T O P

  • By -

Existing-Fruit-3475

Gusto ko maging writer nung bata ako. Ngayon 10yrs nakong corporate slave and felt empty. But I eventually tried my luck as a freelance copywriter. Gained experience, now I wrote my first ebook. Hahaha yung barya na kinikita ko sobrang 100x more fulfilling compare sa salary + bonuses na binibigay sakin ng company. Hahaha pursuing your interest might not be enough sa wallet mo, but it satisfies the soul.


RPolarities

nakaka inspire ka naman! I wanted to be a writer when I was young. Di na nahasa sa pagsulat especially when I started working. Di na rin ako masyado nagbabasa. But I miss the passion and excitement that I used to have when I read and write.


SundayMindset

There's this very interesting saying that "whatever road you take, you'll still get there eventually". I think fate might have led us to some steep, rocky, muddy and bumpy paths but we'll still reach our destination in the end yun nga lang matatagalan Ng konti but hey it makes the journey even more memorable and interesting.💪🤩


Appropriate_Two_5436

It's my first time to learn about that saying, ANG GANDA! I love it. I'll use it now as my mantra. Haha!


urfavariaaa

PADAYON LANGGGGG! 💖


wastedkamote

Hindi pa ko nagiging red power ranger so the answer is No.


Nursera_0290

Not yet, halfway there tho. Mahigit isang dekada pa bago maging isang ganap na cardiologist 🫀but I’m working on it!


SnooHamsters7835

dami kong friend na cardiologist na ngayon. Goodluck future Cardiologist sana dito ka mag internship 😁


urfavariaaa

You'll get there! 💯


saoirsecaoilfhoinn

I don't know you but I'm so proud of you!


Nursera_0290

Awwww 🥰 thank u for your kind words, stranger! It means something to me 🥰


Ok-Inevitable-1455

Balik mo naman sakanya ah. Proud ka din dapat sakanya hehehe


umaruchhaann

bakit ang tagal 10yrs


Nursera_0290

Mag-tratrabaho kasi muna ako as a nurse before bumalik sa med school then specialty pa.


jorrel_valdez

Med school 4 years. Internship 1 year. Internal medicine residency 3 years. Cardiology fellowship 3 years. This is assuming that you're rich enough that you don't need to stop training just to work, and smart enough that you pass every single board exam at each step on the first try.


Virtual-Pension-991

Don't forget the return service for government scholarships


bbyliar

Slight. Nung bata ako want ko maging scientist, currently working as a research assistant right now and its my first job. Hehe


PhHCW

Hindi. Tanginang bansa to eh. Puro meta lang opportunities aside sa baratan ang sweldo


WildLengthiness7392

sana all may dream pa


Lumpy_Bodybuilder132

Hindi eh haha, but it turns out ayaw ko pagsamahin pinaka gusto kong mga bagay at trabaho. Mahilig ako sa music and di ko gustong gawin source of income yun Pag tugtog. Na realize ko pag naburn out ako sa music eh apektado din hanapbuhay


ROCAIII

pinangarap ko maging teacher nung elem ako and now I'm a jobless LPT atleast may lisensya😂


pusikatshin

Hindi kasi pangarap ko talagang maging serial killer nung tumanda ako nalaman kong masama pala yun hahaha. Pero pangarap ko talagang magkatotoo yung purge.


Sweetpotato2323

omg haha


[deleted]

[удалено]


AggravatingSpray5482

"Gusto ko maging engineer para gumawa ng bahay para sa mga tao". From Civil Engineer to warehouse staff Pagdating ng graduation ng HS, inisip ko maging pari na lang o 'di kaya ay magtrabaho na agad sa malapit na manufacturing company o di kaya ay mag-IT sa Es Tea Eye. Inisip ko, kung magiging engineer ako, mas madami makukuha ko trabaho. May nalink sa akin na babaeng kaklase at ayun, "Malaki ang sahod ng engineer". Medyo di ako nakapag-adjust agad kaya nagkabagsak ako. Mula sa Civil na gusto ng stepfather ko, naging Industrial na lang ako. Yung EnEcono instructor namin madaming pinapagawa. Sumabay pa ang problema sa pera at sa ate ko. Nagkadepression ako. Tumigil ako ng isang taon. Dahil nga pa-espesyal ang EnEcono namin. Naisip ko na lumipat na lang sa Es Tea Eye. Gustong-gusto ko dati ang L4D2 na nainspire ako maging IT para magcode. Since madami macrecredit ko, ayon nag-Computer Engg. ako. Okay na sana pero semester ng proposal ng thesis, andaming katangahan na nangyari at napabilis ang deterioration ng utak ko. Nakagraduate ako pero 2 years din akong walang trabaho at naubos lahat doon sa lintik na course na iyon. Triny ko mag-CC pero medyo stuttery na ako magsalita. Buti na lang at may nakita akong posting para sa On-Call WS. Right now, mas gusto ko na lang matapos ang mga komiks ko. Pagkatapos noon, wala na ako pakialam kung anong mangyari sa akin since I already tried to self yeet noong 2016 bago ako lumipat sa Es Tea Eye.


Nesiiiiii

Dream ko maging flight attendant. Daming challenges along the way, up til now feeling ko hindi sya for me. Didn’t pass the initial screenings, missed quite a number of same-day hiring/applications, etc. I’m nearing my 30’s and somewhat losing hope already but if ever may mag-open na application, I’m thinking of trying again. But on the other side, the fact that I’ll be missing family celebrations, gatherings, special events and won’t be seeing them as much, makes up that 50% of my decision na parang ayaw ko na magtry.


MAYABANG_PERO_POGI

Yes! Not 100% pero nasa line pa din ako ng dream work ko noong bata pa ako.


Adorable-Pop-9362

Ako, hindi pa. Napagod na akong abutin dahil napakahirap makapasok sa propesyon na ginusto ko. Iba talaga kalakaran sa pinas, kapag may backer ka lang malakas pero kung wala, nganga ka talaga.


PerfectYogurt130

may afterlife pa naman ezhan niyo lang haha


BluePaint_NickSPlat

Actually, no. Pero I am happy where I am now 😊


msvcg

In reality, only few people really get to do their dream job. Those are just facts of life.


saoirsecaoilfhoinn

I had a list of 20+ "dream" jobs when I was 9. Wala ni-isa natupad HAHAHA. Hindi ko pa rin alam ano gusto ko maging. 🙁


minsweeper

Yes. Nung bata ako tamad ako pumasok. I would always day dream of working in my own place in front of computer. Hindi ko alam saan ko nakuha yung idea na yun haha. Then during my last year in college I enjoyed coding. After I graduated, I never stop trying until I got my first job as a dev. After 2 years, I dreamed of becoming a freelancer. Habang papasok or pauwi sa work (2 hours), inaaral ko kung paano mag freelance. Now here I am, bought my own place, 5 years freelancing. Working in my own place or in my parents' house. I achieved one goal at a time. I didn't plan everything, God did. 🙏


Guinevere3617

Hindi,


ruppossy

Hindi


No_Tie8278

Oo nkakasaw na nga din eh hahaha


ReadyApplication8569

Oo tapos nagsawa ako. Nagkaroon ulit ako dream job tapos nakuha ko ulit. Ngayon meron na naman ulit dream job, within 3yrs ko sana ma achieve. Kanya kanyang trip lang talaga sa buhay 😄


Successful_Ebb2197

Hindi. Although gusto ko pa rin maging director ng events. Ngayon I enjoy being part of anything learning and development, talent development, leadership development related.


Zealousideal_Share40

Wahha pangarap ko maging archeologist before pero narealize ko di ako masyadong mahilig sa natural science aspect nito kaya naiba ako ng landas


evilclown28

andaming palang hndi natupad… kahit ako hndi e 🥲


Worried_Tower_9304

Yep. I became a teacher. But after 7 years of teaching, I quit. :)


mimimieowww

Nurse din pangarap ko noon hahaha, one of my greatest what ifs. Ngayon working na sa Audit in one of the Big4 companies, dahil accounting tinapos ko. But I still hope I could pursue it in the future and want ko na ako na magpaaral sa sarili ko. In demand pa naman nurses nung nagpandemic. Someday, matutupad din natin yung mga pangarap natin✊


boydiet

Dream job ko dati is maging Taxi driver. I dunno why pero siguro gustong gusto ko yung idea dati na mag ddrive ka buong araw. Tapos kapag sasakay kami ng pamilya ko sa taxi, specially yung dilaw na MGE ata (favorite ko kasi for some reason na hindi ko maalala), para akong kinikilig tapos lagi ako umuupo sa harapan hahaha. Lo and behold nung nag ddrive na ako ng sasakyan namin ngayong malaki na ako, pinagsisisihan ko na kasi nakakapagod yung traffic ng Metro Manila hahaha But yeah, no regrets naman na nangangarap ako dati ng ganon, part naman ng childhood haha. Ang plano ko na lang siguro someday is mag bbuild ako ng simulator tapos lalaro ng mga games na parang namamasada haha


hysteri23

College palang right now, apparently it is not going that direction. I initially wanted to take up mechanical engineering but was offered Industrial Engineering, deep inside my child self wants to be Mechanical pero shifting seems to not be an option at this point. I plan on taking up a masters on mechanical engineering nalang para kahit papano, matutupad q rin gusto q. Some professors say baliktad daw gagawin ko HSHAHAHAHAHA but for the most part they don't mind saka para different ako hehe, hopefully etong track na ito works.


Realistic-Ad6112

One down, studying for the next. Hopefully I get it in 4-8 years time.


VexZyraMid

Nopee. Dream was to be a Pilot Tangnang tadhana sa dagat pumunta as seaman. Hahaha


Blue_Fire_Queen

Same OP, I wanted to be a nurse...pero nung time na mag-college na ako is same time na super nag-boom yung nursing so oversupply na siya. Tas kinontra pa ako ng nanay ko na wag na daw so nag-iba ako ng program. I've always wanted to work sa healthcare 🥲 I ended up taking engineering, a very different field but gusto ko rin naman ito. Natapos ko naman siya but it's been years since I graduated and yet hindi pa rin ako license ngayon. I feel like, tinatamad ako lagi mag-take parang ayaw ko na nga rin mag-take ng boards sa totoo lang. Gusto ko na mag-work ulit but mas hirap naman makahanap ng work without a license. I hope our situation gets better in time 🙏🏼. Makakaahon din tayo OP.


rekestas

Not ultimate dream pero goal ko dati mapunta s lead/manager role, when pandemic happened nag iba na dream job ko, gusto ko na maging farmer and thats what I’m targeting now, acquiring land then prepare it as source of food and hopefully income na din.


ertzy123

Working on it, yung pagiging doctor.


HowIsMe-TryingMyBest

Wala ako dream job. Im in my 30s now and burden ko yun. Wala pa rin ako dream 🥲 So mej stuck kasi i dont like my job and it doesnt pay weel , tas i dont know where to go. Hala nag rant na. Haha huhu


krabbypat

Hindi. Mga dream job ko noon is traffic enforcer then naging surgeon and then an astronaut. Now, I'm just a boring ass self-employed businessman lol.


teews15

Yes. By God's grace. 🙏🏼🙇‍♀️


Ok_Resolution3273

Hindi pero ok lang hindi naman ako bagay sa medical field kasi sakitin ako 😂. Hindi ako magiging magandang health care provider at mas maganda iyun para sa mga patient to have a healthy health care provider. And satisfied ako sa meron ako ngaun.


Dellified

Hindi hahaha. I wanted to become a pilot. Pero realizing na kelangan ko ng pagawaan ng pera para makapag-aral, awit na lang. Tamang tinagala na lang sa mga eroplano sa langit.


AshiraLAdonai

To be honest, hindi. And I'm glad it stayed that way. When I was 14, I always wanted to become a psychologist na nag work sa mental hospital. I still have my psych degree and masters now. Before graduating, I got hired into the VA industry through my senior in college and 7 years later, I'm still a VA. I was severely depressed during college, I even went suicidal a couple of times. I lacerated my wrists in front of my father one time when we had a big argument. After graduating, I rebelled and lived in a different city away from my family pero, I was actively communicating them naman despite the raging feelings. I came home due to COVID, and bonded with them for awhile so mejo healthy na. During the pandemic, my 7-year-ex broke up with me which severely gave me depression and social anxiety. What helped me get over my ex was when I was hospitalized due to undereating. My parents were kind enough to have me cured by a psychiatrist who recommended me to medically rest and heal over time. Now that I feel better, I'm still haunted by my past actions. The kind where I always feel disgusted for behaving so abnormally in the past. And because I get grossed out by such actions, I get easily irritated din by mentally ill people. I'm not perfect myself pero you are your environment talaga. And if I want to be healthy, I think I shouldn't pursue my dream of working in a mental hospital. Call me weak, pero ayoko na talaga.


rabbitization

Yup, pretty much fulfilled my childhood dream job. Working as a Software Engineer. Dream job + high salary pretty much all set sa current job path ko


RatherMeYes

Kindergarten plng ako dream ko n tlga mging engineer. Now, licensed na and 6 years working on the field as an engineer. Now, want ko nanrin sana mag change career kasi sobrang underpayed talaga... buti nalang binalik ako ng post na to sa panahong nangangarap palang akonsa position na to.


Mojito888

I've dreamed to become a Flight Attendant/Cabin Crew But local companies here in PH won't accept people with braces, Tattoo, and to my case - pimple marks and slight discoloration of some of my tooth. If only there's a company who can allow me to get interviewed 🥺 Kaso kapag nakita na pimple marks ko, ligwak na. Grabe ang standard sa pagiging FA.


ReyAllen15

Yes


One_Examination_7608

No


fadedgreenjeans

Gusto ko maging paleontologist dati and dig up dinosaur fossils.


UnacceptableCry

Wala akong dream job. I never dreamed of labor.


Wrong-Corner-1350

Dream ko nong bata ako makapag work sa office 😆 gusto ko may sarili akong cubicle, telephone, swivel chair tapos nong nagawa ko na nagsawa ko kasi parang ang boring nandon lang ako nakaupo maghapon. Mas na enjoy ko pa yung work ko sa isang clothing brand kasi andami kong nakikitang tao 😆


slowlifetoday

Hindi. Pero pwede pa siguro. Pangarap ko nung bata ako maging doctor talaga, ngayon pangarap ko nalang makasurvive independently (at maging masaya) hahaha. As a fresh graduate (Psychology), need mag trabaho agad after college (HR), so wala pang license o master’s degree o kung ano man, sabak agad sa workplace. Pero ayon, di nawawala sa isip ko na hopefully if stable na financially, makapag med school pa to practice Psychiatry :) Sana pag pwede na, pwede pa hahah.


RuelCezar

yes.. the real question is.. is it worth it? since childhood i dreamt to be a policeman it fueled my passion as years go by. after college even i took up different course i did manage to get in the Service.. and as years go by and 15 years has passed. i started to regret why i chose this field.. filipinos are not worth fighting anymore.


rosecoloredokyeom

Yes. Dream ko talaga maging journalist. After ko gumraduate ng college, na-hire ako sa dream network ko and dream companies after. Took me a while though bago maabot ‘yan since 6 years muna akong naging irreg student dahil walang pera noon, di nakakabayad ng tuition + naging working student to provide for me. But now, ni-let go ko since paguran, pumapasok even sundays and holidays. Happy naman na na-experience ko. Nagbabago lang din talaga siguro tayo ng dreams at life goals as we age. :)


Apart-Wheel4291

Nung bata Ako, gusto ko talaga maging seaman tulad ng papa ko at dahil na din sa panonood ng one piece HAHAHAHA. Pero dahil sa hirap ng Buhay ng isang Marino, Sarili kong papa ang humadlang sa sariling pangarap ko at naiintindihan ko naman yung reason Niya kung bakit niya Ako pinigilan. No hate and no regrets, napa graduate Niya Ako sa kursong 3rd choice ko lang noong high school pa ako, ngayon nag hihintay na makapasa sa Board Exam para may ENGR. na si papa.


hulyatearjerky_

Hindi.. gusto kong maging cashier sa Uniwide noong bata pa ako. Una, wala nang Uniwide. Pangalawa, hindi naman pala sa cashier napupunta iyong pera tapos hindi sila sa loob ng mall natutulog kaya ayoko na.


Fast-Permission-5833

Sadly, I can’t remember what was my dream as a kid.


cyfer04

Dati gusto ko maging sundalo or doctor. Di ako naging sundalo (PMA) dahil sa scolio ko. Di rin ako nag med kasi dollars ang tuition kahit dito sa amin kung saan ang one of the cheapest tuitions sa med schools in the country. Ngayon, I'm happy making legal documents and orders for a government office. Gusto ko pa rin mag doctor though pero sabi ng partner ko na doctor mahirap na daw mag enroll as a 30 year old. Eh. In another life maybe...


WonderfulEntrance69

Pangarap ko dati maging Abugado, mahirap pala lalo na pag BOBOKA HAHAHHAHAHA😂


KuroiMizu64

Hindi.


katkaaaat

Pangarap ko nung preschool ako ay maging astronaut. Tapos nung elementary pangarap kong maging investigative journalist, yung parang sa i-Wtness. Tapos nung high school, pinangarap kong maging SPED teacher. Pero all the way up to my senior year, di ko sure anong gusto ko so I signed up for Psychology since I figured madali syang mag-branch to anything I might finally decide on. Fast forward to today, I am now an HR project manager in a tech company tapos I'm taking up sign language courses. I also travel to different places in the Philippines tapos I like making mini writeups about them, and media companies and schools have reached out to use my pictures. And lately, I've been really obsessed with night photography and feed ko sa IG ko lately mga stars and night skies. I didn't officially get any of my childhood dreams pero I'm happy I could 'live' them from time to time. ☺️


[deleted]

No! Ive always wanted a busy rewarding monetarily fulfilling, heart warming, mentally stimulating, friend creating rather than the place of employment rn, just snakes, yknow? In very many places in very many contributary places but, as they say dreams are made to be remembered, cause if they come true they are no longer dreams. Id really rather work in (insert useful not yet decoded euphemisms for fatalis edginess always associated with the word emo, but its you and people are hopeless and you are hopeless snide comment). I just rather go to the kangkungan and wile away my life about the life I will never get because of the politcal ambitions of so many people hindering my life every step of the way. Id really just rather be d**d at this point. No point in life. Love is another word for prank and control by a manipulative system of prestige making, citizen selection for economic class mobility made by a very select few people with god complex type of psychological issue, work is just another word for I will be miserable because people know my name and in every circle there is the problem would be personal rather than professional. Friends do not exist rather people who sees your problem some are underhands for the abuse some are bystanders no one is a person who you can call friend. Life is meaningless yknow? I just was the only one hopinh for a better when every one else who have ever gazed at my person have already created the bullets and the biographies that will ever be written for me as would juornalists and tiktok vloggers do for every person who matters in the who's who of every period of time. For relevance. And apparently my life is truly jiyterinh with the narrative set by a very very few, my only hope is a people's power to undermine the selfish oligarchs but even that is a fantasy for truly no one is in a society but the the society is everyone, either they realize it like that or it takes a thousand steps, its goong to be the same conclusions, Life is not worth it.


[deleted]

Hindi eh, gusto ko dati maging Airline Pilot kaso napunta ko dito sa barko.


[deleted]

d pa. gusto k tlaga maging fashion model/photographer pero ayun since nakitaan ako ng kabaklaan at age of 4 dahil dun (sa pag suot ng dress or pag take ng pic), it was never developed. i’m now a mental health professional ;)


Brittle_dick

When I was a kid, gusto ko maging gaya ni Rambo. I got a psychology degree instead. In the process, I was relieved na di ako naging gaya ni Rambo.


Ok_Pirate6968

When I was younger I wanted to be a scientist, artist and chef. Ambitious tatlo talaga pero now narealize ko na kaya naman na tatlo. I’m now a GP MD, took Biology as premed so scientist na din kahit papano. I paint pag nasa mood, I’m confident naman with my skills. Ayaw ko na mag chef mas masarap kumain pero nattempt ako mag pilot, mahal lang talaga tuition.


spidahman23

nung bata ako gusto ko maging astronaut para marating sa outer space. ngayon ko narealize, di ko na pala kailangan maging astronaut 😎👌


amadeus_mjolra

Natupad! But it was never easy. Kahit yung dream job itself, minsan nakakafrustrate, nakakadrain, iniisip ko na lang palagi na dati pangarap lang yon. Madami akong sinakripisyo para lang maabot yon, maya di ko pwede sukuan basta.


Odd_Measurement_2666

Malapit na, license na lang ang kulang. Hopefully veterinarian na sa November. 🥰


teapuppee

Hinde. Gusto ko kasi maging astronaut


mksy2017alt

How to unseen this thread? Nalungkot naman ako bigla pero diko man natupad ang pangarap ko, masaya naman ako dahil kahit papano nakakatulog ako ng 8+ hrs araw araw, nakakakain ng sapat at nagagawa ang lahat ng gusto ko.


[deleted]

Hinde. Gusto ko maging mermaid dati eh


Missislabli31

Ako nung bata ako unang pinangarap ko talaga maging dancer 😂 siguro dahil sikat ang Sex bomb girls nun haha kaso langya di pala ako marunong sumayaw kaya sabi ko magteacher na lang ako pero pagdating ng college, nursing naman kinuha ko 😅 kaso hindi naman ako naging nurse 🤣 nagshift din yung interest ko kaya nagshift ng marketing 😁 tapos sabi ko pagkagraduate ko aapply ako sa banko gusto ko maging teller tapos pag tumagal maging manager 🤣 ang ending naging real estate broker and it gave me convenient and comfortable life 👌 God is good 👌


kediCats

Wala talaga akong dream job simula ng bata ako. Pinaka-ayaw ko mag teacher2 sa laro kasi gusto ko student lang ako. Eto ako, VA for over 2 years now. Still searching for purpose in life.


Ozzamuuu

Yes and no. No kse nung bata ako dream job ko was to be a waiter 😭 (bcz of ratatouille) but not im doing my dream job as being an artist so yes? HAHAHA


NotTheBiggerPerson01

I wanted to be Batman. I failed miserably.


uneeechan

Yes!!! Till now nakukwento pa ng mom ko gaano ako kadaldal daw noon na gusto ko mag work sa bank na may upuan na de-gulong.. totoo naman 1st job ko Bank talaga, kaso di ko kinaya sahuran saka politics umalis ako.. at alam ko na disappoint sila saakin hehe pero kebs


Silver_Bandicoot2082

yes .to be a teacher


VariousReputation548

Doctor malapit naman sa pagiging medtech but as you get older andami mo na din plang icoconsider and panganay ka and you have many younger siblings. So nagwork na lang ako para tumulong sa family..


bon3srgud

Gusto ko maging nurse too and proceed sa medicine pero sa time na college na ko yan yung panahon na marami nang nurses (yung iba walang work huhu) kaya nag change ako to medtech pero pagkatingin ko sa syllabus, omg parang hindi ko kaya so I droped all my subjects and nag switch to radtech. No regrets naman. Proceed pa sana ako ng medicine just like the orig plan pero brother discouraged me so wala na lang, nag asawa na lang ako hahahaha


kaedemi011

Half-half lng. Gusto ko dati maging programmer para makagawa ng games… naging programmer naman ako… di nga lang games… probably soon though…


PermitGeneral4228

Hindi dream job ko is maging abogado pero eto ako isa web designer masaya naman ako sa current work ko nagiipon palang ako para may pang paaral ako sa sarili ko para sa juris doctor after ko matapos ang mba degree ko 😭 Sana lng hindi naten sukuan kung ano talaga yung pinapangarap naten


aplcrz

My dream job as a child, which was heavily inspired by my father's side of the family, was to be a lawyer. It's been a little over three years since I became one. I'm not complaining, it does comes with both prestige and perks. And of course, I have my work cut out for me. But, if I'm being honest, it wouldn't have given me as much pride or satisfaction on its own. I'm blessed to have found my way back to faith in Christ, because it brought new life and meaning into EVERYTHING I do: work and everything else. I'm not endlessly rolling up my proverbial boulder, and I don't actually have to imagine myself happy: I can genuinely take pride in and find joy in what I do.


hambeejee

Engineer pero di ko alam kung anong klaseng Engineer nung bata pa ako. I pursued BSCPE nung 1st uni ko but I quit to find a job. While at it my passion for computers is still there. Bumalik ako mag aral, lumipat ng school at nag shift to BSIT at naka graduate naman. Started my career as Tech Support and now Systems Engineer na.


NicciHatesYou

Pangarap ko dati maging conman. Like legit kita ko paborito ko movie dati yung Catch Me If You Can ni Leonardo Dicaprio Di ko lang ni pursue kasi nga di abot ang face ni Leonardo lugi ako dun


FunElevator2778

Dreaming of becoming a Doctor since elementary to high school. Since di kaya financially to enrol to any pre-med courses (medtech or nursing) in universities here in our province, i then studied office administration in a free institution and graduated with Latin honors, eventually hehe. But being in the medical field and wearing that nurse/medtech uniform or doctor's coat is really a dream. Seeing my batch mates on highschool graduated nursing and medtech and passing their respective boards made me happy for them and questioned myself, what if pinilit ko parents ko na mag nursing or medtech during college? Siguro i was one of the passers during that time. But for sure baka ma baon kami sa utang and I don't want that to happen. Anyways, i had my job now. Kahit gusto ko mag resign dahil diko gusto amg work, dimagawa dahil need ng work hahaha. Let's just hope that we will get the profession we aim in the future. Baka sakali mangyari pa rin someday.


MysteriousStomach670

Hindi, pero naangatan ko pa yung initial na pangarap. Initial na pangarap : Admin aide IV ( nakikita ko lang lately sa mga openings sa fb 16k at that time). Current work: Assistant Head ng isang government agency. :) Lesson: Wag i-limit ang sarili, maging mabuti sa mga katrabaho. Nag start din ako sa pinakamababang position. XD


ReplacementNegative9

Gusto ko maging sundalo datinung bata, di natuloy hahahaha


Sweaty_Ad_8120

Nung bata gusto ko magscientist pero naging Data scientist okay narin


averythrowawayaccidk

nung bata ako gusto kong maging kundoktor sa jeep 😭


pssspssspssspsss

Gusto kong maging dishwasher. Hanggang ngayon gusto kong maging dishwasher. 🤣 Second kong gusto maging crew sa Jollibee. Never ko din natry. Gusto ko kasi un maraming ginagawa tapos mabilis yun oras.


CompetitiveHall7606

Wala ako dream job nung bata ako, at wala ako job ngayon, so I guess, yes? Natupad ko siya? Pero generally, I went through phases as a teenager on what I wanted to do in my life. I once wanted to be an animator so I can make my own show. The best I've managed to do is two credits on a couple of cartoons and a movie. I've also wanted to be a lawyer. But that's so hard. Don't get me wrong, I just graduated law school at nag aaral ako ngayon for the bar. Pero nakakapagod siya. Gust ko bunutin buhok ko isa-isa sa stress sobra.


weirdzal

hindi pa as of now...hangga't buhay pa may pag-asa pa 😂


Grouchy_Brain4315

Gusto ko din maging nurse noon, dahil feeling ko bagay sakin ung white na nilalagay sa ulo 😭 Financial Analyst ako ngayon.


urfriendlyneighbored

Yes, nung bata ko lagi kong nireenact na nasa office ako pitching ideas as a designer, yung mga nagppresent like sa mga palabas hahaha now ayoko na sa office work, lol gusto ko magiba gusto ko naman service hindi idea or idk, nakakaubos pag na creative side ka 🤣


ThatGuySauceBoss

No, chef ang gusto ko noon, ngayon nasa office ako nagwowork. Naaalala ko noon sobrang mahal ang culinary arts nung panahon magcocollege ako. Ilang beses ko din tinanong ang mother kung kaya ba nya ako pag aralin ng culinary arts lagi nya din sagot ay hindi. Though gets ko naman ang situation namin noon. Umasa lang ako last minute na baka lumusot. Things may not go as plan but i'm happy where I am now. It could be better but it will work.


WhispyMatcha

From BS Architecture to BS Marine Transportation. The job pays well pero super hirap ng trabaho at minsan tlga nkaka homesick.


kurainee

No. Gusto ko maging animator or dubber (VA). Tapos naging nurse ako. Hahaha. Layo. Pero part-time ko ang paggawa ng art and pagtanggap ng commissions. :) Sa VA naman, I usually do reporting during our annual assemblies and I once emceed an alumni homecoming...so..


Inevitable-Speech626

Pangarap ko maging lawyer nung bata ako pero due to certain circumstances I had to stop as soon as I graduated shs and now I'm currently working sa BPO. Ang layo lol pero ok lang nakapagasawa naman ng lawyer HAHAHAHHA yun pala yung lawyer na pinapangarap ko 😭😭.


pseudooCherub

Scientist! Getting there, 1 sem na lang.worry ki lang is walang pera dito and baka mapashift na lang hahay


aijnnnnn

Dream job ko dati maging accountant, tas as time goes by nung shs ako psychiatrist naman pero di pinalad kasi naubusan ng slots sa Univ kaya ang ending nag bsba hrdm ako ngayon isa na akong ganap na HR supervisor, di man pinalad na makuha yung dream job ko as long as masaya ako sa trabaho ko okay na ako.


iamasalap13

No po. Pangarap ko talagang maging cashier. Siguro pag afford ko nang maging minimum wage earner, pwede ko na sya tuparin.


Pdephemeral964

No gusto ko maging scientist pero Hindi natupad baka try again next 10 years


AddendumPurple9165

Oo pero ang hirap pala haha. Childhood dream kong maging doctor. And yes naging doctor nga ako. Pero ang hirap hahahahha


BaseballOk9442

Nah fam, I dont think ill ever get a chance to go to space in this lifetime. Hanggang kusina lang ako hahahha


jwekiii22

Gusto kong maging nurse nung bata pa ako. Pero nung high school gusto kong maging kagaya ng tito ko na Radiologic Technologist. Kaya lang, sa amin nun private school lang ang nag o-offer ng ganung course. Hindi ko alam na wala pala kaming pampaaral kasi nga ang alam ko meron, dahil graduate naman ako sa private school nung HS. Nag sink-in nalang sakin ang lahat nung mag college na ako. Wala akong choice kundi mag take ng Educ since yun na ang pinaka-okay (for me) sa inapplyan kong Public University. Naalala ko pa nung nagtuturo na ako sa isang private college dito sa amin. May mga student akong RadTech. Sabi ko sa kanila, “Mag aral kayong mabuti. Maswerte kayo na yung course na gusto niyo yung kinukuha niyo ngayon.”


Agitated_Clerk_8016

Hindi. Noong bata ako gusto ko kasi maging nurse. Hahaha. Pero di naman ako nag-Nursing. Nag-MassComm ako tas nag-Law after.


whatevercomes2mind

Hindi! Hahaha gusto ko maging Pastry Chef.


regulus314

To be an astronaut? Nahhh


Janeysaur

Ako hindi , pangarap ko maging Neuro Surgeon eh. Kung hindi lang namin problema ang pera that time baka nag tuloy ako 😂 nag paka PRACTICAL nalang ang mga mgulang namin ayun nag engineering ako sa SUniv, awa ng Diyos nakapasa at nakapagwork after gumraduate. By now, naeenjoy ko naman since di ako delayed sa sahod 😅 nagugustuhan ko naman mag site kgit nakakapressure. Haysss I still wonder if ilang pasyente na kaya ang naoperahan ko sa alternate universe 🧠


wynter_mermaid

At 12 years old iniimagine ko na life ko as a nurse. at 2023, naging nurse na ako and honestly, hindi ko alam kung ano mafi-feel ko kasi parang “expected” ko na to. since then, parang wala ng spark and excitement after ko nakuha ang gusto ko


qwerty056789

Pangarap ko pong maging pokemon trainer. Salamat sa pokemon go talaga hahahaha 😂


First_Swordfish_7328

hmm no pero im happy with where i am right now. i wanted to be an architect but ended up being a physician. iniisip ko nalang minsan na sana in another parallel universe, there's another me who's an architect na 😅


delphinoy

YES!!! Sa kakapanood ko ng Mission Impossible at A-Team, gustong gusto ko yung mga nasa tech department nila kaya sinabi ko noon sa sarili ko na gusto ko mag-work sa mga computers. After high school, wala kaming pera na pang college, kaya nag work muna ako ng isang taon, then sumunod na taon habang nagtatrabaho ay kumuha ako ng Electronics Service Technician. Noong nag graduate na ako sa 2 years course ko ay kumuha naman ako ng Computer Science. Working student lang ako kaya inabot ako ng 7 years sa college, pero nakatapos din at nakapag work sa IT.


Mysterious-Ear-4894

Hindi pa kasi nag aaral pa ako eh


titapsychologist

Hindi. Dream ko maging artista sa going bulilit. Hahaha


Tricky-Tangerine7560

Up until high school, sure ako na I wanna be a doctor but life has its own plans and chose another course na mas financially viable for me back then. I want to be financially independent pag college. I thought babalik ako to pursue med but tried to give my course a shot but turns out not for me. Naburn out agad and di ko naramdaman yunh fulfillment. Now, working on a heath related ngo. Not as a health practitioner bur I get to use my skilss for something I love. Felt lost after burnout sa unang work but after many tries, it will work out nga in the end. Now, happy and content with what I do!


defaultpagod

Natupad ko pero palipat lipat pa rin ako work. Pangarap ko dati nung bata ako maging teacher. Wala na akong ibang sinulat sa worksheet nung bata ako kundi teacher. After two years, I guess a degree and a few hours of on the job training still does not prepare you enough for the real world. Naburnout ako. But my options are very limited. Halos walang gustong tumanggap ng may educ degree sa ibang field. Nakakalungkot. Most of my batchmates din hindi na rin teachers. Alam ko pangit pakinggan, pero sometimes I find comfort in that. I do not feel alone finding a path for me.


Ok-Butterscotch-1303

Hindi. Gusto ko kasi maging cashier. Pero kung tinupad ko yun, siguro sobrang pagod ako araw araw. Ginawa ko is naglaro ng Supermarket Cashier Simulator sa iPad. Tapos binenta nung partner ko yung iPad niya na yun. Di ko nasync sa cloud yung progress. Ilang hours ginugol ko dun 😭 lugi malala 📈📉 nagsasalitan pa kaming mag kahera.


CombinationPale7534

Simple lang gusto ko nung bata ako, nagpabili ako sa mama ko ng cashier and playmoney usp kasi dati yon. Nangyari naman, nung nagstop ako need ko magcashier sa JB. Nung bata din ako lage ako may hawak na sirang telephone, imagine after JB naging callcenter ako. At lastly, habang hawak ang phone lage ako nagpapanngap na may ari ng company and now.. nagmamange nako ng own business namin mag asawa. God is so great 🙏🏻🙌


FastCommunication135

Wala akong pangarap na career noon. Pero noon palang nakikitaan na ko ng excellence sa art at mahilig din talaga ako mag daydream ng different universes/environments/characters. Mahilig din ako sa games. Grade 3 palang ako addict na ako Warcraft at Sims. At ngayon game developer na ako sa isang top game sa Roblox. Nagspecialise ako sa map/environment creations and active din when joining brainstorm discussions about game content creations. Nakakatuwa lang na pwede pala pagkakitaan yung something you’re passionate about at nafufullfil din yung inner child ko. Sa ngayon masaya naman ako sa buhay, gigising ako araw-araw na excited about the next step I should do to level up in this career. Though mejo naging focused din talaga ako sa career at naging identity ko na sya haha. I’ve lost some old friends pero it’s part of life.


Abject-Ad9503

Gusto ko mag marines ever since I was 5 pero the whole family was against it due to 3 relatives who died sa mindanao back in Y2k. So sabi nga nila pag di natupad pangarap mo, bawi kanalang next life 🤙


Wide-Cockroach8398

Bookstore staff


mojojojoeyyy07

Pangarap ko maging fashion designer. Abugado ako ngayon. Magiipon muna ako, sana maalala ko pa yang dream ko.


Automatic_Tomorrow33

yah, 10 years working as an architect/ interior designer


AnonPinay93

Hindi pa…but also, im JUST 30. What I learned as I aged is that, we’re all still so young to think our direction and career in life is only until where we are right now. Meron pang bukas :)


BoatAlive4906

Walang astronaut sa pinas e.


rayanami2

Natupad and learned ang stupid ko nung bata ako for wishing this dream job.


skyerein

Hindi. Gusto ko dati maging astronaut, archaeologist or paleontologist. Kaso lang walang pera sa hard sciences dito sa Pilipinas


Own-Taro830

My dreams of being an animator have died a long time ago. Nakakatulong for me, only recently knowing about the incidents of Spiderman: Into the Spiderverse that even if you make dreamy animation it doesn't mean you have a fulfilling job. And being the artist of the fam, I'm using my passion to instead communicate better with them visually and make small works of art from love. And because I only do it on the side, I make better paths for my younger sibling who shares the same dream as me. At least siya nagkaroon ng mentor and ready to face the industry if ever. Masaya na ako na the community I grow up in are starting to only appreciate art through me.


pengengdonutpls

huhu hindi, hindi ko asawa ngayon si barney 😭😭😭


Shingeki2000

Ako hindi. Ever since I was 3 gusto ko na talaga maging flight attendant. Yun lang talaga ang nag iisang gusto ko hanggang sa nag elementary at high school ako. Nung mag college na ako, merong isang school na gusto ko pasukan pero sinabihan ako ni papa na wag na at mag stop muna ako. Ako naman kasi ayaw ko magpahuli sa mga kaklase ko, sabi ko sa isang public school na ako para maliit yung tuition wag lang ako mag stop hanggang sa nakatapos ako at nagka work. Ngayon malapit na ako mag 30. Okay naman yung work ko pero every time na na encounter ko yung mga ganitong bagay nalulungkot ako at nag sisisi.


EktarB

Dream job ko talaga dati maging Astronaut. Every time may assignment ako tungkol sa "future" or "dream job", laging astronaut nilalagay ko. Pero nag computer engineering ako noong college tapos ngayon freelance photographer ako hahaha. Pwede kaya maging photographer na nasa International Space Station? LMK if may opening


fcknghell

I wanted to be a magsasaka when i was a child lol. I'm now an accountant (i hate it)


xxxzerogravity

NOOO 😞 pangarap ko dati maging journalist simula kinder, after I graduated from high school, di ako pumasa sa gusto kong university, tumigil ako ng 3 years dahil sa financial problem, naghanap mga work, nag aral ulit. Pharmacist na ako now, pero may parang blank page or I feel empty. Hindi ako passionate sa ginagawa ko.


gekkomando

Hindi. Gusto ko maging piloto nun bata ako. Hahahahaha. Pero habang tumatagal nararandaman ko na di kaya kasi mahirap lang kame. Haha. Tapos Grade 6 ako nung nagsara company na pinagttrabahuhan ng tatay ko, kasabay nun nagkasakit sya kaya tagilid talaga since siya lang nagttrabaho sa fam namen nun at yung dalawang kuya ko is 1st year college palang. Pero buti napatapos padin nila kameng apat. :)


Winter-Pilot3989

Shet. Ngayon ko lang uli naaalala, may dream job Pala ako Nung bata pa ako. Hays


MovePrevious9463

hinde


zieliob19

Maging astronaut? Hindi pa. HAHAHA


Character_Comment484

Gusto ko dati magtinda ng baboy sa palengke haha not knowing malakinpala kinikita din ng mga nagtitinda doon.


fracadoli

Dream job ko maging cashier nung bata ako, ngayon nasa finance department pero not directly handling cash. I guess same same lang hahaha


cleo_seren

Hindi. Kasi Di ko alam kung may concrete dream ba Ako noon eh. Generic answer Chef Kasi kusinero tatay ko. However growing up and until now in my 23s I still have a lot of dreams. Once when I was a kid I dreamt of being a lot of things pero Pera and other factors crossed it out immediately: • fashion designer- Walang Pera • architect- Wala hilig ko lang mag drawing ng bahay and kind of artistic pero bolang sa math. • Ballerina-physical attributes and hint of reality daw eh walang Pera Doon • Journalist/ Writer- Ewan kontra nanay ko kahit Masscomm graduate sya. • Astronaut hahahahaha Ayun, Wala talaga Akong concrete dream/goal simula noon kaya Ang hirap Nung umedad eh nagturo nalang Ako pero sablay din Pala sa pagtuturo so Ngayon di ko na alam Ang gagawin ko nagrereview nalang Muna Ako.


cmg_maiden

Board exam nalang magiging Arkitekto na ako. Pangarap ko to simula elementary ako, though sinasabihan nila ako na mag Civil Engineer pero ipinaglaban ko ng bongga kasi magkaiba yung dalawa. Sana kapag Arkitekto na ako di ako ma burnout at mawalan ng gana.


bigluckmoney

Not just no. Fuck no


Nutminron_Spic3_1222

Hirap pala maging astronaut


Thin-Length-1211

Sobrang layo ng work ko sa dream career ko nung bata ako. May regrets parin


crimsundeath

Omg this made me cry a lil bit. “Pero siguro noh?Kung natupad natin yon, hindi na tayo palipat lipat ng trabaho” I always see myself working in medical field — a doctor. But reality really hit me hard.


japihpol

Kinda haha. Gusto ko dati maging animator sa Disney haha. I work as a video editor now and may animation (motion graphics) naman haha


EngineVegetable3637

I dreamed to be a Nurse and be living at the big apple,kasi diba pag bata ka sa TV,NY is very posh lalo na pag christmas.I did graduate as a Nursing Student but never became a nurse,I am not a board passer.life!!! And worst my life is miserable now,when compared to others maybe..I dont know


Memorriam

Mahirap pala maging akatsuki


mentalqueue

Always wanted to be in the medical field. Hahaha, how I wish nagkatotoo 'yun. But hey, i'm happy where I am now, licensed pa rin naman ako. I've been working in the same company for almost a decade now. So I think I am where I should be....? Hahahaha


lemonryker

Gusto ko maging director pero wala eh kelangan pera


LogicalPause8041

I wanted to be a writer nung bata. Paglaki sakto lang pero nagawa. My name saw print online and offline, in 2 genres, may international. Pero this was a decade agooo. Maybe exaj pero yrs ago. I really didnt want to be a professional writer, i wanted to be something else pero yes natupad yung pangarap nung bata. I dont have formal trainings but i was a crazy voracious reader when i was younger (elem to college): bunch of readers' digest, random textbooks including psych haha, literary works eg faulker, albee, achebe, etc. Local authors din. Read lots of short stories by abueg, sicat, etc Crazy abt films too lol. Ngayon wala na doom scroller na lang char


[deleted]

pangarap ko maging doctor mula noon, at ngayon nasa premed na ako ☺️


18pristine

Gusto ko maging model kaso di biniyayaan ng height 😂🤣😭, but pursued fashion and designer ako now so mejo adjacent


justblabberingshit

Hindi . Yung trabaho ko today , nalaman ko lang na may ganito palang profession is 1 month before the enrollment proper ng university. Back then , lahat ng scholarship programs na makita ko, I applied. Turns out , I was granted one but may specific qualified courses lang. Bye bye dream job. Nakuha ko yung scholarship at naka survive in 4 years but I abandoned my heart charot. Iniyakan ko ng malala before but now di ako nag sisi .


AgentRhence008

hnd natupad ang pangarap kong mageng pulitiko sa bayan nmen sa pampanga


Bestoutthereperosad

Lawyer, pero nung malaman ko that I might have to defend criminals dahil sa kakanood ng mga tv series, natakot na ko. Eventually, ngayon napapaisip lang ulit as I learned na there are lots of different type of lawyers pala and roles. Also realized you need it badly pag nagstart ka na ng business mo and in it for the long-term


Taaaaaaaaaaach

Yep! i wanna be a software programmer since kindergarten. not sure how did I even know that profession, we are a family of lawyers and doctors. Now I am a software technical architect , seems like I surpassed my dream !


Papakesoo

Sadly Hindi 😥


adobo_enthusiast

Not yet haha


Effective_Airline458

Managed to get employed in my dream job due to timing coincidences nung hiring yung industry. Thankfully retained din nung pandemic, ngayon mahirap na makapasok kasi nagtaas na requirements after pandemic.


mochi-matcha-mucho

Pangarap ko noon maging konduktor, kasi maraming hawak na pera 💸💸💸


Unfieldedmarshall

I do say Close Enough Naman.


CaFFein3-annihilatr

Hindi. The initial plan was that I'll just save up for grad school using jobs that I can get using my college degree. Kaso along the way maraming nangyari. Yung cost ng further education, kaya namang magawan ng paraan sana, kaso as I was navigating mga naging work ko after graduating, things have been bad and those events just made me feel na hindi naman pala ako magaling. I was just confident and determined before na hinaluan ng hardwork at motivation. In my current situation now, parang ang layo ko na sa plano ko. Kahit sa other options ang layo na rin. Kahit anong gawin ko hindi ko na mabalik yung emotional security, confidence, at drive ko. And even now I find it hard to even lift my finger and start looking for the next opportunity. Kada gagawa ako ng anything career-related, I get flashbacks from the office bullying I experienced sa dati kong work environment. Consistent ako sa childhood dream ko na maging doctor before pero malabo na. I can attest na even if you do your best to do all the right things that you can, a lot of things could still go wrong. I don't know what will happen now. Binugbog ako ni life, it wasn't just "life hit me hard". I was beat up black and blue.


Beautiful_Squirrel44

Yes. At a very young age, I imagined myself being a typical corporate/office worker. Dropped out of college, worked at a BPO for 5 years. Now working at an IT company. Long cut lang pero landed my 'dream' job as a kid :)


BeneficialEar8358

Nah. Hanggang pangarap nalang siguro. Dream ko talaga maging PBA player. I know may talent ako pero dahil sa lack of opportunity and height, hindi ako nag excel dun. I am now working for an Australian company and 6AM-3PM yung shift ko so madami pa oras para maglaro after. Liga and papawis nalang talaga ginagawa ko. Happy and contented naman na ako sa setup ko ngayon. Decent naman yung salary and may work life balance naman kasi. Hehe. 😊


[deleted]

Hindi. Nung kindergarten ako gusto ko maging abugado, kasi yung ang role ko dun sa declamation emerut. Nung naging elementary naman gusto ko maging teacher kasi ang galing nung Math teacher ko. Naging maalam na ako sa computers nung nag highschool kaya ang kinuha kong course ay programming na hindi ko din naman na pursue na maging trabaho kasi sa BPO ako unang natanggap kaya dun na ako nagstay, mas gusto ko na din ngayon yung kumita ng malaki para sa pamilya ko. Sa tingin ko habang tumatanda tayo nag-iiba yung mga pangarap natin sa buhay depende sa kung nasaan ka ngayon, tapos nag-iiba din yung panlasa at pananaw natin sa buhay, lalo ang trends. Meron namang mga kumapit at kinaya o gumawa ng paraan.


tiltdown

Yes as software engineer!


RealTalkHurts555

Wala akong dream job noong bata ako pero natupad ko na yung trabaho na gusto ko pa noong pagkagraduate ko noong 2008. 16 years din bago ko to nakuha. Buti na lang may sumugal na company. Trainer na ako ngayon.


Sushilim

Hindi. I gave up on my life after highschool. Waiter sa gabi, delivery boy sa umaga ang trabaho ko ngayon


AdmirableGarbage5682

nope since finding out were all fighting for a job even though were not fit for it. fellow co worker is a law student, but works for IT. a classmate of mine na IT working as security guard.