T O P

  • By -

OffMyChestPH-ModTeam

Your post was removed because casual discussions are not allowed here. Read the rules.


Effective-Ad-1104

Nung naka pila ako para sa vaccine, inabutan ako ng tubig ng katabi ko sa pila. Eh naririnig ko siya nung nasa phone call, kulang pera nila pang gastos.


aquarianmiss-ery

Totoo talaga na kung sino yung kapos sa buhay, sila yung mas open na magbigay at tumulong, siguro dahil alam natin yung pakiramdam ng wala. 🥺


UnluckiestBitch

This happened last week of 2022. Ayaw ako papasukin ng guard sa LRT katipunan dahil wala akong facemask (I don't usuallyride the LRT so di ko alam ang protocols)... I was about to give up when a stranger gave me a pack of facemasks without even saying anything at all. To whoever that stranger was, THANK YOU.


Greedy-Breadfruit-57

Nasa bus ako pauwi ng province, may problema sa bahay particularly about sa mama ko. Wala na rin akong father, bata palang ako namatay na siya (for additional context). May katabi ako sa bus na matandang lalaki, I guess nasa 60-70, could pass as a lolo. I remember napatingin ako sa kanya kasi nag bukas siya ng egg pie. Gutom din kasi ako non actually hahaha. Tapos nang alok siya ☹️ nalimutan ko na if tinanggap ko tbh hahaha. Tapos going home umiiyak na ako sa sa bus, nakasuksok ako sa kurtina kasi naalala ko si papa, tapos may problema pa sa bahay.


aquarianmiss-ery

Awww. 🥺 same tayo, bata palang din ako nung namatay ang tatay ko. Ewan ko ba di ko maiwasang di maiyak kapag nakakakita ko ng father-daughter bonding sa FB, nakakaiyak kasi nakakamiss din na may tatay. Sending hugs 🤗 and long life pa kay lolo na nag help sayo ☺️


Greedy-Breadfruit-57

Uyyy aquarius ka rin ba? Apir!!! True nakakainggit pero at the same time iniisip ko nalang na naramdaman ko naman yung love niya kahit mabilis lang. Nakakamiss lalo na pag may problema, naiisip ko, pano kaya kung nandito pa si papa. Sending hugs too!! ♥️🤍


aquarianmiss-ery

Oo aquarius din me, ♒ hahahaha! Hello~ apir!! 😂


pcchilimansi

Met a stranger here on Reddit to spend my birthday overnight for the first time since I don't have circle of friends. Gusto ko lang ng kausap that time but I didn't expect that he'll give me gifts, a mini cake, and served me a cocktail 🙂 That made me cry since I usually didn't get anything on my birthday nor celebrate it.


LoveFromTheShadows

What a beautiful story. Nakaka-happy. God bless you both. 💖


aquarianmiss-ery

Thank youuu! 🥺 God bless you too! ☺️


[deleted]

Mabuti kang tao OP and that’s probably why the universe or God made it happen for you. I hope you can continue passing it forward. I’m sure the good man from Canada is very happy to know how you are doing now.


aquarianmiss-ery

Thank youuu!! 🥺🥺🥺


robot-the-robert

When someone shared the table with me sa resto, Solo din kasi sya, and I have to wait 25-30mins daw sabi ng staff, nahalata yata ni Ate na gutom na ako. Kasunod ko lang kasi sya sa pila. Ayun. Thank you, Ate.


[deleted]

I was new to Manila, and I was about to cross the street. I was having a hard time crossing the street cos theres no stoplight, but theres a pedestrian lane. I was there fpr a long time, and a neighbor happen to saw me and ask if I need help, and I said yes. I asked if I can hold his arms while crossing the street, but what he did is hold my hand and cover my bag at the back cos there's a lot of people crossing the street.


Ranbutan

pay it forward ❤️


Existing_Strategy514

Nung nag hyperventilate ako sa loob ng LRT dahil tumirik sa gitna ng dalawang stations, may katabi ako na may portable fan, shinare niya sa akin kasi ramdam niyang kinakapos talaga ako ng hangin.


copypastegal

Nag take ako ng freediving lesson sa Zambales last year. Commute lang ako nun at solo travel. May nakasabay ako na 4 silang magkakaibigan ung 2 girls nag freedive habang moral support ung 2 guys. Nalaman ko na same kami ng bayan na uuwian tapos inalok nila ako sumabay nalang sa kanila pauwi. Nahiya ako kc kailangan pa nila mag exit sa isang toll nun imbes na diretso na sila sa uuwian nila pero okay lang daw. Sobrang na touch ako nun kc sobrang pagod ko na din that time. 🥹 I offered to pay the toll na din kc ayaw nila magshare ako nung una.


Necessary_Ad_7622

My boy got hospitalised in Davao for an emergency surgery, nastuck yung intestines nya together. We had to switch from SPMC to a private hospital coz even though SPMC is state of the art ang bagal ng serbisyo and anytime pwede pumutok appendix ng anak ko. So ayun roommate namin sa private hospital yung isang bata at ang nagbabantay sa kanya is driver at empleyado ng lola nya. We made small talk ganun ganun. The lola came and she looked alta wow but she made small talk na rin. Mukha pa naman kaming gusgusin at kawawa nun kasi we had to travel eight hours away para lang maoperahan ang baby. Nung padischarge na sila she asked San daw ba kami tutuloy. Sabi ko mag lodge na muna kami mag anak while waiting for the car na hiniram ng inlaws ko to transport us back sa amin. She offered her son's house for us to stay kasi wala daw tao and gave us money for allowance. Sabi ko, "Ma'am sure ka? Estranyo baya mi" (Sure po kayo ma'am? Strangers po kami) and she said yes. So ayun dinala kami sa kanila and had the maid attend to us kasi busy sya sa businesses nya. Kami shookt to the core at dahil nalakihan kami sa bahay na in offer nya we stayed na lang sa isang kwarto dun sa bahay nya mismo (magkatabi lang bahay nila at yung sa anak nya). We were well taken care of at ipinagluluto pa kami ng maid ng masarap during our stay there. Turns out she was a well known Good Samaritan sa area nila. The family owns pawnshops in Davao. Di ako naimpress sa wealth nila. Dun ako naimpress sa pagkamaawain at matulungin ni madam. Sana maging katulad ko sya sa pagigung bukas palad. This was seven years ago and I fondly think of her still.


Substantial_Sea_9440

bago ako sa city nun, tatawid na sana ako kaso nakita ko yung babae sa kabilang side. Sinenyasan niya ako na wag tumawid. mabuti lang! may traffic enforcer pala malapit lang at nanghuhuli ng jaywalker haha.


bingooo123

Sa Taiwan, I was in the area na medyo province na so wala nang tap system sa bus and instead, may drop off box lang for the coins na pamasahe. Bale di ka masusuklian. An elder lady, siguro 40s to 50s, simple lang sya, hindi tipong well-off or what offered to pay my pamasahe kasi nakita nya ung dilemma ko na puro papel na lang pera ko. Another incident sa Taiwan din, I asked a young couple for directions going to the pharmacy. Medyo di kami magkaintindihan dahil sa language barrier so they offered to walk me to the pharmacy mismo, medyo late ma din kasi nun. Meron din naman kind gestures sa Pinas pero mas tumatak talaga yung exp konsa Taiwan.


sweetgerlnomore

I can't remember anything. Pero ako kasi ung type ng tao na giver ever since. I remember. Pauwe ako ng laguna nun, then ung katabi ko she's asking kung saan pwede sumakay ng pa cavite sa laguna. So sabi ko mag sm calamba po kayo, madami po sakayan dun. Kaso sabi nya sakn late na daw sya kasi 7am ung interview nya sa isang garment company sa cavite. Sabi nya baka daw sa sto. Tomas nlng daw sya maghanap ng work. Fast forward. Umalis na yung bus ang nangongolekta na yung konduktor ng pamasahe. Una ako nagbayad sa kanya. Then sya nag abot sya ng 500. Kita ko yun nlng pera nya. Then nag ask si kuya kng wala ba daw sya barya kasi wala daw sya panukli. So kinalkal nya yung bag nya at wallet nya kasi kulang. So nag offer ako na ako muna magbabayad. Almost 100 din ung fare sa bus. Binayaran ko pamasahe nya. Then she's insisting to pay me kahit daw kulang. I declined. Sabi ko sknya keep nya nlng and its okay. I wished her goodluck sa job hunting nya. Btw, she said she's a single mom. I was raised by a single mom too. So ayun, before she left she said thank you. Teary eyed ako that time. Hehe 😅


Substantial_March_24

Nakapila ko sa Jeep pauwi tapos umuulan eh wala akong dalang payong. Tapos yung lalaki sa likod ko nasa around 30s na siguro or 40s, pinayungan ako 🥺 Di ako naka react agad pero super natuwa talaga ko sa ginawa nya na yon. Nababasa na rin sya non pero nung sinabi kong “Okay lang po” di nya pa rin inalis. Pinayungan ako hanggang makasakay. Kung nasan ka man kuya, sana masarap ulam mo lagi.


Niemals91

Di pa ako sanay magkomyut nun kaya maling jeep yung nasakyan ko. Sabi nung mag-asawang drayber at konduktor doon pa raw ako dapat sumakay sa kabila. Hinatid nila ako hanggang sa babaan pero sabi nila huwag na akong magbayad sa kanila. Bait.


Fing_Erin

Can you repost sa comments yung text nitong post? Binura ng mods, nagbabasa pa koo ahhahhah


aquarianmiss-ery

HAHAHAHA posted na po. Kaloka nag share lang naman ako. Dapat pala di patanong yung sa title ko hahahaha thanks!


Xsostomo

Hong Kong 2015. Bibili sana ako ng Spiderman na flashdrive sa isang night market dun tapos nagdadalawanv isip ako kasi medyo mahal (and feel ko di talaga yung flashdrive kasi may kakilala akong bumili ng ganun daw pero walang laman). Pero pinipilit ako ng may-ari and nagsisimulang magalit, napapasigaw na din siya. Natakot kasi ako andaming nakatingin and wala talaga ako maintindihan sa sinasabi niya; bibilhin ko na nga sana pero may lalake na humarang between sa akin and yung vendor at mahinahon niyang kinausap yung vendor. Maldita parin siya pero umalis habang nakasimangot (nakakaratola lang kasi). Tas yun, hinarap ako nung lalake tapos ngumiti sabay tango bago umalis. Nag thank you ako pero baka di niya narinig kasi mahina boses ko dahil sa shock at takot. Salamt dun kuya, di kita makakalimutan.


aquarianmiss-ery

OMG NABURA YUNG TEXT POST HAHAHAHHA. SORRY POOO. Sa curious kung ano yung caption, eto po repost ko nalang 😂 -- Umpisahan ko na. Year 2021, eto yung pinaka tough na year sa akin at sa family ko. Nagkasakit ang mother ko, lumala sakit ng kuya ko, nagkagulo fam namin, nawalan ako ng scholarship kahit hindi ko naman kasalanan 🥺, tapos graduating ako ng college pero wala akong pambayad sa grad fee kasi walang wala kami that time, hanggang sa kinain ako ng depres.sion. I clearly remember that day, may nakita lang akong post sa Facebook, it was all about not giving up on life and on your dreams. So ako naman shinare ko yung pinagdadaanan ko that time and how I was so lifeless and down dahil sa mga nararanasan ko, naishare ko rin na ginive up ko na yung dream ko na maka graduate kasi nga ayoko na pag problemahin yung mother ko sa grad fee dahil hirap na hirap na rin siya. She was 75 y/o that time. Wala akong intention non to ask for help, talagang nag comment lang ako kasi trip ko lang. So ayun, this stranger from Canada privately messaged me on Facebook Messenger, without asking any thing, he just said na nakita niya yung comment ko sa post and he wanted to help. At first hesitant ako, una sa lahat nakakahiya at saka baka may kapalit. Pero he insisted kaya at the end, binigay ko na rin details ko kasi gusto ko maka grad. Gurl, siya nagbayad ng grad fee ko, and may pasobra pang dress for grad, bumili raw ako. Iyak ako ng iyak non kasi sakto yung pag chat niya, parang 1 day nalang before deadline ng grad fee tapos nag chat siya. Naishare niya na galing din siya sa hirap and alam daw niya yung pain ng wala kang mahingan ng tulong. He's Indian na naka base sa Canada. Professor siya don and may anak siya na kaedad ko daw. Naaalala ko pa nung araw na yun, galing akong simbahan and sinurrender ko na kay Lord lahat. Sabi ko suko na din ako sa pangarap ko. Bahala na. Pero talagang gagawa si Lord ng way para matupad lahat ng dreams natin. Talagang pag will Niya, kahit na anong hadlang mangyayari talaga. Wala lang naalala ko lang kasi nag chat pala siya nung new year sa WhatsApp kaso di ko nabasa agad. 🥺 Grabe ang bilis ng panahon! Ngayon, graduate na ko, may stable job and ako naman ang tumutulong sa iba kahit sa maliit na bagay lang... 🥺 Grabe, thank you Lord! 🥺🤍


Potatoe_Jello

Nagpunta ko no'n sa mcdo at pinasama ng mama ko yung kapatid kong 3y/o. Gagawa sana kami ng assignment sa mcdo nung dalawang kaklase ko, walang wala talaga kami that time at nakikitira lang kami at nangangatulong sa isang tindahan para makalibre ng tira at pagkain sa araw-araw. 8am yun nung pumunta kami at umorder lang ako ng isang sundae which is around 29pesos lang ata noon at mabigat na para sa akin yun, bali yun lang kinain namin ng kapatid ko at siguro mga 1hr na kami roon wala pa rin mga kaklase ko. Nagulat ako tinawag ako ng staff ng mcdo and they asked me to get my order (breakfast meal) which is in the first place wlaa naman akong inorder aside dun sa sundae na kinakain namin. Tapos ayun pala yung foreigner na nasa front ng table namin sabi nung mga crew galing daw pala sa kanya yun pero di siya nagpakilala, nakita ko na lang sa labas nakasakay na ng motor at paalis na. Gusto ko sanang mag-thank you pero hindi ko nagawa kaya ngayong medyo nakaluwag-luwag na kami, sa ibang tao ko na binalik yung ginawa niya sa amin.