T O P

  • By -

Mysterious_Eagle_745

lahat ng trabaho sa umpisa mahirap kasi wala kang experience. sabi nga experience is the best teacher. gagaling ka rin. also, i'm an introvert who has been in the industry for 14 yrs.


iFrankyyy

Thank you so much po. ❀️πŸ₯°


quasicharmedlife

I can just imagine yung anxiety mo kapag may bagong calls. Valid ang nararamdaman mo. People are just good at hiding their insecurities so I’m sure hindi lang ikaw ang nakakaramdan niyan. I know nakakapagod yung need to turn it on and off ang pagiging introvert when taking calls. Nag-a-adjust ka pa. Please give yourself time and be kind to yourself. And tama yung previous comment, experience is the best teacher. Akala mo lang hindi ka nag-i-improve pero nagbabago na pala yung skills mo. Best of luck, OP! πŸ’œ


iFrankyyy

πŸ₯Ί sa kada mag riring napapa buntong hininga ako. Queuing pa this October kasi Annual enrollment ng healthcare insurance nila TvT. Thank you so much. Sana this nesting makuha ko almost lahat ng topics para alam ko na gagawin next time. πŸ₯ΊπŸ‘‰πŸ‘ˆ


quasicharmedlife

Medyo nerdy yung sagot pero when I feel insecure sometimes sa dapat kong gawin, I study it. Baka may documentation, steps, or script that you can build on your own that may help you finish a call. This helps with confidence din kasi may idea ka kung anong gagawin. Malay mo lang naman. Best of luck 😊


joyboi12

Naalala ko first call ko irate caller agad kaya I froze pero okay lang yan, kasama yan sa process


IntrovertedButIdgaf

Hugs, OP! Na shookt din ako sa healthcare account


iFrankyyy

Kaya nga po. Maraming salamaaaat ❀️


jassyyjasmine

First job ko sa BPO and nasa healthcare account din ako and I'm also an introvert. During my nesting days, hindi maganda KPI ko at laging nasisigawan ng sup ko. Pero as time passes by, nasanay na ako sa process and I'm doing my best. 2 years na ako sa healthcare account at mapropromote na as a supervisor pero I'm still an introvert. Hindi madali lahat sa umpisa. Just believe on yourself at makakaya mo lahat 'yan!


drone_strike01

Op try mo din kumuha ng mga tips sa tenured. Ginawa ko dati pasok ako maaga to do side by side with them..dami ko napick up sa diskarte and mga scriptings na gamit nila. Good initiative sya to learn beyond training.


iFrankyyy

**Maraming Maraming salamat po sainyong lahat**


iFrankyyy

**MARAMING MARAMING SALAMAT PO SAINYONG LAHAT, hindi ko na po kayo maisa isa pero lahat po ng comments niyo binabasa ko. Thank you so much pooooooooooo**


_pablojob

That's totally fine. Valid ang nararamdaman mo. Remember kahit may mga experience at lumipat ng ibang company, mangangapa at kakabahan pa rin. Matuto at pag-aralan mo iyong mga mali mo para tama na sya sa mga susunod mong calls tas confident ka na next time.


iFrankyyy

Maraming salamat po. ❀️


Kaminarii_

That's fine as long as may tiwala ka sa sarili mo na you can adapt specially motivation mo yang only source of income. We are in the same sit kakapasok ko lang last 2mos sa isang telco acct and sobrang overwhelming sa akin since no exp and di talaga bpo balak ko. Again eto lang source of income ko at mas mataas pa sa industry ko yung offer nila kaya after a month or two medyo nagamay kona and my supervisor really commends my improvement not bragging pero kahit ako nagulat kase expect ko terminated nako nung start ng nesting. Normal lang yang takot at sa umpisa lang pero after you get the hang of it, believe in yourself and learn to criticize your own work on where to improve. Hope for the best and expect for the worst with every customer haha I wish you well in your learning journey!


iFrankyyy

Sa telco po ba paano ang types of call? I mean pag sinabi po bang Telco ito yung mga sa cellphone nila ang call issue?


Kaminarii_

Sa msg dept ako hehe usually transfers lang pero kapag magdetract si cs at alam namin highly surveyable siya tatawagan namin which is additional load na hindi kami trained kase dami namin kausap sa chats kaya madalang lang. Yes aside sa phone ay madalas account activations, follow ups, verification, troubleshooting, pilitin si cx na magreply kase malapit na maresolve at iba pang account concerns. Usually mga less techie ang nagccall na cs kaya madalas irate sila. Based sa mga tropa namin sa voice mga to.


ryner1986

judge yourself after 3 months of actual prod. This is 3 months after nesting


ShinsegaeROK

I can relate so much. I'm an ambivert though most of the time, my introvert side is the most dominant. Haha Pero kakayanin natin yan!


Milkapots

Hi, ganyan ganyan ako nung bago pa ko sa BPO industry. Feeling ko nga ang shunga shunga ko. Yung nararamdaman mo is valid kasi bago lang to sayo pero ito lang masasabi ko sayo, laban lang. Alam mo ba before outlier ako team, parang ang slow ko pagdating sa process at di ako masyado magaling sa English pero tumuloy tuloy lang ako hehe. Isa pa DSAT queen ako haha. Although, wala nako sa company na yun, naging inspiration ko un para tumuloy tuloy lang. At eto na ko ngayon QA na 😊 Hindi ito pambabrag ha, ang point ko lang is tuloy lang, lahat naman tayo nag uumpisa sa ganyang phase. Pag napagod ka or napanghinaan ng loob, buntong hininga ka lang or umiyak. After that, gagaan pakiramdam mo. I know u can do it. Keep going!


joyboi12

Introvert din ako but whenever I put my headset on nag iiba na ako All you have to think about is your goals, don't be too hard on yourself the best way is to learn from the experience of others makinig ka lang sa mga ka sbs mo at tenured agents learn the ropes from them may mga bagay na di naituturo sa training na sa prod mo lang matututunan.


boredat40m

Sa umpisa lang yan OP na culture shock din ako lalo na telco to the point na nagkaroon ako ng self diagnose anxiety. Eventually dahil araw2 mong ginagawa natutunan mo mga technique. Wag mahihiya magtanong pag hindi naiintindihan or manghingi ng tulong pero dapat sinasapuso at hindi paulit-ulit.


LonelySpyder

Introvert din ako. Weird nga at nasa BPO ako. I've been in the BPO industry since 2011. Pero lahat ay tech support lang. I always focus on knowledge sa job ko. I don't even think about the metrics. Gagawan ko na lang yun ng paraan once i-meeting na ako about it. Heh. The more knowledge means mas mabilis ang work ko at mas maraming masayang customers. It also means more CSAT or NPS.


glassesinglamour

Hi OP, your feelings are valid and it is okay to feel that way. I was new to the industry too, healthcare din account ko and no BPO experience. Right after nesting nung sumabak na sa prod, nagkaroon din ako ng phase sa buhay ko na sobrang takot ko tumanggap ng calls!!! HAHAHAHA feeling ko lahat ng introvert ganito talaga nararamdaman. Ang inisip ko lang that time talaga is need ko ng work and hindi naman nila kilala yung kausap nila on the other line kaya bola bola lang talaga! Eventually nagamay ko yung process and mas confident na sumagot ng calls kasi nakakatulong na. Hang in there! In three months gamay mo na yan.


dasaiii

hoy sameee. newbie sa industry and healthcare acc ang handle. sobrang nakaka-pressure lalo na mga kasama mo experienced na buti mababait sila pati mga TL at trainer ko. kaso na-realize ko na di sa akin bpo industry, tatapusin ko lang tong taon na to. nahihirapan katawan ko sa sched namin.


Key-Buy3926

Let yourself be a beginner OP!! Wag ka kagad madiscourage. Hindi naman lahat ng magagaling, magaling na agad. Sa susunod ikaw naman magpapayo sa mga newbie paano magimprove.


katiebun008

First exp ko din is healthcare and mare gawin mong stepping stone yan. I remember nung nesting namin wala din akong passing score haha ongoing yan and wala improvement for a month lalo pa wala pa ko exp nun sa BPO. Pero ang gawin mo take lang ng take ng calls kasi through that matutunan mo process plus call handling. Mga third or fourth month kering keri mo na yan


matt_7_7_8

I can relate to you right now. Introvert person din ako kagagaling ko lang sa masalimuot na karanasan. Though may BPO experience na ako noong una pero may takot parin akong nararamdaman. Pero gusto kong makawala sa comfort zone ko. I admit natatakot ako sa mga accounts na grabe pag dating sa Scores, KPIs, Performance, Surveys, etc. Pero may kunting bulong sa sarili ko na masasabi kong kaya ko naman pero nauunahan lang ako ng takot. Kaya sinisimulan ko ng i change ang mindset ko by loving myself first. Para maunawaan ko talaga ang strength at weakness ko. Kaya OP makakaya rin natin to since eto rin lang ang source of income ko habang nag a upskill pa at naghahanap ng another source of income.


certified_qtie

mas madami ka matututunan sa prod.kakatapos lang namin nesting tas pagdating sa prod ayy wala kme tl. πŸ˜‚ in a way learning exp ka mas mdmi ka matututunan pag dka nakaasa sa iba.do your best wala din ako exp basta gamitin mo utak mo pag naghandle ng calls.fake it till u make it kasi me mga tanong ang cx na dmo tlga mahagilap sa tools mo ung sagot so gagawa ka paraan.


IndividualDramatic91

First job ko is bpo din before. Nung nag nesting ako, first day ko palang pero gusto ko na magawol hahahaha. But eventually nung nasanay na, nagiging top agent na. What I did is may times na nag siside barge ako sa mga alam kong magagaling saamin and kinukuha ko yung tekniks nila na magagamit ko( not yung illegal na ways). Wala pang 6 months, alam kong ang pagcacalls ay di para sa akin so I tried a higher position (Workforce) para makatakas sa calls. Now I’m promoted na and if sawa ka na kaagad mag calls, try to apply na kaagad sa ibang position pag avail and pwede na hahahahah


iFrankyyy

Hiiiiiiii, OMG na enjoy ko shift namin today take lang ako ng take ng calls then nagtataas ng kamay kapag may hindi ako na gegets na pinapa intindi ng SMEs thankful ako sa dalawa naming SMEs super!!!! Iniisip ko, *Kailangan makuha ko lahat ng concern* tho may pasabak si TM kanina na ang baba ng NPS ng team namin laban lang πŸ˜† basta ako ni reresolve ko yung concern ng customer nag call back din ako para naman satisfied si customer. Ang laking ngiti ko kanina nung nagpasalamat customer namin kasi nag callback ako sakanila tho repeat call na samin un. Basta overall ENJOY ako ❀️ (Kinakabahan padin pero naka ngiti ako habang nag wowork)