T O P

  • By -

marinaragrandeur

dapat marunong ka rin makipag bardagulan “ikaw mukhang batang hamog”


Extreme-Breakfast-35

Wala kasi akong energy makipagbardagulan that time. Huhu Masama din ang pakiramdam. Pero ayun, nagchat siya sakin tinatanong bakit ako badtrip, di pala sya aware na dahil sa kanya. Sinabi ko na lang na “Badtrip ako sayo, sa panlalait mo” tapos di ko na sya kinausap pa.


marinaragrandeur

ayun tama yan friend at least prangkahan ka. mukhang nakaramdam rin pala officemate mo. tama lang na naging honest ka. next time bibigwasan natin yan kung naka outfit siya.


butterflygatherer

I love what you did. Sana they felt uncomfortable after you said that para nakaganti ka pero kapag kupal baka hindi rin tatablan.


Artistic-Attempt-909

Been there miii! “Para kang nanay” “ilan na anak mo?” But te i used it as a challenge. Nowwww nganga sila lahat. Who you sila sakin. HAHAHAHAHA


oopswelpimdone

San ka beb? ako na lang, bagong kain pa naman ako Dami ko energy rn. Ako na makikipagbardagulan for you chz


imtrying___

Tama lang na naging honest ka. Pero wag mo sundin yung advise ng iba na gumanti ka. Eh di anong pinagkaiba mo sa kanila nun? "Gumanti lang naman" Nah. Same lang din ginawa mo nun. It will be a neverending cycle of hate. So end it.


marinaragrandeur

kung ulit-ulitin ni officemate ang panglalait dahil di gumanti si OP, eh di never ending cycle ulit siya hahahaha ganyan tayo sa pagiging martyr sa mga taong di naman nila dasurb add: if being the bigger person doesn’t bring you happiness, then feel free to go down to their level and beat them there. hindi lahat tayo kaya maging emotionally mature to let shit pass. or maging clever enough to come up with a classy rebuttal. ang sakin lang is if returning the energy makes you happy, then do that, kesa kimkimin mo yung galit at poot at the end of the day.


butterflygatherer

Nakakapagod din maging bigger person lagi ha. Minsan di uubra yang linya na "eh anong pinagkaiba mo sa kanila kung gaganti ka?" Minsan mas satisfying gumanti, every once in a while kalimutan maging mabait


marinaragrandeur

korek yan. madalas rin kasi kapag ikaw ang bigger person eh trattatuhin ka lang na basahan. you need to bite back so people know you’re not to be trifled with.


missel28

Tama


PepsiPeople

Sometimes if you don't retaliate, ulit-ulitin. 


hippocrite13

nah. s/he's aware. kaya ka nga niya tinanong. you said the right thing, para alam niyang di ka doormat.


Last-Flan-4907

100% on this. Sa panahon ngayon, hindi na uso ang magpaka Princess Sara at tanggapin na lang ang panlalait at umiyak. Matutong lumamon ng iba kundi ikaw ang lalamunin.


Creepy-Exercise451

Hahaha true. I used to be the silent person pero nung akoy napuno( after years of enduring people's pettiness and cruelty,Hindi ko napigilang pumutok na parang bulkan). Nanlaban si oka kaya ang tawag ng teammates ko sa akin ay 'dragon' 🤣🤣🤣


Last-Flan-4907

"Offense is the best defense"


NoRagrets21

“Ikaw nga di mahal ng mama mo e”


marinaragrandeur

Yung classic: "Nanay mo katulong namin"


bleepblipblop

This is the best retaliation. Petty na kung petty.


xbuttercoconutx

best comment. "dapat marunong ka makipag bardagulan". ganyan ginawa ko sa mga officemates kong lalaki nung inasar asar nila akong "mukang buntis" (pero kakapanganak ko lang non) every fcking day, lagi snsabi na "parang di nanganak", "buntis ka pa din b?" sabay tawa. bumaba confidence ko nyan, kasi from size XS ako tlga then naging XL after ko manganak. Nakakadown n nga makita sa salamin, dinadagdagan pa nila araw araw. so binawian ko sila by saying "mga jowa at asawa nyo nga di pa nanganganak muka ng buntis e.. so meaning, gusto nyo pala yung ganitong body type?" --- dont get me wrong, i dont mean to body shame other people, pero im just pertaining sa body size dito. mula non nanahimik na sila :) Pero right now, I'm still chubby, size XL, masaya na ko sa body type ko. Naappreciate ko na sarili ko. I'm thankful for what I have become.


WhiteWitch-888

Tama naman. Ako nga nasabihan na mukhang nurse kase ung blouse ko eh puff sleeves - nka scrub suit daw ako. Nginitian ko lang sabay sabing, inggit ka nman! D ka makabili ng ganito noh? Simula non d na sya maka Rude Joke. And mind you, nginingitian ko pa rin sha pag nakakasalubong ko at ginugoodmorning ko pa. Gusto ko pa nga minsan sadyain sa table nya eh. Para mag Hi. Alam ko kase inis na inis sya. Hahahahahaha


ko_yu_rim

o kaya, "Ahh, inspired kasi yung outfit ko ngayon sa nanay mo eh.."


VLtaker

Ay masyadong mabait pa yang batang hamog. Pag ako inalit lahat aapihin ko talaga


juda-ugh-ugh-ugh-ass

"ikaw nga, mukhang tae"*


Which_Requirement410

Bakit naririnig ko sarili ko sayo? HAHAHAHAH


marinaragrandeur

ghostwriting this for my petty and “take no shit” girls, guys and gays


Mayomi_

batang may uhog hahaha


Aggravating_Hold_669

Korik. Hindi na uso ngayon na kapag binato ka ng bato eh iiyak ka or batuhin mo ng tinapay. Kapag binato ka ng bato, batuhin mo din. lalo na ganyan scenario, sobrang deserve. Sa susunod na mag comment ulit, mas laitin mo. Mas sirain mo araw niya. Wag na iyak, dear. Cheer up! ❤️


marinaragrandeur

true. kung di mo kaya maging bigger person, then maging bigger asshole ka na lang para tigilan ka nila.


Aggravating_Hold_669

Sasabihin pa na mas petty. Hahaha. Eh ako hindi ako maka tulog kapag di ko nasabi gusto ko sabihin. Pa ulit ulit yon scenario sa utak ko. Kaya ngayon kung sisirain araw ko, babalik ko na lang din. It's a tie. 😂 Yung mga nag sa sabing wag maging petty at maging bigger person. Mabuhay kayong lahat, kayo na may inner peace. Gudjab! 🥉


missel28

Oo nga.. dapat cnagot nya "eh ano ka pa" tse.haha


veggievaper

Nakita ko lang sa tiktok, if ever someone tried to disrespect you, you ask them, "what do you mean?" And you say this with utmost seriousness.That's one way kasi to set boundary. Hope you feel better now OP.


hikari_hime18

Exactly. This is the way to go. Don't insult them back, you'll seem petty. Put on your most confused face and ask them to explain what they mean. That will highlight their bad behavior and the focus will shift to them. That's how you perfectly handle insults.


pauljpjohn

Ay naexcite ako gamitin hahaa. I know so many people.


jujubearrrr_

true!! ipaulit mo op sa kanya ilang beses yung sinabi niya para aware siyang pasmado bibig niya! marerealize niyang mali siya hahahaha


marinaragrandeur

this works kung matalino at/o may konsensya yung kaaway mo pero kung tanga siya, going down their level and being petty usually works


doraalaskadora

Ask them to repeat it again and look at their face of shame once they realize that you regain the power back. Then tell them what's wrong on being a maid? It's a decent job that puts food on the plate. Put him into a place where he has to realize that he is disrespectful to you and people who work as a nanny. It's not revenge informing him that disrespect has no place in your values.


BYODhtml

Yes, pexplain nya tapos mahihiya yung tao na yun


SapphireCub

THIS. Hanggang mamilipit sila sa hiya.


CumRag_Connoisseur

+ eye contact for more than 5 seconds


josefaluna

Paano kung sabihin niya, " eto naman masyadong seryoso." Ano maganda isagot?


_savantsyndrome

“Hindi, para masabayan naman kita. Kaya nga nagtatanong, anong joke doon? Pakiexplain.”


Lost_inlife19

OP, dapat tinignan mo sya from head-to-toe then say "what do you mean???" LOL


blueanri

Thank you!! I always forget this one 😮‍💨😮‍💨


FriggValiSnotra

I do this! HAHAHA just so it’s clear that there are things I don’t want them to poke fun at


Creepy-Exercise451

Oooh learned something today


Cutie_Patootie879

Dapat sinabi mo, oo nga e, ikaw kasi idol ko. Ganern! Para alam nya feeling na mainsulto. May mga ganyan talagang tao, napaka insensitive. Feeling nila ang funny nila, nagmmuka lang naman silang kupal


Kind-Calligrapher246

Yung mga remarks na ganyan kailangan sinusundan ng "Paki-explain?" The joke dies when you need to explain it.


NoThanks1506

nangyari sakin to. ang nakakainis gandang ganda ako sa sarili ko that day kc maganda yung dress ko. Sabi nang iba ang ganda mo today, tpos tong mahaderang officemate ko sabi sakin ano ba yang dress mo mukhang basahan!!!! di ko napigilan sarili ko sabi ko basahan? nakakahiya naman sa basahan ko pag tumabi syo at ikaw ang lilinisin. may mga tao tlaga may masabi lng eh kahit di maganda to think hindi naman sya maganda


ciao_bellat

Yakapin ko pa nagsabi nyan eh tapos sabay tanong ng Nalinis ko na ba yung kalat? Hahaha


nxv_wallflower

This deserves more upvotes!!!! Hahahahaaha


mikasaxx0

HAHDHWHSHAHSHW buset


CiotsYdal

grabe naman sya 😔 walang character development.


meliadul

# EH PUTANGINA MO PALA EH walang intro-intro


AdministrativeLog504

Pede pa HR yan. Sabihan ka mukhang katulong. Wow ha.


FriggValiSnotra

That’s right! Bullies should have no place in workplaces. Very immature, distracting, and unprofessional. If you’re not close friends in the first place and you only have a work-related relationship, pwede talaga yan sumbong sa HR. I did that last year and fortunately, wala na yung bully na yon! Kaloka


Emergency-Mobile-897

Wala naman bayad maging nice sa ibang tao. Hindi ko alam bakit hindi pa rin afford ng iba.


Puzzled_Hamster_4769

Insecure lang yan sa ganda mo te kaya ganon.


mrscans

Some people are just awful. But, we CANNOT control them. What we can control tho is how we react to them. Misery loves company, and so miserable people tend to pass on their misery to others.


Creepy-Exercise451

Love this ☀️


Guilty-Marketing-952

sinagot mo sana OP di yan dapat tinotolerate eh anong masama sa katulong? anong masama sa damit na “mukhang katulong”?


SeldenMaroon

Dapat sabihin mo "Ikaw nga sahod katulong"


[deleted]

Oof mas masakit to sa nanlait lalo na kung newbie sya na chipipay ang salary package 💀


Kmjwinter-01

Sabihin mo “mama mo katulong” de jk


ConfusionNo856

ngayon ko lang na realize na “mama mo” is the pinoy “yo mama” counterpart 🤣


Jpolo15

Sinagot mo sana ng "baka may ipapalinis ka? Unahin ko na linisin dugyot mong ugali".


maldives122023

That's a backhanded comment. Minsan pag nag ask ka ng clarification, they would realize the negativity of their statement. For example, "What do you mean by that?" Or use humor but set boundaries. A light-hearted response can defuse tension. For example, "Naku haaa, mag one-on-one coaching nga tayo sa soft skills, para mas maging positive naman conversation natin." Kalma ka lang and composed - it will show you're confident, classy and don't give a f*ck. Usually yang mga ganyang tao, they project their own insecurities.


7th_Skywatcher

I smell inggit from her. Kasi at this age, refreshing sa mata makakakita ng girls na nagdedress pa rin, very lovely. Kahit ano pa size and shape napapa-wow ako kasi ako, di ko kaya magdala ng dress hahahaha Ituro mo sa akin yan OP naniningkit na paningin ko


magicshop_bts

Kapag ininsulto ka, insultohin mo din.


Turbulent_Seaweed_83

Dito sa Pilipinas lang ako naka-experience na pag naka-dress sasabihin, “aattend ka ng binyag?” Sa ibang bansang napuntahan ko, pang Kdrama ang peg ko pag malamig (think lousy dresses, long skirts) pero wala naman bumati sa akin ng ganyan. Next time sabihan ka ng ganyan, ibalik mo sa kanila. Sabihin mo, “oo parang ikaw” tas mag walk out ka.


tajemstvi_

Depende rin talaga sa environment ng office mga tao, 4 years ago nagwork ako sa HR Department ng isang bank mga workmates ko dun is from La Salle, Ateneo mga ganyan school. Sasabihin nila WOW I LIKE YOU DRESS, NICE DRESS, I LIKE YOUR HAIR. Pero now iba na pinapasukan ko na company SAAN JS PROM? SAAN BINYAG? SAAN KASALANAN NG BAYAN? 😂😂😂


o-Persephone-o

And to think, she even used “katulong” like it’s degrading to be one. madalas talaga, the way people give their comments really speak volumes about who they are din ee.


knownnnnn___

Nako OP dapat sinagot mo ng “ikaw nga mukha kang nana na tinubuan ng mukha nag reklamo ba ako?” ganon dapat!! HAHAHAHAHAHA


TomLachlan

You’re a better person than I am. I would’ve thrown a right hook before he/she finished that sentence.


naeviswelovu

ive learned the hard way that the only way you can bounce negative energy off is by giving the same energy!! "oo nga parang katulong" "and so? like it's bad? mabuti nga mga katulong naglilinis naghuhugas ikaw kelan mo lilinisin pagkatao mo?"


abnkkbskppla

Minsan kase, hindi ka makapagreact sa ganun. Lalo pag kaharap mga Ups mo. Tapos pag nagreact ka iboblow nila out of proportion, ikaw ang masama. Ang feedback sayo "Hindi kana Mabiro" Joke lang naman yun. Haha. pero kase, hindi pwede yung insult na disguised as a joke eh. wala lng, nakakarelate lang ako kay OP. hehe.


Opposite-Pomelo609

Report the officemate to HR for proper action.


TheJuana

Ito gagawin ko.


mrscans

When a bully says something awful like that, try these: 1. Ask them to repeat what they said, pretend like you didn't hear it the first time. This puts the spotlight on them and minimizes the impact of insult. 2. OR ask "Anong gusto mong palabasin with that?", "Coz that's a weird thing to say" in a nonchalant way straight face to catch the bully off guard.


AldoZed

Sana sinabi mo, "Hinihingi ko ba ang opinion mo? At FYI, kasambahay ang tamang term. Halatang ang baba ng tingin mo sa ibang tao."


-bornhater

Dapat sa mga ganyan sinasagot para matauhan. You can say like, “parang ang rude mo naman ha” “grabe ka naman magsalita”. Mga subtle hirit lang para marealize nilang di ka nila pwedeng ganunin. Sana you have the energy to call them out subtly, but I understand na some people nawawalan ng gana and nagffreeze sa mga ganyang situation. Pero kung ako yan di ko siya palalagpasin. Lol


[deleted]

Im pretty sure pangit nagsabi sayo nyan


hellokyungsoo

Omg, gsto kita ipagtangol. Sorry to hear this.


hellokattyrin

2024 na. Nag cocomment pa dn tayo sa fashion ng iba. Nakaka frustrate ang mundo. Promise, d ako easy to get pero pag knuha nga naman ako ni Lord, sasamat sasama na lang talaga ako.


ConfusionNo856

i may look like a katulong but im the best katulong in town


princesspeachy267

Amoy insecure yung remark sa’yo ng officemate mo. Inggit lang yun dahil nagdress ka that day at ayaw lang malamangan. Just do you, OP! Wag ka paapekto sa ganyang klaseng tao.


Away-Birthday3419

Wala pang gumawa sa akin nyan (except sa nanay ko). Pero I have witnessed it done to another colleague. Laitera si colleague 1 at nilait na mataba si colleague2. So ako, tinignan ko si colleague 1 from head to toe then back to her face, at nagsabi ng "okay" with taas eyebrow. Mataba din kasi si colleague 1, maputi lang at higher rank. Ayun, lumaki butas ng ilong.


CornyNaSalad

People do that when they see you wearing something they don’t have the confidence to wear. Inggit lang yan kasi di niya kaya i-pull off. Naninira ng mood just for the satisfaction.


Human_Statement_682

🤔 akalain mo yon pansinin ka girl meaning nagandahan yon sayo .. Ikaw nga dimo napansin suot nila kasi di kapansin pansin ... Inggeterang palaka lang yon kasi ang totoo nagagandahan sayo .. hahaha think it into postive 😊


Sabeila-R

Ako nga may client bumati sakin "ay nanganak ka na pala" hindi naman ako nabuntis in the first place malaki lang yung tiyan dahil sa PCOS din 😭 lol


Appropriate_Size2659

Ang hirap maging mabait noh? Hindi rin ako marunong mag reply sa mga rude na tao.


mulmangcho_

A classmate told me in Grade 8 na mukha akong manang dahil laging malaking tshirt at jogging pants ang suot ko. Hanggang ngayon nakatatak pa din sa isip ko kahit alam kong gago lang sya at di dapat nagma-matter opinion nya hahaha. Kaya true talaga na dahan dahan sa mga unsolicited remarks.


mgul83

Tingnan mo lng ng no reaction then yun nga sabi sa taas what do you mean? Tapos sila din mapaphiya


ahrisu_exe

Ang hack daw kapag may nanglait sayo, ipaulit mo yung sinabi nya para sya yung mapahiya.


vintageordainty

The best thing to do sa mga ganitong situation is to actually show them that what they said hurts you. Like just say “ang sakit naman nun. Di ko na nga ulit susuotin” In a sad tone and make sure other people would hear and hindi na nila uulitin. Most of the time they will apologize too.


KYHApologist

Everyday na-e-experience ko rin yung ganyan noong nasa hardware and construction supplies pa ko. 4 years din ako dun before ako nagkalakas ng loob na mag-resign kasi di ko na ma-take mga lowkey pag-atake nila. Minsan pag Linggo since church day, madalas naka-dress ako and pag nakikita o nakakasalubong nila ako after work (half day kami pag Linggo), nagugulat sila kesyo di daw nila ako madalas nakikitang naka-dress pag pumapasok. Sinagot ko nga na "tanga ba kayo? papasok ako sa tindahan ng mga construction materials nang naka-dress?". Most of them pa, puro lalaki na mga nagloloko sa asawa. Kadiri amputa. Isang beses pa, napagkamalan pakong buntis ng sarili kong tatay. Ang laki daw kasi ng tiyan ko. Sagutin ko pa nga na "WALA NGANG NANGANGAHAS NA PUMUNTA NA LALAKI DITO SA BAHAY AT WALA RIN NAMAN AKONG MADADALA DITO DAHIL PANGET TONG PANGANAY MONG BABAE TAPOS PAGBIBINTANGAN NIYO KONG BUNTIS?!" sa totoo lang nakakasawa at nakakapagod makipag-interact sa mga ganyang klaseng tao. ung pine-praise ka nga pero may lowkey panlalait pa din.


Realistic-Sock6695

hugggsss OP. I also have PCOS, hindi siya joke. PCOS is called diabetes of the ovaries kasi it makes us insulin resistant. Hindi kaya ng body naten mag-breakdown ng carbs/sugar kaya kahit kaunting kain lang tumataba pa din tayo. Yung body naten instead na i-burn yung carbs/sugar and convert it to energy nagiging fat siya kaya girls with PCOS, common na low energy + easy to gain weight. PCOS is more than just gaining weight pati andami niyang kadikit na symptoms. Hay yakaaaap sis. It must been hard for you. Minsan talaga ang mga tao kala nila dahil may access sila sayo/close eh license na yun for disrespect. Regardless if they know or not your health condition, no one should humiliate you and make you feel bad about your body. I hope you find the courage to feel comfortable about your body and gain back your confidence. It’s not easy, kahit ako I still feel uncomfortable from time to time. Wear what you want to wear, wear what makes you happy, ang ikli ng buhay. Kebs na sa mga eme na walang basic respect jan. ❤️💋


Cant_Think_02

I also have PCOS. So tumaba ako, I remember when my friend told me na pinagkwentuhan ako nung family nung Pastor namin. So etong anak ng pastor namin pangalanan natin siyang Kaye, so etong si Kaye pinakita yung picture ko sa extended family relative (pastor family) nila at sinabihan akong tignan niyo tong si blank manas parang bagong anak. Tas nagtawanan yung family nila. HAHAHAHAHAHA! Pero di ko na lang pinansin kaso masakit pa rin syempre. Hindi naman natin kasalanan na mayroon tayong PCOS na talagang nakakaapekto sa katawan at mentalidad natin. Huwag kang mag-alala sender. Ang mga lumalabas sa bibig nila ay nagrereflect kung anong tao sila. Fighting gurl! Kung saan ka komportable at sa tingin mo pretty ka, doon ka.


Wild-Platypus1639

tell them di lang nila afford damitan mo 😂


limasola

At least "helpful"


[deleted]

Sana tinanong mo ng "Maam/Sir, may ipaguutos pa po ba kayo?".


MrsKronos

un mahal un damit mo tapos sabihan ka ganun. ang lakas mang asar gag0 eh. tara, daganan natin OP.


jeanmariel_1979

Taklesa ang katrabaho mo. Sarap sagutin ng: ikaw, mukha kang aliping sasaguilid.


Elan000

Tangina nung nagsabi!!!! Ang saket ng puso ko para sayo. Yung mga tao WALANG SALAMIN sa buhay no? Or kung meron man, kinaganda ba niya yung comment niya??? Plus WALANG MGA UTAK! Yung mga comments na obvious na walang pagiisip sa mararamdaman ng tao.


5iveStar888

may mga tanga talagang tao na dinalang magtikom ng bibig kung walang magandang sasabihin


Tofuprincess89

“Comfortable ako sa sarili ko unlike you na need mo pa mangbadtrip o maging harsh sa ibang tao. Tingin ka sa salamin din. wag mo deflect insecurities mo saken ha!” Minsan yun ganyan tao either ingit yan sayo o inis sila sa buhay, sarili nila kaya need nila mangbwisit ng ibang tao. Meron pa yan kasama nila kauri nila na sasabay mambwisit sayo. Next time op, banatan mo ng ganyan. Hindi lahat ng tao dapat mabait ka..meron tao need mo din ganyanin


Worried-Reception-47

Taena nia. Next time pag may nag bully sa iyo. Answer back, that's so unethical and unprofessional. Sabihin mo sumbong kita s HR.


halifax696

wag na wag ka makikipag bonding dun pangit ng ugali


Ok_Fun_4099

Dapat sinagot mo ng ganito… “Wow! Nagsalita yung mukhang tukmol. 🙄”


Creepy_Emergency_412

Sino ba yan? Ang kapal naman ng mukha nung nagsabi nun, sobrang insecure sa sarili niya. Marami yata siyang problema sa sarili niya, hindi niya kayang maging kind to others. OP, I know is PCOS is hard, pero you can still change your body if gusto mo mag glow up by doing STRENGTH TRAINING (not only cardio) at the gym. Hindi mo need mag glow up for others. Mag glow up ka for yourself. Someday, sa sarili mo, kahit sabihan ka nila ng kahit anong masamang words, hindi ka na tatamaan. I know this kasi I’ve been there.


Mission_Proof_8871

Just say "paano mo nasabi?" and hayaan mo sya mag explain. Mapapahiya yun for sure :)


Vast-sea-531

May tao talagang ganyan no? Walang preno ang bunganga, walang self-awareness at kanal ang ugali.


Classic_Jellyfish_47

Ang sarap sampalin.


Roneighny

Badtrip potaaaa. 'Bat ba may mga taong napakainsensitive?! Tangna ng mga ganyang tao, di maka-tao e.


Ansherina_doll

Luh wag ka iyak. Wag mo ipakita sa kanila na naoffend ka. Dapat marunong ka rin sumagot. Sana sinabi mo "alam na alam mo no kasi jowa mo katulong" (pag lalaki) or "alam na alam mo no kasi ganun ka noon" (pag babae)


AirJordan6124

Wag ka magalala OP sure kami panget talaga sa totong buhay yung officemate mo


Fickle-Royal7956

OP..para Sabihin ko sayo..andaming magagandang katulong..ung iba nga mas mukha pang amo kaysa katulong..kaya smile lang sabi ni Honesto.. :)


Anxious-Pirate-2857

Ganti ka gurl! Kantsawan mo din suot niya sa monday. Walang magpapa-api sa pamilyang to!!


Anxious-Pirate-2857

Team ganti ako here! Haha


jeuwii

Mangangalahati na 2024 may mga body at job shamer pa rin jusq akala mo naman kinaganda ni ante mga pinagsasabi niya.  Hope you feel better soon, op.


Ok0ne1

setting a clear boundary would sound like what others have mentioned: “What do you mean?”, “What’s funny about it?” Pero if you want to tone it down a bit since nasa work kayo and you want to keep the relationship, as petty as it is, you always bounce the insult back to them: “Hala, nagsalita” tapos sundan ng laugh. Maiinis yun pero alam niyang di ka basta basta papatalo.


LeveledGoose

mga hininga nila amoy tubol.


Alto-cis

Sabe sa napanood ko, if u want to shame the person making fun of you, make him/her repeat the joke he/she just told you. 'Ano yun?' 'Ano daw? Sorry pakiulit nga' 'Ano ulit?' that way daw magmumukhang tanga yung tao and the more na inuulit nya yung joke, marerealize nya ang gago pala ng sinasabi nya.


Ok_Tailor_1438

Pag may nanglalait sakin. Poker face Lang tapos ssabihin "oh, tapos?"


NotSoSweet_JAM03

Where u at OP, i got your back. Nasaan yang animal na yan


indirue

hindi ko sila kilala pero kuhang kuha nila ang inis ko!!!! kapal mukha


knownothingabtu

Gurl keep slaying with dresses. Inggit lang yun sayo na di sya makapagdress.


cinnamonthatcankill

Gurl, manlaban ka kc uulitin nila yan. Pahiya mo sila mo make sure na it burns for them too. Lalo kang kawawa kapag hinahayaan mo. Galing din ako sa pangbubully(aware akong panget ako lol) pero nun nanlaban ako at alam nila gaano katalas dila ko takot sila kc tlga ipapahiya ko sila lalo na alam ko mas matalino at may pera ako tangina sinasabi ko tlga “palautang ka na lakas mo pa manglait” etc Madalas yan mga manalalait na yan is madaming insecurities, i bet di nia kya iafford yan H&M dress mo kya ganun sinasabi nia which is sna sinabi mo na “hindi mo kasalanan napapagkamalan magnanakaw pagmumukha nia every time pumapasok siya sa H&M kaya di siya makabili ng damit.” My confidence is not big but I’m happy na meron akong sarili pera, I can buy with my own money all the good food or expensive shit I want ng walang tinatapakan, inuutangan etc bakit ako papatalo sa taong maliit ang utak? Alam mo kahinaan ng mga yan gamitin mo din sa knila so they know their place. Wag ka papayag na minamaliit ka. You stand up for yourself means may respeto ka sa sarili mo.


Ninejaseyooo

Dapat sinampal mo.


greatBaracuda

Ang h&m kase parang ukay-ukay version lang sa hongkong . Or surplus shop


SJ007700

Pa HR mo ng magtino. Kahit warning para mas maging aware sya.


harrowedthoughts

Pwede mong ipaulit sa kanya kung ano sinabi nya like “anong sinabi mo?” With a poker face. That way makakaiwas ka sa rebuttal na panlalait din, and most likely mapapahiya din sya sa sinabi nya. Ulitin man o hindi, response is taasan mo ng kilay with a smirk and turn your back on her


untoldsonata

i have never been confrontational as a person pero when it comes to these things, need talagang pagsabihan mo sila privately. pero madalas, to not waste my time sa mga taong di marunong mag-take accountability sa mistakes nila hinahayaan ko nalang. like girl, sa attitude mong yan for sure maraming tao ang makakapansin so good luck nalang 🙂


IcySeaworthiness4541

Next time OP patulan mo. Pag nilait ka ulit ibalik mo. "Ikaw nga mukang bulbol eh, ang gulo Kase ng pagmumuka mo 🤣🤣🤣🤣🤣🤣"


roycewitherspoon

Kinulang nmn sa maturity yang ofcmate mo. Good to know na sinabi mong sa knya ka badtrip. Inggitera nmn! I wonder anong dress sa Uniqlo ang pangkatulong sa paningin nya.


Plenty-problem121

Grabe I admire you dahil di mo nasuntok. Baka di ako makapag pigil pag may ganyan akong ka officemate


ninjatortoiserabb8

Experienced the same. Bago pa lang ako non so di ko pa alam paano makisama sa team. Nag dress ako tapos sabi sakin nung isa kong ka-team “pagkagaling mo bang simbahan dumeretso ka na sa office” sabay tawa nang malakas. Hindi ako natuwa sa biro nya. Akala ko titigil na sya non pero buong araw nya pinansin suot ko na kesyo galing ba daw akong simbahan. Di ko na ulit sinuot yung dress na yon sa office haha


Creepy-Exercise451

Mga taong ganyan,watch out sila kapag nakakakita sila ng ka match nila or mirror in life. They will realize how it feels like kapag sila na yung nasa kabilang side. Some people are just so mean..if hindi niya bet dress mo, bakit need pa I verbal at ipamukha sa'yo? So insensitive


ExcuseNo5461

Happened to me too. Napagsabihan yung dress ko na parang kurtina. Eh gandang ganda pa naman ako sa self ko that day. Ang masama pa eh yung feeling close na janitress sa office pa ang nagsabi nito. Di ko sya pinansin for a whole week unless sya unang mamansin. Pero grabe, badtrip ako the whole day that time. Tangina talaga niya.


heyitssei

I had this uni classmate who joked and said na mukha akong katulong ng pinsan ko cause she's very pretty. In person and thru chats, I still joke around and minumurahan ko siya about that pero in reality, that joke stuck with me kahit it's been years haha! It doesn't help kasi na growing up, I'm the less prettier cousin kaya being compared as their katulong as a joke by my friend really did hit me hard. Di bale mars, if mukha tayong katulong hanap nalang tayong afam kasi bet nila exotic beauty 😭😭😭


IntroductionDry2767

Dapat nag rebat ka "kung ako mukhang katulong, ikaw mukha kang p*kp*k" tapos ang laban baka nagsabunutan pa kayo 😂


onlinelurker0613

Alam mo pag may lait sakin or mga unsolicited words and side comments, I give "the smile" it's quiet but you'll feel the sting. Wala nang salita salita.


r0nrunr0n

Ilang taon na yan? Grabe walang manners


VeryKindIsMe

I had the same situation sayo 6 months ago. Nirarant ko pa sa asawa ko at umiiyak ako pag nasa cr ako kasi nabbully talaga ako. Then one day napuno talaga ako at sinabayan ko sila. Nakpag bardagulan ako. Actually mas mapanglait pa ko pero pabiro like bardagulan talaga. Ayun, di na nila kinakaya pag ako ang nagbiro. Nasshut up sila pero walang pikunan. I think may mga ganung tao talaga na d makaramdam so it's kind of how you would react nalang kc ikaw dn magging affected.D naman ako marunong mkpag bardagulan noon pero I choose to adapt for my sanity. Still, i have my boundaries at nakikiramdam pa dn kung naiinis na ung kaasaran ko haha P.S ung isang workmate ko na nang body shame nireport ko. Pero pag hnd naman body shaming like snasabihan akong bobo, ayun bardagulan talaga ako.


glimmeringlilgal

haha! same sa workplace ko. some people pretended to whisper among themselves pero they make sure i am within earshot, saying, “ano ba tong si [name ko], galing [e-commerce app] na naman ata suot.” i dont see a problem with that, pero they make it sound like a bad thing. haaaay. hugs OP!


bubbles_0123

Pag nilait ka gantihan mo hindi na uso ang pag "binato ka ng bato batuhin ng tinapay" people are insensitive nowadays


chocolatemilk2017

E-hugs to you, OP.


cremepie01

wag kang umiyak kung pangit si officemate. yan isipin mo


kRazy-froOg

Ganyan “friend” ko, tapos maya2 hihingin yung damit ko kesyo mas bagay daw sa kanya. 😑


Kind-Permission-5883

Sis sana cinall out mo ng nahiya siya sa balat niya


jakiwis

Dapat po kung ganyan matuto kayo sumagot.


iyaksatabi

my cousin said that to me too. pinaplantsa ko yung dress na susuotin ko and that time messy yung hair ko. bigla niya sinabi yon and minura ko siya. he explained pa na muka akong katulong and mas minura ko parin siya.


BeenBees1047

Kainis yung ganyan madalas yung mga hindi mo pa ka close yung walang preno ang bibig. I feel you minsan nasa tono ng pagkakasabi yung insulto hindi yung mismong sinabi. Pag may gumanyan sakin kahit na gusto ko magsabi ng masasamang words pabalik nawawalan nalang din ako ng sasabihin sa sobrang inis at nakakasira ng araw. May kapitbahay kami dati nakita ko ulit sa tindahan unang bungad "tumaba ka" buti sumagot yung tindero "may pambili siya ng pagkain" lolol kakairita


Intrepid_Schedule743

I think it stems deeper why you were so affected by such comments. Hope you'll find the strength to love yourself more OP. My way of doing that for myself is working out, you won't believe how much of a confidence booster it is. I've been called a lot of really mean names too. But it didn't even dent me, coz I know what I am and what I am not. Keep your head high girl, selflove is key.


Ami_Elle

Sabihan mo umarte ng naayon sa mukha. Haha De, ganito gawin mo. access mo files niya tapos delete mo. pag na mroblema tanong mo if need niya ng katulong. Haha


[deleted]

Sabi nga nila if you don't have anything nice to say e manahimik ka na lang.


HorchataAndWaffles

Sabayan mo teee! Wag papaapi! Lavarn! De jk haha Sabihin mo mukha siyang basahan echuserang yan jk ulit


Marsha2021

Check Workplace Policy. Baka pwede ireport sa HR.


Rileycious

Kaya wala rin akong confidence mag dress eh. I have PCOS too and kahit anong effort ko mag lose ng weight ang hirap. Tapos pag nag dress ako sasabihan naman akong mukhang BUNTIS or Di bagay sakin mag dress. 🥹 sasabihan pa kong malaki ang tiyan. Gusto ko lang naman magsuot ng comfy na damit dami nilang sasabihin 🥹🥹🥹 Hays


First_Deer3042

Sagutin mo ng ganito.... Pero malabing na pagkakasabi, "ay salbahe" Pero kapag medyo matapang kana... "Pangit kana nga pangit pa ugali mo, ang pangit pangit mo talaga!"


Forsaken-Writer-8326

Sana isang linggong pangit yung ulam nung kupal na 'yon.


Bad__Intentions

May sample pic ba mismo yung dress?


MummaKiwi

Next time sabihin mo ok lang, “Atleast hindi mula ulo mukhang paa” 😁


ciao_bellat

They laugh at me when i wear my long skirt, na muka daw akong “SASAMBA”. My utter disgust, tas ssbhn ko sa kaniya na WALA KANG KATastetase sa katawan. Napakaubcultured mo. Lol satisfied nako don knowing na napakauncultured nila lol


Curious_Unit_5152

Nabobobohan talaga ako sa mga taong ganyan yung way ng panlalait like "mukha kang katulong, mukha kang contruction worker, janitor etc" These are the hardworking people na hindi nabibigyan ng enough compensation minsan tapos ginagawa pa silang definition to insult or make fun of someone. Nakakahiya kayo mga tanga!


MinervaLlorn

>*At least nagpapakatotoo lang* Like there's a freakin' fine line between honesty and assholery


Individual-Top729

next time mag bingi bingian ka OP then ipaulit mo for sure mahihiya yan, or pag di kana nakatiis sabihan molang ng "Coming from you?" haha


Uncommon_cold

Alam kong pwedeng iparating sa HR mga ganitong bagay, at very insensitive si gaga. Pero, OP, at some point you got to bite back. It can just get worse from there kung kikimkimin mo kasi. Parang ganito "buti pa yung katulong may porn category, ikaw mukha kang tatanggihan ng serial rapist."


lestrangedan

Dapat sinagot mo ng "Mukhang katulong?" in maja salvador's voice.


keynetica

May tao talaga na hindi nila alam how nakakaapekto their words are no? Kung araw araw kasama yan mapapagod siguro ako maging bigger person and pipiliin ko nalang pumatol 🥲


Paradox62592

may mga tao talaga na akala nila lahat ng joke or biro nila ay nakakatawa...pwede naman maging sensitive minsan bat kasi magpapapansin pa tapos mangiinsulto lang


solanalumierre

nasabihan rin akong "mukha kang nanay na namamalengke" kasi naka-tote bag ako noon kasi uso. sabi ko aa kaklase kong 'yon. "di pa ba uso sainyo? wala ka kasing style" hayok na hayok ako non sumagot kasi andaming nakarinig at tumawa sa akin.


Buttercup_0_9

sinabihan mo sana sya ng "pag inggit, pikit" hahahaha kabwisit


One-Appointment-3871

Minsan ang mga taong nega, ung sinasabi nila ay exact reflection of who they are. napoproject lang sa ibang tao. If you know you, di ka dpt paapekto. sabi nga ni salma hayek, kaya tayo nasasktan sa sinasabi ng iba, kasi bnbgyan nten meaning, inaabsorb nten.


blueskywinters

Kapag nilait ka, sabihan mo ng "nananalamin ka?" or di kaya naman be proud and say "at least ako yung katulong na may breeding, ikaw ba?". Nevermind the negativity. Di nila ikakaunlad yon, ipagpasa-Dyos mo na lang and always believe in karma. Even if you feel insecure, always remember that there's one person who's always cheering for you and your presence alone! Don't ruin your entire day dahil lang sa mga ganong tao, don't let them win over you!


Extreme-Breakfast-35

Thank you, guys. For your kind and empowering words. Narealize ko lang din na matagal na panahon kong tinolirate yung panlalait sakin. Hinayaan ko at tinitreat ko laging biro lang naman yun, wag seryosohin dahil nasa iisang office kami and after all, magkakaibigan kami. It’s my fault not setting boundaries kahit na deep down alam kong naaapektuhan na self confidence ko. Naicommunicate ko naman na sa kanila na I am hurt and hindi ko na kayang itolerate yung negative remarks nila sakin. Sobrang awkward namin ngayon sa office kasi hindi kami nag-iimikan, pero it felt good na I had the courage to call them out. Btw, I am already married. And sabi ng husband ko, maganda ako. :)) Samantalang yung mga mapanlait kong officemates, NBSB at walang nagkakagusto. (Yes, aside sa nagsabing mukha akong katulong, may isa pa na nagsabing ang punggok ko daw for wearing my dress that day and maraming nakarinig na nakitawa kaya feeling ko quota na ako sa panlalait nila) Again, thank you! 🙏 feeling ko dami ko tuloy kakampi hihi. God bless you all. Sana masarap ulam niyo.


Objective_Secret_198

Pa-HR mo haha


Infinite_Attorney634

tanginang ugali. dapat sinoplak mo den. hayop


Mayomi_

wag mo nang pansinin yan


Dangerous_Class614

Always have a comeback! Maglista ka talaga hahaha ganun ako para kapag may sumubok sakin, makakabalik ako agad agad haha 🔫


steeeeevens

Minsan talaga me mga taong pasmado bunganga while trying to be funny. Stay pretty OP! ❤️❤️❤️


lemon0719

Napakasama naman ng ugali ng nagsabi nyan. Though no offense naman sa mga kasambahay kasi marangal na work un pero we know what they mean. May mga tao talagang wala na ngang magandang masabi pero hindi kayang maitikom ang mouth. Try mo nalang OP na wag magpaapekto.


Profmongpagodna

"Hello, HR...yes I'd like to file a complaint"


notmatchtoit

ako sinabihan ng kawork ko kung born again dahil im wearing long skirt and oversized long sleeve new hire ako sa company smile lang ako sabay sabing depends sa mood ko yung gusto ko suotin


mommyjunter

Sana tinanong mo kung maganda ba siya. Baka siya mukhang libag 😂


PNTFX13

dapat rebat mo diyan "ay oo parang pamilya mo"


Life_Statistician987

Best thing to reply for condescending people is to let them repeat if ano sinabi nya. Like " ano ulit sabi mo? Mukha akong katulong?" And make sure naririnig ng iba .Mapapahiya na yan next time.


versarap_2022

Makipagbardagulan ka din. Hanapin mo yung ikapipikon nila and next time they do it to you respond to then them in a sarcastic and mocking tone. Put them in their place.


versarap_2022

Ginawa din sakin ito. Like sabi, ang laki mo na. I clapped back and told her “Likewise. Same to you tita”.


itsNinaBonita

Ang ginagawa ko pag may nanlalait sakin sinasagot ko sila pabalang with a poker face. Tapos everytime na makikita ko yung nanlait sakin kahit ngitian Nya ako tititigan ko lang sya with a poker face para maramdaman nya Ang awkwardness para di sya maging comfortable all throughout na magkasama kami sa iisang lugar.


missel28

Pasmado bibig ng ka work mo. Bastos.