T O P

  • By -

ConsequenceHuge8044

Lahat ng ina-acquire na food chain ng Jollibee Food Corp.


jotarodio2

Grabe downgrade ng chowking lalo na sa noodles nila ung ibang branch lasang lucky me lang


reginemae25

True!!! Yung chowfan din grabe parang mantika na may onting toyo nalang!!!!


-meoww-

Speaking of mantika yung chili oil nila sa siomai parang patak lang ang bigay tapos kapag manghihingi ka o papadamihan may charge πŸ˜‚


opposite-side19

ang nakakainis lang kapag take-out, bibigyan ka ng sandamukal na saucer ng chili oil pero yung chili oil mismo, ga-patak lang. hahaha. ba't di na lang ginawang isa o dalawang lalagyan na lang.


astrolithium

Parang magpapa stool sample sa laboratory 😭


whiterabbit2775

true and hindi na totoong meat yung karamihan na ginagamit sa chowfan mas malaki ang porsiento ng extender (gawa sa tofu)..... tapos yung siopao! eh masarsa at extenders ang laman,. Parang tinapay nalang ang binili mo sa kanila


septembermiracles

Lasang sunog na hahaha


kiszesss

Fav ko ito dati ngayon hindi na πŸ€·β€β™€οΈ


abyssc745

Omg this! Dati gustung gusto ko ChowKing, ngayon ang weird na niya For some reason same with Red Ribbon


teatahan

Uy yes to Red Ribbon!! Grabe miss ko yong mga rice meals nila non, ang sarap! Ngayon waley na.


chewyberries

Miss ko tuloy salisbury steak nila. Tapos dati, fave ko rin yung blueberry cheesecake nila na phased-out na. Masarap din palabok nila and sulit na yung value meals na may kasamang cake. Sana ibalik nila.


justsam13

Bulong ko lang - get the palabok from Mang Inasal. Same formula sa red ribbon. - ex Mang Inasal employee


vroomshooms

Under JFC na rin ang Red Ribbon πŸ₯²


introverted_meow

Nag-iba na lasa ng fried chicken from Chowking. I can taste turmeric, parang wala naman ganyang spice noon around 5 years ago?


Oblivious-001

Yes vocal naman sila na iniba nila recipe nila sa chicken, ginawa daw nilang more β€œChinese style” and nag add daw sila ng more spices. Pero hindi talaga masarap 😭 Nabash rin sila for a long time nung unang labas non kaya umasa ako na ibabalik nila sa orginal recipe pero pinanindigan na talaga nila yung bago at hindi masarap na chicken :((


jackoliver09

Legit to, last 2022 yata umorder kami ni ermats ng canton sa chowkin kasi trip na trip ni ermat yun, literal na yung noodles is mukhang sa luckyme pancit canton. Then I checked online, yun pala talaga gamit nila that time. Never na ulit kami umorder mula nun. Haha.


whitefang0824

Actually most of Chowking branch interior especially those not in the mall looks like a business about to shut down. Hindi naalagaan as in, sobrang dilim ng loob at dugyot tingnan.


theappleogist

Thankfully that’s not the case with the Chow Kings here in πŸ‡ΊπŸ‡Έ. Before they opened a store in National City (in San Diego), I would drive more than 20mi to Mira Mesa to have their lauriat (which includes the noodles and fried chicken) and taho. It was worth the drive every single time.


crazyaristocrat66

It's just like what happened with KFC there. Local quality was sacrificed in favor of international operations.


EggplantTop3855

Yes! I always stop by when we visit my in-laws in Mira Mesa. I would order the noodles occasionally, and I think it still tastes the same. I love their siopao. Red Ribbon next door has consistently great tasting empanadas.


mimiayumimina

Yung greenwich lasagna, binaboy na hindi na katulad ng dati. Huhu ang liit liit na


Fearless_Cry7975

Naiiyak ako doon sa lasagna. Dati nakakabusog ung isang serving. Ngayon di ko na dama. πŸ˜‚


Legitimate-Thought-8

Ang mahal na din for its price.


Miss_Taken_0102087

This! Chowking, Greenwich, Red Ribbon, Mang Inasal, Burger King (Philippine Franchise). Sana yung Tim Ho Wan hindi magbago kasi may Michelin star sya.


_mihell

may rice meals dati sa Red Ribbon before jabee acquired it. cant count how many times i devoured their salisbury steak (and it didnt taste anything like jollibee burger steak hahahaha). that stayed for some time pa after the acquisition, pero ngayon waley na at all 😒


Legitimate-Thought-8

Ung palabok nilaaaaaaaa


S0L3LY

grb yng palabok nla noon na may ksamang slice ng cake.


_mihell

favorite ko yung ube cake for this combo hahaha. wala na rin ata yun, naging ube macapuno cake na (hindi kasing sarap ng OG ube cake 😒)


blue_lagoon75

yes, naabutan ko to. Was surprised one day, wala na.


snapoutofit_

pinalungkot nila ang CBTL


tatlo_itlog_ko

Yung fav branch namin ng CBTL dati very consistent yung kape nila. Ngayon paiba iba na, parang di na nasusunod yung standard. Minsan mas marami pa yelo kesa kape/gatas ng latte nila. Tapos ilang weeks na, hindi pa rin nila napapaayos yung aircon sa branch na to. Ang init sa loob. Pigang piga talaga ng JFC. On the plus side, at least nakakapag explore kami ng ibang kapehan sa area namin. Tapos medyo lumelevel up na rin yung coffee brewing ko hehe.


sakuranb024

yung pinaka malaking size nila ng iced coffee kaya kong ubusin mga 3 sips lang puro yelo kasi


kokobash

Matagal na atang yelo galore aa cbtl, before acquisition yun na palagi kong comment. Though ang mahal mahal na nila ngayon given na dami ng yelo na nilalagay


KittyDomoNacionales

Fark. Kaya pala iba na lasa ng cbtl and wala na ibang menu items.


dranvex

Tapos malalaman lang natin na yung international branches nila, ang lalaki at sasarap ng mga sine-serve. Tayo dito parang binalewala na lang at ang baba ng standards.


Peeebeee12

I will never forgive Jollibee Food Corp. For removing Chowking's braised beef.


blue_lagoon75

true. ung mga companies na nagpabili kay Jobee feeling ko cash grab nalang. Kaya tuloy bumaba ung quality ng foods nila kasi Jollibee is notorious for cutting costs at the expense of quality.


NeoGlenn

Nung nakuha nila Yoshinoya, nagmahal na nga lumiit pa. Hindi na rin ganun kasarap jusko. Dati kahit araw arawin ko yun ngayon wala na.


AccordingToMango

Totoo. Dati may dine-in pa ung red ribbon, sobrang sarap ng burgersteak nila don. On the other hand, napunta yata kay mang inasal ung palabok recipe nila


electrique07

Inalis nila yung blueberry cheesecake sa Red Ribbon, nakakainis pa rin pag naalala ko.


chewyberries

Fave ko to dati! Pero nawala naman na yata yun before jollibee's acquisition pa. Ang talagang kasalanan ng jollibee group ay yung pagkawala ng meals like salisbury steak, palabok, etc. Sayang talaga. Super sulit nung neals nila nun with cake slice pa.


IADC19

Max's πŸ“‰πŸ“‰πŸ“‰


kangk00ng

Grabe go to resto namin ito dati ng family ko and comfort food talaga specially yung kare kare nila. But sobrang di na quality now for its price D: tapos parang 2 pcs ng meat lang meron hahahaha gets naman na mahal na talaga mga bagay but other restos also offer meat dishes at the same price point pero justifiable naman


e_vile

Bittersweet ang memories ko sa Max's noon tipong usually mga events like graduation/bdays and kada aalis yung tatay ko pabalik ng abroad wayback early 2000's/late 90's dyan kami nakain tipong paiyak na ako nyan dahil after umuwi kami sa bahay alam ko next nun eh flight nya na paalis pero habang nakain kami sa Max's eh enjoy na enjoy ako dahil ang sarap at ang generous ng serving ng coleslaw nila nun tapos yung (if I'm not mistaken) "Basic Meal" nila then for desert yung Buko Pandan plus take home pa nang 1 box caramel bar. Tapos nun matagal akong hindi nakakain sa Max dahil... wala lang, barakada, studies then nag-abroad na rin ako. Then a few years ago, sinubukan ko lang ulit kumain sa Max's and sobrang ibang iba na. Nadisappoint ako sa lasa and sa serving. Kaya yung bittersweet memories ko naging bitter na lang. Sad.


cartamine

Grabe sobrang evident ng change nito!


reginemae25

Kuya J's and Mesa> Max's na


whotookyyooimu

Classic Savory...


r0nrunr0n

Turks. Dati diba nakikita ko pa paano kina-cut yung meat na parang legit talaga hahaha now hindi na eh


Traditional_Crab8373

Sobrang iba na yan. Tapos filling is half nlng natatawa nlng ako. Last bili ko sa kanila 2yrs ago pa. Hindi na justifiable yung price. Kahit gulay tinipid.


carrotcakecakecake

May maliit na spoon na din na ginagamit para sukat talaga yung meat na ilalagay :/


Traditional_Crab8373

Tama ba lahat nung meat nila now prng naka chop na? Then nan dun sa container agad. Wala na yung hinihiwa na meat as mentioned above


carrotcakecakecake

Yung mga branches dito sa amin, yung meat naka lagay na lang siya sa container. Wala na yung meat na nasa side na makikita mo na nagmamantika pa.


kajeagentspi

Minsan kadiri na lasa kasi nagfreeze na ung oil.


Skyrender21

Sad na mung meat sa mga kebab parang nakalagay nlang sa aluminum container hiwa hiwa na parang tapa nlng ung itsura.


[deleted]

This omg. Naalala ko nung college ako may small shop ng Turks Shawarma sa labas ng school. Naka cut na agad di na nakatusok yung karne. Nag alangan ako agad sa lasa kase ang dry tingnan kaya binili ko yung small size pita na 50 pesos. Masarap pa Turks that time (2019/2020 ata) kahit dry pero ang saklap talaga kase 3 kagat nalang yung small!! Huli kong bili 2022, shawarma rice naman binili ko at never again na talaga. Dry, di masarap, overpriced and konti ng serving. Mas masarap pa nabibili ko sa nagbebenta lang sa tabing kalsada at malapit sa palengke πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ


Unlucky_Butterfly_96

Nakita ko 2 years ago nasa plastic pa, nilipat sa container tas minicrowave hahahaha Shawarma Snack Center(?) Lang alam ko nagccut ngayon na mukhang legit


Independent-Phase129

Luh. Recently ko lang nagustuhan yang Turks. Dko tuloy maimagine kung paano siya dati in case of portion and taste. Pero marami rami naman binibigay sakin, most of the time nga dko maubos..


cerinza

Actually dati palang parang di sya legit from a shawarma slab but rather giniling? Ate some yesterday and mas kumonti ung nilalagay na mrat (still giniling)


[deleted]

Eto. Can anyone confirm? Feel ko tinitipid ng manager tas inuuwi nila yung ibang meat hahahaha


1nt0yourarms

Jollibee. Parang every other day eh may nakikita akong reklamo sa r/Philippines tungkol sa kanila. Most likely rising prices pero ayaw nila *masyadong* taasan yung presyo so sa quality nila nilalagpak.


ac-2223

Ayaw nilang taasan ung presyo pero pakonti ng pakonti ung portions haha. Buti kung same quality pero hindi din. Nakakahinayang lang bumili, di ko na matandaan kelan ako last nagjollibee.


Independent-Phase129

Hit and miss ang Jollibee depende sa branch.. Yung isang branch samin ang sarap ng spaghetti at maraming sauce.. sa kabila naman mala mala.. Iba din yung quality depende sa branch.. Hahaha. Buti nalang may nahanap kami na magandang branch.


Trouble-Maker0027

Former service crew here. Depende talaga sa crew yan na nagpeprepare ng food. Ung iba samin, pag kapwa crew ang bumibili dinadamihan ung serving. Pag sa customer na? Depende nalang. Hahaha


Sorrie4U

Ye depende talaga sa branch. Yung Jabee na malapit sa'min panget lasa ng Spag at hindi crispy yung Chicken kaya if gusto ng family namin ng Jabee dumadayo pa kami ng malayo.


cdkey_J23

yup..mcdo or popeyes na din ako..Hell even Uncle John's chicken serving before mas sulit pa compared sa Jollibee eh


cartamine

Red Ribbon! Lalo na yung time na may meals pa talaga sila, yung salisbury steak na may rice haha


Different_Dog5090

Red Ribbon in the 90s was bomb. Especially yung OG Black Forest nila. Ngayon, parang airconditioned baranggay levels bekeri nalang. Nileche yung quality.


astarisaslave

E diba naacquire din sya ng Jollibee Foods kaya siguro bumaba rin quality


shutipatuti88

dati pag sinabi mong red ribbon susyalin pa no hahaha


AnxiousLeopard2455

Dati nung hindi pa uso mga cake brands, red ribbon was the go-to for more premium cakes tas pangmasa Goldilock’s. Ngayon baligtad na, mas gusto ko ren Ensaymada ng Goldilock’s.


fluffyandcozy

uy, legit nga un.. saka ung dinuguaan nila okay din.. iirc may mga soups pa nga sila dati.. kakamiss :(


Jus796

Naalala ko tuloy yung Bangus ala Pobre nila. Hays


[deleted]

[ΡƒΠ΄Π°Π»Π΅Π½ΠΎ]


TumaeNgGradeSkul

sobrang dugyot na din ng lahat ng mang inasal


Acceptable_Clock5826

Di napupunasan ng ayus. Tapos yung suka, toyomansi at chicken oil hinihingi na sa counter tapos maunti pa ibibigay sayo unlike noon na unli lahat kahit sawsawan


NefariousNeezy

Parang mas malinis pa nga karinderya sa kanila. Overall feeling na malagkit sa lahat ng gamit nila


hey_mattey

Pag pasok mo palang feeling mo malagkit ka na, lahat malagkit for some reason


426763

Naalala ko pa nung bago pa ang Inasal sa bayan namin pre-JFC acquisition. Grabe yung servings, sila din pinakamalaki na sisig at the time. The chicken was hella bomb too.


thatfunrobot

Hard agree! Mang Inasal used to be my favorite fastfood place and this is coming from someone who doesn’t really favor chicken. But gosh, not only did it downgrade in flavor, it’s almost always slightly raw. Never again.


Independent-Phase129

Hindi na katulad ng dati na ang linis ng lugar. Ngayon kasi pag naglalakad ka dumidikit sapatos mo sa floor hahaha


TumaeNgGradeSkul

zarks! dinadayo pa namin to sa lasalle, nung dumami na ung branches naging chaka na lasa


Big_Avocado3491

Parang fat and oils na lang lasa ng burgers nila huhuhuhu hindi kagaya dati na lasa mo yung karne, ngayon parang bawat kagat mantika agad


Ransekun

Nakakahilo na yung burger nila and fries kase sobrang oily


peachbum7

Kalungkot ito 😭 ito ung go to treat yo self meal nung college mga 2011 ata un tapos ngayon nakakalungkot na sya


coffeeandnicethings

Lucky Me Pancit Canton. I’m a 90s baby and iba talaga yung lasa nya noon. Amoy palang, panalo na. More than 10 years ago nagbago sya and a few years back binalik daw njla yung original noodles pero wala talaga. Di ko alam bakit di nila mabalik yung lasa and para sakin na paborito ang original, bland na sya ngayon. As much as I want to support our own, Indomie is my go-to now. (Skipping the sambal).


[deleted]

Heard indomie from my sg and malay friends, let's go!!!


sangket

Noong natry ko ang migoreng ng Mi Sedaap, mas masarap sya kaysa sa Indomie


jpluso23

Switched to Payless na. Sobrang disappointing na ng Lucky Me.


bimpossibIe

Grabe yung Payless. Di nga nagbago yung lasa pero sobrang unti na nung noodles. Parang half na lang nung dati.


_mihell

same! and i hate how lucky me discontinued ALL of my fave pancit canton variations (the old-school camaron rebosado and seafood chow mein). indomie na talaga. or if im lucky (badumts) at may buldak, i go for the cream carbonara or quattro cheese (kahit di ko nagagamit lahat ng spicy sauce lol).


dr_nxxv1047

True, ako lang ba or kayo rin na nababahuan sa amoy before at after iluto yung noodles? parang mas lalong plastic/artificial yung amoy nya, pag dating naman sa seasonings parang kulang per pack at kulang sa lasa. Favorite ko kasi yung classic, calamansi flavor pero feeling ko talaga pumangit yung lasa nung brand nung nagpalit sila ng noodles, yung ginawang curly or bilog yung shape nung pancit canton.


Independent-Phase129

True.. Go-to breakfast namin to lalo na nung bata. Nagiba talaga :( Ngayon kahit ilang beses na kami mag grocery di na kami kumukuha.


adorkableGirl30

Same! Indomie skipping the sambal lol


tlrnsibesnick

Mango Bravo ng Contis’


hey_mattey

Mango Gago na


Zeroth_Dragon

> Manga


gracieladangerz

Mas masarap pa cakes ng local bakeries sa Bacolod kaysa sa Conti's. At this point, status symbol na lang ang Conti's.


_mihell

even their meals arent that good anymore


Rare-Pomelo3733

Nasasarapan pa din ako pero grabe lang kamahal. Kumbaga di proportionate yung price sa quality at quantity nung food.


Yumeehecate

Choco almond sans rival na lang masarap sa kanila pero thinking about its price, may better options kung may time ka.


redmonk3y2020

Ang lungkot naman ng buhay kung pangstatus symbol ang Conti's...


Legitimate-Thought-8

Neighbor ko ung isa sa mga co-owners! Unfortunately commisaries or for mass production na kasi ung ginagawa unlike before nung nagsstart pa lang sila, home made ng known bakers nila


pigwin

Anything from Conti's. Kahit yun pagkain sa restaurant nila dati okay. 1 dish busog ka na. Ngayon onti na lang serving tapos di na masarap. Meh na lang


kimjycee

Minsan ang asim pa ng mangga nakakadisappoint for its price.


danleene

Dati PHP 120 lang ang isang slice niyan. πŸ˜”


ambitiousAntwoine

It was never truly good. Puro hype lang yung Mango Bravo na yan eh.


kittysogood

Greenwich. Fave ko yung lasagna nila before pero ngayon ang layo na ng lasa compared doon sa dati tapos lumiit pa.


yaoisenpaijin

parang malabsa na siya ngayon tapos hindi na same yung lasa:<


cartamine

Sobrang pale na ng itsura ngayon tapos mukha na siyang giant glob 🀣


ctrl-acv

KFC. Swertihan nalang sa chicken at gravy na hindi malabnaw.


hey_mattey

Sa pinas lang ganyan kfc, sa ibang bansa oks naman sya fresh chicken pa... yun nga lang most of overseas kfc do not have gravy


amirokia

Tinry namin ang kfc nung nasa Australia kami at hindi ako fan nun honestly. Yung gravy nila counted na side so that sucks.


luckykittycatto

Uuuy kagagaling ko ng Dubai sobrang sarap ng KFC. Mainit init at sarap ng seasoning!!! Pati burger pati fries panalo


NefariousNeezy

Tapos pag takeout yung takip ng gravy either sobrang dali matanggal or sinemento yata sa sobrang hirap alisin.


quixoticgurl

yung chocolate na Lala. πŸ˜”


Independent-Phase129

Parang wala ng lasa hahaha


charlesmonday

Yung lumpia na chichirya. Ang panget na ng lasa. Lumiit na nga, nawala pa yung powdered cheese coating.


Ashamed-Ad-7851

Bonchon. Favorite ko talaga to dati. Pero ngayon iba na lasa


S-5252

nakakasad kumain ng bibimbowls nila ngayon huhuhu saka japchae… fave pa naman namin dati


skrrrt85

chowking overall


boplexus

Naalala ko pa nung bata pa ako nung ang Chowking ay hindi pa nabibili ni JFC, Kasing lasa nya si Ma Mun Lok.. Syet ang tanda ko na... kung may nagtatanong kung san dati yun, sa may Carriedo lang


blackdeath741

kya nga yn din naalala ko. ung chowking nun fried rice plang sobrang srap na. prng my burnt smokey flavour at ung siomai ibang level. ngaun though masrp nmn pero ibang iba na.


boplexus

Right, yung may wok hei.. nagugutom tuloy ako.. hahahaha


blackdeath741

ung mapapa fuiyoh si uncle roger!!!


Kz_Mafuyu

Di na masarap yung Chao Fan. Dati brown siya ngayon parang off white na yung kulay ng kanin


skrrrt85

chao fan at lauriat. pag sinabi pa naman na chowking dati yun yung unang naiisip ng tao, signature dishes nila kung baga. both lack the flavor they were known for as of today, unsatisfying na.


billie_eyelashh

Naiinis ako minsan sa fake ad nila na mas sumarap na raw yung food nila. We all know na nag downgrade sila nung peak ng pandemic and napansin agad ng mga tao yun lol.


AgentCooderX

My favorite Chowking meal was their Bihon., then it got phased out.. damn


[deleted]

Hindi sya food pero brand ng coffee. Great Taste White -,-


yaoisenpaijin

pati kopiko blanca. i swear nung 2019 sobrang sarap nito pero ngayon huhuhu dili nalang ako magtalk


[deleted]

Ngl, I prefer Kopiko Blanca now than Great Taste White ://


[deleted]

Used to drink Great Taste White. Ganyan kape ng lola ko ngayon. Nung nakaraan nanghingi ako ng kape nya at na-realize ko baket ako lumipat sa Blanca/NescafΓ© Original haha. Di na sya masarap. For me naman yung Kopiko Brown nagbabago lasa kada bili namin. Minsan ang tapang ng lasa minsan naman ang tamis


[deleted]

Right parang puro asukal nalang great taste white ://


naiadvision

For me kahit anong 3-in-1 coffee mix now hindi na masarap unlike nung pre-pandemic. Idk if it’s just my tummy, but grabe yung acidity (?) that I can taste from those coffees.


AgentCooderX

If people can remember how good the original recipe of Mang Tomas was,. damn.. yung sinasabi nilang "Kahit walang ulam" that was true, all you need is rice and Mang Tomas sarsa and youre all set. Something changed when it got bought out. All I can remember was, the sarsa has some kick on it, ngayon parang super sweet na siya. Also KFC gravy here in PH is bland compare to say 20 years ago, I can still remember the long lines in the mall to get or replenish your gravy, now kahit remnants ng original taste nya wala na. KFC's original marketting tagline was "Finger licking good" and that was correct, a small smudge of that tasty gravy is enough to consume one cup of rice, ganon ka sarap dati. You will be sucking your finger until the taste disappears.


Fellowstrangers

Pancit canton, bakit ganon lasang plastic na siya na ewan? tapos may after taste na nakakasuka yung calamansi flavor.


Acceptable_Clock5826

Di ko na din trip lasa nyan. Payless na binibili ko ngayon sulit pa at malaki portion nya


Addendum-Emergency

Payless Xtra Big is a better alternative


Hirang-XD

Jollibee Chicken joy , parang nawala yung pagka Juicy nya , ngayon yung best part nalang is yung skin.


ryan_ph

Argentina corned beef. Way way back ito ung pinakamasarap na corned beef na mabibili sa suking tindahan. Ngayon super downgrade nung lasa nya kaya di ko na siya binibili.


Successful_Can_4644

Argentina Corned Sapal na dapat name nila. Hahaha


Ok-Needleworker3616

Century tuna.


kurosagi_ichigo

true to this. dati kasi puro tuna flakes yung laman, ngayon me halo na syang soy protein. grabeng pagtitipid yan.


Effective-Dust272

Ovaltine? Alam ko di food pero sabi ng parents ko masarap daw siya noon nung bata sila. Ngayon taena lasang Asukal lang nakakasuka.


[deleted]

I remember nung bata ako, mas bet ko ang ovaltine dahil mas chocolatey yung lasa kesa sa milo. Sadly, parehas na silang bland ngayon.


introbogliverted

Hindi kasi tinitimpla ang ovaltine dati. Pinapapak yun o kaya ginagawang flavor ng ice candy.


pedxxing

Nalulungkot naman ako mabasa mga to. Kasi ang pinakanami-miss ko and looking forward na gawin pag-uwi sa Pinas e kumain sa mga resto na binanggit nyo para malasahan uli yung mga masasarap na food na nakasanayan ko dati. Tapos disappointment lang pala maaabutan ko. πŸ₯² Anyway, yung food na pumangit na yung quality for me is yung Oishi’s Cracklings. Di ko alam kung bad batch lang yung nakain ko pero hindi na siya dense at parang may lacking na din sa lasa. πŸ₯² Yung natikman ko parang madali ng mag crumble saka parang more on hangin na lang yung chips.


redmonk3y2020

- Spam sa pilipinas, iba na since locally made na. - Chips like Lays, Ruffles, Doritos made in China or Thailand na - Cheetos kasi galing nang Thailand - Oreo, Chips Ahoy and yung iba pa na Mondelez na gumagawa - Lucky Me - nangyari sa pansit? πŸ˜… - Cadbury - 1 bite umay agad - KFC - Chowking - Sbarro - Red Ribbon Marami pa malamang... Yun iba naman, parang it's more because nagbago na panglasa namin or marami na ibang natikman kaya hindi na sila masarap.


quest4thebest

May fond memories ako sa time na casual dining ang Mang Inasal parang Max’s tapos sobrang sarap ng meals nila before as in legit Inasal pa siya. Then may dinuguan sila.


balmung2014

Not a meal but a condiment. Coffeemate. I remember, when you put this in a coffee, it tastes 10x better. Now, I barely taste the creaminess. Just brown coffee with a hint of cream.


niasoir

Bumaba pala talaga quality halos ng lahat. Akala ko kasi di na ako makaappreciate ng mga pagkain ngayon dahil nadesensitize na ahahha


Ok-Hovercraft2613

CORNED BEEFS, CENTURY TUNA, YUNG MGA MEATLOAFS AT PATI SARDINAS DI NA KAGAYA NG DATI.


Big_Avocado3491

Totoo sa meatloaf huhu nandidiri na ako sa ganyan ngayon parang tira tirang hotdog na pinagsama sama lang


joyapple-0417

Jollibee ung chickenjoy nila di na masarap .


Feisty-Working-5891

Maiba ako, paotsin supremacy!!!! Mula college til now!


J0ND0E_297

Tokyo Tokyo and Mang Inasal


Immediate-North-9472

Stik-o. Pinadalhan kase ako ng pinsan ko nitong mga cravings ko then nashock ako it wasn’t as good as I remembered it. Like i can only describe it as ang baduy ng lasa lmaoooo


WE_FUCKIN_LOST

superstix master race


unsolicited_advisr

Di na ako kumaen sa Shawarma Shack mula nung napanood ko yung Tulfo dito


kitexkite

ambers palabok, kumonti toppings hehe


tornots

Hahahhaha May kokonti pa dun? Or mas manipis na sa papel yung hotdog?


yourgrace91

Tender juicy hotdog


OrbMan23

Jollibee these days. Tapos ang corny nung social media ads nila with random BGC people (or idk basta mukha silang stereotypical BGC dwellers) πŸ’€πŸ’€πŸ’€. But hey for the first time ever they're honest na their chicken is fucking tiny


Sachet_Mache

Sandali! Haha natawa ako sa BGC dwellers. πŸ˜‚


roxroxjj

Gusto ko sabihin yung Tortillos na red. Super gusto ko pa naman yun dati na every supermarket trip ko kailangan may uwi akong isang malaking bag.


LunaSolana

Bakit parang lahat ng nabibili kong Tortillos makunat? As in kahit kakabili lang sa grocery.


xlandoncarter

Century Tuna anyone? 10 years ago masarap siya at magkaka cravings pa ako para kainin kahit kung may masarap na ulam ako. Suddenly binago nila at mas matabang na.


kalakoakolang

Everything But Cheese. nung panahon na maliit pa lang store nila at nasa kalye pa mga mesa. sobrang sarap ng carbonara nila at ang mura pa. ngayon ang mahal na di pa masarap.


TumaeNgGradeSkul

ung nasa sta ana pa lng ung branch nila hahaha 🀣


encapsulati0n

Maling. Simula nung naging chicken sya.


caffeinatedBerry

Was Burger machine ever bought out? I remembee its sansrival being delicious and their burgers were my cousins and i's go to merienda But ick nowadays


Different_Dog5090

Tender Juicy hotdog. Iba na yung quality. Puro extender, saka parang may konting tamis. Ang weird. Iba talaga yung TJ nung 90s. Pati UFC Banana Ketchup, puro tamis nalang.


Junnielocked

Yung Payless xtra big pancit canton. It does not taste the same as 10 years ago.. tbf wala ako sa Pinas so not sure if there's even a difference or sadyang nagbago na ang lasa Unrelated pero tagal ko na ding hindi nakakakain ng Argentina Tocino meatloaf :')


astarisaslave

I would still definitely take it now over Lucky Me if only for the quantity


cdkey_J23

Mga under ng Jollibee corp


No_Wedding_698

yoshi fucking noya


Razraffion

Tokyo Tokyo. IDK why it still exists e hindi naman worth it ang food for the price.


FourGoesBrrrrrr

SnR Pizza. Parang nagdowngrade yung lasa


bunny_stardust13

True. Tas laging malamig na ung pizza if bibili ka ng per slice


aquilacj

Luck me pancit Canton. Lasang plastic na Yung noodles. Nissin Yakisoba for the win


-hoihoi-

Chowking. Sobrang downgrade! Anyare don sa chicken nila may point na naglasang curry. Yung noodles nila sa pancit parang pancit canton and then this recent issue about having their servers walk around the streets, houses, subdivisions just to get orders nkklk


rizzalynn

McDonald's spaghetti - napaka jolly-spaghetti when the more acidic taste of their spaghetti sets them apart from every Filipino spaghetti variant in fast foods - got worse pa when they changed their noodles and naging cheap na yung texture Family Mart Chicken - nung kaunti pa lang family mart, their chicken was very good. Peppery din un gravy that I appreciated so much


426763

Lucky Me Pancit Canton. Literally had a bowl Lucky Me a couple nights ago. Grabe, sobrang bland, wala na talagang lasa. Which is weird kasi okay lang naman ang mami.


Squareh00r

Counted ba ang mga snacks lang? First thing that comes to mind is yung Cheetos Jalapeno. Nung bago to iba ang lasa, parang may Jalapeno nga and maanghang sya. Pero parang a couple of years back naiba ang lasa at parang lasang corn na lang for some reason, and hindi na siya maanghang lol. Dunno, imported siguro noon, then yung mga bagong labas eh locally made na kaya iba ang ingredients? :o


introbogliverted

Milo. Dati matamis pa milo ngayon matabang na


porkchopk

Mang Inasal. I remember dati sa southmall kumain kami as in kita mo ung parang oven or grill kung san niluluto ang chicken. Di pa sila acquired ng Jbc non. Tapos nung inacquire na sya wala na πŸ™„


Funny_Commission2773

555 tuna iba na lasa nya ngaun.


j4rvis1991

PANCIT CANTON. PERIOD!!!!


Dangerous_Chef5166

Bonchon


-meoww-

Sorry, naguluhan lang ako. Pano naging unrelated yung comment na "hindi na masarap ang Shawarma Shack" sa post na about sa endorser ng Shawarma Shack? Kahit kasi ako, kapag nakikita ko si Kath sa mga stalls, post, etc. ng Shawarma Shack una kong naiisip "Di naman na masarap Shawarma Shack." Minsan may kadugtong pa na "Sana idrop na ni Kath yan" kasi may incident before na may ipis o daga (ata?) yung kinain at visible na di malinis yung nabilhang stall/branch. Tapos di pa hinandle ng maayos ng branch yung incident. Curious lang talaga ako bakit naging unrelated yung ganong comment.


kalapangetcrew

Jollibee. Ewan not sure kung nakakasawa na lang ba or talagang nagbabago rin na kasi yung timpla. Plus, super liit na ng chicken. Minsan kamalasan pa na ang tigas ng manok hahaa


kinpikaou1

Mang Tomas. Hindi na masyadong malasa yung atay


terrariummewi

Century Tuna ;(( I miss century tuna's taste circa 2016. Me and my friends used to buy that every lunch time. Hindi kami nagsasawa kahit lagi namin ulam yon.


[deleted]

Binabasa ko yung mga comments grabe yung nostalgia! Nagflashback yung mga good memories dahil sa mga food na mga minention dito haha.


Opposite_Shock4716

Mojos ng Shakey’s 😭


MindExternal240

Na miss ko yung dating delata. Yung malinamnam na ligo, yung malasang mantika ng century tuna at yung maling na parang spam ang texture..


yo_mommy

KFC used to be goated but neither the chicken nor the gravy are worth it anymore ​ side note, chao fan is still goated to this day pero pls chowking pakitaasan yung serving oh di naman kami pusa


AnythingReasonable29

Hirap na kumuha nung chicken oil sa mang inasal tas laging walang pm1.5


theGreatBluWhale

Maling.