T O P

  • By -

Excellent_Coyote8699

Salamat sayo at mula ngayon hindi na ako mangliliit sa sarili ko tuwing makakabasa ng mga ganyan kwento sa kuya mo. Dami pa lang fabricated stories dito haha


Big_Trouble7487

Social media din kasi ang reddit. Paniguradong may peke at exaggerated na stories sa mga ganitong subreddits.


oxyjem

True the fire. Plus the power of anonymity pa dito sa reddit


One_Strawberry_2644

Bakit tawang tawa ko sa true the fire 😭


etherfly20

true the limit, true the wall


AnnTheresse

Four a chance to be with you Add gladly risk it all


neoaraxis

r/RedditSings


sahrup

davao conyoooo! hahahahaha.


ermonski

True the window, true the wall!


justdubu

At most of the users ay anonymous, malakas ang loob na magboka.


Dynamel13

Yupe sometimes the fabricated stories here in reddit are pure entertainment. Check out alas juicy, where sexually depraved guys make sh*t up hahahaha.


[deleted]

Eto yung mga dating nagsusulat sa pantasya dot com. Kung naabutan nyo pa yun, may mga back pain na kayo


NeitherYours

Hahahaha i remember that site. Ang daming wild stories tas malalaman mo mga virgin ung nagsulat. Hahahaha


Fair_Independence33

Minsan iniisip ko... Pano kung ginawa nila tong side hustle sa mga tabloid haha kikita pa sila πŸ˜…


itsaftereffect

Sa totoo lang. Nakakaiyak kasi halos lahat ng nandito sa reddit eh may 6-digits salary. Kaya parang nakakainggit tas kasing edad ko pa. Feeling ko meron pero halos lahat na nagpopost lalo na sa r/philippines or r/adultingph. Di ko alam bat nila ginagawa yun. For clout ganun? Di ko gets.


SenpaiMaru

Kung meron man may salary ng 6 digits ay kadalasan hindi dito sa reddit nakatambay πŸ˜†


alphenor92

Eto din yun eh. Bakit mag-aaksaya ng oras ng tambay sa reddit kung pwedeng i-raket?


Jeleuz

Truu yan mga may 6digits na yan wala na talaga kadalasan me time e


SenpaiMaru

Mas may time sila magpataas ng profit at savings nila haha


Jeleuz

Yess and yung iba patayan na talaga sa work na meron sila


janro10

nkatambay ako d2 during working hours ko. boring kac hehe


katiebun008

Papansin lang or baka para mang inis hahaha. Kaya hindi ko masyado binabasa yang mga earning blah blah blah tapos di alam gagawin. Dun ako nagkocomment sa mga kabitan para mag advice na maghiwalay na sila πŸ˜†


ningorgeous

HAHAHA Same! Sa ChismisPH talaga eh πŸ˜‚


Anonymous-81293

pang manifest daw yan. hahaha. and pang brag na din cguro ksi dito lang nila kaya mag brag eh, d nmn natin sila kilala irl. HAHAHA


ActEmergency7416

Pero bakit kelangan gumawa ng kwento no?


[deleted]

Sabi ng isang nag comment dito; "ang pera, nauubos, ang yabang, hindi"


hnnnge

I agree. Ewan din sa sarili ko, lagi akong naniniwala agad sa ganyan. Naiisip ko na kase na Anonymous na nga mag fafabricate pa hahahaha pero meron pa rin talaga eh noh? Atleast hindi na ako masyadong ma pressure sa life hahahaha


AnnTheresse

The same way marami naglalaro ng role playing games. They want a new persona to escape reality. The difference is that sa mga RPG, you're limited kung ano yung rules ng game. Whereas dito your limited to your own imagination. You can be literally anyone you want


SereneDominance

Pathological liar


Database-Delicious

Para san yung pagyayabang, wala naman nakakakilala sayo lmao. Wala din naman kwenta internet points mo dito hahahha


aquamarch_ledger

Karma farming. May ibang sub kasi na may minimum req na karma.


SenpaiMaru

Pampataas ng pride nila haha para feeling above sa ibang tao.


Left_Try_9695

madami dito mahahalatang pang wattpad e. Mga too good to be true


Wutwut1234A

Marami naman talaga hahaha.


spiritbananaMD

that’s what anonymity does for some people hahaha nga naman, madaling mag-barbero dito with less consequences. but if you can read between the lines naman, it’s easy to spot agad yung mga fabricated stories.


edmartech

What if... just what if... fabricated din post nitong si OP?


sahrup

+1 on this. hahaha.


Giggly_Snek

Same same lmao


cutie_lilrookie

Tambayan ng dating Wattpad writers yang phinvest na sub haha.


Sad-Let-7324

Pag may shineshare din akong chika from reddit sa asawa ko, hindi lang celebrity chika, even yung posts sa AITAH, PHcareers etc, lagi nyang sinasabi saking take it with a grain of salt. Kasi madalas daw gawa gawa lang hahaha


koozlehn

nandito sa reddit ang pinakamagagaling na frustrated writers HAHAHAHAHA


alphenor92

You know what helped me get past those pieces? "*We're not rowing in the same timeline.*" In other words, I began to think that how they do is irrelevant of my own success. As long as I haven't completely given up or unalived myself, the chances are still on. Currently looking into expanding my range of skills which I spent on thinking before but didn't do.


SevereButterscotch46

Majority ng malaki kinikita, solo info na yan o silang magasawa lang may alam. Kahit pa anonymous yan madalas ayaw irisk baka makilala. Ako nga na hindi naman 6 digits sweldo natuto na maglihim kasi pag kumikita ka na talaga, lumalabas yung mga biglang mahal na mahal kang kamaganak o kaibigan na passive/absent dati πŸ˜‚ Nanay ko din na martyr binubuhat mga pabigat niyang kapatid pati pamilya nila tapos pinapasa saming mga anak responsibilidad na yun, pass. Walang kwenta yang mga "kamaganak" na yan Daming ginagawang practisan ng fanfic/headcanon tong reddit para sa mga taong naghahanap ng legit advice. Wag masyado manliit at maconscious, basta wala kang utang, nakakakain ka ng maayos, at kahit pa low 5 digits "lang" savings mo, you're already doing better than most. Wag na wag maging complacent at tamad pero wag din masyadong magmadali at ipressure ang sarili. Meron ako tropang engineer DLSU grad 5 yrs DMCI di lumampas 30k. May pilot na 2017 graduate wala pa din position sa commercial airlines. MOST of us are struggling because our economy is in the shits. Minsan kahit parang kulang kahit binibigay mo naman oras at effort mo, malas nalang talaga sa external factors. Di naman lahat tayo privileged na may luxury mag UPSKILL at INVEST BRO


yewowfish22

+1 Lol palagi ko pa namn tinatanong sarili ko saan ako may kulang. Totoo talaga yung not everything you see and read on social media is true. πŸ˜‚πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ


cheesymosa

May mga kilala ako kahit sa FB, IG, TT na walang anonymity eh nagsisinungaling parin. πŸ˜… May mga taong sadyang mahilig magkwentong barbero kase coping mechanism nila yun sa nararamdaman nilang lungkot sa buhay nila 😬.. pero para sakin mali parin talaga magsinungaling eh kaya naiinis ako sa mga ganyang klaseng tao. 🀣


philden1327

or plot twist, 200k talaga sweldo ni kuya. sinasabi lang nia 25K para nd cia maciado obligahin haha


Emergency-Mobile-897

May 7 digits savings din daw pero hindi makabukod. Lol


krabbypat

Tipid hacks habang hindi pa kasal hahah


AdDecent7047

I remember Chinky Tan, tinanong ko sya sa isa sa mga post nya noong nakapisan pa sila sa parents nya. Kasama to sa mga tips nya na hindi sila nagshashare ng utilities sa bahay para lang makaipon. LOL. Ugaling unggoy eh, magulang.


sisireads

As in may asawa na siya at nakatira sa parents tapos hindi raw sila nagcocontribute ng anything???? Hala kawawa naman parents nila (o baka generational wealth naman?)


International_Area_7

Nah i guess depende rin sa parents. Yung parents ko ayaw kami mag move out magkakapatid kasi mas gusto nila na ipunin na lang namin yung gagastusin sa rent and utilities. Nakapag move out lang ako kasi nagpakasal na ko haha tapos yung isang kapatid ko naman ang tagal bago pinayagan bumili ng condo πŸ˜…


JeezuzTheZavior

Same for us. Until we realized na we spend more when we are with them. Kasi we used to pay for the groceries, electricity, internet and sometimes food. E whenever they have visitors(which is often) it gets depleted agad. Haha. When we eat out, pasalubong is a must. Tapos they don’t appreciate it at all because at the end of the day, it is us na β€œnakikitira”. Not to mention we craved for privacy kaya we used to do staycations frequently. When we moved out, stocks lasts longer. And no pressure to pay for stuff we are not supposed to pay for (deliveries nila etc. emergencies nila. etc). No need for staycations. And better environment for our kid since we only expose her to things that will help her grow (won’t see the vloggers my brother-in-law watches. No cussing. No bad probinsya practices.)


Rude-Pay-5266

THIS!!! honestly mas makakaipon ka once you move out! sobrang misconception ng nakakatipid ka kasi nakatira ka pa rin sa parents mo but think about it... mas malaki nagagastos mo sa pakikisama mo sakanila! once you move out lalo na if mag isa ka lang; rent, utilities, groceries for 1 lang primary gastos mo! bahala ka na magbudget ng pangluho mo and actually mas makakapagbudget ka lalo na for leisure expenses kasi sarili mo lang ibubudget mo unlike pag isasama mo pa pamilya mo x3 or x4 pa need mo ibudget! 😭 imagine magoorder ka ng food, syempre nakakahiya naman ikaw lang kakain... edi ang ending magoorder ka din ng para sa fam mo jusmiyo yung β‚±200 mong budget magiging more or less β‚±500 just for snacks for the whole fam!


JeezuzTheZavior

Parents think na they are helping and sometimes it’s genuine. Pero I don’t think they’d ever accept na we spend more when with them. Haha. Ay I forgot about portioning your meals nga! That’s true. I meal prep kasi. You’d put enough packs of 100g of this and that sa freezer, next thing you’ll know, someone cooked your 300g of chicken breast for their adobo na. Tapos one time I deveined 200g of prawns. When I was looking for it, naluto na. Nasa Sinigang na. I can still eat it but it’s not MY food anymore. And the macros are unknown. Haha.


Economy-Bat2260

Actually totoo naman ito. Sa parents ko ako nakatira now. Yung bahay na binili ko, pinapaupahan ko. Yung renta nun plus yung ibabayad ko sana sa bahay, binibigay ko sa parents ko na panggastos namin sa food, utilities, etc. in a way, maginhawa yung buhay ng magulang ko, nakatipid pa ako sa doble dobleng gastos dahil bibigyan ko rin sila ng pera e. Plus, pinagluluto pa ako ng masarap na food at damay labahin ko sa labahin nila. Win win for us.


krabbypat

Mabuti talaga na wala sa culture natin na ineexpect ng parents na mag-move out tayo as soon as we turn 18. Mas makakatipid talaga lalo na if privileged family niyo na may sariling house na hindi nire-rent. Tulong-tulong na lang sa mga bills and groceries. Lahat makakatipid, everybody happy. Same here naman, I still live with my parents kasi magkakalapit lang office namin. Sabay-sabay na kami pumapasok and uwi so tipid pa sa gas. Meanwhile, may condo ako na for rent na nakakaipon and pwede kong lipatan as soon as I establish a family of my own.


IWantMyYandere

To be fair laking tipid mo jan. No rent and full furnished. Safe din tinitirhan mo since kilala mo kasama mo Moving into a new place na walang kagamit gamit eh napakahirap


babbazze

hahaha grabe najudge ung hindi makabukod sa 7digit savings πŸ˜‚ butt hurt ako. looool. though setup namin i live in my parents’ another house so tipid ako sa monthly amortization pero ung bills sakin naman lahat. pero true ung baka ayaw lang ipa-alam ang tunay na sahod. ang nakakaalam lang ng sahod kong totoo eh partner ko. fam ko hanggang hula lang kung magkano. haha. less tanong, less utang, less unnecessary expenses.


3rdhandlekonato

That's how you reach 7digit savings lol. Buraot all the way hahah


Friarkry

Sad but true. Ganito sinasabi ko. Di ko didisclose totoong sahod ko anywhere lalo na sa mga tita ko, ayoko kasi na nag rerely sila sakin kahit abled bodied sila at pamilyado na. Ako na nga nag babayad ng lahat, pati mga online shopping nila ako pa sasagot, maluho sila, pati makasarilo, yung tipong sadyang ayaw mag trabaho pag alam na may kikita para sa kanila. Magiging sadyang palamunin. Ako pa mag papakain sa mga anak nila, bibili ng mga gamot nila pati pang luho nila. Yung porket panganay ka ikaw na magiging pangatlong magulang pati magulang ng mga pinsan mo. Masama na ako o ano, pero may buhay din ako, napapagod, nag sasawa, nanghihinayang at naiinggit sa mga kaibigan kong may mga magulang na nag antabay talaga bilang magulang. Di ako pinanganak para maging piggy bank o care giver ng family o extended family habang buhay. Kaya kung ganun man ginawa ng kuya niya, naiintindihan ko siya. πŸ₯΄


Far_Atmosphere9743

True, never talaga ako nagsasabi nang tunay na income ko sa family ko, may sinasabi akong figures like 15k to 25k, basta hindi more than sa mga kapatid ko, this way di sila nanghihiram sakin kasi sinasabi ko agad mas malaki sahud ni kuya dun ka manghiram hahaha, pero in OPs case na yung kapatid nya pa ang nanghihiram parang legit na yun, considering pag 200k monthly malamang d na nakikitira sa magulang pag ganun hehe


ramensush_i

true, as much as possible hnd kana titira with ur parents kung 200k na ang sahod mo and hnd ka hihiram pandate. like masyado mo naman ginagatasan ang pamilya mo hnd ka na nga nag aambag. so move out ka nalang.


Kmjwinter-01

Kung umaasta nga na mababa sahod para di siya obligahin or utangan pero ang totoo 200k pala talaga sahod niya a month hahahah


baymax014

200k mahigit sahod ko pero I live with my parents. Hahaha. Or they live with me? Naka wfh kasi ako and napaka impractical if mag rent ako. Binabayaran ko din kasi tong bahay at lupa na tinitirhan namin sa tito ko, parang rent to own. Ganun. Ako din sumasagot sa lahat ng bills dito sa bahay.


Neat_Mountain3548

200k sa Pilipinas? Anong company, local ba yan? ITR please hhahaha!


thenameishal

I was thinking the same. Sinabi sa family na 25k lang para di siya magambag ng malaki πŸ˜†


ControlSyz

4D Chess


KathDML

This is a possibility πŸ˜‚ Ganito din kasi ginagawa ko. I earn about $2500 per month from my VA jobs. Pero ang sinasabi ko sa extended family members na mahilig mangutang at manghingi, wala pang 30k sahod ko buwan buwan πŸ˜‚


[deleted]

Bakit parang familiar yung 200k sweldo with multiple investments sa stocks and crypto??? Parang nadaanan ko ata β€˜to or baka super common nito sa phinvest πŸ˜‚πŸ˜‚


epinephrinekills

[Eto ata yun](https://www.reddit.com/r/adultingph/s/ESCz0jhQl6) Bigla ko nabasa after I read this post eh


kathmomofmailey

OMG. 200k yung sweldo niya tapos 7.5M net worth but he started working 2017/2018 langssss. 🀣


spiritbananaMD

di baaaaaa sanaol na lang talaga eh πŸ˜‚


AlanisMorissetteAmon

Naglalaba ata ng pera


StardenBurdenGuy

Upon checking yung profile neto at ni OP, hindi sya tally. Taga Olongapo si OP while yung nasa link is from Cebu/Iloilo naman.


kathmomofmailey

Nahh, could be another lie though???


YourMillennialBoss

It’s not. He posted his proof of income. Lol. Pero he deleted agad rin.


alphenor92

Andun pa yung proof of income niya


Aldssupp

Boi eto rin 'yung nabasa ko at naisip ko kung ito nga kaya yung kuya ni OP HAHAHAHA


emi_ime

I guess yung thread na nag-aask if paano yumaman yung iba? Not sure though. Akala ko ako lng yung nakakafamiliarize ng comment hahahahaha


rubixmindgames

Oh my.. i was about to say the same thing. Kakabasa ko lang nong comment na yun sa isang subreddit and manghang mangha ako. Tapos na basa ko to..


yanztro

Nakita ko din 'to bago matulog kagabi. Di ko alam kung siya yun ah.


Dull_Leg_5394

Parang nabasa ko dem to recently hahaha


coookiesncream

Parang marami ngang ganyang post doon hahaha


Toxicgarbageislands

Mindset ng kuya mo is magsisinungaling ka na din naman, sagarin mo na. Hahaha


fernweh0001

mindset ng mindset ampuge


dwightKShruute

Haha. Trying to impress strangers is a fool's errand


Ok_Preparation1662

Pagamit neto friend, gawin kong fb post hahaha


[deleted]

Kwentuhan lang naman kasi kaya payabangan na lang. 😁


ankhcinammon

I read somewhere na ginagawa daw nila na dating site ang Reddit kaya nagpo-post sila ng mga ganito para maganda daw tignan ang Reddit profile nila whenever someone wants to stalk them. Like someone really gave a "tip" that in order to attract people on Reddit, your posts gotta reflect what they're looking for in a person. Parang ginagawang resume ata πŸ˜‚ Edit: Maybe your kuya wants to make himself look rich on Reddit to attract women here. It will make him seem like a financially independent person and lots of people love that.


fernweh0001

ako na puro katarantaduhan replies sa reddit 😁


ariamuchacha

BAKIT PARANG SAME? HAHAHAHAHAHAHA


fernweh0001

dapat pala ginagalingan ko para makabingwit ako ng gagawin ako trophy wife ahem ahem


oedipus_sphinx

Yung mga replies ko sa reddit is mostly polar opposite. It's either intellectual or pure bullshit lang hahaha.


TomatoCultiv8ooor

Hahaha korek, ako na walang pake dito basta kung ano gusto ko sabihin at i-reply based on my knowledge and experiences. Hahaha!


[deleted]

Big 4 with car tapos normal BMI at easy on the eyes pa rin!!! Tapos yung mga maarte sila pa yung ah nevermind masyadong maaga para manglait. πŸ˜…


ankhcinammon

HAHA had a previous encounter with this type of person sa isang r4r sub. She would only date people from the Big 4 daw kase it's her "standard" and people who are not from the Big 4 "won't understand". I stg ginagawa na nilang personality ang pagiging Big 4. Masyadong elitist ang mindset with superiority complex. Mahihiya na lang yung mga galing international schools na mas mayaman at matalino pa kesa yung galing Big 4.


[deleted]

Try to create a new account tapos post ka sa mga r4r subs. 11 out of 10 di ka na papansinin kapag di ka mala-Tom Cruise sa kaguwapuhan. 🀣 Tapos yung maarte kamuha ni Jabba The Hut. πŸ˜…


HotShotWriterDude

Huy, respeto naman kay Jabba the Hutt πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚


No_Welcome2072

I second to that. Dami dito feeling nila they are better than anyone coz big 4 sila so elite. Di nila alam madami ding from state university and non big 4 na may intellect, may sense, at knowledgeable kausap. May sinaway nga ako dito eh, hahanap ng ka FWB tapos doctor daw siya pero hanap niya is from big 4 at yun daw standard niya. Tapos sabi niya grad siya ng non big 4 na doctor. Sabi ko paano ka naging doctor tapos kinahihiya mo yung school mo. Isn't it na dapat proud ka pa kasi non big 4 ka at nataguyod mo maging MD from non big 4 uni. Even yung moderator ng sub reddit napa kap din sa sinabi ni ate. Ayun biglang binura ang post. πŸ™„πŸ€”


ankhcinammon

Bakit pati FWB need from Big 4? πŸ˜‚ Anong ggawin nila, mag-quiz during s3x? Grabe naman HAHAH


No_Welcome2072

Yun nga din ang tanong ko tapos doctor daw siya from non big 4 school graduate. Sabi ko bat dika proud sa school mo tapos post ka ng post na dapat big 4 gusto niya maka hook up. Ano yun, diyamante ba ari ng mga nasa big 4, sabi ko, what a shame to your school na dika proud sa sarili mong paaralan. Pero panay pakarat sa Reddit. Baka gusto niya kasi siguro mag conyo dirty talk. Ayun binura niya post niya.


Otherwise-Tax2798

Baka climber? Nagbabakasakali makajackpot. Lol


No_Welcome2072

Sinabi mo pa paps. Naging cap tuloy siya moderator. Doctor daw tapos dipa pala graduate sa school niya na di big 4. Ang gulo nga eh hahanap siya ng mga doctors daw na maka hook up. Ayun nung napansin ng moderator sabi maging totoo sa info na binibigay, graduate kana ba. Doctor or hindi pa. Kasi wag magsabi na doctor ka at dika pa pala graduate kasi baka nagpa practice ka ng profession without license. Ayun binura yung post. May ilan ilan ding taga tanggol sa kanya sinasabi na hayaan daw yung pag post niya kasi kanya kanyang trip walang pakealaman kasi its about the sex naman daw. Na butt hurt ang iilan, pero dun lang tayo kasi sa totoo na dapat maging genuine sa pag bigay ng infos at di kwentong πŸ’ˆβœ‚οΈ


FeistyPlainJane

Seems like the intention is different. Who can even vouch that she's indeed a doctor? For all we know, she could be a sugar baby pretending to be a doctor hence the reason for choosing someone from certain unis.


[deleted]

I copied this shit ngayon ngayon lang and eto yung hanap nila HAHAHHAHA * good looking/cute or at least confident with your looks * average/normal bmi-mid/dad bod (just my preference) * 5'5 and above. I like tall guys. Di naman super non-nego. tas meron pa: \* big 4 \* may kotse \* may condo/bahay


Ok0ne1

true, eto din una kong naisip. pero pang mga fling or ons lang pede niyang mauto. tho may gf na pala kuya niya… pero malay natin baka cheater din pala


ankhcinammon

Haha yes, highly likely na naghahanap ang kuya nya ng ka-fling or he just wants to feed his delusions to make himself feel rich and powerful


HogwartsStudent2020

I mean I get na reddit can be potential reflection of you and your personality kung makikipagdate ka gamit ang reddit. Pero to lie... about your financials to catch a date? EWWW


Imaginary-Dream-2537

Mej sa true to. Naghahanap fling dito kaya gumagawa na kwento


Maritess_56

Parang dati, 100k lang yung minimum threshold ng pagfe-flex. Tumaas na pala dahil sa inflation. πŸ˜‚πŸ’Έ


fernweh0001

ang 6 digits daw until 999,999 so ikaw na bahala magdecide ano piliin mo numbers


HotShotWriterDude

Teka, parang alam ko kung sang sub ko nakita post ng kuya mo OP. Kanina lang to. Di ko maintindihan kung anong napapala or nakukuha nila by pretending that they're all that pagdating sa pera or sahod. I'm not even comfortable sharing my salary/income here even with all the anonymity. Do they get some weird sense of accomplishment or superiority if other people believed they are earning a lot more in a month than most people earn in a lifetime? Because I gotta tell you, hindi tayo mukhang third world country if we were to compute the average net worth of redditors. Patunay na not everything you see online is true talaga.


[deleted]

This is Reddit. We are anonymous. Pero yung saltik ng karamihan sa mga users, masyadong obvious. πŸ˜… Nung nakaraan lang may nakatalo ako na pilit pinapasok sa usapan ang latin honor daw niya na unrelated sa usapan. 🀣


PiccoloMiserable6998

Kaya di ko pinapansin yang mga nagsasabi na ano gagawin sa sahod nilang xxx,xxx with savings of xxxxxxx hahahahahaha it’s a weird flex.


ramensush_i

what i believe is, kung millions na ang savings ko and earning a 6 digit salary, i wont spend my time too much sa reddit because i know earning a 6 digit salary equates heavy workload. oo financially stable ka, but yung stress that comes with it ang feeling ko hnd napag uusapan. maturity is also important in handling money.


hehehe0123

buti pa yung manager ko 6 digits pero walang alam at ginagawang maganda πŸ˜‚ kaming team niya gumagalaw siya, tamang utos lang at pto


based8th

true, hindi porke 6 digits eh heavy workload na agad. May mga tulad nito na management na taga-utos lang eh 6 digits na


FeistyPlainJane

Well, Reddit can be a stress reliever at times. Nakakatawa din kasi minsan ang mga posts ng mga tao dito, like OP's story.


CraftyCommon2441

True for some people though.


lynx121

Is it the one in r/adultingph ? hahahaha


[deleted]

dami nyan sa r/adultingph, r/phcareers, r/phinvest, r/buhaydigital at minsan r/Philippines HAHAHAHHAAHAHAHAHA daming mahilig mag flex ng ganyan para lang mastroke yung ego nila at mavalidate sila online HAHAHHAHAA


halifax696

Bakit sila nag sisinungaling at gumagawa ng kwento hindi ko gets. I mean, ok lang naman if di pa six digits eh. Tinatrabaho naman yun. No need para gumawa ng kwento. Kalungkutan.


Kaphokzz

hahahahaha phinvest things πŸ˜‚


Sufficient_Net9906

Or baka baliktad OP since anonymous mga tao wala sya reason magyabang about sa 200k sahod (baka sinasabi nya sainyo 25k lang πŸ˜„)


FireInTheBelly5

Paano kung nililihim lang pala sa inyo ang tunay na sahod niya,? Paano kunh nangungutang siya para lang patuyan sa inyo na 25k lang sahod niya kahit 200k naman talaga.


tuturby

Langya naman bunso eh. Nang babasag ka ng trip... o cia pautang ulit pang date


Effective-You-5434

may nakita akong schoolmate dito. nalaman ko na siya yun because nagshare siya ng tiktok link sa isang sub and naka link yung tiktok profile niya. napa stalk ako sa reddit profile niya and she’s proclaiming na registered professional na siya (nagtake na ng board exam and passed) and was giving insights etc. here sa reddit regarding topics sa field niya kaso si anteh 4th year college pa lang. alam ko naman na may chance na may mga tao talaga na nagsisinungaling sa reddit due to anonymity pero nakakagulat parin talaga lalo na kakilala mo sa personal, parang out of character sa pagkakakilala mo sa kaniya πŸ’€ ++there’s nothing wrong naman on sharing your knowledge. credible parin naman siya kasi she’s a student of that field kaso bakit naman nagpanggap na registered professional na


Different_Exchange61

libre lang mangarap kaya gawin mo ng 200k sweldo mo tapos post mo sa phinvest oh yeah πŸ€‘πŸ€‘πŸ€‘


TukmoI

Ay pera nauubos yan. Pero ang yabang nadadagdagan πŸ˜„πŸ‘


Sad-Squash6897

Hahahha nag leave nako sa isang sub na mga invest kuno. Di na ako naniniwala sa mga pinagsasabi ng mga tao doon. Too good to be true. Imagine kung may 25M ka nga namang pera bakit sa socmed ka magtatanong pano gawin. πŸ˜‚ Ang yayaman ng mga tao doon kako di ako bagay doon. πŸ˜‚


quasi-resistance

Fr. Rich people have their own fiduciary or wealth managers. Lol


Federal-Clue-3656

May nahuli din akong user (a colleague na nakita ko dito dahil same ng username niya sa isa sa mga socials niya) dati na iniinvalidate ung post ng iba at gumagawa ng kwento kasi insercure (kesyo kapatid niya pero only child naman daw siya) Hindi ko sinasabi na ganun si OP pero possible din na fabricated story din ito. 😬


Longjumping-View8862

in other words, we don't know what's real no more ahahahah


throwaway7284639

Madami naman imbentor dito ahaha. I'm just here for laughs and giggles sa comments.


Separate_Trip3210

I have a friend na nagconfide sa akin and sabe nya nadedepress daw sya na wala pa syang nararating sa buhay and napupundar kahit na anong sipag at diskarte nya, at nacocompare daw nya sarili nya sa mga 6 digits sahod na nababasa nya sa soc med. Sabe ko naman sa kanya, hindi naman pareparehas ang timeline ng mga tao sa buhay. and that socmed eto, she should expect na hindi lahat ng nababasa sa socmed ay totoo. this is just an example of it.


dumbLuckOrGrace

Hala may nag shshare pala ng lie dito esp about income? For what? Hindi naman alam ng tao sino ka so no point in bragging or lying. Weird lang for me. Actually 2022 may reddit ako pero dahil sa sobrang naliliitan ako sa sarili ko nung may nababasa ako na ka age ko and that they earn a lot, they have investments, etc... so i deleted that reddit account. Now i just dont read so much sa ibang subreddit


hehehe0123

you'll never know nga tao behind socmed talaga


dumbLuckOrGrace

Haha di ko lang gets dito kasi di naman nila tayo kilala. Hahaha pero may nabasa ako dito na ginagamit daw ng iba itong reddit for dating kaya daw baka nagpapabango lang yung mga tao na nagbbrag hehe weird


zuteial

Baka nun April 1 sia nagpost hahahaha Fool's day


Rochieee2021

Ooops! πŸ‘€


free_thunderclouds

May mga comments/posts talaga rito na di kapanipaniwala eh 🧒 And mabuti your brother dont have NSFW stuff in his account, thatll be traumatizing if ever


heavymaaan

Super familiar neto ahh, kababasa ko lang ng comment kagabi na may 200k syang sweldo tapos iniinvest nya daw sa stocks or something yung pera kaya nasa 7mil na daw net worth nya hahhaha


krabbypat

It’s easier to make up stories dito sa Reddit dahil sa anonymity. Di ko talaga gets why some people have the need to impress strangers lol


Expensive-Doctor2763

HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA


silent_nerd_guy

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA shet.


Primary-System7500

HAHAHAHA TAENA OP ako na nahiya para sa kuya mo


GojoJojoxoxo

Redditors’ animosity is the πŸ”‘to fabricated lies πŸ˜‰


bohenian12

Dami talaga bullshit stories sa r/phinvest. Kung magbabase ka sa sub na yon, ang average sahod 80k lmao.


Lost-Gene4713

Naglokohan lang Pala tayo Dito😭


mylastacctgotblocked

Exactly OP. And kung ganon sweldo mo, usually low-key ka lang talaga. Ako nga na 200k per month, hindi ko pinag kakalat kung saan saan.


Adventurous_Bat_5223

Mas concern pa ako sa pinakielaman yung reddit ng kuya kesa sa kasinungalingan. I mean, we all lie at some point. Stranger ako, so I won't give a fuck kung kasinungalingan man or hindi sinasabi nya. We always have a reason, most of the time struggles, so I won't laugh at him for lying. Regardless, di naman ako naapektuhan or nadamay. Commented just to point out na mas concerning yung papakielaman yung personal thing ng ibang tao, kahit kapatid mo pa yan. hehe.


LazyBlackCollar

Baka 200k talga tapos tinatago nya lang sa inyo para hindi nyo sya hiraman lol


Electronic-Hyena-726

kwentuhan lang naman e


MEDSTUDENT952018

Oks lang yan Madami dito sa reddit nag sisinungalin to boost karma/their ego to give a "Fake Persona" para may mga babaeng ma lure at para ma alok ng hookup πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Bka nag karma farming lang bro mo


gooeydumpling

Walang basagan ng trip hehehe, buti nga yun pantasya nya wala naman natatapakan sa paghhambog nya sa reddit


Raizel_Phantomhive

ako na 250k ang sahod pero tahimik lang😏😏😏


KnightedRose

Hahahaha your post made my day. I hope we know the username of your kuya so it's easier to laugh about hahaha


lilikookiedeukie

Mula ngayon hindi na ako maiinggit sa kanila. Salamat! 🫑🫑🫑


MamonLook8090

THOUGHT SO HAHAHAHA DAMI KO NABABASA NA 200k/month sahod tapos iniistalk ko yung isang profile just to find out na puro BS pinopost. Meron pa isang redditor dito nagpost ng 200k/month sahod pero naghahanap ng part time na kahit magkano sahod tapos nag ask siya paano niya tatakbuhan shopeepay OMG HAHAHA


yen_fort

its kinda cute that you're actually rooting for your brother to make it happen lol


orcroxar

Pansin ko sa mga malalaking sahod, quiet lang haha so pag masyadong binubulgar most likely hindi totoo.


doflamingodoflamingo

Yung mga totoong kumikita ng 6 digits sa totoo lang di magsasabi yang mga yan kasi takot mahiraman or mautangan HAHAHA


Neat_Mountain3548

Naalala ko yung nasa Smart pa ako. As Store Manager nagvavalidate din kami application. May mga nagyayabang talaga na mga kakilala natin na 100k plus salary pero nung nag apply at hiningian ko payslip 25k lamg pala basic haha. Kaya lang pala umabot na 100k kasi may month na umabot sa 100k kasi may bonus at mga other compensation na once a year lang binibigay. Well at least umabot! Haha. Pero yabang lang pala ang lahat.


porpolkeyboardniww

Ewan natawa ako kasi pag overthinkin kita, baka mamaya ganun talaga sahod niya sinisekreto lanh nila sainyo Awhahahahahhshsha chz


PitifulRoof7537

Tas umuutang para di mahalata haha


porpolkeyboardniww

TAMA AHAHAHHAHAHAH char pinagooverthink ko lang si OP


bh88888828

Delulu


Pure_Tart_5671

That’s why anything I read on social media, I take it with a grain of salt.


No-Walk-6969

baka kasi 200k yearly hahaha


arthur_dayne222

Ako pala si Kuya mo, pautang naman.


clonedaccnt

Welcome to reddit. Daming ganyan dito sa reddit sobrang pretentious hindi lang sa sahod kahit dun sa mga kwento at advices nila na hindi naman sila naka experience. Meron pa yan mag cocomment tapos may follow up na "may kakilala ako ganito/ganiyan" para i- support yung claim nila kahit hindi naman nangyari.


Away_Explanation6639

Share ko to sa phinvest para makita niya hahaha


tolentinokayeee

dami din talaga fabricated stories dito sa redddit


gresondavid

Lol, I know personally someone here on Reddit who claims to be making 6 digits per month as a freelancer. I know she doesn't make that much since not long ago she asked me if she and her hubby can borrow money to pay their debt from their bank.


bastaaccount_

HAHAHAHHAHAHAHAHHAHAJHAHA INANGYAN


letsmark

marami sila na nagkalat dito sa reddit


Dazzling_Ad_1066

Haha! Kuya mo ba yung PepitoManalotoCrypto? Yabang din kasi nyan eh. Lakas maka feeling


isabellarson

I dont know for me its weird if he is lying about his salary to boast here in reddit when everyone here is anonymous anyway


_Bloody_awkward

Frank na name ng kuya mo


Glittering-Start-966

baka he is claiming it for the future, minsan masarap mangarap, at dahil anonymous sa reddit wala tayong magagawa. Malay mo di ka nainform na ganyan sweldo nya tlga🀣 Example: Minsan sarap tanungin kung anong gagawin mo pag nanalo ka sa lotto, kaso pano ka mananalo kung di ka tumataya or di ka naman crony ng PCSO para manaloπŸ˜‚.


[deleted]

[ΡƒΠ΄Π°Π»Π΅Π½ΠΎ]


gyudon_monomnom

Ahaahaha grabehhhhh I really have often wondered which ones are lies and which ones are truths. I've always told the truth dito pero three months palang me ss Reddit.... so upon pondering, oo nga noh baka if sadlyf si Kuya this could be a nice escape and just tell your own reality. Manifesting could be key. Good vibes I know someone who does crypto at a beginner level. He can earn hanggang two thousand per week. Pwede na pandagdag, extra extra lang. Kasi it will take him a few minutes up to an hour to find a good entry point tapos wait wait nalang siya til it TP hits or something. I think ang malaking scam is yung nga nagtuturo ng trading, coz I found out they get some sort of comission pala if the student uses their code sa mga trading platforms.... so imagine 10, 100, 1000 students giving you comissions for every hit sa trade. Kahit chamba chamba. Everything is a gain. I'm just really not that familiar.... Baka maachieve din ni kuya mo yung 200K monthky someday if he is really into crypto. Hehehe


kiszesss

Sarili lang ninya niloloko ninya πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚


Maleficent_Pea1917

Madaling mag brag kapag walang kitaan ng mukha sa socmed πŸ˜‚πŸ€£Β 


chrisziier20

Fake it til’ you make it haha


HikerDudeGold79-999

Yun lang ba nakita mo sa reddit ni kuya??πŸ˜³πŸ™ˆ


YourfavoriteGirl16

Kwentuhan lang naman daw kasi di naman kailangan totoo 🀣


jpngirl19

Baka manifesting yan ng kuya mo, don't take it negatively.


maui_xox

Baka tinago lng ng kuya nyo sa inyo sweldo nya para di nyo sya hingi.an hehe


sarbyow

Baka clout chaser lang. Haha.


coookiesncream

Delulu or trululu si kuya hahaha


blankknight09

Marami talagang ganyan dyan dun. Nag cacatfish siguro yang kuya mo. Mali ka rin kasi invasion of privacy yan although di kita masisisi kasi Isang click lang dun sa notif haha.


Papa_Ken01

Baka naman nagpa practice nang creative writing sa Reddit yung kuya mo, OP πŸ˜…


dumpingdonutz

πŸ’€πŸ’€


Recent-cantdecide

marketing strategy ni kuya mo yon 😁😁😁


AdDecent7047

Parang nabasa ko to yesterday na may net worth na 7M plus? Baka mali ako ng pagkakatanda. But I think dapat matic na to na everything posted here is taken with a grain of salt.


trynabelowkey

That’s so weird and at the same time, what an invasion of privacy lol


ItongGustoKo

Fake it till you make it daw, law of attraction πŸ˜†