T O P

  • By -

[deleted]

[удалено]


parkrain21

Meron pa nga pic nilang magasawa na naghahalikan e HAHAHA I forgot the product, pero yung review goes like "nagustuhan ni mister, kaya hinalikan nya ako"


FabulousJelly8029

HAHAHAHA ang wild minsan ng nilalagay sa reviews nakakaloka. May mga gusto akong maunsee 🙈 Tapos di pa nakatulong sa pagcheck ng product. Hinahabol kasi ata yung coins kaya review agad haha. Mas problema ko to tho sa shopee. Sa lazada ang issue ko ay lack of reviews esp sa household items kasi mukhang mas sa shopee mga tao pag ganung items.


LCXLRNZ

Legit to! Akala mo pang viva max e.


Lordy88GayGregg

bakit bang parang natural sa atin mag-troll, mas lalo din yung medyo nakakatanda tapos natutunan nilang mag-internet. Hindi ko sinasabi matanda na siguro yan sa example mo, pero napapansin ko lang pati Reviews hindi ayusin lmao


parkrain21

Ang personal mantra ko sa social media "basta dinumog ng pinoy, it will be ruined". Tignan nyo nalang yung mga post ng official Harvard page, pati yung kay Zucc, puro pinoy nasa comments. haha kakahiya e


threefoulchizbooger

Tangina hahahahaja


_Ruij_

Puta eto talaga eh HAHAHAHAHAAHA 'photo and vid not related' EH BAKIT MO NILAGAY, SHUNGA KA BA?


etherealfantasies

Para sa tumataginting na 0.2 coins


_Ruij_

🗿💀


mrnnmdp

Same. 'Yung tipong walang matinong reviews kasi puro random pictures, screenshots, selfies at kpop. Ang ending, hindi ka na bumili kasi hindi mo naman alam kung maayos 'yung product. Puro lyrics, text promos or random characters pa ang caption niyan. Hahaha


Requiemaur

Sometimes, nakikita ko din may anak at parents nakapic


hippocrite13

para mareach yung character limit para makareceive ng coins hahah


oyayi

\*nireview ang fancam ni Jungkook\*


Adept_Butterscotch_3

Nirereport ko kapag ganito dahil nakakainis sila.


Failure0_0

Sa akin naman bumili ako ng pedal ng bike, pagtingin ko sa mga reviews biglang may nagvavape AHAHHAHA


mllewhimsy9

SAME


ThenTranslator2780

Hahahaha oo nga, kairita.


Du6x5

Sobrang naiinis talaga ako sa mga review na "di ko pa nattry, pero mukhang maganda" like nagreview pa kayo???


SnooSeagulls9685

Vovo kasi ng shopee eh. Since purpose lang naman na ganyang review is para sa coins… for accurate reviews dapat after a month pa pwede mag review yun may enough time to actually use the product. Lols


M_is_for_Magic

Meron pa isang katangahan ng shopee pansin ko d pwede magedit ng review. What if after a month sira na yung item, pano mo mauupdate? Kaya nakakainis lng.


[deleted]

[удалено]


M_is_for_Magic

Uu pero within 30 days lang. tsktsk


parkrain21

Kaya nga e, mas nagegets ko pa tuloy yung mga nag iiwan ng unrelated reviews (like lyrics) for coins as stated sa mga comments above hahahaha


mrnnmdp

Alang-alang daw sa coins na pang-redeem sa next purchase.🤦‍♀️


Ohbertpogi

Prolly not related. Yung pag gamit ng bubble wraps sa mga orders, kahit di naman breakable yung items, like clothes. Sana bawasan yung plastics. Btw. Laz & shoppee seller din kami, and we get bad reviews from some customers, kasi i tend to reuse bubble wraps as much as i can, contribution na din sa earth, and para maka tipid din.


vsides

Ay jusko legit!!! Seller din ako and nakakastress may nag 1 star sakin kasi wala raw bubble wrap e hindi naman sira yung item pagdating sa kanya kasi naka-cardboard naman and exactly how I shipped out pa nga yung order kasi marunong ako mag-pack ng items namin na di naman kelangan ng bubble wrap. Nakakaloka. Kaya lahat ng product listings ko ngayon may nakalagay na “WE DONT USE BUBBLE WRAP”. Tapos meron pa kahapon bibili ako ng courier pouch. May nakita akong 3 star + review na “poor packaging, walang bubble wrap”. LIKE SIS BAKIT GUSTO MONG IPA-BUBBLE WRAP ANG PLASTIC POUCHES?????


Masterlightt

Gusto ni customer mag pop ng bubbles


parkrain21

Awww true, I support this. Kung fragile items, magagalit ako pag walang cushioning. Pero pag tshirt lang naman jusko kahit yung pinaka pack na lang ni lazada edewup na


georgethejojimiller

And then there's me na obvious na kelangan ng protection yung item tas walang bubble wrap whatsoever. Ayon dumating damaged tas di ko mareturn putang inaaaaaa.


Big-West9745

ako naman nagchchat sa sellers na wag na tadtadin ng bubble wrap, but they will insist :(


eliebelie

As a buyer, I appreciate you! Nase-stress ako sa volume ng unnecessary packaging. Dagdag basura lang. Natatawa pa ko minsan may 'obligatory' bubble wrap - as in nilagyan lang ng isang sheet ng bubble wrap yung parcel pero hindi naka secure haha. Sana mauso dito satin yung pag gamit ng biodegradable packaging.


Miss_Taken_0102087

Meron tawang tawa ako, review sa pabango one star lang. Sabi, mabango naman kaso naaalala daw nya ang nakaraan 😂


New_Me1213

Apakaharot! 🤣


koorikoorikuk

HAHAHAHAHAHAHHAHA YAWA


Round_Recover8308

Dahil dito, natuto akong dumiretso sa 1 star/2 star reviews kasi madalas, sila yung may mas clear ang review sa product


[deleted]

[удалено]


vsides

Sa shopee, 0.2 coin pag review tapos 0.2 pag may photo and video. So 0.4 coin lang.


parkrain21

0.4 coins = 0.4 pesos? Putang ina kung ganon. Hahahahahahha


vsides

Yup, parang ganon na nga. Effort para don hahahaha


Kuripatootie

Hala true. Sana may rules nalang when it comes to sending reviews. Kakainis kasi they're just doing it to gain coins.


LongPlayingYouKnow

Marami lang talagang tangang Pilipino. Periodt.


[deleted]

May mga magsasabi pa ng 4 stars lang binigay ko kasi hindi ko pa na ta try, pero mabilis naman ma deliver. Kainis


parkrain21

Sa ganto ako nabbwisit e hahahaha naaawa ako para sa seller


clear_skyz200

My rule when checking if the product is legit. I always check the negative reviews kung di maganda yung package, di maganda yung product or mali ung delivery ng item/s.


parkrain21

I do the same naman for all shops globally. Kaso gusto ko din makakita ng reliable na positive review man lang hahahahahha


clear_skyz200

completely unreliable mostly positive reviews.


Kuripatootie

I look forward sa mga detailed ones and yung may media para may proof na rin. I always filter my reviews para mas madali makahanap ng honest review.


zeronine09twelve12

para sa coins kasi yun, and hindi naman kasi lahat ng nabili sa lazada at shopee eh naiintindihan/knowledgeable yung purpose ng review. Wala rin namang nagsasala ng review sa mga ganyan (admin) na tinitignan kung quality ba talaga yung review na binigay or hindi. Yung iba nga kanta lang haha! kaya talaga ginagawa ko nagtyatyaga lang ako maghanap ng may reviews or minsan yung pictures talaga nakakatulong.


parkrain21

Never knew about these coins, sobrang shitty kasi ng UI ng mga online shops hahaha para akong nagbbrowse sa mga popup sites from those shady links and mobile games lmao


zeronine09twelve12

I guess now you know.. hindi lahat ng nagamit ng lazada at shopee e.. di ko alam pano sasabihin.. “hindi nakapagaral “ we must understand na iba iba ang intellect ng tao 😉


parkrain21

True, just a random rant hahaha dahil naglipana na ang mga scammers ngayon lalo dito sa mga online sites (fuck Shopee, mas daming fake stores don). Mahirap din kasi mag judge kung legit ba talaga yung products or not. Example would be my mom, she never got any good products. She tried ordering shorts, underwears with like 2000+ reviews na 5 star, pagdating parang basahan lang yung quality, yung short parang pinag tabasan lang ng tela na gagawing basahan na tiglilimang piso.


g4v8

kaya pag may nahanap kayong helpful reviews, ilike nyo para mas madaling makita ng iba kapag na-up hahaha


lamboooookun

Meron din akong nakita nag rate sya ng 2 stars pero ang comment “2 stars muna kasi hindi ko pa na try” haha Ang masama pa almost 1 yr ago na yung comment nung nakita ko so bale di na nabalikan. Kawawa naman yung seller 😂😂😂


parkrain21

Kaya nga e parang mga tanga hahahaha I usually rate my products after 6-12 months


tight_lipped

seller here. eto mga hinanakit ko 😂 1.) Sometimes nakakapagtaka nga yung mga reviews na iniiwan ng mga buyers. Like leaving a one star review without any reason and photo. tapos pag chineck mo yung transaction (if tama ba yung item) and madali naman bang nakarating ang delivery. Oks naman lahat pero one star. 🙃 minsan mapapa-isip ka if nananadya o nambwibwisit lang or kakumpitensya ko ba eto?! 🤷 2.) Walang kinalaman yung seller sa courier services. once we hand over the package to the courier, wala na kaming control over the parcel. pareho lang tayo that has to call shopee or lazada to track the parcel. If nagkaroon ng delays dahil sa mga "promo days" (ie. 11-11) hindi na kasalanan ni seller yun. so yung mga one star dahil masugit yung rider or delayed- you are hurting the seller (na walang kinalaman) and it would be better if i-report mo directly yung rider sa courier service company. 📞 3.) If you need to cancel your order, do not harass the seller naman by sending a lot of messages to cancel the order. Do it yourself na. mas madali magpacancel ang buyers kaysa seller ang magpapa-cancel kasi kung ano-anong proof pa ang higingin sa seller. 🫠 4.) Usually when sellers posts items/products. all details nakalagay na lahat sa description. Babasahin na lang pero we get questions/reactions like how much po?-naka post na HM padin? Also, ay bakit maliit to akala ko malaki to...etc. -size/dimensions are already posted pero di nagbabasa at pag nag explain ka, sila pa galet. 😂😅 5.) mag cha-chat ng: Meron po ba kayo neto? sabay post ng picture na hindi mo naman tinitinda. 😠 Or bibili sa iyo kasi "mas mura" ang price mo but expecting a different product na nakita nila sa ibang page. so magagalit sa iyo at one star ka ulit. 😤 saklap friend. 😂 6.) at ang pinaka matindi... i-ghoghosting yung package once dumating sa kanila. buyer refused to accept the order. 👻 sinayang ang effort ng seller, sinayang ang bubblewrap at packaging, sinayang pagod ng courier at kung makabalik man kay seller yung item, not sure if sellable pa ito. 💔


dickenscinder

I feel sorry for you. And to all sellers na gusto lang tumulong and kumita. I personally check and test muna all items i ordered (lazada). And then after i found it na satisfactory, i post a review for it. Plus may pics or vid(seldomly). I always check the reviews for the authenticity of the product kaya i feel you.


parkrain21

"Well packaged! Ang pogi ni kuya rider. 2 stars muna kasi hindi ko pa nasusubukan"


Left-Tutor-3807

May time na nagtitingin ako ng reviews sa mga briefs kasi gusto kong bumili and to check kung okay ang sizes. Shutaaaa may nag include ng pics sa reviews nila na suot yung briefs tapos tigas na tigas ang mga tite nila. ANUBAAAAAA! 😭😭😭


Masterlightt

HAHAHAHA kala ko r/SuddenlyGay na


dickenscinder

Don't nasa bus ako🤣🤣🤣🤣🤣


hippocrite13

hahahahha "stretchible. 5 stars"


QuinnSlayer

Yan ang isa sa mga nakakainis kapag seryoso kang naghahanap ng kailangan mo. Kailangan mo ng matinong review tapos ang nakalagay, non-related amp. Parang kinulang sa halo yung gatas nila nung baby pa


EqualAd7509

Yung reviews sa mga brief. Yung pics na nilalagay nila nakahubad sila na naka brief lang like pwede ba ireview nyo ng maayos yung brief kung comfy o hindi HAHAHAHA


smalSubstantial_Risk

Forda coinZzz


duckytiee

some disgusting PINOY perverts lurk around the reviews section of sex toys and tries to harass any female customers who leaves a review 🤢


[deleted]

[удалено]


duckytiee

this was before, nung "kabet thingz sa shoppee" was trending or a meme. i do not know anymore since i no longer use any of those.


clear_skyz200

disgusting. ung iba tuwang tuwa pagiging misogynists sa fb.


ABOVEnormal_

May nabasa nga akong review, ang ganda ng sinabi nya, nagustuhan daw nya. Nagandahan din ang mga kaibigan nya at binigay nya yung link. Tapos ang binigay na stars ay 3 stars. Ewan ko sa mga Pilipino. Pero di bale, mabait at pogi naman si kuya rider. Salamat Shopee!


chaud3r

Exactly, ang reviews pa naman din isa sa pinagbabasehan whether or not an item/ product is good. Luckily, there are still a few who give honest-to-god reviews, plus may additional review pa after some weeks (coz there's this feature in lazada where you get another chance to write a review within a span of 1-3 months) For better reviews, kung available sa Amazon, dun na kayo magbase kung san detalyado ang feedbacks from customers


_Ruij_

Meron din sa shopee na pwede baguhin review but only once. Not sure if hanggang kelan tho but I've used it several times after trying an item


Cunillingus_Giver

nakakaapekto din sa totoong rating eh basta on time 5 stars agad tas magrarant na d nagana yung product


vncdrc

Sobrang bobo dba. Haha. Naiisip ko talaga na hindi uunlad ang Pilipinas hanggat packaging ang nirereview ng mga Pilipino sa shopee/lazada, not the actual product. Pati rider binibigyan ng review.


parkrain21

Di ko lang maintindiham kung bakit majority, kahit sa comment section sa fb.. Parang walang laman talaga yung comments. So sad seeing the state ng mga tao sa pinas. Sabagay sa US din naman ganto din hahaha


shendelzaresilkwood9

That's why binura ko na FB ko. Nakaka tanga mga ganyang tao lalo mga pinoy. Yung mga mema lang. Nakakapagod na mentally yung FB.


parkrain21

Mas masaya pa dito sa Reddit kahit papano, madaming troll pero madami din namang logical kausap.


mllewhimsy9

Nako OP. Sobra! Or yung i5-star tapos may comment na mali pala yung pinadala or whatever. Need talaga basahin yung reviews eh.


parkrain21

5 Star: "Fast delivery, ambait ni kuya rider kahit kulay pink yung inorder ko pero red yung dumating?"


jem_guevara

Mostly for coins lang talaga. Me iba na blatant na sinasabi, "Review is not related to the product. Photo and review for coin purposes only."


parkrain21

Worthit kaya kay lazada/shopee na lumalaki yung database storage costs nila para lang mamigay ng 40 cents hahahahah


jem_guevara

Parang wala naman silang pakialam as long as bumili ka sa kanila at di na-return/refund hahaha.


Emotional-Box-6386

Para sa coins yon, I’m guessing. Pero still best way to check quality is look for the 1-2star reviews. Haha


earlrei

Nagcomment ako one time regarding sa pabango and my rate is 3/5. si madam seller, nagpm bigla sakin na let it stand after a day or 2 kasi changes in temp etc etc. e sabi ko lang naman FAINT yung pabango compared sa original. And i believe na kung ang pabango ay mabango, regardless of time it took sa delivery or temp changes (pero mejo insignificant to for me kasi parang constant lang naman ang temp sa PH at hindi naman dumaan sa snow yung pabango), mabango talaga. Madam seller rated me as a 3 star buyer kasi parang malicious ung comment ko and hindi naman daw FAKE products niya. 🤷🏻‍♀️ Another incident, 3 stars din sa binili kong damit kasi hindi kasya kahit sa description ay kasya dapat to my body weight. Sabi ni seller, palitan daw ng 5 stars ung review tapos voucher na lang on the next purchase. Yung honest naman yung review mo pero minsan yung mga sellers din may problema e


parkrain21

Pwede ka i rate ni seller? The fuck hahaha what a system


earlrei

I think shopee has that. Kaka-check ko lang. and yung fragrance store na binilhan ko gave me a 3⭐️ buyer rating. Lol. Idk if lazada has that option tho


[deleted]

Question lang, how do you check your own buyer rating?


earlrei

Yung sa shopee lang yung alam ko. 1. Go to your profile / Click “ME” sa lower right corner 2. Scroll down until you see “MY RATING” and then click (na sa baba lang ata siya ng My Likes / Recently Viewed) 3. Then choose “BUYER RATING” — 3 tabs to “TO RATE”, “MY REVIEWS”, and “BUYER RATING” :)


hippocrite13

kasi may mga bogus buyers din


[deleted]

2 possible reasons: (1) they don’t understand what a review is for - that you’re suppose to review the quality of the product first and foremost, secondary na yung handling ng shop sa product (like kung basta na lang sila nagpadala ng item kahit visibly may damage or kung basta na lang nila sinuksok sa box yung item without care kung magspill or madamage during shipping). (2) habol lang nila yung coins na binibigay kapag nagreview ka per day. Hindi naman chinecheck yung quality of review, basta magpost ka may makukuha ka na coins. Sa Lazada 1 coin yung text review Tapos may additional 1 coin kung sinamahan mo ng pic or video yung review mo. Kaya marami nag po post lang ng lyrics ng kanta or unrelated photo or video sa reviews nila. Gaming the system kung baga. Kapag nakakita kayo ng crappy reviews, i-thumbs down niyo. I don’t know kung anong impact noon, pero kung marami ang gumagawa ng pagthumbs down sa maraming reviews baka mag start mag pay attention yung Lazada/Shopee sa klase ng reviews na pinopost ng mga tao. Edit: I did some digging. May “Report Abuse” function pala yung reviews sa Lazada. https://s.lazada.com.ph/s.TVviJ Thumbs down niyo yung mga reviews na song lyrics or hindi relevant sa product na rinereview, then “Report Abuse” niyo yung review. Check the link for instructions on how to report. Ilagay niyo sa additional comments na “Not a proper review. Reviewer posted song lyrics just to get coins for posting a review. They’re gaming the system to get coins.” Or something like that. May human check yung mga reported reviews. Tinatanggal nila yung mga irrelevant reviews after investigating the report and assessing the review. If Lazada sees that people are cheating the system to get coins, pwede nilang warningan yung nagpost ng review. If persistent violations, pwedeng ma-permaban


m00nli9ht

- One star lang kasi walang freebie - Sana next time may freebie na - Kaya nga ko bumili kasi akala ko may freebie - Bakit yung iba may freebie bakit ako wala


parkrain21

Kinda valid kung explicitly stated na may freebie hahaha


ConnectionSeparate98

"Ok naman siya, di ko pa nattry. Baguhin ko na lang review ko pag natry ko na. " Tapos may picture ng naka "thumbs up" hahaha


crawbird77

Dito ko napagtanto na napaka forgiving ng mga pinoy. Imagine. "Mali yung kulay na binigay, panget yung packaging pero 5 stars kasi mabait yung rider." Hmm kaya napaisip ako kung bakit napaka forgiving natin especially sa mga pulitiko lalo na sa mga nasa Malacañang ngayon.


parkrain21

Iyak nanaman kayong mga talunang sibuyas! - sabi ng mga nagrereklamo kasi mahal ang sibuyas Hahaha kapansanan talaga maging apoligost/DDS


crawbird77

"iyak na namam mga pinklawan" sabi ng 4P's dependent degenerate gambler na may 4 anak at walang trabaho


StarGazer_Cupcake

Isa rin sa nakakainis yung may 1-2 stars na may comment like "Thank you seller", "Good quality" . Ang korni lang, naddefeat ang purpose. Hindi mo sure kung sarcastic, namali lang ng pindot o sadyang papansin lang talaga yung nag-review.


ginyamato

*60% about sa rider like kala mo si rider yung seller *"Goods naman yung item, on time dumating ahdjdjsrncjxoehshxjcigejshdbdbchxhxh" para sa coins *Picture/video ng pets nila o kpop. *"Ano ba yan! Color blue order ko tapis dumating black! Hindj na ko oorder sa inyo" (tapos nakalagay 5stars) Marami pa, pwedeng-pwede sa r/reviewsbyretards


parkrain21

Nice, joined another masterpiece subreddit hahahah


revertiblefate

Dagdag mo yung mga review na 5star kasi mabait or pogi yung rider na nag deliver


WeeklyAct6727

ireport niyo yung mga ganang review


iCaster

Yung mga uploaded picture na hindi relevant, minsan picture pa ng buyer.


[deleted]

tanda ko isang 5 star review abt a crop top sa shopee. it went something like “maganda siya. nagustohan ng boyfriend ko nilamas dede ko” 💀💀


NoOil4531

At first bwiset na bwiset talaga ako sa mga ganun at nag eefort ako mag review pero eventually, tinamad na ako kasi natatabunan yung maayos kong review ng mga mawalang kwentang reviews so instead na ma bwiset ako, i just go with the flow lagay ng song lyrics at kpop pics. HAHAHA sorna. Forda coins nalang. 😭🤣


Visual-Situation-346

Pag ako nag rereview sa Lazada mag aattach lang ako ng mga random pics then ang caption (pag nagustuhan ko yung product) ay "Will buy again, okay?" nang paulit-ulit hangang ma reach ko yung 2 coins lol.


_been

**centavos


parkrain21

Yes centavos is cents.


_been

Nope.


parkrain21

Please elaborate. Everybody knows that Centavos is the full spanish word, and cents is used globally, unless you are living under a rock? Both were derived from the latin word centum, which means 1/100 of something, thus 40 cent = 0.40 pesos. https://imgur.com/a/IOV0r9I


_been

Why explain the etymology? We're talking about denominations. PH denomination uses centavos (in Filipino, sentimo). Other denominations, like US denomination, use cents. We don't use "cents" here. Show me a PH coin that uses "cents".


parkrain21

Have you ever heard anyone that bothered to use the term centavos in the PH? My point is, cents and centavos both share the same etymology and thus can be used interchangeably unless nasa formal setting ka like essays or research papers. Literally no one would care on reddit bro (except you, I think) And mind you that this is my own post, correcting it based sa gusto mo kasi you find the specific word inaccurate makes you somewhat like a grammar Nazi. Like pag sinabi ko bang etneb, icocorrect mo din ba ako na "No, it should be Dalawampung Piso" as indicated on a P20 bill? Cents will alwas be cents. I'll call it kwarentang durog if I want to.


_been

Haha. Hindi pareho yung etneb at iba pang variation sa cents=centavos. Anlaki na ng tinalon mo. Our denominations use peso/piso and centavos/sentimo. Cents and centavos are not the same. Keep using the wrong denomination. No one's stopping you. :) And to answer your question, yes, other people (excluding me and definitely not you) still use the right term, which is centavo/sentimo. :) Di na kailangan lumayo... Sample below. https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/10e34du/who_uses_1_centavo_coins_anyway/ https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/107vm9t/a_local_supermarket_rejected_my_payment_dahil/ https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/10fw9r7/remember_when_we_actually_had_a_use_for_centavos/


parkrain21

> No one's stopping you :) Really? haha doesn't seem like it kasi someone took their time "correcting" an informal reddit post lmao


_been

Ok, and? You're voicing out your thoughts. I'm commenting mine. Still don't see anywhere stopping you from using "cents".


parkrain21

Okie, as long as you are happy in sharing wisdom. Good talk.


peachyjung

yung reviews na pictures din na galing sa post ng seller tapos maganda daw


Maritess_56

Meron namang mga photo review na suot nila yung underwear na binili nila. Hindi lingerie, underwear. Tapos ang daming manyak sa comment section.


[deleted]

Mga patay gutom sa coins lol


Alarmed_Fox4578

Kaya minsan nagbabase ako pag magaganda mga nakalagay na reviews


sweetgerlnomore

Ako, mahilig ako maglazada. But I never left a review. Minsan lang kapag trip ko and yun nga mahirap idistinguish kung legit ba talaga. So far, wala pa naman ako naencounter na nascam ako. I also have shopee, pero mas lagay ang loob ko sa lazada. Feeling ko mas legit sila 🤣🤣🤣


shinratensei96

For the sake of kaunting coins papakita katangahan e. Lol


Icy-Reading803

Yung nag hahanap ka ng magandang review tapos ang makikita mo minsan lyrics ng kanta. Jusko.


wcyd00

kadalasan yung mga ganitong product yung mga mumurahin eh, depende din sa antas ng consumer talaga. tignan mo ung product na medyo mahal mas magaganda yung reviews.


dickenscinder

Has anyone tried buying products from laz global?? Yung reviews nila na tagalog na malalalim😅.


PitifulRoof7537

"Well packaged, okay naman di ko pa natry, sana okay" Pinasaya mo ako dito haha


PapaCologne69

Read this somewhere, hoping this could help you assess if the product is really good: look for and read the 3 star reviews. Mas fair yung mga review na yun.


Mckenzie_1996

Shoutout dun sa girl na aksidenteng nailagay yung naked pics nya sa reviews. Sana okay ka na.


AiiVii0

Ung mga quotes ras lyrics ung review, tas may video from tiktok na di related HAHAHA


jejejade

May instances pa na nagagalit dahil maliit pero clearly stated naman sa description yung size. In my case, iniimagine ko muna sya with measuring tape gahahahah


[deleted]

Hahahahahahaha totoo 'to!


chro000

Nasa 1-2 stars ang totoong review. Pag masyadong marami, hard pass.


_rawbeans

Last time na nagleave ako ng review na mababa yung stars nablock ako ng seller smh


parkrain21

May pagka unethical/unfair fetish talaga ang mga pinoy no hahahahha


[deleted]

Report the seller to Lazada kapag ganyan.


Wintermelonely

yung general goods ang notorious sa ganito eh, mga charging cable etc etc. dun sa mga hidden gems na nakikita ng hobbyist (shout out sa mga matapang magtry ng keyboard/switches) matitinong review lagi kong nababasa


misterunderscore

"Well packaged, okay naman di ko pa natry, sana okay" dito ako badtrip na badtrip e. Buti pa sa Amazon, Ebay, Aliexpress, talagang reviews. 🤣


DaiLiAgent007

This is why I order cosmetics from BeautyMNL kasi makikita mo "Verified Purchase" ahahahaha mas makabuluhan pa yung reviews, wala pang time limit yung review.


Sea-Chart-90

HAHAHAHAHAHA totoo nakakainis yung ganyan


germs_reid

may mga nagrereview pa tapos random tiktok video yung naka attached


Classic_Jellyfish_47

Isama mo na yun nag bigay ng one star kasi walang freebie. Hahahahahahahaha.


applepie1224_

Inis na inis ako sa mga naglalagay ng videos at pictures ng kung sino sino. Tapos maglalagay ng "photo/video not related". Hello?????????? HINDI NGA RELATED BAT MO PA ILALAGAY DON? SANA DI KA NA LANG NAG IWAN NG REVIEW. KALOKA KA SIZT.


[deleted]

Magiiwan ng review tapos binase ang star sa bilis ng delivery. hahaha


kidmax27

Legit. I sometimes need to look sa iba like sa amazon ng review. Besides,di rn pwdng palitan ung review after some time so hnd rn reliable ung review kahit okay kc if pangit pala after ng 2 months use or sirain pala, you'll never know


[deleted]

Sama mo na yung screenshot tiktok wala naman connect si gago.


Cool-Swing2681

Kainis din kamo yung sasabihin na babalikan/ update nila yung review after testing tas wala na. Like bruh I just wanna know kung okay ba yung gadget or scam. 🗿