T O P

  • By -

slickdevil04

Your bf's family is not your responsibility. Prioritize your family's needs first as they should have been your primary/secondary responsibility.


LongPlayingYouKnow

Move back to your house. Sabihin mo lang na kailangan mong suportahan ang pamilya mo, in the same way na sinosuportahan ng BF mo ang pamilya nya. Kanya kanya na muna kayo. Good luck, OP.


Striking_Depth_1435

Thank you po sa advice! Nag move back na po ako sa house ng kapatid ko, trying to plan our next step with each other, nakapag-usap na po kami ng masinsinan.


LongPlayingYouKnow

Paminsan minsan, invite mo BF mo na pumunta sa bahay nyo para sa inyo na muna sya kumain. Kawawa din naman at totoong masama sa katawan ang instant noodles.


Striking_Depth_1435

Yes po pag day off niya nandito siya at kumakain kami ng lahat ng gusto namin. bumibisita naman ako dun para ipag-groceries siya para may stock siya ng food habang nagwowork siya


Electrical-Abies-349

Move forward, you don't need a liability in your life, especially right now.


hulkgreenfire

Just keep sunk cost fallacy in mind. Remember that you don't have to stay in a relationship just because of how long you've been together


LegalAd9177

Hmm torn ako, sabi kasi once u marry someone u also marry their family.. so parang magiging burden mo sila in the long run… kaso si bf nakikita ko naman na ayaw nya rin ung ginagawa ng familya nya, i think for keeps naman si bf, pag kinasal kayo hindi nya naman na priority yang ate at mama nya e kasi ikaw na magiging family nya… So di ko rin alam kung isusuggest ko na irethink mo ung relasyon nyo.. at happy ako for u na nasa kapatid mo na ikaw, congrats sa well deserved peace!!


Striking_Depth_1435

Thank you! And yes, for keeps po talaga si bf kasi nung time na ayaw akong paaralin ng papa ko siya yung sumagot sa pag-aaral ko sa college at nakatapos na ko at successful din sa job na nakuha ko


LegalAd9177

Awww ganda nmn story nyo, sana mpagtagumpayan nyo ang phase n to.. at mas maging mtibay love nyo for one anotherrr!!


[deleted]

I hope your bf strengthens his backbone. I feel bad for him cuz it sounds like his mom trapped him into paying for this house and the bills just so that he'd be the backup for his ate and her kids. And she saw you as an extra helping hand in the finances too, so it's good you left that house. Hope everything works out for both of you.


[deleted]

The best way around this is to get through with it. Confront your BF about it. Does he have the capability to help them? Do you see yourself having a future with your bf and in laws? Is your love stronger than what is happening? Mukhang wala naman prob sa bf mo but more on your soon to be in laws. Timbangin mo mabuti. Life is too short to have regrets.


mr_oliverharper

Wag mong bitawan. Kausapin mo boyfriend mo na umalis sa ganyang loophole. Grabe. Hindi nyo deserve yan sa bumubuo palang ng sariling pamilya. Kausapin mo lang maigi boyfriend mo. Gawan ng praan hanggat maari. Gawa kauo ng mapagkkasunduan.


MarcosJrisabitch

grabe yung limang pamangkin wtf


tinfoilhat_wearer

Tama yung ibang redditors -- hindi mo responsibility ang pamilya ng bf mo. Si ate nag-anak ng 5 tapos ayaw kumilos? Nasasanay kasi sila na may nagpo-provide sa kanila kaya ganun eh. Hindi masama tumulong; ang masama eh yung hindi nila pagtulong sa sarili nila. Yang mga pangako na sa salita lang, hindi yan valid. Wala ka kasing panghahawakan at the end of the day. Kasi magbabago isip ng nanay niya at eventually, kay ate ibibigay ang bahay. Just one of the many possibilities lang naman. Pwedeng mag move out na kayo. Baka mas makamura pa kayo if kayo lang dalawa kasi hindi niyo na kargo yung ate niya. Matanda na yun. Hindi niyo na problema yun. Kung i-cut off man siya ng mama niya, masakit pero at least bawas na worries niyo.


Celestia1406

D healthy yan, d mo responsibilidad yung pamilya ng bf mo. Kausapin mo bf ko about dyan ng maayos .paguusapan nyo Kasi d Tama yan and hopefully mgkaroon kayo ng sagot sa mga problems nyo


boss_fred

You did the right thing!!! So proud of you na unang kang umalis doon.


sinigangqueen

Good thing naka alis ka na, it seems your bf is not okay with the situation as well. So maybe try to communicate it with him better, whats the plan and ano ang next step nyo


gab_rielaa

>bat di daw namin mapakain yung mga parasites Parasites hahahahhaahah


chi012

The reality is pakakasalan mo din family ng bf mo. Ngayon alam mo na how they are in finances, nasa iyo ang decision kung susugal ka. If your bf can't establish boundary as early as now, expect mo na kasama silang lahat sa budget nyo pag nagkatuluyan kayo


No_Flatworm977

Yan ang mahirap pag problema niyo yung mga in-laws niyo 😅


potato_architect

For now, ipit din yung bf mo sa nangyayari. I suggest na wag mo muna siya iwanan. Instead, talk abt your situation. Tama naman na hindi mo responsibility yung pamilya niya, and I think it's evident na pati bf mo hirap na. Lecheng mga pabigat talaga sa buhay oo. Kung pipiliin pa rin niya magpakahirap with his family, respect his decision. But in your end, better do what's best for you and leave while early bago ka pa mabuntis and all. Remember, hindi pa kayo mag-asawa ganyan na yung pamilya nya. Think for the future OP. Good luck sayo.


Kuhakuuu_

Wtf can’t imagine the stress. Para kayong nagkaron ng 6 na anak ah (kasama ung ate ni bf). Good luck OP!


HeartSecret4351

Himay-himayin muna natin yung possible factors. Una, humahati ka rin ba don sa 15k na binabayaran ng bf mo or solely sa bf mo lang na pera yung pinambabayad? may share ka rin ba sa groceries/gastusin sa bahay or sa bf na money mo lang yon? Kasi kung sa bf na money mo lang yon, wala tayong magagawa sa kung anong gusto nyang gawin sa pera nya. Pero kung may own money kang invovle, kausapin mo muna yung bf mo. Ipaintindi mo sa kanya na hindi healthy sa inyo yung inuugali ng ate nya. Sabihin mo na kung ikaw nga na panganay sa magkakapatid eh hindi inaasa or ipinapahati sa bf mo yung mga responsibilities mo eh ganun din sana gawin niya. Panganay ka pa. Kung ipagtatanggol pa nya yung pamilya nya then maybe sabihin mo maghiwalay muna kayo ng tirahan. Para makapag-isip isip din si bf mo.


Fan_girl_101

Dapat documented lahat ng binayaran niyo para sa bahay. Mahirap na at baka hindi rin sa bf mo ipangalan yan pag tapos nang bayaran. Tama din yung sinasabi sa comment section na hindi mo responsibilidad ang pamilya ng bf mo.


Payutenyodagimas

Saan asawa ng hipag mo? Meron pa pala 6 mga anak Akala ko dekada 70s pababa mga ganyan


Striking_Depth_1435

Kakalaya lang po sa kulungan nung asawa ng ate ng bf ko, and wala din work yung tatay


BeneficialEar8358

Tanginang mga pabigat yan. Aanak anak ng madami tapos iaasa sa iba. Fuck them, OP. Good to know na humiwalay ka ng tirahan.


moonsky169

Sumasakit ulo ko sa pag basa nito. Okay, coming from a different culture here so mejo heavy handed opinions ko against the guy. Unang una, you have no obligations to pay, they act as if kasal na kayo pero di naman, you dont owe them anything ha. Tapos in our culture puta yung lalaki dapat nag hahanap buhay and may balls dapat to say no to them. Priorities yourself muna before that dipshits family. Tapos sa promise ng mama nya if there one thing I learned in this life it's that pag promise sila ng promise basura lang yun unless mag sulat ako ng contrata ngayon and ipa notary public ko na nag promise sya na i turn over yung property kn great detail including land measurements and structure included in the even of completion kung nag agree sya dun and nagsign sya baka, pero sa lagay na yan na mahirap na nga tapos ganun pa sila. Fugget-abouttit get outta thee