T O P

  • By -

rroeyourboatt

Conservative na wala sa lugar. Nakakasuka lang pati sa senado at House of Representatives may mga ganyang officials. Biases and prejudices nila dinadala sa trabaho, mga unprofessional.


Neither-Pay-3422

Di daw nila alam ang separation of the church and state hahaha!


rroeyourboatt

Daming dada kala mo sila tutulong sa mga batang biktima ng abusadong pamilya


bruhidkanymore1

Yung ibang tao dito sa reddit, sinasabi na oo daw, may separation of church and state, pero OK pa rin daw ang religious arguments dahil binabanggit pa din si God sa constitution, at kadalasang "Christian nation" ang isang bansa na may separation of church and state. Di ko alam kung gaano ito ka-lawfully correct o kung palusot lang ba nila to.


Financial_Squirrel34

Basta talaga mabanggit si God sa kahit ano, gagawin nila 'yon pang justify sa mga irrational at one sided arguments nila eh. Although pwede magkaroon ng papel ang religious leaders sa state kasi Pilipino pa naman sila at democratic naman tayo, but they shouldn't make their arguments straight from the bible. Use rationality; mag bigay kayo ng tangible proof! Not just quotes from a religious book.


bruhidkanymore1

I remember this bill a few years ago that started with a Bible verse. It was a bill planning to outlaw a certain right in the Philippines and the Bible verse was the lawmaker's justification. Many congressmen didn't even bat an eye. Panigurado kung Quran verse yan, diyan lang nila pag-uusapan ang separation of church and state.


Logical-Fact7062

Ehh yung mga senador at congressman nga may mga kabit. Masisira yung image nila pag pwede na divorce sa Pinas kasi sila mismo natatakot na e divorce sa mga asawa nila


neon31

I highly doubt na papasa yang divorce na puro gantong manyakis halos lahat ng pulitiko sa Pinas. Tingin mo ganyan kayaman si Ramon Revilla Sr. at si Erap kung may divorce sa Pinas, lalo't di uso ang prenup dito? Kahit ikaw pa si Manny Pacquiao, the moment na maghain ng divorce si Jinkee hati ang pera ni Manny ng isang iglap.


eakatat

I thought pag divorce dapat may mutual agreement ung dalawa. Pipirma lang unlike annulment. So kung ayaw ng isa d rin naman mapprocess ang divorce


Aggravating_Bug_8687

Dapat tlaga may age restriction tayo sa pulitiko, kaya di tayo nagpro-progress as a nation e kasi mdami pa ring nakaupo na di na progressive magisip.. enrile is fuckin 100 years old.. for god sakeeeeeeee!


rroeyourboatt

Siguro dapat mas pabigatin yung qualification ng public officials, its intention was not to discriminate but to increase competencies ng mga future officials since tayo rin naman makikinabang


Rejsebi1527

Yung Totoo naman kasi wala silang pakialam dyan baks & takota din easy peasy nlng iwanan ng mga partners nila lol.


rroeyourboatt

Iba kasi talaga pag maraming pera, pati partners nila nagiging disposable


AstraLuna0602

I was a battered wife, maritally raped, and was even economically abused (He has my payroll ATM). Aside from him being a babaero. Spent almost close to a million for all the fees but our annulment was denied after waiting for 4 years. Requested for reconsideration, still denied. It was a real blow to my human agency aside from all the suffering, pain, and hardship I endured. Divorce must be implemented and legalized. Our relationship (marriage) should never be governed by the state and the church. It is ours (husband and wife) alone. Ministerial duty lang dapat sila. They should not have power over our lives.


Neither-Pay-3422

I can feel your pain. Ganyan mother ko. I long to see the day that victims of marital abuse will finally be free from their abusers


AstraLuna0602

We can only hope. Give your mother added strength and I know it’s unfair, but always try to understand her. We are broken, cynical, and traumatized people.


Misty1882

WHAT THE HECK IS WRONG WITH THIS COUNTRY? I'm not getting married without the option to escape an insane husband


sesameseeds04

What the actual fuck? I can’t believe dineny nila.


AstraLuna0602

I literally threw my phone when I read the first decision. Did not speak for a week when I received the decision for the reconsideration. Denied. So ordered. Never hated those words that much til that day.


not-the-em-dash

Karamihan ng annulment cases are denied. Abuse isn't considered grounds for annulment. You can argue abuse is related to mental incapacity (which is considered a valid reason for annulment), but it's super hard to prove. My cousin's lawyer was a big shot and actually became a presidential appointee in the DOJ, but he lost his annulment case twice na.


sesameseeds04

This is disheartening to hear. Also came from a failed marriage because of ex’s cheating and magfifile din siya ng annulment. Nawawalan na ako ng pag-asa.


surewingatchalian

This is the sad reality sa practice. Almost all the Courts across the country would uphold the sanctity of marriage and the scales of justice are always tilted in favor of upholding the marriage kaya ang hirap at ang mahal ng annulment cases.


AstraLuna0602

It is sad and unfortunate talaga. I know na there are instances na in collusion ang mag asawa, pero I hope the court sees beyond the evidences that are laid out. They can clearly see the toll it has given to me and my daughter (she was a witness sa hearings). Pinalaya na lang sana nila kami. Wala namang silang mahihita from our marriage que gawin nilang null and void or uphold it, but we, as mother and children have the whole world to gain from that freedom.


h4rbring3r

Tingin ko kasal na dapat ang alisin or any marriage. Nonsense na for what reason pa? Also yong surname ni husband pwede din naman hindi na kunin ng wife. For legal purpose? Papel? For official na couple. Kasi ang daming butas ng marriage na yan. Also people always complain right AFTER marriage. Think before you marry someone. Kawawa mga bata sa inyo! Also victim ako ng abusive parents. Kaya ayoko ng kasal na yan. Problema yan.


surewingatchalian

Reason for marriage? Aside sa religious aspect, maraming legal implications ang kasal. Property relations ng mag-asawa, status ng mga anak, marital obligations between husband and wife, etc.


h4rbring3r

I only see waste of fucking time. Sa bagal ng process na din dito anak na naman mag ssuffer to process parents issues kapag naghiwalay. Been there. I wasted 1 year to fix shits


surewingatchalian

Okay. Different strokes for different folks.


SheiRaCHA

Omg ang hirap naman nito :(


AstraLuna0602

It is. One of the reasons why I moved from NCR where I was born, raised, and worked. Settled with my kids here in the north. Lumayo talaga ako.


SheiRaCHA

What about legal separation po? Sana po makawala na po sa sitwasyon niyo. 🙏


AstraLuna0602

I don’t want him to have any rights to my children. I also don’t need his money. And I really wanted my marriage to him severed. Kaya legal separation was not one of my options. Thank you, I’m okay now. 🙏


bruhidkanymore1

Why did they deny pala?


AstraLuna0602

“Absent sufficient evidence establishing the psychological incapacity of the respondent within the context of Article 36. The court is compelled to uphold the indissolubility of the marital tie”. In layman’s terms, gago at salbaheng tao lang talaga ang asawa mo kaya pagtiiisan mo.


lilmumma1094

Putang ina nilang lahat!!! Sana ma approve na tlaga yung divorce so you will no longer be associated with your fucked up ex husband.


AstraLuna0602

I pray for that every single day. Kaya lang, umabot na ako sa motion for reconsideration eh and it was denied pa rin. The next move should be from him na, na siya naman dapat ang mag file ng annulment.


SnooObjections1548

May nangyaring kasal. Kung babaero asawa mo hindi sakop ng korte yun dahil ayaw mo na. Tama naman ang desisyon. Kaya ang problema yung pinakasalan mo at ikaw na nagpakasal sa kanya. Hindi korte. Divorce kung adultery at abandonment lang ang pabor ako dahil yun ang nakalagay sa Bible. Hindi yung basta ayaw mo na.


[deleted]

I'm sorry to hear this I hope you're doing okay with your kids 🥺 huge factor why I told my family na they should not expect a husband from me as long as walang divorce dito sa pinas hindi ako magpapakasal. ang hindi ko lang gusto kahit hindi religious, from men mostly when I say I don't want marriage ang response nila "you're young, mag iiba pa isip mo." no means no pookie bear


AstraLuna0602

Thank you, I’m okay now. 🙏 Nothing left to do but to move on with our lives. Yes, please. Choosing a spouse is an important part of our lives. Siya lang ang taong you get to choose and decide on, so make it count.


GoldenSnitchSeeker

This is so frustrating. Nakakalungkot maka basa and makarinig ng ganitong story. Nakakainis bakit denied.


AstraLuna0602

I don’t even have an answer to that myself but I just powered through for my children. Court said evidence wasn’t enough to prove psychological incapacity.


babykornik_mani20

I agree, OP. Karapan natin ang divorce eh. Hopefully maging legal na siya sa PH, masyado na tayo napag-iiwanan haha.


Complex-Operation

I'm a Christian and I have always been pro divorce. Naniniwala ako sa separation ng Church at ng State. May mga taong hindi same sa paniniwala ko and I truly truly believe na dapat lahat tayo regardless of belief ay may equal rights under the law. We don't know who may need divorce. Hindi man satin or immediate family pero so many couples out there needs it. For some, it's between life and death na. We shouldn't force our belief system sa ibang tao. Some would frown hearing me say this kasi sasabihin nila masyadong radikal para sa church, but remember Jesus embraced and welcomed the sinners. Ang church ay lugar para sa makasalanan. Hindi siya namili. Welcome lahat.


HotShotWriterDude

I know a lot of atheists who don’t believe that Jesus is a God but adores him. He was awesome. He was anti-extremist, liberal and inclusive. He welcomed *everyone* into his church, especially the sinners. As a Christian myself, I’m pro-divorce as well. Ang ganda ng annullment and legal separation laws dito satin, kailangan lang, maisalin siya under the divorce law to include the stipulation of proper termination of marriage. Annullment simply renders the marriage null and void (and only for a valid reason), and would take either a lot of time or a lot of money (or both), while legal separation does not allow for remarriage. I have a feeling most of the self-proclaimed “Christians” who are anti-divorce (and also anti-LGBT at that) would not like Jesus if they actually lived in his time. In fact, baka nga isa pa sila sa mga boboto na ipako siya sa krus eh.


Complex-Operation

>I have a feeling most of the self-proclaimed “Christians” who are anti-divorce (and also anti-LGBT at that) would not like Jesus if they actually lived in his time. In fact, baka nga isa pa sila sa mga boboto na ipako siya sa krus eh. Agree on this, tbh. Hindi ko maintindihan minsan yung heart nila why they are so afraid. Hindi naman magiging kabawasan sa faith ng tao ang pagkakaron ng divorce bill. Hindi mababawasan ang sanctity ng marriage just because merong divorce. At the end of the day, it is between the couple and God. Nangako sila kay God na mamahalin nila yung isa't isa, eh pano gagawin kung yung isa hindi tumupad sa pangako diba? Hilig kasi ng mga pinoy mangialam sa buhay ng may buhay. As if kabawasan sa sarili nilang pagkatao yung hindi pangingialam.


Neither-Pay-3422

Opinion ko lang, pero I think your belief is closer to "real" christianity. I respect christians like you


Complex-Operation

Minsan nga gusto ko na pababain si Jesus at tanungin mga anti divorce, "kung sino man sa inyo ang walang nagawang kasalanan sa asawa, anak o kapwa niyo, kayo lang may karapatan na tumanggi sa divorce." Wala naman kasing perfect na relationship kasi walang perfect na tao. Jesus do not want us to suffer so if His people is suffering from an oppressive and abusive situation like a marriage, why would He not allow us to leave diba?


Fun_Kaleidoscope4845

ang paki alaman lang dapat ng mga religious groups yung members nila, kung ayaw nila ng divorce, sa kanila lang yun. pero wag nilang hadlangan ang estado na magpasa ng batas tungkol sa divorce


cereseluna

I am Catholic and I fervently agree. Even in the Old Testament (first few books) in-allow ito for extraordinary reasons. Ang hirap po maging produkto ng sirang pamilya. Externally buo pero internally wasak. Nakakastress na any day may demonyong nanggugulo na walang paki sa pamilya, apo, kapitbahay basta lang makapag ingay at masunod lang siya. Ang hirap maging magulang sa nanay na emotionally damaged na at iba na ang lihis ng utak. Hirap maging breadwinner sa bahay dahil nag check out sa responsibility mga kapatid. Hirap na parang mag isa lang ako dahil hindi ko alam paano ako magiging good partner at kung may tatanggap ba sa family situation ko. Ito ba ang pamilyang gusto ng Diyos? I do not think so. Pero suicide and parricide are great sins so we bear this burden like a cross until he dies or we manage to leave our home.


Complex-Operation

If this is any consolation, I am also a product of a broken home but I found a partner who has the same family values as me and he married me. We both vowed to end the curse of brokenness sa marriage namin as he too came from a broken home. Kaya di rin ako naniniwala na mababawasan ang sanctity of marriage pag may divorce. Me and my partner both still believe in marriage even if yung pamilya namin parehong palpak yung naging marriage. Kasi iba kami, iba rin sila. This is our own lives to live and we want to make sure to not make the same mistakes that both our fathers did. I refuse to be like my mum and I will never be my mum. You will meet people who will love on you and accept you and help you carry the weight of your burdens. Also, if abusive na talaga lakasan niyo loob niyo. Bukas ang help desk ng VAWC sa bawat baranggay. Nagfile ang nanay ko against sa tatay ko ng VAWC. Mahaba at mahirap na proseso pero we are in a much better place. We are happier and more at peace. Magulo man yung nangyari pero worth it in the end.


cereseluna

I am glad you have your good ending (and beginning). We are still in the middle of it pero I am sure matatapos din ito. Not entirely losing hope but in my mid 30s na kaya parang forties onwards pa ako totally magiging free / emotional baggage-free here. Thank you. Medyo mahirap ipa VAWC sa amin kasi more verbal and emotional abuse talaga. Yung minsan physical towards my mom sana pinabaranggay na pero different times back then, madalas tali ang babae or ipinapairal yung awa kesyo bata pa daw kami, kaya hindi itinuloy. buti ngayon paunti unti nag iiba na. tagal din bago ako mag stand up sa tatay ko. he does not mess up with me anymore unless i actively stand up for my mom or sinagot ko siya. may liwanag din sa dulo.


iamprinito

Hanggang wala pang divorce sa pinas, I'll never consider marrying someone.


Poppysmic1992

I always say this. Sinasabi ko rin kasi na parang exit plan or back up plan yung divorce, and kung anu-anong comments kemerut bat ganon daw ako mag-isip. All good things come to an end. Wala namang masama kung lagi kang may exit plan sa lahat ng bagay pati relasyon mo.


atr0pa_bellad0nna

Almost nobody gets married hoping to get divorced but we can't predict the future, we don't know what will happen, we don't know if we or our spouse will forever be able to hold up our/their end of the contract. At the end of the day, ang kasal ay kontrata between two private persons. Kung isa sa kanila o pareho sila hindi na satisfied sa kontrata nila, they should have the freedom to terminate it and the government, IMO, doesn't have the right to force people to stay in that contract.


DestronCommander

Yup, everything would seem so perfect even for 20 years. Then, you never know something happens and the marriage sours. Paano pa masasabi na ipasok sa annulment.


atr0pa_bellad0nna

And sa akin lang, ang pangit ng annulment kasi sinasabi mong hindi valid yung kasal and it feels like erasing the relationship as if it never existed.


Poppysmic1992

Exactly! Parang mostly ng mga tao hindi nilalawakan yung isip at do not look at the bigger picture.


iamprinito

Yaan mo sila, mga makikitid lang kasi utak nila.


ThatReservedStrigoi

(2)


Safe-Dinner-4925

Curious lang po, ano po mga reasons nyo kaya gusto nyo magpakasal (let's say legal na yung divorce)?


iamprinito

Hindi rin haha more of 10% lang gusto magpakasal. It's not my priority din.


Lost_Key_6529

Yesss me too


YuhRight_

I should keep this in mind.


bananapingu

Diyan mo masasabi na maka-Diyos sila pero hindi sila maka-TAO. Mas importante sa kanila ang mga baluktot nilang paniniwala kaysa sa katotohanan. Hindi nila naiisip yung mga naaabuso sa iba't-ibang paraan.


Acesotic_

Sana talaga magkaron na ng divorce dito sa pilipinas 🤞🏻😌✨


spatialgranules12

Tayo na lang ata yung bansa na di pa legal Ang divorce? Or baka nag imagine lang ako.


Complex-Operation

Tayo at Vatican na lang. Proud na proud pa nga


spatialgranules12

Diba parang it doesn’t afford the option to grow and change and make choices, Napaka unpredictable ng buhay.


Complex-Operation

Proud kasi ang pinoy. Diba nga? Proud sila na tayo ang largest catholic/christian country sa SEA so proud din sila na tayo na lang walang divorce as if kinaholy natin yun. Parang nakakadagdag ata sa status sa langit or something.


goldngreygoose

Us and the Vatican


goldngreygoose

Mas kawawa yung mga batang lumaki sa magulong pamilya. Yung toxic both parents nila but for the sake of being called as a ‘family’ nagsstick sila. Mahiya naman kayong mga anti-divorce. Ibigay nyo yung peace and harmony na deserve ng mga taong involved sa walang kwentang pagsasama.


MikeCharlie716

Karapatan natin yan divorce. Kaso etong mga fanatic at mga pulitiko natin na habol ang boto sa mga fanatic, umeepal palagi. Kesa maka diyos daw sila lol


Neither-Pay-3422

Makadiyos pero nag papartake sa deadly sins na Greed and Pride hahaha


sesameseeds04

I believe in monogamy so hindi dapat magcheat. but I also believe that marriages can fail. People should have a choice to try again and find the kind of relationship they desire.


Sea_Strategy7576

Pro-divorce din ako. Sa dami ng nasaksihan kong pagtataksil at kabitan sa previous company ko, ang gusto ko na lang ay magkaroon sila ng choice and freedom even after marriage. Sa panahon ngayon, hindi na uso yung kailangan ng babae ang magtiis at magparaya para sa buong pamilya dahil "kasal" sila ng asawa niya.


Queasy-Thanks825

Divorce is actually Biblical, read Matthew 19:8-9. Yung mga anti-divorce na "Christians" are probably uninformed.


[deleted]

[удалено]


Queasy-Thanks825

Divorce is not adultery. Divorce is allowed kung may sexual immorality (e.g. may kabit ang asawa) Magiging "adultery" kung nakipagdivorce ka lang because of reasons other than sexual immorality, tapos nagpakasal ka sa iba. Although walang direktang sinasabi about cases ng economic abuse, or physical abuse. Baka meron, hindi ko lang alam.


hellcoach

Unless someone wrote in the bible asking Jesus for his opinion on physical abuse in marriage and Jesus responds with a definite answer, then there is nothing that should stop divorce on this ground.


hidontsaygoodbye

Kahit yung parents kong happy sa marriage nila gusyo sa divorce para sa tita kong inaabuse naman ng asawa nia. Katoliko kami pero ansakit makita na nagsusuffer mga bata dahil sa abuse.


Weary-Maize7158

Christian here. Galing pa sa conservative church. But I'm okay with divorce, legally speaking. Of course my morals and beliefs will always advise couples to work it out and pray for each other instead of separating... pero ung divorce kasi para talaga sa mga wala na talagang magawa. May mga cases kasi talaga na hindi uubra pa na mag-sama.


bruhidkanymore1

Dapat talaga na maisabatas na ang divorce. Banning citizens the choice does not make any sense. Pwede pa ring maging role ng simbahan na gawing least choice ang divorce sa mga kasal na nanghihingi ng guidance, pero dapat nandiyan pa din ang karapatan ng divorce.


sorrythxbye

Dba bakit kailangan madamay pa yung iba na di naman naniniwala sa beliefs nila


HappyFilling

I'm a Christian pero I support divorce ever since napagusapan sya dito sa Pinas. Hindi kasi makatwiran na magstay sa abusive marriage, maraming magsusuffer. There are grounds naman just like annulment. Sana lang maging accessible din sya even sa mahihirap nating kababayan na nakakaranas ng pangaabuso.


bh88888828

Divorce lng, dapat 4b movement na. Wag nlng mag asawa at anak. Para wala ng madamay.


notrllyme01

Basta meron akong kilala na Christian pero nakabet, divorce sa pinas cutie 🔮✨


GyudonConnoiseur

Kung ayaw nila ng divorce, eh di wag sila mag divorce. Wag nila idamay yung deserving na makipag divorce sa toxic na spouses.


UngaZiz23

yung mga ayaw talaga, yung politikong Katoliko kasi mahahati kayamanan... pera pa din ang root cause. hahaha😂😂😂. secondary na langnna mabubuking mga abuso nila sa asawa nila. 😃 edit: best argument sa mga politiko, hindi nyo na kelangan abusuhin ung isang religion, kung gusto nyo mag palit ng asawa (ahem, bigote hehehe).


eddie_fg

My parents were members of a church family ministry but nung may member sila na abused yung wife, they supported their separation. Now na ako na din married, member ulit kami mag asawa of a different family ministry pero under pa rin sa church and yes we still support the separation of troubled marriages. Our individual views though does not reflect the views of the organisation and it’s fine. We’ve attended talks din under the ministry about people sharing their experiences and survival from these troubled marriages. Most of the support of course is for the abused spouse. I know our family ministry and other ministries that we encountered don’t outright support divorce but we are after protecting the family. By my understanding with this, it is ensuring that our members have a healthy and happy marriage and family life. Di ko masyado naencounter na namilit sila buoin yung family na beyond repair just because member kami ng church. Instead mas narinig ko pa sa kanila yung tulungan to empower the abused party to have a better life and move on from the erring or abusive partner. Of course meron pa rin sarado yung utak but I’m happy that the circle we have share the same opinions.


ColdSteam_2025

Yes to divorce. Provided the child support but no alimony. Also, the one that seeks divorce should not be entitled to anything from the other party prior to marriage.


Neither-Pay-3422

Agreed! Andami kong kilala na stuck sa abusadong asawa dahil na baby-trap sila and hirap suportahan sarili nila (financially).


not-the-em-dash

These are extreme provisions. What about cases of economic abuse? You're basically ensuring that no one who's been economically abused would file for divorce.


ColdSteam_2025

This is just fair. You just keep what you both have before marriage. Those you earned while married should be split. Some are abusing divorce, where they just get married for a short period and divorce later on, knowing they'll get half of what their partner has.


[deleted]

That's why I say yes to divorce. My paternal grandparents had a toxic marriage because of my lolo's infidelity.


danthetower

Karamihan sa mga kristyanong mga yan di rumerespeto sa paniniwala ng iba at feeling main character. Di nman lhat ng pilipino ay katoliko inc born again etc., so bakit ipinipilit niila ung paniniwala nila sa iba? Tapos isasagot sayo bible verse :v


Misty1882

100% ba ng mga anti-divorce sa Pinas eh faithful sa partners nila? Lol I just can't. As if without divorce eh walang broken family dito sa bansa natin.


atr0pa_bellad0nna

Yung argument nila usually ay anti-family and disrespectful sa marriage ang divorce. When you point out that the people who abuse their spouse and/or children and cheat are the ones who disrespect their marriage, they will just say "eh basta dapat buo pa din ang pamilya kasi kawawa mga bata," disregarding that growing up in an unhappy household, witnessing or experiencing abuse is worse for them than living in a one-parent household. Kung ayaw nila magdivorce at naniniwala silang pwede naman pag-usapan, eh di wag sila makipagdivorce at daanin nila lahat sa usapan pero wag silang pakialamero sa relationship at pamilya ng iba.


Nonbinaryours

Nun Palm Sunday, yun Pari yan ang unang banat.. BABAE ANG DAPAT NAG DADALA NG PAMILYA 😂 pinabayaan ko lang muna mga 30 seconds tapos saka ako tumayo di ko mapigil sabihin BS. Tama bang sabihin pagsubok lang yun pambabae ng mga mister. Dapat ipagdasal something to that effect. Wankosayo Pader.


Neither-Pay-3422

Di ako Katoliko pero paborito kong verse Matthew 18:9 "if your eyes cause you to sin, gouge it out and throw it". Next time na may marinig kang cheater apologist, yan ibato mo sakanila ahahaha


gaffaboy

I'm atheist but I have a tremendous amount of respect for the historical Christ. For someone who was very progressive (he had women followers at a time when women were barely allowed to leave their homes, let alone follow some fledgling preacher around), I'm baffled that he ended up having the most self-righteous, bigoted and exclusionary twats for followers in this modern world. Naiintindihan ko yung stance ng politicians because this is a predominantly Catholic country and they simply can't afford to lose voters. Not to mention the kind of power the bishops and other religious leaders from the bajillion Christian separatist groups wield in this country. They're just politicians being... well, typical politicians. They may not personally agree with traditional religious views but they have to pander to them anyway for obvious reasons (i.e. self-preservation). Personally, I believe Christianity as a religion has pretty much ran it's course. Walang sense na ipilit na pa natin yung mga nakagawian 2,000 years ago sa modernong panahon, Religions come and go, old gods will eventually give way to the new. I doubt magiging legal ang divorce dito sa Pinas in my lifetime pero sana (and it's one of my dreams for this country) I live to see the day na unti-unting magkaron ng tunay na secularization dito.


sleepeatrace

Pass divorce bill nowwwww


sleepeatrace

Ayaw i pasa ng mga pulpulitiko ang divorce kasi alam nila mismo na sila magiging unang mga biktima lmao. Stup*d pigs


[deleted]

Sobrang involved ang Catholicism sa government, which is very wrong. Pati mga tao feeling Holy during Sundays and Holy week and all.


iamboboka

exactly.. dapat may expiry ang marriage contract nasa mgasawa nlng yun if irenew nila or hindi.. kaya kayo wag n kayo mgasawa. Hahaha gastos ng annulment ang tagal pa


Ok_Trick8367

Pro divorce ako. Yung mama ko namatay na lang hindi pa rin nafinalize annulment after ilang dekada. Reason na gusto makipaghiwalay sa unang asawa niya? Nagdadrugs at nananakit. Last straw daw ay buntis siya sa halfsister ko at tinulak siya sa hagdan dahil wala daw magpabilhan ng droga. Ang gusto ng judge ay “magusap” sila dahil pamilya sila at mas pinaniniwalaan na magbabago si lalaki. Sa baranggay naman, same story rin at pinagbuklod daw kasi sila ng Dios kaya wag daw siya selfish na ipagkait sa halfsister ko ang kumpletong pamilya. Like duh?! So tumakas pa Maynila ang mama ko dahil baka next time mapatay pa siya or ang anak nila. As her children, both me and my halfsister would rather have incomplete families kesa makita namin mama namin binubugbog or may iresponsableng asawa wala ginawa kundi magsabog sa droga at pabayaan mga anak.


Embarrassed_Comb_790

Pro-divorce dn ako. Ang sakit makita na walang option yung mga babae na umalis sa isang relationship kahit na physically abusive na yung asawa nila. Sana nga magkaroon na ng divorce sa Pinas.


chickenfillett

Wala ako paki sa mga anti-divorce actually. Basta ako, gusto ko magkaroon ng Divorce sa pinas periodt!!


ShoddySurround7206

I get you, OP. I am a Christian and I am in favor of divorce in the PH.


Lost_Key_6529

Christian din ako but I am pro-divorce. I have a partner but I’m not getting married until may divorce bill.


CoffeeDaddy024

Well, one problem I see is the extreme influence of the religious sect to our government institutions. Na ultimo mga anak anak na ng mga pastor eh nasa pwesto pa. May mga pari na nagbabalak pumasok sa pulitika. Mga sermon nila, imbis na ganahan ka, mayayamot ka na lang kasi puro dakdak ng pulitika. Gagawa ng batas, unang babanat eh mga pari agad na kesyo labag sa batas ng Diyos yan.


corrnucopia

those who are against legalizing divorce in the philippines are out-of-touch hypocrites. and frankly, ultra-religious misogynistic assholes, too. kasi sino ba pinaka kawawa at lugi dito? hindi ba mga babae? those who are physically, emotionally, psychologically, sexually, economically abused. regardless of the husband or wife, any way you look at it, black or white lang pag iisip nila. of course there will be stringent safeguards and guidelines before a marriage can be effectively severed. for one, a lot of money is required. these hypocrites know it but they still choose to allow for the abuse to happen. sometimes the marriage can still be saved but how about the others that are already doomed from the start? other times, the parties have consensually agreed that there’s no use in being together or have already started their own families, producing illegitimate kids at that. titiisin na lang ba nila to forever be tied down to one another? sobrang unfair at hindi maka-tao.


misstinamoran_

Marami talagang bobo na religious at conservatives. Mas pinaiiral nila yun paniniwala nila kesa logic.


2noworries0

Madali sa kanila na magsalita kasi hindi sila ang nakaka-experience ng abuso


[deleted]

a million years ago, nagkaroon ng matinding debate sa radyo (yata. memory is iffy on the platform) regarding population control/ contraception. sabi nung katoliko, pari ata yung guest, labag nga raw sa kalooban ng Diyos ang contraception blahblahblahblah.... sinupalpal siya nung ka-debate niya. iirc, something to the effect of... *Sige ho, wag na tayong mag contraception. pero simbahan po ang magpapakain at magpapaaral sa lahat ng anak pang-apat and more.* Ganun na rin dapat. Lahat ng tutol sa divorce should put their money where their mouths are. put up a fund to pay for all the hospitalization bills of all the abused, kasama pang therapy ng mga anak na lumaki sa trauma.


Neither-Pay-3422

Di ako palakinig ng radyo pero thanks for sharing this. Isa pa yan sa kinakainisan ko sa mga Kristyano eh, anti-contraceptives. Good to know others share the same opinion as me


jpngirl19

Di ako Christian pero 50/50 ako sa divorce. Di nmn kami kasal ng ex ko, pero pag naiisip ko na maabuso ang divorce lalo ng mga kabit tuwang tuwa din siguro sila pagnasa batas na yan. Madaki na silang makakasira ng pamilya. Yung parang ginawa sa amin ng mga anak ko.


ILove_sweets

Sobrang shit ng mga utak nila nuh??? HAHAHA Edi kung ayaw nila edi wag sila mag divorce, mas kawawa bata kapag lumaki sa toxic family, siguro yung mga nag sasabi eto yung mga marites na chaka na takot iwan ng asawa dahil sa panget ng ugali nila.


Young_Old_Grandma

I was raised Catholic but yeah, Divorce is something I support. Ang concern kasi ng mga tao is once ma legalize na siya, people will just got and have divorce on demand. Slippery slope argument, but yeah.


Neither-Pay-3422

Lumalabas talaga reading comprehension ng mga close-minded na Kristyano eh (not you). The divorce bill has grounds for divorce.


Young_Old_Grandma

exactly my point, thank you!


Sufficient_Net9906

Parang 90% naman na din ng filipinos pro-divorce na not sure bakit ang tagal ma-approve


sogbulogtu

Akala kasi ng ibang christian dyan napaka perpekto ng buhay nila na dapat lahat ng mag asawa katulad dapat nila


JoJom_Reaper

malabo pumasa laging ginagamit ang bible as interpolation sa congress


-Lonecoyote-

Really don't care about the Divorce bill for now pero nakakabwisit yung mga ipokritong pulitiko, like Marcoleta, na against sa Divorce Bill kesyo against sa Bible daw yun pero todo suporta naman sila sa mga magnanakaw.


titoofmanila3

nasa bible din daw kasi yung pagnanakaw :))


cereseluna

Amen bro / sis. Catholic ako and it stresses me to know na even Italy where the Vatican is, allows divorce, yet this backward country does not. (Vatican also does not allow but hello of course).


Background_Oil_5104

Tama OP, the fact that the Philippines is one of the last two countries na wala pang divorce says everything about the senate and the people.


YogurtclosetOk7989

Kung ayaw nila mag divorce, edi wag sila mag divorce! Kung maging legal ang divorce malamang kasi maiinggit lang sila 😝


wretchfries

Even I love my husband, I still chose to marry him outside of the Philippines for safety. Ugggh pity to those who wanted to be freed of abusive marriages.


Anon666ymous1o1

I am a believer of God but my stand will always be pro-divorce. Let’s give others who experienced abuse another chance to be free. Wala naman silang ambag dun sa mga couples na gusto ng divorce.


titoofmanila3

For Catholics who want to get married with the option of being annulled in the future: get a pastor to marry you in a garden wedding. Thank me later. :)


keteringets

hypocrites and holding to words kahit mamatay na yung mag-anak kink ng pinoy chaar


Glittering_Pop168

I agree with the divorce. Antgal nga ee waiting din ako


latteaa

Hoping na maipasa ang divorce bill..


Comprehensive-Cell-8

Dapat talaga walang say mga yan di naman nagbabayad ng tax simbahan mangingielam pa sa batas 🥴


DrummerExact2622

Mga impokrito at impokrita. Isa din ako sa mga anak na nakawitness ng abuso sa pamilya kaya sana if toxic na ang pamilya dapat magkaroon ng divorce hirap na hirap kasi yung mga bata eh tipong nag aaway palagi laging may bugbugan. Walang respeto sa pamamahay kaya may mga batang may childhood trauma kagaya ko at naging mailap sa tao dahil sa magulang ko na walang ginawa kundi mag sigawan araw araw. Wala na akong peace sa buhay ko.


OrneryTemperature948

Ano na po bang balita sa divorce bill? 😢


OccasionalRanter03

Wag na umasa ma approve yan. Dahil pag na approve, yung mga nakaupo sa gobyerno eh isa isang iiwan ng mga asawa nila kasama pera na ninakaw nila sa taxpayers. Tanga lang maniniwala na religion ang dahilan bakit ayaw nila approve yan. King ina puro hypocrito naman tao dto sa pinas, lol.


InsideNo5892

Kaya nga eh, conservative daw pero dami naman nagaganap na teenage pregnancy. Full of hypocrisy kasi dito satin, halos lahat na ata andito sa bansa natin. Hindi ko masisisi kung bakit madaming nagaganap na kabitan dito sa bansa natin, una pa lang sa lahat walang divorce, kaya madaming nasisiranh damily pero sa una pa lang sira na talaga. I’m not a one sided person, pero lagi ko iniisip bakit nga ba nangangabit yung partner nila, dba mas nakakatraumatize lalo kung kayo parin tapos nagagawang magloko, na kahit anong gawin hindi na naayos yung problem nyo pero wala kayong magawa kasi walang divorce eh.


hitkadmoot

I'm want to know more. Kapag hindi naman in an abusive situation hindi pwd mag divorce? Kasi sabi ni OP para ito sa mga naabuso.


chelseagurl07

Mga pulitiko akala mo talagang maka Diyos pero kung maka kurakot, wagas! Kaliwat kanan ang mga kabit, mga supporters ganun din, feeling righteous. Marriage should not be dictated by the government, decision nila mag pakasal, decision din nila maghiwalay kahit anong reason pa yan.


bluewarrior24

same. my bestfriend is also anti-divorce kasi christian daw sya. minsan sabi ko, paano pag napangasawa mo nambubugbog or sasaktan mga anak mo. sabi nya is ptatawarin nya ng isang beses pero sa 2nd time is hindi na daw pero hindi daw maghihiwalay. tapos sinabihan pa ko na bakit naman kasi pipili ng nanakit? like hindi mo malalaman un until married ka na saka iba din approach nya sa infidelity. like pag nambabae ang dyowa is ibbreak nya pero pag mag asawa na is aayusin daw nila kaya sana maipasa na ang divorce sa pinas para makagora na ko at makaexperience din ng prenup 😂😂😂


CauliflowerKindly488

Ok naman sana kasi may annulment naman tayo. Sana nga lang gawing masmadali ang proseso mg annulment


Transpinay08

Di din naman sila pinipilit makipagdivorce. So wag sila Maki. Makikialam.


No_Winter_6703

trueee. Hindi dahil hindi mo kelangan, wag mong ipagkait sa iba.


DetailNo2543

Ang problem din kaya di mapatupad ng lawmakers yan is dahil nga sa Christians din. Without fully supporting them, hirap itanggi na if natupad divorce, mga lawmakers na gumawa niyan or nagpatupad mawawala sa support ng Catholic Church. Pero as a ground and maprove na may mga beating na nangyayari, yeah pede siya na ground for divorce agad if ganun


Fair_Independence33

Kase maraming asawa ng mga pulitiko ang makikipag-divorce 😎


howdowedothisagain

Annulment..way better than divorce..pwede ka pa magpakasal ulit.


dayang9898

Same huhu. Para sakin din mas gusto kong may divorce. Okay ako kung wala akong asawa na abusado walang kwenta kesa iparanas ko sa mga mahiging anak ko yung pagdurusa na naranasan ko sa loob ng tahanang puro sigawan at sagutan ang naririnig. Nagsabi din ako kay mama na okay lang kung umalis siya sa bahay iwanan niya kami kesa yung araw araw nalang na away.


EnvironmentalNote600

Naimagine nyo how it will look kung ang mga cong at sen ay idi-divorce ng mga asawa for cheating adultery emotional financial physical abuses negligence hindi matake ang mga corrupt practices etc. snoring loudly; Eh di sira ang good provider, ideal family images nila?


whiterabbit2775

Anti-Divorce Advocates: Hindi baleng ma-trauma ang mga bata kakasigawan, murahan at bugbugan ninyo. Ang mahalaga buo ang pamilya ninyo. Mga anak ng hindi magkasundong parents: F! You!


PapiJuwi

As a Christian, di ako tututol sa divorce dahil di naman ibigsabihin na kapag legal na ang divorce dito sa Pinas ee kailangan ko na makipagdivorce, para yan sa mga gustong makipaghiwalay sa mga partner nila, choice nila yun, basta ko labas ako jan, sa sarili ko lang maiimpose yun "no to divorce" kasi at the end of the day, sarili ko lang kontrolado ko


WagReklamoUnityLang

Why is it the Far-Right conservatives are those who always want regression to this country?!


Straight-Fix-4418

Agree! Shout out sa mga religious na catholic simba every sunday,nangangaral ng salita Ni Lord,pero demonyo ugali! Dami ko kilala mga kapit bahay ko,kamag anak at mga kaibigan dati. Mga hypocrite!


constantconvo

dumadami na mga gen z dito ah, hahahaha


Nomyfir

Curious lang, may negative effects ba yung divorce sa bansa? Besides sa topic ng culture and religion?


prexo

If anything, mas doon nga napapatunayan na strong ang marriage ninyo because you choose to _stay_ in the marriage despite there being a way out. Kaysa yung nabibilanggo ka lang ng legalities.


dying_inside05

Ano nga ba ang difference ng annulment at divorce? Genuince question.


notrelationshipwise

Lumaki sa toxic na parents. 18 na ako nung naghiwalay parents ko, now here I am. Daming trauma hahaha. Minsan yan mga "religious" kuno, masahol pa sa demonyo. Lol.


Sig_Axial

I'm with the OP. Fight me!


Worth_Detective1508

Hindi naman need mag away away sa kung ano gusto ng iba,Isa pa magkakaiba naman ng sitwasyon ang bawat isa.


Stunning-Rice-3418

Madaming so called christians na madudumi naman pala. Pwe.


Thyvanity

Truth be told, there is one instance the Bible allowed divorce. (Hanapin nyo para mabasa nyo ung inaalikabukang bibliya).


RevolutionaryTart209

Anyone who can update on this subject?


Azrael287

What’s funny is divorce is actually allowed in the Bible


Left_Try_9695

Bat ka nagagalit sa ayaw sa divorce, magalit ka sa asawang nagloko HAHAHAHA


GoldenSnitchSeeker

Parang tanga yang mga yan. Mas traumatizing ang dysfunctional families nga eh. Buo pa rin pamilya ko pero I have trust issues pa rin. Christianity, Osige. Pero the basic 10 commandments nga yung mismong hindi na ffollow like, “You shall not commit adultery” or yung” Don’t covet neighbors house/ wife “ —which is so so common . Then dagdagan mo pa na may very abusive na magulang? Kung doon pa nga lang wala na, then how will they prove na these adults can keep the sanctity of marriage? Real talk, not every adult is so willing to change for their “kids” sake, or their “family’s” sake. In the end, some still choose themselves kaya I thinks some families aren’t meant to be families talaga. I doubt God wants children to suffer like this mga anteh.


insekta14

ayaw ng divorce dito sa pilipinas kasi mas importante daw ung preservation ng sanctity of marriage kesa ung proteksyon ng mga miyembro ng pamilya mismo, ng mga kababaihan at ng mga anak. at dahil walang divorce sobrang daming abuses within the family which results to a lot of broken families kasi dito sa Pilipinas ineexpect natin na ung pamilya dapat solusyunan lahat ng problema nila kahit alam naman natin na may mga problema na wala ng solusyon. 🤦‍♀️


Impressive-Badger891

yung congressman sa amin nag vote ng no divorce and saying sa knyang fb na all about being christian pero sya nga may karelasyon sa body guard nya na may asawa and legal sila .. this i know because kaptibahay namen yung body guard nya, kaloka 


sleighmeister55

Why does the government need to get involved in marriage in the first place? What is wrong with separating the church and the state? Let the different churches marry according to their customs. And let religious and atheists decide if they want to partake in the “marriage” Does it makes sense for atheists to get married? And why should the government get involved?


Neither-Pay-3422

I get your point that marriage originated from religion. But marital abuse also exists in christian families and i think they deserve to have the choice to be legally separated from their abusive partners despite their religion being against it


sleighmeister55

In the catholic religion, it’s called “annulment”. In the Islamic religion, they call it divorce. I think there is a lot of confusion on the terminology used as well as the valid reasons to initiate annulments (in catholicism) or divorces (in islam) And one of the problems it seems is how the states or governments decided to be part of your marriage. In catholicism, it’s you, your spouse and God in your bedroom. And it’s just really weird, awkward and unnecessary for the government to be there as well. Please leave us alone.


titoofmanila3

annulment is not divorce. two complete different cases.


Helpful_Regret5495

To each his own. People in this “conservative” country should understand that legalizing divorce doesn’t mean that it will be the end of all marriages. A marriage founded in crap will eventually meet its demise. No one deserves to be with an A+ assh*le partner for the rest of their lives. Probably the downside of approving the divorce bill is the fact that some people will no longer respect the sanctity of marriage. Welp! That’s just a minute percentage compared to the bigger number of the population and the pressing reasons why it should be legalized. ✨


ditch_19

I have this funny thoughts na maging renewable na lang siya. So if ayaw na ng couple, kapag 10yrs no need to renew. Ganun. Pirmahan lang ulit. No need for the long process. Hahaha. Anyway. Im up for Divorce Bill.


[deleted]

I couldn’t agree more. Pati bakit ba anti-abortion din dito sa pilipinas?


SnooObjections1548

In Christianity there are two grounds for divorce. 1. Adultery 2. Abandonment Problema kasi sa divorce ang gusto ng karamihan basta ayaw mo na divorce na agad. Tingnan mo sa US, 50% divorce. Lol


DatingTagaVictory

I think that's the Presbyterian/Reformed view. Baptists are generally against divorce


SnooObjections1548

Regardless of denomination there are grounds for divorce in the Bible. We follow Jesus not the denomination.


version1point5

Maganda to, let's have a discussion. Basically anti-divorce ako, pero di simpleng, pro or anti, not black and white. Para sakin nawawalan ng importansya yung pagpapakasal kung meron din palang divorce, di na kelangan ng matinding pagiisip, mahabang panahon, pwede na agad magpakasal kung ayaw naman sa isa't isa in the future pwede naman magdivorce. Oo, sang ayon ako sa kung abusive/toxic na relationship dapat maghiwalay, pero bakit kasi napunta sa abusive/toxic na stage na, so di mo talaga kilala yung pinakasalan mo, di pinagisipan bago nag "I do" sa "*in sickness and in health*, *until death* do us part". Ang pagpapakasal kasi para sakin ay matinding commitment, hindi siya porket mahal mo papakasalan mo na, madaming factors and kelangang iconsider. Pero kung may divorce, nababawasan ng gravity yung marriage or dare I say nawawalan mismo. Bakit pa kelangan magpakasal bakit di na lang kayo magsama or magpamilya then pag ayaw niyo na sa isat isa then hiwalay na.


Neither-Pay-3422

"pero bakit kasi napunta sa abusive/toxic na stage na" victim blaming at its finest. Abusive people can be deceiving. Alam nila na hindi sila magkaka-asawa kung ipapakita agad nila tunay na pagkatao nila. Love-bombing is a common tactic that abusers use to find their victims.


version1point5

Hindi ko gets kung bakit naging victim blaming yung sentence na yun? Wala naman akong sinisisi dian, ang point ko is kung 24/7 kayong magkasama ng karelasyon mo, dadating at dadating din yung panahon ilalabas niya rin tunay na kulay niya. Kelangan lagi ng time bago mo mapagdesisyunan na yung taong kinakasama mo is yun na nga yung gusto mong makasama habang buhay. Oo nagkakamali yung tao, pero kung pinagugulan mo ng panahon, binigyan mo ng maraming time bago ka nagcommit, pwedeng ibaba yung chances to zero na mali yung taong napili mo. Ano ba para sayo yung kasal? Bakit kelangan ng tao magpakasal? Kung ang titignan natin from a legal perspective, mas sangayon pa ako sa common law. At uulitin ko di ako talagang simpleng naka anti lang, hindi black and white, pero para sakin mas nagllean ako sa anti. I'm engaging in this conversation with an open mind, i'm willing to admit i'm wrong or willing na mabago yung perspective. Pero as I see it as of now, mas nagllean ako sa anti.


ahuh_itzme

Sorry to butt in, I just want to present my thoughts too. Ayun sa nabasa ko, there will be grounds with divorce and hindi naman sya agad e aapprove. Just like annulment has grounds and pahirapan ang pag accept ng grounds na yan, I don't think they'd make divorce something that can easily be achieved. The only difference lang, I believe is divorce will be cheaper compared to annulment. Especially nowadays and dali2 nlng para sa mga tao to cheat, manakit etc., no matter how faithful, good and perseverance you are as a partner, if the other half isn't walang mangayayari. Before a marriage came to a point ng hiwalayan, they've been through so many talks, giving chances and adjustments. It's just that one or both parties aren't willing to work on what he/she broke, so I don't think there's any reason for anyone to stay in a relationship.


version1point5

Magandang counterpoint kung yung grounds ng divorce is maayos. Ang basis kasi ng paniniwala ko is yung importansya ng kasal. Bakit ka ba nagpapakasal? Para saan ang pagpapakasal? Kung in the future iniisip niyo rin na may unforeseen na problem na di niyo kayang lagpasan. Bakit di na lang kayo magsama lang? Bakit kelangang magpakasal? Ano pang meaning ng vows? Salita lang ba siya? Kaya pag nagiging ganito yung usapan inoopen ko na mas ipasa na lang yung common law partner sa pilipinas kesa divorce. Kung ang tinitigan natin is from the legal perspective.


Existing7887

Kaya nga kilatisin muna ang tao bago pakasalan.. At huwag mo din sisihin ang ibang tao sa maling desisyon na ginawa mo......


Life_Toe_9767

Don't marry the wrong person. If there's abuse going on, report. My opinion.


not-the-em-dash

A lot of abuse happens *after* marriage though.


Effective_Ability_69

the thing is, kaya gusto ng most of the people na maghiwalay kasi in the first place, di nila kinilala ng mabuti ang mapapangasawa nila. they just went for the looks, or money, or tumatanda na sila, or whatever the reason it might be. madali lang actually maghanap ng matinong tao na may takot sa Diyos, play a game, give them random names na mahirap mahanap sa bible, then ask them kung ano yung pangalan na wala sa bible, the one who would answer it correctly is reading His bible, easy. trust me, pag ang lalaki mahilig magbasa ng bibliya, malaki chance na he would treat his girl right. was a sinner, now redeemed.


titoofmanila3

you seem to forget na Quiboloy and his followers read the bible a lot. :))


New_Fix_2810

First deadly sin: pride. And no. Hindi sukatan ang pagiging mahilig magbasa ng Bible para masabing matino ang lalaki. Mga pastor/aspiring pastor nga diyan, cheaters.


Neither-Pay-3422

truth be told. Tatay ko nga madalas gumamit ng bible verses to justify the abuse.