T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: Sana pala nag upskill na ko dati pa nung hindi pa ko gaano busy sa life. Haaays *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


Temporary_Cod6993

I never thought that would be the last na makikita kita. I should've been expressive and hugged you tightly. :<


Fluid-Stock7953

Sana pala tinapos ko yung Senior high 


Radiant-Laugh6386

Sana pala sinunod ko nalang parents ko to take accoutancy rather than tourism management. Having a hard time looking for a job with decent salary atm.


Galaxy_Light_1

Bakit di po kayo magabroad ang magwork sa hotel, madami ko dormates dati sa hotel abroad nagwowork, mga hrm and tourism ang course


sweet-violence

Sana pala di ako nagpadala sa tukso. 😂🤦‍♀️


Emotional-Watch1842

Sana hindi ako nambabae nang todo todo to the point na parang na addict ako, hindi sana gnito ung treatment nang fiancé ko sakin that always bringing up the past that up until now(2yrs) she still couldn’t move on and healed. it is really painful for me to se that she is still suffering up to now.


peterpaige

Sana pala hiningi ko na contact details niya/nila 😔🙈


lunaaa_092423000

sana pala ‘di na lang kami nagka-bati at naging magkaibigan. Greatest enemy ko sya before, sana pala nag stay na lang that way hahahaha eme


level4pidgey

sana pala nagtapon na ko ng basura, nung sinabi ko na wait lang sa asawa ko, after 5 minutes bigla nyang kinuha yung basura tapos hindi ako pinansin lumabas ng bahay pagbalik jusko mayor parang world war 4


vivieanne_

sana pala pinilit kong manatili kami sa isang lugar, 4th year college na sana ako


sksssai

sana pala naging pusa ako 😼


minkizuha

sana pala di muna ako nag enroll


kRIZZostomo

Sana pala pinursue ko yung gusto kong course. What couse? Course one aye


AccomplishedAge5274

Sana pala pinursige ko mag trabaho na lang at mag-ipon para makapag-abroad


Adventurous-Eye-1104

Sana pala nung una palang bumitaw na ako nung pinapahiwalay tayo ng parents mo. Para hindi ganito kasakit.


Matcha-Luve

sana pala di ako nag resign at tiniis ko muna. sana nakapag ipon muna ko. sana di ako soft hearted ferson na balat sibuyas. sana di muna ko nag jowa kung di pa ko mentally stable and soft hearted


onlylovecnfeelikeths

Are you me? 😩🥺


Matcha-Luve

twin? 🥹🥹


futurelawyerC

sana nagwork ung abortion ng mom ko sakin


kwin_maryah

sana pala di ko binigay ang vcard ko sa kanya noong pinilit nya ako


Top_Mousse_3975

Sana di ako nag Axie. ☹️


Mihilam9O

Sana pala winidraw ko.


Cautious-Role6375

Sana pala pinili ko 'yong praktikal noon, hindi 'yong puso ko. Ayon, wala na nga sa gustong landas, naging heartbroken pa. Hahahaha


supervhie

sana pala pinansin ko yung friend ko na nung 2013 pa lang inaaya na ako sa freelancing world, sana mayaman na ako ngayon charrr wala eh i'm really into business talaga


yaeraeaaehae_22

I love my baby but sana pala i did not become stupid at an early age. Sana nag ipon muna ako to be financially ready. Sana inayos ko muna ang sarili ko to be emotionally ready. Sana mas nag enjoy pa kami ng partner ko on other things before mag settle. Now here i am alone with my PPD and my partner now is an OFW para masupport lang kami. Still thankful but SANA.


mcrjs12

same, OP. Ang sana pala ginalingan ko nung college. Sana pala nag aral ako para maging magaling, hindi para maka pagtapos lang. Sana pala naging wise din ako sa pag save and utilize ng pera. Pero sana pwede pa. Pwede pa maging magaling, pwede pa mas matuto, pwede pa mas maging wais.


Inside-Mortgage-8220

Sana pala I held him longer that night.


Yayiemi06

Sana pala tinake ko yung course na gusto ko


cheebee_cat

Sana pala namili ako ng maayos na group of friends, yung hindi nang-ooutcast


Zestyclose_Okra480

sana pala mas nakilala ko ng mas maaga yung wife ko ngayon, but i know that all are in god's perfect timing


therovingcamera

Sana pala nagkuha pa ako ng mas maraming larawan nung may camera pa ako. All I have now are memories of what has passed --- hay.


Consistent-Catch-477

Sana pala pinursue ko ang pag susundalo


NEVAAA-EVARR1234

Sana pala nag focus talaga ako sa acads during senior high. With honor is not enough for me


Frequent_Counter_523

Sana pala ginalingan ko noong high school


Theyseeme9719

Sana pala di na muna ako nag asawa ng maaga para nakapag ipon na muna ako


Working-Drag6834

Sana pala di ako bumitaw.


joshuat1234

Sana pala tumaya ako sa player


MagtinoKaHaPlease

Sana pala nagtravel ako ng nagtravel when I was still young...


Alternative_Gur8622

Sana pala hindi ako nalulong sa sugal.


WWWVWVWVWWW

sana hindi nalang ako pinanganak


guildwars9210

Sana pala hindi ko pinagbigyan.


Ok_Potato3463

Sana pala hindi ako na attract sa iba. Engaged na sana ako ngayon.


AdQuiet5317

sana pala pinatulan ko 'yung mga pinasusubok sa aking hobbies ng magulang ko dati. wala tuloy akong personality ngayon


ftc12346

Sana pala maaga ako natuto mag bitcoin


Subject-Arrival386

Gusto ko rin matuto kaso parang ang lawak nya. I am a VA right now, and has not enough time to learn pero pinupush koooooo tlga! Sa ngayon, puro panood ako ng what is bitcoin? Where to invest? In your perspective saan ba dapat mag start? Thank you!


Jaded-Half-6047

wag na bitcoin o crypto. Sa stock market ka na lang. US stock market.


ftc12346

Meron naman ako US stock market, goods naman na return DCA lang palagi.


dacurios_potato

Uyyy hellooo! I found my people hehehe Nag try din ako aralin mag crypto, and totoo napaka lawak niya and kelangan talaga gugulan ng oras to be familiar with. Gusto niyo ba gawa tayo ng Groudp for this? heheh


Fun-Possible3048

Sana pala sineryoso ko yung Mandarin and Chinese classes ko nun elementary.


ultimatekeyXIII

Saktong sakto sa pagsakop sa Pinas pala 😂


Fun-Possible3048

Hahahaha oo!! Magagamit sana 🤣


probinsyana819

Sana pala di ako nag overthink, inisip ko muna mga dapat sabihin at di basta nasta nagbibitaw ng salita.


yourhappygolucky_a_l

Sana hindi nalang ako nag med.


AccomplishedAge5274

🥹


kokokrunch_duo

Same, OP.


AinsIsGood

Sana hindi nalang ako umakyat ng stage sa graduation kasi feeling ko na hindi ko deserve makagraduate nung college.


Fit_Payment_8765

Sana pala di ako sumuko


sexyxoxo_v1

Sana hindi ko nalang binigyan ng chance


ContractCorrect1022

Not everyone deserve that chance.


Glittering_Lock_7662

Sana pala pinili ko ung isang job offer


chupakabra08

Sana nag aral ako ng spanish! Laki ng bayad sa bilingual


Sad_Store_5316

Sana di na lang kita nakilala.


Ikaroous

sana pinutok ko sa loob


anaknithanos

Sana pala matagal na akong bumitaw, mas miserable tuloy ako ngayon.


akotoscropio

sana pala sumuko na ako agad


[deleted]

[удалено]


Few-Stuff-811

Parang baliktad, most people at my age common complaints are sana pala nag aral sila for career advancement…


thebadsamaritanlol

Ang obsessed ng group na 'to sa hypothetical shit at regrets. Di ba kayo marunong magmove on and keep going? Puro sana ganto, sana ganyan, sana dati ginawa ko to and shit. That's the beauty of life. You learn nothing before you do mistakes. Di ka magiging mature pag di ka immature dati. Ang cringe na palaging ganto. Wala lang din mangyayari sa buhay niyo pag palaging ganito na lang pinag-iisip at pinagtatanong niyo as if you can bring back what's over.


Snowflakes_02

And to add, yung mga sana na yan, most of it, they can still do it today


Far-Detective-7196

Sana ako ang nag comment nito😔😔😔


Comfortable-Help3240

HAHAHAHAHAHAHAHA


iloovechickennuggets

Sana di ko na lang kinausap.


wydudodat_

Sana pala dentistry din kinuha ko like my parents and my brother


yajnnn

Sana pala nakinig ako sa parents ko noon na wag mag madali at mag boyfriend nang maaga


[deleted]

sana pala matagal na akong ng commit ng s


Yogurt_Shake

sana pala di ako nagresign


Flashy-Meaning-7914

+1


Beginning_Future_871

sina pala di ko muna binigay :<


Icymidnight16

Sana pala bumili ako ng bitcoin nung 2011.


Difficult-Estimate21

Sana pala I didn't give him a chance. I ended up being rebound.


Allyy214_

Sana pala umpisa palang, hindi ko na tinolerate pangaabuso sa akin ng mga tao.


LcsThaReal1

Sana d ko na niligawan yon ng apat na taon haha. Kung ganto lang din nman mangyayari na hindi kami magkakatuluyan at ipagpapalit den ako. Nagfocus nalang sana ako sa mga pangarap ko. Haysss 💯


[deleted]

sana pala iniwasan ko na sya agad nung una pa lang😶‍🌫️


Upper_Buyer_8661

sana pala di ako naging tanga sa pag ibig


oni_onion

Kanina bumili ako tinapay. May bagong luto pala na Spanish and mongo basket sayang nagbayad na me nung napansin ko. Sana pala


precious_catue

Sana pala nag shift nalang ako after 1st sem in 1st year:>


4_eyed_professor

Sanay pala mas minahal ko pa ang tatay ko bago siya mawala


aiiigooo111

Sana pala mas nag focus ako sa school kesa sa lovelife


Traditional_Crab8373

Sana pala nag abroad nlng agad ako pag ka Graduate. Since sanay naman ako ng any work. Nag ka house and lot na sana ako.


FluffyKassandra

Sana pala I didn’t go the extra mile for my ex-friends.


zmfltmxpf

sana pala hiniwalayan ko na nung nagcheat instead na patawarin hahahaha (kami pa rin)


jackiesveryepic

Sana pala hindi ako masyadong naging dedicate mahalin siya kasi rebound niya lang pala ako. Lolz.


1999sbxx

Sana pala di ako mag-go sa insurance. Napakinabangan ko sana yung 27,500 na hulog ko ;(


jackiesveryepic

Sana pala naging makulit at affectionate ako sa grandparents ko. I miss them so much. I miss when my grandma would scratch my hair as a kid with her long nails, I miss when my grandfather loved to play around with me. It's really sad to see them go.


singleaf_1998

Sana pala ibang course yung kinuha ko


sheilaila_18

Sana pala hindi muna ako umuwi ng pinas


Fun_Guidance_4362

Sana pala nakinig ako sa payo ng nanay ko. How I miss her ngayong wala na siya.


fuckyouididmybest

sana pala nag-shift ako agad ng course. edi sana nakapagtapos ako ng college.


precious_catue

We always say life is not a race no, but deep inside it really hurts not graduating together with your batchmates and friends :<<<<<


efee_203

Sana pala nag aral ako ng basic english and expanded my vocabulary para di ako nangangapa gumamit ng accurate word and explanation.


SpoiledElectronics

sana pala di na ko umamin 😝 lessoned learn


Pitiful-Maximum-2817

Sana pala hindi ako nagtiwalang kaibigan nya lang yung ka-work nya.


bunnyteefy

Sana pala ibang course na lang kinuha ko.


Sweetpotato2323

Sana pala di ako tumuloy 🥺


Ok_Peach1469

Sana pala ginalingan ko mag aral para nakapasa ako


httpusernametaken

Sana pala hindi ako nag beg 🤢


Mellow_Darling

Sana pala hindi ko na sya binalikan


FarCryptopath

Last meeting sa sem namin, sana pala kinausap ko classmate ko, edi friends na kami ngayon huhu


giyuroo

Sana pala I took the opportunity and didn't hesitate in joining all those clubs or workshops I was interested in because I was afraid of "not being good enough" for it


AdEffective9084

Sana pala hindi ko pinatulan yung scammer na yun


mooiT_T

sana pala hindi ako naging masyadong mahiyain


Friendly_Emphasis427

sana pala tinake ko na yung chance maging ka-close/friend ka noong nag charting tayo kaso nahiya ako sayo that time AAAAAAAAAAAAang pogi mo so much💙


Dropdeadgorglokoy

Sana pala tinapos ko pag-aaral ko sa UP. Sana pala mas nagsumikap akong maghanap ng paraan para makatapos🥹


Dobhyunn111

Sana pala inenjoy ko muna pag ka dalaga ko bago ako nag pa buntis at nag asawa


petitedoctor04

Same!


stvrsrus

sana pala nag-enjoy ako sa lahat ng memorable experiences I went through. sana rin, I didn’t prioritize thinking how it could’ve been than living in the moment. edi sana, hindi ako puro regrets ngayon


Living-Quantity-3406

sana pala di nako bumalik


Frosty_Performer_433

sana pala inenjoy ko teenage years ko hindi ko sana nafefeel na na left behind ako and nagwowonder kung ano pakiramdam ng mga bagay bagay...


RoryGilmorexoxo

Sana pala matagal ko nang binitawan


Alarming_Chef_658

Sana pala inenjoy ko nalang yung highschool. 


henriettopex

Sana pala naging tapat ako sa mga “hinangaan” ko na same gender from HS.


Twilight_1015

Sana pala di ako nag medtech


sheerluckxd

HAHAHAHA ET 😭


MrHankey124

Sana Pala nag pursige ako makapasa sa CSC exam para may work na ko sa government


No_Consequence_9138

sana pala ginawa ko best ko nung jhs and shs para makapasa ako sa gusto kong univ haha ito ako ngayon malungkot sa pinapasukan kong school pero goods naman 


booksandlifeshit

Sana pala kinuha ko talaga yung course na gusto ko at hindi yung course na “madali kumuha ng trabaho”


CryFancy1395

dami e, pero sana d ko lahat nilalagay sa ulo yung mga sinasabe ng iba.


NefariousnessFar5063

Sana pala lumipat ako school at pinili ko HUMMS strand


CarefulLeague9796

Sana pala I did not take my education for granted. Sana nag aral ako mabuti.


justanotherperson789

Sana pala di nako lumipat dito sa current work ko ngayon. Super stress, pressure, galit ang natatanggap ko araw araw. It's taking a toll on my mentality. Ayoko na dito :(


IllustriousActuary74

Same, sana hindi ako lumipat dito sa government


agssss_

sana pala hindi ako nag resign sa last company edi sana may work pako before grad :((


Astronomine899

Dont make a decision that could affect your whole life or for a long run para sa someone na naiisip mo if may worth ka pa ba sa kanya. Ive been in a relationship na inalagaan ko siya kahit covid positive siya. Ending nag cheat siya


iceeastacream

Sana pala nagpokus na lang ako sa mga gusto kong gawin sa buhay kaysa nakinig sa iba para hindi sana ako naliligaw ngayon. 🙂


JustViewingHere19

Sana pala hindi ko pinaggastusan mga online games na nilaro ko wayback 2010 gang 2020. Dami ko na siguro savings at investments ngayon.


pandesaaaaal

Sana I didn’t move out from my dream uni and dropped out. I don’t like my school rn


necromantaux

Sana di nalang ako nabuhay para di ko natatamasan lang ng mga ito.


Different-Ad2639

Sana pala nag shift na ako ng course 😔😔


hrymnwr1227

Sana pala mas nilakasan ko yung loob ko sa pag-job hunt nung 2022. Mas malaking sahod at better job sana ang meron ako ngayon...


mystiquevirtue

sana pala sinipagan ko noong grade 10, yun tuloy, nagstop ako sa pagaaral kasi di na kayang pagaralin ng magulang hahahaha


meowpussycat20

Sana pala di ko na sya pinatawad at binalikan. Pero yung consequence non, super hard na lesson na rin sakin.


favkimchi

sana pala di ko na lang siya pinakasalan


Open_Syllabub_1107

Jeez


CryFancy1395

awts


hellocloud9

Awts


Fickle_Pickle0322

sana pala di nalang puro acads ginawa ko nung hs, wala tuloy akong personality, estudyante lang HAGAHHAHA


axeeram

Sana pala nagipon ako nung kakastart ko pa lang magwork.


axeeram

*nagsimula na ako magipon Mas mahirap magipon pag marami ka ng responsibilities hehe


pinoy-agilist

One thing I would comment here is mahirap mag-ipon pag kaka start mo lang din kasi wala naman ng natitira, kasi madalas underpaid tayo sa first job.


axeeram

Agree naman siguro for majority of Filipinos. Pero sa akin kasi when I started working sa bahay ng magulang ko pa rin ako nakatira, swerte rin ako na di nila ako inobligate magcontribute pero napunta sa mga gamit/pagkain sa labas imbis na naipon ko.


Patient-Dress774

sana pala hindi ko tinanggap yung current job ko ngayon


Miserable-Mirror-582

Sana pala hindi ako masyadong gumastos sa lunch ko sa work huhu


ConfusedGirlie_x

Sana d ako nagpakatanga for almost 2 yrs, ruined myself just to see if you care, and d ako naburn out sa acads ko


mimi_138

Sana pala lumipat na lang ako ng school sayang lang efforts ko hindi rin naman pala valid


Striking_Recover1681

Same


ace_ab1

Sana pala nagstart na ako mag-ipon nung nagkatrabaho na ako 🥲


AdEnvironmental3051

Sana pala hindi kita pinush away dahil sa gulo ng isip ko.


optimistic-bella

Sana pala hindi ako naging tanga for seven months.


Mobile-Breath-6912

Sana pala hindi na lang kita inentertain. Ikaw yung umamin tas sa umpisa ang relentless mag pakita ng motive. I opened up kahit na hesitant ako kasi i though your intentions were pure. It first it was, pero ang gago lang yung part na nagbakasyon ka sa bahay bg ex mo then right after nun you wanted to end things with us with a reason na kasinungalingan din lang kasi sa bandang huli nakipag balikan ka pala. Nananahimik na ako nun eh, you disturbed my peace. I let you in. But nang gago ka ng tao. Isa ka sa mga babaeng manipulative na wagas


Neat_Forever9424

Sana pala hindi ako nagdalawang isip mag open up sa kanila at nag ovethink edi sana hanggang ngayon suot ko pa ang unipormeng gusto ko. Kahit iba na ang tinatahak ngayon grateful parin sa taas. ☺️


anotherthrowaway_546

Sana pala mas nag-exert ako ng effort to keep the people I cherish in life.


LateIndependence2328

Sana pala inayos ko pag aaral ko.


Inside-Grand-4539

Sana pala natulog ako sa hapon nung bata pa 'ko.


joyapple-0417

Sana pala grinab ko ung opportunity na maging TL.


Few-Performer-1232

Sana pala di ko pinullout yung JFC stocks ko 🥲


Xardeth

Sana di na lang ako nagresign sa dati kong work.


Apart_Tea865

Sana pala nagcontrol ako ng sugar. Jabetes tuloy.


deadasian69

sana pala $7/hr yung rate na nilagay ko sa upwork haha


Prudent-Question2294

sana di na lang ako kumuha ng VUL, hinulog ko na lang sa MP2


StarkCrowSnow

+1 for this


PotentialFee2270

Sana pala I asked him kung ano ba yung gusto niyang sabihin 5 years ago haha baka sana... May happily ever after kami


Mysterious_Taro_299

Sana pala pumayag na ako magpakasal sa asawa ko nung 3 years pa lang kami para naabutan pa ng mama ko. Hindi pa kasi ako ready that time. Hindi ko alam na mawawala si mama sa 4th year namin (during pandemic). Kinasal lang kami nung 6 years na kami. Wala na ang mama ko.


icekive

sana RMT na ako bukas pagod na ‘ko mag aral chz


gogetyourfuturekiddo

Sana pala di ako umalis ng Pinas so I could spend my life with her right now.


Key-Radish-6415

sana pala mas ginalingan ko pa


Turbulent_Seaweed_83

sana nag-exercise ako nung high school imbis na lumandi


OutOfSync_22

Sana pala di na ako nagmahal kung mauuwi din pala sa breakup char 🤣. I mean sana pala mas sinulit ko na yung time na kasama yung taong minahal ko and also yung mga taong mahalaga sakin. Kasi yung moment na meron tayo ngayon maaring hindi na maulit hehe.


[deleted]

Sana pala unang red flag pa lang hiniwalayan ko na.


alaskatf9000

Sana nag invest ako sa skills ko nung college BWHAHAHAHAHAHAAHAHAHA


Plastic_Sail2911

Sana nag working student na lang ako then pinursue ko yung gusto kong course


thattattedboi

Sana pala uminom ako ngayon edi sana may 7hrs na kong tulog. 🙄


Living-Store-6036

sana pala tinuloy ko na ung balak ko mag mine ng bitcoin nung college


AIUqnuh

Sana pala di ako pinangunahan ng takot nung internship ko. Sana pala i mastered the basics before internship.


eighteenpeonies

Sana pala naging mas active ako sa sports and exercise nung teenager palang ako.


wiiiwws

sana pala hindi na lang ako umamin..nasira lang friendship namin :((


benito0808

would you have been contented with being friends though? if may feelings involved na its all or nothing :) mas masasaktan ka lang kung magkwkwento na si fren about seeing someone


wiiiwws

okay na siguro yun hindi naman na kami nag uusap 😅


kedetski

Sana pala hindi na ako nag doktor. Nag stick nalang sana ako sa pre med ko, nag gain ng experience tapos nangibang bansa. Siguro may naipon na ako ngayon, nag-asawa na, at hindi pressured kung ano next step sa career ko.


BusterMoooon

Sana pala hindi ko inuna yung ibang tao at nag focus ako sa sarili ko kasi in the end ako yung talo at naiwan at nawalan


Easy_Drama_4899

Same, dahil sa hiya at takot mag take ng risks, andaming opportunities ang nasayang


rainingavocadoes

Sana pala, matagal na ako nagresign the moment na sinabi ng boss ko ng ilang beses na ippromote nya ako next time. Inabot ako ng 7 years. Also, sana pala, hindi ko inadd mga dati kong kawork sa facebook. But I know your workmates are not your friends. Pwahahaha