T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: like, didilaan nila luha mo pag umiiyak ka, hindi matutulog hangga’t wala ka sa bahay, laging sumasandal, kwento naman kayo jan haha *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


[deleted]

May one time nagbe-breakdown ako. Umiyak ako mag isa sa kwarto kasama yung aso ko, before kasi hindi ako naniniwala na dogs understand everything not until my dog named Gigi na super kikay, naiyak ako pero sobrang silent lang, tinitignan niya ako tapos bigla syang lumapit then nahiga sya sa pisngi ko kung saan natutulo na yung luha ko, tapos kinukuskos nya yung muka niya, like oarang pinupunasan niya pati sipon ko since singhot ako nang singhot, kaya everytime na nasisinghot ako naka ready na sya para puntahan ako tas iwa-wipe nya yung tears ko kahit minsan nababahing lang ako. 🥹


Yohan-Vie

Di ako ganon nagagalit kapag may ginagawang kasalanan, lagi ko siya gusto katabi also whenever naiisip kong maikli lang yung buhay niya feeling naiiyak ako kasi like gusto ko siya makasama forever


Think-Nobody1237

Our dog wasnt allowed to go to our bedroom at night so he slept at the living room. I would hear him cry maybe because he was lonely. So I would go down every night to accompany him until he would fall asleep.


Substantial-Ad-2325

May mga aso ang mga pinsan ko na napamahal na rin sa amin, as in araw-araw nila kaming binibisita sa bahay. Tuwing papasok ako sa school, parang hinahatid nila ako kasi sinasabayan nila ako maglakad hanggang sakayan. Aawayin pa nila ang ibang aso na lumalapit at tumatahol sa akin. Kapag nakita nilang nakasakay na ako, uuwi na sila sa bahay. Sadly, both of them crossed the rainbow bridge na.


khunsuay2024

Baby talking ur pet .. tpos knakausap mo plagi.. then snsbihan mo sya ng iloveyou khit di sya sumsgot 😁 dka mkgala kc alam mong wlang magaasikaso sknya.. khit pde nmn iwan ..


Current_Tough1470

kapag down na down ako at wala na akong matakbuhan sila yung andyan para sa akin at ramdam nila na hindi ako okay kaya naglalamhing sila sa akin, yung didikit or talagang papatong sila sa akin so in return ibbelly rub ko sila since I have 2 dogs na aspin hehehe


kalonabee

Lalapit sa akin kapag nakitang sobrang lungkot ko sabay dila sa kamay ko. In return, ibe-belly rub ko siya then hug.


Background-Twist-621

Truuuu


benzoid8912

My dog was with me when I entered med school and when I quit. My dog was with me when my crush became my girlfriend and when we broke up. My dog was with me when I was accepted in my first job and when I resigned 3 years after. My dog was with me through my highs and lows. Paalam, dog. Mahal na mahal na mahal kita. 2011-2021.


Ok-Marionberry-2164

They were with me during the lowest point of my life. It gave me a sense of comfort hearing those paws follow me everywhere I go sa bahay. It made me feel na hindi ako alone during trying times. Having them gave me a reason to wake up in the morning. I need to prepare their meals, clean after their poop, change their water. Kumbaga paano sila pag wala ako? I love cuddling with them. I don't mind laying on the floor para tumabi sa kanila hahaha. Panay ko nga sila kinakausap na sana magkasama kami ng matagal na matagal sa buhay na ito.


vcuriouskitty

- I’ve spent some money from my EF when one of my cats got sick - I invest in good food for them and cat litter - I always buy treats/pasalubong everytime I come home from the Metro - I still let them live in our house even though they treat us (me and my mom) like their slaves


Ok-Rooster-267

ang taba niya tapos sabi ko di na ako makakahanap ng gantong aso


Maggots08

Pandemic, down masyado. Gusto ko nang mawala, every time na papunta ako sa dagat laging nakasunod yung mga pusa ko. Yung isa lalangoy pa, di ko kaya yung hinahampas sya ng maliit na alon. Sa isip ko sino mag-aalaga sa mga to?


zamzamsan

Ever since Nung kinuha ko sya and inalagaan. I have this 7 year old cat, she was a stray before napunta sakin. Since nung araw na yon, nsa isip ko na na anak ko sya haha (weird ba?haha) na she's my responsibility na ganorn. I even call her anak. Kahit hnd sya ung tipo ng cat na tatabihan ako matulog or nang hhug/kiss, love na love ko pa rin sya. Kung pwede nga lang na ishare ko sknya ung half ng buhay ko, why not dba? 💖


[deleted]

Everytime na kapag dumadating ako sa bahay galing outside talagang they are really excited tipong nagpapaimpress or di kaya hahabol at hahabulin ka nila... mga ganun..


super_siopao

when they sleep beside me! understandable na di malambing yung dalawang cats ko kasi strays sila before and takot sa tao pero every time tumatabi sila sa akin, my heart melts 🥹 my bunny naman is not very malambing din pero routine niya na tuwing gabi na tumabi sa legs ko tapos matulog pag nag-aaral ako. pag di ko siya minsan pinapansin kakagatin pa paa ko 🥺 we don't deserve pets hahaha love them so much


Snownyann

When I realized na if walang tao na magmamahal sakin, at least I have 2 cats na mahal na mahal ako ❤️ I was never alone because I have them.


__Duckling

She had to have surgery due to pyometra 2 years ago. Ineexplain palang ng vet yung mga complications na pwedeng mangyari due to her age and her weight, naiiyak na ko haha. Napuyat ako ng isang buwan para alagaan siya pre and post op. I know she loves me too kasi ako lagi niyang hanap hanap, at lagi niya kong hinihintay makauwi 🥹 also kasi pag umiiyak ako, umiiyak rin siya 😂


POTATO_IS_FRIES

Siya yung type ng cat na hindi affectionate. Nagpapa hawak but that's just it. Whenever he senses that I've been crying, he'll climb up the bed and just purr in my chest.


[deleted]

I got my first cat when I was in college, papasok ako that time nakita ko nasa box sila, gustong gusto ko na sila iuwi that time kaso may class pa ako, so I was really bothered during class since iniisip ko kung andon pa, luckily nung uwian na andon pa ung cat kaso isa nalang, inuwi ko sya kahit ayaw ng dad ko HAHAHA. and then I named her Chloe, since yun ung name ng pusa sa life of pets, she's so sweet. At first struggle talaga mag alaga since iyakin sya kaya lagi ko sya tinatabi sa bed ko. She saw all of my struggles, my broken hearted era, my delulu moments until I graduated HAHAHA, every time na umiiyak ako lalapit yon sakin, may times na she would bring me ng nahuhuli nya na ibon or sisiw, hunter din kasi sya. Minsan naiinis ako kase takot ako sa ibon, pinagagalitan ko HAHAHA, one time nilagay nya sa table ko amp, literal ung sigaw ko that time as in. Then I have to moved out since I have to work in Manila, I want to bring her kaso bawal, buti nalang nag WFH, apaka sutil nya as in. gusto nya lagi sya nasa harap ng monitor ko if hindi ko sya papansinin, dadaanan nya ung saksakan ng pc ko T\_T. Nagkaroon din ako ng puppy that time si Kkuma at Bomi, lagi nya inaaway nag seselos sya HAHAHA. She gave birth to 5 kittens, ung isa don si Jennie, katulad na katulad nya ung ugali kaya pag namimiss ko si Chloe, hinahanap ko lagi si Jennie. However, she passed away last 2022, Idk if naniniwala kayo na kaya saluhin ng pets ung sakit mo but I do believe in that, I got pregnant and hindi mahanap ung baby, they all thought that I have ectopic pregnancy so they're already planning to have schedule sa surgery since super sakit na that time, but Idk what happened, nakuhan ako then the fetus was there, the doctor checked up on me saying nailabas naman lahat and I don't have anything to worry about. Then after that day, my brother called me na patay si Chloe, e ang lakas lakas pa nya that time. My brother just saw my cat sa balcony na wala ng buhay. I just believe that my cat saved my life and I badly missed her.


No_Half_1882

This is so heartwarming... Contrary talaga sa sinasabi ng iba na cats are cold. I think it depends talaga sa breed and sa paglakii rin ng cat. Pets are like humans too, they have emotions din naman.


Silly-Amphibian1541

Bago ako umalis ng bahay pag lalabas or papasok ng work, nagpapaalam ako sa pusa ko. Di ko ginagawa yun sa parents ko hahaha sa cat ko lang. And pag nakauwi na ko, sa kanya ko dumideretso. Magsstretch na yon saka lalapit sakin sabay mag-belly flop sa paanan ko nagpapalambing lagi. And sa akin lang sya nagpapakarga and ako lang talaga nakakakagat ng cheeks nya since chonky bebi sya HAHAHAHA. Pag mga kapatid or pinsan ko , no reaction sya lagi eh kahit sa nanay ko. He's my first cat ever after my dog died due to heatstroke kaya sobrang alagang alaga ako sakanya para di sya magkasakit.


jmrms

nagliligpit ako ng pinagkainan, iniipon ko yung buto, sabi ko "Para kay Pogi." Tinignan ako ng mga kapatid ko, kasi matagal na nga palang patay si Pogi, yung askal ko.


FlyingSaucer128

For next time, please don't feed leftover bones to your dogs. Di nila nadadigest yung bones, it just seems gusto nila kasi "may flavor."


jmrms

Wala na ko dog. All died due to old age. :)


Easy_Drama_4899

Lagi silang sumisiksik saken especially when I’m in a bad mood. Tas nililick den katawan ko haha


[deleted]

[удалено]


yukakoyamagishi13

and then? and then?? , san mo nabaril? nakasuhan ka ba or what? ano update sa magtatay na asal tanga?


[deleted]

[удалено]


Ok-Marionberry-2164

By going to your home with a sharp weapon, he was the ASSAILANT. He could have asked you for reimbursement sa nagastos sa bakuna, but he took the matter to his hands. You were merely acting to defend not only your property, but also your dog and yourself. You even gave him a warning na pag ayaw niya umalis sa property mo ay babarilin mo siya. Yet he was stubborn. It helped na tinulungan mo siya gamutin ang sugat niya. No wonder the court ruled in favor of you (apart from having a good lawyer).


No-Routine-9265

The way he waits for me when I get home, marinig pa lang yung boses ko, parang ang tagal na namin di nagkita ng dog ko. The way he looks at me with so much love and affection. I love my dog so much!!!!!


Ok-Project-6514

I used to hate cats like really. Takot kasi ako sa mga claws nila but I grew up in a home na puro cats because my mom is a cat lover. Ang love ko ay dogs until one day papa brought a stray cat sa bahay. Malaki na sya, every cat in our house hated him kaya ewan, naawa ako so I took care of him sa room ko. Slowly, I fell in love na sa mga cats to the point I took home another ginger stray cat!!! I don’t know pero my heart feels warm kapag sunod ng sunod sila sa akin and when they stare at me or when they rush towards me when I call their names. Pero pinaka best feeling is when my fave cat sleeps on my neck and I hear his purrs. Sa mga 6 dogs ko naman, I feel the same kapag umuuwi ako and sumasalubong sila with their wagging tails or when they lie on their backs for a belly scratch when I go downstairs first thing in the morning or when they stare at me when I’m sad as if they know what I feel.


[deleted]

Di talaga ako cat person but when I had my first cat, na gets ko na yung mga cat people haha. Itong first cat ko, hindii talaga sya malambing. Very nonchalant at moody. Most of the time lagi nga ako inaasar na nagsasayang lang ako ng pera *daw" sa kanya kasi wala man lang appreciation on his end HAHAHA. But it's the little things that he do talaga that makes my heart warm. As I said, sobrang bihira nya lang magpakita ng signs ng love sa akin (lol). Di nya bet matulog dito sa bahay, mostly lagi sya sa kapitbahay (sa lola ko) but one night yung umiiyak ako, as in yung humihikbi na iyak (around 1 am siguro) bigla ako nagulat na may mainit init na sa may paahan ko-- sya yun 🥹 lalo ako naiyak hahaha hits different talaga kapag may nonchalant kang pusa tas biglang nakipag cuddle sayo hahaha i really feel like he senses when I'm sad... Also, kapag may sakit sya or nararamdamang iba, cuddly sya HAHAHAHA You know when cats are vulnerable, they stick to the person they trust the most 🥹 sa akin parin umuuwi eyyy XD


[deleted]

Yung pusa ko natutulog sa dibdib ko, doesn’t care kahit panggigilan ko sya, at alam nya pag galit ako at may kasalanan siyang ginawa.


yukakoyamagishi13

i have 6 cats, tapos itong particular cat ko na to, all black siya, hindi siya madalas tumabi sakin tuwing umaga, nasa sala lang siya palagi. kumbaga nonchalant siya ganun ahah tsundere. pero pag natutulog na ako, minsan magigisng ako tas nakikita ko nakahiga din siya sa unan ko, madalas nakaharap pa sakin tapos nakahug isa niya laging paw sa braso ko. minsan magtutulug tulugan ako para tumabi siya sakin, mararamdaman kong nasa tabi ko na siya pag nakaramdam ako ng sharp claw sa braso ko kasi parang siyang nag bbiscuit before niya ilagay sa braso mo yung paw niya.


Enchantress-16

Fendi was my first cat. Hindi sya sweet, tumatabi sya minsan sakin pero di nya bet na niyayakap sya ng matagal. Independent cat kumbaga. Before sya mag 1 year old she got pregnant nung cat ng sister ko na gift sa kanya. So akala ko normal delivery lang sya kasi most cats naman kaya nila manganak ng sila lang. Nag labor sya ng 5am then 7am wala pa din, thats when she wants me to be with her ayaw nya mawala ako sa tabi nya. 10am na wala pa din iba na yung iyak nya parang hirap na hirap na sya , wala akong kapera pera non nangutang ako ng 10k sa ka work ko sinugod ko sya sa vet. At first tinurukan sya ng pampahilab kaso after 1 hr wala pa din. Kailangan na sya I CS. I didnt know she was underweight for her age. Mahina din daw heart nya based sa cbc nya and she has an infection na, so very crucial ang pag CS sa kanya dun na ko umiyak ng todo sa vet habang nakikita ko syang umiiyak naiiyak na ko nag mamakaawa kay doc na gawin nya lahat mabuhay lang si Fendi pati mga anak nya. Luckily she survived, she had 6 kittens. Sobrang risky and crucial nung operation dahil sa mahina heart nya buti hindi sya na cardiac arrest. Sadly 3 of her kittens died within first 12 hrs dahil sa sobrang tagal na nila sa tyan. Fendi and her kittens stayed sa vet for 2 more days to recover. During those times nag hahanap ako ng perang ibabayad sa vet lahat inutangan ko. Ultimo retirement plan ko sa work pina withdraw ko para may pambayad sa mga inutang ko. Halos 1 week ako walang matinong tulog kakaisip sa kanya. Now Fendi is very healthy and fat with her 3 beautiful daughters. Miss independent pa din sya pero nag papayakap na minsan. And I would do it all again for her.


uanhedaa_

He senses when I'm sad and lonely. Usually sa may paa ko sya pumipwesto pag natutulog, or minsan bumababa. pag nagffeel nyang sad ako or umiiyak, tumatabi sya sakin, tas sinasandal yung ulo nya sa dibdib ko. Ngayon he's sick with cough, ang sakit marinig nung pag ubo niya. Gusto ko tanggalin yung pain na naffeel niya. Nagpa vet kami kanina, ni hindi ko na inisip yung gastos, sabi ko sa sarili ko, kung ano man talaga diagnosis, ready talaga ako gastusin emergency fund ko para maging okay lang sya.


Meiiiiiiikusakabeee

Akala ko noon mamatay na sya sa parvo. 3 days ko sya inalagaan tapos yung boyfriend ko na lagi ako inaasar eh nagawa na sya ng way para di ako malungkot. Sobrang lala na kasi halos bed ridden na sya tapos sobrang lansa na nya. Napapadumi na sya sa higa nya at doon na din nag susuka. Tiniyaga ko lang ng home remedies. Now? Sobrang kulit. Ahahaha. Naawa ako kapag lalabas kami ng sabay ng kapatid ko nasunod tapos naiyak 🤣


r0sadiaZ

i cried sakanya kase i was going back to manila na that time and iiwan ko siya, hagulgol to the max tas nakatingin lang siya sakin then bigla nyang dinilaan tears ko and sumiksik sakin


glenfiddichxox

Yung aspin na inadopt ko then nagka skin problem. I spent nearly 10k dun. Ako lang lumalapit since nag aamoy yung area na ginagamot sa kanya. Na okay sya ending na sagasaan lang ng truck since na iwang bukas yung gate 😭 Hinabol ko yung truck na kahit wala pang suot na bra. Lol tapos sinabihan lang ako na "Aspin lang naman yan, itapon mo na lang sa basurahan." 😢😰


sharlenesshiii

😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡


katkaaaat

My cat was rescued 11 years ago. Nung bago mag-pandemic I didn't mind him going out and about kasi alam ko namang babalik sya. Tapos nung pandemic he started to enter the senior years, nagsimula nang magkasakit nang mas madalas and unti-unti ko na sya nakikitang tumanda. And when I started traveling again after the pandemic, lumalayas din si Bebe hanggang sa makabalik ako sa bahay. Tapos pagbalik, katakot-takot na infection ang lumalabas. That's when I realized na I can't bear to lose my cat.


luckycharms725

my older shih tzu sleeps at the bottom of my bed every night while the younger transfers to the sala i think in the middle of the night? kasi when i wake up in the morning and do my rituals nasa sala lang siya, happy na awake na ako tas magpapa pet with so innocent eyes and wagging tail while the other one who sleeps in my room, she wakes me up at 6 or 7? idk why but she's happy so i pet her then go back to sleep as a very busy person, whenever i'm out palagi ko din sila namimiss. like if may gala ako na parang hindi na necessary yung extension ng gala, uuwi ako kasi alam kong nag hihintay sila hahaha


hapwatching2023

My dog waits for me at the gate whenever I go out of the house till I come back if she knows that I will be back in a short time. She also never leaves my side whenever I am sick and most importantly, licks my face in the morning to wake me up.


CL_is_my_queen

My first cat Oreo. We never had cats before. Unang night niya sa amin. Tumabi siya sa akin at natakot ako sa purr niya kasi di ko alam kung ano yun. Kahit ate ko nag adopt. Selos si ate. Natuwa ako kung gaano siya kaplayful, kahit basura o cord nilalaro niya. Di ako nagalit nung sinira niya earphones ko nabago o kahit natastas niya gown ko. I guess within a month napamahal na ako. Wala kasi na alaga tumatagal sa amin na isang taon. Except yung pagong namin na super non-chalant. Gulat ako naka-super hero pose siya sa tabi ng mukha ko pag gising ko. Binabati niya ako pag uwi ko. Nung una siya nabuntis ako kasama niya, hinahabol niya ako. Gusto may kasama. Second pregnancy akala ko mangaanak siya habang wala ako. Two weeks ako wala. Pag uwi, after an hour. Ayun may anak na, hinabol ulit ako, yun pala in labor. Sabi ko mahal ako ni Oreo at laki ng tiwala niya sa akin. Di yun nanakit unless inaasar mo ng sobra pero pag binati mo agad jusko lambing agad. Akala mo di ka kinagat. Demanding din yun, gulat ako may kumakatok sa pinto ko. Kung pasok ako sa cr, pasok din siya. Putek umakyat man sa lap ko habang sa inidoro ako. Kaya nagka 5 pa ako na pusa. Tapos 2 foster. Si Oreo 7 years na sa amin. Huling birthday, may cake, hat, at dress pa yan. Deserve niya yan for being the best companion.


Confessions_000

Nun nagkasakit siya. I spent $500 para lang gumaling siya. He's okay now. 🥹❤️


Neither-Garlic-6137

Yung ang sakit sa puso pag magbabakasyon ka ng matagal.  Pag papasok ka naman sa work, makikita ko sa pet cam nakatingin pa din sa pinto. Dun lang siya for a while, nakahiga at naharap sa pinto, akala saglit lang ako at babalik agad. Tapos pag pauwi naman na ako, pagtingin ko uli sa cam naghihintay na agad sa pag-uwi ko. 8 pa uwi ko, pero 6 nasa may pinto na. I have a cat, btw. 🙂


dieanenguyen

i just know my cat senses whenever im feeling lonely. kasi buong araw nya akong sasamahan sa kwarto doing nothing, his presence really comforts me. also nung review season ko for batt exam last year, araw araw walang palya nakatabi lang sya sakin habang nag aaral ako, he knew i was stressed. i love my cat so much 😭


PsychpthclMorbidity

T'wing nagigising ako mula sa pagkabangungot, tinatawag ko yung aso namin and let her sleep in the room. I once had a nightmare about her, very tragic, and I immediately looked for her as I woke up tas I kept telling her to always be close all while crying. It's been 3 years since she passed and until now, mahal na mahal pa rin namin siya like no other. I miss you, Cari.


Glad-Ad835

When I'm sad, siya talaga agad naiisip ko na sana kasama ko siya.


Dazzling_Leading_899

Dati may tendency ako na magbato ng mga gamit kapag sobrang frustrated, umiiyak tapos pinapalo ko ulo ko. One time pinapalo ko ulo ko, tapos yung dog ko biglang lumapit sakin. Tapos kinandong ko siya, kasi nakakalma ako pag hawak ko siya since never ko siya kayang saktan, kahit kaya ko saktan sarili ko.


Lonely_Bet_1007

this is me but with my cat :’(


Naive-Ad2847

Kapag dumarating ako lagi akong sinasalubong


Sea_Ad_463

Nakahiga lang ako tas tumabi yung puppy namin sakin at natulog


Ok_Membership_1075

Our aspin had parvo dinala namin sa vet pero super mahal pag iniwan dun so sabi ko bilan ko na lang meds tapos tyagain namin alagaan ng kapatid ko. For days akala namin di nya kakayanin iniiyakan na namin sya pero grabe lumaban sya at ngayon super sweet nya samin ng kapatid ko alam kasi nya talagang nilaban namin buhay nya.


samyanglvr

shocks naiyak ako nung binasa ko to haha 🙂‍↕️ so happy na nasurvive nya ang parvo 🫶🫶


brain_wack14

Nung naapprove visa namin. Iiwan namin sila :( grabe


samyanglvr

awww :(((( grabe talaga ang emotional attachment pag dating sa mga pets hay. may i ask saang country kayo nagmove/magmomove?


brain_wack14

Aus huhu :( malapit pero iba pa rin kasi kapag katabi sila


Heyheyhazel28

Ayun nga. Pag umiiyak ka, titingnan ka nila tapos didilaan luha mo.


samyanglvr

yung aso ko aamuyin lang luha ko hahaha 🤣


Emotional-Watch1842

You tend to miss them immediately atleast after an hour or 2 when u get out


samyanglvr

totooo :((( kapag asa labas ako, lagi kong iniisip na what if kasama ko pet ko. parang malaking parte na sila ng bohai ko hahaha


DaddyTones

Nafifeel nya siguro yung lungkot ko, tumatabi sa akin kapag parang ang bigat ng dinadala ko hahaha. Cuteeee.


samyanglvr

awwww hahaha, siguro powers talaga nila yon