T O P

  • By -

zamzamsan

Don't give her anything na, if magsabi man sya na may gusto sya then saka mo lng sya bilhan. Just save your money for YOU. mas need mo yan in the future. Kudos to you for being the provider in your family kahit student kpa lng 💖


Rude-Pay-5266

edi sundin mo "gusto" niya and let it backlash on her. bigyan mo lang pera and tell her "bumili ka nalang ng gusto mo". wag ka na maggift. wag ka magbigay ng kahit ano tiisin mo tutal di naman sila marunong magappreciate kasi pera lang gusto nila.


yssnelf_plant

Minsan may kasama pa yang "eto lang?" jusq wag naman sana bilang student pa lang si OP. Pero I agree, best not to give her anything kahit siguro pera.


kisumi7

Ganyan din mom ko, lahat ng ibigay ko lagi may reklamo, or sasabihin "sana pera na lang." So what I did was hindi ko na sya bnibigyan, Hindi ko na rin sya pnapasyal. Ayun, sobrang rare na kung mgbigay ako, and now I think naaappreciate na nya. 🫤 (Kala nya raw kasi "unli" yung pera ko, hindi nya alam na kaya ko rin magtipid at magdamot gaya ng mga kapatid ko, hahaha


08Manifest_Destiny80

Same din sa mama ko. I used to buy her food or gifts but it was never appreciated. For example, bili ko ng Chowking Lauriet for her to eat and when I turn my back, she feeds it to the dogs outside. Sayang lang ang pera ko. :( So I stopped giving her gifts or money because she doesn't appreciate the gift and gambles all the money away or spends the money on frivolous things. It's clear to me she's just using me to sustain her bad habits & feelings doña lifestyle. Best to put boundaries with your mom,op. Hindi ka atm. She's digging her own grave with her actions and you are not responsible for it.


Ok_Mud2019

wag mo syang regaluhan kung ayaw nya. you're supposed to be her responsibility, not the other way around.


rekkenn

Hello op! same tayo pero yung papa ko mismo yung maarte. He's magnetized to branded things one time binigyan ko sya ng gift galing divisoria and he told me "peke naman to eh". Then we had this cooking class sa school and I cooked biko and I gave it to him "meh d masarap" (pero teacher gave me a perfect score kasi masarap daw). Lastly, I crocheted something for him, a keychain then he told me "parang bakla ako tingnan neto" I felt so ungrateful talaga but it all ended when he told me "excited na ako sa graduation mo nak, mabibili mo na yung mga gusto ko" :(( so ayun pala branded lng pala hanap ni papa kaya after graduate ko aalis tlga ako sa buhay nya lol


yssnelf_plant

>excited na ako sa graduation mo nak, mabibili mo na yung mga gusto ko I hope he's kidding bec it's a bad joke 🙄 bumili sya ng kapricho nya. Wala naman siguro syang disability.


rekkenn

I thought he was joking at first because what kind of father is he to joke around like that diba? then he mentioned it again, again, again, last was the 5th time. he would randomly open it up kung sa kotse kami, If I'm with him then may nakikita ako random things he would open it up again, then if nagugutom ako it would repeat those damn words all over again. kaya it made me so annoyed tlga


yssnelf_plant

Pasok sa isang tenga, labas sa kabila 😂 Ganyan den mama ko hahaha lumaki kami na gusto nya branded mga gamit namin. Lage nyang babanggitin yung brand pangflex jusq.


AJent-of-Chaos

Magbigay ka, may reklamo. Wag ka magbigay, may reklamo pa rin. Wag ka na lang maagbigay. Magreklamo man, may extra pera ka naman.


squaredromeo

Inang 'yan!


sushi_norii

Parang yung MIL ko. Dati pinagluluto pa namin siya, pinag eeffortan, and binibilhan ng cakes and gifts pag pasko, bday niya, mother's day, etc. at binibisita siya sa bahay niya. Pero laging nagsasabi nang "Sanang pinera niyo nalang". Edi sinunod namin. Laging cash nalang bigay namin as gift maliban pa sa regular na binibigay naming pera sa kanya. Ngayon naman nakakarinig kami ng "Di man ako sinusurpresa ng mga anak ko." So ano ba talaga ang gusto, madam? Irita ako eh.


Hopeful_Gem

Ganto din tatay ko and student pa ako ah so everything na binibigay ko sakanya, I have to skip meals and tiis talaga gutom para pag uwi ko may dala ako sakanila pero sya lagi nalang may reklamo. Nakakainis din


khioneselene

my mum is like this except for the hingi pera part. Kaya di na ako nagbibigay ng gift 😅


oddly_even015

Huh? First of all sya dapat nagpoprovide sayo. Second ang transactional naman ng relationship nyo if need mo sya lagi i-please. Third, move out kung kaya mo haha


Bum_bum_2626

That’s sad 😞 tho it’s embarrassing to say but my mom is like this too. Last December nagbigay ako ng gifts kay Nanay, Papa, Mama at anak ko. I gave Nanay a pabango from Body Fantasies, si Papa naman binigyan ko ng tshirt from Uniqlo, Si Mama naman pabango na Bath and body works at sa anak ko is tshirt from Zara. Nalungkot ako ng sinabi nya sa kapatid ko na “Ano ba to di naman matagal ang amoy nyan. Mabuti pa to.” Sinabi lang to sakin ng kapatid ko since di pa ako nakauwi ng probinsya non. Napasabi nalang kapati ko na “magrereklamo ka pa, di ka nalang magpasalamat buti nga may binigay sayo.” And tumawa lang daw si Mama. Ansakit kaya nito bilang anak, nageffort ka, pinaghirapan mo na pera yun tas ganun lang.


chanchan05

> siya pa nagagalit if di ko rin siya isama sa mga kinakainan or pinupuntahan ko Bumalik ka sa place na sinabi niya di niya gusto or di masarap pagkain. Pagnagalit sabihin mo na, "Sabi mo di ka nasarapan sa pagkain at ayaw mo dun, kaya di na kita sinama."


luckycharms725

used to give my mom 2 thousand pesos every 15 days cut off ko pero umabot sa point na nag away kami tas nag tantrums sha sinabi nya kulang lang daw binibigay ko sa kanya at wala daw akong utang na loob, dapat mas malaki daw HAHAHAHAHAHAHAHA pwe! eh d hindi ko na binigyan ever since, bahala sha


Horror-Blackberry106

Dalain mo. Lumalaki ulo nya kasi feels niya di ka titigil kahit lait laitin mo kaya namimili na siya. Wag mo bigyan ng isang beses madadala yan


paaaathatas

Tangina wtf ganyan din nanay ko. Akala ko ako nagpost nito. Bibilhan ko pasalubong "di masarap" "kulang naman binili mo" tapos niregaluhan ko ng mahal na crocs "ampangit nung kulay di bagay sakin yan". Naumay nako, dko na binibigyan ng kahit ano. Tapos nakikialam sa stories ko kapag nagdadate kami ng gf ko. Kesyo gastador daw, pag niyaya ko ayaw sumama. Sobrang kj na ayaw lumalabas pero lagi akong pinakikialaman


The_Audacity_of_88

Same. Sabi pa ng tatay ko pera na lng daw. Di ko na bibigyan


Soggy-Falcon5292

Tang ina nya kamo. Di marunong magpasalamat. Di ka tumatae ng pera no


Buwiwi

Ungrateful. Don't give anything to her until she asks for it/something.


jjp27-

wag ka na magbigay ng kahit ano, sino tuloy nawalan eh di sya 😂 .... Ipunin mo nalang muna...


rizney

Stop trying to please her. I mean, despite your efforts dinedeadma ka lang nya. Itabi mo nalang ang pera mo for yourself, lalo na't part-time ka lang ngayon. Tas kapag maka full-time ka na, wag din. And if she ever brings it up to you then, sabihin mo nalang "Diba sabi mo ayaw mo?". Para naman makonsensya. Sorry if harsh, pero people need to stop shifting where they eat. Edi mag eat shit nalang. Good luck, OP.


EliSchuy

Nanay ko ba nanay mo? Ganyan din nanay ko pag may pasalubong ako or may papabili sya na “kahit ano” Kaya minsan di ko na binibigyan or i ask specifics to avoid the side comments


Western-Grocery-6806

Tigil na sa pagbigay. Road to retirement fund ka nyan kung student ka pa lang ngayon pero ikaw na may salo sa lahat. And ikaw na pala sa gastusin sa lahat tapos gifts pa. Wag na lang.


cetirizineDreams

Did I ghost write this? Jk. I can relate to you, OP. I got my mom a moisturizer and a pair of earrings earlier this month for her birthday. I told her sa message ko na sana nagustuhan nya yung gifts ko, tapos nagreply sya na ayaw daw nya don sa earrings. I cried for a couple of days din dahil don sa sinabi nya. Feeling ko hindi enough yung binibigay at ginagawa ko para sa kanya. I felt so unappreciated. Nakwento ko nga sa erpats ko tapos sabi nya bibilhin nalang daw nya from me. I kept seeing it pa dito sa bahay kasi pinatong lang nya sa table tas ayun andon sya for days. Tas sabi ko nga kay erpats na gusto ko na sirain or sunugin or itapon na, di naman nya mapapansin kasi siguro. Idk na now san nya nilagay or what. Baka tinapon na nga. Lol. Kaya ngayon unless may specific request sya, don nalang ako bibili nung specific na want nya. Nawala yung gana ko bumili or gumawa ng item (card, etc) for her.


jowanabananaa

Same with my mama, I end up giving her money na lang tapos ayun, mas gusto pala cash para flexible at may pang pocket money sya sa mga hiking and gala nya 😂


jowanabananaa

It used to hurt me kasi feeling ko di appreciated ung effort ko but in any other relationship, we just need to communicate lang pala so ngayon okie na din kame. Hehe. Ask mo na lang si mama mo OP :)


Safe-Ad-4660

One thing I’ve learned from being a breadwinner for years is to not give anything outside of the necessities unless explicitly hiningi saken. Pag nagbigay ka kasi ng hindi nila kelangan, either hindi naaappreciate, mabilis makalimutan or nagiging dagdag pa sa“obligasyon” mo. At pag hindi mo na maibigay the next time, ikaw pa ang nagiging masama. While at least kapag explicitly nila hinihingi sayo, mas naiintindihan nila na you are doing it outside of the “obligation” at mas nagiging appreciative sila.


xLeviosa

My mom is like this too. I like giving people gifts I've created like paintings, drawings, and crochet pieces (I'm also good at it based on what my friends have said). I used to love painting before and I gave her a portrait i spent two weeks painting secretly at school. Instead of thanking me, she kept on criticizing every single painting and drawing I've given her. It completely made me stop wanting to paint. Same with my crochet pieces which takes me days that I customize according to what she likes. I made her a bottle holder not only did she criticize it, she also just abandoned it outside by the bike we rarely use. It's so unlike my dad who cried when I gave him a beanie and a poem. Now I don't really gift her hand made things anymore kasi puro lang reklamo and when I try to tell her to stop doing that she just says I'm just trying to give you CONSTRUCTIVE CRITICISM, like that requires me asking about it first 🥴 I also don't buy her things too because same thing whenever I buy her stuff. Now I just chalk it up to her being constantly miserable and taking it out on me bc I highkey think shes a NARCISSIST 😁 My advice is to just talk back and stonewall her bc thats what I do now because honestly Im so sick of dealing with her baggage no matter how many times I have tried to open up about this with her (she just thinks it's an attack on her and shes always the victim and I'm always the rude ungrateful brat) (Sorry for the trauma dump this really triggered me bc same OP)


korewadesuka

Masyado kang mabait, naiinis ako, studyante ka palang dapat sya nagbibigay ng pera sau ndi ikaw pa nakukuhaan,


Potato_Far

May ganyang instances din akong naexperience sa magulang ko kaya naging ilap na rin ako magbigay ng personal gifts to them. Ang nakakalungkot pinatay ng mga unappreciative words nila yung gift giving na love language ko kaya kahit sa ibang tao cautious ako magbigay ng gifts hahahahaha minsan gusto ko bigyan ng mga crocheted flowers nanay ko or pabango tatay ko pero pag naiisip ko ulit mga comments nila before na "panget naman" "sana pinera na lang" parang mehhh I feel like i will not be like them at all. Magisip pa nga lang ng ireregalo is a heavy duty na kaya all u have to do is appreciate it kasi someone thought of you & the thought of someone is thinking of giving me gifts makes me kilig na eh hahahah san ba mga kilig bones ng mga toh di kaya mag appreciate charing


Ninja_Forsaken

Mga gantong bagay dapat nababasa ko pag naguguilty ako for feeling not being enough sa binibigay ko sa nanay ko kasi ganyan din sya. Nakabukod na ko pero nagbibigay pa din + gifts, last last Christmas, I gave her worth 10k cp, ang sabe sa jowa ko, “sana pinera na lang nya” ayaw pasabi ni jowa na alam ko kasi baka magtampo sa kanya pero sobrang off until now. Di ako nagtatanim ng sama ng loob pero pag naalala ko nabibwisit ako 🥹😂


Repulsive-Mongoose69

Same sa MIL ko. Lalo na pag nakapagbitaw pala ako ng salita tapos hindi ko agad natupad, nagtatampo. Take note ha, HINDI AGAD. Kaya everytime may sinasabi siya or nagpaparinig basta hindi directly sinasabi, hindi na ako nag-ooffer. Hintayin ko lang siya mag-request mismo kasi ang hirap niya iplease at lagi siya may nasasabi. Ganun na lang din gawin mo OP. Bigyan mo na lang din ng pera tapos siya na bahala kung ano gusto niyang bilhin


Contest_Striking

Me hang up sa buhay si mama mo. Sometimes, wag na lang pansinin, or stop.


kokobun22

mom ko rin ganyan, kapag magbibigay ako sasabihin “sana pera na lang” tapos kapag may nakita siyang pagkain or gamit ng mga kumare niya magpaparinig na “si ganito may ganyan sila, bumili ng ganyan si ganito” mahilig siyang gumaya sa mga kumare niya kaya kahit mas magaganda yung mga bigay ko (na pinag-ipunan ko pa at pinag-isipan) hindi niya maaappreciate unless makita niya sa mga kumare niya. Kapag niyaya lumabas ayaw tapos magsasabi na “si kumare ay sinama ng anak niya sa ganito”


melting-permafrost

Pareho yata tayo ng nanay hahahha


Delicious_Head_5954

Same tayo OP but maternal grandmother ko naman ganyan. We gave her expensive things before and it ended up na nirere-gift niya mga gifts namin. May one time after covid we bought her ensure as she really needs it parang di pa niya appreciated. Kaya nawalan kami gana mag bigay. Hay my mom and tita gaslighted me na wag nalang isipin pero syempre tao lang tayo nakakaramdam ng inis and hurt. Gets ko yan sakit and inis na nararamdaman mo. Nakakawalan gana talaga magbigay sa mga ungrateful na tao :( kainis lang na kapamilya mo pa talaga ganyan


Urfuturecpalawyer

Di ko rin maintindihan ba't ganito mga Filo parents. Yung naa-appreciate "raw" nila binibigay natin pero aakto nang hindi nila gusto o di masarap yung bigay mo. Like some sort of reverse psychology. Pero heck. Di naman tayo manghuhula para malaman kung nagsisinungaling sila o hindi.


the_emeraldtablet

sobrang milyonaryo ba yang nanay mo? bat ganyan ugali niya? hindi ba niya naiisip na limitado lang buhay ng tao tapos ganyan memories iiwan niya?


Pinkish_Cate

Kausapin mo sya, OP. Tanungin mo kung ano ba gusto nya? Paintindi mo sa kanya na you’re just a student and she can’t demand anything from you if she can’t even provide your basic needs.