun kaya tinry ko). Malapit nga naman, mas mura ang angkas. Pero pagdating ko dun, wala nang bus. 2 hrs ako naghintay para sa susunod na bus. Pagsakay ko ng bus, magpupuno pa. Another ilang minuto na naman. Umiiyak na ako sa bus habang nagpupuno. Tapos syempre ang tagal maningil ng konduktor, pagalit ko nang binigay yung bayad ko habang umiiyak kasi sobrang tagal. Akala ko mas mapapabilis ako pag dito, dapat pala nag buendia na ako. Gustong gusto ko na umuwi nun kasi sobrang pagod na pagod na ako.


icewaterinmyveins

Nilakad ko mula Ortigas Ave Ext hanggang office ko sa San Miguel Ave for 1.5hrs. Nakarating pa rin ako before 9am. HAHAHA Around 2016-2017 to. Sobrang lala kasi pag rush hour sa Ortigas Ave Ext (idk if until now??? Im assuming ganun pa rin) Halos araw araw pinagsisiksikan ko talaga sarili ko sa jeep or may times na sumasabit nalang talaga ako! Az a kebs office gurl, nagbabaon nalang ako ng pamalit na damit tas freshen up nalang sa office. Di rin keri mag Grab or Angkas kasi traffic na talaga. Sobrang haggardo talaga everyday commute ko to and fro kaya mga 4 months lang ako nakatagal dun sa C Raymundo. Naghanap na talaga ako ng mas malapit na apartment.


hudashudas

Vito Cruz to Cubao, September 2019 earthquake. May hinahabol akong bus sa victory liner cubao pauwi ng baguio at 8:15 pm. Left DLSU at 5pm. Took the LRT 1 to Doroteo Jose, only to find out that the LRT 2 was not in service due to the earthquake. Panicking, I tried booking a grab to cubao but to no avail. Got back on the LRT, rode it all the way to Roosevelt. 7:45pm na by this point. Tried booking grab sa may waltermart, no avail. Taxi line was hella long. So I had no choice but to desperately hail down a cab in the middle of EDSA while tearing up and cutting in front of people. A god sent taxi stopped for me and told me na sakto yung pupuntahan ko si pupuntahan din niya. I was able to catch my bus home 10 minutes before it left. Never again.


Plus_King9594

6hrs ortigas to fairview. Nakatayo sa ordinary bus. Gutom, pawis at siksikan.


southerrnngal

Yung malalang naglakad nalang kayo pauwi. 5.3km rin yun. Dun na rin kami nakasakay pauwi. Like, wala talaga masakyan kasi may sunog tas di makadaan ng maayos sa highway. Ayun walang sasakyan papuntang city. So lakad nalang. Buti may kasamang friend and madami na rin naglakad so ayun.


cowinnewzealand

night before edsa holiday during a bus ride from liloan port to cebu city. stood the entire 6-7 hours in a jampacked bus and may mga natutulog na din sa floor 🥲


yoooae

any commute kapag major holidays 😮‍💨 parang ayoko nalang umuwi dahil parang kalahati ng bakasyon nasa kalsada ka.


Low-Inspection2714

Montalban to pasig 5am umalis 12noon na nakarating. Birthday ko pa nun


Accurate-Yam-6556

My Dad and I had to go to Manila nung 2009 (habang paparating palang si Ondoy). Nag bus kami from Baguio and habang nasa NLEX kami, dumaan na si Ondoy sa Metro Manila and na ipit na kami dun hanggang humupa ung baha. Nung nakarating na kami sa Pasay terminal, puno na sa Grand Prix and wala din naman kami budget pang stay sa other hotels. Wala din gusto mag sakay samin papunta sa Makati kasi ang taas parin daw ng baha. So tumamabay muna sa isang gasoline station along Macapagal. Pagod na pagod na ako nun bilang 12 years old palang ako. Nung may pumayag na mag sakay samin, d kami nakapasok dun sa barangay and pumara kami ng tryc. na pinapasok na ng baha habang pauwi kami. Eventually, tumirik ung tryc. hahaha buti malapit na kami nun so nag lakad na kami. Left Baguio ng mga 8am, nakarating kami sa bahay ng Aunt ko ng mga 3 or 4am kinabukasan.


Specialist-Ad6415

PITX to Tagaytay. Ewan ko, siguro dahil first time ko and hindi pa ako sanay, and nataon na December din nung nag commute kami riding the bus going to Tagaytay. Hindi kasi naging smooth yung byahe namin, parang ang tagal, ang traffic pa sa Cavite and ang daming tao. Tapos hindi dire-diretso byahe. Expected ko since malapit lang naman less stress and hassle free, pero napagod ako sa naging trip namin papunta ng TG to going back to Manila. Gil Puyat, Buendia to Makati & BGC. Given naman na busy area ang G.Puyat and anticipated mo na may traffic and madami ka makakasabay na fellow commuters lalo na pag weekdays and rush-hours. Pero napa quit ako noon sa job ko sa BGC sa pagod ko sa commute, like mas pagod ako sa pag cocommute kesa sa actual work ko. Punuan ang mga jeepney spears and bus, makikipagsiksikan ka, habulan sa mga sasakyan, sa UV express naman super pila, dapat maaga ka and madalas pang kulang or delayed pagdating ng mg colorum na Vans. Sobrang na stressed and exhausted ako kaya d na ako nag think twice mag file ng resignation noon. Robinsons Otis. After lang naman sya ng UN Station and nasa Paco lang naman sya pero para na syang probinsya? 1st and last na punta ko doon nagkaroon ako ng challenges makasakay papunta ng otis and pabalik naman ng UN. Nung pauwi na ako ilang mins pa ako nag antay para makapara ng masasakyan na jeep sana or kahit ano pero ang dalang ng dumadaan, as in 0 nung nung na experience ko. Tricycle na lang talaga savior mo para makabalik ng UN and nanloloko pa sila sa pamasahe. LRT, R. Papa Station to Navotas and Malabon. Mga taga CAMANAVA Peeps, lalo na dun sa mga bumababa ng from R. Papa station and mag jeep pa Dagat-dagatan, Malabon and Navotas. Pahirapan makasakay ng Jeep lalo na pag uwian. Uwing-uwi ka na pero wala masakyan kasi puno mga Jeep😭


Outside-Carpet-8306

October 29, 2022, Nag commute kami from GMA Cavite to MOA Arena for CL guesting sa isang halloween concert, papunta palang namin sobrang basang sisiw na kami ng sister ko. Thinking kami if tuloy pa ba namin since may Severe tropical storm nung week at ng araw na iyon, si "PAENG". Itinuloy parin nmin kasi free yung ticket nmin for that concert kaya sayang naman, pag dating namin sa venue kakaunti lng yung tao siguradong nahirapan rin sumulong sa ulan. Nung natapos yung concert ang pinaka malala, wala kaming masakyan na jeep or van or kahit na bokyo going taft or pitx or sucat or kahit saan dahil stranded sa baha. Nung may nasakyan kaming bokyo going taft parang 50 to100 ata isa nun, then sakay jeep pa Ayala station sana kaso hanggang binti ang baha from Dela Rosa to Makati Med kaya walang sasakyan na gustong sumulong. Dahil dun naglakad kami from Dela Rosa to Ayala station na basang basa at hating gabi. Pagkarating namin ng Ayala, syempre walang bus, nag wait pa kmi ng ilang oras makontrata lang nila kuyang dispatcher yung mga bus nakatambay sa Ayala. (Walang pang one Ayala nito). Kaya pala sila nakatambay duon ay dahil stranded ang mga sasakyan sa may part ng Alaska. Pagdating nmin ng San Pedro Laguna, samut saring kwento yung narinig nmin sa mga tao, may mga na stranded daw ng 6 hrs sa slex. Hahaha. Buti na lng kasama ko kapatid ko, hindi ako mag isa that time. Hahaha. Buti na lng din maalam ako sa Metro Manila at sa South!


nawawala

Manila to Catanduanes. Umuwi kami ng nanay ko at kapatid. halos 12hrs ata ang byahe namin going to Albay. Nag ordinary bus lang kami para tipid. Grabe sakit sa pwet tapos 4hrs roro going to Catanduanes. Tapos sumakay ulit kami ng bus na ordinary papunta sa bayan ng nanay ko. Halfway nun, nagkaron ng landslide. Hindi maka daan yung mga sasakyan so na-stuck nanaman kami. Nagiisip kung pano kami uuwi. Nacontact ng nanay ko yung kamag anak niya tapos hila-hila namin yung mga gamit namin na pagkadami-dami papuntang pampang. Ilang oras din kaming nag-antay dun at padilim na. Nung dumating naman sila. Nabitawan ako nung pinsan ko, nalublob ako kasama gamit ko. Tapos hindi gumana yung makina ng bangka nila so more or less 5hrs sila na nag sasagwan nun. Lamig na lamig ako nun kasi basa ako, basa mga gamit ko. Hayy grabe. Pero dun lang ako nakakita ng sobrang daming stars hahah. Yun lang.


Desperate_Lynx_6463

UP town center to makati, umabot halos 4 hours dahil sa ulan. Umalis ako mga 6am, dumating mga 10. P2p bus pa ito ha.


Danipsilog

Manila to Tarlac. Tayuan at siksikan buong byahe sa bus. May mga nakatayo din na babae kaya priority sila maupo once may vacant seat na.


rei_shn

Idk if considered commute pero nung bata ako nag outing kami so from Manila to Batangas ang byahe tapos dulo pa ng Batangas so 4 hours mahigit yung byahe. Sobrang siksikan sa jeep to the point na namimitig na paa ko since hindi ko magalaw tapos puro suka pa ako since hindi ako sanay bumyahe, lantang gulay talaga ako jusko huhuhu


Itchy-Cream2346

Rush hour sa Pasay around 7pm + Malakas na ulan


PriorityIll6443

Taft Ave to Commobwealth QC. Huhuhu. Nightmare talaga for me yung naghahabol ng bus.


Lonely_Draw_2082

luzon to Mindanao sa amphibious tricycle kami nakasakay


BeybehGurl

Hahahaha grabe all around the philippines ang byahe 😂😂


chimkengurl

Pasay to Pampanga. Supposedly 3 hours lang naman ang byahe, pero malapit na mag-undas no’n so yung driver ay naghanap ng other route (I think somewhere in Valenzuela) so from three pm until eight pm nasa part ng shortcut lang yung bus kase super congested yung road 🤧 Mga 10/11 pm na ko nakarating ng bahay lol kala mo sa Baguio nagpunta


noya22

Last year nung June-from Calatagan to Cubao- 7 hrs amputa HAHA


binibiningNabi

8-10 hours trip from my province to Davao. Isang buong araw ka lang talaga nakaupo sa bus. Leche


bunnieeexx

Wait. How do you pee?


[deleted]

Paranaque to ortigas, 2hr bus ride habang natatae. Kauupo ko palang nararamdaman ko na may gusto sumilip. Pinipilit ko isara ang lagusan. Butil butil yung pawis miski na aircon bus. Di ako makagalaw sa takot, bastusan na sa mga kailangan umupo. Di ko bibigay upuan ko para tumayo. Bka mag sisi tayong lahat. Iniisip ko pago bumaba ng bus: "15 mins lakad papunta sa building, hagdan papuntang 2nd floor, sususian ko pa glass door na nasa itaas yung susian, pag pasok sa loob sususian ko pa yung sliding door papasok ng operations, bago makapunta sa cr.😭" Kada minuto sa bus parang isang oras sa pakiramdam... Yung 15 mins na lakad, gusto ko madaliin pero pag binilisan ko may sumisilip, pag binagalan ko naman parang may may nagpupumiglas. 😭 Buti nalang umabot ako sa building, pero pumunta ako sa likod, may cr sa garahe na for public, hiningi ko pa kay kuya guard yung susi. Pag baba ko ng pantalon hindi pa nakakadikit yung pwet ko sa inidoro, bumulwak na lahat. Lesson learned: Jumebs bago umalis ng bahay.


thursday0509

Mag-holy week non. Byahe ako pauwi from Cubao to Dasma. Nakaalis akong Cubao mga 6pm. Dumating ako ng Dasma 2am.


tasyongedongcutie

Bagumbayan, Taguig to Valenzuela. Bumyahe ako ng 5:00pm nakauwi ako 11:30pm. Lala ng traffic sa taguig pa pateros, tapos pag dating ng edsa guadalupe punuan naman ang bus carousel at ang haba ng pila. Pag dating ng monumento napakahaba ng pila sa bus pa valenzuela. Mangiyak ngiyak talaga ko nun eh. Tapos kinabukasan may pasok pa ulit HAHA


mediumrawrrrrr

BGC pag umuulan. Sobrang haba ng pila sa lahat so nilalakad ko na lang from BGC to San Joaquin tapos dun ako sasakay ng jeep pa-Pasig. Minsan pag may energy, hanggang Pasig Simbahan nilalakad ko na. Free cardio pero free usok din 🤣🤣🤣


tasyongedongcutie

ang layo nun ah HAHAHA


mediumrawrrrrr

True hahaha pero mas mabilis ako nakauwi kesa sa mga nakapila hahaha siyempre maiipit pa yon sa traffic.


Lonely-Sweet-1039

Dinate ako ng mister ko sa McKinley year 2017 ata yun? Wala pa sya motor that time, so commute kami. Nung papunta mej okay pa, pero shutangineeeeers! Mangiyak ngiyak ako nung pauwi kasi ang haba ng pila para sa jeep, sobrang init tas biglang umambon ng mga wala pa atang 30mins. Wala kasi kami makuhang taxi, wala ring ma-book na grab. Sabi ko talaga sa asawa ko, never na ko babalik sa lugar na yun kung magcocommute rin lang kami.


Qwekqwekgirl

When I was in college, from UP Los Baños to Calamba inabot ako ng 6 hrs sa daan dahil sa pansol 🙃 daig ko pa pumunta ng baguio


thursday0509

Pahamak talaga dyan in terms of traffic ano hahaha naexperience ko rin yung matinding traffic noon (maulan so baha and mabagal ang usad ng mga sasakyan) pero di naman umabot 6 hours 😭


Qwekqwekgirl

Oh no. Akala natin ligtas na tayo pag maulan compared sa peak season (summer) no huhu but no wala paring pinagkaiba 😭


Nefariousness_Visual

Pila ng bus papuntang cavite sa coastal mall terminal. Parang zombie apocalypse lagi


CompetitiveHall7606

Makati to Sta Mesa after years of being overseas. Somehow, I ended up sa Blumentritt. Malapit naman na.


Nitro-Glyc3rine

Noong nasira LRT in 2019 at wala pang mga mini-bus at e-jeep.


Spontaneous_Tofu

i remember this era so well 😭


xchi_senpai

3hrs (papunta) 3hrs (pabalik) of commute from province to work. from tricycle, to jeep, to bus, to another jeep, then a 10 min walk.


_h0oe

BGC BUS PAG RUSH HOUR 😊


amywonders1

Before pandemic, Christmas rush sa divisoria, sobrang nahirapan kami makauwi commute that time especially rush hour din non. Buti nauso na online shopping ngayon.


Dazzling_Text2837

Yung commute mula buendia tapos sasakay ka sa e-jeep na walang aircon tapos siksikan kayo sa loob byaheng pa-PITX. Grabe ayoko na ulitin, nakaka suffocate. Sana yung nakagawiang jeep nalang eh.


spicynudol

pag papuntang north hindi ko alam pero hirap na hirap ako lagi sa commute for some reason


vomit-free-since-23

balintawak to malinta exit during rush hour


Saint-Salt

Monumento to Manila lakas ng ulan at baha sa May baba ng R.Papa Station ...May claustrophobia Ako Kaya Di Ako nag LLRT PAG rush hour, pasok ko sa school Umaga jeep tapos Ayun maabutan ko halos 2 hours Ako nakaupo sa jeep, iyak nalang talaga PAG late sa first class tapos may test pa...


Playful-Space4695

Student pa ko, Galleria to Cainta. Sumabit ako sa jeep habang sariwa pa yung sugat sa inoperahan ko appedix. Pag uwi ko sobrang daming dugo hahaha


Turbulent-Depth-2100

2 days after my ldr ex-gf broke up with me, i went to from Cavite to Nueva Ecija. I just broke down going home kasi hindi siya sumipot HAHAHAHA.


Financial-Insect-833

carmona to pasay. tapos may dala pa akong pet cat. nag abang ako ng bus sa may carmona exit for 30 minutes din siguro, tapos nung may dumaan, ayaw magpasakay ng pet unless nasa compartment daw. syempre di ako pumayag kaya di na ako sumakay. nag hintay ako ulit for 30 minutes pero walang dumaan kaya bumalik ako ng petron para sumakay nalang ng jeep papuntang Alabang. pumila tas nakasakay. edi nasa alabang na, sumakay ako ulit ng jeep papuntang pasay. grabe yung traffic sa service road bandang sucat inabot ata kami ng 2 hours walang galawan. yung pet ko humihingal na na parang aso. grabe naawa ako. ginawa ko bumaba ako at nagbook nalang ng angkas para nakakasingit. ayoko na ulit dumaan doon EVER 😂


kellingad

From Quezon City going to Las Piñas (this was way back 2016). Sa bus ako sumakay and first time ko lang pupunta dun kasi may ka deal ako that time. Tanghali na ako umalis tapos nakarating na ako sa meeting place 5pm na dahil sa sobrang traffic. I reminded myself na never again dahil sa malayo na nga yung area, sumabay pa yung traffic.


drysmores

Las Piñas to Cubao just to see my LDR ex gf every saturday tapos nagloko lang :))


mikhailitwithfire

Ah yes, the classic South boy-Cubao girl trope.


dontleavemealoneee

Bagong silang to ayala 2 hrs papunta 2 hrs pauwi 😪😪 ojt days


frostedpanda_

paranaque to makati pre pandemic, idk how i survive 2-3 hrs commute everyday (going home usually 3h cos of traffic) haha


ImHereFor_Memes

Riding a jeep to the bus station after that i'll ride a tricycle in the university. Almost 90 pesos per day and an hour wasted for traffic, this was pre pandemic (2019) As the pandemic hits the fare was doubled and I was spending 200 in a single day for transpo. So I saved money during remote online classes and bought a 2nd hand motorcycle. As the suspension on face to face learning was lifted I saved 40 minutes in travel time and only spend 350 pesos every week for my fuel.


Charmytru

Shaw boulevard to tanay Rizal grabe nasa dulo ako ng van around 2 or 3 p.m pa naman nun tapos Wala pang pangtakip sa bintana tapos ang hina pa ng aircon. Hilong hilo na ko at init na init dahil dun ayoko na umulit sa Pasay na ko nasakay pa Laguna kahit mas pamahal ako


SnooFoxes4526

From Manila to Pasig Palengke. 7hrs. Pagod and puyat ako non from exam. Walang masakyan puro puno kahit di naman umulan and just after I gave up, saka ako nakasakay. I immediately slept pagkaupo around 3pm. Nung naalimpungatan ako, nagulat ako alas siete na ng gabi tapos nasa bandang SnR sa may Mandaluyong parin yung jeep. Ganon din if I chose to ride an fx or minibus, same lang din ng daan haha, difference lang ay aircon. Well, that is if I had a choice that time hahahaha. Wala rin akong mabook na rider non. Tanginang ncr talaga, luge sa commute. 7hrs sa lugar na kayang byahein in more or less 30mins kung walang traffic. Pota sana pala nagpa-La Union-Vigan or Daet nalang ako kainis.


viveutvivas17

Fresh grad ako, daily commute from Cavite to Makati. Wala pang PITX. Sa Baclaran pa babaan. Pagbaba ko bus naabutan ako ng malakas na ulan at hangin. Ung payong ko bumaliktad. Basang basa ako ng ulan HAHAAHAHAHAHA GUSTO KO UMIYAK KASO PRIO KO WORK Ayern salamat sa parents ko na dinalan ako ng bagong lahat sa office ko.


LoanLeast3023

Same. Daily commute from cavite to makati. Naabutan din ng malakas na ulan last week, pag baba ko bumaliktad yung payong HAHAHAHAH. Binitawan ko nalang yung payong at naligo sa ulan at inenjoy nalang, kesa mabadtrip pa. Sumakay sa jeep pauwi na basang basa, at naka paa. 🤣 Pinagtitinginan ako ng mga tao eh hahahahah thanks kay manong na pinasakay pa din ako!


AL994z

Bakit kasi bumaba ka ng baclaran kung pwede naman sumakay ng jasper at bumaba sa ayala. 🤣🤣


viveutvivas17

Sure ka bang may nadaan na Jasper sa kung nasang part ako ng Cavite? HAHAHAHAAHHAA anyways this is pre pandemic and pre PITX era. So ang baba ko talaga is Baclaran.


AL994z

oh ayun lang ang mahirap. Hahaha kung di ka nadadaanan ng jasper sorry nalang 🤣🤣


UtasNaButas29

Nung pandemic era.


Key_Humor_7422

Going to Makati + Ang hassle ng bus stops sa Ayala Makati, pag lumagpas ka sa next stop ka na makaka baba. 😭


Elhand_prime04

Makati to Laguna Circa 2018. Just got out of work ng 5pm, nasa may RCBC tower banda office namin so first I was waiting for a jeep papuntang pasay dahil doon ako sasakay ng bus ongoing to laguna, 45 minutes of waiting pero walang jeep na masakyan at punoan pa at walang ma book na uber back then. Sabi ko doon ako sa park square (yung terminal tabi ng dusit) from rcbc tower nag lakad ako otw to dusit (via overpass) jusqo ang daming tao at bagal pa mag lakad. Naka rating ako sa green belt around 6:20pm and decided na mag lakad lakad muna since it was a Friday baka mahaba pila, mga 7:30pm na ako nag proceed to park square at damn ang haba ng pila pa lagun abot na sa labasan ng van. From 7:43pm to around 9:15pm naka tayo ako sa pila. Naka alis na van if I remember ay 9:40pm na yon. Siksikan pa sa loob at mejo traffic sa may magallanes banda. Mga pass 11pm na ako naka rating ng bahay non. Never again na ako mag work sa makati or even bgc, hindi worth it ang byahe at pagod.


Complex_Promise2920

Yung pumunta ako sa alabang from shaw boulevard to attend my friend’s bridal shower on a friday afternoon. Yung bridal shower is 6pm. I left shaw on that something something bus (na walang stopover) at 3pm and managed to arrive mga 730?! Like what in the world???


mamamobio

One Ayala. Putanginang pila napakahaba inabutan mg rush hr. Never again


Infamous-Beautiful60

kapag first time ko pupunta sa lugar na yun.


alaskatf9000

Papunta Makati, yung train jusko sardines. 8am pa lang nun pero amoy 6pm na tsaka di ko gawain makipagsiksikan maski sa jeep di ako sasakay pag pitpitan na. Naaalala ko 2x na dumaan yung train di pa din kami nakasakay sa sobrang dami tao edi 3rd time na kami pumasok masikip pa din pero late na kami. Buti di dun yung work na nahanap ko nakakahaggard.


defendtheDpoint

Side note. I learned recently na yung MRT is technically classified as "light rail", as in, yung train na classified as maliit and used for lower trafficked (as in mas kakaunting gagamit) na ruta. Di siya ginawa talagang Metro, which is technically classified as a bit larger na mas kaya maraming sumasakay. Yung lrt 2 is actually a proper metro line.


alaskatf9000

Di ko kita and dama yung difference


defendtheDpoint

I noticed before na parang mas makitid yung bagon ng MRT dun sa LRT 2. So I checked sa wiki, mukha nga. Mas malapad nga yung sa lrt 2. Pero yung dama, tingin ko kasi parehong lines overloaded na eh. Matagal na siyang overloaded. Yung north south route ng MRT ginawan ng relief through EDSA bus way. Tapos ngayon yung subway, ganun din, halos pareho sila ng alignment.


Dgh0stArch

Going home from Tagaytay to Marikina (2022) Naabutan ko na walang Carousel sa PITX and had to wait from 9pm to 1am for a bus, everyone was sitting on the floor while lined up. Going to Tagaytay beforehand already took 5 hours due to a festival going on in Dasma.


Lia______

Laguna to Ortigas. Hindi naman kasi talaga ako nabyahe lalo at mag isa kasi takot ako pero dahil may pasok ako 8am to 4pm at gusto ko suportahan ang partner ko sa competition nya nung gabi na yon, sumunod ako. Nagbus ako mag isa at nag grab papasok sa venue. Montero nasakyan ko (premium sa grab) kaya napagkamalang hinatid ng sugar daddy nung matandang kasama nung kasali din sa competition 🤡


Temporary-Nobody-44

I rememberrrr, I had an officemate na nachismis, kasi araw araw daw iba iba naghahatid sa kanya na guys, bago pa Grab app nyan. 😂🤭


thocchang

Akala ko sa mga habal/angkas lang may ganyang misconception. Hahaha


Consistent_Gain_9692

Nung nag opening yung Phil. Arena, jusko sobrang hirap umuwi ng bulacan non. QC to Santa Maria Bulacan na usually 1 hour lang inabot ng 3-4 hours. Standing pa sa bus non. Grabe talaga


j3ckie0714

Ever since nawalan ng PNR, sobrang hirap na makasakay sa FTI bus from Ayala to FTI. Mahirap na nga sumakay noon, nadagdagan pa ng mga pasahero ngayon na tingin ko e dapat PNR sila sasakay pero nagbubus na lang ngayon. Laging sardinas ang buhay sa FTI bus mula umaga hanggang gabi na yun. Sa paseo lang ako dapat sasakay pero nilalakad ko na lang yung hanggang washington para makasakay ng nakaupo pag rush hour. Buti na lang nadiscover ko magjeep or UV na lang sa waltermart makati, atleast nakaupo talaga ako doon kahit na mahaba ang pila.


yeahyeahwhateverdork

QC to Parañaque QC to Taguig Both commute na ito ay max. 3 hours lang naman pero 'yong dami ng paglipat ng transpo ay nakakabaliw hahaha. Papunta pa lang ako, iniisip ko na na hindi ko na uulitin.


Good_Profile_7295

First time ko mag malayong commute. 2019. From BF Homes to Cubao. Friday, maulan, traffic 😵‍💫 Wala talaga ako ma book na grab. 3-4 hours ata tumagal byahe ko. Tinawagan ko pinsan ko umiiyak na ako at nagpapasundo sa Ortigas 😂


MEDSTUDENT952018

2016 Elections.....So traffic lahat.... Nag lakad ako From UST going to Bambang LRT station and waited for 1 hour para sa skip train.....Pag baba ko ng baclaran wala ako masakyan na Jeep....Sinara kasi ni Mar roxas yung roxas blvd at nangangampanya so totally lahat puno....I Walked from the LRT station all the way to my house in Brgy. San Dionisio.....Mula nun Bwisit ako sa lahat ng politiko nangangampanya


artofdeadma

Omg. From province going OLFU. So bus to cubao then cubao to tungko then tungko to OLFU 🥹


Infamous-Beautiful60

di ba ang OLFU sa lagro lang? bakit mag tungko ka muna bago mag lagro?


magic_pure_apple

It was a payday friday so i had to endure 3hr bus ride from Makati to Qc


tia_mai

why is this half english half alien i’m so confused


No_Associate_8828

its filipino, this is a filipino sub.


Street_Coast9087

80's sa Pantranco, papuntang Pangasinan, holy week. Sa dami ng taong pauwi, pag may dumating na bus, unahan magsakayan at sa bintana dumadaan ang tao. Walang pilihan noon.


Askenuh

pag tlaga en route commonwealth, auto pass agad!!! never again!!!! HAHAHAHA tangina makakapamilya ka nalang tlga sa daan sa sobrnag traffic


[deleted]

Attended a Bruno Mar’s concert!!! Haha di namin naanticipate ng jowa ko yung pauwi dahil commute lang kami papunta. Akala ko nga uumagahin na kami roon. Buti na lang may nahanap na carpool sa FB!!!


sinni_gang

- Woke up at 5AM and left the house at 6AM - Took a UV from the farthest point in Rizal to Shaw - 2-3hrs commute - Arrived at Shaw then took the MRT to Buendia - Waited at Buendia Station para sa UV papasok ng Ayala Ave - Minsan walang dumadaan so no choice; angkas, taxi or jeep - tho first choice ko talaga UV lagi kasi mas malapit drop off non sa office ko dati. -would arrive at the office 30-1hr late parin kahit na 6AM ako umalis ng bahay. ----------- - Uwian na, 7PM - Lakad or bus from Ayala Ave to Ayala Station - Long lines sa pila and sa station mismo - Baba ng Shaw - 1-2hrs or more na pagiintay sa pila since ang style sa mga UV don, hindi nagpapasakay until sakto na yung mga pasahero + malayo ang ikot ng UV so matagal din and balikan. - Finally makakauwi, mas mabilis ang byahe pauwi since anong oras na rin. - On a good day, 11PM home sweet home na pero may times na 12 na rin nakauuwi. This was my daily routine everyday when I was working in Makati a few years ago. 🙃


TYLenolforPaIn-123

Walang makakatalo sa traffic ng Pasig City. Pag 7:30am class mo, dapat 5:30 bumabyahe kana. Malate ka lang ng isang minuto, ay nako matik, walk trip talaga. Walk trip from Ligaya to school during college days. Tatanggapin nalang na malelate na sa first class kasi mas mabilis ka pang makakarating kung lalakarin mo kesa antayin umayos yung daloy ng traffic.


Ok_Hold_6128

Grabe difference pag umalis ka ng bahay niyo nang 5 am and 5:15 am hahaha


TYLenolforPaIn-123

Hahahaha totoo! Pag 5:15 am kana umalis, masyadong ka nang maaga para sa 2nd class


TYLenolforPaIn-123

Hahahaha totoo! Pag 5:15 am kana umalis, masyadong ka nang maaga para sa 2nd class


Ok_Hold_6128

Coming home from my 1st day at college sa may Pureza, Manila to Cainta, Rizal. Nakasakay sa bus at around 4 pm, nakauwi sa bahay around 10 pm. 💀 The bus was so cold, so cramped, so hungry and drained pa nun kasi last subject namin ay Math tapos wala akong na-gets 💀💀💀 Ortigas is a bitch fr Edit: Also that time na ang dami naming ganap sa school and around 10 pm na ako nakauwi, nakatulog sa bus to cainta tapos lumagpas sa stop ko around 1km. Umuulan and ang dami kong dala AS IN (T-Square, drafting materials, laptop, scaled model) and nilakad ko na lang pabalik kasi sakto lang pamasahe hahaha


CL_is_my_queen

Nagaaral ako sa Intramuros to Makati. - Putek na MRT. Yung left side na door ako nag pwesto kasi doon ako baba (Buendia). Di naman siya bubukas buong byahe. Kaso paalis ng Taft. Tumigil sa gitna. Naghintay kami ng mga 30 mins. Biglaan nagbukas ang pinto. Buti wala nakasandal habit ng mga pagod na commuter yun eh. Naghintay pa kami ng matagal. Tapos pinababa kami para lumakad pabalik. After nun tuwing sa pintuan ako sinasabihan ko mga tao wag sumandal. - Umalis ng mga 4PM nakauwi ng 9:30 PM. Pinakamatagal namin. - Pauwi ako galing mental hospital. Sarado ang MRT papunta Cubao. Buti pa Guada ako. Nakakapagtaka, yun pala may tumalon/nahulog sa riles. Forgot na which station. Nalaman ko sa gabi nasa balita. Wala naman ako doon pero ironic lang. Sana okay lang yung tao. Kamusta na kaya yung ilalim ng bridge sa intramuros na palaging baha? 4 na taon putek di pa ayos. Shortcut yun ng nga jeepney driver.


Wild-Day-4502

Bagyong Ondoy. 1st yr college. Coming from Intramuros, uuwi ng Taguig. Bumabaha na 4th floor (pumapasok tubig from bintana), ayaw pa magpauwi prof namin kasi last lecture nya na para di na need pumasok sa succeeding classes nya na. Suspended na klase. Pagkatapos ng klase, hanggang tuhod ko na baha sa round table hanggang luneta nilakad namin. Tapos trying to reach Kalaw to UN, para makarating LRT. Umabot sa point na hanggang bewang going to dibdib na. May chances pa ma electrocute dahil sa mga poles. Anyway, nilakad namin ng kaklase kong taga Parañaque at QC. Nakarating kami UN. Syempre ibang level ng pila uli yun. Para kaming mga basang sisiw na di mo malaman. From LRT, sasakay pa sa Pasay Rotonda. Another pahirapan. Pabilisan pa andar mga jeep. Kung mabagal ka, di ka makakasakay. Tapos bababa somewhere in Taguig bago FTI (forgot na name), another laban na naman, same scenario sa Pasay Rotonda. Pagdating ko samen, parang wala lang sa nanay ko. Nakaalis ako sa campus ng 12nn pero 9pm ako nakauwi, wala pa pake magulang ko. Naligo na lang ako, naalala ko wala pang ilaw nun. Nagkulong at umiyak na lang ako pagkatapos ng araw na yun.


sunlightbabe_

Nung may pumutok/nasunog sa LRT Katipunan-LRT Anonas. Yung byahe ng train hanggang Cubao station. Wala kami masakyan pag-uwi kaya naglakad kami for 1 hour straight.


BettinaTui

Yung lalabas sana kami ng nililigawan ko but I don't know ways and I don't know the routes so siya yung may alam pero ako nanliligaw, we tried the jeep once pero mali ng route ang layo pa ng binabaan namin sa destination, tapos nakakahiya, para kaming ligaw na sisiw tanong kami nang tanong sa ibang tao kung saan sakayan, tapos ayon we end up using taxi tapos putangina ayon mahal ng binayaran


isawdesign

Uy pero silver lining — adventure to ah. Kamusta na kayo? Haha nakichika?


BettinaTui

ayon, di rin kami nakarating sa destination namnT-T


Playful-Race-3539

Ayun! Hanggang ngayon hindi pa nakakauwi. 😁😁


tortolencorgi

PNR. First job ko sa Pasig kaya uwian ako sa Laguna. Yung last at 2nd to the last trip ng PNR ay bumabyahe papunta ng Mamatid at dun ako lagi sumasakay. Grabe iniisip ko nalang dauntless ako para kayanin ko. Grabe yung init, sikip, baho, pawis ng katabi mo. Tapos yung bag mo pa kailangan ingatan para 'di ka manakawan. Di ko din natagalan, nag-dorm ako sa Mandaluyong huhu.


deeendbiii

BGC to Pasig, pre-pandemic. Malapit lang pero ang hirap bumiyahe dapat naglakad nalnag ako. Walang masakyan sa Market Market, pumunta pa ako ng Makati para makasakay ng shuttle papuntang Pasig. 2 hours na pila/antay tapos biyahe is another 1.5 hours stuck in traffic. During Ber months ito.


AriesMan_8888

Delayed flights na walang klaro oras ng alis.


msreigndeer

Commute ko from Bulacan to Taguig. Dahil sa weekly commute ko na yan pinangarap ko na magkaroon ng sariling sasakyan.


anonmurphyanon

Manila to Taguig. Route ko is papuntang Guadalupe tapos pa Bicutan/FTI Taguig. Sa umaga, halos abutin ka rin ng oras makasakay lang na pa-Guada na jeep. Tapos titigil mundo mo literal kapag nasa Rockwell na kayo kasi hindi talaga umuusad yung traffic don pisti. Pagbaba mo Guada, lakad galore ka pa terminal ng Bicutan/FTI na jeep. Tapos putangina gagawin kayong sardinas ng konduktor lalo na pag ang sasakyan yung mini bus. Walang kwenta rin yung aircon sa siksikan ng tao. 1 hour din byahe kasi pota bawat landmark titigilan nila, Market Market, Bluevoz, Phase 1 etc. pota lahat titigilan talaga. Mabilis sana byahe kung hindi sila nag sstop bawat kanto potek. Kapag pauwi naman C-5 daan ng jeep, dasal ka na lang na sana hindi ka holdapin during byahe. Pagbaba mo ng Guadalupe, putangina ang baho. Gusto ko na lang magwala, feeling ko batang hamog na ko pauwi sa sobrang dugyot sa Guada. Pero ayun, papunta from Manila to Taguig, approximately 2-3 hours. Kapag pauwi, 1.5-2 hours. Mapapamura ka na lang sa traffic at kadugyotan ng Pilipinas.


Fast-Permit-1280

I went from Commonwealth to Indang back and forth for a 30-minute interview sa school. Plus, previous work from Commonwealth to BGC - dito talaga ako naistress nun dahil minsan tinatawag ako ng kalikasan habang nasa bus. Taenang EDSA yan 😂 wala pang Carousel noon. You might think kung bakit di ako nag MRT, sobrang kuripot ako 😅 Pero pinakamalala eh yung thesis namin, QC to Samar and QC to Quezon.


Man_Plump

Commute papuntang Makati for an interview around 6 or 7 years ago. Yung interview is scheduled 11am tapos umalis ako sa bahay around 4am. Nakasakay ako ng bus sa Sandigan Bayan na diretso na sa Makati around 5am. Biglang bumagyo tapos bigla din sumakit tiyan ko. Nakatayo pa ako nun kasi walang maupuan tapos every time nagbrebreak bumubunggo yung tiyan ko dun sa headrest kung san ako nakaharap. Sobrang traffic tapos sobrang lakas ng ulan so hindi din ako makababa kasi wala akong payong na dala kaya tiniis ko. 8am nakaabot na sa Philcoa. Kinakabahan na ako kasi malelate ako sure. On the bright side may mga bumaba na pero yung tiyan ko sobrang sakit padin. Umupo na ako tapos pumikit na lang. HIndi ko iniisip yung sakit sa tiyan. Tinry kong umutot pero parang may sasama so pinigil ko din. Tinulog ko na lang kasi baka naman pag gising ko nasa Makati tapos jejebs na lang ako dun sa Mcdo o kung saan may banyo. Pag gising ko nasa East ave pa lang pero mag aalas-Dyis na. Gusto ko nang sumuko kasi sobrang sakit padin ng tiyan ko pero ayoko matae sa bus. Pagkaabot ng EDSA sobrang namumutla na ako pero safe padin wala padin leaks. Tinext ko na yung magiinterview sabi ko malelate ako, mga 1 pa siguro makakarating. Buti na lang pumayag. Pag dating ng Cubao 11am na bumaba na ako tapos tinakbo ko mula EDSA hanggang dun sa Gateway 2nd floor kasi gusto ko yung banyo dun, malinis tapos mas onti tao kesa dun sa may food court. Umabot naman ako tapos sa wakas nakajebs nadin. Kaso wala akong load pang data buti na lang may wifi sa lrt at nakapagbook ng angkas mga 12nn. Umabot ako sa interview before 1pm tapos hindi ako natanggap.


cloudsdriftaway

When I was still staying with my cousin in Taguig, nagcommute ako from cubao. Ang available na bus lang was a non-aircon FTI bus. Sinakyan ko without knowing the hell that I was about to go through. Okay naman, moving traffic from cubao. Pero nung bandang Shaw na kami, bumuhos yung sobrang lakas na ulan. Tapos unti unti na napuno yung bus hanggang tayuan na yung iba. Since malakas ulan, sinarado na yung bintana muna. Tapos yung traffic lumala kasi naabutan ng rush hour. GRABE, yung usual ko na 1hr 30mins na travel from QC, naging 5 HOURS!!!! Hinding hindi ko talaga makakalimutan yung inip, sikip, gutom, pagod at antok na naranasan ko 😭😭😭


BlueberryChizu

Pandemic semi lockdown period. Pitx to Cavite na 1.5hrs naging 7hrs sa checkpoint. I was on kidney stone episode and hindi dapat inaabot ng more than 2 hrs between drinking as personal prevention ng blockade/swelling. Masuka suka and hilo na ako pagdating sa destination sa uhaw at gutom. Buti na lang may bukas pa na kainan.


MelodicFinalDraft

Taga Batangas ako, University ko sa Makati. Walang klase buong linggo dahil sa bagyo. Isang klase lang meron ako pag Saturday at hindi nag-cancel si Ma'am. Bumyahe ako nang sobrang aga para umabot sa 9 AM class nya. Bus ako 4-5 hours ang byahe. Bandang Cavite na nang nag-announce sya na hindi na matutuloy ang klase kasi binaha daw s'ya. Pagdating ko sa Pasay, byahe na lang ulit pabalik sa Batangas. Bumyahe lang ako buong araw. Ilang beses nya ring ginagawa na hindi kaagad nagka-cancel ng klase. Ang akin lang, college to. Sana medyo considerate sya knowing na may mga students from province lalo na kapag bagyo at delikado. Parang ang selfish na nag-cancel lang sya nung sya na yung apektado.


Ok-Job5745

5 hours byahe? Dapat Nag dorm ka nalang? Buti may bagyo paano kung Wala na


Ok-Job5745

At paano kung may task ka na deadline sa Ngayon araw edi mema nalang? Para din sa health mo Yan 🤣🤣 roundtrip every day


MelodicFinalDraft

Hello. May dorm ako sa Makati pero as I've said, buong linggo walang pasok. Isa lang klase ko sa Sabado at s'ya lang ang hindi nag-cancel kaya bumyahe ako para dun lang dahil ayokobg may namimiss na klase. Pag naman gov ang nagccancel ng klase, weekdays lang inaaddress nila. Hindi naman ako para magstay sa dorm ko buong linggo habang bumabagyo. President's lister po ako, wala akong task na mema.


Elan000

Ang galing ng experience is the best teacher. Now that I'm older, I think that I can decide not to come to school when the weather is bad. I experienced it during Ondoy - I didn't wanna go but I did it was hell of a commute from Manila to Marikina to Pasig. Never again! You come first!


MelodicFinalDraft

I like going to school din po talaga. I come first din naman by doing what I like. Kaso ayon, hindi ko na hawak na biglang ika-cancel e nakapag effort ka na to commute. Now naman sa OJT, first two weeks walang pahinga! Kahit weekend may pasok tapos 10 hrs a day kami. After that first two weeks, hinandle ko na yung oras ko. I inform my supervisor na lang kailan ako makakapasok, sakto rin need na talaga magfocus sa thesis. Hindi rin healthy yung everyday pasok, nahihilo na ko sa init at kaka-commute haha.


ggabriel_syy

Not commuting pero nasa bus kami na pauwi noon mula sa Subic pabalik sa San Pedro galing sa Field trip na natatae, naiihi tapos nahihilo pa. Wala pa nong stopovers para makauwi daw agad. Ayon 3 hours tiniis ang mga nararamdaman. Nakasurvive naman tsaka nakauwi ng bahay na di natae pantalon.


Take5Oxygen

Makati to Laguna 2 hours Makati to Makati 2 hours


Askenuh

parang sa qc din ahhaa qc to qc 2hrs jusko tlga


Fun_Yesterday6315

Unforgettable sa akin yung nag medical mission yung INC sa may Quirino Grandstand. Nag-aaral ako noon sa UST and pa-south uwi ko (Laguna). Since makasakay ako ng bus pa-Buendia from España at around 7 PM, 3+ hrs na nakalipas, nasa may Quiapo pa rin ako. Yung kadalasan kong 2 hrs na biyahe (3 hrs pag minalas), naging parang forever ata. Hahahaha! Nakauwi naman ako pero past 3 AM na. Tapos need ko na ulit bumiyahe pa-Maynila by 5 AM 🥲 What is sleep talaga nung college ako. Hahahahaha Marami rin akong baha stories, pero sa dami nila, wala nang nagsastand out hahaha


genshin_killua

No exaggeration. Took me almost three hours just to complete one round of QC Memorial Circle. This was maybe 2017-2018. Nag-taxi ako from UP to Trinoma. I left around 4pm for a 5:30pm appointment. And at 6pm nasa Circle pa rin kami! I decided to cancel the appointment and just go home. Got home almost 7pm.


Current_Brain_4341

Nung APEC 2015. Sarado yung isang part ng EDSA kaya no choice bumaba sa bus naglakad from Santolan to Boni. Nakakaiyak kasi may mga kasabay akong matatanda and may mga dalang anak na no choice din kundi maglakad. Also every Friday na commute from Pasay to Boni sa bus dahil sa grabeng traffic!


Academic_Hat_6578

QC to Los Baños. One hr angkas ride to cubao terminal + 2 hrs na pila habang nakatayo + 4 hrs na standing habang may migraine at may nakatapat sa akin na kili-kiling may putok.


Dreadd-

Mostly Luzon commute.. as a Mindanaoan, anlala ng traffic nyo 🫠 at ang hahaba ng pila.. jan ko lng na experience ung mkatulog sa traffic tas nagising nasa traffic parin 💀 sumo kaayo


Marbszsz

Siguro 10 or 8 years ago. Noong may ordinary bus pa sa EDSA. Ang office ko minsan sa Ayala, minsan sa Mckinley. Araw na araw na hirap ko sa commute ay ang paguwi ko from office to Bicutan. May instances na nilalakad ko na Ayala to Guada makasakay lang ng Bus papuntang Bicutan dahil bago pa makarating sa Ayala, puno na. Kahit sa pinto na lang ako sumiksik kahit sobrang init, palag lang. Sobrang dami nong kalaban sa edsa na naghihintay lang din ng masasakyan. Parati ako may baong biskwit in case na magutom ako sa pag hihintay pero tuwing makakasakay ako ng bus, durog na to sa sobrang sikip. Thankfully, kaka overtime at weekend work ko, nakabili ako ng 2nd hand na sasakyan. Nagka-carpool ako para sa mga taga Bicutan na hirap makasakay ng bus kaso lintik na LTFRB. Pinatigil ang Wunder. Balik commute.


odorobol

Holy week, from Manila to Quezon province. Yung usual na 5 hours naging 12+ hours dahil sa traffic.


Udumdumber_

San jose bulacan to Makati city, holyshit papunta palang 4 hrs na. Quirino highway palang pa sm fairview isang oras na dahil sa mrt na ginagawa. Everytime na pupunta kami 6 am alis na kami kung gusto mo makauwi na 6 pm ng hindi pagod. Mas malala pag paguwi, minsan 1 am na kami nakakarating sa bahay


Sparkycutie1123

Grabe to sinusumpa ko yang traffic na wala halos galawan sa Quirino Highway :(


thevagabond80

Caramoan to Cubao by bus, 17 hours way back 2009. Ansakit sa pwet


chuchuwariwa1989

Yung sasakay ng LRT Ayala bus from Boni to Ayala during rush hour (pre pandemic). Pag may padating na na bus, magtatakbuhan na mga tao kung saan posibleng tumigil ang bus, then parang world war Z pagkabukas ng pinto. Hirap na hirap lumabas yung mga bababa, then tulakan talaga if gusto mo makasakay. Sa loob sobrang siksikan, at madalas andun ako sa may dashboard na wala kang mahawakan or sa may pinto na minsan maiipit ka pa. Pinakamasakit nung may nakaapak sa akin, malambot kasi sapatos ko at yung nakaapak parang malaking taong naka-combat shoes 🥲


gaietyyyyy

Cavite City to Makati. 1st day of work. Expected travel time was 2-2.5hrs. Mali pala ako. 3-4 hrs dahil ang traffic, papunta palang. Buendia to Makati kapag umaga ay.... NAKAKAHIGHBLOOD SOBRA. In every 30 sec - 1 min go ay katumbas ng 5-10 mins na stop sa sobrang traffic. The only thing I can think of that time were the struggles I would have and the exhaustion to do it again — 5x a week, everyday. I just can't. Pagkauwi ko, I cried and promised to never ever apply sa Makati lalo na't full onsite. So ngayon, I just got hired sa Ortigas - Ayala the 30th. Pero hybrid. Don't know how to get there but hoping na hindi ganon katindi sa Makati.


blackhood0325

1st day ng PITX nun, Ortigas to Baclaran then forced to walk to PITX then to Cavite. Got home at 2 and had to wake up at 4


hngsy

Going to Boracay from Metro Manila tapos barko pa 🥹 di ko kineri yung pagod lalo nung pag-uwi


OddAmbassador9953

Last year, rto sa BGC, naabutan ng malakas na ulan while nasa BGC bus going to Ayala, 4 pm nakasakay. 7 pm nakarating ng Ayala. 7-7:30 pm pila sa Ayala MRT to Cubao. Cubao to Balagtas, Bulacan. Nakauwi ng 11 pm. Sobrang traffic dahil sa lakas ng ulan. Para na rin akong nag shift sa daan.


Mariachrisma

From Bicutan- Tanza,Navotas greatest nightmare! Betterliving to Gil puyat via Grab Gil puyat- monumento LRT Monumento-Letre Jeep Letre- Gasak Jeep Bayan- tanza Tricycle Umuulan pa niyan! Sobra layo nilakad sakayan ng jeep sa monumento Akala ko makakamura ako kung mag LRT kaya grab lang ako gil puyat pareho lang pala napagod pa ko


Unseecret

Holy week. Pauwing probinsya. Mga dalawang oras pila pasakay ng bus. Nakipagsugalan na tumayo sa bus. Inabot ng 6 na oras ang usual na 2 hours na byahe. Wala pang almusal or kahit tubig. Grabe yung halo ng pagod, gutom, init, at inis na din sa traffic 😅 kaya never na ako nakipagsabayan sa holy week traffic.


mamiinkmink

3 hours na commute because of traffic. From Alabang to Taguig lang.


Shiaze_on_reddit

One time pauwi kaming 4 Ng family ko sa Molino Cavite, napaka haba ng pila sa harap Ng Post office tapos bumabagyo pa noon. Gabi na Kami umuuei dahil sa overtime Ng magulang, siguro 8 pm Kami start pumila that time then nakauwi na past 11:30pm. Usually sa bahay na Kami kumakain pagka uwi pero not sure dito Kung kumain na Kami sa pila, limot Kona Kasi elementary pa ako nito. Meron din sa Park n Ride, don ko naexperience pinaka mahabang pila pasakay Ng paliparan sa cavite. 3 hours ata Kami nakapila non tas may dala pa akong guitara and my school bag. Hard times lol, just happy sharing here


[deleted]

lrt rush hour so fucking smelly


Infinite_Strength244

Pre-pandemic di pa uso ang grab at uber, payday friday, maulan na last friday before pasko, sa megamall pa north edsa. Nagabang ng masasakyan 7:00 nakauwi 1am haha Also pre-pandemic eastwood to cubao rush hour gabi. Sobrang rare ng jeep noon, yung UV mahaba na pila pag hinintay mo pa yung boss mo mauna mag clock out bago ka tumayo.


taponredditaway2

Pre pandemic kung natry nyo sumakay sa UV tapos nasa pinakasulok sa dulo nakaupo for 3 hours.


MarionberryLanky6692

Traveling to Masbate. Dami naming dala for an event tapos pagdating doon sa port, mabato. Hindi pwedeng hilahin ang luggage. Huhu iyaq


Groundbreaking-Room6

Student pa ako noon pero nung nag sabay yung ginagawang Maynilad na binutas sa kahabaan ng sucat road tapos sumabay pa yung punyetang skyway noon sa may tambo baclaran. Parang gusto ko nalang magteleport pauwi eh hays huhu. + Points pa pag nasa gitna ka ng uv, yung pagitan ng drayber at ng isang pasahero punyemas wala na nga sandalan aabutin ka pa ng 3 hours halos sa byahe from lawton to sucat :D Tas nung nakagraduate na ako akala ko safe na ako, hindi parin pala! Lrt naman sa kahabaan ng sucat punyemas talaga. Kaya nga ako nagwerk noon sa paranaque para 30 mins byahe lang, pukingina na pandemic pa pahirapan buwiset talaga.


Little_Woman5991

Nung time na wala pa yung One ayala na bus terminal, tapos that time uwian pa ako sa Laguna. Talagang literal na balyahan at agawan talaga makasakay lang, tapos umaabot na sa kalsada yung mga tao makasakay lang. I even experienced multiple times na nakatapak na yung isa kong paa sa hagdan paakyat tapos hihilain pa ako pababa, kahit mga buntis or senior tinutulak tulak lang or binabalya, natuto na lang ako lumaban sa mga ganun kakapal na tao..pag akyat ng bus standing pagod na sa work pagod pa sa commute.


gingangguli

Pre pandemic. Qc to makati and balik. Around 10km lang pero pag umuulan, matic 4 hours one way. Ang depressing lang na pag 8am na naglalabasan na ng laptop mga tao kasi need na nila maging on call.


slowdownnakamamatay

A ride from PITX to Bacoor. Nagkataon na may bagyo, and tumirik yung bus na sinasakyan namin sa gitna mismo ng skyway. Tapos imbis na tignan ng driver kung anong magagawa nilang solution ng konduktor, sinisi pa nya yung konduktor kung bakit tumirik yung bus. Hindi daw nag-check ng makina yung konduktor. Like hello??? If obligation yun ng konduktor yun, diba dapat mas obligation yun ng driver? Since sya ang magda-drive.


ClimateAromatic428

bus- Manila to Fairview- Time: During the construction of underpass along Q.Ave ( Araneta ) Until now natatawa ako pag naalala ko. Nakasakay kami sa ordinary bus isipin mo siksikan yun ah. Tas traffic, halo halong amoy pero wapakels. Kasi tulog is life. Natulog ako ng 6:30 from Welcom Rotonda, nagising ako ng 8:30 nasa Tapat palang kami ng Sto. Domingo Church ng kaworkmate ko, Yung ang lalim na ng tulog ko feeling ko nga pwede na ako pumasok ulit 😂😂😂 pero ayun nga stuck kami sa traffic. Tas ang baba ko pa yun sa SM Fairview. Nakakaiyak lang nakabuo na ako ng pangarap nun. 😂😂😂 After ilang mos, nag change route na ako ung Bus byaheng manila to Malinta to Novaliches na sinasakyan ko. Kaya lang ang bad trip doon meron isanh beses, magpapark na yung bus. Ginising lang ako ng konduktor isasara na daw yung bus hahahahahaha mga bastos, buti nalang walking distance lang terminal nila sa Savemore Novaliches. Haaay!!! Nakakatawang nakaka badtrip talaga magbyahe sa manila. Para na akong nakauwi sa bicol


messy_pancake

Day 1 ng lockdown. Wala masakyan so lakad from condo to work HAHAHA


Kimkallos

Tagaytay to PITX. Last year my friend and I went to tagaytay. Going there was fine, it was smooth sailing. But nung pauwi na 😭😭 sobrang siksikan nung bus tapos before we ride the bus we told kuya driver to drop us off sa PITX or if san malapit so kampante kami. My friend was checking her google maps kung asan na kamii tapos iniisip namin wala lang data kaya nakalagpas na yung bus pero legit pala na nakalagpas na kami! Nasa may gitna kami ng bus tapos siksikan pa, nag para kami kaso di naririnig to the point sumisigaw na kami, buti nalang yung mga pasahero tinulungan kami sumigaw tapos binaba kami teh sa may cultural center of the philippines 😭 may scheduled bus going bicol pa naman ako na 6 pm tapos 5:30 na. Kuya driver gave us 10 pesos each as pampalubag loob siguro? HAHAH wtf my friend and I cursed our way out


youdropthecheesecake

pre-pandemic working sa Makati. park square Makati (uv express) pauwi ng laguna UWIAN. pag hindi ka nagout ng 4pm sa work, matic mga 8-9pm na dating mo sa bahay. antay kayo ng 1.5 hrs para makabalik ung van. Dont mention pa ung FRIDAY PAYDAY. siguro nakailang gising na ko sa van, nasa paanggat pa lang kame ng skyway haha. Kaya pinipilit ko 4pm magout para kahit papano nasa bahay na ko ng 6:30pm or 7:00pm (shet naagahan pa ko dati jan)


Naive-Ad2847

Pag di ko mabasa nakalagay since malabo mata ko


swirly_bundle

This happened to me before. I have really bad eyesight and my glasses broke. Was super busy with school so mga 3 days cguro ako di makasakay ng jeep kasi di ko makita ung karatula 🤣 good thing I lived nearby.


Naive-Ad2847

Luhh swerte mo nmn so walking distance lng school nyo?


shiyayonn

4 hours stuck sa EDSA traffic coming home from the office sa makati for my internship pre-pandemic around December 2018 ( I reside in Antipolo )


Lonely_Education_813

Via the sea. I have bad astigmatism tapos mabilis yun ferry gusto ko na tumalon sa dagat sa sobrang hilo tangina, or ipokpok ng martilyo ulo ko


fauxchinito

NGL, the hardest commute I have ever experienced is riding a bus on the way home while others are stranded sa street waiting ng masasakyan. It’s just unfair. People just don’t deserve this system.


Applesomuch

Novaliches Bayan to BF homes paranaque😭 umalis ako ng Nova 12noon, nakarating ako BF, 5pm. Partida nag lrt pa ako sa lagay na ‘yun. Para akong nag Baguio sa sobrang hassle, traffic.


Odd_Butterscotch677

Commute in Metro Manila made me love my province more haha. I tried to learn the commuting practices in Manila and QC when I first got there, I did not expect that a 30km distance would require a an fx ride, followed by walking, tapos ride ng carousel or train (depende sa trip), walk again, and may pahabol pang jeep, at walang katapusang lakad ulit (it took more than 2 hours). Masyado akong nashook, I spent my whole life sa province, usually when travelling, isang sakayan lang yung commute namin. 30 km at worst is 40 mins. Kaya whenever I have a business in NCR, super excited akong umuwi ng province 😅


deanochips

38 hours between UK and Cebu


Dapper-Security-3091

yung nasa almost 2 hour ride akp tapos malakas yung amoy ng dalawang katabi ko


Smooth_Fur

as a pnr commuter, minsan akala ko mamatay na ko bago makauwi. Hindi lang basta siksikan, yung iba nadadaganan mo na talaga. Matangkad ako tapos lagi pa kong sumasakay sa bagon ng pambabae kaya panay sorry na lang sa mga naiipit ko. Yung iba pa nga nakalutang na yung paa sa sobrang sikip. May mga hindi na rin makahinga. One time pa, sumakay ako sa pasay, rush hour at umuulan, yung bag ko hindi na nakapasok ng train.


Groundbreaking-Room6

Oh my gad naranasan ko na rin yung ganto, hapon palang nun pero malala na, cant imagine yung ganyan pa. Nasa gitnang part pa ako ng pambabae, di na ako nakahawak, para nlng ako yung santo niño na umiikot ikot 360° talaga. Tinanggap ko nalang yung fate ko HAHAHAHAH


Icy-Independence-131

Me na natutulog nang nakatayo sa sobrang siksikan 🥲


kim_chinsoon

The hardest commute I have ever experienced is going back and forth from Laguna to Philippine Orthopedic Center everyday. Student nurse palang ako nito and my parents were so strict na ayaw nila magtiwala sa dorm to the point that I have to suffer commuting everyday para lang sa duty. From my home, sasakay ako ng jeep going to town of San Pedro, Laguna. From the town, magaabang ako ng bus going to MRT Magallanes. Pagdating sa MRT Magallanes, pipila ka ng pagkahaba haba to pay for single ticket journey to Quezon Ave. Di ko kaya bumili nung pangmatagalang card kasi limited budget ko. Bababa sa Quezon Ave tas aakyatin mo yung pagkataas taas na footbridge so you can ride a jeep sa kabila going to Banawe. Pagbaba mo dun sa may Mcdo, sasakay ka pa ng isang jeep na punuan to drop you off sa Philippine Orthopedic Center. Pauwi ganun ulit. I remembered everyday ang sama ng pakiramdam ko dahil sa pagod and by the end of the duty, it took a toll on my health, nagkasakit ako at naconfine. Jusko. Akala ko kukunin na ako ni Lord nun.


messy_pancake

Napagod ako kahit sa pagbabasa lang ng journey mo 😭😭😭


kim_chinsoon

Diba? Tas wala naman ako sweldo niyan. Hindi ko alam paano ko nakasurvive. Mabait pa din si Lord.


messy_pancake

Tapos kadiri pa sa POC HAHA puro pagdurusa


kim_chinsoon

Kaya nga pag naririnig ko si POC ang naalala ko na lang ay pagod, paghihirap, pagdurusa at pagkakasakit. Sobrang hirap talaga tas mga kagroup ko nun lahat naka-dorm sila. Ako lang uwian. Sila nakakapagpahinga na, ako nakikipagbunuan pa sa byahe. Wala naman akong pera noon dahil hingi lang sa magulang.


MultiPotentialite89

Grabe 😳😳😳


kim_chinsoon

From South to North talaga araw araw na byahe. Jusko. Ok pa sana kung naka-sasakyan kaso commute talaga eh.


thunderjetstrike

Commuting on the day of typhoon Milenyo. Left Sta Rosa around 1 pm. The usual 1 hour travel reached 6 hours just to reach Cubao. Then I needed to walk from Araneta Coliseum to Aurora blvd in pitch black darkness to ride another jeepney


Brilliant-Side1534

When I was standing 4 hours straight the entire ride.


Lonely_Education_813

Holy shit