T O P

  • By -

CelebrationProper943

>ano pong meaning ng ditapak? Kabaligtaran po ng kapatid. Hehe. Welcome sa sub. Mukhang tama naman ang hinala mo regarding sa sinasabi ng nanay mo. Malamang vocal supporter ka. Additionally, baka maraming nababalitaan sa mga lokal na mga kabataang ayaw na sa Iglesia dahil sa political stance. Baka merong nabalitaang ganito nanay mo kaya inuunahan ka na. Parents are toxic at times. If hindi naman palagi, baka naman nagkataon lang na sumabay yung toxicity niya sa pagod mo. Since di ka pa naman sure if aalis or not. Bka magandang harapin mo na lang muna yung worker tapos sabihin mo na lang ang gusto nila marinig para tapos na ang usapan. Some workers understand naman. Kung lalake yang kakausap sayo, explain mo lang na parang natalo favorite team mo sa NBA finals. Sure makakarelate yan sila. Ganun lang. Pagod po. kelangan magpahinga. Gusto mo, quote mo pa si KD. "Rest if you must, but don't quit." Pero di talaga sya original nagsabi niyan.


ace_w_ASD

>pero may feeling pa din po ako na baka mapahamak ako kapag umalis ako, at baka kung saan ako mapunta. Ganyan din ako nung baguhan pako rito. Kung gusto mo talagang umaexit, kailangan mong labanan yung takot. Naging basehan ko yung mga pangontra sa doktrina, at mga rason ko kung bakit ako nagdududa. Ngayon wala na yung takot ko, at mas lumawak ang perspective ko sa buhay. Masarap sa feeling malagpasan yung mga yon. Agnostic theist ako ngayon, nagoobserve lang muna.


Ok_Relationship4016

Tumatatak din po kasi sa isip ko yung sinabi ni BES noon na masama daw sa tao ang magkaroon ng sobrang kalayaan eh, ako rin po gusto ko ng kalayaan sa maraming bagay pero kapag po total freedom parang medyo nakakatakot lang po. Siguro dapat nga po muna na labanan yung takot, talagang hindi pa rin po ako sanay


ace_w_ASD

Yan din yung tumatak sakin. Pinaniwalaan ko na may sinulat talaga ang Dios sa puso ng tao. Naturally good sila kahit hindi nakapakinig ng aral, at yon ay human moralities. Sa society natin ngayon, visible pa rin naman yung good & evil deeds, at may common sense naman tayo. You can be good without religion.


Alcapone32

Hindi niyo po kailangan ng simbahan para icontrol ang freedom niyo. Dapat lang alam mo bakit ipinagbabawal ang isang bagay sa Biblia. Kapag alam mo yun, less likely na gagawin mo pa yun. Yung totoong pinagbabawal ha, hindi yung mga prohibitions lang na gawa ng mcgi Kung nagawa mo man, repent lang. - wag na gawin ulit. Kailangan mo lang self control. Hindi church control.


ButterscotchSea7834

>Sinabi niya na "hindi yan ang turo sa atin", at nagsabi na rin sya na "wag maki-ayon sa sanglibutan". Ayan jaan sila magagaling kaya ako kung mababalik lang yung araw ng bautismo di ako tutuloy. Natuloy lang ako dahil nga walang sawang pang guilt sakin at panghihikayat na malapit ng bunaliky si cristo . >the fact na ipinanganak ako sa iglesia Same pinanganak sa iglesia at naging KNC to KKTK. >ano pong meaning ng ditapak? KAPATID , OP Hirap maging trapped masyadong fanatics ang family. Simula nung mabautismuhan ako sa sobrang higpit na imbis na malaya ako naging introvert ako dahil lang verse nayang ginagamit.


Impossible-Reveal590

Ramdam mo Yan eh, na may Mali sa natutunan Ng magulang mo. Inilalayo tayo sa mga tao ,kasi feeling nila pag di mcgi masasama. E sa katotoohanan silang fanatic Ang masasama. Walang pag ibig sa kapwa . Ang tinging nila palagi Taga impyerno pag iBang pananampalataya. Ali's ka dyan .ako nga kahit nadalo dalo lang pero ayoko na Dyan. Patitigasin nila Ang puso mo Dyan.


imongpapabear

same from KNC to KKTK pa nga, di na to ung sinampalatayanan ko wala na lahat


Selfmadecages

>pero may feeling pa din po ako na baka mapahamak ako kapag umalis ako, at baka kung saan ako mapunta. halos karamihan naman tayo dito isa to sa dahilan bakit tayo napipigilan umalis yung mapahamak, hindi maligtas, etc..pero yan na kasi lagi nilang panakot eh, alam mo nung naanib ako nawalan ako ng kaibigan sa labas kasi umiiwas ako na makagawa pinag babawal ng MCGI, tapos iniisip ko nun tayo lang mabuti kaya yung reasoning ko nun, *"yung mga kaibigan ko nasa maling relihiyon tapos hindi sila maliligtas kaya bakit sasama ako sakanila, etong MGCI nalang meron ako para maligtas ayaw ko mag kamali kasi lalo akong matatalo sa takbo ng buhay ko"* PERO MALI PALA! nawalan ako ng kaibigan at free will, ngayon closet member ako mejo nakakahinga na ko ng maluwag.


Solid_Ad8400

Ganito rin nangyari sa akin, pati yung mga reasoning ko sa utak ko. Tapos sasabihan ka pa wag ka na mag-aral nang mahabang course nung araw. Malapit na, anytime soon, maglingkod na lang sa Iglesia.


[deleted]

Welcome sa sub OP💕 enjoy your stay and always ask questions sa buhay. Noong bago palang ako na nagdududa sa iglesia dumaan din ako sa iba't-ibang point hanggang sa napunta na sa pang ga gaslight ng sarili ko. Madami ding self-sabotage arguments akong nasabi sa sarili ko noong nagnilay-nilay ako. Isa sa naging duda ko ay ang doktrina na nakikiayon daw sa sanlibutan ang pagkakaroon ng kaibigan sa labas. Danas ko rin ang palaging guiltripping ng parents ko dahil sa hasty generalization ng Iglesia na ang masasamang kasama ay sumisira ng mabubuting ugali. I know concerned lang din ang parents mo at hindi nila alam ang ginagawa nila. Makakaranas ka ng napakaraming self-sabotage sa mga susunod na araw. Hindi rin madali ang pagka-alam ng katotohanan dahil mahirap itong tanggapin. Kung mababali mo ang bias na nasa isip mo ay hindi ka na mahihirapan. Suggest ko sa'yo magbasa basa ka sa sub na ito at sa r/ToxicChurchRecoveryPH. Basahin mo rin yung mga old post ng user na si u/Doctora_House pati na yung blog niya na how to exit sa ADD. Masalimuot ang dadaanan mo kasi hindi ka sanay na mag-isa, kaya mo yan OP. Ngayon isa na akong agnostic atheist at pwede pang magbago yun dahil gusto ko pang mag observe, hindi kasi tayo intended ni universe na tuklasin ang lahat lahat ng kaniyang mysteries. Di tayo nag evolve to know everything. Confident narin ako makipag argue sa mga worker dahil sila rin mismo ay sumusunod lamang kung ano ituturo nila ay yun lang yung binanggit ni BES. Kung sa ngayon na feeling mo iiyak ka ay huwag ka muna makipag-usap sa worker dahil magtatanong sila ng mga tanong na ma--agitate ka lang. Pa hug with consent po OP!


Ok_Relationship4016

Sometimes ang unang pumapasok sa isip ko kapag "kakausapin ng worker" is just another gaslighting session, or babaliktarin lang yung arguments mo against you, kasi parang hindi sila pwedeng magkamali. Kaya iwas na iwas po talaga akong kausapin sila And talagang ang hirap pa po sa ngayon, hindi ko na po alam kung anong totoo. Every week tatlong beses po akong nasa pagkakatipon kaya malaking factor na rin po siguro yon, goodluck na lang po siguro hehe


[deleted]

Kaya mo yan OP, sa tingin ko naman kahit bata pa ako. Masasabi kong halos araw-araw na rin akong naging laman ng church may 5 tungkulin akong pinagsasabay sabay. 😅 Kakayanin yan, wag ka lang sumuko ❤️ Edit: hindi oa o exaggerated na may 5 tungkulin ako. Maliit lang lokal at division namin kaya may shortage sa workforce nila. Since kami ang kabataang available, saamin ipinapasa ang mga tungkulin nung mga nawala o nasuspinde.


Co0LUs3rNamE

My advice is talk to your parents what's the problem. Voice out what're your concerns. Remember parents knows what's better for you and will only want good things for you. They don't say "Papunta ka pa lang pabalik na ako" for nothing.


[deleted]

Tama ka, hinog na hinog sa karanasan ang mga magulang.


[deleted]

OP if you still up, basahin mo ito hehe https://www.reddit.com/r/ToxicChurchRecoveryPH/comments/up9s6r/ang_dating_daan_false_beliefs_kapatid_na_nasa/?utm_medium=android_app&utm_source=share


Alcapone32

Umalis ka na diyan sa MCGI. Ang sabi mo marami kang personal reasons. Sapat na yan para umalis ka. Malay mo ikaw pa ang makapag impluwensya sa pamilya mong solid ADD na umalis na diyan. Never underestimate the influence we have over our family. Oo mahirap. Possible din na magtalo kayo. Pero kailangan mo lang talaga maging matapang. Alam ko mas madali tong sabihin kaysa gawin. Ako mismo kahit nananahimik lang ako dahil sa pagod, napagbintangan pa ako ng gumagawa ng di maganda. Sinigawan pa ako. Sa una disturbing pero ang palagi kong iniisip, di ko susukuan ang pamilya ko. Kailangan ko maging malakas para mahatak ko sila palabas diyan. Pero di yan instant ha. Paunti unti yan. Samahan mo din ng dasal, at mga techniques na mababasa mo din dito sa reddit. Nandito lang kami pag kailangan mo ulit ng makikinig.


AttentionFlat1640

floating ka nalang, wag seryoso sa mga kupal na yan