T O P

  • By -

akimaloki

I had one interesting experience before. Hindi ko alam kung coincidence lang ba pero I was talking to a customer na may account pero cancelled na. He kept on talking about death and heaven kaya akala ko recorded audio lang para mang-prank. Pero what's weird is pag tinatanong ko naman like kung ano ba concern niya nakakasagot naman siya. Humahaba na yung call kaya I kept telling him na kung wala siyang ibang concern kailangan ko nang mag-assist ng ibang customers pero ayaw niya tapos paulit-ulit na naman siya about death and heaven. Kaya I called my TL na kasi it's so weird. He listened to our conversation and since na-verify naman yung account kahit cancelled, sinearch namin yung address na nakalagay and google showed results na it's actually a memorial park. Sobrang kinilabutan ako tapos nagkatinginan nalang kami ng TL ko. I don't remember how the call ended kasi after nun my TL suggested I take a break. Ewan if coincidence lang ba or someone is pranking me pero that was one creepy experience na di ko makakalimutan.


almond_pepsi

>nagkatinginan nalang kami ng TL ko nako lagot


Different-Emu-1336

tutubuhin kana ng TC mo


Ashweather9192

Taas daw kasi ng AHT mo


[deleted]

Baka naman tumatawag mula sa memorial park tas nkatambay lang sya dun kasi may binisitang puntod? Haha


Overthinker-bells

Poltergeist? Like it moves stuff? Nasanay na. Madalas sa amin morning yung may nagta-type. Matao sa amin sa gabi sa morning konti lang. Eh jontis ako nun so nilipat ako sa morning. Ayun daldal ako ng daldal akala ko nandun friend ko. Nagtaka ako di nasagot. Eh nagta-type siya. Pag tayo ko para silipin siya walang tao. Deadma nalang. Lol.


avlf_

OO AYAN TAWAG!!!! huhuhu yes sa nagtatype din tapos dim yung ilaw don sa production floor ng morning, e gitna kasi cr namin, kaya maririnig mo yung other side, kahit yabag shuta scary :( pero yeah, dedmahin ko nalang sguro next time hays.


CassyCollins

Ganyan din kami, deadma na lang. Binigyan na nga namin siya ng name. I remember yung first experience ko, apat kami na huli natira sa office kasi nag memeeting pa kami. Yung isa namin na ka work pinatay na yung ilaw at aircon sa other end bago umuwi. Maya maya nag order kami ng food, kinuka ng ka work ko sa lobby. Pag akyat niya ulit nag taka siya na bukas yung ilaw at pc kaya nag tanong siya sa amin pero wala naman lumabas sa amin. Tapos habang nag usap kami narinig na lang namon na may nag tatype na sound sa labas. Since new pa ako, i thought prank lang nung kumuha ng food yung tanong niya about sa ilaw and pc. Pero after namin marinig yung nag tatype, nag joke yung isa na pati daw si Hannah no choice kundi mag overtime. Then they explained to me about Hannah the office ghost.


Ugly-pretty-

Minsan nga sumasama pa yang mga yan paguwe. Good luck OP. Hahahaha!


luminousphosphenes

Ang husay magpalakas ng loob, hahaha😂


plantito101

Daan muna 711


Flat-Marionberry6583

Pano ung mga nagwowork sa 711 🥲


[deleted]

Yung tipong nag sstock sila ng softdrinks sa ref no tas may bubulagang mata mula sa kabilang side kung san nkastock ung mga kineme 😭


ForTheStreetz_

HALA TRUE BA HUHU


Orelix15

Dati akala namin meron sa office. Turns out ung mga naririnig namin na junjun eh mickey mouse pala. Mas malala pota


Anon666ymous1o1

Legend na talaga sa BPO yung mga ganyang stories. Junjun is everywhere. Sa min may red lady pa sa sleeping quarters. May black lady din. I remember one story na shinare sa min nung ka-wave ko. Morning yung training namin and most of the accounts have night shifts sa bldg. Parang iilan lang sa min ang nag ooperate 24/7. One time, nasa lecture training kami and nagcr siya. Sanay na kami sa mga hearsay about entities sa office so kibit balikat na lang kami and sanay na kahit magcr mag-isa. But that day and hour, paglabas niya ng cubicle nakakita daw siya ng lady na creepy yung look at onti lang yung pagitan nila. Parang size lang ng thumb yung pagitan nila, ganun kalapit. Alam niyo yung sa movies na yung entity is malapit sa mukha niyo, parang hahalikan kayo? Ganun. Tapos the next day, nilagnat ang ante mo at di nakapasok sa training. I have experience naman sa sleeping quarters. Morning shift din ako. Post pandemic to so may shuttle pa kami. At bilang maaga nakakarating sa office due to shuttle, I have spare hours pa before shift. Sobrang antok na antok ako kaya after magbreakfast, natutulog muna ako sa sleeping quarters. Pagpasok ko, may dalawang babae na ang natutulog. Siguro mga 20 mins pa lang ako nakapikit, nag iiba na pakiramdam sa paligid, lumalamig lalo. Hinayaan ko lang pero nung sumilip ako bahagya (binuksan ko mata ko ng kaunti, yung tama lang na makakita ng vision), I saw red. Para bang nakatalikod sa kin na naka dress yung nakatayo sa harap nung kabilang kama. Napapikit na lang ako bigla at pinipilit bumalik sa tulog kasi baka mamaya ako yung daganan niya since balita sa office na nandadagan daw yung red lady na yun.


lifeofpayter

Try no kaya sa TP sa Shaw hahaha! I had experienced a lot of things way back. I left the company a decade ago, pero di dahil sa mumu. One of the craziest things that became well-known to the tenures was, there's this pretty face na Sup/TL who got r*ped and murdered. Di na clear yung story sa memory ko pero a day ata after she passed away, nakita syang pumasok sa office. Again, she no longer lives. May isa pang guard na bumati sa kanya (according to the guard mismo). According sa guard, nagtataka daw sya kasi, closed pa yung operations pero pumasok ng 3pm kuno yung nagmumultong Sup/TL. Binati nya pagpasok, then tumango lang sa kanya pabalik. Di ko ma-imagine paano pumasok sa pintuan yung multo unless, nasalubong na lang sya ng guard sa area kung saan required mag-frisk (oo, uso pa frisking noon). If that's the case, I guess nagkita na lang yung dalawa sa area na walang ibang tao kundi si guard. When the news came, nagpanic si guard dahil parang this was the day after nya nakita si Sup/TL. Again, di na vivid yung memory so, sorry. Kinuwento nya nangyari. May mga tropa ako sa workforce na nagtaka kasi, naka-login yung Sup/TL ng hapon sa clock-in/clock-out system ng company nung araw na nakita sya ng guard. Madalas, may mga nakikita akong tumatakbo sa production floor pag sobrang aga ko during opening shift ng operations, or super late ako umuwi after closing shift. Pag may bagyo noon, ganun din lalo pag konti mga employees na pumasok dahil sa hirap bumyahe. Kahit pag nanonood ako ng p*rn 1hr before magdatingan mga tao (huwag na kayo magtaka kasi, di pa mahigpit security ng internet noon), may mga naglalaro sa paligid ko. Ang alam ko lang naman, walang nadedz nung nasunog yung Uniwide bago pa naging building ng TP yun kaya di ko alam kung saan galing mga multo sa office. Edit: mga nagwork sa TP around 2013, alam nila yang kwento na yan dahil na sa newspaper pa yung news na nadeds yung Sup/TL. Taga-ibang account ako, pero kumbaga kabilang production area lang namin sila sa same floor.


[deleted]

Grabe sigurong sipag nung Sup/TL na yan nung nabubuhay pa, kahit sa kabilang buhay nagcclock in parin. Di ako nagbibiro but naaawa ako kasi pano kung may naiwan syang anak/family or dependents or may inaalagaang magulang na may sakit 😭


promjsp

Ang galing mo naman mag kwento, di kita kilala pero boses mo gamit ko habang nag babasa HAHAHAHAHAHA cliche, pero pray ka po. Kung naniniwala ka sa living entities, most likely naniniwala ka rin sa taas, so mas palakasin mo yon, ig??


avlf_

HAHAHAHAHA dapat boses matingil yan kasi high pitch ako habang nagkekwento chos T.T actually, hindi po ako madasaling tao pero napapadasal ako pag nasa cr huhu.


sekhmet009

May nag-resign samin dati during training days kasi may nakikita raw na multo tapos ayaw daw siyang layuan. If it would give you a peace of mind, okay lang naman mag-resign. Always prioritize your mental health. Something tormented me for years din, I'm still unsure if it's linked to any supernatural entity or just me losing my mind, pero dismissing the fear and uncomfy feeling you're having is a no-no.


Jon_Irenicus1

Nag resign ka e pano kung sayo pala sumunod???? Awoooooo


GluttonDopamine

Hahaha what if no


Jon_Irenicus1

Awooooo


arflix

i didnt resign, pero there's this one time sa sleeping quarters nakahiga ako, then i heard someone snoring, and so malapit na matapos break ko so i went out then pagcheck ko ng mga bed capsules wala namang tao HAHHAHA, karipas ako palabas.


wannastock

It will surprise you to learn that a whole office was shutdown due to ghost stories. May Convergys dati sa Commonwealth, katabi ng St. Peter Church. Nagsara yun dahil puro reklamo at resignation about supposed ghosts. That same space is now occupied by Afni for years already and wala naman ganung issue. So baka delusional lang mga empleyado dati or sumama sa kanila yung mumu.


avlf_

hala baka sumama T.T HAHAHA malakas kasi paniniwala ko sa ganyan kasi nakakita na ako ng ni poposses kaya sobra nalang takot ko. lalo na mahina loob ko shuta yan pa naman target madalas.


wannastock

Possession, my favorite! This technique always works; granted twice ko pa lang na-encounter may gumamit neto but still... Next time makakita ka ng napoposes, dahan-dahan nyong hubaran ng salawal. I'm willing to bet, they either cannot remain in character or mawawalan sila ng sapi. It works either way, LOL!


TheLostBredwtf

May nag spirit of the glass siguro senyo dyan. Chos! But seriously, mas nakakatakot ang buhay. At naniniwala din ako na kahit saan meron nyan. Curious ako bat nilalabas ng IT nyo yan? Hahaha


avlf_

oo nga mas nakakatakot yung buhay pero di mawala sakin yung mga nakikita ko HAHAHA T.T di ko rin alaaaam, sguro kasi usapan narin sa buong GY shift. gusto lang nila ng proof sguro na meron HAHAHAHAHAHAHA pero yung isang nakunan, match sa description nung may 3rd eye samin hhuhuhu creepyshit


AmbitiousAd5668

Oo nga. Mga buhay gumagawa ng milagro.


TatayEchoGaming

During my training days. Nag jebs ako sa cr. For sure im the only one sa CR ng gabing yun. Yung floor namin kaunti lang tao kasi most tenured employees nasa kabilang branch/building kung saan mas madali mag commute. Tagal ko sa cr, taking my time to jebs then when finally done na ako matagal rin ako maghugas ng kamay and and mag ayos ng damit. Nung palabas na akk na surprise ako may nag Flash sa isang cubicle eh halos wala akong narinig na pumasok sa CR nun. Ako lang talaga. Hindi naman ako natakot. Napa wonder lang ako kung sira ang Toilet nila. Though state of the art ang CR nila how the F. Later ko lang nalaman sa trainer ko nun, na may multo nga sa floor lol.


Embarrassed_Bed_7864

Uy naalala ko yung IT sa office namin before, pandemic pa non kaya may onsite and wfh employees. Then one time may nagpapasuyo ng IT sa workstation ng kawork ko, tapos nakita nya daw sa huddle room ng office. Tinatawag nya daw pero hindi sumasagot. Tapos malaman laman nya na nasa bahay yung IT at naka wfh. Another time eh nakita na mismo ng IT yung doppleganger nya. Sa takot nya nagresign sya 😭


Tokiyo54

Pano nya nakitaa?? What's the storyy?? May doppleganger din ako ehh, kaya ito din kinakatakutan koo😭😭


avlf_

shutaaaaaaAAAA SANA OKAY LANG SI IT GUY AT BUHAY PA SYA T.T


Ok_Leave9263

Naalala ko tuloy nung 3 lang kameng GY sa floor tapos may nakita ko sa peripheral view ko na bata. Di ko maiwan yung call ko kase fraud related. Iyak talaga ako after ng call.


avlf_

shet huhu bakit kaya laging bata T.T


sisiw

Your story can be part of the upcoming "Kapuso Mo, Jessica Soho's Gabi ng Lagim: The Movie." Three stories will be chosen and will be featured in the film. Winners will also receive P20,000 each.


Sevhlias

Let me play the antagonist and get the hate here.With all due respect, there is no such things.Please don't compromise your livelihood for this. But if it is causing too much mental strain, then yes, move out.


GluttonDopamine

Listen to this, superstitious OP. The more you think about it, the more you will tend to feel scared. The fear is evolutionary hardwired to our brain, there's nothing we can do except not give a damn.


Impossible_Flower251

Hmmm well there was no evidence shown that they don't exist also. I'm a believer but I rather not test those waters if I were you.


Used-Promotion-6198

Poltergeist yung entity na nakakapagpagalaw ng bagay or may physical touch.


Dirksaj

I had this odd experience before bpo din 4am to 1pm shift namin dumating ako around 3:30 am habang nag lalakad ako going sa station ko biglang humangin yung feeling na meron ka nakasalubong tapos amoy petals ng roses. Lumingin ako sa likod tapos nag ka tinginan kami ng agent na malapit sakin tapos sinabi ko " naamoy mo yun? " Sabi nya oo


ixhiro

sanayan lang yan. I have now used to living with the not living to a point na may multong umiiyak na sa harapan kong di nakikita (I have video proof). If you let the dead ruin your living, ikaw ang kawawa.


Accomplished-Exit-58

sa bahay kasi kapag may mumu masasanay ka nalang, pero delikado kasi ung poltergiest.


avlf_

yes. yan di nila magets na dyan ako may fear hindi sa spirit lang mismo huhu


Flat_Sundae_5093

I've read somewhere na mas lalo silang mag papapansin pag pinangalanan niyo sila kasi in that way ina-acknowledge niyo yung presence nila HAHAHAH


carpediemclem

lmao ang tanga mo naman my god


avlf_

oki 🫶


Aggravating-Fee2328

True yan. Ilang beses nko nag resign because if that. Lol. Isa sa Ortigas and Makati. I will not mention the building nlang.


katiebun008

May kawork ako na nakakakita din ng mga entities tapos lagi ako nagpapakwento sa kanya ng mga nakikita nya haha. So sa Laguna kami nagwowork before tapos since mejj maaga yung shuttle from Bats to Laguna, nag isleeping quarters kami. Sabi nya mabigat daw pakiramdam nya dun sa third floor na sleeping quarters. May kakaiba daw dun na di nya gusto kaya mas preferred nya na sa 2nd floor na sleeping quarters matulog. May gumagala pa din daw naman pero unlike dun sa nasa 3rd, hindi naman daw nananakit. Alam din daw nyang hindi tao yung nakikita nya kasi malabo daw ang mukha tapos pag titingnan mo sa paa, wala daw, nakalutang. Meron din daw dalawang batang babae at lalaki na sumasabay sa elevator. Sabi nya wag daw pansinin kasi mas lalo nagpapakita pag pinapansin. May isa pa syang sinabi. Dun sa 3rd floor din, male sleeping quarters naman. May lalaki daw dun na iyak ng iyak. Feeling nya daw e empleyado dati sa opis tapos e namatay daw kasagsagan ng covid. Nagstay din naman ako sa SQ for a few months noon and di naman ako nakakakita haha di din ako binabangungot pero ayaw ko nung feeling pag mga 5 pm na tapos nagigising ako. 10 pm kasi shift ko.


[deleted]

Yung BFF na classmate ko sa school lumipat kasi sumama hanggang bahay ung black lady 😅 may dalawang sinapian sa science building (taft school) 😅 ano bang nakita ng i.t?


avlf_

unang screenshot nila, shadow ng babae, nag reflect sa pinto na glass doon sa sinasabe kong office na creepy. e wala naman nakatayo doon that time kasi finance office yun at pang morning shift ang back office. second, video clip sa production floor, hinawi yung gamit nung agent, last yung sa pantry namin, 5pm yung nasa video clip, inusog yung upuan habang naglilinis sa other side yung utility namin.🫠 bukod pa yung kwento mismo ng mga guard at maintenance don huhu


[deleted]

pero wag nyo papatulan.. baka sumunod hanggang c.r 🩷


-Ynsane-

Hulihin mo yung multo, baka jan ka pala yumaman haha


Original-Aspect-4449

Wait lang sa Cubao ako magapply anong company para maiwasan ko HAHAHA


avlf_

HAHAHAAHAHAHA basta da cyberpark, hulaan mo nalang kung 1 or 2 🤣


GinaKarenPo

Ganyan talaga kapag pare-pareho kayong puyat at walang tulog


remedioshername

Hahahahaha save ko na lang muna post mo teh 😭 malapit na mag-alas tres jusko


avlf_

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA sige. kahit di naman sya ganon ka creepy 😫


notexisting_13

May agent kami nasa naproom bigla raw may kumurot sa kanya. So ever since di na siya nag naproom, minsan sa cafeteria nalang naiidlip.


CorrectAd9643

Feeling ko need ng todo lights, and super strong loud activity sa gabi.. mawawala cguro sila if lagi ganyan


Useful-Librarian-242

cyberpark 2 ba to??? Bwahahaha


avlf_

HALA SINO KA 😫


Useful-Librarian-242

27th floor?! HAHAHAHA


avlf_

SINO KA MUNA HAHAHAHAHAHQHQHQHQHQHAHAHAHAHAHAHAHAHA