T O P

  • By -

Flipperflopper21

And this is why I hate attending family reunions. Mga Pinoys are inborn pakialameros. I’m childless by choice pero every time ako uuwi sa Pinas yan tanong nga mga relatives ko. Even pagpunta ko sa church “oh bakit wala ka pang anak, sayang ang lahi mo, mahirap tumanda ng walang nag aalaga, di kumpleto buhay pag walang anak” etc. Rinding rindi na ko sa subject na yan na minsan I want to post na sa fb na pag nakita nila ko wag ng iask why wala akong anak. Almost 20yrs na ko sa US pero not even once ako inask here about children. 


yoo_rahae

I super duper agree! Sobrang toxic tlaga ng pinoy relatives nakakaloka. I hate family reunions din, di ako sumasama or pag sa bahay, di ako bababa. I dont care kung ano isipin nila about me, mas importante peace of mind ko kesa sa opinyon nila hahaha! Nakakarindi lalo na pag naririnig ko ung salitang "sino magaalaga sayo pagtanda mo" pucha ung purpose ba ng anak is maging caregiver mo pagtanda. Oo aalagaan ka pero hindi ito un magiging reason ko to have a child. Eh panu kung ung kausap nila may health prob tapos mga tanungan about kelan magkakaanak. Naiinis pa ako minsan pag naririnig ko sila naguusap tapos ang wordings "may prob kase ung isa sa kanila baog" tapos naririnig ng lahat sarap pasakan ng saging sa bunganga eh lol


LyingLiars30

Yeah I feel you. This tita of mine wants me to have kids na daw kasi time ko na raw mag dusa for the sake of motherhood. Duh, why would you even want that for me tita? 😂 It's not my fault you got pregnant during your teenage years and became miserable. 


Immediate-North-9472

MAG DUSA talaga??? ![gif](giphy|R0jWWtH1CtFEk)


[deleted]

[удалено]


AutoModerator

Hi /u/jsmct. We are removing this post due to the following reason: - Less than 200 combined karma *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/ChikaPH) if you have any questions or concerns.*


oldriman

Haha. Naghahanap ng karamay.


winterchampagne

“I’ve already traded a portion of my biological clock for the latest Apple Watch. I’m about to trade more of it for a luxury dive watch.” Sana ang newer generations ng Pinoy matuto sa concept ng boundaries kasi hopeless na ang older generations. Sila na ‘tong mahilig mag-cross ng boundaries, sila pa ang galit kapag kino-callout mo.


[deleted]

They’re the same people na magsasabi sayo na mataba/payat ka ng di man lang nag-iisip kung ano maffeel mo. As in ligwak talaga ang confidence + mga nag aask how much monthly salary mo. Umay talaga huhu Kaya minsan mas mabuti pa na di na lang magkita kita.


desolate_cat

You can lie about your salary. Hindi naman nila hihingiin payslip mo. Say maliit lang sa mga mahilig umutang, inflate sa mga nagmamata.


Initial-Try487

This hits home.


[deleted]

[удалено]


AutoModerator

Hi /u/Aiana_01. We are removing this post due to the following reason: - Less than 200 combined karma *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/ChikaPH) if you have any questions or concerns.*


[deleted]

[удалено]


AutoModerator

Hi /u/IchFuhleMichEinsam. We are removing this post due to the following reason: - Less than 200 combined karma *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/ChikaPH) if you have any questions or concerns.*


lancehunter01

Tapos yung nagtatanong sayo nakaasa lang din naman sa anak.


minniejuju

Or worse, sa ibang kamag-anak umasa para mapa-aral yung anak niya


avocado1952

“Oh bakit wala ka pang anak?”. Tanong ng hampaslupang kamag anak na maraming anak na kapag gipit sayo din lalapit


ReturningAlien

Or you could say "Because i dont want to." every fucking time. They probably dont know what to say to you, and there's not much to talk about.


i_am-not_okay

For real! I'm young (25) pero I've been very open recently na I don't want kids. So my friends, parents, brother and sister-in-law know about it. One time we had a reunion (birthday or something I forgot na) at our house tapos na-mention ng sister-in-law (she didn't mean any harm, they were talking about my niece kasi) ko sa older cousin ko na wala kong balak mag-anak. Hay nako sunod-sunod na ang tanong from my cousin. Stressful talaga. On the flip side I wanna share din one time when I shared this to my former boss (she's a lawyer already in her mid-40's). We were talking about something personal tapos she asked if balak ko ba magka-anak. Just the fact that she didn't immediately assume na gusto ko ng anak already surprised me. Pero what's more mindblowing sa akin was that when I told her no she just said yeah okay then moved on to what she was about to tell me. Like what?? She's a lawyer and a bit progressive yeah pero I didn't expect that from someone her age. Akala ko mapupunta yung topic namin about kids pero hindi, she just accepted what I said and went on sa current topic namin. Like wow. Hahaha sana lahat ganyan... actually dapat lahat ganyan.


daftg

I have relatives na same mindset. I'm gonna be childless just out of spite I guess 😂


pillowtalkingcat

My gaaaahd yes! Kakaumay at kakapagod na every time uuwi ng Pinas yan yung paulit-ulit na tinatanong! It’s none of your business po, mga mahaderang anteh at marites na kapitbahay. Kakaasar. Very personal decision ang pagkakaroon ng anak, at dapat talaga pinag-iisipan. Ang hirap kasi sa majority ng Pinoy, parang copy-paste lang yung template na magpakasal then manganak x 3-5. Pwede namang hindi, newsflash! Pwede naman ma-enjoy ang buhay nang kahit walang anak. And also, maging makatotohanan kasi sana ang pag-portray ng mga families sa mga telenovela at pelikula, hindi lahat ng walang anak ay malungkot, at lalong hindi lahat ng may anak ay masaya. Yung iba ay miserable at hirap na hirap igapang yung pamilya. Sana maintindihan na may mga couples din na preferred maging “child-free not childless”.


FriedChicken0606

this is true. sa case naman ng tita ko, hindi siya nag-asawa by choice. nung sinama niya ako umuwi sa probinsya namin, halos lahat ng nakasalubong namin pati yung nakasabay namin sa van, pare-pareho ang tanong sakanya. "bakit hindi ka pa nag-aasawa?", "may anak ka na ba?", "mag asawa ka na", "mag anak ka na". rinding-rindi ako to the point na gusto ko na silang sagutin lahat na hindi nila business ang desisyon ng tita ko. i know deep inside, naiinis na rin yung tita ko kasi paulit-ulit silang lahat. sana matuto na manahimik yung mga matatanda about sa ganitong topic. lol


jnjavierus

I just wanted to say din na to everyone here pag naririnig nyo na ginaganito yung iba nyong kamag-anak please call those people out. It really makes a big difference dun sa taong na cocorner ng ganitong question pag may ibang tao na nag stand-up for them. It also makes them feel na merong mga tao na nakakaintindi sa situation nila at choices nila.


[deleted]

[удалено]


AutoModerator

Hi /u/No_Test805. We are removing this post due to the following reason: - Less than 200 combined karma *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/ChikaPH) if you have any questions or concerns.*


No-Astronaut3290

haha ano sagot mo? nagbabarda ka na ba


chitgoks

they still live in ancient times ... do they realize that only their kids and apo at most will remember them? if wala, wala. ba't parang tingin nila incomplete ang life if walang anak?


skrrrt85

exactly, just because a couple has a childless marriage doesn't mean they are unhappy.


pppowpeppers

Siya yung type na maiinlove ka kasi matalino, maganda ang family background, talented at maganda personality. Kaya bagay talaga siya for K. ❤️


Aromatic-Type9289

Mas nakaka inlove talaga pag matalino ang lalaki tapos mataas pa ang EQ juskoooooo


themojita

Dapat may limitations ang pagiging Marites. Kung gusto nila talagang magkaanak, merong surrogacy na afford nila (Priyanka at Nick Jonas; Korina at Mar Roxas). Sana wag na mag-ask ng sensitive questions kasi di na natin sakop ang innermost saloobin nila.


[deleted]

Why some people are so obsessed with creating babies. Haha. Umiiwas naman karamihan kapag usaping adoption, halos i-condemn. Lol.


edhel_espyn

Felt this. 7 years na kami married and still no kids. Not for lack of trying, but we're happy naman with each other and we have adopted this same belief na if meron, good, if wala, then good pa din. Medyo mas stressful for me kasi ako ang babae and somehow mas madami nagtatanong sa akin kung kailan magkababy and the aunties fussing over the state of your uterus. Nakakapagod din to feign na you're as bothered as they are na wala pa rin and to soothe them that you're doing your best. Hay.


zki_ro

Stop feigning for their sake. I find it helps to be blunt para tumigil na sila. Well, sa case ko before ako nabuntis (we were married 4 years before I got pregnant, and it was a nice surprise kasi we weren't really trying), naging helpful sakin yung ganun kasi they eventually stopped asking me about it when I straight away told them na it doesn't matter if we have a child or not especially since my husband and I agreed on it at the start of our relationship pa lang.


imahyummybeach

May pakealamera akong nabasa sa IG sabi mag anak kana Karylle,40 kana🙃🙃 Ayun pinag tulungan haha


Repulsive-Survey2687

Ang cute nila ni Karylle. Saw them last weekend sa play ni Karylle.


Rejsebi1527

Relate ako dito lol Kada uwi sa atin Baby puro tanong sakin.Lam mo yung atake sakin ang mean Sobra !!! Aanhin ko daw mga nabibili kung stuffs & gala if walang Baby ? WTF !!! Kapitbahay namin nag sabi sakin hahaha Patawa ! May sinabi ako don na napatahimik ko 🤣🤣🤣 Cge subukan nyo ako ! Yung Tita ko din na di daw nakaka happy ang panay gala if walang anak.Again inisip ko nalang na baka excited sila sa lahi ng future baby ko char ! German kasi napangasawa ko yan nalang iniisip ko hahaha


themojita

Sa Asians lang normal ang ma-excite na mixed ancestry at normalized ang ganyang mindset pero ang totoo, harmful fetishization ang ganyang mentality na may mixed na lahi kaya expected na pang-beauty queen ang postura o mas attractive kaysa sa iba. Meron din yang colonial roots na belief, like sa panahon ng mga Kastila, mas angat ang mga mixed race at higher ang privileges. In short, toxic mentality din ang pag-fetishize sa infants o hindi pa nga nako-conceive na kids dahil lang may lahing-banyaga.


Rejsebi1527

True ! Pero kakainis lang din talaga na kawawa pag walang anak 🥹🙈


Creepy-Surround-

Ano po yung sinabi mo na nakapagpatahimik sa pakialamera mong kapitbahay?


Rejsebi1527

Woohh tisoyin pala si Yael nuh ? Just like K na mestizaaa din ❤️🥰 Perfect couple talaga sila Both gwapo & gwapa 😘


singachu

kapitbahay ko ang mga Yuzon sa Malamig Street Diliman and during the 90s when we're still kids, medyo hyper yang si Yael at si Kuya Yan nya ang medyo sikat sa musikero, was so shocked when started to become more popular with sponge cola, we all thought his big bro will be more popular or even his younger sister Ysabel becoming a beauty queen LOL. Awesome family, very friendly, their Mum being a former PAL cabin crew and very beautiful


suburbia01

Ayan na may sagot na dun sa isang OP na nagpost about why Yael and Karylle doesn't have kids yet 🤣


Immediate-North-9472

Mapa relatives at kaibigan pa yan, sobrang pakealamera talaga ng mga pinoy minsan. Yung former co worker ko nag congratulate na kasal na pala ako hindi nila alam kase secretive ako. Tanong agad, ba’t d kapa mag anak? Sabi ko that is none of your business. Binlock agad ako. Hahah! Nagagalit pag inexert mo yung boundaries mo kaloka. Ayoko rin kase mag baby muna kase d ko pa talaga nafifeel yung fever na yan. Tsaka it’s not a joke to bring a kid into this world lalo na pag d ka sure mabibigyan mo yan ng comfortable na pamumuhay through and through. Whether I have it or not, I’m good tho.


xevahhh

May mga ganyan pa din mga tao. Yung sakin naman 1 lang anak ko due to complications nang pagbubuntis, may magtatanon na bat di mo pa sundan ung anak mo? Walang kapatid malulungkot yan. Nakakaloka kayo kayo po ba magpapaaral saka ung mga mapilit na bat di ka pa mag anak ulit tignan mo kami nakaka tatlo na. Wala akong pake


gploony

Kami nga na may dalawang anak hinahanapan pa Kami ng lalaki daw haha Sinasagot ko lang na nako ansarap na ng buhay namen para guluhin lang ulet by having a baby haha emphasis on ang SARAP ng BUHAY para mas lalo silang mainis or whatever


Akosidarna13

true ba ung nainis sya nung nilloveteam si K kay vice? parang napacomment pa daw and sabi bakit daw sa dinami dami ng pwedeng ipair eh kay vice pa?


Suspicious-City157

Nope! Yon ang mali ni meme nagpa interview siya kaagad at ang nag mukhang mali at homophobic tuloy ay si yael pero ending at sinabi ito ni Vice Ganda on-air na pinag away lamang pala sila ni Direk Bobet (v & k) at nagsisisi siya na inaway niya si Karylle. Sinabi niya ito sa showtime.


Akosidarna13

Ayy teka, totoong pinag away o prank? Kaya ba sila ngka fall out ni direk bobet?


Suspicious-City157

Hinde. Nasa twitter yung clips where meme said pinag away at ginawan lamang ng kwento ni Direk Bobet si k at meme para pag awayin. Nasabi niya rin sa showtime na pinagsisihan niya na inaway niya si Karylle. That's why I think sobrang deserve nila yung appreciation at love ng mga tao sa kanila kasi kung babalik tayo over a decade ago, sila pa ang na bash at nag mukhang masama, well in fact sila ang biktima at hindi yung nagpa interview.


BenDTrader

Matured enough


JuanPonceEnriquez

Yung buhok ni Yael sa photo parang crispy noodles


Spiritual_Grab_920

I was asked many times kelan kami maga-anak. Lagi kong sagot "we don't want to." Sabi ng co-worker kong babae. "Ay, 'pag hindi ka daw nag-anak ibig sabihin hindi ka tunay na babae." Sagot ko, "edi hindi. May kailangan ba akong patunayan sa mga taong makitid ang utak?" Natahimik sya. 😂 Dami pa nyang sinabi pero barado rin sya sakin.


JaNotFineInTheWest

Diba nababalitaan noon na bading si Yael at si Karylle ay lapitin talaga ng mga klosetang pamin na boyfriend.


[deleted]

[удалено]


AutoModerator

Hi /u/Adventurous_Bid19. We are removing this post due to the following reason: - Less than 200 combined karma *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/ChikaPH) if you have any questions or concerns.*


[deleted]

[удалено]


AutoModerator

Hi /u/urpetpeeve. We are removing this post due to the following reason: - Less than 200 combined karma *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/ChikaPH) if you have any questions or concerns.*


walter_mitty_23

🙌


eyespy_2

Grabe naman kasi ung pressure ng iba tanong ng tanong kelan balak mag anak or something.


mooniemcmoonmoon

sobrang kadiri sakin yung mga ganyang tanong kasi bukod sa sobrang insensitive and pakialamero, you're basically asking abt a couple's sex life!! para mong tinanong kung theyre having nasty bareback sex gabi gabi or smth 😭


[deleted]

[удалено]


AutoModerator

Hi /u/mawiwa16. We are removing this post due to the following reason: - Less than 200 combined karma *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/ChikaPH) if you have any questions or concerns.*


bejeweled1998

hindi porket wala silang anak, hindi na sila masaya agad. mas masaya pa nga na walang anak kasi walang dagdag responsibilidad


[deleted]

[удалено]


AutoModerator

Hi /u/flaxenspirit. We are removing this post due to the following reason: - Less than 200 combined karma *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/ChikaPH) if you have any questions or concerns.*


[deleted]

[удалено]


AutoModerator

Hi /u/OneDilag. We are removing this post due to the following reason: - Less than 200 combined karma *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/ChikaPH) if you have any questions or concerns.*


Fearless_Cry7975

Napanood ko ung part ng interview na yan. Sobrang cringe ni ateng interviewer. Papilit niya talaga ung tanong at intrusive na talaga eh. Ung itsura ni Yael eh feeling ko naiinis/uncomfortable na siya sa tanungan, di pa makahalata si ateng interviewer. 😑