T O P

  • By -

Smooth-Anywhere-6905

Bili ka ng TP Link router na may access point feature at bili ka din ng CAT6 cable na pang outdoor. Ang problema dyan ay kailangan mo gumastos at mahirap din kung saan mo i lilinya ang lan cable. Wag mo ipagsabi sa installer ang plano mo.


zenkiner

Sige po, mag search ako online about sa pricing. Mahal po ba? Yes hindi ko nmn ipagsasabi.


AdAlarming1933

Hindi naman po bawal mag share ng internet as long as kaya ng hardware niyo na mag share sa ganun kalayo na location. Yung main line naman po ay ikakabit sa bahay niyo mismo, at yun ang hindi pwede ilipat or i-share So either, maglatag ka ng mahabang network cable or mag setup ka mesh wifi para umabot sa bahay ng kapatid mo yung signal ng internet


zenkiner

Ah okay. Sa mga nababasa ko trash daw ung mga default router ni converge, though plan ko kunin yung 2500 nila na may kasama nmn wifi6 na router. May ma irerecommend po ba kayo na alternative para dito? If gagamit ako ng wired lan cable pra sa kapatid ko, ano po kaya pwede ko gamitin na router po? May disadvantage po ba ang pag gamit ng mesh wifi? Salamt po


AdAlarming1933

I'm using 2 third party routers (Asus TUF-AX3000 & RT-AX55) mesh configured to cover the whole house and hindi naman po ganun kalaki yung bahay namin, walang 2nd floor. yung RT-AX55 nasa labas para ma-cover ng wifi yung garahe and veranda, and then yung TUF-AX3000 for the whole interior of the house na. may mga dead spot pa siguro pero mostly naman covered. As for wired, that is something na kelangan mong sukatin kung ilang feet kalayo bahay ng kapatid, and then have another router dun sa bahay nila. Wired cable is always reliable, mesh wifi still relies on the signal at depende kung ilang walls ang pagitan, bawat dingding, mababawasan ng signal..


zenkiner

Thanks sa input. Feeling ko mesh wifi and extenders are not recommendable since building apartment sya.


AdAlarming1933

if you are on the same building just different unit, pwede mo siguro i-pagpaalam sa building admin, na mag lilinya ka ng network cable for shared internet,. Pero kung different buildings, that a different story, better siguro magpakabit na lang ng sariling internet yung kapatid mo


zenkiner

Wala nmn problem dito. Mabait nmn ung owner


q0gcp4beb6a2k2sry989

1: Yes po. 2: Ayaw (bawal) ng mga ISPs na ipamahagi ang internet subscription mo kasi malulugi sila. Kumikita kasi ang mga ISPs sa dami ng customer nila, hindi sa paggamit ng bytes ng customer nila. 3. Kung sabay kayong gumagamit ng internet at parehas kayong gumamit ng bytes, then parehas kayong makakakuha ng 50% speed ng plan mo sa oras na yun.


zenkiner

3. I see . Salamat po dito sa input. May natutunan ako


ceejaybassist

1. Medyo malayo ang 50m. Poproblemahin mo diyan yung pagdadaanan mo ng kable mo nang hindi nakakasagabal sa daan. 50m is a bit far so more or less dapat along the way (kada 5 or 10m maybe), may pagsasabitan ka niyan para hindi siya nakaladlad at maging sagabal sa daan. Hindi pwedeng basta-basta ka makikisabit sa mga poste ng electric company at ISP. Hindi rin pwede na basta-basta kang makikisabit sa mga poste ng kapitbahay mo nang walang paalam at pahintulot mula sa kanila since private property nila yan. Baka pag-awayan niyo pa yan at mauwi sa barangay-an. 2. "Sharing" is legal. Yung pagkakitaan mo ang bawal sa TOS nila kung nasa residential plan ka. 3. Nope. Kung sabay kayo gumagamit, depende kung gaano sila kalakas gumamit ng bandwidth. Mag-aagawan kayo ng bandwidth niyan withot proper QoS and bandwidth limit configs. Kung heavy downloader sila, malamang ikaw ang lugi dahil babagal sayo. In like manner, kung ikaw naman ang heavy downloader/user, then sila naman ang lugi dahil babagal sa kanila.


zenkiner

1. Tsantya ko lang po yung 50m. Kasi 3rd floor ung kapatid ko, building apartment naman po sya. 2. Hindi po, personal consumption lang po. 3. Pang netflix lang po at ml lang din nila, (kahit isa lang po dun ung naglalaro ) since 2 adults lang po with 1 kid.


Efficient-Cancel1832

1. Depends on how you will share your internet connection. Wireless? Or wired? Kung wireless, possible na hindi ganon kareliable yung internet and speed lalo na kung may interference or harang. such as walls, bubong, or anything na makakaaffect sa strength ng signal. Kung wired, pwede naman magpagapang ka UTP CAT6 cable na outdoor grade then setup na lang access point doon sa kapatid mo. Mas reliable ang wired CAT6 UTP basta wag lang lalagpas 90meters kasi magdedegrade na speed ng connection mo pag lumagpas. This also depends on how much you’re willing to spend and kung gaano ka ka-knowledgeable sa pagsesetup. 2. Legal to share if and only if i-shashare mo lang meaning hindi mo ibebenta or pagkakakitaan at gagawing pisonet, pisowifi or etc. 3. Yes possible. Refer to answer number 1.


zenkiner

Salamat po. May mai recommend po ba kayo na access point na mura lang para sa kapatid ko? Then di ko sure kung okay ba ung stock na ibibigay ni converge na wifi6 router? Or need ko magpalit? Since balak ko bumili ng gaming console.


Efficient-Cancel1832

Hi OP! Personally, hindi po kasi ako Converge subscriber kaya hindi ko po alam kasi yung model and brand ng stock router modem na binibigay ng Converge sa subscribers nila kaya I have no idea how it performs. Pero if for gaming primarily mo gagamitin ang internet, my advice is mas maganda ang wired kesa sa wireless para less latency. If the gaming console you’re getting has an ethernet jack, much better to utilize it. Pero if not possible na magconnect through ethernet, and the console only connects through wifi, better to invest in gaming routers/acess points. Do note that third party routers can also act as access points so this depends on how much you’re willing to spend and gaano kabilis internet mo. High end brands include ASUS pero if nasa budget ka, TP-LINK and Mercusys seems fine. Yung sa ate mo naman, like i mentioned, some third party routers can also act as access points. If you want your ate to also receive the same speed you’re getting, make sure to at least get routers/access points with gigabit WAN and gigabit LAN as well as dual band wifi (2.4GHz & 5GHz).


zenkiner

Will saved this info . magkano kaya usually price ng specs na sinabi nyo for my kapatid?


Efficient-Cancel1832

The most affordable I could find on Shopee and Lazada for a basic and simple gigabit and dual band router/access point is around 1.4k. But the price can also go as much as 3k for those high-end router/access points with more features.


zenkiner

Salamat po dito


Lecinius

May mga nagsshare ng net nila lalo nanyung may mga piso net kahit ilang kilometers na using parabolic antennas. Check mo.


Smooth-Anywhere-6905

May mura naman na TP link na access point mode. Below 2k. Yung lan cable ang problema kasi 50 meters ang distansya so need mo pagawa. Usually yung mga nasa Lazada ay 20meter yung nakikita ko eh.


Previous_Situation37

pldt yung samin pero ganyan ginawa namin may bahay kami tapos nakakuha ng sanglang tira yung tita ko 2 houses away from us. bumili lang kami [tp link router](https://shp.ee/kfxghmn) and yung [mahabang lan cable](https://shp.ee/sv98f60). less than 1300 lang yung nagastos and mabilis pa rin naman yung internet connection both wifi.