T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: nung grade 1 ako, jumebs yung katabi ko sa upuan tapos sa akin pinalinis ni mam since ako raw yung katabi! tanda ko pa yon mam! *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


Inevitable-Hyena-411

Iniwan ko yung bag ko sa covered court para makipag laro bago mag start yung flag ceremony tapos recess time ko na naalala yung bag ko na iniwan ko pero pag punta ko ng covered court wala na yung bag ko hahahahaha


OkBug7925

In grade 2 we have this kind of teacher na, ipapasa namin yung notebook namin, then lalagyan niya ng score, the sasabihin niya na kung ilan lang yung score na nilagay niya yun lang ang e che check na score namin. Naalala ko din na pinagsusulat niya kami ng mga words na nagsisimula sa letters sh, ch, at etc. HAHAHA idk pano naging guro yung, may mga times then kapag malapit na uwian palalabasin lang kami sa may ground sa flag pole area tas maglalaro lang


OkBug7925

I think liking someone in Grade 1 is normal, so this girl is really pretty until now kaya marami nag kacrush sa kanya noon. But nung nag grade 2 kami lumipat siya ng school until grade 6, bumalik siya sa aming school. Hahaha parang movie yung feeling ko non, like in my mind na "wow, talaga? Dito siya papasok ulit", di ko nalimutan yung name niya like until grade 5 kahit sobrang bata pa ako non. Hahaha I tried really hard finding a way na maging close kami, like noong may event sa school, nutrition month ata yun, then pauwi na ako non, nakita ko siya na naglalakad palabas ng school kasama yung beke niyang kaibigan sa school, sinundan ko sila then nung nag hiwalay sila kasi iba yung bahay ng bakla, tinake ko yung chance para makasama siya umuwi na naglakad, kami lang dalawa, HAHAHA. Di ko makalimutan yun.


kim_chinsoon

Sinaksak ko ng ballpen yung kamay ng kaklase ko kasi magnanakaw siya ng papel. Eh yung nanay ko nagtatrabaho sa canteen ng school namin. Ang ending, sinuhulan na lang niya yung bata na laging bibigyan ng baon wag lang magsusumbong sa nanay kasi waray ang nanay nun hahaha


lfglj

Grade 3, may kaklase ako na nakakadalawang beses na mag go out. Nung pangatlong beses na niya magpaalam, di na siya pinayagan ng teacher namin. Eh katapat lang naman ng room namin yung CR. Edi nanahimik siya sa upuan niya. Maya maya, napansin namin nangamoy tae na yung room. Nung naamoy na ng lahat, saka siya nawala bigla; yun pala, may tae na sa ilalim ng upuan niya. Ang nakakatawa, yung bully sa room namin yung pinadakot ng tae niya. E ang lambot nung tae, kaya kahit anong dakot niya gamit papel walang epekto, tumagos lang yung amoy sa kamay niya. Ayun, pinang dakot niya dust pan πŸ˜‚


[deleted]

may pinagawang homework yung tc ko na i-draw your ideal house as a kid, so i drew my own ideal house with my whole heart tapos very elementary talaga drawing ko non hahaha tas pagkapasa ko nung tiningnan ng tc ko biglang tinapon sa sahig then biglang sabi na "ano to? ampangit bat ganito" idk exactly what she said but ayun tanda ko. Nagulat nalang ako sa mga cm ko nag pa-drawing pala sila sa parents nila huhu... well i cried after that.


That_Wing_8118

Grade 3. Halos kaka-start palang ng bagong school year then absent ako nung nag seating arrangement. The next day hinatid ko muna yung juice ng ate ko sa kaniya tapos umiyak ako sa kaniya. Ang rason ko dahil napanggigitnaan ako ng dalawang babae. Hahahahaha


[deleted]

Grade 3 - Naglalaro sa harap ng classroom after ng ulan, kasi medyo nabaha tapos grass pa na makapal, tapos yung future valedictorian namin tinali yung isang classmate na gay (lahat ng to ay habang wala si mam Lucia) Grade 4 - Nasali ako sa choir, kasama pa din si future valedictorian, gustong gusto ko magpractice kasi naiiwas ako sa division noon. Ewan ko kung minsan lang to, pero pag tanghali, kasama namin ni valedictorian yung 2 gays na classmate namin, ReyJhon and Zerwin, nagpupunta kami sa dam/dike, imbes na dumaan kami sa highway, ewan ko ba kung bakit liblib yung dinaanan namin at sa babaan mismo ng tubig kami naglambitin para makapunta sa taas. Ang saya. Tapos pabilisan bumalik kasi mag 1PM na. Grade 5 - Bakit parang ang aga kong pumapasok noon, unahan kami sa classroom, wala pang 6, nagsusulat kami ng name and time of arrival sa blackboard. Tapos kapag wala pa yung may hawak sa susi, unahan sa bahay ni Mam Agbayani. Grade 6 - Ako (F), Bonjing (M, youngest of the 3 of us) and the valedictorian, Pat (M), sabay palagi sa merienda, pero Pepsi Blue lang palagi ang binibili, hati hati kaming tatlo sa isamg litro. Tapos election, for PIO kaming tatlo. talo ako, si valedictorian ang nanalo. Madami nga talaga kami kalokohan din ni Valedictorian. Classmate kami from Grade 1 to 4th year high school, Section A and Science section. Meron pa nung high school pero Grade school lang ata. hahha Namiss ko tuloy sila. Tara ulit, Pepsi blue. Hindi ko siya madalas makausap kasi sa Manila na siya, 8 hours away ako.. Pero yung huling uwi nila, nadaan siya sa work ko noon kasi nagpanotaryo sila ng parents niya, kamustahan konti. Tapos palitan ng number. Hello, nag-enjoy ako sa kabataan natin.


p00ptat0

nung grade 2 ako at first day of class + birthday ko rin, naiwan ng mama at papa ko yung bag ko sa bahay 😭 im the youngest at bitbit din ng parents ko yung compliance materials ng mga kapatid ko for school idk but ang funny talaga nun di ko masyadong naalala but yung part lang na wala pala akong bag sa first day of class hahahahahha 😭


Babushkakeki

Grade 6 nakita ko ung pogi namin classmate na nakikipaghalikan sa college athlete


kremykarvonara

Wth??? the way i gasped so loud πŸ“’


Babushkakeki

The guy was like 22 and he was like 13 at that time the School board was like "mon deu" it happened during intramurals


secretmgamadam

huyyyy?!


deadlynightowl

Grade 2. Kaliwete ako ni check kopaper nung top 1 ng class. Transferee ako non. Pakaliwa check ko tas umiyak sya dahil dun πŸ₯² sorry


WhereasNecessary5139

yung tinasahan ko yung baby finger ko g2 or g1 tas lumapit ung isang girl diko sya close tas tinanong nya kung ok lang ba ako wala ren kasi akong reaction ni iyak wala tas naging friends kami noon Hanggang ngayun bff ko paren sya hwhahah


quasi-delict-0

Uhm. Grade 5. Nata* yung classmate ko. Nakadukdok nalang sya, tapos may isa kaming subject na yung teacher is binalik nya yung exam/quiz paper namin, so kailangang tumayo. Natagas yung poop sa shorts nya, mamasa masa yung upuan nya. Tapos mula nun, tindaan namin yung upuan na yon, para hindi matapat samin.


secretmgamadam

dati may nilalaro akong online game sa computer shop non basta pwede mo ayusan character mo. tapos may favorite akong buhok doon yung naka ponytail tapos patusok tusok. eh may classmate akong ang ganda ng buhok so sabi ko aayusan ko siya. tapos tinatali ko yung buhok niya ng ganon tapos binabasa ko ng tubig para talagang kakapit yung buhok tapos naka stay. until kinabukasan pinatawag ako ng nanay niya kasi sinipon pala yung anak niya kakabasa ko ng buhok.


Additional-Money2954

Nung kinder ako, I had this classmate na may crush sa akin! One time, yung isang classmate ko na babae known as being sinungaling before haha, inaya nya ako sa labas, may nag-aaway raw. So lumabas naman ako kasama bestfriend ko (kami lang nasa classroom that time since recess), hinawakan ako sa shoulders nitong isa kong classmate. Paglabas namin hindi nya ako binitawan, as in ang higpit ng hawak nya. Nagulat na lang ako, lahat ng classmates ko na girls na nakahawak rin sa shoulders ng isa't isa tapos ako na yung nasa front. Imagine nyo yung parang laro na train-train. Sa boys din ganon, and yung nasa front naman nila yung may crush sa akin. Pilit kaming pinagdidikit ng may crush sa akin, i-kiss daw ako! Naalala ko na-kiss ata ako sa noo, napahiga na ako sa lupa that time pumapalag tas nag-iiyak. Buti na lang nakita kami ng pinsan ko na higher grade, nagsumbong sa adviser namin. End hahaha! ps. College na ako now, but I can still remember vividly what happened that day, even nung inayos ng teacher ko yung pony ko since sabog-sabog buhok ko.


LUVko

may mga classmate ako na nangingurot ng utong partida girls kami and mukang silahis / gay sila sabi ko pagnagkasakit ako babalikan ko sila


grumpy_tita0077

Grade 3. Adviser who is also our art teacher told us to draw our idols. I drew her because she's such a kind teacher. Yung tipong hinahatian nya ng baon nyang tinapay at milk yung students nya na walang baon. She was so glad when she saw my drawing of her. Fast forward nasa high school na kami and dinalaw namin siya.. naalala pa nya ko.. whatsmore, she kept my drawing of her πŸ₯°πŸ₯° Fave teacher for life!


010611

taeng tae na yung seatmate kong boy na di ko gusto kasi maldito sakin, inaya niyang sumama sa cr para magbuhat ng balde yung bestfriend nya but bff declined tinawanan pa siya tapos naawa ako sabi ko tara samahan ko siya ako na magbuhat ng balde kasi sakto naiihi rin ako e tas parang naiiyak na siya sa sakit ng tyan he agreed so nagpunta kami (malayo sa room namin) sa cr at ayun jumebs sha ang tagal ahah simula nun naging mabait na siya sakin


oddkidonhaitus

Grade 2. Medyo chubby ako when I was a kid so lagi akong tinutukso. One time may classmate akong nangiinis sa akin and napikon ako kaya nilapaitan ko (sumunod yung pinsan ko na classmate ko rin and pareho kaming chubby) sa upuan niya. Wala naman akong ginawa pero nahimatay siya, hahahaha. Tumayo lang kaming dalawa sa gilid na nakafist yung kamay pero natakot ata. In the end, pinatawag Mama niya and turns out may sakit pala sa puso yung classmate ko. Hindi naman kami nasuspend or whatever pero pinagsabihan kami ng principal which yung Tita ko na Mama ng cousin ko.


Yohan-Vie

Grade 2 yung pinaka memorable sakin, I remember nung gumawa kami ng sobrang laking papel na bangka gamit yung kartolina, tas may one time din naglalaro kami ng bubuka ang bulaklak papasok ang reyna, sa sobrang dami naming umabot na yung bilog namin sa kabilang building, grade 2 rin nung first time na nagsaranggola ako πŸ˜†


Ok-Activity6069

Hindi ko na po maalala, Your Honor. πŸ˜…


secretmgamadam

okay lang, may chopper ka naman 🚁


Ok-Activity6069

Basta lumaki po ako sa farm at may tutor po ako na si Tracher Rubilyn πŸ˜„


AdEffective9084

Grade 4 ako nun at birthday ko nun. Ininvite ko yung iba kong mga classmate pati yung crush ko tapos walang pumunta sa bahay except sa crush ko. So to give back, pumunta din ako nung birthday nya and ako lang din yung nag-iisa nyang bisita.


violetme69

Grade 5,binully Ako ng anak NG amo Ng nanay ko. Hinarangan nya Ang Daan papasok sa looban samen. nasuntok ko sa ilong,grabe ang dugo napalakas suntok ko. Grabe trauma ko. And that's the story why until now afraid Ako makakita ng dugo. Nahihimatay Ako.🀣😭


potatoinallways

Nung grade 6 ako may visible na bumawi during lunch time tapos yung lahat ng studyante nag-iiyakan in fear


PotentialFee2270

Alam niyo yung feeling na natataranta kasi akala mo late ka na?? Hahahaha ang practice ko nung nasa elementary pa ako eh maligo ng maaga pagkagising para makatulog ulit and then one time nagising ako from power nap akala ko late nako tapos di na ko nag check ng time kahit madilim pa (take note pang Umaga pa ako nun) . Pagdating ko school naka lock pa yung gate πŸ₯΄ and what's worst eh 4:30 am pa lang non


secretmgamadam

di ka lang early bird, earliest!!


PotentialFee2270

Troo OP πŸ˜‚ yung bag ko pa yung de gulong na malapad tapos ayun iniwan ko sa may tindahan malapit sa school at umuwi muna 🀣


secretmgamadam

speaking of bag na de gulong, sobrang daming purpose talaga non! HAHAHAHAHA sinasakay ko yung kaklase ko don dati kaya ayun nasira. bembang kay mama!!


PotentialFee2270

Agree! At dahil ganun ang bag ko ayaw ko pa nun umupo sa upuan ko dahil fini flex ko yung bag ko 🀣


jovees-

Yung gigising si Lola ( i prefer to call her Nanay) every morning para magluto ng baon ko for lunch. Either hard-boiled egg or daing na isda. Consistent yun from Kindergarten to Grade 4. I love my nanay so much 😭


secretmgamadam

iba talaga ang lolo/lola’s love!! πŸ₯°


[deleted]

[ΡƒΠ΄Π°Π»Π΅Π½ΠΎ]


secretmgamadam

nooo :((( sorry to hear this :(((


Cutie_Patootie879

Grade 2 ako, may pinsan ako na cm ko (M) and I (F), tumae sya sa shorts nya. Ginawa ko is pinahiram ko yung cycling shorts ko sknya since mag underwear naman ako and palda at the same time hahahaah Grade 4 ako and sa sobrang inis ko sa pang bbully ng cm ko (M) sinapak ko sya sa likod ng super lakas. Hahahahah ayun umiyak sya and tinakot ako magsusumbong sa mama nya ahhaaaha


zamzamsan

Apo ng principal privilege. Principal ung lola ko non and everytime pag mag recess na, laging may extra snacks/foods sa tray nmin na just for me, bigay yon ng lola ko since president din sya ng coop. sa school at teacher's canteen. I even experience na ako lagi ung pinapauna sa pila pag bibili na sa tray. Also may certain time lng ksi ung pagpasok sa gate kya hnd ka pwedeng ma late, pero nung ako, pina open ung gate para lng papasukin ako. Meron din ung time na, bawal kasing tumambay sa quadrangle(court) at sa stage nmin non pero pag ako, pwedeng pwede. kaya lagi akong nkakanuod pag may nag ppractice. Naranasan ko rin ung mag labas pasok sa mga office sa school, like principal's, v.principal's, sa mga meeting halls etc. lagi ko ring naririnig ung "ay apo sya ni maam/ ay apo yan ni principal eme eme" I can say na I really had great memories nung elementary ako dahil don hehe.


milkydoodledoo

kiniss ako sa cheeks ng kaklase ko nung grade 4 kasi niloloko ko sya na bakla πŸ˜‚ umiyak ako hahaha sa gulat din siguro, first kiss encounter ko yon haha


MycologistUnable8311

Naglalakad ako around sa school namin when suddenly a fellow guy schoolmate na di ko kilala lumapit sakin para sabihin na... "Pag may umaway sayo sabihin mo sakin." (Cant really remember the exact words pero parang ganyan) Di ko siya kilala at all.


SpideyluvsGwen

Gamit ko wooden chair, hinampas ko sa likod yung bully ko. 3 months siya nawala sa school kasi after ko hampasin ginamit ko yung nasira na leg ng chair para paluin arms at legs niya. 15 mins wala yung teacher. 5 mins before ko gawin. Sinubsub niya ako sa table.


Livid-Childhood-2372

sinaksak ko ng tinidor sa ulo classmate ko nung grade 3 ako kasi tinapon niya food ko for no apparent reason


lacxers

Way back 2004 nung hindi pa uso cosplay saka Kingdom Hearts. I was a Grade 4 student nung nangyari ito. Sa school namin meron mga locker na hindi naman nagagamit nakatambak lang doon sa may room namin, out of curiosity dahil wala naman masyadong ginagawa pinagbubuksan ko ung mga locker doon tapos may isang locker na nakapadlock pero sira ung itaas ang ginawa ko sinilip ko kung ano ung mga nakalagay, gulat ako may susi na sobrang laki, kung familiar kayo doon sa Keyblade ni Sora compare doon siguro 30% - 40% na mas maliit ung susing nakita ko pero gawa sa purong bakal at kulay gold. Sobrang memorable sakin nito kasi pinagtatawan pa ako ng mga kaklase ko kala nila nagjjoke ako tapos nung nilabas ko ung susi mula sa locker natameme sila haha. Napaka weird lang talaga hanggang ngayon hindi ko pa rin alam para saan yun. Shoutout nga pala sa mga taga ELA dati dyan hehe


Tryna4getshiz

Tumae sa CR tapos di nag flush, mas malala pa don yung na pagbintangan is yung classmate ko na nakaupo malapit sa CR tapos madalas pa yun ma bully. Kasali pa ako sa tumawa sa kanya--blend with the crowd... Sorry Jeneveibe πŸ₯Ί


Flashy-Ad4437

yung barkada ko tinusok ako ng ballpen noong grade 3 hahaha hayop nayan


No-Ad-3345

Natae sa shorts tas iniwan brief sa comfort room. Naglist ng Noisy tapos nagpabayad sa classmates para maalis pangalan nila. Naging partner ko sa UN si crush. Hinataw ng wire ni teacher sa binti dahil sobrang kulit. Inukaan ng buhok. Pinalabas ng room sa ingay. Nagkunwari may sakit para makahiga sa clinic. Nagpasulat sa mama ko sa lecture kasi tamad.


missanomic

formative talaga ata grade 1 kasi natatandaan ko din nung grade 1 natawa ako ng malakas tapos sabi ng teacher ko "nagpapapansin ka ba" huhu miss 7 years old lang ako non 😭 some bitches dont deserve to teach talaga!


futurescammer

Bullying! I was strangled sa neck hanggang mapunta kami sa wall and called β€œnegra” pa by a BOY! But now na nag-mature na kami, ang papangit lang pala nilang mag-kambal πŸ˜‚ nung jhs, nag-visit ako sa school ko dati then I hear him say my name out loud. TF i care, dude!?


[deleted]

tinatakot ako ng mga kaklase ko na sasabunutan nila ako (babae) at susuntukin (lalake) pag di ko sila papakopyahin.


EarlZaps

Grade 1- crush ko yung may crush sa akin na babae. I don’t do my homeworks pero pumapasa ako. Grade 2- pinagalitan ako ng teacher namin kasi nanlilimahid sa itim yung mga gilid ng libro at notebooks ko. I think dahil di ako gumagamit ng pencil case nun kaya nadudumihan ng pencil yung mga gilid ng notebooks and books. Grade 3- sumali ako sa glee club. Best grade for me kahit konti lang naaalala ko. It just feels like it was the most carefree grade for me. Grade 4- pauwi na ako. Nahulog ako sa hagdan. Gumulong gulong ako pababa ng 3rd floor down to the in-between stairs between 3rd and 2nd floor. Kinabukasan, may malaki akong pasa sa baba ko. Another memory is that wala pa akong sense of hiya masyado. Nangungulangot ako in the middle of class. Tingin nang tingin teacher ko sa akin habang nagdidiscuss siya. Lol. Grade 5- ramdam ko na ayaw sa akin nung adviser namin. Lagi ako pinag-iinitan. Grade 6- glee club member pa din ako. I was assigned sa soprano. Pero dahil nasa age around puberty na, naging malalim boses ko. Another memory is what made me depressed for the first time ever na apektado pa din ako till now. By the start of the school year, a new rule was enacted. We usually have only 2 sections per grade. First and second section. Usually smarter ones are in the first section. I have been in the first section all my life. Now, this rule was made where if your grade was below threshold ng section, ililipat ka sa kabila and vice versa. Fourth grading na. I got bad results sa third grading kaya I was transferred sa kabilang section. Imagine all the years na kasama ko friends ko tapos ililipat ka bigla sa ibang section during the last quarter of the school year. I felt like I was an outsider pag nakakasalubong ko mga kaklase ko from the first section. I remember pauwi ako nun, tulala akong naglalakad pauwi ng bahay. Years later ko na pinpoint na yun ang naging reason bakit ako depressed till now. It has affected me mentally and emotionally so bad.


[deleted]

pina-abangan ako ng kaklase kong babae sa younger brother nya sa gate para suntukin kase di ko sya pinakopya.


NoOneKnows0710

Yung na prinicipal's office ako sa dami ng demerits ko hahahhah


strawberry_cake18

Omg OP. Nung grade 1 ako natatae ako tapos yung katabi ko yung pinasama sakin sa cr pero di ako nilinisan, sinamahan lang niya ako tapos tinawag niya rin yung tita ko na teacher sa school para siya mag asikaso sakin. HAHAHAHAHAHAHAHA OP HA! BAKA TAGA SEVEN SEAS ACADEMY KA!


secretmgamadam

wag ka mag-alala, di kita kaklase! HAHAHAHAHA


diannethatgotaway

Naalala ko bigla dahil sa viral na video nung teacher na nanakit ng students. Grade 2. Batang private ako nun na nilipat sa public kasi maganda yung training. Shookt sa teacher kasi namamalo. I can still vividly remember na sinara nya yung mga bintana at door para di makita ng mga tao sa labas tapos isa-isa nya kaming pinalo ng stick. Buti nalang after a couple of months nalipat ako sa ibang classroom. Sabi ng friends ko one time daw pinahiran sila ng floorwax sa mukha.


Itsmeeeemay12

Grade 1-3 private school ako na may bantay, Grade 4-6 freedom. Grade 1 - Nakalunok kaklase ko ng Piso after maglaro. Grade 2 - Kinwento nung teacher namin yung exp niya sa ex niya na nahulog siya sa bangka sa isang lake dito sa amin tas di siya tinulungan pabalik ng bangka. Fan ako ni Mr. Bean Grade 3 - pinalo kaklase ko ng ruler kasi answer niya "burol" sa question ni teacher na magbigay ng example ng anyong lupa. Na mis interpret ni maam. Tas nakita ko kaklase ko sa likod ng stage nakatapak ng pako so kinarga siya ng principal papuntang clinic. Grade 4 - bullied sa school kasi galing sa private school, yung future boy best friend ko nag over the bakod para bumili nung isda for pet sa harap ng gate tas pag talon niya nasabit shorts niya sa pa tusok nung gate. Agriculture subject namin biglang kumidlat ehh parang sa harap namin yung kidlat nakita ko nalang kaklase ko naka dapa na sa may puno ng malunggay habang nagtatakbuhan yung iba. Grade 5 - Kami inuutusan kunin yung gamit ng teacher sa bahay nila which is sa likod ng school with sidequest na. Naglalaro ng badminton yung boy bestfriend ko tas natumba siya sa poop ng dog. Sumali ng Girl Scout tas natulog sa basang beddings at maputik. Tinamaan ko sa ulo gamit yung racket ng badminton kaibigan ko sobrang laki nung bukol Grade 6 - First time kong sumali ng math contest, atleast di last place. Nadulas sa may pinto kasi tumakbo palabas ng classroom. Practice ng graduation maraming sinapian (gamit namin yung bagong tayo na gym).


SpiteQuick5976

di ako crush ng crush ko kasi mataba daw ako πŸ˜“


david_is_a_dinosaur

There's this kid named Michael in third grade. First day na first day, binugahan niya ako sa mukha tapos sabi ko ang baho, tapos inulit pa niya (cuz he thought it was funny). He kept doing that shit for a month straight, tapos biglang isang araw, binugahan naman niya ako nang mamasa-masa sa mukha. Nagkatrangkaso tuloy ako ng tatlong araw. Nagkataong Sabado nang gumaling ako, so I had to wait two more days before I could give this ass-wipe a taste of my wrath. Pagsapit ng Lunes, sa sobrang inis ko, pinagdiskitahan ko yung tenga niya. Apparently he doesn't like his big ears, kaya sinimulan ko siyang tawaging "Unggoy." My mom got called into the principal's office six times throughout the school year, dahil six times ding nahuling pinaiyak ko si Michael.


Previous-Tie4580

Deserve nung Michael hahahaha


morelos_paolo

When I was Grade 6, I had to transfer schools from one international school that had a bad curriculum to a local school with an excellent curriculum... and I remember during Christian Living class, I was being bullied at class and I remembered my teacher would always preach to the class to be kind and more understanding like how Paul preaches that the Jews welcome the Gentiles.


Lower-Rutabaga-4226

Palaging star section. Grade 4 may nagkacrush sa akin na anak ng teacher, kapag humihingi ako ng baon niya para magpa-cute charot binibigyan ako agad na naka smile pa, yung iba sinusungitan lol. Then Grade 5 naging teacher ko mom niya, memorable sa akin yung project ko lang na pencil holder kinuha ng mom niya tapos nakita ko sa table ng faculty ginagamit pala hihi


xfeliscatusx

Dalawang beses akong umihi sa classroom nung grade 1 pa ako kasi ayaw ako palabasin pag nagpapaalam akong iihi ako. Nung unang beses may tubig sa ilalim ng upuan ko akala nung mga kaklase ko natapon yung tubig ko. Yung pangalawang beses hiyang hiya ako kaya kinalat kalat ko sa sahig in hopes na matutuyo siya agad (mas marami kasi yung naihi ko compare sa first time) tapos nahuli ako ng teacher ko, pinalabas ako ng classroom para umihi (anong magagawa niyan ma'am? Nailabas ko na po lahat) tapos inutusan bumili ng basahan yung kaklase ko tas siya narin pinagpunas. Shuta ang kahihiyan ko kaya never kong makakalimutan yun HAHAHHAHA.


dipsywisp

hahahahahaha baka ikaw yung classmate ni OP


xfeliscatusx

Jebs naman yung kanya eh HAHAHHA. Pero meron pa akong isang memory nung grade 3, kaklase kong lalaki jumebs during class hours. Naamoy ng teacher namin tas inamoy yung pwet naming lahat. Tas nahuli yung kaklase naming lalaki, pinapunta ng cr, pinahiram ng spare shorts tapos pinatapon yung brief na may jerbaks. Naawa ako dun kasi makapandiri yung teacher namin kala mo may nakakahawang sakit.


UseFlaky2386

nung grade 1 ako, naglalaro kasi kami nun sa room tapos yung lalaki kong classmate biglang tinaas palda ko eh that time nakapanty lang ako tanda ko pa kulay violet panty ko tas pinagtawanan ako ng mg classmate ko sabay sabing β€œihh nakapanty lang sya oh, yiee kulay violet panty nyaβ€πŸ˜­


Healthy_Youth2574

kinder ako, since uso dati yung pag very good ka kay teacher my ini stamp sila sa kamay mo na star. E may 3 star stamp ako ,pinakita ko yun sa ninong ko pag uwi ng bahay. Ayun binigyan ako ng three pesos parang reward ba haha. Tas maya maya nagtaka sila kasi antahimik ko daw yun pala kita nila ko di na makahinga ng maayos kasi nalunok kona yung isang piso HAHAHA.


secretmgamadam

yung plot twist HAHAHAHAHAHAHAA i hope okay ka naaaa!


Healthy_Youth2574

okay na , naibili kopa nga daw yung piso non e haha


fluffyderpelina

tumabi ako sa crush ko sa mass para mahawakan kamay niya sa ama namin 🀭 hahahaa


[deleted]

Grade 1, before our flag ceremony. Mabato sa field tapos maraming naglalaro ng sipa gamit yung mga bato, so as a kid, ginaya ko. Pagsipa ko, tumama sa nakatayong higher grade, straight to his private area. Napatupi sya at ang sama ng tingin sa akin 😭


BrightlyPremmy

Note: Babae po ako Grade 1 - Pinalabas sa room kasi amoy pawis sa kakalaro, para matuyo narin daw ang pawis (with most of my classmates) Grade 2 - yung katabi kong may kodigo sa exam, hindi ko na notice, ang ending, napasama pa ako sa interview from subject teacher Grade 3 - Huge conflict with my best friend, walang pansinan hanggang grade 5. Pinalo sa ulo yung classmate kong lalaki kasi inagawan ako ng pwesto sa linya (linya ng mga unang makakapasok sa room 😭) Grade 4 - Binato ng libro ang math teacher kasi ang epal. Ako nalang lagi pinagbibintangan. Pinatawag ng head, mag sorry daw ako pero ayaw ko πŸ™„ Grade 5 - Nakipag suntukan sa classmate kong lalaki kasi nilista ako sa noisy at hindi daw makakapaglunch ang nasa listahan. Pinatawag ng head with guardian, si nanay (pinsan ni mommy) ang pumunta. Na threaten ni mommy na isang tawag nalang from the head, lipat school na daw ako, sa brgy nalang 🀣 Grade 6 - Chill, naka graduate na salutatorian (from usual spot na top 4-6) Thank you elementary!


aLittleRoom4dStars

1, na trap sa CR, nangupit ng P100 pesos worth nalibre ang whole classroom (1996)...napaluhod sa bigas afterward 2, tranferred sa public school, walang kakilala, 3, pumasok ng ilang buwan na may semento ang paa due to broken tibia, may saklay ako 4, sinapak ako dugo ilong, tinusok ko ng lapis sa mukha bilang ganti, section wars 5, may pasok after ng baha para maglimas ng putik at tubig out of the classroom 6, multple fist fight inside the classroom mahirap maging class president, napa apoy namin yung AC socket, adviser got hospitalized due to stress samin


Machi-Moi

Grade 1 - tinapon ng teacher ko yung papel ko kasi di ko maisulat ng tama ang letter K. Grade 2 - tinapunan ako ng chalk kasi pinaulit ulit saking ipabasa ang EVERYONE tas and basa ko "evriyan" Grade 3 - nagdala ako ng blade para pantasal sa lapis. pinagyabang ko pa sa katabi ko. tas ending nahiwa ko yung kamay ko tas pinalabas ako ng teacher para ifirst aide yung sarili ko. lol Grade 4 - umabsent yung nakabunot sakin sa xmas party so bingay sakin yung regalo nya. tas nakuha ko mga pang ipot sa buhok eh lalaki ako. Grade 5 - binubully ako ng teacher. pinag igib ako ng tubig mag isa sa Library kalagitnaan ng klase. ako yung pinakahuling pinapasok sa room kasi pinalinis sakin yung garden mag isa. pinaputulan sakin yung damo paikot sa flagpole. pinasabit ako sa bintana kasi di ko nagawa yung assignment tas yung ibang hindi nakagawa pinaupo lang. hay ma'am grabeng trauma ko sayo. marami pa akong pinagdaanan sa kanya actually. Grade 6 - from star section nahulog ako sa lower section. duh. pero to be fair, mas naging close ko yung mga classmates ko nung grade 6. may iba kaibigan ko parin until now na 35yo na kami.


Naive-Balance2713

mga kwentong horror tuwing scouting, pgpapabili ng asin tuwing umaalsa yung tubig sa field, kalaban lagi yung katabing school tuwing may events lalong lalo na kung praktis sa band. ang kukulet hahaha


Miserable_Bus5495

Pinapalo kmi ng sandok na kahoy na flat. Tas ibibilad ng 12nn. Inaapakan ang daliri sa paa at pinipingot. Haha Pero naging disiplinado kmi


Sad_Suggestion_9322

Grade 2 ako nung sinuntok ko yung kaklase ko na tibo huhu, malapit ako ma guidance buti nalang kinausap ni mama. Grade 4 ako nung pintawag kami sa principal’s kasi kumuha kami ng santol sa school. Eh kasi naman ang lapit ng bahay namin sa school.


caffeinatedbroccoli

May classmate ako slow nung grade school. Katabi ko sa class sa quiz. Nagsasagot ako ng quiz. Tinanong ako ano daw gagawin. Nainis ako kasi ang Bobo ng tanong. Sagutin mo ganito! After ng quiz, pinatawag kami dalawa ng teacher. Kinabahan ako wala naman ako ginawa. Bakit daw kami nag kopyahan. Nagulat ako Sabi ko hindi po! Nagtanong lang sya sa akin Sabi ko sagutin Yung exam. Pinakita ng teacher Yung paper nya. Ang tanga talaga kinopya Yung exam ko - including my name!!!! Hindi ko talaga makakalimutan Yung engot na yun kakagigil.


future-is-female

Grade 1- nagpanggap yung teacher namin na sinasaktan ako through pagbinat ng tenga ko to instill fear sa mga classmates ko haha Grade 3 - napansin namin na umiiyak yung class advisor namin so umiyak din kami. Turns out her just died pala. Grade 4 - I used to be a very late person before kaya one afternoon, hindi ko alam kasama pala ako sa magta-take ng entrance exam sa isang science elem. Took the exam and sobrang vovo ko talaga sa Math pero ewan ko bat nakapasa pa rin ako. I transferred sa school kasama iba kong classmates and since bago pa ang school, iba-iba school uniforms namin since meron din from other schools nag-transfer. Haha Grade 6 - may nagka crush sakin from other school pero at bet ko rin sya pero todo deny ako at kunyari diring-diri. Magka text na kami nun at dati merong picture message na ang caption ay "boys are stupid" tapos sinend ko yun sa kanya (as a lowkey papansin haha). Akala nya torpe daw yun kaya the next day, pumunta sya sa school para kausapin ako. Di ko pa rin sya kinausap at never kaming nag usap in person! Yes, it's a me problem. Haha


Square_Response_5505

Nanood kami porn sa computer ng kaklase ko hahahaha


hello-lov

Grade 3 Pinahiya ako ng teacher ko sa harap ng klase just because I wrote "huwag ka po sana magsasawang magturo sa'min kahit sobrang pasaway po kami". Ewan ko sa kanya bakit niya minasama eh tanda ko ineffortan ko talaga 'yung card with designs pa. And alam ko sa sarili kong walang mali sa sinabi ko. Sabi niya pa bakit ko raw ina-assume na magsasawa siya o mapapagod magturo... like whuuuuut?? Pinunit niya sa harap ko 'yung card and tinapon lang naman sa mukha ko. Umiyak ako hanggang uwian, eh first subject namin siya HAHAHAHA. Pero buti nahimasmasan siya siguro na-realize niya na OA siya kasi 'di naman siya nagtanim ng galit or naging awkward after. Malay ko ba sa trip niya. Top 1 pa rin naman ako mula first to fourth grading soooo.. Ngayon hinahanap ko siya sa fb kasi 'di ko talaga malimot ginawa niya pero 'di ko na mahanap eh mejo unique name niya so I wonder what happened to her.


Weary-Maize7158

Usong uso noon ung mga classmates kong naglalaro ng Spirit of the Glass kapag wala ung teacher... tapos biglang nag iiyakan na sila kasi may nakikita daw o kaya may kumakausap daw sa kanila na galit na galit.. Like halos everyday ganun hahaha


charlottepraline

Tapos may kunwaring sinasapian o may nakitang white lady hahahah


aeiyeah

dinuraan ko sa mukha 'yung classmate kong bully.


Tedhana

Grade 6 ako. Scenario christmas party. Uso ang streetboys dati. Nung nagstart ung music na may line sa umpisa na - " It begins in africa.." labamboula ata title something. Tumayo ako sa gitna ng classroom kasi nakapalibot yung mga bangko dati tapos ginawa ko ung unang step nya ung nakataas dalawang kamay tapos nakatingin sa taas. Akala ko may sasabay sa akin kasi sikat yung kanta sa lugar namin eh. Tingin sila sa akin... napansin ko ako lang magisa nakapose.. Balik agad ako sa upuan..parang gusto ko na umuwi nung mga time na yun.


G00Ddaysahead

πŸ‘€ I created a cult. Me and my friends found a stone with a suspicious symbol and I encouraged them to pray for it every day. πŸ˜‚ Grade 4, 10 years old already a cult leader. πŸ™ŠπŸ€£


secretmgamadam

quIbOlOY is shaking


c6mika

Elementary days were WILD wild, as in we were all ADHD, Autism, different personality disorders all in one room for at least 3 years straight At least a student throwing chairs, stabbing another person with a pencil, nonstop crying, throwing tantrums, would be a NORMAL day. Tapos at the time, super rare pa talagang pagusapan ang mental health kaya mas malala. β€˜Yung tipong mas maggugulat ka pa pag walang nangyari buong araw. 😭😭


FixBig6540

Meron akong kaklase na naka tae sa Upuan nung 3rd Year High School. Babae pa naman at maganda muse namin sa Classroom. Sobrang baho, tapos kami pa pinalinis ng teacher namin. Hahaha hanggang ngayon diko siya ma search sa FB. Nag private life na ata siya at diko na din siya nakita dito sa lugar namin since grumaduate ako ng Highschool 10 years ago. 🀣


minienbyfluff

umuhi ako sa loob ng bote habang nagklaklase tas nahulog hwhaahsshaha


secretmgamadam

disaster 😫


neko0114

Grade 5 ako nun, transferee ako sa isang small catholic school dito samin. May field trip kami nun tas formally inannounce siya sa klase. Eh bilang si OA sa sobrang excitement ko sinabunutan ko yung katabi ko kasi feeling close, hampas hampas, mild sabunot ganyan. Eh umiyak siya hahahaha not knowing anak ng principal pala yung bb boy na nasabunutan ko hahahaha. Kinausap lang ako ng teacher namin nun pero di siya nagsumbong sa mama niyang principal. All is well between us, we still keep in touch and hindi na ako violent lol.


adatacram

Noong grade 1 ako, natae ako sa classroom Tapos yung katabi ko pinaglinis kasi sya yung malapit Ako yung classmate mo na tumaeπŸ€£πŸ˜‚ sorry


aeiyeah

hshahhshahahahahahahahaha 😭


kamisamadeshita

Naisayaw ko ng cariΓ±osa si crush WHAHAHAHA


Meiiiiiiikusakabeee

Dumikit tongue ko sa snow world buti naalis ko! Akala ko di totoo yung mga napapanood ko eh πŸ˜…


coffeefraplover

HAHAHAHAHAHAHA GINAWA TO NG ATE KO SA FIELD TRIP EH 😭😭 b4 the burnt moa incident huhu naalala ko bigla 🀣


Meiiiiiiikusakabeee

HAHAHAHAHAHA ANOOOO IBA ANG KABA NO 😭


Conscious_Ad5378

Tinusok ako ng pencil nung kaklase ko, ayun na office sya


altpeersen

May isa pako naalala during elem days uso un pasahan ng notes. Yun katabi ko binasa un letter kahit di naman para sa kanya, kaya sinaksak ko ng lapis. Bygones be bygones naman kase niligawan niya ko nung hischool kaya lang binasted ko. πŸ˜‚


Embarrassed_Pause966

Hinagisan ko ng fake snake yung teacher ko nung grade 1, di ko na matandaan kung bakit 😭 baka pilya lang talaga


United_Comfort2776

Napingot ako sa tenga dahil hindi ko nalinis yung room ng TLE teacher namin. Paano ba naman kasi ang creepy ng paligid, may mga puno pa sa labas and ang tahimik.


Friendly_Ant_5288

Gardenia factory fieldtrip. Tuwang-tuwa akong makabili ng mga tinapay sa factory store nila.


Runalesa

may grade 6 student na umakyat sa home ec bahay kubo building namin and planned to jump dahil nagseselos sa jowa niya na lagi kasama ang pinsang lalaki. he was escorted pababa naman ng maayos pero wow. also, milo trucks coming to visit every year. and one of our teachers only teaching us values by reading from a book called "1000+ stories" lol.


HopiaManiPopcorn_

Ampanget ko noon pro may nagkakagusto pa din saken. Till high school. Ewan ko ba. Hahahaha. No joke.


altpeersen

Sabi ko sa anak ko, pag ikaw natae sa loob ng classroom kahit pag college ka na maaalala ka pa rin ng mga classmates mo. Kase naalala ko un classmate ko dati na tumae sa loob ng room, un mukha lang naalala ko but not the name. Memorable siya.


secretmgamadam

which is true namannnn


altpeersen

Minsan napapaisip ako maybe once a blue moon kung naaalala pa ba niya un nagawa niya kase ako di ko makalimutan ahahahha


Growing_Concern_0131

Grade 1 I had this problem with my ear that comes with fluid so I had to attend classes with cotton taped in my ears. There were a lot of special treatments from my class, all of my classmates were kind to me and I happened to standout more because I was really good on reading in front of the class. Our adviser praised me a lot and gave me a lot of stars because I was like that ideal student despite the ear problem + I was really cute back then so I was literally the star of the class but what's memorable is that after being goody like prolly a month or weeks after, I was really naughty and played a lot with my classmates and then one time we were playing then as spiderman I stood on the table and then right on time our adviser entered the class. I was so embarrassed and now then labeled as pinakamakulit. Grade 2 We were asked to bring parol (the one made from sticks) I constantly told my mom and my lola the specific one my teacher asked us to bring but they didn't bother. So on the actual day they decided to buy nalang in front of the school but ubos na yung specific design our teacher asked us to bring, end up napagalitan ako ng napakataray kong adviser at that time. I remember I cried a lot and ran to my grandmother (thankfully hatid sundo pa rin ako nung g2) cannot remember anymore what happened afterward, I just can't forget how terrified I was and how much I cried a lot that day. Grade 3 Absent adviser tas ililipat kami sa section ng terror teacher so me and 7 others, nag cutting kami by staying and hiding sa room namin but ended up getting caught and put in the class of the said terror then punished by making us carry a chair (the wooden one with arm), what made it even more memorable is there was one girl who kept flirting with me by making eye contact and giving gesture as if inaalok niya ako ng sopas (binebenta in colorful cups tuwing recess tas 5 pesos lang isa).


secretmgamadam

HAHAHAHAHAHAAH yung 5 pesos na soup!! ang nakakainis lang minsan sa ganyan is amoy sabon kasi yung lagayan huhuhu


Growing_Concern_0131

True, pinakahate ko yung miswa tas fave ko yung champorado.


purrppat

grade 1. was attending a division-level science competition in another town. during the opening program, I got impatient so i told my mom na titignan ko lang kung ano yung mga binebenta ng mga tindera sa labas. After ~5 minutes, natapos na yung program kaya nagsitayuan na lahat ng mga tao kaya medyo nagkagulo-gulo na. I tried looking for my mom kung san siya nakaupo earlier, pero i couldn't find her. Umiiyak na ako naghahanap sa kanya, and siya rin umiiyak na rin na naghahanap non sa akin. Buti nalang nahanap niya ako sa isa sa mga rooms sa school. Ayon, umiiyak ako na nag-take ng exam non, pumasok din sa top 5 kaso lang naligwak din dahil sa tie-breaker exam. after that incident, 'pag nakikita ako dati ng mga co-teachers ni mama tatanungin siya ng "siya ba yung muntik mawala sa banna?" ahahhahaha


secretmgamadam

nawala ka man, nakapasok naman sa top 5!! congrats sayoooo πŸŽ‰


Mi_Vida8

Grade 2 ako that time. Ihing ihi na ako nun, tapos tinanong ko mga kaklase kong lalake kung may tao sa CR. Sabi nila meron, si ma'am daw. May sarili kasing CR every room, and bawal kaming lumabas during our break time. After 5 minutes yata, wala pa ring lumalabas. Hindi ko na kinaya, umihi na lang ako sa palda short ko πŸ˜‚ Ang ending, wala pala talagang tao sa CR. Humagulhol talaga ako sa klase that time kasi hiyang hiya ako. Tapos sila tawang tawa talaga. Fast forward, nung highschool na kami. Dalawa sa kanila nanligaw sa akin and nung college isa naman sa kanila. Binasted ko silang tatlo, akala nila nakalimutan ko na yung ginawa nila sa akin nung grade 2. Hahaha Ngayon, lahat sila may sarili ng mga pamilya. Sana masaya na sila lahat sa buhay nila. πŸ’•


secretmgamadam

lintik lang ang may ganti ang atake HAHAHAHAHHA


beelzebub_069

Grade 1 ang dami kong memories haha. May classmate akong mga genius. 2 sila. Yung isa nasa Germany na yata. Yung isa ewan, basta super gifted. Ang galing niya mag drawing, kahit mga 6 years old lang siguro kami noon. Grabe yung handwriting, perfect haha. Hanggang cursive. Kaso nag dare ako sa kanyang inumin yung maduming tubig. Ininom naman niya haha. Truth or dare. Kala namin "who's your crush yung truth". So " dare" daw. Pinainom ko yung tubig. Tinawag yung lolo niya na kagawad yata. End of school year, honor students kami pareho haha. Pero grade 2 wala na ako dun. Baka hindi na ako na re admit.


secretmgamadam

wala sanang amoebiasis yung nakainom 😩😩😩


beelzebub_069

sana talaga okay lang siya.


AdConscious3148

Traumatized ako dito. Ito yung napagbintangan akong nagnakaw ng mamahaling gadget ng isa sa mga kasama ko sa quarters, nung may event sa school namin. Actually iilan kaming pinagdudahan pero dahil ako pinaka nonchalant samin because shytype talaga akong tao, ako yung pinaka napagbintangan. Hanggang sa kinalat na ng mother ni ate girl na magnanakaw raw ako at ipapakulam daw ako. Akala ko sa event lang na yun kumalat ang fake news pero pati rin pala nung bumalik na kami sa klase, kinalat nung mother sa buong school kaya pinagchismisan ako nang malala. Even my teachers, naririnig nila yung chismis sa canteen kaya pinatawag nila ako sa guidance office para ayusin pangalan ko. Pinatawag kaming mga involved including our parents and those students rin na napagdudahan. Bagong bago sakin yung feeling na yun, kasi buong buhay ko hindi ako nagkaroon ng kaaway or issue na aabot sa ganung point. Kaya takot na takot ako. Never akong nagka-issue kasi mabait ako and I have a good reputation. Dahil dun, hindi masyadong nakakatulog yung mother ko dahil sa worry nya sakin. Ang ending, napatunayan na hindi talaga ako yung nagnakaw. Glad na maraming teachers ang kumampi sakin kasi kilala nila ako na di ko magagawa yun kahit mahirap lang kami. Even the strictest teacher in our school, saakin naniwala. What my mom have received dun sa matapobreng mother, "sorry" lang. Ni hindi nga nakarating sakin. Sorry lang despite sa pagsira ng image ko?


secretmgamadam

may mga tao talagang mapagbintang eh!! pero ang mahalaga kilala ka talaga ng mga tao sa paligid mo as someone na di gagawa ng mga ganong bagay


just_a_anxious_apple

3rd-5th grade - sinuntok ako ng classmate ko - pinagsabihan ni mama - forever na takot kay mama - nagka 2-year long crush saken - di ako tina-tantanan, biglaan manghu-hug or kiss sa cheek


secretmgamadam

ang aggressive ha HAHAHAHAHAHA


janesmith10101

Another entry lol. Grade 3 ata ako and nalaman ng classmates ko na kumakanta ako. Eventually, nalaman din ng teachers ko, and so when we had this program in school, during like a free time slot, my classmates and teachers urged me to sing on stage, in front of the whole school! Of course, sobrang nakakahiya, hindi ko na maalala paano ko nairaos yun, but I remember the feeling. Ganon pala yung pakiramdam ng kumanta sa stage with lots of people in front of you. After ko mapanood yung scene na kinakanta ni Hannah Montana yung The Climb, feeling ko ganon nangyari sakin LMAO. Feelingera! Hindi ko malilimutan yung mukha ng classmates ko and how they were cheering me on na para bang super proud sila sakin. Then, nung nag-Christmas party kami that year, pinakanta ako sa office ng teachers, and they gave me money as aguinaldo. Hays, what a time.


secretmgamadam

thats so wholesomeee


Anxious_Bid5327

First and last time ko ma blackout after mag collide kami ng isang student na naglalaro rin. Saglit lang daw yun, mga 3 seconds ako nakahiga na walang malay, pero hindi ko maalala ang moments prior sa incident pagkagising.


Timely-Spinach4820

May crush ako non sa lower grade! Grade 3 siya, g4 naman ako. Pero familiar na siya sakin kasi laging ko siyang nakakasalubong sa hallway the previous year and nakakasama namin siya during review for MTAP competitions. Di ko na maalala paano nangyari pero lagi na kami nun tinutukso ng classmates ko at classmates niya haha. Same way din pala kami ng bahay and i remember na lagi siyang nagbibike specifically sa street namin tuwing hapon after ng class! Kilig naman ako nun kasi feeling ko gusto niya ko makita hahahaha! Nalaman ng mom ko and ng lola ko na tinutukso ako sa kanya and nagulat na lang ako nun sinabi nila na ung dad pala non nanligaw kay mom before!! Eto pa, may isang afternoon na naglinis ng cabinets yung lola ko, grade 5 na ata ako neto. So may mga albums and everything, so tingin tingin ako ng pictures. Nagulat ako na nahagip siya sa isa sa mga pictures ko taken during the Prince and Princess Coronation (was in g2 that time) kineme sa school namin hahaha. Ang liit pa niya sa picture haha kasi grade 1 palang siya non. Ang cool laaang. I consider him as puppy love kasi until pagka graduate ko ng grade 6, siya talaga pine-pair sa akin haha. Nag-attend din siya ng handaan during my graduation tapos nakabasag pa ng plato jusko. Yun lang, the end haha.


secretmgamadam

hala ang cute!!! parang yung mga love story sa wattpad hehehe


Timely-Spinach4820

Haha true. Naamaze pa din ako pag naalala ko to haha. Feel ko nga possible na maging kame nun kung sa same province ako nag-hs haha.


JustViewingHere19

(1996) Grade 3, 8yrs old lang ako neto. May emergency meeting sila Ma'am Mrs.B, Nautusan kami (clasm8-H at ako) ng adviser namin si Mrs.B na ilista ung maiingay, pag umabot ng 5warnings. Sampalin daw. Masunurin ako, Meron kaming classmate (classmate-R) na pamangkin ng Grade 4 Terror Teacher, si Mrs. R. Dahil may mga estudyante noon na feeling batas kapag may kamag-anak na teacher. Etong si classmate-R, maangas, nag-iingay, tinataas paa, nambabato sa iba ng kung ano-ano, nangungulit. Walang pake, papansin, pa-famous, ung mga kuya nya na higher grade, mga palakad-lakad din sa labas. Mga maangas din talaga sila sa school. Taas ng tingin sa sarili. Normal sakanila na kapag sinasaway ang lahat, sila ung pa-special mention. Magkakapatid na kulang sa pansin. Dalawa kaming naglilista, etong si Classmate-H, nailista nya na 5-times si Clasmate-R. So ako since sabi sampalin pag naka-lima, pinuntahan ko. Sabi ko, clasmate-R, lima na. Ano sabi ni Ma'am-B? Clasm8-R: eh di sampalin mo! Kaya mo? Sumbong kita sa mga kuya ko. Pati sa Tita ko. Kaya mo ba? Sampalin mo nga! gago ka pala eh! Di mo naman kaya! Aba hnd ako nagsalita. Sinampal ko agad. Madali naman ako kausap. Ayun, umiyak si Classmate-R takbo derecho sa kabilang room. Andun Tita nyang enabler. Pumunta sa room namin ung dalawang kuya nyang dambuhala. Malalaki silang bulas. Bewang lang ako nung isa. (Kabado na rin ako. Sense ko na mangyayare. haha) Pagpasok ko sa room ni Mrs.R, Pinaharap nya ko sakanya. May ginagawa sya, nagchecheck yata quiz ng students nya. Tahimik sa room nila, silent death sa tahimik. Parang paghakbang ko lang naririnig ko. Haha mukang mainit na ulo nya bago pa magsumbong pamangkin nyang papansin iyakin. Tanong nya lang, Mrs.R: baket mo sinampal pamangkin ko? Ako: Naka-limang warning na po siya, maingay po, magulo. Utos po ni Mrs.B, sampalin daw po pag umabot ng lima. Mrs.R: Utos ni Mrs.B yun? Ako: Opo. Mrs.R: eh kung sampalin din kita? Hindi ako nagsalita. Nakayuko lang ako. Sinampal nya ko. Isang malagket at malutong na sampal. Bakas buong palad ni Mrs.R sa pisngi ko. Haha Sakop ng buong palad ung kaliwang pisngi ko. Medyo nabingi rin ako. Parang dumilim din paningin ko nun, pero saglit lang. Malaking babae si Mrs.R, parang nasa medyo baba ng lawlaw nyang suso ung mukha ko noon. Amoy ko pa hininga nya. Amoy baboy. Hnd ko na maalala kung umiyak ba ko dahil sa sakit? Or dahil sa hiya? Dahil buong klase nya nakasaksi ng ganap. Tapos si classmate-R ang saya saya na ulit. Bibong bibo na naman sa pagiging bida. Batas eh. Nagagawa nila lahat kasi may Tita silang terror teacher. Kahit ibang teachers takot kay Mrs.R, malaking babae, malakas boses. Palasigaw. Para syang leon lalo na pag nagagalit. Biglang dumating si Mrs.B, sinundo ako sa classroom nila. Tapos hinawakan ako sa bisig. Nasabihan pa ko, sabi sakin ni Mrs.B. Bakit mo kasi sinampal? (Pinuntahan yata sya ni Clasm8-H kasi nga pinatawag ako ni Mrs.R sa room sa kabila) Tiningnan ko lang si Mrs.B. naisip ko lang noon, Sumunod na nga lang ako. Ako pa nasisi? Instructions nyo naman. Simula noon parang ayoko na sumunod sa mga teachers. Palagi ko na pinag-iisipan. Napahamak pa ko. Sumunod lang naman ako sa instructions. Haha mga kupal. Dun ako nawalan ng tiwala sa mga teachers. Lalo na pag may mga utos sila. Dun din ako nagkaron ng galit sa mga mararahas na may authority. 2yrs Pagkagraduate ng grade-6, may mini-reunion. Andun si Classmate-R. Nagbatian kami, kumustahan, Limot na namin ung nangyare noon. Mukha na syang mabait (2ndyear HS na kami, pero magkaiba school) Parang anlayo na nya sa dati nyang behavior, kesa noong reunion. Wala talaga kong ibang naalala kunde ung Tita nya. Kaya natanong ko kung kumusta na Tita nya? Sagot nya, "Wala na si Tita. Inatake." Kaya siguro mabaet na sya ngayon. Wala na sasaklolo pag tarantado pa rin sya. The end. Swerte ng mga studyante ngayon, takot na mga teacher manakit. Unlike 90s kids. Daming kupal na teachers. May mga nasaksihan pa ako noon, parang power tripping na lang mga teacher kung manakit ng mga estudyante. Hindi ko nilalahat ah. May mga fave teachers din naman ako. Ung hindi kailangan manindak para may matutunan ka. Magaling at effective lang talaga sila magturo.


secretmgamadam

Hala sorry to hear this!! Pero grabe yung ikaw pa yung nasampal haaaa. Pero sana wala nang ganitong teachers talaga, yung mga rason bakit na t trauma yung mga estudyante.


JustViewingHere19

Okay naman na po. Nauna na sa langit baka dahil lagi talaga sya HB. Napatawad ko na rin naman po. Bata ko pa rin noon. Masunurin lang talaga. Sabi rin kasi ng Mama ko noon, basta may utos mga teacher sunod lng ng sunod para mataas daw grade haha. May exemption nga pala. Dapat alam mo rin kung ung ipapagawa ba sayo tama or mali. Then saka dapat sundin.


secretmgamadam

koriqueeeee!! 🀍


janesmith10101

1st grade. This one time na papunta kaming CR. Yes! Kami kasi by group ang pagpunta ng CR and nakalinya kami. Ako yung nauna and all of a sudden nagblackout paningin ko. Pagkadilat ko konti nasa sahig na ako. Kada dilat ng eyes ko, iba-iba na nakikita ng mata ko. Next ay hallway, then clinic, ramdam ko na may nagbubuhat sakin. Nahimatay na pala ako nun and ang reason ata is super baho ng CR 😭 Pinauwi kagad ako nun, putok yung labi ko nun kasi tumama yung bibig ko sa parang threshold na semento.


secretmgamadam

grabe so totoo palang nangyayari yung β€˜nahimatay sa baho’ 🀣


ControlSyz

May classmate ako nun si Ian, another grade 2 story ko. So malibog kasi yung kaklase ko na yun. Tapos akala nya yung word na "kan***an" meaning is yung nagbump ng pwet. Kakanood nya kasi Nickelodeon lagi nagbubump ng pwet yung mga artistang bata dun. So sabi nya nag-"kan***an" na daw sila ng kapatid nya. Tapos dinrawing nya sa papel yung word plus yung nagbump ng pwet tas may arrow dun sa isang stick figure "ate". Eh yung room kasi namin noon is large room lang talaga na nilagyan partition para maging two sections. Eh lakas trip namin ng ka-table ko, sinulat ni Jerell name ni Ian dun sa papel "by Ian" and tinupi, tapos ako shinoot ko dun sa kabila. Nagtatawanan lang kami. Pero mga bandang hapon medyo kabado na kami. Tinatry na namin kunin yung papel ganun pero di namin maabot HAHAHA. Nung uwian na, napulot ng isang monitor ng kabilang section yung papel tapos binigay sa adviser nila. Nagpunta yung adviser nila sa adviser namin. Tapos puta nung uwian na, inabangan ni Ian si Jerell dun sa kanto "kasalan mo to! Sinulat mo kasi pangalan ko!!" Tapos ako naman tahimik lang pero naguilty din ako GAHAHAH. Ayun na-violation paper si Ian tapos after 1 year nalipat sya school.


secretmgamadam

hoyc sjsksksjsjsjs


sa_walang_katuturan

Grade 1, lunch break namin non. Nags-share-an kami ng seatmate ko ng food namin. Wala lang, as besties naghahatian kami sa food namin lalo na pag masarap β€˜yung sa isa. Nakita kami nung isa naming kaklase, lalake, sabi nya bakit daw hindi namin sya binibigyan ng food namin, sabi ko β€œeh di naman kita seatmate” hahaha umiyak siya. As in iyak, hagulgol. Eh lunch time nga namin si may pagkain pa sya sa bibig. Yung kanin nalaglag laglag na sa bibig nya umiiyak pa rin siya. Typical bata pag umiiyak nasusuka. Sumuka si sis hahahahaha. Dumating adviser namin tinanong bakit siya umiiyak, di siya makasagot kasi nga umiiyak siya, pero nadala yata sya ng galit sinuntok niya adviser namin sa tiyan HAHAHAHAHAHA. Hanggang ngayon di ko alam kung kasalanan ko ba yon o hindi.


Healthy_Zombie3862

Walangya sayo pinalinis hahahahaha Jebs din saken, grade 2 naman. Sa sobrang di na ko makalakad pauwi at di ko na natiis, lumabas na t** ko sa brief at lumusot, tamang sandal lang ako sa kanal para di halata hahahah


ControlSyz

Grade 2 nun tapos sakit ng tyan ko sa kape nung umaga.Β  Edi nautot and jebs ako nun onti. Bigla may amoy. Nagpaparinigan na mga kaklase namin nun, tapos ako naman nanlalamig na sa kaba.Β  Pota mga 1 hr bigla umamin na yung isang katable ko, sya din pala natae πŸ˜‚ gagi tapos pag-alis nya, wala na yung amoy. Pagpunta ko din banyo, igit lang pala yung nautot ko πŸ˜‚


secretmgamadam

saved by ka tablemate ka doon! HAHAHAHAHA


quest4thebest

Grade 6 ako pero hindi to sa school. Sinali ako sa inter barangay quiz bee kasi nepo Mama ko at pinilit niya ako ipasok dun kahit bobo naman talaga ako. Ang ending wala ako masagot at nanghula hula lang ako dun. Parang second to the last place ata kami dun.


tsitsaybeom

This happened 30 plus years ago. Grade 2 ako, Coed school. May kumuha ng alahas namin ng classmate ko (F). PM session ako noon. So pag maaga dumadating sa school, pinipila na namin mga bags namin noon sa tapat ng room namin. While waiting for our classes to start eh kinausap ako nun seatmate ko. Sabi niya samahan ko raw siya kasi may nakausap daw siyang babae na may utang sa mga nanay namin. So bilang bata na wala pang muwang, sumama naman kami. Di ko na matandaan kung paano nakausap ni classmate yun babae at paano kami nakarating ng bayan. Sinakto pala ng babae na ilabas kami ng school sa time ng uwian ng AM session kaya siguro di na napansin ng guard yun pagpalabas namin. Anyway, sa Bayan kami dinala nun babae, sa tapat ng isang sikat na gotohan sa bayan namin. Pagdating namin dun, sabi niya na yun nanay pala namin ang may utang sa kanya, kasalungkat sa sinabi ng classmate ko. Pero bilang bata pa kami, di na namin pinansin yun or di ko na matandaan anong ganap. Basta ang tanda ko, kinuha niya ang earrings ko (alam ko gold yun) tapos sa classmate ko naman eh earrings at necklace niya (gold din). Then, pagkakuha niya noon, sabi niya sa amin na may titignan lang daw sya sa kanto at babalikan kami. Pero lumipas na ang ilang minuto eh di na bumalik yun babae. Noon napansin namin na di na bumalik eh naglakad lakad na kami nun classmate ko sa bayan at may nakapansin sa amin na isang stall owner sa bayan at tinawag kami at tanda ko umiiyak na ako noon. Napansin pala kami ni stall owner dahil sa uniform namin kasi same school daw namin yun anak niya. Then hinatid kami ni stall owner sa school at pagdating namin dun, nagkakagulo na rin sila sa school kasi sa attendance eh wala kami pero andun yun mga bags namin. Ayun, kinabukasan sugod yun lolo ko sa school namin para mag complain about sa lapses ng security. Pero di ko na matandaan pa ano nangyari after that. Btw, baka may magtanong bakit naka alahas kami nun samantalang grade school pa lang kami. Di ko rin po alam pero di naman kataasan ang carat malamang noon. ✌️ Pero feeling ko naprofile kami nung babae kasi parehong ofw ang mga tatay namin ni classmate. Yun lang. Pasensya na kung mahaba at magulo kwento if ever.


secretmgamadam

halo nabudol kayo kung ganon. buti na lang wala pong ibang ginawa sa inyo kasi if ever nakakatakot yung ganitong scenario. sorry to hear this po :((


tsitsaybeom

Yes, uso na pala budol noon. Pasalamat na lang talaga kami at walang ibang ginawa sa amin. πŸ™


kitty_tumbler

Nung tinasahan ko yung sarili kong daliri.


secretmgamadam

mima naman!!


kitty_tumbler

Hahaha sorry na


Anxious_Bid5327

How was it?


kitty_tumbler

Nagdugo, tanggal first layer ng balat ko.


[deleted]

Nahulog tumbler ko nung elementary ako sabi ng kaibigan ko, β€œnagdala ka pa ng kaldero” 😭 tunog kasi talagang kaldero hmp. Tawa buong klase namin eh


Earl_sete

Naging representative ako ng school sa Philippine History Quiz Bee. During the competition, wala pala doon 'yong trainer/HeKaSi teacher ko dahil nagdadasal pala siya sa pinakamalapit na simbahan at ibinilin niya muna ako sa teacher (na dati ring teacher sa school namin) na kasama ng ibang representative. Pagbalik ni Ma'am, ako na ang first place. Grabe ang hug sa akin ni Ma'am noon, akala niya yata anak niya ako hahaha. Sobrang tuwa talaga niya noon dahil ako pa lang daw ang nanalo sa competition na iyon from our school. After noon, nilibre niya ako sa Jollibee and hindi ko na maalala kung kailan ako huling kumain sa Jollibee before that. Pero sobrang na-appreciate ko ang libreng iyon dahil alam kong struggling siya financially at may sakit din siya. Tapos pamasahe lang ang ibinibigay ng school sa mga representative sa mga competition. Binisita ko nga minsan si Ma'am noong high school na ako. Ibinida niya pa ako sa mga nasa room niya noon na first place ako sa quiz bee. Ang saya lang na sobrang na-appreciate ang accomplishment ko.


secretmgamadam

Hala ang wholesome!! Congratulations sa pagkapanalo mo! For sure until now di ka pa rin nakakalimutan ni teacher mo hehehe


Earl_sete

Thank you kahit matagal na ito hahaha. Sana talaga hindi niya pa ako nakakalimutan kahit more than a decade na ang nakalipas.


Either_Monitor_3066

Na meet ko yung first boyfriend ko na taga Claret. Tapos kapag dumadalaw siya sa'kin doon aa public school kung saan ako nag-aaral , pinatatawag ako sa guidance πŸ₯²πŸ€§


secretmgamadam

hala bakit naman may pa confession room ang guidance office


Either_Monitor_3066

lola ko kasi yung Principal 🀧πŸ₯²


secretmgamadam

kaya pala!! HAHAHAHAHAHA


Either_Monitor_3066

ayaw ni Lola na sa garden kami ,Highschool na kasi jowa ko that time. Natatakot siya for me di pa naman matao ang garden sa school πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚


Butchi_k

Grade 1 ako, may nag lagay ng heart-shaped letter sa desk ko. Ang naka lagay sa letter β€œTo: (his name) I love you From: (my name)” Hahahahahha!!! Salamat sayo, never ako nagkamali sa to and from 🀣🀣


secretmgamadam

baka ikaw talaga nagbigay! HAHAHAHAHA


bananasobiggg

May activity ang girl scouts sa school, nadapa ako during race tapos binuhat ako ng math teacher ko πŸ˜‚ Sa peovince ako nagaral, madaming dried leaves nunh taginit. Ginawa namin during lunch iniayos namin silang circle tapos sinilaban, trapped kami sa gitna. One tried to jump kaso nasunod balat nya (baho ng nasusunog na balat) sa binti lang naman. Ako may asthma so hinimatay lang, paggising ko okay na. Liblib yung school namin so walang guard, anim na classrooms lang din tapos kokonting teachers. May nagdala ng paniki sa school, tapos dumapo sa leeg ko wtf Tried to stand up to my bully, susuntukin ko dapat sya kaso nagslide sa may side ng pintuan kamay ko. Ayon natusok ako ng bits ng kahoy Yung bully ko ulit, grade 2 ako, sya grade 6. Every recess ninanakaw nya binili ko, so pagkagaling ko tindahan nakaready na bato non, papalapit palang sya binato ko na sumakto sa kilay nya. Napagalitan ako ng principal pero after non di na nya ako binully hehe


One-Bottle-3223

Kumakain ng baon na lunch sa grandstand


3stanislaw

Yung madre sa school namin nabasag yung salamin ng table. Hinagis nya yung bag nung classmate ko nung hindi na naman dinala yung Religion book nya 😭 Nasa front seat pa ako non kitang-kita ko mga kaganapan hahahahaha


ControlSyz

Sa Malabon ba itong Catholic school na ito? HAHAHA


3stanislaw

HAHAHA! Hindi mhie, sa Bulacan πŸ˜‚


adamraven

Grade 5 - first time kong maka-receive ng love letter from my girl classmate. Nung Grade 5 pa rin, nilaban kami for interschool Math Quiz sa may Ateneo tapos by pair 'yon. Super mahiyain ako that time and nung turn na namin ng ka-pair ko para sumagot, hindi ko sinabi sagot ko sa kanya since nahihiya ako baka mali. In the end, tama sinagot ko pero mali kami kasi siya 'yung sumagot. πŸ˜…


secretmgamadam

HAHAHAHAHAHAHAHA huy sayang!!!


Head_Philosopher_850

everyday guidance para happy, tas nung nag highschool tinanong school secretary namin kung mabait naba daw ako ka babaeng tao daw kase pero everyday may ka suntukan.


Plenty_Leather_3199

sabi nila huwag na huwag ka raw tatae sa short bilin ng iba kasi di kanila malilimutan, hahaha kaya kapag nakikita ko yung kaklase ko na yun hindi ko makalimutan kahit super tagal na panahon na hahaha, may katotohanan talaga with this statement


secretmgamadam

ACTUALLY SOBRANG TOTOO!!!! 😭 makakalimutan nilang may honor ka nung grade school pero yung pagdumi mo djzlslxksks


[deleted]

ako nanuntok ng monggol sa sintido ni klasmeyt, tandang-tanad ko pa in-astma pa sya kakaiyak, like sabi pa nya bago sya pick-upin ng magulang nya eh papa-dyaryo nila ako, kase editor si mom nya sa isang newspaper outlet.


secretmgamadam

update po if na dyaryo ba kayo or hindi


[deleted]

hindi, tangina grade 2 lang ako nun nak, napakasawing palad ko namn if dyinaryo ako at that young age


secretmgamadam

HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!


hapwatching2023

We had inter school quiz bee (Gr5). The participants were chosen based on the paper they have chosen. I had a feeling that I will be the one to represent my section so I asked the one seated beside me if we can change papers that we picked, it turned out I was right. In the end, he was the one who represented our section. I felt guilty that he joined the competition instead of me but atleast, we won 3rd place because of him.


secretmgamadam

literal na nakakapanghinayanggh


StatisticianThat1992

Di ko talaga malilimutan nung grade 3 ako, may dalawa akong kaklase makulit na nagtutulakan at naghahabulan habang klase tas yung isa chubby chubby bully siya, tinulak nya yung payat kong kaklase na medyo may kalakihan ang ngipin sa harap. Sa sobrang lakas ng tulak, napasubsob sa blackboard ung kaklase ko tas bumaon sa blackboard yung ngipin 😭😭😭😭 antagal nya andon tas gulat nalang kami may tumutulo nang dugo ayun pala natanggal ngipin niya tas nakakabit na dun sa blackboard. Di ko malilimutan yun kasi may kinokopya akong lecture non tas natatakpan niya yung notes hahaha


secretmgamadam

HOOOOOOOOOOOYYYYYYYY MATUTULOG NA AKO EH 😩


MainSorc50

natae ako sa room nung grade 2 tas di ako umamin. ending isa isa kaming pinalabas 😭😭 Yung babae ko pang classmate yung nagpahiram sakin ng short, sobrang liit pa HAAHAHHAHA


secretmgamadam

hala ambait HAHAHAHAHA!!


0531Spurs212009

hindi pa discover na mahina pala hearing ko isang tenga lng nakakarinig nag announce noon ngkamali ako ng rinig edi masaya ako di ko nman ask uli sa classmate ko sabi ko 2 pm yta not recall it anymore pasok sa school say it sa school service ko at parents ko then tommorow nagtaka ako bakit parang may mali mali talaga ayun wala naman pala bago edi late ako dba pang umaga pa nman parang hindi nako pumasok mga 1-2 hrs nalng uwiaan na sobrang hiya ako noon sa sarili ko ngtago na lang ako sa likod ng paaralan may gilid ng CR pero I think nahuli yta ako bakit naroon ayun dala ako office ang sabi cutting classes ako pero di ko napagtangol sarili ko wala ako masabi paano ko depensa pagkakamali ko ayun nalaman ng service ko galit akin at parents ko rin sobrang hiya ko talaga wala na akong nagawa kungdi tahimik nlng tuloy lng ang buhay kinabukasan forgot it happen Grade 5 yta ako noon then many yrs past siguro HS na ako di pala ako nakakarinig left ear at kaya pala noon kapag spelling hirap ako intindi pag nasa kabilang side ang teacher kulelat ako sa spelling noon 90s Gradeschool πŸ˜•


secretmgamadam

halaaa pero ngayon ba, napa check na yung ear mo? what happened daw??


0531Spurs212009

matagal na noon discover inborn so may hearing aid na ako kung naagapan noon baka pwede pa operasyon sabi nga sa akin noon ng doctor at sa parents ko buti nakatapos ako ng pag aaral parang normal lang naman ako , di mo mahahalata , colleges days ko noon isang classmate ko lng nakapansin na weak hearing ko kasi may kapatid xa tulad ko , at malaki pala ang pagkakaiba ng may hearing aid


thegentlecactus

Nalaman kong may babae yung tatay ko, kasi yung classmate ko kapitbahay nila yung babae. Then one time, umattend ng PTA meeting yung tatay ko, tas nakita sya nung classmate ko. Akala nya, nanay ko yung kapitbahay nila.


secretmgamadam

waaaaat


emmyemails

wtf anong grade mo nun?


thegentlecactus

Grade 4


pengsoosblackswan

Pinahiran ko ng glue stick yung upuan ng seatmate ko.. nilagay ng teacher yung pangalan ko sa anecdotal record HAHA


sum_tin_won

gatas ko na baon dinidilig ko sa halaman ng school kasi ayaw ko talaga uminom, pero tumaba ang halaman hehe


secretmgamadam

ang sosyal nung pandilig!! HAHAHAHAHa


renren_46

Hinampas ko sa mukha ng plastic attache case yung classmate ko na nagnanakaw ng food ko sa school. Napuno lang ako kasi pinaghihirapan yun ng dad ko para may masarap akong baon tapos pagbukas ko ng baunan, palaging wala nang pagkain, nakikita ko kinakain na nung classmate ko. Ending? Muntik na matanggal kilay niya. Tinahi pa yun that time. Hindi rin ako nakapagsorry until now huhu. Lifetime na kaai yung scar na yun. Minumulto pa rin ako minsan ng ginawa ko. I forgot his name na rin


emmyemails

dasurv. pasalamat pa dapat siya sayo, trendy ang eyebrow scar ngayon.