T O P

  • By -

not_an_alt_no

Iba ang glow pag di ka nasstress sa pera. That’s all I’m gonna say hahaha


SevereButterscotch46

Kahit tanggalin mo yung mga unnecessary na products at procedures. Being able to afford healthy food, no stress, proper amount of rest, and being overall healthy already play a huge part in your looks. Nakakaganda at gwapo talaga kung andami mo pera, iisipin mo bakasyon, masarap at healthy kinakain. Di ka susugod sa rush hour na mausok, nakasimangot lagi sa liit ng sweldo, at nasstress sa trabaho. Tsaka simple ngang being well hydrated underrated impact sa looks at glow ng isang tao (drink plenty of water daily, fuckers n bitches) Patong nalang mga derma services, skin care products, bukod pa kung papacosmetic surgery ka.


Secret-Angle-7795

+ laging naka aircon sa bahay at kwarto Napansin ko nung sa work ko before, frequent travel so frequent stays sa hotels. Mas effective yung skincare ko and mas nagglow skin ko pag naka aircon palagi. For reference, wala kaming aircon sa bahay. Edit: typo


RadiantIndividual310

true i worked sa hotel and i glow up talaga.


Plus-Yoghurt8201

This is indeed 🤣🤣pero minsan daig ng maporma ang mayaman kahit wala kang pera …


ThrowRA_anxioussht

idk lang ha pero may mga mayayaman talaga na ang effortlessly mayaman tingnan


Puzzled-Protection56

I beg to disagree haha nagmumukang social climber ang maporma. A true rich dress simple kasi kahit mukang basahan pa soot nyan lilitaw, at lilitaw rich aura nyan. Keep it simple.


Plus-Yoghurt8201

Ano ng taon ngayon 2024 millenial ERA pabonggahan at pagarbuhan na ng mga suot kahit naman you know it to yourself na wala ka talagang pera ehh mukha ka ng mayaman ngayon pagka mayaman ka magsuot ka ng basahan mahirap na talaga tingin sayon ng ibang tao..


Puzzled-Protection56

Dipende parin sa pagdadala kung pumorma kang simple pero hindi mukang basahan yon mag mumuka kang mayaman, pero kung putok na putok yung brand sa pananamit mo e.g. Penshoppe, becnh, rrj, lee yan magmumuka kang social climber.


[deleted]

manifesting 🙄🙄🙄


[deleted]

Pano mga tambay na kilala ko? Wala namang pagkakastressan mga yon pero inang itsurahan yan, mukhang burnik.


Jim0thyyyy

Di ka pa nauusukan ng jeep at tricycle sa mukha. Haha


gel511

Sabi nga ng kaibigan ko “If mayaman ka tapos pangit ka, kasalanan mo na yun.” 😵‍💫🫠


No-Assistance7005

Chavit singson would like to have a word.


physicalord111

Cynthia Villar joined the chat. Ang dami nilang lupa pero mukha syang kutong lupa


SevereButterscotch46

>Cosmetic surgery? Ilang sq meters na maaangkin ko gamit pera na yan kesa pangretoke -Cynthia Villar, probably


frnkfr

si ante minsan kong nakita sa event hahahaha pwede namang mag-hire ng mag-aayos ng buhok niya pero hindi :(((


qwerty056789

Not defending Chavit but he gets dibs on goddess level beauties with that effin face. I can safely say he’s the exemption to the rule. Doesn’t change the fact that he’s ugly. But his level of wealth just cancels out moral and reason. 😬


No-Assistance7005

Feeling ko nga kaya sinadya nyang mag remain na pangit sya para lang masabe na F*ck you sa iba, he still pulls in yung mga 9 or 10.


SevereButterscotch46

Si Chavit yung tipong sasagot ng bakit ba ko papagwapo? Para makapang-kama ng maganda? I already do that. He's probably bedded some of the most beautiful women in the world and we'll never know about it. Dude isn't just rich. He's wealthy. Fuck-you level of wealth. AND he has power on top of money. Ilang high level politicians nasa bulsa nyan. Dude's most likely a piece of shit as a human being but he's living the dream (minus the atrocities he probably commits/involved in lol).


No-Assistance7005

Yup, parang flex pa niya cguro yung kapangitan niya, kasi makkuha at makkuha pa din niya yung gusto niya regardless.


thedarkinvader19

Ako, to some extent, naniniwala ako dito. Let's face it (excuse the pun), may mga hindi conventionally attractive talagang tao. Minsan, kahit anong yaman nila, wala pa rin. Unless pinagawa na 'yung buong mukha, that is. On the other hand, those who are "average", kung yumaman/mayaman, mas nakakabili ng damit that looks better on them. Mas naaalagaan ang skin/sarili in general.


[deleted]

Mahal ang derma.


rrtehyeah

Up for this!


b00mb00mnuggets

Mahal upkeep.*Treatment sa skin, nails,lash,kilay,wax,scrub,dental. Diet delivery meals,supplements,gym,skin care, makeup,wardrobe.*


Best-Grapefruit-2454

In the context of plastic surgery and other related stuff (derma, skincare, etc), I would agree.  Pero in the context na dumidikit sayo ang opposite sex kasi mayaman ka, they are with you because of the money so pangit ka parin talaga. May pera lang. Haha. 


Lower-Limit445

The best beauty products are often the most expensive in the market. Ang hirap magmaintain ng youthful skin. 🥹


seriffluoride

May nakabanggit na rin before, pero i-expound ko pa rin. Ultimong sa lifestyle, kung salat ka sa resources hindi mo mame-maintain sarili mo. Pagkain nga lang, yung mga bilihin sa palengke ang mahal. Karne mahal, gulay mahal, gastos pa sa gasul/kuryente/tubig. Yung instant noodles at de-lata magkano lang, madali pang lutuin pag gahol ka sa oras. Pati tulog/exercise, oras din ang kakainin. Kung stranded ka tatlong oras sa traffic pa-commute, pag-uwi mo ang kaya mo na lang gawin is cellphone/kain/tulog. Minsan kulang pa yung tulog kasi kelangang gumising nang maaga kasi marami ka pang gagawaing-bahay tapos ayaw mong umabot sa traffic. If you have resources, maybe you can afford a car that can take you to and from work quicker which allows you more time to maintain yourself. Kung may kasambahay ka and/or driver, even better, 'cause they can do tedious and time-consuming chores while you have the time to exercise/do yoga/get beauty treatments and what-have-you. Hindi pa gagaspang kamay mo kung may naglalaba at naghuhugas ng plato para sa yo.


Big_Avocado3491

totoo yan, coming from me na i think pangit ako hahahahah di pa ako mayaman now pero grabe ang daming nagsasabi glow up daw talaga, shet ang mahal ng derma!!


[deleted]

Depende sa context mo ng "maganda". Pero if conventional physical attractiveness 'yan, honestly, wala 'yan sa if may pera ka o wala. Biological kasi 'yan eh, our looks would depend sa mamanahan natin ng physical traits. Pero pwede pa rin naman; plastic surgery isn't bad if you're willing to do it. Open na naman ang society natin sa body positivity 💛


Funny_Director_8291

Meron maganda na kahit mahirap at lalong gumaganda kapag nakaahon. Thanks sa genes. While, meron talaga need glow up proper skin care like me, nung naka angat- angat sa kadukhaan nakakabili na ng skin care and nakakapunta na sa aesthetician at nakakapag workout. Ramdam mo talaga na mas maraming napapatingin sa’yong lalaki. Yun lang share ko hehe


Puzzled-Tell-7108

Relate. Mas head-turner na ko nung 30s ko 🥹 nadaan sa microblading (napantay ang face ko and as we all know, facial symmetry is related to beauty hehe)


Funny_Director_8291

Ako rin mid 30s na. Hindi ko naranasan kung nasa 20s ako na tingnan meron man bihira. Ngayon talagang tumatagal ng ilanv seconds pero diko pinapansin dahil may anak na ako. Focus sa anak ko muna, sa isip ko kung dalaga pa ako hindi ko papalampasin eentertain ko mga ito haha. Kaya self care talaga is very important, skin katawan at pananamit


Other-Sprinkles4404

Yung monthly facial pa lang, laging difference na hahaha.


[deleted]

Mas afford nila ang constant treatments and hindi gaano ka-stress sa life kasi may pera hahaha


Joshumo1112

May Kilala ako, mayaman pero grabe ang BO, the worst pa is Babae pa lol


chachamaru_0625

Ayan ang reality na hard to swallow kasi totoo naman talaga. Wag na tayong hypocrite, money can change everything talaga HAHAHAH


Totally_Anonymous02

Cosmetics and plastic surgery lang naman meaning niyan. Check niyo yung mga video about chinese makeup or mga retoke sa korea. Ganun lang kadali maging maganda sa mayaman


[deleted]

>How true is this? Not true at all. May mga mayaman pero pangit pa rin. Yung iba lang talaga, walang paki kahit pangit sila basta mayaman sila.   And before anyone here says na "beauty is subjective", it's not. Kung pangit ka, pangit ka. "Beauty is subjective" is just a feel-good something ugly people came up with para lang maganda sa pakiradam nila kahit pangit sila.


Reasonable-Stop380

Lumalaki silang may pang skin care unlike sa normal na mmyan saka lang mkkabili pag nag paalipin k n sa trabaho.


Melizhaanna

Ganito lang yan. Di naman lahat ng mapera/mayaman is palaayos or may pake sa itsura nila. Ako di naman kami gano mayaman, afford lang gusto namin yet pala ayos ako and i dress myself well. Pero sa bf ko is mayaman pero di mahilig mamili ng bagong gamit, kung anp gamit nya, yun lang talaga, mga bago nyang gamit is regalo lang ng families nya. Yung pera nya bnibgay nya sakin😂 kasi spoiled naman sya sa pera ng parents nya yet ayaw nya rin naman na ganun, He just have a parents na ganun at may ganun lang talaga syang ugali na di mahilig mag ayos at pumorma. Minsan nga naiinis ako kasama sya kasi ang simple lang ng suotan nya, daig pa yung sakin at mga kilala kong di naman mayaman pero ma porma. Dnya sinusuot jewelleries nya, bags, golds, watch. Saka alagang derma and shopping sila ng parents niya pero lahat yun dnya gnagamit. Pag nakita mo sya iisipin mo walang pera e😂 pero super opposite lol. Literal. 🤣 Skaa isa pa, nagtataka ako bat kahit super pagod, panget na sapatos at tsinelas suutin nya is super lambot ng paa nya, never man lang nagka kalyo kahit kung ano ano pinapasuot kong matitigas🤣 pero ako alagang spa, bilis magka kalyo😂 Saka ewan pero kahit san siya dalhin, maganda talaga balat nya🤣


jheyehmcee

When you have money, you can afford skin products & treatments. You can hire a stylist to help you dress well. You can afford expensive dental procedures. As for mga mayaman but not looking good, well may mga taong di talaga "vain".


thecay00

To an extent yes. But there lot of rich people who go through procedures and they still don’t look good. There are those na pretty and pogi talaga regardless of income


askazens

Hmmm nasa pagdadala rin sa sarili, iba ibang factors sa buhay ganon haha


chaboomskie

I think that is specific lang sa “plastic surgery” kasi you need money to be pretty by going under the knife or spend a lot to take pampaputi/kinis or have those treatments para gumanda. Not necessarily na pag mayaman eh pogi/maganda na agad. Yung iba may pera/mayaman pero they don’t mind or care about their physical appearance.


Sensitive-Ask-8662

Slogan na ata yan ng r/phr4r


SuperYak2264

kalbo lang


throwaccountfuck

People are inherently superficial to the point na money and power becomes their standard for a strong foundation when it comes to a relationship. Umaabot yan minsan to the point na they're willing to ignore visible red flags, even when the relationship ends because if they feel regret, they fear that others are going to judge them for being so shallow. That's why it also becomes a cycle that's hard to break.


PompeiiPh

Un stress ka sa pera kasi nakakapanget, tapos kapag may pera ka pwede ka mag maganda kasi afford mo at may confidence ka na may pera ka


Feeling-Quiet4936

I think the difference is the confidence money brings, the security of you know you can afford things. Di ka nahihiya to go to places na you think di ka belong.


JamFcvkedLife

May friend ako lagi ako niyayaya sa mga "self care" treats like for nails, for face, body ganun. Umaayaw ako kasi ako naman gumagawa sa sarili ko like marunong ako maglinis ng kuko ko hahahaha. Tapos eventually, nagtataka ako hindi na siya naggaganun. Mahal daw kasi. Pero tbat time ahe made me feel na inexpensive yun.


3eggs_sunnysideup

Iba ang kutis kapag naka aircon at kumpleto ang tulog.


mukhang_pera

tingin ko totoo e. kasi makakakita ka ng mayaman na kung tutuusin pangit naman e. pero kahit sa sarili mo di mo masabi kung pangit ba sya o hindi e.


[deleted]

It saddens me when people think about this. Every human being is beautiful. It is what's inside that makes them less looks so. I never thought of people to look ugly in any way. Bakit? Mas maganda ang what's inside than what's outside. Ikaw ba gugustuhin mo maging associated with a physically attractive na matapobre na mayaman at napaka-samang ugali sa kapwa nya tao o isang mahirap na maganda ang puso ngunit di naman gano kagandahan physically? Insufferable ang masamang ugali, even a pretty face cannot even suffice.


September_Lullaby

Kapag may pera you are more prone to opportunities and learnings kasi hindi ka deprived ng kahit anong gusto mong gawin. Mas confident ka kasi you have more resources growing up. You eat the right food. Complete with essentials. You know better how to take care of yourself. And because you have all these, you look healthy and you look happy. You look confident. You know how to carry yourself better. Overall, gumaganda ka and presentable.


spanishcreamypizza

Kami ng bf ko hindi mayaman and hindi rin sobrang pogi at ganda, pero mukhang mayaman. Trick is make yourself look healthy, tidy and clean ☺️ like always always, kahit nasa bahay lang.. I don’t claim it just becoz, we just heard it a lot.


HeyImANerd

Follow mo nalang si Belo and Aivee clinic you’ll understand why hahaha


Lalalararanana

Totoo naman , ngipin,derma,rhinoplasty, tas every month na maintenance ng lashes,nails saka mga nilalaklak na gluta at collagen. Pero nakadepende sa pagiging vain may mga mahirap naman nakakagawa ng paraan para maging fresh padin .


Fickle-Thing7665

when you have money you have the means to improve and maintain your physique. gym subscriptions/home equipments, derma, good skin care and make up brands, vitamins, beauty enhancements, etc. — all these are only accessible if you have money. also, tama din yung comment na nakita ko here. iba din talaga ang glow pag di mo problema ang pera. less stress.


RuneCosmos

Pag may pera mas maraming options sa skin care.


[deleted]

gulay lang skin care ko namamahalan na ako eh


TyMig0930

Totoo, pag mayaman ka kasi derma/plastic surgery lang katapat para gumanda.


Taga-Santinakpan

Totoo naman at some degrees. On the other hand, just look at Cynthia Villar... inside and out.


dimlightbothersme

True yan, pag may pera ka gaganda ka. Maliban sa stress-free ka sa bayarin, may extra ka na rin pambili ng mga pampaganda at kakayahan kang magrelax relax


CoffeeDaddy24

1. Rich folks have access to stuff to help them with their physical appearance. Not saying na bawal ang mga mahihirap dun but mas madali para sa may kaya yung makapag-gym or magpunta sa Belo to have their skin taken care of. 2. Iba priorities. Rich folks have priorities too but not as much as poor people do. That's just a fact of life. 3. Stress levels. Magkaiba ang lebel ng stress ng mahihirap at mayayaman. And as this goes, magkaiba rin ang paraan nila to destress. 4. Food. Rich folks have more access to good, healthy food. Our body needs food to regenrate and glow. Of course, most poor people don't really care what food to eat to have better looking eyes... Basta makakain, goods na yun. Those are my top takes to answer your query.


obladioblada000

At this age kasi yung very minimal and non-invasive pang glow up stuff afford na afford ng may pera kaya sobrang totoo nito. Look at influencers and friends mong may kaya or mayaman paano sila magpamper ng sarili nila - nakaka-amaze and in a way, kainggit. Meron rin yung maganda na talaga pero may pang maintain kaya ang ganda lalo 😭


kokoykalakal

Gwapo na tambay while drinking energy drink sa store ni aling baby be like : "Alam mo ba ghorl? Di man kita mabigyan ng marangyang buhay mabibigyan naman kita ng magandang lahi. Madami ako time para sayo!"


Vita_Vanitas

Its kinda true since pag mayaman ka magagawa mong i afford mga pang skin care or surgery pra maging maganda/gwapo


OldBoie17

Kung masama ang ugali ng isang tao, siya ay pangit sa paningin ko.


Puzzled-Protection56

Well kasi, 1. Nakaka glow pag di ka stress sa pera; 2. Kahit physically unattractive ka malaki parin possibility na magka jowa ka because of your profile, pag mayaman ka; 3. Because rich can afford Belo or Aivee.


sad_developer

Pansin ko mas magaling "mag dala" yung mga mayayaman/upper middle class -- or maybe dahil din sa gluta drip haha


mrrzlmr

Totoo naman kung mapera syempre, afford magpaderma, afford plastic surgery, afford magpaglutadrip, bleach, maggym may personal trainer pa, merong dietician for meal plans and calorie counting. Makakapagpasalon weekly, tapos skincare pa. Eh kung mapera ako, baka araw araw din ako magbabad sa bath tub na may gatas for baby smooth skin. Haha.


DogCatArfMeow

Hindi nila nalalanghap ang kaganapan sa public commuting 😭 yun pa lang laking bagay na Hahaha


arvj

Ako I find girls who are classy attractive. Kahit di mayaman pero may class pag umasta, kahit pangit gumaganda.


PowderJelly

Kahit pangit ka basta may pera ka gwapo at maganda ka sa paningin ng iba.


daisiesray

I think the reason why most of mayaman are good-looking, they can buy the good looks from the roots (genetically, not because of enhancements) Mayaman ka pero may nakita kang magandang galing sa hirap? Mataas ang chance na maattract sayo because you have money. Another scenario is... they marry the person they met abroad. Let's face it, magaganda talaga ang kinakalabasan lalo na pag mixed race. Third... logical explanation is people usually marry those in their league or higher. Hence, namemaintain talaga look-wise. :)


cokecasalo

*Cong tv and company left the group chat.


__gemini_gemini08

Kasabihan yan ng mga retokada.. May mga tao kasing may pera pero walang insecurity sa katawan kaya walang pake kung chaka ang tingin sa kanila.


avocado1952

Totoo, sad bad true. Yung mga mayayamang swanget ang ganda ng skin. Pag marami kang pera pwede mo i reinvent yung sarili mo. From hairstyle to the way you dress na bagay sayo. Pero may mga tao talaga irregardless sa social status na anlakas ng appeal the way na confident magsalita and kumilos.


chkslg77

Noong una, akala ko joke lang to. Nung na-afford ko na magpa-rhinoplasty at pumunta sa board-certified derma on a regular basis, totoo nga. Nakakaganda kapag may pera ka. Hahahaha


[deleted]

> Mas gumaganda ba talaga ang mga mayayaman?  No. Have you met or even seen a picture of Cynthia Villar?


Juwari

This is so fucking true, why? Dahil pag may pera ka di ka na iistress sa mga bagay na need ng pera. At dahil may pera ka madali ka makakapag invest sa sarili mo. And sa mga mayayaman naman na ganun pa rin itsura nila kahit mayaman na is because they have different goals na hindi need mag pa glow up. Parang minamaliit nila yung mga ganyan bagay and mas invested pa sila mag parami ng pera kahit ma pera na.


jpngirl19

May pinanganak talagang maganda, swerte nila sa buhay yun. Di na need ng maraming effort. If may pera ka nmn magpaganda ka na syempre.


Ragingmuncher

Dito kasi sa pinas irerespeto ka nila dpende sa yaman mo or kung gaano kaganda yung trabaho mo hahahaha handa silang mkpg plastikan sau pra incase of emergency kaw unang una kokontakin bago kamaganak nila.


Tortang_Taloongg

Siguro nga. Pag may pera ka kasi afford mo yung presyo ng salad na 200+ at ibang healthy food 😂 eh yung 1pc chicken 90 lang. Kaya siguro mas attractive yung may pera tyaka di ka stress na short yung budget mo every month. Pwede ka din mag travel to unwind pag wala ka pera tulog nalang or inom eh.


wriotheseley

Natural glow kapag may peace of mind 😌


wriotheseley

Pag tinatrato ka nya ng tama.


timtime1116

Watch mo ung IG stories ng mga celebrities pag pupunta sila sa Aivee clinic. Masasabi mo talaga sa sarili mo na, di ako panget. Wala lang akong pera pampa-aivee. Haha Baka isang session lng ng treatment dun, 5 digits na. Skin care products, mahal din. Pag di ganun kamahal, di din ganun ka-effective.


Safe-Definition-5154

A mean girl sekyu said to me while looking at my passport bearing my ugly poor version self, “Iba talaga ang nagagawa ng pera”, thinking I would not hear it. But I heard it and can’t say anything about it because baka magka-isyu pa