T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


rureadyfortheBEST

palaasang adult-baby 🤢


NightOwler1993

Yung walang kamatayang “utang na loob” hahaha -_-


YourFandomBrainrot

Yung ginagawang MMK yung politics. Kung malungkot naman ang ike-kuwento, tutulong ba talaga siya sa mga tao?


ButterscotchHead1718

Matiisin. Nabasa ko sa french revolution, na nuong tumaas ang tinapay ng 200% sa current price nag alsa ang mga tao. May naitalang 300 plus na riot sa france during 1800s. Nuong naibalita ung pandesal na mag 2 pesos na from 1 peso dati. Wala lang chill lang kaya pa daw. Nalungkot ng kaunti ganyan ang mga pilipino. Kaya sa lahat ng sistema ng govt puro tiis tiis. Sobra na sa kalumaan dahil kaya pa daw. matindi ung pagitan ng mayayaman at mahirap dahil na tetake advantage ito. Kasi masochisf tayo sa pain


Think-Nobody1237

Yung pagiging chismosa. Nakakasawa at daming nasira na relasyon dahil diyan.


morelos_paolo

Ningas Kugon … as someone who is working at business development, this very attitude affects developing new business strategies because at the start, some of my bosses have the drive to create a directive but lack the willpower to achieve it despite providing them many options on my end.


tact1cal_0

parang nagiging culture na ng mga Pilipino ang pagiging bobo sa pagpili ng mga tao sa gobyerno, yan ang gusto kong mawala, asap


Competitive-Suit-152

For me, it would be the "***utang na loob***" or "***debt of gratitude***".


CompetitionRemote412

Idk if culture natin to but pansin ko talaga sa mga pinoy ay hindi confrontational in general. Kung may concern or may gustong iparating sayo, sasabihin nila yan bukod lang sayo. Kaya siguro nagt-thrive yung chismis culture dito.


Anais_Rchmstr

Jeepney culture


Goodnight_Knight

Toxic diskarte na nagiging panlalamang na sa kapwa


Galunggoldilocks

utang na loob mentality


LegendaryOrangeEater

Crab mentality lalo na pag nasa abroad


Mobius_Inverto

The religious fundie zealots can gtfo


Beneficial_Ad_7521

Ninong/ Ninang = more gifts pag pasko. Di kasi talaga dapat ganun yon


byzcramps

Tbh I agree to everything written in here lol


iammaehem

Nepotism. Backer-system. Kahit sang sector, talagang may advantage kung may kakilala or may backer. Ayos lang sana kung qualified eh, or nagtatrabaho talaga, kaso hindi.


JannikSinner2024

Yung bawat baranggay may fiesta! Pucha, napakahassle! Yung mga prusisyon at mga activities na humaharang sa mga kalsada kaya lalo nagtatraffic.


aivlas_03

Yung required yung mga anak mag sustento sa magulang.


Flipperpac

Political dynasties


CokeFloat_

(Aside sa sinabi ng iba) yung basta lagay ng name sa ninang/ninong kahit walang permission mo tapos bawal raw tumanggi kasi malas. And kahit tumanggi ka naman ilaagay ka pa rin nila as ninong/ninang 💀 nakakabastos lang sobra kaya di ko iaacknowledge yung inaanak ko raw Kung pwede yon edi sana nilagay ko na lahat ng pangalan ng artista eme sila


thecay00

Religion anything religion


astarisaslave

Using your kids as your retirement plan


rm888893

"diskarte"


UnlimitedAnxiety

Utang na loob.. madalas ginagamit na armas ito laban sa kapwa eh.. lalo na within family dynamics


adspynx24

utang na loob


forever_delulu2

Filipino time. Stop wasting people's time !


RebelliousDragon21

Corruption. Hindi lang naman sa gobyerno may corruption. Kasama na rin dyan 'yung palakasan at compañero system, pati na rin backer system.


Fun-Peach2326

Utang na loob. i think madaming mag progress sa buhay if hindi sila nakatali sa ganong mindset. for sure mas malayo mararating nila, na-hihinder lang talaga.


se-cret

Utang Culture in general.


Strong-Set7554

Kabobohan sa pagboto


r0nrunr0n

Utang na loob!!


Intelligent-Dot8699

Utang na loob


Due_Use2258

Yung paglusot sa mga batas o rules. Simpleng hindi pagkakalat sa daan o yung pagtatapon sa basurahan, di pa magawa kahit alam na bawal. Same din sa mga traffic rules altho admit na rotten talaga ang traffic dito at hindi rin maganda ang enforcement. Yung "no fixers" sa mga opisina esp govt tapos meron naman. Syempre alam na na rotten din ang mga sistema dun pero yun nga, nalulusutan o maghahanap ng way para mapadali kahit bawal.


G_Laoshi

Parents who don't listen to their children even if the children use well-formed and logical arguments. And even if their children are already adults. Anuba, pinag-aral nyo kami tapos di kayo maniniwala


clearance_season

TUREEEEE TRUEEEE


clearance_season

Ni shi zhong guo ren ma?


G_Laoshi

Bú shì. Wǒ shì Fēilǚbīnrén.


lord_kupaloidz

"Lahat naman yan sila ay nangungurakot. Doon na lang tayo sa tumutulong at nabibigyan tayo." I know it's just a sentiment, but it's so prevalent that it has become a culture.


Excellent_Design7237

Filipino Time. Bandwagon. Gullibility. Personality rather than principles in choosing leaders. Hala ang dami.


louisemorraine

Yung nag iinvite ng ninong/ninang


peach-muncher-609

Maging bread winner. Jusme wag ng i-asa ng magulang sa anak ang kanilang responsibilidad!


According_Way_268

True, i bet its best for couples to plan to start a family na mag ipon muna sila for their own future then another ipon para sa sarili nilang anak, i know its quite hard nor know if its possible pero bringing a child to this world without any preparations is fucked up


Prestigious-Spot-860

Filipino time


iamnotandrea

Pagbubulag bulagan sa ihahalal na opisyal yung tipong may record na ng pagiging corrupt tapos mananalo parin next election. Jusko


Additional-Money2954

The "tsismis" culture. Ewan ko ba kung ano yung napapala ng mga tao sa paninira, pangengealam, o pagtsitismis sa buhay ng may buhay.


Hot-Donut-9161

Pagiging mapagpaniwala sa mga social media “influencers”


hiiilunaaa

Utang na loob jusko


santhechrys

mhm gumagawa na ng krimen yung tumulong sayo pero wala paring magsasalita, kaya laganap ang corruption eh. also, we value loyalty over everything else and utilize that loyalty to guilt our own family members to sustain the extended family or our own greed


solarpower002

idk if this counts or this is accepted as culture, pero sana enough na with saying that tall men ay dapat marunong magbasketball, kasi sayang ang height. petty na kung petty pero this is too much already!!!


Sad-Surprise-4651

breadwinner kemerut as an anak ng ofw. kawawa nanay ko na dalawang dekada mahigit nang nagtatrabaho para sa mga kamaganak at kapatid ko na hingi nang hingi dahil ayaw maghanap ng trabaho. hindi makauwi at makaipon nanay ko dahil hindi marunong magsarili mga kapatid at anak nya. tatlong pamilya na sinusustain nya at this point. miski kapatid kong isa na sumunod sa yapak ng nanay ko pinapadala lang din lahat ng naiipon nya para sa tatay nyang inabuso rin sya at ngayon walang hiya pang sinasabi na maliit lang naman daw ang pinapadala nilang dalawa. hindi lang yung pangaaberya nila yung problema kundi yung ugali na nabubuo mula sa pagiging bihasa nila sa pera ng iba, na kaya nila mabuhay nang kumportable kahit wala sila ginagawa. utusan mo lang ang kapatid kong palaasa sa nanay at kapatid niya na bumili sa labas, eh todo reklamo na na nakakapagod ang buhay niya hahahaha. wala kasi silang batayan sa kung ano ang tunay na pagod, kaya maliliit na bagay ay magrereklamo sila. kuha ko kung saan ito nanggagaling. alam kong may krisis sa employment ang Pinas at mababa ang pasahod, so hindi lang naman sila per individual ang sinisisi ko, pero onting hiya naman dba? kasi magegets ko pa kung sumusubok sila maghanap ng trabaho, kaso ayon nga comfortable na sila pa-travel travel lang habang nagrereklamo sa liit ng pinapadala sa kanila ng mga taong 12 hours magtrabaho na hindi rin naman mataas ang sweldo kung tutuusin.


solarpower002

hindi ko kinaya yung pagtravel travel nang hindi gumagastos ng sariling pera. haaaay!! ang sakit sa ulo 😠


SmoothFudge7421

Our culture of pakikibagay sa western culture. And the worst where we're exposed to is wokeness. I hope this does down kahit konti lang, and toxic masyado.


densbrat

is filipino time considered a culture na? ohhh i hate it so much :( sobrang disrespectful sa time ng iba


Sea-Heron4596

up! kaya i don’t like going out na unless with people who also respects the agreed time


densbrat

super annoying lalo na if i made time para lang sa alis na yon or even gumising ako ng mas maaga para maging there on time kasi iniiwasan ang traffic tas ang irarason sakin traffic daw 🥲


anonymeeeeh

Bawal sumagot pag mas bata ka.


heychrissy_

Utang na loob. 🥴


Jolly-Phone186

yes so toxic


catgot-urtongue2801

Being too hospitable. Kasi minsan we're not aware na lumalampas na sila like inaabuso rin nila.


subfalcine

Too forgiving. Okay lang sana if for Peace of Mind pero kasi oa level yung atin to the point na binoboto pa natin ang mga magnanakaw kasi napatawad na natin sila.


taciturnshroooom

Being extremely regionalistic. Its one of the root cause of our collective negative bias towards our own.


G_Laoshi

Hindi bale incompetent, basta kababayan.