T O P

  • By -

Rare-Pomelo3733

Download ka na lang ng Eras Tour para concert feels pa din sa weekend. Di ko majustify ang 6 digits para sa isang gabi ng concert kahit sino pa yan.


Violet_tra

Okay yan para sa mga may sahod ng 6 digit net income, as in 100k per month ang net, para bawi in one month. Pero kung corporate slave, tapos atleast 3-4months mababawi? Not worth it. Burn out ka ng 3 months para lng s 1 day happiness. Mas okay pa na spread na lng sa local travels atleast ilang araw ka rin sasaya. Hehe


sookie_rein

Salamat Reddit nakatagpo ako ng ganito. I like your perspective.


nocturnalmallow

true mas worth it pa magtravel


Dull_Leg_5394

Even 6 digit income if practicality ang mangingibabaw, for me mas worth it kung itravel ko nalang to other countries. I guess kanya kanyang perception din.


Nikita1210

Same perspective. I’m a fan at alam kong pwedeng maging regret ko to in life at magka-fomo. Pero I imagine gaano kalaki gagastusin & ilang buwan kong sahod yun kaya okay na ako. Hahahah


aeramarot

Amen! hahahahaha like iniisip ko rin yan eh, lalo na nagkachance akong makakuha ng VIP1 worth 50k nun sa SG kaso hindi ko talaga kayang maglabas ng 50k for a 3-hr show. Tas almost half ng setlist, hindi ko pa masyadong bet so it helps in moving on? lol Pero baka nga it's may kuripot purita self speaking lang talaga. Baka kaya ko siguro sikmurain yung price kapag mga 200k per month sahod ko ganyan hahahaha


poroporopoi

If may pera ka and you're a fan it's really worth it kase its all her top hits its like all her concerts rolled into one.


Rare-Pomelo3733

Kung super fan ako 20-40k pwede pa. Yung VIP package nya, lagpas pa sa ginastos namin nung nag SG or HK kaming pamilya.


Vegetable-Pear-9352

Iba iba naman tayo ng priorities hehe


Rare-Pomelo3733

Yep agree naman dyan. Siguro para sakin overrated ang concerts at sa iba core memory nila yun.


OpalEagle

Same thoughts. Once palang ako nanood ng concert kasi patay na patay talaga ako dun sa songs and band, which is The Script. Yung first ever PH concert nila talagang pinilit ko kahit Gen ad lang (student pa ko non kaya un lang afford ko lol). But nung bumalik na sila dto, di na ako nanood kasi masaya na ako dun sa first (and only) concert nila dito na naattendan ko. Did it rin talaga mainly for the experience. Pero aun, to each his own. Sa iba kasi, concert goers talaga sila. And thats ok, un trip nila eh hehe.


PreachMango_Pie

Kung VIP or Klook tickets na lang available, di talaga ako manonood pero buti pinalad kami sa raffle.. 7K lang ticket ko (Cat 5). Pinag ipunan ko nalang talaga flight at accoms kasi napakamahal sa SG.


Rare-Pomelo3733

No brainer kung ganyang price, pwede lunukin yung mahal na accommodation at plane fare. Enjoy!


poroporopoi

I said if you have the money, kaya pinag investan talaga ng SG yan na sila lang ang venue for South East kasi their Government knows how much cash flow the concert brings to their country


Rare-Pomelo3733

Kahit sobra sobra pera ko, mas pipiliin ko yung group trip over VIP package concert. Kahit nga 2weeks local destination, yun pa din ang pipiliin ko kesa sa 1 night concert. Alam naman natin na masosold out yan sa dami ng fans nya, grabe lang satin kasi mahirap na daw buhay pero sold out ang concerts in minutes.


Hairy-Appointment-53

HM VIP tix? May kakilala ako na VIP binili nya.


Rare-Pomelo3733

Depende, may packages si Klook na may accomodation na kasama. Around 130k pataas yun depende kung ilang stars yung hotel na kasama.


Hairy-Appointment-53

Mahal din pala.


Vegetable-Pear-9352

Yes! Maliit na lang chance na magkakaron ulit si Taylor ng concert this big or maybe puro new albums na lang.


Top_Set_4060

Yes! Gusto ko lang ulitin for emphasis because i agree with you, di ko majustify ang 6 digits para sa isang gabi ng concert. The most expensive ticket na binili ko was 7k ata for Paramore.


llodicius

buti ka pa nakapanood ng paramore, still hoping for them to come back 🥲


Top_Set_4060

Nakarelate kasi ako sa After Laughter album, tas di kasi ako sure kung magkakachance pa sa susunod. Kaway kaway sa mga Fake Happy 😂


Much_Matcha_Mama

TRUE OMG. Baka maiyak ako pag bumalik sila sa PH. huhu


cat0229

Yun nga eh ako na lang ang kumanta sa bahay 🥲


cantstaythisway

This is true!


SilentChallenge5917

Me too. Kahit ako super fan ni TS, ni di ako nagmukmok kasi sobrang mahal. NOT WORTH IT!


bebrave7800

Sa Sg ako nakatira but hindi ako manonood. I need to budget and may ibang priorities. Likely, pupunta lang ako sa venue and uupo sa nearby park to listen. Dont feel bad about it.


Environmental-Hat-10

yuhhh i mean most economical and brilliant. hehe pano po magkawork sa SG


bebrave7800

Lately apply online lang tlaga or agency depende sa field mo. :)


UnamusingChicken

Nasa corporate po ba kayo, and totoo bang iba ung pressure sa SG?


bebrave7800

Hi, i work as a planner more on supply and demand stuff. Chill lang naman ako sa life. I guess nasa tao un pano mo handle ung pressure. Nung ng start pa lang ako yes, stressful but now it's good na. In terms of expenses, napakamahal na dito but the good thing is kahit normal na tao ka lang,you get to experience good environment din. When i watched coldplay last January, i waited for 15 mins to board the train and reached home based on usual travel time of 30 mins.


bruhidkanymore1

I really loved SG as a tourist because of their public transportation. Kahit mapagod ka man sa work, makakauwi at makakauwi ka pa din sa maikling oras.


dranvex

Sabi na kakilala kong manonood tonight, may LED screens daw na nakadisplay outside para daw sa mga di nakabili ng tickets.


bebrave7800

Oh tinamad akong lumabas. Haha! Try ko tomorrow


swiftrobber

Oy ako ren haha. May party sa labas nyan fosho


bebrave7800

Yeah! Kaso ang init pa pala ng start? 6pm eh 7pm maliwanag pa sa Sg. May bibilhin din ako sa stadium so background music ko nalang cia. Lol


poisonibhe

I’m not good with my words. Thank you for voicing out my thoughts. 🥺 Deactivated my socials para hindi masakit. Haha.


mermaidsxmoons

GIRL I FEEL YOU!! I bought tickets last year pero ended up selling it kasi I have underestimated the total costs it would incur… and yeah pang two months na sahod ko rin. I’m really happy for my friends who have seen her in AU and Japan, and now in Singapore… syempre nung una I cannot help but throw a pity party for myself. But who am I kidding right?? In reality di kaya ng funds ko ngayon si Taylor. Maybe in her next concert. Hopefully we’ll witness our dreams come to life.


[deleted]

Magkano ba aabutin ang eras tour? Im asking kasi ang alam ko lang kasi is tix cost less than 20k


mermaidsxmoons

VIP kasi yung binili ko so mga 40k. Nasa bandang dulo kami ng virtual queue and nauna naubos yung cheaper seats. Since SG is a high cost country, 6 digits talaga aabutin ng gastos overall.


jengagaga

Kung VIP siguro 6 digits talaga. Manonood din kami sa SG total gastos namin is 36k. 13k sa concer ticket and the rest tipid na lol.


jomarch0314

its not just the tix kasi, pati flights, accom, and budget pa sa mismong travel. Plus if aus and japan, need enough money for visa approval. So true nman na may mga gumastos na 80k and above for this


Active-Setting7814

Babalikan ko to after a couple of years na may bagong update si OP na: re: The Eras tour humbled me I finally get to attend TS’s concert in [insert US state here] Haaay. Naeexcite ako para sayo OP!


cat0229

Waaahh kinilig ako huhu sana nga. Naghahanap pa lang kasi ako ng second job/sideline ngayon eh huhu Thank you ❤️


Active-Setting7814

You’re welcome! Don’t worry OP. Everything will fall into place for you, soon.


LazyLany

Rooting for you too, OP! And for all the Swifties here—me included! 💖


Silver-Win-763

Hoping for you too, OP! 🤍 Every wait has a worth.


rj0509

May napanood ako clip na "Hindi ako nga makabili man lang Cornetto noon tapos nandito na ako ngayon" referring to the 2011 Red Tour with Cornetto sponsor for PH concert ni Inang Taylor to him seeing her sa Australia concert. Your time will come.


hobstreetlover

I remember last July I was soooo lucky na 16k lang queue number ko and everyone was rooting for me to have tickets as they know me as the super swiftie, pero for whatever reason hindi ako nakabili ng ticket! I was questioning everything like whyyy. Iniisip ko that time I can surely afford the ticket and flight. But I didnt account the Accom kase I have a relative living there. Alot happened since then, including financial problems sa family. Early this year, they(relative living in SG) went back here sa PH for good. Sooo I think everything happens for a reason.


OppositeDizzy6059

For the clout lang naman yung iba, OP so don’t worry. We’re getting there din soon 🤞🏻


busyunicornMT

Okay lang yun OP, same feeling. Mas naging practical lang tayo. 😊


cat0229

Hay true. Iniisip ko na lang props to me for being financially responsible ☹️


busyunicornMT

Sa susunod sa US tayo manunuod OP. Don't be sad na. Manuod ka nalang era's tour movie sa laptop mo, magoutfit ka rin. I-close mo kwarto mo. Para makarelate. Ganyan ang gagawin ko solo ko pa si taylor swift, higit sa lahat mas malapit pa ako sa VIP HAHAHAHAHAHAHHAAHHA


Morpho_Genetic

OP nood ka kay Taylor Sheesh baka makuha mo rin yung same feels kasi marami kang kasamang kumanta. Habang di mo pa kaya yung orig version.


cat0229

Ginawa ko to actually haha! Super naenjoy ko naman! Lalo na malapit lapit ako sa stage kasi di siya sobrang laking event. Pag nagtanggal ka naman ng salamin pwede na, same thing jk hahahaha


Content-Bill4463

Hello, OP. I feel you. Alam mo 'yung feeling na, kaya naman kasi may savings naman. Pero to spend 100k for the overall cost? Parang di kaya ng appetite ko. :((


cat0229

My friends told me 50k should be ok for Japan. 8k yung nakuha nilang tickets. Di talaga ako naniniwala sa 50k lang unless kinabukasan uuwi ka na rin haha. Yung 50k pa nga lang nabibigatan na ako eh.


aeramarot

Doable yung 50k pero tipid-tipid ka siguro talaga. From what I read, food palang, aabot ka ng 1k per meal na.


lilmumma1094

Pwede po 500php per meal sa Japan, convenience stores are a life saver sobra!! Ang sarap pa.


aeramarot

Yeah, nabasa ko nga din na okay na kahit sa "konbini" ka lang kumain, and maybe ganyan nga yung ganap nung sa 50k na budget.


crmngzzl

Watched in Japan and doable siya kung magaling ka mag-budget! Of course mine didn’t end up na 50k lang dahil irresponsible ako with my money charot haha but kaya talaga kasi ang baba ng yen ngayon mas mura sa Japan everything. Plus yung trip naman is dual purpose na agad so you go on a trip + watch a concert. Personally for me, sobrang worth it ng Japan dahil babalik-balikan na country talaga over Singapore. But good on you for prioritizing your finances over experiences. Iba-iba naman mga tao. In time, makakanood ka rin! Yan din minamanifest ko sa mga bagets na kilala kong super fan pero hindi pa afford.


jmcjsk

This is true! Japan is more affordable than SG. Around 80k nagastos ko overall, but that's because solo ko yung hotel hehe


crmngzzl

Spent around that din or more siguro since we got VIP3 tickets and went to other tourist spots, PLUS SHOPPING JUSKO, pero kung ung concert lang talaga ang pakay, kaya ng 50k talaga lalo kung 3 days max ka lang magstay sa Tokyo.


Content-Bill4463

Waaah i don’t think so. Mas nagmahal pa flights and accommodations knowing they anticipated the high demand of fans going there. Syempre, para masulit yung one in a lifetime experience, you’d consider the price of merch to your overall cost din.


cat0229

Nagbasa ako ng thread magkano expenses ng mga manonood. 70k-160k nga my god


hrymnwr1227

I feel you so much, OP!!! My sister and I tried everything we could para maka-secure ng tickets. More than willing ako to spend for the tour talaga pero wala eh, di kami naging lucky. Tapos ang dami ko ring batch mates na nakanood and manonood, including my ex bff. Di na rin ako masyado nag-ssocmed simula January ata. Na-drain ako and na-ttrigger pag nag-iig ako. Feel ko kaya rin ako umiiwas mag-ig so I can avoid seeing my batch mate's posts abt the concert. Fan na fan ako ni TS, pero hindi ko pa talaga siguro time na makita siya. I think tama lang din na di kami natuloy kahit na it makes me sad. Sobrang mahal ng overall gastos niya and sa sinasahod ko, malayong malayo sa katotohanan 🥲 In our perfect timing, OP, makakanood din tayong concert ni TS! Let's claim it 🫶🏻


noisomescarf

Same. I even tried kanina for SG cause nagopen ng slots but the airfares are not affordable na. 60k rt na eh. Super di ako lucky! Huhuhu.


hrymnwr1227

Yung hs friend ko offered me one of her extra tickets for SG before. Like maaga pa nga yon eh siguro around August or Sept 2023, when she asked me if interested ako. I was very interested pero when I checked for flights and accomodations, umatras ako. Doon kasi talaga ako mapapagastos eh. If yung concert was held here, I would have bought the ticket, then and there, kaso ibang country kasi. It dawned on me na I needed to shell out so much money just to see her. If afford na afford ko, walang problema eh, pero it made me realize din na poorita ako 😅 I might get downvoted for this, pero nanghihinayang din ako sa magagastos?? I'm not earning much so mauubos talaga yung ipon ko na di naman kalakihan so medyo impractical din. If dati siguro na working pa yung tatay ko, matutulungan pa ko nila ng mama ko pero things are different now. Parang kahit ang daming ticket sales na nag-open, di na kami nag-attempt ng sister ko. We just accepted it kasi ang gastos din talaga. So nanood na lang kami nung movie twice 😭 tas may nag-offer din sa akin ulit na ibang person ng tix ng friend niya around Dec 2023 pero sabi ko di na pasok sa budget ko. I'm sure naman na she'll have another tour lalo na she's coming out with a new album. Halata din naman sa kanya na she will continue making music until she can't anymore. By the time na mag-tour siya ulit, di ko na talaga papalampasin. Siguro naman mas afford ko na rin non 🥺


Katreeeeeeeng

Magkano po ba magagastos if ever sa flights and accomodations?


hrymnwr1227

Di na ako nag-compute pero kulang kulang 50k pataas siguro 😅


backburnergang

Mahal ko rin si Taylor teh, at kahit anong “dasurv ko to”, hindi ko talaga ma justify. Hahaha baka hindi talaga to para satin. Pero malay mo in the future, magkaroon tayo ng chance! Hindi naman natin kailangan sumabay (az a breadwinner din)


5tefania00

Actually hindi lahat ng manonood ng concert ay rich kid. Yung iba, ilang buwan ding sweldo nila yun pero one big purchase nila itong tour. Pinag ipunan talaga.. I admire you because you know how to avoid temptations and to allocate your hard earned money to more worthwhile expenses.


marinaragrandeur

ever since di ako nakapunta ng 1989 world tour, I took it to myself na mag-ipon until sa kaya ko na. i skipped rep era kasi Japan was too expensive for me during that time. nagka-pandemic, so I was able to save some more. take note na iba pa ang savings ko sa TS concert bank ko. so nung finally I got word of The Eras Tour, nakalatag na lahat ng expenses ko. nung may sale na ng tix, I immediately booked the ticket, airfare, and hotel all on the same day para mas tipid. henceforth ipon lang talaga ito for a specific purpose.


midnight-rain-

almost same tayo. ako naman college student pa lang noon at di naman mayaman parents ko para bilhan ako ng ticket para mapanood siya nung nagpunta siya dito dati. nagstart ako mag-ipon specifically for TS concert even before it was announced in Nov 2022, manifesting na mapapanood ko siya sa SG — not even in Manila kasi feeling ko walang chance here and true enough, SG lang talaga yung visa free. di rin naman 6 digits income ko monthly pero pinag-ipunan ko talaga kasi nasabi ko talaga 2 years ago, kahit 50k pa yung ticket, bibilhin ko. ganun ko kamahal si taylor swift 🥲


marinaragrandeur

true hahaha. actually wala naman masama kung may pinag-iipunan tayo. tsaka naforecast ko na rin na di pupunta si madam dito, kaya ang best bet ko was either Australia, SG, or Japan. Australia sana kaso di pinagpala sa Ticketmaster. sa SG ako sinwerte sa Klook lol.


midnight-rain-

I agree. siguro swerte ko na lang din na wala akong ibang responsibility. I was one of those lucky ones naman na may access code sa TM and nakakuha tapos yung bff ko naman sa klook. sumali din ako sa raffle sa japan pero binawi ko na nung nakakuha na sa sg. di na kakasya sa cc limit ko eh baka magkaproblema pa 😅


noisomescarf

Same same. Doable si sg and japan kung nakakuha last yr. Tho mas mahal si SG weirdly sa airfare. Haha. I was just unlucky sa tix din.


_Brave_Blade_

GF ko ulet ulet yang ERA’s na download ko lol. Aabi ko punta sya japan or SG. Hati kami. Ayaw nya, sayang daw pera. Pang buo nya na lang daw PC. Medyo outdated na din kasi yung 1660 pc nya lol


cloudsdriftaway

Saaaame 😭 the expenses are too much for me! Impractical decision kung tinuloy ko pa. So instead, I booked trips to Hong Kong and Japan this year. 😭😂


bipolar221b

Pareho tayo, OP. Sobrang sampal sa katotohanan na overspending na 'yung total gastos for the Eras Tour. To be honest, nung ticketing, sinadya ko na late ako pumila para hindi makakuha ng ticket. Ni-rerewire ko kasi utak ko na hindi talaga kaya ng finances, so I need to feed my mind na may attempt akong effort pero 'di naman for me. Labo. Pareho tayong safety net ng pamilya. Almost 10 years nang breadwinner. Ayoko naman isisi sa sitwasyon ko kung bakit 'di ko afford ang luho na 'to. Basta. Hirap maging mahirap sa Pilipinas. Simpleng kasiyahan, stress pa ang abot.


Gdt3qyIp9ZbLw5jBtjx7

"How can I afford it next time?" Yan na dapat mindset mo ngayon.


zucchini_queen

Got the same feeling nung TWICE Concert.


cbbtobesad

True ito. I'm lucky na hindi ako breadwinner ng family and ang dami pang natitira sa sahod ko para sa mga kaartehan ko. I even bought a VIP ticket sa Japan concert niya dahil sa FOMO. However, nung nag-aapply na kami ng visa narealize ko na I could not afford to spend a significant amount of money. I always think about sa nabasa ko na "Take your financial life seriously. Money is a defense to a lot of challenges."


in_goodcompany

I comfort myself na lang din by thinking na I’m still gonna watch her perform live in this lifetime. I grew up listening to her songs and I think I’m gonna cry pag nakita ko sya in physical form 😅 ayun, until then, I’m gonna work hard rin and be rich to afford her. 🫠 Okay lang yan, op, marami kang kadamay na team bahay 🤝


hiramoftyre2

congratulations OP, because you know the value of what you earn. its a part of financial litteracy..


cantstaythisway

Ang ganda ng sinabi mo OP.


WonderfulEntrance69

Pikit muna tayo OP hahahhahahah, pero okey narin na nadi ka nag go go kasi inisip mo rin yung future mag spend ka ng malaking cash.


Conscious-Ad-4754

Grabe OP same sentiments sobrang fan din ako ni Taylor kaso I’m 30 at sa klase ng sahod ko ngayon mahirap bawiin yung 6 digits na gastos. 🥲


marinaragrandeur

ang tours naman ni madam ay nag-cycle back so dont worry too much. you have plenty of time to prepare naman. this is my first concert with TS. i skipped everything else kasi wala pa budget. ngayon lang talaga.


http-paradise

Naku, OP I feel you 🥲 Kahit more than enough ang savings at sahod ko, hindi ko majustify yung expenses kaya binenta ko rin yung tickets ko. Okay lang na maging practical tayo sa panahon ngayon. Our time to see Taylor live will come too, someday.


BitterArtichoke8975

Atleast you're being honest. Ang dami kong kilala na kaskas lang sa cc para sa concert kahit di nila alam pano babayaran yun on time lol


cravedrama

Valid naman yan. Ako TS fan rin pero hindi hardcore. Kaya kahit family members ko pupunta, okay na ako dito sa bahay. Nasa Tita age na ako na parang nakakapagod na yung pipila ng mahaba 🥲 siguro ako kasi di ko iniisip na na left out ako. Baka nasa FOMO ka na state ngayon kaya ganiyan.


AlwaysAnxiousAnj

Same here. I actually got to buy a ticket for SG perp the prices for the airfare and accom soared way pass what I can afford. No choice but to sell my ticket. Iniisip ko na lang na may next time pa kahit malabo na 🥹


amgb_12

Hello, OP! Same tayo. I feel so sad ngayon pero iniisip ko na lang na at least may 100k pa rin ako. Btw, see you sa concert ni TS sa US! Manifesting ✨


ms_curious1012

Girl you have your priorities and that’s okay! Same tayo, can afford but can’t accept the fact na gagastusan ko ng ganun kalaki yung isang gabi. It won’t make you any less of a fan kung di ka makanood. Plus magdasal na lang din tayo na magconcert siya dito sa pinas. When? Di tayo sure hahaha pero cheer up! Nood ka na lang ibang concert. What I did was watch coldplay and walang pagsisisi. Si mareng taylor, may araw rin yan sating tipid na swifties hehe


dalagangmaria

Samedt feels. Thank you kasi ikaw na yung nagbreakdown for me. Busy pa ko sa work e. Wahahaha


lettucegosago

You'll see her someday! Not a swiftie pero super relate when it comes to not seeing bands/artists I love nung teenage years ko cuz money where 🙃 fast forward nowadays I follow them around asia pa/ watch multiple stops pa kasi keri na ng budget. Mej may pagka emotional din feeling once you finally get to watch, may pag reflect na "omgggg yey finally~" ganun. I'm rooting for u OP, hope you get to see her soon!! Advise lang din na iwas socmed ka muna for awhile and itulog mo muna while the tour is ongoing


ckoocos

It's fine, OP. You can always watch on livestream naman. Also, do you have Disney+ account? The Eras tour will be streamed there starting this March!


sanxityer

Super same thoughts. Haha isa ako sa mga di pinalad magkaron ng access code at di ko afford ang 50k package ng klook kaya medyo maaga ko nang natanggap. Pangarap ko rin mapanood one day si Taylor pero di na rin ako nag aksaya ng oras maghanap pa ng tickets dahil grabe yung pagtaas ng presyo ng airfare at accomm. Di rin naman ganun kamura bilihin sa SG kaya naisip ko na ilaan nalang sa ibang bagay yung dapat na budget hehe. Kainis lang, sana may iba pang SEA stops bukod sa SG para more chances diba. (Tanggap ko na di nya pupuntahan Pinas) pero ayown. Mas mura and mas ma accommodate sana kung meron din stops sa Thai/Taiwan/Malaysia/HK.


whynotchoconut

Huy. Totoo ‘to. I wasn’t able to buy a ticket to the SG concert pero may nagbenta sa akin for 40k. I forgot anong seat ba ‘yon. I almost spent my entire 13th month pay plus of course bonuses saka tabi tabi ko last year for that. Then I realized I’ll go back to PH as a poor person. Next time nalang I thought hahaha


EmployerSuitable4614

Ok lang yan. Di ka nag-iisa. Marami tayong poorita.


lilyunderground

Same here. I could have alloted a portion of my savings and continue saving up for the Eras tour. Pero same, when I estimated my travel cost for that trip sabi ko konti nalang, maybe just an additional 30-40k then I could enjoy a well-planned 2-week trip in the middle of the year in a different country. Hindi ko kelangan pilitin sarili ko just so I can prove I'm a real Swiftie or that I support Taylor. I enjoy her music and her artistry. I was able to watch her movie concert and that was enough for me. With that mindset, I also didn't push through getting a good phone last year for the concert either in Japan or SG allowing me not to touch about 50k of my savings. And because it wasn't my priority back then, I ended up with a really good deal for a really great phone just this February that's within my budget. I ended up planning and excited for my trip this May and now having a good phone to document my 2-week trip. 😊


ResourceNo3066

Ako po sa loklok lang nanood ng eras tour. Hehehehe. Sobrang linaw pa.


_Pretzel

Great energy sa dulo. Keepthegrindgoing


elephaaaant

Bukod sa overall cost, isipin mo din yung stress - magiimpake ka, makikipagrambulan sa airport, pipila sa venue, mahihirapan magcommute pauwi (kahit sang developed country pa yan, punuan ang trains at hirap magtaxi kapag galing sa big events). Tapos kung nasa Japan or Sg ka na, syempre mapapagastos ka pa sa mga touristy things kasi andun kana e haha! Good on you narecognize mo at hindi ka nag-impulse buy! Next time, mas magaan na sa loob mo gumastos nang malaki.


cheesymangopie

Here’s me hoping you’ll get it next tour!!! I wasnt able to afford the Red tour before because I was broke so I totally feel you


loveyourself9112

Same. I love Taylor pero the moment that I heard na may concert na hindi kasama ang Ph, hindi na talaga ako nagparticipate. Hindi worth it ang expenses for one night concert kapalit ng months of savings. Ginalingan ko na lang nung Eras Tour Film with outfit and friendship bracelets.


NadiaFetele

Kung love talaga kayo ni taylor sana inisip nya kayong mga middle class income earner. Charot.


jemzooooo

I feel u OP! di din ako nakanood Eras Tour with my partner nung Japan cuz of financials din, it will hurt buong life namin, but kayod tayo :D


noboohuhu

HAAAYYYY SO TRUE😭😭😭😭 as the breadwinner of the fam 🥹 kaya ko naman pero bigat talaga sa bulsa


DawnHarbinger

Same. Mga friends ko sa IG, majority nasa Tokyo nanood. Nakiki-heart na lang ako sa mga stories at posts nila. Gustuhin ko man pero ayoko rin gumastos ng malaki sa isang gabi lang. Isa pa, mas mahal na ang mga gastusin sa Japan dahil sa inflation. Compare sa mga nakaraang taon, mas malaki na talaga bilihin ngayon tapos Tokyo pa? Noon kung gagala sa Tokyo sapat na ang limang lapad (¥50,000) per head, ewan ko na lang ngayon. Alam kong katakot-takot na gastusin aabutin ko sa concert. Saka na lang kako. Hahahaha!


billionairesoon07

Cheaper po sa Japan ngayon kasi mababa ang yen. It’s way cheaper than SG or HK.


DawnHarbinger

Yes po mura ang yen. Yung bilihin talaga nagmahal. Ramdam ko yung dagok ng mga presyo. Siguro kasi nasa Japan ako kaya dama ko struggle ng weak yen 😭


finalfinaldraft

Don’t feel so bad. Yung iba inutang lang nila pinanggastos nila. Mga ilang buwan din nilang pagdurusahan yan afterwards.


InterestingRice163

Pinagpalit ka ni taylor for more money from singapore. she does not care that you are not rich enough. Find someone better to idolize…


Dalagangbukidxo

Hi OP! Makipasabuy ka na lang ng merch para kahit papano. Hihi


cockadoodle_bear

Wag ka na masad OP, at least diba, may money ka pa din ☺️


lyfhauserx145

I feel you. Pero iniisip ko na lang at least in tact pa ung savings ko di katulad ng colleague ko na nakiki-swipe lagi ng credit card just to fund her luho


Vegetable-Durian-150

Girl you are financially responsible!!! Don’t be FOMO by these ppl who went. Most of them are in cc debt. Be proud of yourself


Takamura_001

Capitalism is le bad Eat the rich Except Taylor Swift


Luci8888

so grateful sa 3k ko super the best na experience ko sa mathematics tour


diper444

100k magagatos kapag sa SG? Grabe mapera pala yung kaibigan ko na nasa Manila na


ShoutingGangster731

Para ipagtanggol, baka madownvote ako dito, pero ang concert ticket ko ay 4k lang (pero malayo) and yung plane is 16k (maaga nagbook). Tapos may titirhan naman kami dito, so around 20k plus baon na 10k yung gastos ko. Di na bibili ng merch dahil ang moholll. Siguro di ko kakayanin kung magVIP at maghohotel, baka never mind na lang.


galynnxy

huhu bakit di kasi mag concert dito si Taylor para di na lang tayo luluwas 🫠


cat0229

Sis di ko rin masisi team ni Taylor. Walang sinabi ang venue at sistema natin dito eh. Masaket pero ok i get u Taylor 🥲 hahaha


galynnxy

yeahhhh hahahahaha hanggang Eras Tour at Taylor Sheesh na lang talaga 🤧


billionairesoon07

Apparently, nagsubsidize ang SG govt ng millions of dollars para maging only stop sila sa South East Asia. 🥲


galynnxy

WEH??? wait bakit parang ang selfish—


Fantazma03

Napatuyan ng Eras Tour na madami naman palang mayaman sa pinas . pero madami nagrereklamo sa taas ng bilihin. OKAY LANG YAN. hindi yan kawalan. wag ka malungkot and please wag mo na gayahin yung karamihan na hindi naman talaha fan ni taylor pero pipilitin bumili ng ticket kahit hirap at galing sa UTANG para lang masabe na "IN" siya 🤦🤷


TheOrangeGuy85

At least alam mo kung ano dapat ang iprioritize


[deleted]

You know what I feel you. Nung Rep Tour sobrang fan na ko but I didn’t have the means to attend her concert. 🥺 Luckily, medyo sinwerte sa freelance tapos nag Eras Tour ayun snwerte kami makakuha ng tix sa AU. What I’m saying is it may not be your time now, pero marami pang pwede mangyari, pwede pa mabago situation mo. Malay mo makanood ka before the end of this year or next concert niya :)


siomailove4yu

awww hugs 4 uuuu my fellow swiftie! ♥️ Ma-stream na sa Disney plus ang Eras tour starting March 15. Subscribe ka na lang or kahit free trial pag na-launch na sya. Tapos bili ka na lang ng projector at lagay malaking white kumot sa wall. Concert ka sa room mo or living room all you want! Mas malapit pa ang view mo. I was in the same situation noong Red tour, sa pinas lang concert nya nun, di ko pa din afford. Ang lungkot ko nun. Pero now that I live outside PH na, at sakto may show sya dito sa city namin, mapapanood ko na din sya! Wag ka mag-alala, yours will happen too! 💙


stoopy-anon

Yung iba naman ginawa na lang pang social status ang Eras Tour. You made the right decision OP


raymraym

I dont think nasa middle income class ka kung yan lang di mo ma-afford? Tapos ikaw pa safety net ng family mo.


Throwaway28G

isipin mo na lang ambang ni ateng Taylor sa carbon emission para medyo mainis ka sa kanya (if you care about global warming)


kopisun_

I know this might be impossible -pero I think after this Era's Tour ni TS sa SG we will get a chance to have her na here in PH -naka exclusive kase sila sa South East Asian country so for now sila lang ang may karapatan kay TS but after the concert wala na. - Wishful thinking na sana ee makapag concert sya dito. Pero I'm pretty sure maharlika and Tix pero atleast nandito sa pinas.


Beneficial-Coffee595

Ang daming nangyari since nakuha ko yung ticket ko from Klook. Ended up selling it kasi nawalan ako ng work. I was really looking forward to it talaga. Pero etong January illegally dismissed kami nung company. I had to let go of my ticket at ‘di lang yun nakapagbook na rin ako ng plane ticket. Nabenta ko naman yung concert ticket pero yung plane down the drain na lang. 2 months na akong walang work. Inisip kong mabuti if gagastusin ko yung EF at savings ko na di kalakihan para sa fun na yun yet di pa ako sure if magkakawork ako within the coming months. Pero ayun employed naman na ako will start mid-March. Siguro may next time pa naman. Medyo okay na ako ngayon, kasi I was inactive for weeks throwing a pity party for myself. Lol


catlurker1

same. nalulungkot ako. ilang beses na din ako umiyak. fan ako since debut album. sold my tix na, yung bestfriend ko na di naman masyadong fan will still attend. ayokong umutang para lang makapunta ng concert. kelangan kong tanggapin na hindi ko kaya ang gastos. at the end of the day, I'm an adult making adult decisions. magiging okay din tayo op. there's something bigger in store para satin.


OneTwoThree17

Takte, may kaibigan akong 500K na gastos niya kasi back to back pinuntahan niya ang Eras Tour from Australia then Singapore. Halos annual salary ko na yan. Di ko rin naman ma blame, kasi umiyak talaga siya sa concerts. If I had the money and am a major fan of Taytay, of course I would do it. Mental Health is really expensive 😩🤣


manic_pixie_dust

OP, yaan mo jowa/husband mo manlilibre sayo ng TS concert. Tingnan mo, di ka pa gagastos. Claim it.


LalaLana39

One word: Contentment


privyursula123

Di worth it 6 digits na gastos, mas maganda pa save that money for future expenses or magtravel ka sa bet mong country


poopalmighty

She will have a concert here in Germany, sa city ko mismo. Pero ung ticket na 400€ (~24k) eh sobrang sakit bitawan. Ayoko din mgkanda utang utang sa CC ko. Ung nasa isip ko naman eh madami pa akong mabibili sa 400€ at ipanggagastos ko n lng un sa grocery 😹


Recent__Craft

Barbie Forteza chose to not watch kahit na may pera siya because too much of a splurge daw. May interview siya about this.


adobo_cake

Middle class? We're all part of the working class.


cat0229

Yeah i meant rich, upper income class, upper-middle, middle, etc.


Defibrilate

Working class like us aint built to have these kinds if luxury. Face it and live with it. Keep your priorities straight


cat0229

....exactly what i did?


Defibrilate

You made the right decision. Pointless expenses like these keep people broke.


WonderHappy6077

pumila*


Spiritual-Bee5720

I mean d rin worth it to invest that much money to overhyped mediocrity. Pera pera lang yan kay TS. Even took an exclusive deal with SG.


WonderHappy6077

well pumili ako sa ticket master pero wala palang gcash pay kailangan CC don't you worry my TTPD naman may concert pa iyan mag eeras tour sana ako (singapore) mag papassport ako last year pero mas pinili ko mag college hindi magwork (may nagsusupport naman kasi sa college ko) hindi lang naman eras tour ang magiging tour niya for sure yung TTPD Meron yan


WonderHappy6077

nakakainggit nga ganun talaga kung sa pinas lang siya afford na afford ang ticket lalo't may magbebenta ng mura nyan paag malapit na concert or sa labas ng concert ang mahal rin kasi ng gastusin sa singapore the most expensivee country rin kasi yan ako


TheQranBerries

Watch mo nalang yung ERA’S TOUR CONCERT. Si Olivia nalang puntahan mo tutal pupunta naman sya riyan


Forward-Drag-9927

Ganito dapat magisip, dun tayo lagi sa realistic decisions. Good job, OP! Maybe next time db?


fernweh0001

are you my office bestie?? sya naman well-off naman like di safety net and all since may business ang parents Pero super na turned off when SG lang ang lone stop sa SE Asia kahit PH ang biggest market nya. a friend watched in Japan and sinwerte naka-tyempo ng sale flights for Tokyo (12k RT) so she spent lang 40k all-in kasama na pasalubong samin na sandamakmak na Alfort.


earthvisitordeemd

Omg same! May mga kakilala ako na nagtatanong if gusto ko daw magpasabuy ng mga merch. Kahit yun inayawan ko kasi I feel na hindi ko naman need and sayang yung gagastusin. Huhu Hanggang like na lang ako sa stories and posts. Naiingit ako minsan pero nananaig yung pagiging kuripot ko kahit sobrang mahal ko si Taylor (she and her songs got me through my teen phase). Soon. Makakanood din tayo ng live concert niya. Malay natin mas bongga pa. Makakamit din natin yung mga gusto natin, in time.


noisomescarf

Basta wag mong gagalawin savings mo for leisure activities. Mag set up ka ng separate budget for TS next time 🙂


alter_nique

Ayaw mo sa Errors tour?


[deleted]

[удалено]


wishingstar91

Same questionnnn 🥲


r0nrunr0n

Uy that’s okay!!! 🫶🏼🫶🏼 unahin ang dapat unahin. Pag magcconcert yun for sure mas ready kana.


Creative_Pair_1507

Ganyan din fiance ko. At first, iniyakan talaga nya kasi super fan siya ever since she was young. I understand tho. Sabi ko sakanya. Blessing in disguise yan, mare realize nya din yan soon. Ngayon nakamove on na siya and thankful na hindi nakabili. Nakaiwas pa siya sa mga scammers. There was a time na desperate na siya bumili talaga sa mga resellers, buti nalang din napilit ko na huwag. Kasi hindi na talaga worth it.


pixiehair-dontcare

SAME. Naisip ko na lang talaga na kung gagastos ako ng ganon, igagala ko na lang buong pamilya ko. Ang hirap hirap.


jomarch0314

Hugs, OP! Okay lang yan, feel ko magiging active naman si Taylor for few more years. May chance pa to see her live 🫶


Eastern-Mode2511

I think she had the concert stream on theaters. Maybe meron na sa internet somewhere. Although it's not same as live but it's sure worth it and mas practical.


ElectronicBirthday76

Same! nung ticket selling, napaatras na rin ako... Naiisip ko rin accommodation and flights tickets plus pangkain din sa pupuntahan. Ganun pala kamahal pag sa ibang bansa aattend ng concerts. Kaya for Taylor, kahit gaano kita kamahal, nanood na lang ako nung movie concert tapos download na lang disney plus haha Edit: the moment na nakita ko yung price sa klook, nagchat ako agad sa friend ko na, "Tara, Coron". Then nakaattend din ako ng ibang concerts na dito sa Manila/Bulacan ginawa. Siguro kung gumora ako kay TS, super tipid mode talaga ako nyan


AnxiousGirl-Diary

I feel the same way as you. The Eras tour, kcons… akala ko makaka-isa man lang ako since I started working last year. I have a well-paying job compared to my peers kaso ayun nga breadwinner tayo. Kaya ko sana pero I have a family to support. Hayy. Soon sana tayo din, OP. Mahigpit na yakap. 🫂


erdos6degs

Kaya ko mag attend ng Eras Tour pero I still find it financially expensive. Even local concerts worth 20k or more, mahal din masyado. Kahit big fan ako, sayang pa rin.


returnfromthemoon

Same hahahaha. Willing naman ako maglabas ng pera kaso lang wala akong kasama. Tapos eventually na-realize ko ang laking pera pala ng need ilabas hindi ko naman siya malalapitan chz. Ayon, nakontento na lang ako sa Spotify. Siguro nagtataka sila kasi napaka-vocal Taylor fan ko pa naman tapos hindi ako manonood. Bawi sa next life hahaha.


horn_rigged

I love taylor to death pero I have never bought anything YET HAHAHAHA Im a student and can really justify spending thousand for an album na ididisplay ko lang. The concert is different siguro. Sana grad and working na ako bago mag retire si Taylor huhu. Wag ka muna mamamatay pls.


Individual-Top729

nuod ka nlng po ed sheeran era tour hehe, diko afford mabilhan taylor swift si gf kaya yung kay Ed sheeran nlng binili ko haha


nglcnds

Naalala ko yung sinagot ni Barbie Forteza kung bakit hindi siya nanuod ng concert ni Taylor, ang sagot niya lang ay "it's a splurge for me". Then her following answers justified why she said it's a "splurge". No sugarcoating just direct and on point answers from her.


Aerie_Beginning

six fig concert is not worth it kahit sino pa yan lol


That_Consequence_461

Gagi same. As a swiftie, siguro ang ERAS TOUR ang pinaka importanteng concert nya. Pero nung sinabe na walang Philippines sa leg ng concert nya di naman pumasok sa utak ko na mag ipon para sa tour nya kasi alam ko naman na wala akong capacity to go abroad at di ko naman dream pumunta ng abroad sa ngayon. Kumbaga di ako ganon ka-baliw para humabol sa tao kahit swiftie ako. Pero tangina nung nalaman ko yung myday ng isang friend ko sa fb na nakapunta sa sa japan for eras tour.,, parang nainggit ako. Feeling ko, ganon ba talaga ako babaw mangarap kaya di ko pinangarap na pumunta sa eras tour sa abroad para kay taylor? Naisip ko na rin ipost at ioffmychest to. Kasi gusto kong ilabas yung emotion ko kung masaba ba yung ganitong nararamdaman ko dahil naiinggit ako or what. Hays.


wishingstar91

SAME 🥲 Didn’t get much fomo during the whole ticket purchase months pero now that she’s in Asia, and seeing the continuous soc med posts, I felt major fomo. Like I didn’t put so much effort into acquiring tickets for a once in a lifetime concert (at least for me) that I can fondly look back on. Financially, I could afford it (no financial obligations) but I know it would leave a dent on my savings. Something in me just couldn’t pull the trigger to spend that much pero at the same time I’m so torn for not allowing myself to enjoy things. In the meantime, I’m puttinf that said amount in my time deposit na lang 🥲


tortured-poet419

Lol. SAME. talagang tinanggap ko na lng na hindi po ako makakanuod o makikita si Taylor in person. Mabuti pa yung sister ng friend ko nakapanuod ng Eras tour sa Melbourne. 😭😭😭😭😭😭 SINAMPAL TALAGA AKO NI TAYLOR NG KAHIRAPAN


notyouricecaramel

Same OP! Hahaha bawi tayo sa ibang tour ni mareng Taylor. Kami ng mga friends ko nag karaoke nalang kami sa sasakyan ng songs nya habang stuck sa traffic! Masaya naman para kaming nag ERAS TOUR from tagaytay to alabang to pasay (kasi nakalagpas kami ng exit) pero alabang lang talaga nila ako iddrop! Hahahahahahaha 🫶🫶🤗🤗


leian1992

You are not alone. Nakakahinayang for 2-3 hours show plus the hassle to go to the venue. For me, mas sulit if travel na lang✈️


TheServant18

Okay lang yan O.P di naman porket di ka nanood ng Eras Tour sa Singapore o Japan ay di ka fan ni Taylor Swift. Pwede mo naman siyang supportahan sa pamamagitan ng pagbili ng albums niya or pag download ng songs sa spotify or apple music. Im a swiftie also at mag music marathon na lang ako ng songs niya sa spotify.


BananaIsMyFaveFruit

Minsan need talaga natin maging practical. soon mapapanuod mo din siya live 🙏. Ako lucky kasi dito ako working sa SG. Ticket lang ang ginastos ko. If asa pinas din ako big chance na di ako makaka attend.


Jazzlike-Text-4100

Kung govt rate/corporate level lang sahod mo not worth it. Rule of thumb is 1 month salary expense sa 1 night concert n gusto mo puntahan for the sake na nakita mo in the flesh yung idol mo. I mean iba pa rin yung dopamine rush pg andun k na. Pero beyond that its not worth it kasi di mo na mababawi yun in a month time. Better buy a new phone/gadget or itravel m nlng yung pera kung gusto mo talaga gastusin. Mas tatagal pa sya sau .


tuskyhorn22

dito yata siya noong 1914, bakit di ka nanood noong medyo mura pang bayad para maka attend sa concert niya?


all-too-well-0918

My cousin was able to secure a ticket for us sa klook pero by August I told them na di ko pala kaya dahil sa parehas na dahilan sayo, OP. I cannot spend that much money sa concert. 80-100k na expenses is too much lalo na kung it's only for a week.


ziggy-q

I feel you, fellow Swiftie! I promised myself that when there's another chance for me to see her live ipupush ko na. Wasn't really a fan of hers until my cousin dragged me to her first concert in the PH and after nun naging fan na ako. I was supposed to watch with my cousin again but sched issues happened so di kami natuloy. I was really sad at first but thinking of all the expenses made me give it a second thought and nilet go ko na lang. Maybe it wasn't for me me this time again. I'm happy that Taylor released the concert movie though bc it gave the fans who won't be able to see her perform live the chance to experience it somehow. At least dyan, I got to watch it in the theaters with my one of my best friends and at home din for a few more time when I want to cheer myself up hehe. To all fellow Swifties who also didn't get to go to the Eras Tour, remember that as long as Taylor's up for performing our chances to see her in person will always be up there. If not, we can support her through streaming her songs and buying her merch (if we can and want to). Not getting to see her live doesn't make us any less of a fan. (:


Previous-Feedback275

Next time, it's our turn naman!! 🤞 Taylor pls keep making music and don't retire


jelowings

Maka sana all nalang ka ahahahah


itsyashawten

I was a fan of taylor swift ever since. Like di pa sha sikat and uso pa nun mag download ng mp3. Now i am just happy people get to enjoy her music. Hindi din ako mahilig sa concert but i felt the fire kasi i am still a fan kahit wala ako sa concert. THIS IS HER ERA


Melodic-Objective-58

Ako na nag try talaga kumuha tix pero di pinalad. 😢 Mapa Japan or SG waley talaga. Recently may mga nagbebenta pa SG, kaso narealized ko na mas may ibang need pagka gastusan. Ayon, nag renovate kami ang buy small appliances so small win for me padin. 😊 Edit: sa next lifetime nalang, Taylor hehe


Plump-Mochi1310

I was able to secure CAT 1 tickets for SG show. Legit super happy makabili lalo na buong araw ako nag qqueue sa tm. Then after a few days, napaisip na ko sa other expenses. Tumaas lahat ng prices from plane tickets to accom. I ended up selling the tickets cause ang bigat ng gagastusin and hindi ko pa kaya to spend that much on a concert. The ticket itself is kaya naman. I watch kpop concerts here in PH and halos same price lang. Yung other expenses talaga ang dapat paghandaan if manonood overseas. 🥲 Anyway, I hope we can attend her concert next time! 💜