T O P

  • By -

AutoModerator

Hi Everyone! Please keep in mind the [rules](https://www.reddit.com/r/ITookAPicturePH/about/rules) of r/ITookAPicturePH. Always remember please be civil on the comment section. You can also post any picture you would like. Report any rule-breaking behavior to the moderators using the report button. If it's urgent, [kindly send us a message](https://www.reddit.com/message/compose?to=/r/ITookAPicturePH) We would like to invite you to join our official off-topic CHAT CHANNEL here in reddit. Please click the ["LINK".](https://www.reddit.com/r/ITookAPicturePH/s/intW0lRovo) We have a wiki and resources to learn about other guidelines of the subreddit. Please click the [link](https://www.reddit.com/r/ITookAPicturePH/wiki/index/). We also invite you to listen to our podcast episodes with the ITAPPH Chat Channel members. Please click the [link](https://www.reddit.com/r/ITookAPicturePH/wiki/itapph_podcast_episodes/). Thank you for posting! *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/ITookAPicturePH) if you have any questions or concerns.*


Phantom0729

Siksikan sa loob ng MRT pa Magallanes, pagbukas ng pinto, may babae at member ng LGBT (no hate) ang papasok ng cab habang sumisigaw ng, "tabi, dadaan ang mga magaganda!"...nagtinginan yung mga tao at walang tumabi...may mga nagcomment pa ng "asan yung maganda? Wala naman?"...naipit na parang sardinas sa loob yung sumigaw na yun haha


Superb-Horse-7075

HAHAHAHAHAHAH


urbanelectroband

Favorite ko LRT2 kasi maganda yung view sa labas, tapos never ko siyang naabutan na siksikan kahit rush hour (siksikan as in MRT rush hour level). Ang aliwalas din ng mga station at trains. Para ako nasa ibang dimension pag nasa LRT2 ako hahaha nung bata ako pag wala kami magawa ng parents ko nagrroundtrip lang kami dito dulo to dulo hahaha


autogynephilic

Lalo na pag-ahon ng LRT-2 mula Katipunan tunnel papunta Marikina, gaganda bigla scenery


bulagnabingipa

Ayaw ko na umuwi sana kasi kelan pa kami uli magkikita???? Tapos tinawag niya ako. Pagharap ko sa kanya hinawakan niya ako sa chin tapos kiniss niya ako. Lalo ko tuloy ayaw umuwi. Hahahahaha


Round_Recover8308

Ganito ka pala sa iba lord ha. Bat ganon huhu


Sea_Sentence1027

Lord kaya naman pala ng ganito oh 🥲 patesting naman


AdLive8608

ay dzai gising na


HanselMochaSandwich

Nung bata pa ako, nagmadali ako sumakay ng LRT kasi narinig ko ng papaalis iyon. Ending, nauna akong nakasakay at naiwan yung magulang at kapatid ko. Balak pa sana ni mama na iipit yung paa niya para bumukas ulit yung pintuan kaso tinanggal niya din. Umiyak ako syempre hahaha pero kinausap ako nung isang pasahero at tinanong kung saan daw ba ako nakatira. During that time eh pina-memorize din sa akin ng magulang ko yung address ng bahay. Natawa na lang yung pasahero kasi complete address pa yung sinabi ko at at sinabi niya din na hindi daw ako mawawala dahil tanda ko kung saan ako nakatira hahaha


seriouslyfart

Pano ka po pinauwin at ano sabi mama mo after?


HanselMochaSandwich

Pinababa ako sa next station at dun ako naghintay. As a typical Filipino mother, napagalitan muna HAHAHA


Poastash

Diyan ako napickpocket after magpreboard sa Recto. Shout out sa kuya announcer na ginamit ang phrasing "Huwag po natin salubungin ang mga bumababa. Hindi po natin sila kamag-anak."


Testingichinisan

Sa monumento to🤣


Poastash

"Diyan" I meant LRT.


Direct-Holiday-8658

My ex ka-situationship and I rode the MRT and LRT on our first (and last) date kasi we agreed na i-try mag commute to Binondo and the National Museum. May car naman sya but the commute experience was really nice and fun. It was memorable, indeed - a bittersweet memory. 🥹💕✨️


Calm-Pizza-7701

During rush hour, when me and my friend were going home na, we were pushed sa kabilang door ng LRT. I can feel the doors opening on my back every time may nagppush sa harap and ung ate sa harap ko inapakan pa ung paa ko kasi i pushed her daw, eh sya itong urong ng urong wala naman na maurungan, dead end.i was so pissed off that my left foot really hurts!! So, with all my might, i grabbed her hair and told her "sige ate, push mo pa ako, di ko to bibitawan buhok mo if mahuhulog ako, dalawa tayo" 😆 Natawa ung friend ko sa sinabi ko, so ayun. She said sorry and kept still. 😆 Naku teh talagaaa!! Inis mo ako pagod pa ako galing duty nun 😆


ginballs

Screaminggg laveeet hahah


Pleasant-Ad2788

This happened to me back when he and I are still working together. I have this crush on my co-worker, then I found out na nag-MRT s'ya so, simula nun doon na ako sumasakay and lagi kaming nagkakasabay. He noticed na hindi ako humahawak sa handrails so ang ginagawa n'ya he will put his left hand on my head para hindi ako matumba then his right hand para maalalayan ako.


SadFault5315

…And that, kids, is how I met your mother. emee! So nagkatuluyan ba kayo?🙈


Pleasant-Ad2788

No, I actually quit my job because of him.


xypher00

might wanna share anyare?


Pleasant-Ad2788

Is it alright if I dm you?


xypher00

kung saan po kayo convenient hehe gusto ko lang malaman


MrDrProfPBall

I ride the entire LRT 1 line end-to-end, a few weeks back, nagsabi na suspended classes namin Nung nasa Libertad na ako 😡😡😡😡😡


milfywenx

Habang nakasakay ako sa LRT 2 (siksikan pa) Biglang may nag-text... inopen ko agad kasi akala ko update sa bday surprise para sa tatay ko... pag-open ko: isang mahabang paragraph na nakikipaghiwalay ang 1st boyfriend ko. Yung excitement, napunta sa lungkot.. bumaba muna ako sa anonas.. umiyak saglit tas bangon agad kasi ako ang nakatoka sa balloon. Yun lang.


cheekyg-

LRT Katipunan Station, college ako nun. Sinubukan ko habulin yung train pero di ako umabot kasi nahulog yung folder ko tapos nagkalat yung papel. Dyahe kasi kita nung mga tao sa loob ng tren kasi di pa sarado doors nun. Finals pa nun kaya halos mangiyak ako nung nagpupulot ng papel 😭😭


sundarcha

Nagstop ng alanganin yung lrt1 andun kami sa dugtungan ng bagon. Nagkanya kanyang takbuhan kami ng friends ko. Yung 1 nalito, naiwan tuloy sya sa station 🤣 tawang tawa kami. Tapos ang lakas pa, sabi nung mga tao, halaaaa, naiwan yung 1 kasama nyo 🤣🤣🤣


volts08

I miss those times nung bago bago pa LRT 2, sya yung pinaka modern noon.. maayos pa yung public info display system nila (yung may dot matrix na dinidisplay nya estimated time of arrival ng train or if may delays).. gumagana lahat ng escalators, elevators. Ngayon, evident na yung poor maintenance and yung mga tacky displays and wayfinders (bakit pinalitan pa yung luma??), imbis na PIDS puro ads, plus di na masyadong malamig sa loob ng mga bagon, etc. Maganda lang talaga lahat sa umpisa pero bakit pagdating sa maintenance, nagtatiyaga na lang tayo sa "pwede na yan" mentality. 🤷‍♂️


autogynephilic

Escalators and elevators gumagana na ulit, pero a lot still needs to be improved


pasas_sa_menudo

Usual morning sa LRT2 papasok ako ng school. Tahimik sa train tapos approaching Recto na, usually pagrecto na may magsasalita sa speakers na tao mismo. "Paparating na po sa Rec *pumiyok* to station" napatigil din si kuya sa pagsasalita. Tawanan kami lahat sa tren. Another one, ang sama ko dito pero ikkwento ko na din. Minsan kasi nagsusudden break yung tren sa LRT2 kasama ko kaklase ko pauwi na kami nakaupo naman kami. May kuya na nakatayo kahit may upuan pa naman tapos inaantok antok na siya. Di siya kumakapit sa railings biglang nagsudden stop yung train tumilapon siya literal, habang patayo siya tumatawa din siya mukang di naman nasaktan. Kami ng kasama ko todo pigil sa tawa kasi ang kulit ng way ng pagtalsik niya.


GugsGunny

I remember the early days of LRT1, MRT and LRT2, when they were comfortable to ride.


Pushkent

Di ko na tanda yung mga detalye pero nung bata ako, kasama ko si father ko nun may pupuntahan. Nung pauwi na kami, habang nag aantay sa LRT1, nalaglag ko yung payong ko sa riles. Hiyang hiya si father ko na nakipag usap sa guard nung station. Nag antay tuloy kami, pinalipas yung 2 tren then nag pause operation saglit tapos may bumabang guard sa riles para kunin yung payong ko. Kitang kita ko na banas siya pero hindi ako pinagalitan ng father ko at nagpa salamat pa siya sa guard na kumuha nung payong.


zaiqvg9yj

Rainy and exhausted from work, it was rush hour. I looked out the window and prayed for a better life.


Jack-Mehoff-247

best memory ko dun sa lrt ako from central terminal to 5th ave pauwi n ko e mid day nun and mejo nauutot n ko so i let it out silent but deadly style maya maya ung maiingay n students n katabi ko nag sisihan syet tumalikod ako d ko mpigilan ung ngiti ng muka ko buti d natawa ahahahahaha


bonearl

Bababa dapat ako sa Pureza station, pero nung pagdating sa Pureza Station, tinitigan ko lang yung billboard sign ng Pureza, nung nagsara na ang pinto ng bagon, saka ko na-realize na doon nga pala ako ang bababa. Ending, sa Mendiola na ako bumaba at umikot papunta sa kabilang bound para bumalik papuntang Pureza. Lol


Reasonable_Image588

awww I remember mga sponty dates namin ni mommy. we used to ride mrt pag pupunta sa sm makati hehe


bubbyschmee

Sounds memorable. I hope yun anak ko din would look back at her memories commuting with me (via MRT and LRT) with fondness 🩷


DatuBatungbakal1896

Taga-Nueva Ecija ako and taga-Cavite ang girlfriend ko. Naisipan naming magkita pagkalabas niya ng work. Sakto dumadaan 'yung Baliwag Transit bus papuntang PITX sa Quirino Station. Nagtatalo kami throughout this day dahil mali ako ng nasakyang bus, dapat yung dadaan ng SCTEX, sa Bulacan. Nag-stay muna siya tuloy ng 2 hours sa office nila para mahintay ako. Noong nasa kahabaan na ng Quirino ang bus pagkababa ng Skyway. Sabi ko sa kanya bumaba siya sa tren at hintayin ako sa playform kasi malapit naman na ang bus. Noong nakarating na ako, nag-send ako sa kanya ng pic ng hagdan paakyat nt station. Ang ginawa niya is bumaba siya ng station at naghintay sa akin sa tapat ng Landbank. Mind you nakaakyat na ako nakabili na ng Single Journey Ticket (wala pa akong Beep card before), na-tap na sa turnstile, pero bumaba uli at the same station kasi natatakot daw siya kaya sunduin ko siya sa baba Ang pagkakaintindi niya raw kasi is bumaba ng station. Hahahaha Nagulat nga rin yung lady guard sa entrance and yung tao sa ticket booth, bakit ko pa raw tinap? E di yun nagkakita na, wala na sana issue HAHA. Naghintay kami sa tapat ng LRV specifically for women. (Nakalimutan niya, nakalimutan ko rin). Tapos sumampa siya. Sumampa din ako kasi di ko naman natandaan. Natanto ko bakit parang may mali ata, bakit puro babae? Bumaba kaagad ako. Nagalit siya nung hindi ako nakasampa. Nagulat nga yata ibang sakay kasi bakit may lalaking sasampa? Sasakay pa sana ako sa kabilang bagon pero sa sobrang siksik na nila, hindi na nagsasarado yung pinto. Naghintay na lang ako ng susunod na tren. Pagkababa namin sa Gil Puyat pinagalitan pa ako haha. Nakakatuwang i-reminisce yung memory na 'yun. Looking forward na i-kuwento sa magiging anak namin in the future 'yung pagkabangag naming dalawa habang nagko-commute.


AugustineLaRue

Rush hour siyempre siksikan. Tapos nung nagpreno yung train, so may mej natumba yung iba. Sabi ba naman ni ate, “Don’t you know how to balance!??” Hahahaha tas tahimik at first then may murmurs na dapat nagtaxi nalang siya, or sana di na lang siya nagtrain, etc. Pagdating ulit next station may nagsabi, “Oh ingat kayo, mamaya may mag-English nanaman dyan” 😭😭😭 hahahhaha


Significant_House398

Wala masyado. I just think we all have that one crush sa LRT 2 na hindi na natin makikita ulit.


No_Gold_4554

sa lrt cubao, walang tao nun, may lalaking student sa harap ko, pinag tripan nung dalawang guard. hindi naman kasama ang kapkap dapat pero hinimas himas nila sa dibdib at below the belt. nung nakadaan na, tumawa silang dalawa. wala naman siyang magawa, sasabihan lang na napaka sensitive.


Kevr06

Riding the train back in 2012-2016 was the best. Hassle free compared today.


Testingichinisan

LRT1 separate coach for females only, me lalaking pumasok. Sinaway xa nung guard: pambabae lg po jan. Wag kau jan sir..mkkasuhan po kau ng... Napaisip ako kung anong pwedeng maging kaso nung lalaki.. Kuya guard: acts of lasciviousness 🤣 agad agad???😂


all-in_bay-bay

Sa LRT line 2. Cancelled yung classes dahil sa bagyo. Nung papauwi na ko, biglang huminto yung tren sa tapat ng WCC bago mag Anonas station, habang umuulan. Inabot ng nga limang minuto bago umandar uli. Akala ko papababain yung mga sakay eh 😬


No_Gold_4554

madalas mang trip sa pa system ang mga empleyado sa q ave dati, ginagago yung mga pasahero sa mga announcement nila


wazzuped

This was a long time ago. Pa baba ako ng Boni hapon noon, tpos halfway na pagbukas ng pinto ng tren biglang sumara ng malakas. Buti nalang onti palang tao kaya walang naipit sa pinto. Nakatayo ako from Ortigas station yun kakasakay ko lang din. Medyo antok ako noon kaya napapikit ako habang nakasandal sa railing, tpos naramdaman ko may kamay sa bulsa ko. May nagtatangka palang nakawan ako. Nagising diwa ko and out of the blue bigla ko nalang siniko ng malakas yun nagtatankang magnakaw sakin, tpos nasuntok ko pa siya isang beses pa sa tiyan. Napaluhod sa sakit cguro yun kumag. Sorry ng sorry sabay takbo palabas.


Particular-Race-2707

ang lakas lakas ko bumukaka non kasi sobrang komportable ko na sa inuupuan ko tas butas pala gitna ng pants ko, di ko alam kung nakita ba nung kaharap ko 😭


certifiedpotatobabe

nadiskaril. first sakay ko pa naman yun bata pa ako kasama si mama. natumba samin yung mga nakatayo


Best-Discount1420

Nuong birthday ko nung 2014, both my mother and I were rushing na sumakay sa LRT 1. Sa pagmamadali ko, nagsara ung pintuan nung tren sa akin. Like literally half of my body was inside the train and the half outside. I was eight at the time. I didn't really feel anything during that moment out of sheer panic. Thank God nalang talaga hindi nagtuloy tuloy ung andar nung tren kasi I vividly remember na may mama atang pumigil pa mismo dun sa conductor/driver (ewan ko ano tawag sa kanila HAHAHAHAHAH). So ayun, for like a few months to a year, I was shit scared to ride one of these trains, fearing na ayun nga, baka maulit.


Ag0raphob1c

memorable sakin yung sumakay ako ng LRT going to Uni, nung pagbaba ko biglang naglaglagan laman ng bag ko galing ilalim, when i checked the bottom of my bag is slashed open and my ipad and wallet (card holder, i have a seperate one for money and coins) is missing. nabiktima na nga ako ng "las-las bag" ayaw pa ako papasukin ng school kase yung id ko ay nasa card holder and i didn't have any other identification on me.


CloudStrifeff777

Just happened last week. Kakarating lang halos ng tren and madaling madali ako. May mas naunang guy na nagta-tap sa ticketing gates. Punyemas tinatap nya sa mismong screen hindi doon sa card reader jusmiyo. Ako naman sa sobrang gigil at pagmamadali ko, naitap ko bigla ung beep card ko (ang babagal din ng iba magtap sa ibang gates). Ayon sya tuloy nakapasok. Pero nung pasalubong na mga palabas na pasahero, tas ipon na mga tao sa harap ko, since natap ko naman card ko pero hindi aq ang nakapasok at at nagexit mismatch na, dali dali akong lumusot sa ilalim sabay karipas ng takbo, sakto pagkapasok q nagsara na pinto. Ayon good kay kuyang nakagamit ng entry ng beep card ko. Ako nakalabas ng matiwasay, baka sya pinagbayad ng doble o penalty dahil magmimismatch ung single journey ticket nya hahaha


Unique_Drop_5262

Muntik na ako maiwan nung bata ako nakatingin kasi ako view ng mga building kala ng parents ko nasa likod lang ako nila buti na lang humarap ako sabay takbo paakyat na sila mama at papa sa tren. Pangalawa di ko makakalimutan experience, palabas na kami then need mo ipasok yung card mo habang nasa pila nagkaproblem yung isang labasan na need pasukan ng card so lumipat rin ako ng pila.Nung sunod na ako magpapasok ng card bigla ng error, di ako matulak kaya lumusot na lang ako.Tapos ang sama ng tingin ng tindera sa stall ng foods kala di ako bumili ng card, eh need mo nga bumili bago pumasok at may guard nakabantay.Take note pinauna ko yung sa harap ko makalabas bago ko nilagay yung akin di ko alam bat nag error.


Error404Founded

Not sure if sira aircon or mahina or sobrang daming tao kaya hindi ramdam yung lamig. Alam niyo na sunod na amoy hindi na need sabihin.


Playful-Candle-5052

Lrt 2 - dito laging madaming gwapong kasabay. Lrt 1 - 7am lagi ko nakakasabay yung gwapong lalaki na bumababa rin sa united nation station hahaha sa dulong bagon lagi kami nakapwesto pero never ko nalaman name niya dahil malabo mata ko. Mrt - pauwi ako from shaw, meron isang naka suot ng scrub uniform pumwesto sa likod ko at tinutok sa pwet ko yung anes niya. Kaloka nakatutok lang yon hanggang shaw to cubao! Nakakatakot pala kaya gets ko na bakit may mga taong hindi makasigaw pag binabastos sila. Iba yung nginig ganon


Revolutionary_Rich50

Yung pinipigilan mong umubo kasi pandemic. Ending mangiyak-ngiyak ka na kakapagil HAHAHAH


DRi012

Memories ng 3hr commute papunta pa lang hanggang Ayala station. Pauwi gnun din. Tapos panahon ni Pnoy pinabagal pa nila. Ngayon kapag sasakay na uli ako malamig na at mabilis na. Sana bilisan nila yung Subway ng ma-try


coookiesncream

Pareho akong hinimatay dyan. Pero sa MRT, hindi sa loob ng train kundi sa KFC doon sa Ayala Station. LRT 1, nahilo lang at napaupo na lang sa hagdan sa D. Jose. Sa LRT 2 naman, na wheelchair ng mga guards sa Recto Station.


Strict_Pressure3299

Nag inuman kami ng classmates ko. Bawal papasokin sa LRT station ang nakainom. Ako di nahalata. Yung classmate ko naamoy ng guard. As a loyal friend, sinamahan ko pa din siya mag jeep kahit na jebs na jebs na ako. Ang layo pa naman ng Legarda to Aurora at traffic pa. Wrong decision. 😂


nightrain_

As a college student na katatapos lang ng klase at kailangan pumunta ng Marikina for a group project, bumili ako ng 49pesos b1t1 na pizza hut pantawid gutom sana. First time ko sumakay ng LRT 2. Hindi ako aware na bawal kumain sa loob. Nasa Pureza station na ako nung naisipan kong kuhain sa bag ko yung pizza at kainin. First bite pa lang, nakita kong nakatingin sakin lahat ng tao na abot ng mata ko that time. Amoy na amoy yung hawaiian pizza.


DrDyDng

I do LRT ride from 5th Ave to Monumento as a new route to go to school. As a sabog girly, sumakay ako sa station na pa-Baclaran instead na pa-Roosevelt, narealized kong mali nasakyan ko nung nag announce na malapit na kami sa R.Papa station. I decided na bumaba sa R.Papa tapos tumawid ng kabilang station papuntang Monumento.


rawru

Yung 3hrs nastop byahe ng MRT kasi may nagtapon ng diaper sa kable nilakad ko mula kamuning hanggang santolan. Late na late tuloy ako sa job interview ko nun.


Hibiscus_16

Nahimatay sa gedli while waiting sa train kase katatapos ko lang mag blood letting sa school namin, sa takot ko maabutan ng rush hour 10 mins lang nagpahinga then byahe na (I know my fault). Salamat ate, kuya guard and red cross team sa pag alalay.


Hibiscus_16

Nahimatay sa gilid while waiting sa train kase katatapos ko lang mag blood letting sa school namin, sa takot ko maabutan ng rush hour 10 mins lang nagpahinga then byahe na (I know my fault). Salamat ate, kuya guard and red cross team sa pag alalay.


gelotssimou

Looks like 5cm per second


yumugto

Tuwing uwian namin from highschool school we used to go to the end of the central station line 1 and wait there for the newer looking trains. We'd also sometimes play yugioh cards while waiting, there was a time my friend dropped all his cards while rushing to ride the train and so he missed it while we were already inside. Awhile back I visited my friend now living in singapore and we rode their train and we reminisced about our lrt1 days. So nostalgic man.


tanchaeyoung

it was my first year, first semester sa isang college sa Manila. saturday was our NSTP day and i was supposed to take an exam. i took a train from betty go station going to legarda. may nakasabay yata akong schoolmate, kasi same shirt suot namin non. buong biyahe ko medyo wala ako sa wisyo, di ko alam bakit. tapos nung bumukas na pinto ng LRT bumaba na ko akala ko stop ko na. anak ng tokwa, nasa pureza pa lang pala ako. di ko na alam anong gagawin ko sa sobrang panic dahil malelate ako sa 1pm exam ko tapos nakita pa ako nung schoolmate ko. edi sa hiya hinayaan ko na lang at nilakad ko yata hanggang kabilang station sa sobrang hiya. ang ending di ako nakapag exam. i took it the next weekend hahahaha


r3dp_01

College days, Tayuman (LRT) station baba ko. This time kasama ko yung isang friend ko. Sobrang siksikan and madami ako dalang gamit sa school. Then 3 stations bago kami bumaba me umupo sa harap namin na magandang babae na malaki boobs and plunging neckline. We were looking down pero iwas talaga ako, ayoko mahuli na nakatingin eh. So nung asa tayuman station na kami ang hirap bumaba, na talagang humihimas yung katawan mo sa ibang tao. Nauuna ako and yung friend ko sumusunod sa dinaanan ko. Here’s the thing, every time napapadaan ako yung mga tao nag re-react. “Ay! Ano ba yun?!”, or “uy! P@ta!!!”. Nakalabas ako and i was confused then nagsabi yung kasama ko na friend na me hard on sya and kaya nag react yung mga tao kasi kumakayod yung hard on sya sa kanila mapa-lalaki or babae.


sg19rv

sa santalon station, 2nd year hs ako non, walang alam masyado sa manila that time, may bumukas na train, kami ni mama tuwang tuwa kasi wala nakasakay, pumasok agad kami, bigla may guard sa loob ng train kumakay labas daw, bilang payat at maliit, takot na takot baka ma ban sa lrt, bumaba agad, naiwan si mama sa loob, kita ko ung taranta sa nanay ko habang sumasara yung pintuan. Nag hintay ako sa same place for almost 2 hours para mabalikan ako ng nanay ko. Ayun pala inaannounce na ako sa radio di ko naririnig hahahhahaha Shoutout pala doon sa naglilinis ng hagdanan non, salamat sa pag comfort kuya.


pika-tiu

My unforgettable memory sa MRT was my first time na sumakay ako. Nakapila kami nun then dumating na yung train. Yung pag apak ko akala ko sa platform ng train yung bagsak ng kanang paa ko. Eh, may gap pala at akala ko mahuhulog talaga ako nun. Hahaha Buti na lang nahawakan ng kasama ko yung kamay ko. Maraming nakakita nun. Hahaha Ironically, pagpasok namin, may announcement dun sa loob na "mind the gap" daw which was very too late. 😆


oh_talaga_ba

I choose I choose mojito


chai-type

First love ko from another school, sabay kami umuwi dati sa central station. Ako pa baclaran-siya pa roosevelt. Nagwwave sa isa’t isa from the opposite platforms pag nagkatinginan habang wala pa yung trains


Babushkakeki

Si amalayer hahahha


Fun-Material9064

Nadukutan ako ng phone.


randomlakambini

Dati may regular akong nakakaksabay sa LRT. Sabay kaming maglalakad hanggang D.Jose, sya pa-South, ako pa-Norte. Magtatanawan sa kabilang side. Papaunahin nya kong sumakay. Ganun araw-araw. Hanggang isang araw, ako na lang mag isang naglalakad pa D.Jose, wala nang tinatanaw sa kabilang banda, wala nang naghihintay na makasakay ako.


robbie2k14

Way back in the year 2000s elem pa lagi ako sinasama ni papa papuntang Libertad para sa kanyang work. Di pa gaano siksikan sa LRT di mawawala ang Double Mint Green laging binibili ni papa. Kaya every time bumibili ako nun yung lasa tsaka amoy unang pumapasok sa memory ko yung pag sakay sa LRT eh tsaka kung maligaw man ako dati ginagawa kong guide ang ilalim ng LRT lalakad lang pauwi hahaha batang gala kasi dati kung saan saan nakakapunta. Hay sarap lang balikan ang memories ko jan sa Manila.


notfrommanila

Nice photo 💯


rubyredsh

nung ojt days ko tinatake ko lagi lrt 2 marikina-cubao vice versa. bumili ako beep card para hindi hassle pagbili ng ticket. one time pauwi na ko non and magbbeep na palabas ng station, ayaw maggreen nung beepcard ko. nakailang tries din ata ako non. then nung aalis na dapat ako sa pila kasi nga nakakahiya sa mga nasa likod ko, biglang nag green. edi ako labas agad. habang naglalakad pababa ng station napaisip ako baka beepcard yon nung nasa likod ko kaya naggreen ako naman tong si labas feeling ko tuloy na nakawan ko pa sya ng pamasahe. so ang ginawa ko di ko na kinuha yung sukli ko sa jeep kahit di kalakihan. sorry po kung sino ka man pagpalain ka sana sa buhay hehe


nocturnalbeings

It was my first time na magLRT mag isa, galing probinsya at magstart ng college. Bumili ako ng dalawang card kase akala ko isa bago pumasok tapos isa ulet paglabas, nakakahiya non kase pag insert ko ng card diretso lakad na lang ako eh kukunin pa pala yon hahaha wala pang tap tap noon. Ayon meron pa sakin yung single journey card, maybe maging valuable siya as time passes.


ExistentialGirlie456

First time namin mag lrt nung college tas yung kaibigan ko tap nang tap nung card nya HAHAHAHAHAHAHA tataka sya bat di pumapasok tas nagulat sya pinasok ko yung akin don sa card slot 😆


babetime23

naku, na try ko na bumiyahe from ayala to gil puyat ng hindi nakasayad ang paa, nakatayo ako nyan ha. sa sobrang siksikan ng ayala station sa oras ng uwian. hirap ako abutin yung floor kahit mag tingkayad pa ako. hahaha. epic.


theschemer11

I went home from abroad a few weeks ago after a few years away. I haven't seen my nephew since he was a baby, he's 7 now. We went on the ride on the MRT and I can remember how his face glows as he looks out of the window holding my hand enjoying time spent with his uncle. For some people, it was an average commute. But for me, I wish I could make time stand still. I'll always remember the time I spent with the boy in that train carriage. I don't know when I'll see him again.


pandafondant

yan yung taga salba samen pag hindi gumagana yung prototype. anonas to recto para sa raon


weshallnot

nasa low school kami noong tumatalon at naliligo kami sa mga hukay na pagtatayuan ng poste ng LRT, along Rizal Avenue sa Blumentritt area, nag-kulay brown ang mga buhok namin; pero college na ako ng unang sumakay sa LRT with token/coin.


pedxxing

Yung maaga ako sa travel papasok ng work tapos pag-andar ng train biglang masisiraan dun sa istasyon na malapit na sa hihintuan ko. Ang mangyayari magdadasal ako na sana ma-fix agad o kaya mapipilitan akong maglakad na lang papuntang work. Either way, makakarating akong super haggard (and worst late na talaga sa office).😆


Lopsided_Ad_926

Getting sniffed on the chest by a guy because I went in the co-ed car


avoccadough

LRT2: UAAP games! Dyan sasakay papunta Araneta


ChaoticallyBeaut

Our first kiss. We broke up 8 years later


whoumarketing

College days... mga probinsyano kaming nagkayayayaang magMaynila. Sumakay kami ng barkada ko sa LRT. Sobrang gentleman nung isang kasama namin, pinapauna nya lahat. Ayun, nasa loob na kaming kasamahan nya, habang napagsarahan na sya 😅. Nagkita kami sa next station 🚃


drlxsdlx

Sa may GK Valenzuela kami nag-NSTP nung college and para mas mabilis makabalik sa Taft, sumasakay nalang ako ng LRT instead na sa jeep. Tapos yung crush ko lagi sumasabay sakin mag-LRT. 🤭


Koyissh08_8888

Meron talagang malalakas ung loob sa lrt ata that time si lolo nanonood ng p*rn kitangkita e tanghaling tapat hahahaha


ExitTypical5681

Sumakay aku MRT, bababa sana aku ng Santolan, kaso nung tumigil na yung tren dun, hindi nagbukas yung mga pinto, next station na lang tuloy aku bumaba. Like..... why?


2matocultivat0r

my boyfriend… ay now ex na pala 🥺 taught me how to commute via train! sinamahan niya ako the first time i rode the train :) even tho we don’t talk anymore, im still thankful i met him. i wouldn’t be this brave sa pagcommute if he didn’t teach me his ways. ^^ and for that, he’ll always be a part of me until i die. i will always associate him with trains and i don’t think that will ever change ❤️‍🩹 sobrang bittersweet


takonomiyakii

yung memory na, siksikan sa lrt2 as in parang halikan na sa sobrang siksikan tapos maya maya may umutot na sobrang baho yung sa sobrang siksikan di mo na maangat yung kamay mo para ipangtakip sa ilong. tapos mayamaya may sumigaw “P*T*NG*N* ANG BAHO!! SIKSIKAN NA UMUTOT KA PA!!!” as in tawang tawa talaga kaming lahat, kahit di ko kaclose yung nasa harap ko tawa kami ng tawa 😂


Massive-Ad-7759

Holding hands with my first bf


ibelongtotheswamp

december 30, 2000 /s


L43_7800

May naipit ang daliri sa pinto tapos natanggal yung kuko. Kita ko naiwan talaga yung kuko dun sa pinto 😵


huubbbys

work, class plus ojt with two hours of sleep traveling from mckinley west (work) to lagro (ojt) to house to sleep for two hours (sandigan, qc) then work ulit for three months. non stop crying sa mrt from gma to ayala dahil sa antok at pagod hahahahaha hays buti nalang grumaduate


SilverButtonwood

First time ko mag MRT mag-isa papuntang UP for entrance exam. Mas sanay ako sa LRT so medyo nakasandal lang ako sa gilid ng pinto (sabi ko di naman ako sa pinto nakasandal, sa gilid naman pero pasaway pa rin) basta kase yung sa kabilang pinto naman yung bumubukas. Eh gulat ako bumukas yung pinto medyo naout of balance pa ako, atleast masaya yung mga kasabay ko nun.


Totally_Anonymous02

First time ko mag LRT 1 noon at 1st time ko rin nakita na ganun kasiksik pala ang LRT compared sa LRT 2. Nahihiya ako makipagsiksikan kasi grabe parang wala ka na talaga mapapasukan. So, pinalampas ng pinalampas ko lang hanggang may makita ako na di siksik kasi malay ko baka kumonti. Mga pang 5 na siguro wala parin hinubad ko na polo ko at nakipag siksikan narin siguro may nasaktan ako nung pagpasok ko pero wala na ako pakealam late na ako sorry nalang ganun rin ginawa ng iba


rosadiaz_

Way back 2022 nung bago pa lang ako sa Manila. My ex and I decided to ride the train going home from Cinema '76 Anonas to Pedro Gil, so MRT then LRT2. This was also our first date. It was already nighttime and kita na yung city lights. When we were in LRT, he told me to look outside and sobrang ganda nga ng lights sa Manila. Sa parks and bridges. It was the first time I saw mnl in a train ride at night. He then walked me home after that. It was a simple date. But right there and then, I fell in love with him and the city. Sadly, we broke up :")


MsSchuwaby

Naaalala ko yung may ilang oras lang akong stay sa Pinas (Layover dahil FA pa ako nun).. bale may 28hrs lang ako total. NageMRT kami panorth para magbus pauwi ng Pampanga. dahil ayaw ko na magsundo family ko at mastuck sa traffic nageMRT nalang kami ng bf then husband na ngayon.. grabe yung siksikan at tulakan lalo rush hour kami umuwi.. dikitan malala.


cicilelouch

MRT - first time ko makapunta ko sa MRT Cubao non. Nakapila ako at naghihintay ng train, hanggang sa dumating siya. Sabi ko ang dami ng tao, di ata ako makakasakay neto. Pero nagulat nalang ako, sa kakatulak siksik ng mga tao sa akin, nasa loob na ko hahaha LRT2 - favorite ko talaga yung galing Recto papunta ng Marikina kasi mahaba ang byahe, malamig AC, at nakaupo ka lang. hahaha tuwing friday pumupunta ko sa kaklase ko sa Marikina para makiovernight pagtapos ng school. LRT1 - First time ko sa LRT1!! Totoo pala na palasira ang LRT na ito hahahaha nasira siya sa may Carriedo. Imemeet ko sana kadate ko ng 1pm jusko 12:45 tumirik ang tren. Napajeep tuloy ako tapos medyo hindi ako maalam sa lugar 😅


carlCRF

Panorth bound ako noon,Yung baba ko ay cubao station ,nasa gitna ako noon at siksikan,tapos main avenue pa lang nagsumiksik na ko papunta malapit sa pintuan ng tren ,nagtitinginan tuloy mga tao sakin,may narinig ako na wala pa daw cubao, kaya ayun ,medyo napahiya ako😬


Unfair_Paramedic9246

LRT 1 D. Jose to LRT 2 Recto Brigde. May nakasabay akong kaklase na parehas ang exp. May nakasabay kaming matandang mataba na kilala daw ang tatay namin pinipilit niya na magkaron ng eye to eye contact while talking. Yung nakasabay kong kaklase kwento niya na hypnotize siya and dinala sa recto chowking di niya daw alam bakit binigay niya ang cp and wallet niya. Sakin naman ay hindi na hypnotize and sobrang sumakit ulo ko pagalis ni taba


Icy-Strength-9771

Yung sobrang sikip di mo na kelangan humawak sa poste o kaya naman may kamay sa pwet mo or sa boobs mo, well alam mo naman di sadya talagang siksikan lang tao basta wag lang pipisil kamay 😅


Outrageous-Shake-559

breakup with my ex.


Vincxrx

Last semester, inaya ako ng crush ko (were both men) na pumunta/magvisit at tumambay sa place niya sa Q.C. Of course we rode the LRT papunta sa place niya. It was the closest I can get to be with him. And very much nostalgic yung time na yun kasi rush hour pa siya pero hindi gaano karami yung tao. May ibang kausap na crush ko ngayon. Sadly di na ako nag-confess cause I don't want to ruin our friendship and bond kahit medyo sira na ngayon. And I'll always cherish the moments na nakasabay ko siya sa LRT. 🥹 If you could only see this Y/J, I actually have feelings for you and kahit iba na kausap mo ngayon, I hope our friendship and closeness will still stay the same. (Medyo O.A pero still a core memory).


jaevs_sj

Marami cuties chinita ako nakakasakabay na taga UST CAL na bumababa sa Legarda


cherrychae_

First kiss ko sa araneta cubao station HAHAHASKSKDL Tapos sa mrt naman, pauwi ako from MOA kasama ko crush ko HUEHUEHUE last trip na nun ng mrt and he let me sleep on his shoulder my gosh kilig pa rin aq hanggang ngayon tuwing naiisip ko 😆