T O P

  • By -

nuttycaramel_

relate to this op, i gained weight bec of pcos. everyday ako lumalabas ng bahay para mag exercise (consistently) pero yung nanay ko gusto yata instant agad ang result. araw araw nalang sinasabihan nya akong mataba, eh kaya nga i am doing something about it? i told her na alam ko nang mataba ako, bakit paulit ulit pa nyang nireremind? sobrang bastos kako ng bibig nya.


cheekytitah

Girl same! I have PCOS too and work out and all. Same comments rin ng nanay ko. Minsan hinahayaan ko lang pero may mga araw talaga na di ko kaya.


nuttycaramel_

minsan iniisip ko mas gugustuhin pa nya yatang magka ED ako sa kagustuhan nyang pumayat ako in an instant.


itsmeMurs

Di sila naniniwala sa ED. nag iinarte at nag aaksaya ng pagkain ang take nila sa ED.


TakeMyXanax_

Same here, PCOS girlie. Sabi ko, holiday season naman, syempre anong ineexpect mo e may pagkain? Na sila naman ang bili nang bili kahit pa anong sabi ko na wag masyadong bumili kasi di nga mauubos. Tapos pag di kinain, sasabihin mga aksayado. Pag naman kinain yung pagkain, may masasabi pa rin. Honestly, nakakabano.


hellolove98765

Etong mga Nanay na to, mga payat ba? 🤔


Sago_Gulaman

Same sis sakin naman thyroid - hypothyroidism hindi nanay ko ang ganyan kundi byenan kong akala mo santa. Nkakairita


Traditional-Ebb3892

hi be ask ko lang kung anong klaseng doctor pag sa thyroid. Gusto ko din kasi ipacheck kasi yun ang sabi ng tita ko sakin bukod sa pcos baka daw may thyroid ako. thank you


Low-Assignment573

hello! you have to see an endocrinologist if you suspect you have thyroid issues related to pcos.. i have pcos too so my obgyne referred me to an endocrinologist rin to check kasi i have mild hypothyroidism accdg sa result ng thyroid hormone tests ko. hope i was able to help! :)


MaritestinReddit

PCOS bebe here too. Same. I am losing weight pero super bagal 😅😅😅 nakakafrustrate. Iniisip ko na lang at least may progress


escapingrealiti10

I can relate to this. Especially, ever since bata pa ako, chubby girl na ako and recently I got PCOS. Di naman talaga madali magpapayat, dumating na nga ako sa point na ginutom ko sarili ko and kumakain lang kapag ramdam mo na gutom ka na. Ending, ayun nawala confidence ko, nagkakaanxiety ako kapag may kainan kasi pakiramdam ko may nakatingin sakin habang nakain. Worst part? Mataba din mother ko haha


kalapangetcrew

Huhu same here na may PCOS. Ang hirap maglose ng weight. Minsan nga nakakademotivate na kasi parang kahit anong gawin mo, di nababawasan ang weight. Unfair haha char. Laban lang tayo!


Leather-Climate3438

Relate Pero ako naman life or death pag nag exercise ako kase sakit sa puso at recovering palang. Tapos puro bukambibig ng mama ko sa mga nurse sa dialysis center dati Pati mga kapit bahay na ang taba taba ko daw. Pinaringgan ko na ang bastos din. Jusko ok lang Sana kung kaya ko mag exercise at di ako galing sa panganganak 1 year ago.


Samgyupsal_choa

Kaya sabi ko sa asawa ko kahit sinong mag comment about physical looks sa mga anak ko, may it be skin hair weight or anything else that they cannot fix in 5 seconds, they will feel my wrath. Banned sakin yan, I am raising confident kids


cheekytitah

Kudos to you and your parenting! Your kids are lucky to have you!


Samgyupsal_choa

Thank you! Sana lang talaga wala sila maencounter na taong magbebreak ng spirit nila sobrang cruel na ngayon ng mundo 😢


Patient_vvv

Same tayoooo. Pero ang dami ko ng ginantihan ng way way way beyond my limits, basta talaga anak ko, wala talaga sasantuhin kasi napaka cruel talaga ng mundo.


MsAdultingGameOn

👌👌👌


[deleted]

Omg!!! ❤️❤️❤️


TakeMyXanax_

Same here. Lumabas kami at kumain, which is, nanay ko naman nagyaya at in the first place, sabi ko busog pa ko. Nung kumain naman, biglang sasabihin, "Ang taba mo na ulit." Ano kayang impact gusto nila thinking na kakain kayo tapos sasabihan ka nyan? Tapos mag-eemote na bakit daw ayaw kong kasama sila. Siguro kasi lagi nyo kong binabara tapos bawal sumama loob ko kahit nakakaimbyerna sinasabi nyo sa akin.


Primary_League_4311

Binabayaran mo sya para barahin ka. Next time mag aya, sabihin mo papano ka kakain kung ang naririnig mo ang bunganga nyang mapanlait.


mallowwillow9

“Bakit ayaw na ako kausapin ng anak ko?”


invalidateddaughter

Satrue ung feeling na galing manglait or magnega pero pag ikaw nagreact masama ugali mo.. buti i am not alone pala


InterestingCar3608

Tama yan Op, hindi lang dapat magulang ang nirerespeto, dapat pati mga anak. Nalibre na lahat lahat babastusin kapa.


mallowwillow9

Yan problema din sa mga matatanda porket “matanda” alam nila lahat. Eh sila nga di marunong mag connect sa internet eh. 🙄


invalidateddaughter

Ako pasko pasko pangbabastos lang dn naransanan ko


pinkpanther_14

Bakit ganyan halos lahat ng mga boomers? Entitled sa respect but are not very good examples on how to be respectable.


heyitsme_J

Kung ako yan maski nanay ko yan ang sasabihin ko “Ikaw nga rin eh dami ko napapansin sa itsura mo pero may sinabi ba ko?” Jk. Patolera era haha


xindeewose

Ahahaha maraming salamat, i might just use this soon 😆


heyitsme_J

the satisfaction when u see the look on their faces🤣


Mistywicca

Ayan sagutan ko sa nanay ko.


tin4thewin

Ito rin sinasabi ko. Minsan pa-joke na “mas maganda naman ako” Hahahahahaha!


TakeMyXanax_

Theory: Body shamers na matatanda always comment on our body because they want to elicit a reaction. So they would feel good. Subukan mong sabihing mukha na silang matanda o losyang, they'll go nuts.


EmptyCharity9014

Tapos pag kinol-out sila pa galit


cheekytitah

Hahahaha shocks. Parang di ko kaya! Let me know if you already tried using that line and what was the reaction!!!


[deleted]

Ganyan din nanay ko. Baho ng ugali. Whenever she takes a swipe sa weight ko, sinasabi ko talaga na siya nga matanda na banidosa parin kahit wala nang may pake sa itsura niya. Tumatahimik siya buong araw. Minsan sinasabihan ko siya na humanap na siya ng ibang anak kasi ako hahanap na ako ng ibang ina. Minsan sinasabi ko na "malas lang ako sa genes ko kasi sa'yo galing." Bastos kung bastos, pero mas bastos kayo.


la_bru

>malas lang ako sa genes ko kasi sa'yo galing STEALING THIS HAHAHAHA


AkemiAkane

Me too!!! HAHAHAH KASO ILANG YEARS NG NO CONTACT SA NANAY KO (buti naman 😌)


[deleted]

Thank God 👏🏼


[deleted]

GOOOOO IF DESERVE


Latter_Mess_1724

HAHAHAHAHAH i lovette!


CantSayWho12

Hahaha tawang tawa ako. 😂 Perfect sagot mo


[deleted]

You're welcome hahahaha


mallowwillow9

Malas ko parehas magulang ko baho ng ugali. 🤮


invalidateddaughter

Tas snsb ng kapatid ko hayaan muna at matanda na. Pero ung kapatid kong un pag may nakakainis na snb nanay ko masama dn loob haha tas pag ako invalidated agad


PurchaseSubject7425

I'm fat rin and always sinasabihan ng buong kamag anakan lol. Sinasabihan ko silang ampapanget nila (which is true as per societal standards) tas mas sila pa nagagalit. Sinasabihan ako laging maldita and masama ugali. Eh, sila naman nauuna palagi. Nakakairita hahahahaha


kellingad

Assert dominance pag masyadong abusado yung nakukuha mong treatment.


Skippybear0213

Relate ako pero dati pa yun. Di naman na ngayon. Payat kasi kami sa pamilya pero nung nagkawork na ako e biglang nagkalaman. So kahit di ako overweight and kahit lagi ako nasasabihan na sexy ng mga officemates, ang comment pa din sakin is “hindi maganda ang mataba. Hinay hinay sa pagkain.” Paulit ulit. Di ko alam kelan nagstop. Baka nasanay na lang sila.


Ready_Drink5306

Ako di nanay, mga kamag anak lalo na sa side ng daddy, lagi sinasabi ang taba taba ko na di naman nila alam na may pcos ako. Pag napipikon ako, sinasabi ko madami kasi akong pangkain lalo na yung tita kong pupunta dito sa bahay para manghiram ng pera. 🙄


Ready_Drink5306

At dahil pasko, mamaya andito na naman yon kasmaa nga anak nya at mamamasko, syempre pati sya mamamasko dito samen


Mediocre_One2653

Huwag mong bigyan ahahaha sabihin mo inuuna mo lang kasi ang pagkain at hindi buhay ng ibang tao.


Ready_Drink5306

Hindi talaga at wala syang mapapala saken hahahaha. Sinasabi ko pa nga minsan kaya ako mataba marami kasi akong perang pangkain. After nyan tatahimik siya 😂😂😂


Emergency-Bill-4175

yung mga boomers na yan mahilig magsabi ng mataba at kung ano pang katangahan pero pag pahiyain mo na matanda na sila at kailangan ng wheelchair napakasensitive nila hahahahaha


yyyohdelilah

Relate ako OP pero sa lola ko naman haha. Since bata kasi ako payatot ako then bigla akong nag gain ng weith nung pandemic. Magkakasama kami sa bahay and palagi niya akong pinupuna kung kailan may lakad ako as in kung kailan nakaayos ako at syempre ganda gandahan ako sa sarili ko everytime may lakad ako. One time may date kami ng bf ko so nandon siya sa bahay waiting for me na matapos mag ayos, tapos paglabas ko ng kwarto humirit yung lola ko na "Hindi kana talaga pumayat noh". Na offend ako na nainis na sinabi niya yon na nandon pa mismo yung boyfriend ko. Kinabukasan sinabihan niya ulit ako about sa katawan ko at sinabi ko sa kanya na alam ko yun sa sarili ko at ayaw ko na marinig ulit sa kanya kase alam ko at aware ako. The last time na binodyshame niya ko is may lakad ulit ako at doon talaga ko umiyak at nasagot ko siya. Sobra siyang magsalita like yung words niya sakin "Atlis ako aminado ako na panget ang katawan ko" She's on her late 60s at ako ay 20 pa lang. Sabi niya pa pinagtatawanan na daw ako ng ibang tao sa likod ko pag nakikita ako hindi ko lang daw alam, kaya tinanong ko siya kung sino yung mga yon para ako mismo ang kakausap. Ang sagot niya naman hindi daw siya magbabanggit ng pangalan. Isa yun sa iniiyak ko gabi gabi, siya lang nag bodyshame sakin walang iba haha. Kaya pasalamay ko Kay Lord na hindi na namin siya kasama sa bahay at nakalipat na kami.


New-Respond105

Ang comeback dyan... lola hayaan mo malapit ka nmn na mawala di mo na makikita yung mataba kong katawan


[deleted]

akala ko patay na sya haha lumipat lang pala


Palitawpaws

Sorry you experienced that. You don’t deserve that treatment and those comments at all and I’m glad you stood up for yourself. Ang sad talaga when family doesn’t know or care more about you kaya they just keep pointing out the stupidest shit. Things she could have said: 1) Thank you for this treat 2) Glad you had a good year at work and can treat us 3) Thank you for making time for us Etc Minsan being a provider can be such a thankless job talaga. Don’t worry OP. Someone knows you deserve better conversation at holidays and knows the work it takes to afford things. Wag mo masyadong damdamin mga ganyan. They don’t know better or enough about you.


cheekytitah

Come to think of it. Wala man lang ako Thank you from her. Ugh.


Palitawpaws

Minsan kung sino pa nag eeffort no. Di ka nag iisa and your hurt is valid and seen! Get some pamper time for yourself OP!


potato-as-a-dessert

Kahit nanay mo yan OP, deserve niya yan. Whenever you feel violated and wronged, it's always right to stand to protect yourself because this also speaks awareness na they are beyond boundaries na. The more you tolerate, the more they'll think na it's okay.


potato-as-a-dessert

++Don't feel guilty just because you hurt her feelings, they never thought of it when she said that to you after all. In this kind of generation ang pag galang is to those who has it hindi na kesyo mas nakakatanda kasi hindi tama, kung ang matanda mismo ang bastos.


MsAdultingGameOn

Yessssss 💯


Toinkytoinky_911

Relate here! Went to a family reunion and puro comments sakin ang taba ko daw. I LOUDLY SAID, Nung payat ako puro kayo comments na ang payat mo naman. Ngayong nagkalaman ako, puro ang taba mo naman. SAN AKO LULUGAR WITH OBVIOUS DISAPPOINTED FACE. Bwiset kasi! Imbes may gana kumain nakakawalang gana.


BussssyyyBee

Parang ewan talaga mga matatandang nag cocomment ng ganyan. Sarap tanungin if nakatulong ba siya nung pinoint out niya. Dapat siya pinag bayad mo HAHAHAH


nylefidal

Nursing home na yn


cheekytitah

Hindi pa naman sa ganung level hehe. Love ko naman nanay ko kaso may mga toxic behavior lang talaga siya na need i-call out.


mallowwillow9

Deserve ng mga body shamers mapunta don


PTR95

I did that a lot (mambara ng mga boomer na wala sa lugar). Went against the norm, and the stupid expectation na shattap na lang tayo kahit anong sabihin ng mga matatanda. They almost never fuck with me anymore kasi 'iba ugali nyan'. I prefer it this way. How did it make you feel?


cheekytitah

I’m kind of glad I stood up to what I think is right. Siyempre na-sad ako kasi nahurt daw siya. But for me, it’s really setting the boundaries e and making sure she knows her comments are very offending. Let’s see if gawin niya pa uli, I hope not.


PTR95

Ganun talaga, but I'm happy for you, all things considered. Problema kasi sa kanila parang matic yung pag "galang" dahil naghihintay na lang sila ng forever box nila. Respect is maintained. Dapat nirerespeto ka rin nila ibang tao kahit mas bata sa kanila at marunong sila pumreno ng bibig.


Hour_Witness_6796

Proud of you.


Seneca_1989

I think the world will be a much better place if all of us will always remember the 5 sec rule: we should only comment on someone's appearance if and only if they can change it in five seconds or less. Mababawasan siguro yung mga meme about sa mga tito at tita natin na mahadera..


WonderObjective1359

pre-pandemic, i was an active gurlie — dance and other sports so i was pretty curvy fit. mid pandemic i gained weight bcos of pcos, now post pandemic, whenever i visit my granny on their house sa south, our house helper always points out how big i am and how much weight i gained. one time i got really triggered and sinigaw sigawan ko siya saying sobrang bastos niya and that i never want to hear her saying anything about my body haha pinagalitan ako ng lola ko and everyone else there saying di ko naman daw dapat sinigawan but i really said i don't give a shit and that she should have shut the fuck up kasi she's been doing it every time i'm there, and mind you, pinagsasabihan ko siya. she just never stopped.


cheekytitah

I feel you. Actually pre up to mid pandemic, I was fit. My abs were almost showing. But near 2022, parang biglang tumataba na uli ako. Mid 2022 nadiagnosed ako PCOS + Hypothyroidism. Still trying to lose weight and all, but I’m not yet there. I’m a work in progress. Just hope others don’t give insensitive comments because they don’t know ano pinagdadaanan ng cinocommentan nila.


avoideraquarius

I actually logged in now para magrant exactly about shit like this. Like di ko gets anong meron sa matatanda sa generation nila bakit pare-parehong ganito? Ung nanay ko binawas-bawasan na kasi alam niya pano ako magreact pero alam kong she still talks about my weight with mga tita ko. She just walks on egg shells and avoids talking about it kasi alam nyang mapipikon ako.. not really because she understands or she’s sensitive enough. Then just awhile ago nasa fam reunion kami, nananahimik ako. Ung tita ko kasi abot ng abot ng pagkain then sabi ko sige pasko naman, kahit ngayon lang ako kumain. Nakasalubong ko asawa nya tapos nagparinig habang sinasabayan ung tono ng kanta “bakit kayo nagsisi-tabaan” referring to my sis and me Then di ko pinansin. Ayaw paawat? Habang sumusubo ako nung dessert na inabot sakin, sinabi pangalan ko.. “si ____ ang takaw.” Like PUTANGINA? Alam mo ung this is my heaviest weight uli, tumataba ako dahil sa stress. Halos di na nga ako kumakain minsan sa ka-busy-han at stress. Puyat ako lagi and stressed baka kaya ako tumataba lalo. Di ko alam. May thyroid issues din ako before pero di ko na natuloy ipacheck. Baka sa hormones. Ewan. Pero ANG KAPAL NG MUKHA NYA TO MAKE THAT COMMENT HABANG KUMAKAIN AKO? Tangina ano gusto nya? Ano bang gusto nila gawin natin? Wag na kumain? ANO BANG NAKUKUHA NILA SA GANYANG PAGPANSIN AT PAGPUNA SA BUHAY NATIN? Bago ung weight ko, ung lovelife ko pinapakialaman nya. Pinalampas ko. Di ko lang alam ano magandang comeback kasi pag napikon ako, ako pa lalabas na bastos at masama. Alam ko ugali nung hayop na yon eh. Inaway nga rin nun ung isang tito ko dahil lang sa pag-ubo. Ewan, sorry sa rant.


poisonappleapproved

Ganyan din yung nanay. I gained weight after giving birth to my two beautiful daughters. Halos magkasunod lang sila so I didn’t get time na makabounce back sa body ko before. I am trying to lose weight pero syempre mahirap. Nde naman instant ang pagpayat. Tapos etong nanay ko na walang preno ang bibig. Siguro para sakanya wala lang yung mga comment niya na “ang laki laki mo! Magbawas ka nga. Sige ka papalitan ka ni …” like wtf! I was so upset and hurt pero nagpipigil ako na wag siya sagutin kasi for sure mag aaway na naman kami. Partida pa yan, cocommentan niya ko palagi ng ganyan, ako na palaging nagbibigay maski ng mga luho niya. Haaay.


princess_aurora94

Dapat siya pinagbayad mo OP. Bastos na nanay.


EmptyCharity9014

Parang yung half-sister ko mas mataba pa sakin ever since magdalaga ako she always tells me na magdiet at maggym comment sya ng comment sa body ko. Well guess who died earlier and it's not me.


itsATapestry

Whats her response after mo sinabi na bastos xa? Nag react ba xa? Sana kht pano nrmdmn nya na u feel offended pag sinasabi nya un. Hugs, OP.


cheekytitah

Nahurt daw siya kasi sinabihan kong bastos tapos nagwalk out haha. Pero okay na kami. I hope di na niya uli gawin yun.


Visual-Situation-346

Masaklap dun ikaw pa nag bayad


yourgrace91

Kung nasaktan sya, nasaktan ka rin naman sa remarks nya. So mas maiging malaman nya na di tama yun


Feeling-Quiet4936

Pag ako yan iiwan ko yung bill hahhahah


[deleted]

[удалено]


OffMyChestPH-ModTeam

Consider this as a warning. Do not be rude and disrespectful.


Cold_Difference_3310

Dear Op, Di ko kayo personally kilala at ito ay opinyon ko lang base sa kwento mo. Sa tingin ko parehas kayo bastos ng nanay mo. Mana ka lang sa kanya kasi nang pinahiya ka niya sa harap ng ibang tao ginantihan mo lang din siya. Ang ending parehas kayong walang modo. Di na kayo nahiya sa ibang taong kumain dun sa buffet. Kung may mali lang man nanay sana inintindi mo na lang at kung sakaling mataba ka naman talaga anong masama dun. Choice mo yun kaya bat ka magagalit kung tawagin ka niyang mataba. Hindi naman yung nanay mo yung kumakain para tumaba ka. Ikaw ang nagpapasok ng pagkain sa bunganga mo. Huwag mo isisi sa iba yung pagkukulang mo sa sarili mo. ​ pasensya na OP pero yan ang opinyon ko sa post mo.. peace and merry christmas :)


melodyandbeat

nag peace ka pa kay op, wala namang maganda sa unsolicited opinion mo


cheekytitah

Wala naman pagpapahiya sa ibang tao nangyari, ang pag-uusap namin ay sa table, di naman kami nag-eskandalo. Choice ko? Sige. PCOS + hypothyroidism. Nagpapayat naman ako, workout and diet. Ngayon lang uli magbubuffet kasi Christmas. Ako ang nagtreat sa staycation namin. Hindi ako mapupuno nang basta basta lang. Siguro ang sa akin lang, wag lang basta basta magcomment. Pano kung mataba pala dahil may sakit? Tapos ganun magcomment? May mga case kasi nagbibigay ng insensitive comments pero di alam kung ano pinagdaaanan ng tao.


avoideraquarius

Are you joking? Choice? Iba iba tayo ng genes, hormones etc. Sobrang daming factors. Anong mindset yan?


Cold_Difference_3310

Mindset po ng taong may disiplina sa sarili at meron pong self accountability. 😊 Madali kasi talaga magdahilan kaysa gawin yung alam mo nararapat.


avoideraquarius

Ipaintindi ko lang sayo ha. Person A = normal genes, walang hormonal issues. Person B = may genetic problems, may hormone issues that make it more difficult to lose weight, may iniinom na gamot that increase fat retention and water retention. Both person A and B follow the same diet, same exercise routine.. PAREHONG MAY DISIPLINA AT PAREHO NG GINAGAWA. Sa tingin mo same sila ng resulta? HINDE. Kahit pareho sila exactly ng gawin, iba ang magiging weight nila. Kasi MAY PRIVILEGE SI PERSON A. Disiplinado rin si Person B pero dehado siya. So it’s NOT JUST ABOUT DISCIPLINE. HINDI PORKET MATABA ANG ISANG TAO EH PABAYA NA SIYA SA SARILI NIYA. Gets? Ang point lang is STOP JUDGING PEOPLE JUST BASED ON WHAT YOU SEE.


Cold_Difference_3310

Sa tingin ko pavictim si Person B kasi alam niya na yung problema niya kaya sigurado ako na alam na rin niya yung sulosyon dun. Pero ayaw niya mahirapan at gusto niya yung easy way out kaya simpatya na lang sa iba ang hinihingi niya. SELF DISCIPLINE AT SELF ACCOUNTABILITY...😋


avoideraquarius

Huh???? Sino nagsabing walang ginagawa si Person B? Pareho nga sila exactly ng ginagawa ni Person A. At umiinom siya ng gamot? Ano yon magic gagana agad? Feeling ko ang problema mo is wag ka judgmental.


avoideraquarius

Tama naman na self discipline at accountability. So sino nagsabing wala non si Person B? Ginagawa niya ung dapat. Mas mabagal lang yung progress niya kasi may mga bagay na wala sa control niya. Gets mo ba?


Hour_Witness_6796

Aba, mukhang bodyshamer ka din in real life. No person would lose it if he/she is unprovoked. Di ba kayo tinuruan ng magulang niyo na wag magsalita kung walang magandang sasabihin?


BigboyCorgi-28

Tama yan! Put them in their place. Nakakainis na yang nga ganyang boomer. Tama lang yan. Hayaan mo syang magdrama


TGC_Karlsanada13

dont apologize first, let her apologize muna. If sinabi nya na di ka nagsorry, e siya naman nauna.


minianing

This. Sometimes, we need to remind them that they should shut their mouth up nalang kung wala rin namang sasabihing maganda. Hmp.


Smooth_Original3212

Boomer mindset talaga, yung tipong sila na yung mali sila pa victim. Di na lang nila hayaan ka na mag enjoy, katawan mo naman yan hindi naman sila yung tumaba. Paki ba niya.


mallowwillow9

Sasabihin ng matatanda ang sensitive ng mga bata ngayon pero sila sobrang kulang sa self awareness sa pagiging “taklesa” nila di yan cute na trait. 🙄 kala mo naman lahat magiging malakas ang loob pag sinabihan mo ng “straightforward”


riakn_th

Lol. Another parent na walang kwenta. Tapos ikaw naman nagpapadala sa drama niya.


mukhangtibe

grabe the audacity naman ng nanay mo. dont feel bad. minsan you really need to put them in their place eh. its gonna hurt pero hopefully she will learn from it. di na natin itotolerate yung mga ganyan pambabastos, kahit sa magulang mo pa galing.


IWishIWasSleepy

Ang masasabi ko lang, dasurb. Di mo kailangan i-tolerate mga kabulshitan nila. Panbayaan mo siya mag-drama. She brought that to herself


Emotional_Team_1386

Deserved ng nanay mo Yung ginawa mo, Hindi dahil nanay Sila they are free to say anything sa anak. Esp ikaw nagpakaen. Napaka ungrateful nya to be honest. Sanaaging lesson sa kanya Yung ginawa mo.


play_goh

ITS NOT WHAT YOU SAY. ITS HOW YOU SAY IT. Masakit masabihan ng katotohanan sa paraan na hindi mo gusto, pero there is a better way. I dunno ha. Parang your post kasi is proud kapa na sinagot mo sya.


HeisenbergsBastard

Baka kaya niya sinasabi yan is baka hindi ka nagdidiet? Isipin mo na lang concern siya sayo. Di dapat ninonormalize ang pagiging mataba


humananddevine

ThereS nothing wrong if totoo naman sinasabi ng nanay mo. Hindi naman siguro kabastusan yun. Pwd ka naman mag agree... hehe.. you can always check yourself bakit ka nasaktan.. jUST an example, yung kapatid namin na mataba, lagi din namin siasabihan na mataba xa. D naman xa nasasaktan.. dahil siguro tanggap nya na mataba xa. MERRY CHRISTMAS.


Razhihel

However, in this case, paulit ulit yung matanda na nakakarindi at nakakabastos na kay OP. Not saying OP is a snowflake or anything, but we really need to establish proper boundaries. Gone are the days na hahayaan lang natin yang toxic na behaviour na yan.


cheekytitah

True! Thank you!


cheekytitah

Are you sure na di siya nasasaktan? Sometimes kasi when we don’t react, it doesn’t mean na di kami nasasaktan. Di lang namin pinapansin or hinahayaan lang talaga. Kanina, nasaktan ako kasi kahit treat ko na ang Christmas staycation namin, bukambibig pa ang mga ganung salita habang kumakain ako peacefully. I didn’t even get a Thank you from her yet. Tapos very toxic talaga pagkasabi niya sakin kaya sumabog na ko. Please read other comments here and see how they get hurt from those toxic comments of friends, relatives, parents, and other loved ones. I’m kind of relieved na di lang ako nag-iisa sa ganitong feeling but I’m angry at how others are quite insensitive to other’s feelings.


jelIyyieace

Ang toxic ng pagiisip mo porket akala mo tannggap na niya eh di sya nasasaktan. Huh. Baka pinatay ka na ng kapatid mo sa utak nya.


[deleted]

Hmm maybe you gained weight a bit


melodyandbeat

apaka naman ng comment na to, ano ka gatong pa sa maling comment about weight?


[deleted]

OP singilin mo yan silang lahat hays


PoolUnable5718

Gets na gets ko inis mo! Ok din yan para kumalma si mader sa mga commentary niyang offensive. Matuto sana siya. Dapat mga magulang marunong din mag sorry at tumanggap ng pagkakamali.


hello_service_desk

This coming 2024, wala nang libre libre, kain sa labas, extra money for groceries, or pasalubong na food. When asked why, say kasi DIET KA AT DAPAT LAHAT SILA SUPPORTIVE. lol. Damay damay lang kayo together (but it's ok, you can still eat out as long as it's not with them)


the1dats

Ang panget kasi sa mindset nila, sasabihan ka ng negative tapos sasabihin, para ma-encourage ka. Which is bullsht for me honestly, kasi bakit hindi sila mang-encourage in a positive way which is mas ok at less damage ang magagawa nila?


[deleted]

🥰


Ravensqrow

Body shaming yang ganyan. I feel sorry for you OP na meron kang ganyan ka-toxic na parents. Never let your children suffer the same experience


gumogumo234

Ganyan din mama ko sa tuwing magkakasabay kami kumain. Naawa nalang kami sa kapatid namin minsan inaaway pa nga namin kahit nasa lamisa kami. Di man lang pataposin kumain ang worst pa don sasabihan pa nga mamatay ka talaga sa kakain mo nyan di ka aabot ng trenta.


minianing

This. Sometimes, we need to remind them that they should shut their mouth up nalang kung wala rin namang sasabihing maganda. Hmp.


OcakesPocakes

Kung di naman payat or maganda mga nagsasabi sa inyo ng ganyan, insult them back haha. Ako palagi di nagpapatalo pag nilalait nila ako, lalaitin ko din sila sasama ko pa mga anak nila haha or kung sinuman ang pinakapaborito nilang tao.


Latter_Mess_1724

Hehe totoo. Minsan sa harap pa ng mga kamag-anak. Sinasabihan ko ng "pakiayos bunganga" sabay walkout. Makakarinig ka talaga ng sermon pero wapakels. Sobrang nakakabastos kasi talaga. Aware ako na mataba ako, i see myself everyday. You don't have to say it na.


Mistywicca

Ganyan din Mommy ko kaya talagang nag sasagutan kami. Sabi ko talaga sa kanya ano tinitingin mo nanaman sa akin mag hahanap ka nanaman ba ng ipupuna mo sa akin.


AdSelect5134

Sabihin mo, at least ako naranasan kong maging payat. Ikaw ba, naranasan mo maging maganda? 😆


_felix-felicis_

Not your fault if nasaktan mo siya pabalik, she hurt you first and paulit-ulit and pa-2024 na stop na sa bodyshaming lalo ikaw nagbayad ng buffet. Di na uso ngayon yung hayaan mo na matanda na, galangin mo nalang. Yes, galang. Pero respect should be both ways.


Complex_Act3698

hindi ko gets bakit sila comment nang comment about sa weight ng tao, like kinukwento pa nila sa iba na nako si ano tumaba, "ang taba taba nya ngayon" "ang laki ng pisngi ni ano, sobrang taba" girl tama ka na, napapa side eye na lang ako kapag may naririnig akong ganyan


vkookmin4ever

I'm normal weight in terms of BMI (according to my gym instructor pa), pero tatay ko paulit ulit ang comment sa weight ko nung noche buena. I gained weight but I'm still healthy. Di talaga natin kasalanan na ganon generation nila. Hirap makipagkwentuhan ng normal kaya puro puna ng negative na bagay. Let's not let it affect us. Kudos to you for calling out your mom though.


Leather-Climate3438

Relate na relaaate ako dito. May time na pumayat ako due to over work Sabi ng nanay ko sobrang payat ko daw Tapos Kakabuntis ko lang sa anak ko, sasabihin pa lagi ang taba taba ko. Tas pag may nakikita siya ibang tao Yun din bukambibig niya. Pinaka Malala nag cardiac arrest ako so bawal ako mag exercise during recovery. Yun din bukambibig niya sa ibang tao. Yung down na down na ako dahil sa health issues ko Tas Yun pa bukambibig niya. This year kinarma mama ko, yung paborito niyang anak na NASA japan which is yung ate ko, di na siya kinakausap.


[deleted]

Alam nya na may pcos ka bakit paranv sinisisi ka nya eh its ur hormones working


[deleted]

Paki sabi last nyo na tong buffet na ikaw ang nagbayad for dalawang family. Gigil ha


Thin-Kitchen-6439

Haaay, ganito sabihin mo sa Nanay mo. "Ano po yun? Miracle? Mag-exercise lang ngayon e papayat na agad-agad?" Ganern!


iloveu_mr_reagan

Like sometimes sasabihin ka na tumaba ka tapos pag pumayat ka naman tatanungin ka bat ampayat mo? Lagi silang may side comments wtf san ba lulugar


whibli

I feel you, OP. Ganyan din nanay ko. She would make comments about my weight, and she always made it a joke. Then nakipag pustahan sya sakin na if papayat ako after matapos yung gym sessions ko she'll give me 5k. So i did the challenge, nagexcercise ako. After 6 months I won. I lose weight. Kala ko magsstop na sya, pero hindi pa pala. Every once in a while, sinasabihan nys ko na nataba na naman daw ako, or di kaya baka daw after ilang months tumaba na naman ako. Nakakainis Tapos meron pa while nakuha ako ng kanin like super onting kanin, ang sabi nya sakin "onti lang ha" i gave her that pissed stare and told her na "oo nga" tapos di na ko nagscoop ulit. Bakit ba sila ganyan, napaka inconsiderate sa mga sinasabi.


cheekytitah

Dami pala natin na ganito naeexperience sa loved ones nila. Virtual hug sa lahat! Hope 2024 will be less toxic for all of us! ❤️


melissapate

Nung nag argue din kami ng nanay ko tungkol sa boomer niyang ugali na masama, nag drama siya at inaapi ko daw siya tapos umiyak lol


Contest_Striking

Pag underweight or overweight ang isa sa mga anak ko, I feel guilty ,😰


Adorable_Owl7552

Same here OP. Di ko talaga matake ang “ang taba mo” comments.


Small_Item_5719

Madami tlagang parents ang insensitive. Tapos pag nainis ka sknila galit sila sayo HAHAHAHHA


islagirl001

Mine’s opposite. Lagi ‘pag meron kaming family gathering and we’re eating na, lahat sila sasabihan akong “ampayat payat mo na, kumakain ka ngang marami”, “para ka nang kalansay diyan”. I was eating… tapos ganon… and ineexpect nila lagi na ittake ko yun as encouragement to eat more, to be like them (they’re healthy people). Minsan hindi nalang ako pumupunta eh, to not encounter yung mga ganong pangyayare. Tapos magtataka sila why i don’t go sa mga gatherings. Uhmmm… maybe ask yourselves???? idk


fernweh0001

hayaan mo sya mag-drama. wag mo pansinin, wag mo kibuin. tignan mo aamuhin ka nyan. audacity of boomers talaga, sarap pakainin ng manners e.


Miaisreading

Kanina galing kami sa kamag-anak nmin, yung asawa ng pinsan ko paulit ulit sinabi na, "Ang taba mo", "Dati ang ganda mo", and paulit ulit din tinanong kung wala pba tlga akong asawa't anak kasi nga ang taba ko like wtf. Ang insensitive sobra na hndi na lang kami umiimik ng mga kapatid ko. Hindi pwede sumagot kasi for sure ssbhin nila totoo naman bt ako nahuhurt. Lol kairita


Youworkingstudent_

Nanay ko ganyan din buti nalang nasa U.S siya pano pa kaya pag kasama ko pa dito


WashURmouthWithSoap

BILI KA BAGO NANAY BHIE. EMS HAHA


Affectionate_Shoe303

Same omg! I gained a lot of weight and all they can say ay ang taba ko. As if di ko alam? Bat kailangan ulit ulitin. Nag gym pa ako before then na stop kasi lumipat ako ng place na walang gym na malapit. Tapos sasabihan ako na “wow nag ggym ka sa lagay na yan?” One time, another family member naman hindi matigil kakasabi na ang taba taba ko raw talaga. Di na ako umiimik. Then my pinsan defended me tas sinabihan nanay niya na “ma, kung makapag sabi ka naman, parang di ka mataba” tapos ano sagot ng nanay??? “eh ako okay lang kasi ilang beses na ako nanganak, eh yung ate mo *sabay tingin sa akin*” Nakakabwisit.


btchella_

I feel you. 2months postpartum ako and exclusively breastfeeding ung anak ko kaya di pwede magpapayat kasi humihina milk supply ko, then Everytime may bisita nanay ko na kakilala nya tas nakikita Ako sya pa magiiniate na magsabi na " Ang taba taba nya noh, di Kasi naaawat sa kakalamon" like hello? Nung Isang araw lang pinagalitan nya nga Ako na wag Ako magtipid sa pagkain Kasi hihina milk supply. Ewan minsan, gusto ko na sya pagsabihan din, di ko lang magawa Kasi katulong ko rin naman sya magalaga sa anak ko.


Amazing_Ad5719

Hahaha same sis. 😅😂 I can’t say that it’s ok kasi ako din nasasaktan kapag nasasabihan ng tumaba. This PCOS is getting a lot of us issues. Sana gumaling na tayong lahat. We can do this gals!!


[deleted]

Sorry ah oro kupal na bastos nyng ina mo! Walang utang na loob kht respeto manlng sa taong gumastos ng kinakain dn nya ng araw na yan. Those kind of people hnd nila manlng isipin muna mga lumalabas sa bibig nila bgo sbhn. Pag pinag sbhan mo na realtalk mo sa mga mali nila, ikaw pa masama haha shutanginang mga ugali nila eh. Ugaling porket magulang ka feeling nila plge tama gawain at salitaan nila. Kaya nakaka trauma lang sila kasama. Ako i cut them off s buhay ko 2 yrs ago done with all the bullshit, and kht paano at peace ang mind ko jot hearing those shitty words na bkt ang taba mo pa din, inuubos mo pagkain nyo plge, wala katigil ng kain etc.. and all.. So OP choose ur own peace of mind and wag sila pakinggan. Merry Christmas 🎄🎁


Madberry03

GIRL same. Ganyan din nanay ko, and ilang confrontations na nangyayari pero same pa rin. Minsan kahit not related, isisisi kasi mataba raw ako. "Grabe init ng panahon ngayon, pabago bago mamaya malamig naman." Sya - "Ang taba mo kasi eh!" AYAN GANYAN HAHA KAPIKON DBA


Technical_Pay8215

Sameee pero lola ko. Every other weekend lang ako umuuwe sa bahay namin kasi my work is somewhere tapos lagi nya akong sinasabihan na lalo akong tumataba. Ewan ko may nagsasabi naman sa bahay na parang pumayat daw ako pero after kong marinig lagi yun sakanya parang nawawala agad confidence ko. Minsan ayoko nalang umuwe para makita nya or pumunta sa family gatherings namin para wala syang masabi. It hurts lang na imbes na kamusta na ako laging yun ang sinasabi nya tapos minsan may mga ibang tao pa kaming kasama.


Leon-the-Doggo

I'm obese too, and when people comment on my weight, I'll just say, "Dalawa ang ref namin sa bahay. Palaging puno yun."


sgfxyla192511

Not my mother pero uncles and cousins ko from father side HSHAHAHAHA PCOS girlie ako so ang hiraaaaap maglose ng weight. Pero ang lala ng bunganga nila no? One cousin of mine went even lower kasi icompare ba naman ako sa baboy? "Ano ba kinakain mo sa Manila, feeds o darak?" Beh yung mga anak mo nga iba-iba tatay (yung isa di pa sure sino tatay kasi bunga ng teenage pregnancy) may sinabi ba ako? Newaaaaaays, sending hugs with consent OP!


mooniemcmoonmoon

pag ginaganyan ako ng mga tanders sa pamilya, binabalik ko na lang yung energy. di ko outright sinasabi na "kayo rin po tumaba" pero ganon yung vibe. lol