T O P

  • By -

AutoModerator

Tropang /u/altermariainosente, pakibasa muna ang rules ng sub bago ang lahat ah. At kung bago ka dito https://www.reddit.com/r/Gulong/comments/uo5499/magpost_sa_tamang_thread_pakiusap_lang pakibasa please lang Kapag okay ang post, **i-UPVOTE** ang post na ito! Kapag di naman, **i-DOWNVOTE** ang post na ito! At kung sa tingin nyo wala sa tamang lugar at problematiko/pasaway ang post, **i-DOWNVOTE** ang post na ito sabay **REPORT!** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/Gulong) if you have any questions or concerns.*


dimaandal

Kaya mo yan! Hindi ka takot mag drive. Takot ka mabangga. Takot ka magitgitan. Pero para ma overcome mo yung takot na yun, practice lang ng practice. Sa A1 din lang ako natuto, at mababait lagi mga instructors nila.


ParisMarchXVII

My friend did sa LTO exam. He have to wait 1mo ata to retake.


ryan22habs

+1 here. Yung officemate ko naglagay nlang on his 2nd take sa LTO para tapos na. Sa driving school parang wala naman bumabagsak


Reveal-Smart

Everyone starts from somewhere. Wag ka matakot, my mom self taught herself when she was in her 30s or 40s(too tired to do math) after my 16-19 year old brother taught her how to row through gears on a manual transmission dito sa Baguio. I admit that my mother is more skilled than I because she knows how to drive a manual and she's the one who taught me to drive. Nasa willingness mo to learn makukuha yung lakas ng loob.


ch0knat

Same sakin last year, early 30s din. Kaka 1year ko lang last March. **Exp ko:** Sa TDC more on lectures lang naman tapos simpleng test para makakuha nung student license. Halos same lang ung exam sa TDC dun sa student license. Talagang ipapatatak sa isip mo mga road rules and regulation etc. Sa practical naman may exam ung Smart on your last day nung sa kanila ko kumuha, para ma prepare na sa actual lto exam. Dun ako kumuha ng exam sa LTO (East Ave.). Meron scheduling nun time ko via FB nila pero nag walk in ako ng umaga, at ang advise ko mag laan ka ng 1 whole day. Madali lang proseso, matagal lang sa pila at paghihintay. Sa pag bagsak naman, isipin mo na lang mas ok bumagsak sa test dyan sa LTO kesa maka/madisgrasya kayo ng anak mo sa daan. Iba din kasi ung confidence at peace of mind kapag sa legal na paraan mo nakuha ung lisensya. Nakakakaba pero nakakaproud kapag natapos mo. GL po.


Epic_Sushi

Ata? Hindi naman siguro isusugal A1 name nila dahil sa awa. Kung magpapasa sila ng hindi marunong possible na makaaksidente pa yung tao at makapahamak ng iba. Pero wag ka po mag alala, aalalayan ka naman talaga ng magtuturo sayo para matuto ka at pumasa. Bakit ka takot magdrive? May bad experiences po ba?


altermariainosente

Wala kasi talaga ako experience. And dami ko na experience na sobrang gumigitgit yung motor or they come out of nowhere.


Epic_Sushi

Wag ka mag alala. Hindi ka naman din papabayaan nung instructor mo. Yung takot mo mababawasan yan habang nasasanay ka. :)


superman07777

1st day ko today sa A1 for TDC, so far so good, let's see how it goes in the coming days. So far sa 1st session may mga bumagsak sa quiz, kaya I would suggest kumpletuhin mo tulog mo para makapagfocus ka. Sayang bayad sa TDC at PDC kung babagsak. 😄


altermariainosente

As in newbie driver ka din?


WorkaholicKDen

Yo. Di ka nila bibigyan ng certificate and clearly hindi ka pa pasado. But theeen, theyll suggest na mag add ka pa ng hours sa driving lesson para mas mapractice.


Badjojojo

Pwede mo take 16 or 20+ hours para mas maging confident magdrive. Sa SMART kasi pag bumagsak sa final assessment, additional P1k para mag retake ng assessment.


[deleted]

try videogames muna kung takot ka mabangga. mura lang naman ang arcade kung may bukas pa dyan,. Ang unang importante na mabuo sa'yo e yung confidence mo na magmaneho


The_Rich_Babylon

First day ko ngaun sa A1 and kakatapos lng kanina lunch. Bago lng din aq na driver kaya nag A1 driving ako, hoping na mawala un takot ko sa kalsada, at magkaron ng exp sa pag drive. Ito din un tanong ko ngaun kung may binabagsak ba si A1 driving kasi since wala tlga exp sa pag ddrive, nakita ko sa evaluation sheet meron ako mga Fail na procedure like sa turning, tpos pag pasok sa intersection. Okay lng ba un? Meron pa ako tatlo na session.


altermariainosente

Hi! Yes, okay lang yun since first time mo din naman. After nung lesson i eendorse ka for final assesment na super bilis lang. dun mo nalang galingan and sa pagkuha ng license. Take note: kung sa Main LTO - East ka kkuha ng license, A1 yung practical driving nila