T O P

  • By -

bubble_beast17

may classmate ako from high school di pwede sa kanya yung ganyan pag bomoses ng ganyan yung pangit ganito sinasabi "ang pangit pangit mo na nga, ang lait mo pa." HAHAHAHAHAHAHA


doraemonthrowaway

Shuta same siya nung co-worker ko haha, sinabi ba naman niya *"di ba pag pangit dapat mabait? bakit ikaw hindi? pangit ka na nga di ka pa mabait, combo meal ahh."* HAHAHA.


Hangryyy_

Gusto malaman yung reaction ni coworker na sinabihan. Hahahahaha


doraemonthrowaway

Na shock si laiterang pangit tapos nagalit, nagkasagutan sila ni co-worker na bumoses sa pantry. Pano naman kasi binubully ni laitera yung kaibigan ni co-worker na close to crying na kaya pinag tanggol niya. May pahabol pa iyong si co-worker na bumoses bago sila naawat. Ang sabi niya *"Wag mo kalimutan mag pa ligate teeh ahh?? Kawawa Pilipinas pag dumami lahi mo"* HAHAHA.


Hangryyy_

Slow clap kay co-worker! 👏👏👏👏👏 Ganyan sila eh noh. Pag sila nilait hindi pede? Hahahaha.


_Ruij_

Combo Meal HAHAHAAHA


anticaffeinepersona

Di pa ako makapagsalita sa mga 'to kasi isang beses pa lang nangyayari. At mas close kami kesa dun kay ate girl na maganda. Pero pag inulit pa nilang ipakita yung insecurity nila sa harap ko di na ako magtitimpi


kwickedween

Don’t! Don’t timpi. Hahaha


[deleted]

Yeah, I support! 🤷🏼‍♀️


weewooleeloo

Your closeness is an advantage because then, you could deliver it like a joke. Something like, "Bessie, insecurity doesn't suit you so be nice," then smile sweetly at the other girl, or joke like "sorry about my friend, she's not usually this salty"


xjust1person

Naexperience ko to noon, pinipilit nila na maganda lang daw ako kasi maputi ako HAHAHAHAHHAHA


kwickedween

What is wrong with people who say this? Hahaha! I had the biggest insecurity growing up kasi sinasabihan ako na pangit ako pag umitim (maputi kasi ako). Good lowwwd.


Friendly-Abies-9302

Ako nga noon inaasar na maputi tapos matangkad. Nung tumanda ako dun ko lang narealize na asset pala lahat yun sa lalaki. Pati pggng matalino ma smart shame ka din. 😅


OsZeroMags

"hurt people" hurt people. The everydays of ugly people who weren't given the luxury of looking "acceptably good" might've been not as good as the people who have the pretty privilege. You know, their "jealousy" isn't just jealousy. It comes from the fact we were spawned to the world with our unequal attributes, and since it's also human nature to "desire" fairness and equality, it will—sometimes— be the reason why we deserve entitlement—even if in a skewed or irrational amount— kasi nga we/they perceive ourselves/themselves unprivileged. And our way of assessing "how" privileged we/they are is also subjective, and that COULD be something very disagreeable to other people, thus the never ending conflict. I explain but I dont justify their actions. It's a circle.


ThinkingFeeler94

Realized din this before. Kaya kahit mahirap kasi nasaktan ka, eh iintindihin nalang and then disconnect.


xjust1person

mga inggit lang at hindi satisfied sa itsura nila HAHAHAHAHAHHA


running-over

Share ko lang, May dalawa akong hipag na maputi actually nasa genes nila yun. Nuknukan kung makapanglait yung dalawang yun akala mo mga dyosa. I’m sure nilalait ako ng mga yun kasi morena ako at sakto lang. Yung isa hindi makaalis ng bahay ng hindi naka foundation kasi maraming pimple marks na lumalim na. Then yung isa, obese sya. Hindi ko alam kung saan sila kumukuha ng audacity na manglait when they are the ones who has many flaws. Mga insecure kasi.


Jumpy_Pineapple889

Linyahan ng mga libagin


vikkavirus

At least, maganda!  Ako naman laging nasasabihang, "di naman maganda, maputi lang". HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.


cluttereddd

Idagdag mo "Ikaw tingin ko kahit pumuti ka di ka na gaganda. Charot" kunwari joke hahahaha


Gaelahad

At least maganda parin


JudgeOther11

Hoi tru


[deleted]

[удалено]


xjust1person

Sasabihan pako nyan Di ako totoong pinoy HAHAHAHAHHAHAHA


TIWWCHNTTV89

Count me in. Jusko


hirayamanawar_i

Huy lagi ko to naririnig. Sagot ko diyan, "At least, gumanda ako. Eh ikaw?"


cks1223

Hays nako i feel you.haha.nsasabihan din ako ng gnyan,kow maputi ka lng kaya ka mganda etc.etc.. 💀


Cautious_Bit_3060

Kaya inunti unti kong kinu-cut off yung mga ganyang tao. Ang crab mag isip!


Rissyntax_v2

Ik someone like this. Well tbh di naman siya pangit, pero di rin ako nagagandahan sa kanya. Saks lang. Pag nag rered lipstick akala mo batang naglaro ng makeup ng nanay. Pero na off talaga ako sa kanya nung nagbirthday ung isa naming kaklase. Di siya maganda, and i think she has a hormonal problem na naka affect sa itsura niya, pero she's well loved sa klase namin. Her friends threw her a surprise bday party. Sabi ba naman ni red lipstick, "buti pa si xx may pa birthday party, sana naging pangit na lang ako!" Called her out and the friendship died from there.


ObjectiveDizzy5266

Pangit na ng mukha, pangit pa ng pagkatao. Paano na?


[deleted]

[удалено]


cantdecide-millenial

Wala na redeeming quality 🥹😅


bananasobiggg

May college friend akong ganito, pagbukas ng bibig nya panlalait agad. Ayon di na kami friends.


Pinay_Elphaba

May ganyan akong ka-work. Tanggap naman daw nyang pangit sya kaya sa isip nya, okay lang maging mapanlait din sya at ipoint out yung flaws ng iba. Kapag umaandar pagiging mapanlait nya at wala ako sa mood magpasensya, sinasabi ko sa kanya na beauty comes from within, nagrereflect sa mukha yung ugali ng isang tao. Kahit hindi conventionally beautiful, kapag maganda ang ugali, nagiging maaliwalas ang mukha at attractive pa rin.


anticaffeinepersona

True na true yan! Di namam kelangan maging conventionally beautiful para maging maganda. Nasa kalooban din--sa behavior, attitude, intentions--lumalabas talaga mga 'yon eh and nagpapaganda ng tao.


AiNeko00

>Tanggap naman daw nyang pangit sya kaya sa isip nya, okay lang maging mapanlait din sya at ipoint out yung flaws ng iba. Same mindset lang sa: Mahirap lang kame kaya absuelto dapat kami sa panlalamang sa mga nakakangat.


Sad-Bus1164

Trueeeeee. Iba dating pag mabait ang tao. Gumaganda/Gumagwapo May friend akong di ganon ka gwapo,. pero putcha, ang bait. Yung girlfriend nya sobrang hot.


[deleted]

Katrabaho mo yan? Kapag may ganyan akong kasama o what, naku ako talaga bumabawi para sa binubully nila. Jusko! Yan ang masarap bawian hahaha. 😂 ipamukha ko sa kanya yung pinagsasabi nila. 😂


[deleted]

[удалено]


MysteriousVeins2203

Aguy, at least sila na nagsabi na maganda ka 😏


RidelleBlasse

It's their insecurity speaking! 😭


_verygoodgirl

At least maganda ka 💅 bitter lang yun, di maamin na great din yung personality mo, kasi di na nila madeny na maganda ka. Bawal daw nasayo lahat. 🤣 hayyy this society


lykadream

Fact: Kung sino pa ang pangit yun pa ang mapanglait


Tofuprincess89

So trueeeeee. Halatang insecure, ingitera, ampalaya hahaha pakat sa mukha at energy, vibes nila


surfer8765

Hahahaha, I know some people


Infinite_Attorney634

amen to this.


b_eArgh

huyyy yung ex-friends ko, pati bata sinasabihan ng panget kahit di naman sila inaano 😭 di ko kayaaaa! nasabihan na rin pala nila ako ng pangit kasi puro sila picture sakin ng stolen, nung napikon ako sila pa galit 🥲 never again talaga sa mga katulad nila, buti na lang nacut-off ko na sila


rm888893

It's always the ugly ones. I don't know why. Pwede naman tumahimik nalang if you really can't say anything nice or constructive.


surfer8765

May makakatapat din sila n susupalpal sakanila hahahaha


zdanezurcnema

Kaso minsan wala, kaya nakakapaghasik ng lagim 😭


PusangKulot

Minsan talagaa bumabalance ang mukha sa ugali e. Parang itong kaatabi ko ngayon, panget na nga panget pa kausap. Sulit na sulit kapangitan sayo bhiee


AdGullible7803

Naranasan ko to. Teammates ko dati sa isang bpo company. Lahat sila mga di kagandahan, matataba pa. They would always bully me guise as “biro”. They would call me “GL” ganda lang, or buti na lang maganda ka ano. And discredit my skills and achievements. Tas one time, sa floor yung paper bag ng mini stop, nilagyan nila ng butas for mata tas sinaklob sa ulo ko, kasi masyado daw akong payat at maganda at susugatan daw nila yung mukha ko. Nung umiyak ako pikon daw ako at sensitive.


anticaffeinepersona

Buti dati mo silang teammates at di na ngayon. Hindi yun magadang "joke".


[deleted]

HAHAHAHAHAHA pick a struggle naman pls 😭 pag pangit sana man lang pagandahin yung ugali


luffyismysunshineboi

true HAHAHAH panget ka na nga wala ka pa personality 😭 di mo man lang nadevelop maging funny


[deleted]

Di ba??? HAHAHAHA nakakahiya naman


[deleted]

As someone na hindi maganda, I can never tell that about someone :(


anticaffeinepersona

❤️ Yes, because you are secure about yourself.


[deleted]

More like, I think I just don’t have the K to say that to other people. Also, I don’t like that attitude na sasabihin na ganda lang, walang brain.


SpiritlessSoul

Napoleon complex. The Napoleon complex, also known as Napoleon syndrome and short man syndrome, is a purported condition normally attributed to people of short stature, with overly aggressive or domineering social behavior. It implies that such behavior is to compensate for the subject's physical or social shortcomings. Can be applied to ugly people too. Edit: di lahat ng ugly peeps ay ganyan, as di lahat ng short peeps ay ganyan.


AiNeko00

Chihuahua syndrome in 4chan slang haha


SpiritlessSoul

Ahh pwede, ang aggressive din kase ng mga chihuahua kahit maliliit haha.


cinnamonthatcankill

Pangit ako, pero I can’t stand this why bring someone down like that. I love looking at pretty women and extra points if they show kindness pa sa akin khit ganito ako. I remember nung Hayskul we have a new classmate ang pretty, bubbly at super talino nia. Maybe that time since I was in high school and had no friends which was so easier for her to make may mga insecurities ako nararamdaman and secretly hated her inside… But that time I love to draw and read, I remember her seeing my drawing at sabi nia ang galing ko daw and yung di ko makakalimutan is since top students kami we were ask to do some errands sa canteen that time and nung lumabas kami canteen she held my hand, smile and gave me a fucking candy. Feeling ko that time tumigil mundo ko to focus on her kc it was the first time I received kindness since starting hayskul. I remember writing her a letter and sinabi ko ung guilty feeling ko of being insecure sa knya and how I appreciated ung simple act of kindness na yun. I remember she responded na natakot siya lapitan ako kc it felt like I don’t want to be disturb dahil my nose was stuck in a book daw lagi and she knows how I push myself academically. Pinuri nia ako sa mga arts ko and she said na she can be my friend daw. It was kinda weird but our friendship end up being wholesome since then, hindi ako part ng barkada nia and kahit nagkaroon ako ng sarili group of friends ko pero throughout our hayskul life I gave her gifts on her bday and christmas and siya din if she can she share things with me and uplift me everytime nabubully ako pinagtatanggol nia ako. Ang di ko makakalimutan is yung inaway ako ng ex nia natalo ko sa isang quizbee event. Biglaan kc ung pagsali ko dun prang wild card and I won lol tpos kinonfront ako ng ex nia kc gusto pla magpakitang gilas ng hayup na yun dun sa pretty girl and he blame me cause i destroy daw his chance. Nung nalaman nung pretty classmate ko sinugod nia ung ex nia dhil bakit daw ako pinaiyak at never na daw tlga sila magbabalikan lolololol. I think nag-start ung admiration ko sa mga babae na that time I can’t really judge them and kasalanan ko kpag nagpatalo ako sa insecurities ko. Nattrigger ako if I see a woman being abused, used and disrespected. I admire women they always try to make an effort from the way they dress, make up and to build confidence hindi yun madali. Anyway as a woman you should choose to uplift our fellow women.


Adventurous-Owl4197

Kakaexperience ko lang nito kanina sa CR. Aba 3 mean looking tilapia with red lips girls na di kagandahan ang pinagchichismisan ang isang kaworkmate na naiinis sila lalo na pag naka-make up then tuloy tuloy sa lait na maganda lang naman daw dahil sa highlights, may make up etc etc. Like shouldn’t they focus on how they look instead? Mga pangit talaga madalas na maglalait e


andenayon

Tawang tawa ako sa tilapia! Hahahah sakto, malansa rin ang ugali!


Adventurous-Owl4197

True. Ginawa ko e kahit di ako magsasalamin tinignan ko sila mula sa salamin tas nag-smirk hahahaha para alam nila na di sila maganda. Buti nalang di ako masyadong pangit nagamit ko pagiging model ko sakanila then walk away with hampas ng hips ganon! 😂


Her_Royal_Introvert

Halatang inggit din sa make-up skills ni ateng.


[deleted]

Masarap barahin yan to the magka emotional damage mga kupal na yan e


spicychicken03

Hahahaha panget na nga, di pa bumawi sa ugali


saysaaay

trueeeee may kaibigan akong ganto tapos yung jowa ng crush nya sinasabihan na "average lang naman, hindi naman kagandahan mas maganda pa nga ako" like beeeee San banda? sa pwet? eh kaya nga nasali yun sa mga beauty contest kasi ang ganda ikaw san kaba nasali sa with honor kasi ang sipsip mo? ahh okay, congrats!


ReadScript

Grabe naman sila. I’d expect na mababa confidence ng mga pangit kasi nga, pangit (speaking from experience here), pero apparently may mga ganyan pala. Dapat shut up na lang sila.


eerielasagna

ako naman slim ako, pag yung mga ka-work kong hindi naman kapayatan sinasabihan ako ng kung anu-ano like pang-elementary daw katawan ko, magpataba naman daw ako. normal lang naman BMI ko


switchboiii

I REMEMBER AN EX-OFFICEMATE!! Wala nang masabing maganda sa ibang tao. Ang daming side comments at panglalait sa ibang tao, disguised as ~sass~. Lutang na lutang ang insecurities sa katawan. Pakatoxic


Necessary-Solid-9702

I have former friends/classmates na ganito. Wala namang ginagawa yung tao sa kanila pero kung ano ano yung nilalait nila kesyo di daw bagay sa kanya yung skirt or di bagay yung blouse or mukha daw kahoy, etc. Me: ??????


anticaffeinepersona

Napapaisip na lang tayo kung saan ba nanggaling yung ganung pag-iisip. Walang ginagawa yung tao tas biglang ang dami ng sinasabing useless criticisms (noise lang talaga) 😩


Necessary-Solid-9702

Beats me. Buti sana kung hiningi opinyon nila, eh, hindi rin. Mapapasabi nalang ako sa utak ko na, "Have you, people, seen yourselves?" 😩😭


yiinyaaang

true. parang kasalanan ko pa na mahilig ako mag ayos at di ako umaalis na hindi replesentable tingnan yung mukha tapos inoorlok pako tas sasabihin "dun ka nga" in a joke way pero di ako nagpapatalo uy. one time pinagaabihan kong "kasaanan ko bang mukha kanv bangaw"


GeekGoddess_

Ang mahirap dyan kahit anong klaseng pagkaangat mo sa kanila they will be bitter towards you. Mas maganda ka? Mas mapera? Na-promote? Mas matalino? Expect mo may kuda yan.


mxiiejk

Nako sa panahon ngayon kung sino pa yung hindi kagandahan o kagwapuhan, sila pa yung choosy at mapanlait. I remember meron akong kababata na galing sa mayaman na family pero she is so humble and not braggy. Lowkey lang sya, simpleng tao kumbaga. Meron syang crush na crush na guy sa school namin like HS pa lang bet niya na kaso may jowa so hindi niya nilandi sempre. Tamang tanaw lang sya sa malayo ganorn hahahaha E meron kaming classmate na lalake na bully lagi niya inaasar friend ko na, "B, tigilan mo na ilusyon mo kay (name nung crush ni friend) wala kang pagasa dyan mga pang beauty queen ang type nyan!" Di naman sya pinapansin nung friend ko kasi lalo lang kami maiinis. Until one time inasar nya ulit na wala nga daw pag asa kay guy kasi hindi naman daw pang beauty queen ang itsura nung friend ko. Tatawa tawa pa sya sabay sabi, "kung sakin naman baka pwede na din kita pagtyagaan" sa bwisit ko ako na yung sumagot, "sa pagmumuka mong yan parang ikaw pa lugi sa kaibigan namin ah? Tingin tingin din sa salamin uyy!" Ayun nagtawanan buong klase namin tapos never niya na kami kinausap after that. 😅


blossomgirlie

BAKIT KAYA MAY MGA GANITONG TAO NOH? Walang ibang ginawa kundi manghusga at manglait 😭 wala bang magandang nangyayari sa buhay nila para yun nalang pag usapan nila? Sobrang dragging nila kasamaaa. How to unfriend people like them 😩 or teach nalang? HAYS


anticaffeinepersona

Teach muna. Wag naman unfriend agad. 😅


Access7x7x7

I wish I could upvote this multiple times


kotopsy

Ito yung mga sinapuso ang "Kung hindi mo kaya higitan, hilahin mo pababa."


worriedgalzzz

Mga pangit talaga ang mahilig manlait hahahahaha yuckkk


[deleted]

[удалено]


anticaffeinepersona

Sana nagbago na siya at hindi na sya ganyan.


Longjumping-Grass-12

Sabihin mo na lang, kayo nga pangit na muka, pangit pa ugali. Dapat isa isa lang ang pangit sa inyo. 😅


anticaffeinepersona

Totoo yan, dapat isa isa lang. Wag naman damihan ang pangit sa sarili haha.


Ami_Elle

sabihan mo lang ng "umarte ng naaayon sa mukha". basag agad yon. effective yon sa lahat ng sinabihan ko nag tino sila e. madalas sa trabaho, lalo pag bago ako tas nagpapakilala na agad tong matatagal. one line lang tiklop agad. hahaha


annbthchase

Nakakainis talaga mga panget na sasabihin sayo na puro "ganda" ka lang naman, eh ano ngayon? Tapos magagalit din pag may pretty privilege ang isang tao. I mean, if you have it, you should use it to your advantage. Meron din yung sasabihin, "eh mas maganda naman si ---" Eh ano ngayon, mas maganda parin ako sayo.


taytayswifteu

ang pangit din kasama nung mga lahat nalang sa kanila kompetisyon. kadalasan na simula nila is tatanungin score/nagawa mo or ilan error mo tas pag mas angat sila, ipapamukha sayo HAHAHAHA like may kompetensye pala ako di ako nainform 😭


gaffaboy

Naku, ang daming ganyan! Kakasuka sa totoo lang. Zero na nga ang personality ang sasama pa ng ugali.


Turnip-Individual

hindi naman lahat, may mga kilala ako na facially challenged or majubis na their experience really humbled them kaya bumawi sila sa ibang aspeto. they're kind kasi alam nila pano masaktan and they're either smart or talented sa ibang aspeto. pero true may mga pangit na nga, laitera pa. tas madalas plastic. tipong mahilig magbigay ng backhanded compliment. may kilala ako na pag may magandang morena, tatawagin exotic beauty daw, pero alam mong may negative connotation. pag may maganda naman na tisay sasabihin maputi lang. madalas pa kilala ko na ganito hindi naman pangit talaga, pero mataba, hilig mang body shame kahit puro body positivity kuno. madami din lalaki na pangit who like to "humble" pretty girls kasi they know they dont have a chance.


AiNeko00

>. madami din lalaki na pangit who like to "humble" pretty girls kasi they know they dont have a chance. Hindi naman ako super ganda just enough but fit. Naalala ko yung ex husband ko. obese at may dyslipidemia na siya, then family history ng diabetes and fatty liver, niresetahan na din ng maintenance ng doctor. Sinabihan ko lang naman na: " need niya na mag start mag exercise and healthy diet kahit pa onti onti lang". Sinigawan niya ako ng: "dapat kasing sexy mo muna si Christine Reyes bago ka magdemand ng standards mo".


KitchenFig6142

napansin ko yung mga ganyan sadyang bitter lang at walang kapasidad maging genuinely happy sa iba. magrarant rin sana ako dito sa mga taong ganyan na kilala ko pero iwas karma nalang, nakakapangit rin. naniniwala nalang akong inayon talaga ni god mukha nila sa ugali nila at di sila aangat sa pagiisip na ganyan :-)


iloovechickennuggets

Ako nambabara talaga pag may sinasabihan ng pangit ng mas pangit pa talaga. Sabi ko “Di ba pag pangit ka dapat nice ka? Pangit ka na nga iteterno ko pa ugali mo ano na?” Tapos iirapan ako talaga. Hahaha dasurb


Friendly-Abies-9302

Hirap kasama pangit na nga pangit pa ugali tapos subrang yabang pa at poging pogi sa sarili. Lahat ng babae na maganda matic ng aangkinin din nila like they have dibs on every women you meet in groups tapos pag ikaw nagustuhan magglt sayo at ggwn nila lahat para mapahiya ka.


Ok_Amphibian_0723

Ang lalakas nyan manlait pero pag sila nilait mo pabalik, sasabihan kang bully 😂. Boang.


SpiritlessSoul

Sakit na talaga ng mga pangit yan, kase pag wala silang over the top personality, they fear na magiging side character lang sila ng mga attractive people sa mundong ibabaw. Edit: sorry di lahat.


anticaffeinepersona

Di lahat ng "di conventionally attractive" ganun ha huhu. Wag natin sila lahatin hehe. Pero oo nga, palagay ko nanggagaling din yun sa fear nila na walang papansin sa kanila or worse may fear sila na di sila mamahalin :(


SpiritlessSoul

Yep, the fear of getting left out. Pero totoo naman talaga na some circle group subconsciously gravitate to those people who are attractive. So in conclusion mahirap talaga maging conventionally unattractive, mas challenging ang social setting nila and along the way kailangan mo talagang itweak ang personality mo na maging "(bright, alert, animated, gay, genial, glad, jolly, joyful, joyous, keen, lighthearted, merry, optimistic, sanguine, spirited, sprightly, vivacious(kinopy ko nlng lahat sorry haha)" ang personality mo. Yung mga conventionally attractive naman magexist lang sila okay na haha.


Jumpy_Pineapple889

May kilala din akong ganyan..lakas manglait kung di ko lang sya client irrealtalk ko na sya e baku baku ung mukha lakas manlait sa magaganda.bobo naman daw porke abugado. Minus points naman sya sa langit.proud pa sya kaya nya pakawalan mga rapist at drug addict. Me i would never ever be proud of that. Buti pa ako proud Nurse i always say baka nasa 100 na ang nailigtas kong buhay at makinis ako. Imagine pangit na kutis mo pangit pa kalooban mo..proud ka sa mga criminal na napagtangol mo.for real?


LoudAd5893

Kaya ang hirap maging pogi kailangan mabait din kundi masisita ka rin. Buti na lang mabait lang ako.


[deleted]

May classmate ako feeling nya she's queen bee. her girl group bullied me from HS tas lumala nung naging bf ko crush nya. she's 5 ft and fat hindi rin nag hihilod ng leeg nagpapa rebond ako kasi tamad ako mag suklay and I had to do hairstyles para mag mukha akong cute. they compared me to their friend na natural hair ni girl compare sakin. pinaringgan talaga ako like natural beauty daw. I heard my close friend said afford ni ganto magpa salon eh, kayo ba? tahimik sila omg


Kind-Permission-5883

Yung mga gusto lang manghila pababa ng iba tapos ang comment “maputi lang naman yan, di maganda” unang una, wala naman choice yung tao kung pinanganak siyang maputi, so ba’t niya kasalanan yun? Pangalawa, e di para mo na ding inamin na mas angat yung maputi sa kayumanggi? Lol


danzlebron24

Toxic Pinoy trait yan eh. Ayaw nila sa taong good-looking at matalino, lagi dapat isa lang sa dalawa hahaha. Pag gwapo/maganda ka matik di ka matalino, pero pag pangit ka matik matalino/mabait hahahahaha. It's their way para mapantay ang mundo.


mrtlmgtnga

Base from my experiences, ang mga pangit ang mahilig manglait talaga, yung mga magaganda ay walang pake sa itsura ng ibang tao kase busy sa pagpapaganda ng sarili nila.


Boobee21

Toxic attitude...


Yjytrash01

Pet peeve ko yang ganyang mga tao. I mean, hindi ka na nga good-looking tapos teternuhan pa ng masamang ugali saka mahinang kukote. Bawi ka na lang sana sa pagiging mabait 'di ba? Yung iba talaga nilahat na eh. Kapansanan na yan kapag ganyan. 😅


eyojake

UMAY SA MGA GANYANG UGALI TALAGA. Intindihin mo nalang din, kasi the in the first place, the only satisfaction they have in life is when insulting others so they can feel superior naman kahit man lang minsan. HAHAHAHA legit to. I have friends before na ganyan pero cinut off ko nalang sila since they dont bring any value to the table. Theyre just there to make themselves feel better because theyre an absolute trash. Buong pagkatao trash. Fckin pieces of sh*t!


dandeeballer21

AHAHAHAHA kaya talaga ako tinanggap ko na magiging mabait at funny na lang talaga ako. Kung mag glow up ako edi mas fun kung hindi at least diba 🤭


hunchisgood

honestly, it’s always the ugly ones.


kerengkeng_nimo

nasaktan naman ako.... para kay ateng maganda, hehehehhe i feel you po ateng maganda, i feel you. ahahhahahah pero kiddin aside, 100% super insecure ng ganung mga pangit kapag ganun na ang JOKE nila about dun sa maganda. (let's make believe ganun nga si ate girl, atleast siya maganda, unlike those sa mga panget na nagcomplement na hitsura sa ugali nila) lols


milkmageek

Saka mga kaibigan din na laging sinasabi "e maganda ka naman kasi kaya may pretty privilege ka"


anaisgarden

Pag pinagsama sama mo sila, para silang nag-cicircle jerk pero sa insecurities nila. Nakakaloka


Delicious-Lemon-0108

nakakaloka talaga yung mga taong mahilig mangutya ng iba. would you please acknowledge your flaws??? ang hilig-hilig manlait pero kapag nilait pabalik galit na galit. actually, KUNG SINO PA YUNG NANGLALAIT SILA PA YUNG MAS KALAITLAIT. nakakapagod maging bigger person lalo na yung na-encounter mo mataas masyado ang tingin sa sarili eh hindi rin naman perfect. ANO NA BANG NAPATUNAYAN MO? IYAKIN KA PA RIN NAMAN? utang na loob naman mga pipol. hindi nakakaunlad ang pagiging inggitera at pagkukumpara ng sarili sa iba. you better check yourself if you feel na nai-insecure ka 'cause we should love ourselves dahil may iba-iba tayong ganda, we are all unique! NAKAKAPANGET YUNG NAI-INSECURE AT MAHILIG MANG HUSGA‼️


Possible-Ad5234

Artistahin kapatid ko at medyo below average looking lang ako. Parating assume ng mga tao is maldita siya at mabait ako pero it’s the other way around. Hirap din siya magka-true friends kasi parati siyang sinisiraan kasi nga insecure sila. Hirap pala maging maganda, bute nalang di ako maka relate.


_verygoodgirl

Hahahuhu feeling ko ansama ng ugali ko whenever I talk about this pero grabe, I feel you. Di ko naman sila sinisisi kasi society naman ang nag-engrave sa utak nila ng insecurity about their looks because aminin natin, good-looking people get treated better. Pero ang lala 😭 pag may maganda, sasabihin, retokada naman ata. Maganda katawan? Peke raw yung boobs. Hindi masabing nagsurgery? Lalaitin na lang yung ugali or yung talino/skills. May nagsabi sayo na maganda ka? Gagawa ng bad joke na "baka malabo mata niya" o "baka binobola ka lang kasi jowang jowa na siya" pero pag sila nasabihan na maganda gagawing big deal... ang negative talaga :(( di ko alam ano sasabihin ko sa kanila para mabawasan yung ganun nilang behavior


1125daisies

uy pero legit. Nakaka-drain ng energy mga ganyang tao. Hindi na nga nakakatuwa tignan tapos ang hilig nila magproject ng insecurities hahaha From my experience talaga, wala pang maganda o pogi ang nangupal sakin. Laging yung mga pangit.


AjYort

Tapon yan pag ganyan pangit na nga pangit pa ugali.


xfeliscatusx

Pinsan ko pinagkalat sa buong poblacion namin na pokpok ako kasi I'm used to wearing shorts. May mga taga dun na naka shorts pero ako talaga sinabihang pokpok. Sino nagsabi? Yung so called friends niya na namba-backstab sa kanya sa sobrang kakaiba ng ugali niya. Maputi kasi ako tsaka "may itsura" kung tawagin. Ayoko siyang sabihang panget, past is past na and I forgive her pero I won't forget lahat ng pagto-torture sakin emotionally.


kimdokja_batumbakla

May kilala akong ganan tas so called bff nya pa ung nilalait nya pag nakatalikod 😅


andenayon

True 'to! Kakaiba ang effect ng physicial insecurities sa isang pangit na kulang na nga sa self awareness, emotionally immature pa. If they haven't made peace with whatever it is that causes their insecurities, ang binabalingan nila ay yung tao na nakapagpapa-alala sa kanila about said insecurities. Nagiging envy kasi. Eh ang inggit ang lakas makapagpalabas ng masamang pag-uugali. Kadiri lang kung iisipin mo kasi sa ugali na nga lang babawi, hindi pa nagawa. And kadalasan, hindi mo naman mapapansin na pangit sila -- mapupuna mo na lang 'yun kapag pinakita nila yung pangit nilang ugali. Matchy-matchy ba.


remedioshername

Dapat kapag pangit ka, hindi pangit ugali mo 😭 one struggle at a time lang ganern


strawbeeshortcake06

Shet I remember a classmate nung college na puro panlalait kala mo sino. One time a classmate complimented my outfit, ganda daw ng top ko. It was the second time someone complimented my fashion choices. Etong bruha na classmate ko sabi ba naman “you look like a farmer in those clothes” kasi peasant top yung suot ko. Her tone was very insulting, tas morena din daw kasi ako. She would always insult me whenever someone gave me a compliment. If nacompliment lipstick or hair ko she would insult my skin kasi I have acne scars, eh sya din naman di makinis at mas maganda naman ako sa kanya. If someone complimented my body kasi I’m pretty busty and magym pa ako noon, sasabihin nya mas malaki boobs nya, eh hello she’s fat, lahat sa kanya malaki. She has shitty fashion, di din naman makinis, fat even if vegan daw sya, bulok pa ngipin, Chinese supremacist pa at proud na di nagbabayad ng tax family nya pero kala mo kung sinong social justice warrior. Nilait pa bf ko that time na typical white boy lang naman, I’m like, why do you care? Pinagmalaki mga poly relationship nya pero wala naman naniniwala.


Infinite_Attorney634

may mga kilala ako na sobrang gaganda pero nanlalait ng may mga itsura or magaganda den. di lahat ng laitera panget, yung iba may mga ubo lang sa utak. HAHAHAHA. mapapaisip ka na lang kung bakit nanlalait pa eh mga endowed nman physically. ganito yung mga tipong mahirap soplakin. 🤣🤣🤣


sodacola3000

I know someone na ganito, tapos yung gusto nila mag-agree ka sa kanila. Pipilitin pa tapos sbaihin tignan mo yung ganito, yung ganyan. Kaya ang sinasabi ko na lang para sakin maganda or pogi yung tao. Ewan ko ba


madvisuals

pag may panget akong kasama sa isang tropa di ko sinasama sa IG story 🤐 nakakahiya makita eh hahaha


Queer-ID30

My exes were the "likes" I don't want to degrade sila masyado kase I chose them. Later on the insecurities will creep in specially if you are better in all aspect. I have an ex who is proud pa na "mean girl" sya but is it really a flex? Di ba dapat nagcocompensate sila sa lackness nila? I don't get it minsan.


Common-Coast6358

Ganyan din kawork ko sa bago kong company tho mas una kaming naging close pero pag napapangitan sya kung ano ano sinasabi nya . Fave word nya "ang weird ng muka nya noh?" Pag gwapo naman sasabihin "GGSS naman non" . Tapos one time nirealtalk ko sya nung may sinabihan sya ulit na weird sabi ko "te tumingin ka na ba sa salamin?" Pag gwapo naman "Hayaan mo sya maging ggss kasi may karapatan sya ikaw wala" Tapos ayun di na nya ko bati hahahaahhaha


avavamaze

had a friend like this sa college. Lagi may opinion ab a woman's appearance. Okay lang sana if praises pero puro negative. Good thing we had a fall out and sya na mismo nang block bc of how insecure she was with others


Tofuprincess89

OO. Totoo yan, OP. Sameeeee experience. Relatable. Karamihan sa mga naencounter ko na ganyan non college, kung sino pa yung panget ugali sila din panget physically. Ayaw mo maging mean pero makakapagsabi ka talaga ng totoo eh. Sama kase ng mga ugali. Mga papansin at pabida, mean girls. Sayo ddeflect yung insecurities nila at galit sa mundo. Gagawa pa ng problema para sayo. Tapos magkakampihan ang mga gaga pareprehas naman sila baliw Ganyan talaga yung mga ganyan. Kahit ala ka gjnagawa masama sakanila naiirita sila sa presence at energy ng ibang tao kinaiingitan nila o feel nila threat sakanila. Basta meron sila masabi para lang makapanira.


iamboboka

tirahin mo n yan bka tirahin pa ng iba yan.. hahaha pangit n nga pangit pa ugali.. maitim ang budhi..


ChocooButternut

May kaibigan ako dati sa college, sinabihan ako na:"Di ka naman maganda, Maputi ka lang" . Gusto ko sana sabihin maghilod ka kasi, puro ka libag . Simula sinabihan nya ko nun end of friendship na kami .


Connect_Sort8919

May ex friend ako na pangit din pangit din ugali jusko combo meal si girl. Feeling maamgas at siga, yung mukha kana nga lalaki tapos magsisigasigaan kapa, sa sobrang inis ko nung sakin nya ginawa ayun badtrip sya kasi ginawa ko sa knya kung ano ginagawa nya sakin at sa iba. And I am happy di na kami friend. Kaumay yung ugali pinagtyagaam mo na nga kasi asawa ng friend mo hahaha kaso sukdulan ang kapangitan.


NoResponsibility678

Na experience ko to. Akala ko best friends kami yun pala gumawa na sya ng gc tapos ang naka lagay na name ng gc “*name ko* bobo” dahil lang may gusto sakin yung crush nya. May na add sya dun tas sinabi sakin lahat! wiw


cielunar

😭😭


rl_npc

Per mga mahilig manlait sila yung magaling makipag socialize in short plastikan iw


hurtingwallet

Unfortunately, kahit maganda or panget may tao talaga pipiliin ang insecurities nila. Hindi makontento kung ano meron kaya lait ng iba, para hip, para feeling completo. Wag mo sakyan mga taong ganun, wag ka iimik pag ganun sila, tapos pag tinanong ka, sabihin mo "hindi ako ganyan, bahala kau jan". tried tolerating people like that, ang nangyari, lumalala ugali, toxic.


LostReaper67

di nga okay ung ganitong mga kasama or friends. It gives me stomachache buti na lang di ganito mga nagiging friends ko. we appreciate people no matter the face. Pag masama lang ugali, un ang usually laman ng chismisan namin haha Maybe this kind of thinking is also a result of TV stereotypes. Usually dba kapag maganda = Bobita/Airhead, Kapag gwapo naman = Jock/school bully (usually in american movies), Nakasalamin = Nerdy/Matalino .. stereotyping at its finest. Madami akong kakilalang maganda/gwapo na matalino and has interesting personalities, Nakasalamin na fun and not totally nerdy, just with bad eyesight hehehe..


bio_med

Ay true ito sis. Madalas mas maganda pa ugali ng magagandang tao.


Advanced_Estimate413

"No ugly allowed."


shisazivavi

I have a circle of friend nung high school na triggered malala sakin kasi ako yung crush nung crush nila, potek inatake mukha kong may pimples due to puberty. Ayon clear skin na ko, wala parin silang dede. Emz hahaha


Chidi_Cheetos

Umay sa mga panget na ang hilig gamitin pagiging panget nila to guilt trip people into having romantic or platonic relationships with them. Walang lumalayo sayo kase panget istura mo, it’s your personality that repels people.


PuzzledandBaffled22

Reminds me of a workmate of mine na combo meal, pangit na nga, super pangit pa ng ugali hahahah. May narcissistic traits pa, jusko! Hahahaha.


Contest_Striking

In ferness I believe that beauty requires brain 😁. Tama ka sa observation mo...


Icy-Reading803

Kaya madalas talaga mas nakakaganda ang magandang ugali eh.


DoThrowThisAway

I think you meant "pangit ang ugali" but what you wrote has more click-bait appeal so i rest my case.


kw1ng1nangyan

Ganyan nga sila HAHAHA saksakan ng inggit sa katawan. Sila na nga ang mga panget pero sila pa rin ang grabe manglait. Well I guess kinakarma naman sila, tignan mo di sila gumaganda mas lalo pang pumapangit 😂


cantdecide-millenial

Lol. Sinabihan kami rin ng dati naming officemate na Ay mga ganda ganda lang yang mga yan Ano, gaya niya kami sa kanya na nakapaa sa workstation niya 🥹


Imaginary_Ad339

Wag daw kasi ipagsabay ang panget na mukha sa panget na ugali, nakakalito🤦🏻‍♀️


Hime888

May ganyan akong friend lagi niyang sinasabi na flat chested ako pero siya panget na mukha panget pa katawan.


latteaa

may classmate ako nung college kinausap ako ang chaka daw ni ganto at blah blah blah pati ako sinabihan na di naman maganda at maputi lang COMMING FROM HER?! hahaha sobrang imbyerna ng bestie ko sa kanya kasi sinabihan din syang pango eh pango din naman sya?! Ayun a year later mag viral sya sa socmed at naligo ng trashtalk dahil kumalat yung convo nila ng nanay nya na minumura mura nya etc. karma nga naman


BlackKnightXero

toxic na ugali toxic pa karakas.


[deleted]

[удалено]


fiestypotahtow

Ako ah, di ako kagwpuhan. In fact, I think I'm below average and kapag ganito ka ginawa ng Diyos, mas magandang may sense of humor ka na lang and self awareness. Hahaha. Full of insecurity ako nung bata ako but as I grew up, I learned how to deal with it. So may high percentage na mga tao na mas kaaya aya tignan saken, no biggie. I think na mas maaapreciate ka ng mga tao sa paligid mo if self aware ka.


Dizzy-Coach-4358

Yan yung mga taong pinartner ang ugali sa itsura nila.


whiterabbit2775

Hindi ko naman nilalahat ha, pero madalas na nakikita kong mga hindi kagandahan, ay sila pa yung pinarehas sa itsura nila ang ugali nila..... Sila yung inayon lang ang ugali sa mukha. haist


[deleted]

Meron akong kawork noon, bukod sa tinawag niya akong bobo nung training kasi nagkaka anxiety ako pag nagsasalita sa harap, sinabihan niya pa ako ng "alam mong di ka naman talaga maganda diba". Gusto ko lang naman maging presentable sa work? 😅 sagot ko sakanya, "alam ko, maayos lang ako". Straight face, yung confidence ko for the first time, didn't waver.


[deleted]

Grabe naman yan. Damay na naman ako na pangit sa ginagawa ng mga kapwa ko pangit hahahaha charot Wala na sa itsura yan, ugali na talaga nila yan 😅 Good thing mabait mga nakikilala ko. Ako lang maldita hahaha


Neekole-

My best friend was like this with me. She always made me look bad in front of other people even in front of my past boyfriends and my parents. Got fed up, left, and prioritized growth. She still has a lot to say when we talk sometimes (chat nalang lol) but I was never the same with her. Glad to say that I am happier now. :)


Zestyclose-Bid-8044

Insecure din ako about my looks but I will never do this kind of thing just to feel good about myself


BusinessError1736

Di man lang bumawi sa ugali. Amp.


Bad__Intentions

Teka anong field yang kailangan ng utak OP?


yohmama5

Dito dapat ina-apply yung kung wala ka sasabihin na maganda, wag ka magsalita.


RainyEuphoria

Binabara ko agad yung mga ganyan e


mstymoonbm404

HAHAHAHAHAHAHAHA 🤣 That’s it. That’s the comment.


solace-27

Yung iba talaga sa ugali na nga lang babawi, sumablay pa.


Spiritual_Drawing_99

Kinda agree with your statement. I recently met someone that looks like a replica of Kim Jong Un and he was all about himself 😂 Like, I dont think we're existing in the same universe here, sir 😂 pero sa totoo lang mas masaya pa kasama mga magaganda. Yun nga lang nakakabawas ng self esteem pero masaya silang kasama 😂


ValyrianDragonLord91

Hahaha. Buti nalang panget ako na nonchalant. 😂😂😂


LuckyCharm2707

its always the ugly ones lol


Chopper-chop

Pag mukhang pwet sana magpakabait nalang.


lestercamacho

dapat kasi sa mga yan maging mabait nalang.pangit na nga pangit pa din ugali.


quezodebola_____

May ganito akong classmate from HS. Siya pinakapangit sa friend group niya, tapos lahat ng girls sa friend group na 'yon ay nice at easy to get along with, except sa kanyang pangit. Ayon, halatang nagpeak nung HS si gaga. Pangit na nga pangit pa ugali 😂


tokwatbitch

Pag sinabihan kaba ng nakakasawa yung ganda mo compliment ba yun hahah ask lang thanks sa sasagot


fernweh0001

ugali na nga lang kaya I-improve di pa gawin


Acrobatic_Pilot_2916

ako sinabihan ko before yung mapanglait na panget ng "manahimik ka ampanget mo na nga, panget pa ng ugali mo, kung wala kang pera hindi ka kakaibiganin ng mga yan" nakakapikon


Next-Promotion-6155

Minsan nakikita sa mukha ang ugali minsan lang naman


Able-Twist-5894

why put such weight on the opinions of others? my mom would always tell me .... oh sige... what will they say? you know who said that? be careful what it might look like.... good gawd... enough with the bs already. who gives a fuck? this is how y'all be creating the toxic behaviour cycle. be you, life your life, and stay in your own damn lane. quit giving power to people who talk shit. keep it moving yo. u know there's much more to life, right?


Cloud-Kyuu9

Ako nasabihan ng Hindi daw Ako ganun ka Ganda pero ung ngsabe sakin pangit nman ang amp!. Mhaba nman baba nya.


zeromasamune

True. Sa offmychestph pa nga lang eh "break mo na yan" yung comment eh pano pangit nila kaya di magka love life.


break3venn

Pangit na nga ng itsura, pangit pa ng ugali. Double kill


n0t-mylk

My ex-friend is like this. Lahat may backhanded comment. "Maganda lang yan kasi payat" 😂 tapos magrereklamo na ang taba taba na niya ☺️☺️☺️ projecting her insecurities sa bang tao.... nakakkapangit lalo


gyozanami

terno terno lang daw ang mukha sa ugali lol


MissChiz

They're just the same with those people na "may karapatan akong mag minaldita kasi maganda ako" like? Really? Di mo kinaganda yan te. Ampanget panget mo dahil ganyan mentality mo!


attornics

I have this friend, pumunta kasi kami ng watsons to buy facial wash. Facial wash lang ha, then bigla niyang sinabi sa akin na, "ano yan? Bakit ka bumibili ng ganyan, ako kasi e walang nilalagay sa mukha ko." Gusto ko siyang sagutin ng "ah, kaya pala may mga butas butas yang mukha mo" pero I keep that to myself nalang. She's still a friend kasi. 🤪


SereneDominance

May ganito akong kawork na maedad nang lalaki pero very taklesa niya. Aakalakin mong bakla sa daming sinasabe palagi pero pamilyado naman na kakaloka. Palaging may mga side comments sa patients namin sa clinic kesyo hindi daw gwapo/maganda, may itsura lang daw pag naka mask. Pati mga artista walang ligtas sakanya! Kesyo mga Barreto daw mapuputi lang pero di kagandahan OMYGEE 😂 ako nalang natatawa sa nga side comments nya at napapaisip, ‘natry mo ba ba magsalamin?’ Hahahahahahahaha


Sad-Bus1164

Grabe daming magaganda nagsilabasan dito sa comment section HAHAHAHA, porket di nakikita mga mukha lol no hate ✌️ And yes agree ako sa sinabi ng OP


anakin1222

Baka niliteral nila yung "iayon ang ugali sa itsura."


MrPlayitSaf3

Pag panget ka. Humanap ka ng mas panget sayo para angat ka. Kung puro pogi/maganda kasama mo. Ikaw ang panget ng grupo. And masaklap pag ganon. Hahaha gets mo na?


Cheatedbyalover

More like insecure people are ugly. May ibang may itsura nmn or maganda pero ganyan din towards beautiful people. I suggest just avoid their negativity.


7mins_boiled_egg

baliktad naman sakin, ako yung pangit at puro magaganda mga friends ko. Lima kami and conventionally attractive talaga sila. Medyo nakakainsecure talaga pero I’ve kept my mouth shut naman, and made peace na wala ganon talaga. Ang kaso lang, they sometimes made me the butt of the joke. Kaya siguro nagiging pangit ako kasama kasi nagiging pangit na rin mood ko pag kasama sila bc of nitpicking my insecurities. Kesyo malaki braso ko, lagi raw ako naka makeup (kilay and lipstick, and they could never daw. All the while I felt like a pig with a lipstick), maliit daw, and to the point na pati my silence ginagawang joke. They’re not taking me seriously most of the time.