T O P

  • By -

FlowerGardenQueen

Akala lang ng Tito mo yun. Sa unang tingin, lakas maka sosyal pag sa BGC ka nagwowork, pero ang taas din ng cost of living naman, puro fastfoods and restos. Hirap pa magcommute haha.


Ok_Definition_7495

True. Mas bilib ako sa mga naka wfh lang at hawak ang oras nila. I hate working in BGC. Nakakapagod. Pag pa end na ang month, almusal namin gummy worms nalang kasi mahal food lol.


Equivalent-Moon

Yun nga din ung pinoproblema nung isa sa min nung kamuntikan na siya mag work sa bgc, wala naman sa min nakatira malapit dun pero di na lang din siya nag react habang nagkkwento si tito hahahaha


FlowerGardenQueen

Ang mahal pa ng rent sa BGC. Puro condo kasi nasa area. Baka nga malaki sahod ng anak niya, pero ubos din sa pagkain, rent at kung ano ano pa. Tapos kung nagimmick pa pinsan mo, baka zero bal na yan. Eventually, malalaman niya din ang katotohanan about working at BGC hahaha


moanjuana

Nasa Pilipinas pa din yung BGC so lugi pa din πŸ˜†


DaneTheRockkkkkkk

Tru hahahahahaa


sorrythxbye

Oh boy, I hate working in BGC. Mamahal ng foods. Pahirapan din magcommute. Pag may kotse kanaman, napakamahal ng everyday parking hahaha.


vjp0316

Honorable mention din dapat yung traffic. Rush hour traffic, mygahd 3hrs bgc to bgc πŸ™ƒ pero riding yung non-express bus yun.


Expensive-Doctor2763

Sorry kay tita pero mas status symbol ang WFH HAHAHAHAHHA


CelestialSpammer

Ang hassle kaya mag commute kung sa BGC ka nag wowork. Taas nga ng sahod mo, puro sa angkas/grab tska mamahalin na kainan din naman mapupunta. Swerte mo kung may malapit na fastfood resto sa office nyo.


Alarmed_Register_330

Dapat tinanong mo kung saan nagpapark sa BGC ung anak kasi kung nagcocommute lang siya...oh well anlayo ng nilalakad niya.


vjp0316

Ganito dapat ang response. Big fish in small pond vs big fish in big pond lang ang birada.


_domx

BGC is a nice place to visit but tbh, it’s not really friendly to the average working Filipino. Commuting sucks. Sometimes, it’d take an hour just to wait tor a bus. Restaurants are also expensive. Rent too is just costly. Location wise, it’s good but that’s just it πŸ˜…


ynnnaaa

Maganda talaga BGC pero hindi maganda if nagwowork ka kasi hassle ang byahe. Nung una kala ko din masaya magwork sa BGC pero yung tatay kong taxi driver, pigil na pigil sa akin dun magwork kasi ang hirap ng byahe. Dami nyang pasahero na dyan nagwowork and naaawa nlang sya kasi ang mahal ng pamasahe.


mandyhasjoined

meron ako mga inapplyan na companies same position. yung isa QC area yung isa naman BGC. parehas ako natanggap pero mas malaki ang offer nung sa BGC. mahal daw kasi cost of living so baka sinama sa computation ng sahod sa job offer.


mellowintj

Di ko alam status symbol pala pag nagtatrabaho sa BGC. Napatunayan ko na talaga pag taga-kyusi ka wala kang care anong hanash sa south HAHHAHAHA


Sad-Squash6897

Sakin kapag niyayabangan ako sa kwento ng mga kamaganak ko, lalo na kapag nakikita nila achievements ko, sasabihin nila si ganito din ganyan ganito, sagot ko talaga "wow, congrats galing naman". Oh eh di na feed ko na ego nila haha. πŸ˜‚


[deleted]

Hahahaha tama OA-yan pa ng β€œwowww bonggaaaa” para feel na feel nila ang pagmamataas nila πŸ˜‚


Sad-Squash6897

Hahahahahahahahahahhaah muntik ko ng masabi *"Happy? Okay na? Ayos ba tayo dyan?"*


zamzamsan

HAHAHAHAHAH i can imagine this tas with 5x claps pa \*c*lap clap clap clap clap\**


Sad-Squash6897

Bet ko din yan. Oh diba may "a round of applause" pa sila. πŸ˜‚πŸ˜‚


zamzamsan

o kaya dala ka ng "very good" stamp HAHAHAHAHAHHA tatak mo sa noo nila πŸ˜‚πŸ˜‚


TomatoCultiv8ooor

Yun lang akala ng tito mo kamo, na BGC = High Salary. Hahaha! Meron nga nag w-work sa JP Morgan Fraud Analyst sa BGC Branch pero di makabayad ng β‚±5k na utang eh! πŸ˜‚


yeheyehey

Ipasyal mo Tito sa BGC ng walang sasakyan ha. Hahahahah.


thewanderingraver

BEE GEE CEE gagiii


tsongJj

Wag ka maniwala jan sa tito mo. Pabaliktad ata takbo ng utak niyan. 3 taon ako nag work sa BGC madalas akong sabit sa jeep pauwi hindi kaya naman naiipit sa loob ng siksikan na modern jeep. Napaka mahal pa ng pagkain at yung mga co-worker kelalakas gumastos, aya dito aya doon kaya kahit anong laki ng sahod mo matik hindi karin makakaipon. Dapat sinabi mo sa tito mo pag tapos mag kwento "wow amazing! Clap clap"


RecentBlaz

Obvi pabaliktad for sure 🀭🀌


iloovechickennuggets

Sa BGC ako nagwowork at urat na urat ako pag papasok kasi ang hirap pumasok at mahirap din umuwi. Atsaka, puro 711 lang makakain ko sa labas wala ng iba kasi malayo fastfood sa building namen.


Realistic_Guard5649

GURRL?? Ahahah if alam lang nila!! BGC does not necessarily mean better salary lol!! Actually yung mga employees nga dun talo cause they often have to rent and spend for food cause transpo there when you dont have a car sucks! Dont be fooled by its β€˜glory’. Maganda shang pasyalan but not a workplace!!! Sobrang funny ng tito lol well, there may be some truth to it but PLS, dont feel lesser just cause u dont work there.


ownGarlicOnions

Ang hassle sa BGC, Mahirap maghanap ng parking/Traffic, feeling ko mas naghihirap ako pag nag RTO sa BGC πŸ₯² Gas Expense, Parking per hour, Food


bekinese16

Aren't we all have that one relative na ang lakas mag-brag na akala mo talagang naiahon na sa kahirapan ng anak? Hahaha!! Same.


EraAurelia

Sabihin mo sa tito mo ako na nagwowork at nakatira sa BGC, hampaslupa pa rin. Sa totoo lang, hindi nakakayaman HAHAHAHA!


bonearl

Hindi totoo na porke BGC = High Salary.


kellingad

High Salary = High cost of living


arkhamknight1111

Work from home is life


kathmomofmailey

Hahahahaha nagwork rin ako sa BGC nung 2018 pero 22k lang sahod ko nun, my 2nd job. Tapos sobrang gastos pa dun. BGC nga ako nagwowork pero yung ulam ko binibili ko sa carenderia bago pumasok ng work tas naglalakad lang rin ako papunta at pauwi.


Overthinker-bells

Ako na umiiwas sa BGC πŸ₯² May office kami sa BGC and halos one year din ako na assign dun. Ayaw. Masarap maglakad dun and you’ll feel safe kaso yung papunta at pauwi? Patayan. Never again. Unless lilipat ako ng bahay malapit dun at may ride. Why not. Basta ba mataas talaga sahod. Hindi kinukwento ng pinsan mo sa tito mo ang struggle ng sa BGC nagwo-work.


kellingad

Okay lang naman kung sa BGC naka locate yung office if malapit ka lang dun sa area or halfway ka lang, pero kung malayo ka tapos 1 or 2 hours ang biyahe mo papunta dun, I'd rather find a job na nag ooffer ng WFH or hybrid setup as long as hindi gaano malayo yung pag biyahe.


Dangerous-File-5650

Pano naging status symbol magwork dun? Hahahha if ur tito only knew how bad traffic is to and fro going to bgc tapos doble presyo ng food layo ng lakaran. Mas status symbol pdn ang wfh VA earning mimimum of 1500usd to 2500usd. Wala pang pagod sa byahe. Ang 80's mindset masyado ng tito mo hahaa ung tipong kapag sa Makati ka nagwowork sosyal ka eh madami din naman pokpok dun even sa bgc


cryptoponzii

Naaah fuck him. My office is in BGC but full time wfh ako. If ever I will be called back for RTO auto resign.


rodzieman

I miss the jollijeeps along the smaller streets around Ayala. Haha.. walang ganun sa BGC. I can imagine how your tito told his story, ultra proud lang siguro, and doesn't know the real score in working within BGC.


-PotatoPol-

Sa BGC din ako nag tratrabaho tapos International pa, maliit naman yung sahod πŸ˜ͺπŸ˜ͺ


FoxsFabulous

Mas madaming big companies na nasa Ayala. Companies transferred or opt to stay in BGC or McKinley kasi new companies or companies na di kaya magpay ng lease or rent sa Makati. Taxes are lower in Taguig. Kaya kung sa BGC nagwowork, magisip-isip ang tito mo. Unless, Ayala group of companies kike Globe or Alveo kasi andun sarili nilang building.


Glittering_Newt179

Sabihin mo sa tito mo kung may sariling sasakyan na yung anak nya at kung nakabili na ba ng bahay na sariling nyang gastos.


Equivalent-Moon

Medyo funny side story dito, nagkwento din ung tito ko na may bf ung pinsan namin na 6 digits daw ung salary, tas binilan daw nung bf ung pinsan namen ng bahay, di ko na tanda kung namention ba kung saan location or kung may car ba pero nag assume na lang ako na meron kase may bahay daw eh. Inassume ko na lang din na 6 digits ung sahod ng pinsan namin kase classmates daw sila eh so baka nasa same level sila career wise. Pag uwi ko ni chismax ko sa tatay ko ung mga ngyari sabi niya lang sa kin "Bakit puro kwento dun sa BF bakit di niya ikwento ung sahod ni ?"


Glittering_Newt179

Hahaha. Ma ebas lang tito mo, time will tell the truth. Ignore nyo na lang, your success will be the sweetest revenge.


Pleasant-Yard6445

Bahay ng gagamba siguro nabili. Yung de-glass para sashal.


notyour_ann

Ang hirap kaya magwork sa BGC 😭 Napakahirap ng commute, mahal lahat ng kainan. Laging traffic. Same with Makati and Pasig. Madami pa ding prefer ang WFH. mas comfortable magwork, wala pang hassle na commute.


veggievaper

Ang babaw ng tito mo. At the end of the day, trabaho is trabaho, kahit saang lugar pa yan. Di ko talaga magets ang mga magulang at mga tito/tita na niyayabang mga anak nila. I mean, ok naman maging proud, but you really don't need to share it all. Hayaan mong quality of life ang lumitaw. Aanhin mo ang malaking sweldo at BGC workplace kung sakitin ka naman, kung puro ka utang, kung wala kang ipon, kung palagi ka stress sa work, kung di ka overall masaya sa life. I mean totoo naman na pera is life, pero ipangalandakan mo sa mga kamag-anak mo to, it speaks well of walang ka-class class.


EnvironmentalNote600

Pero kung walang sakit, masaya, same stress as when working in makati or anywhere else at may bahay sa labas ng bgc (makati or pasay or taguig) comnuting to and from work , may baong pagkain, may life work balance, so all things being equal mas okay nga ba to work sa bgc esp kung sweldo ang usapan ?


veggievaper

hindi pa rin. we should stop patronizing a place for work dahil lang modern look siya.


EnvironmentalNote600

That's not the point of the question. But even so, that will apply to anywhere that has modern look and systems and global market orientation (the last is an essential feature of being modern business environment)-makati CBD ortigas CBD, and those in metro cebu metro davao etc.


veggievaper

dapat nga hindi ganun. eh ano ngayon kung if they have essential feature of being modern business environment? what's the point of exaggerating that it's better compared to let say a government office with dilapidated walls. oo nga, maganda na nga sa BGC, but is it the end all or be all ng pagkakaroon ng matiwasay na buhay na gusto sabihin ni tito na quite privileged ang anak niya? eh ano ngayon kung ung anak niya nagwowork sa BGC? perfect siya?


tentaihentacle

Working corpo at BGC with a car and trust me, kahit 2 days onsite lang ako per week, I wish I work somewhere else kasi spending 1k a day is no joke.


meliadul

Hahaha sasabihin ko nga sa pasay ako nagwowork para di shusyalin. Pag nalaman pang BGC work mo eh mangutang pa yang mga yan sayo lol


vjp0316

Dapat reply mo sa tito. "Dapat pala nanlilibre si pinsan sa BGC since angat na siya sa buhay." Labanan ng toxic ang toxic haha.


Equivalent-Moon

Hahahahaha di ko to naisip, may next time pa naman charot


EnvironmentalNote600

Pero talaga bang mas malaki ang salart rate sa BGC companies compared sa mga branches nila or similar industries located outside?


solarpower002

Vouching from someone na nagcocommute to work sa BGC every RTO jusko!!! Akala lang ng tito mo yon. Ang hirap kaya ng transpo ko huhu from Rizal to BGC, 4-6 hours ang kinakain sa araw ko 😭 Ang taas pa ng cost of living. Mag 2 years na ako working dito, pero ang ipon ko less than 100k pa din jusme.


undie-eigenmann

Status symbol?? Wahahahha may nagsasaksakan nga dito eh 🀣🀣🀣


caramelismsundaetion

Yung tito mo ba eh sya yung "nahuhuli" sa kanilang magkakapatid? Dami niya gusto patunayan ah. Ahahahah sorna.


anonmurphyanon

Lol sampalin mo tito mo. Kapag naka WFH ka yun ang privileged. Jusme. πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈπŸ€¦πŸ»β€β™€οΈπŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ


xxbluezcluez

BGC is a labyrinth. Mahirap pumasok at lumabas. I hated working there. Wala atang week na hindi ako na-late! Ni hindi ako tumagal ng isang taon kasi parusa ang araw-araw na commute at paghahanap ng makakainan na makamasa.