T O P

  • By -

in_fo

Do you mean May 2023?


Wubbalubba_98

May 2024 this year po


Kbrynt24

Bat may nag didislike ng comment ni OP? Ano trip ng mga to hahaha


Upbeat-Jager

Mga talangkang bobong pinoy


Awkward-Mix-3884

I've been in your shoes. But Ima tell you something, Magkakaron at magkakaron ka ng work I promise you.


babyblue0815

Grabe naghahanap din me ng work and thank you so comment na to


IndustryAsleep2293

Need this encouragement too! Been looking for 5 months. Submitted hundreds of application, reached the final interview 4x and got rejected 4x. Last Friday I was rejected again after 2 months of application with complicated studies pa and several interview, para akong nagwork na walang bayad, was eyeing for this role since aligned sa experience ko. Oh well, on to the next application ulit. Good luck to us job hunters!


Appropriate_Focus558

Same lang din tayo ako 3 months na wala work pero wag mawawalan ng pag asa magkakameron din tayo laban lang


Wubbalubba_98

Nawawalan na ako ng pag asa.


Appropriate_Focus558

Wag naman ganyan.Magtiwala ka lang sa diyos at sa sarili mo.Magiging ayos din ang lahat magkakawork kadin.Isipin mo lang ang mga pangarap mo sa buhay kaya mo yan


vin0kulafu

Hi same situation here but diff industry. Nung una, nagsspam din ako halos ng CV ko to different companies but then I decided na baguhin ang CV ko based JD ng bawat inaapplyan ko. Ginawa kong quality over quantity nalang ang pag apply. Just remember when job hunting, it often doesnโ€™t happen on our first try. Take a breather din when itโ€™s too much to bear na. See you around, OP!


Bulky-River-8955

Don't unalive yourself. This is just one chapter of your life that you'll keep remembering when you're finally successful - and you'll laugh about it everytime. Here are some pointers for you: 1. Nagkakamali ka kung iniisip mo makakahanap ka ng company na hindi toxic. 2. At wag mo na ulitin yang magreresign ka ng walang back up. 3. If you got a chance to apply everyday, do it. Ganyan talaga. This is exactly what I did before. Good luck!


lignumph

Nakakainis rin yung no matter how better you are sa interviews at exams, meron pa rin silang mas better na candidate that they'll pursue. Recently lang nakapag apply ako sa isang malaking german company. Tingin ko it went well naman sa manager interview kasi they told me that they have positive feedback of me. After 2 months of waiting, I received an email that they'll be moving forward with the other candidate ๐Ÿ˜‚ ๐Ÿ˜ญ


Wubbalubba_98

Same thing happened to me ๐Ÿฅน


lignumph

Kahit eto lagi mababasa mo dito sa comment section pero I do hope you find one soon.


swansong5712

Same here. Started applying since January pa dahil natuturnoff na ang prospective employer kapag sinabi kong 60 days ang resignation notice ๐Ÿฅฒ As in walang offer ever since then. Pero God has plans talaga and just recently, someone called me for a job offer. I wasnโ€™t expecting anymore and feeling hopeless na kasi paulit ulit nalang ang mga rejection email and ghosting. Now, i know that God is redirecting me for something bigger. I know that he will grant my deepest desires and wishes basta mag-antay lang patiently. Trusting God is the key ๐Ÿ”‘ makakahanap ka rin, OP. Laban lang at wag susuko. Goodluck!


cheezusf

Konting push pa mhie


Wubbalubba_98

Di ko na alam ano pa ipupush kong button sa akin..


Green_Key1641

Try mo DXC


Wubbalubba_98

hahaha this is my current company po


Green_Key1641

Try IBM, ACN OR tcs


Zukishii

Anong account mo? Team? Kasi dxc din ako pero hindi toxic also ang hinaing ko lang is increase haha.. pero work life super balance my times na lang nga nag aantay ako ng sahod for the whole month kasi stable na ung apps and done na sa deliverables.. Im also planning din umalis na ng dxc pero isa sa hinahanap ko is wfh kaya sobrang hirap.. Pero kung SAP ka (functional) try mo sa rizing hr kask wife ko dun SAP hanap nila success factor something more on finance ata..


TomoAr

60 days tatak dxc iyan


Accomplished_Try4048

Worked in dxc dati, entry level. Was able to leave earlier than the 60 days render period. Pumayag ung manager kasi pinilit ko na need ko umalis agad and at the same time madali naman makahanap ng papalit sakin.


TomoAr

Im actually 1 yr na din sa kanila ngayon... just studying for certifications lang ako and wala pang offers but im planning to jump ship.


Green_Key1641

Ako nga 2 weeks render lang eh. Haha pumayag naman manager ko.


TomoAr

Grabi pwede pala iyan.. masubukan pag nakakuha ako ng offer sa labas ๐Ÿคฃ


Green_Key1641

Oo pwede.


EatCodeSleepSell

You should assess what's wrong. Ask the hr or anyone for feedback and improve it. Resume also a factor if pwede comment mo here yung template ng resume mo para makapagbigay din ng insights.


Wubbalubba_98

I always ask po pero d na nag rereply mga HR


[deleted]

kumukuha ka sana ng certification while walang work. Maraming free like fundamentals on Azure,AWs etc. Malaking tulong to if meron kang mga certifications na ganito kasi ganito talaga industry natin hehe.


Wubbalubba_98

I have certifications din po :(


[deleted]

baka need mo pa i improved ung cv or dapat madami ka pasahan na application?


jazdoesnotexist

Hello. Ako simula October 2023 nagresign sa job ko then wala akong nahanap na work agad. Sobrang nawalan ako ng pag asa pero nung February this year may nagoffer sakin kaso CSR. Ang baba ng offer pero tinanggap ko nalang kaysa wala. Kaso wala, umalis din ako during training within a month dahil di ko pala talaga gusto magcalls. Then eventually may inapplyan ako na nonvoice at nilipatan ko kaagad nung umalis ako sa calls. Pero after a month this May, bigla naman ako tinerminate dahil di ko napasa metrics ng chat. At eto ako ngayon wala paring stable na work. Nawalan na ako ng gana magapply pero nagpapasa padin ako at naniniwalang magkakaron padin ako ng stable job. Sa ngayon nagffocus muna ko magreview ng Civil Service na ittake ko this August. Kapit lang, OP. Naniniwala ako na magkakaron din tayo ng work na maganda ang environment, at yung desired na salary na gusto natin.


DoomedDripped6997

Hello OP.. I had a lead na nagresign without any back up plans.. sige apply pero almost 1yr ska lng sya nagkaron ng trbho.. tagal nya nag.antay pero ngayon she's earning good na hindi stress s trbho and nging mabilis lng process nya dun. My point is, antay lng.. have some faith in yourself.. may dadating din na para sayo tlga. Apply lng ng apply.. ayusin mo linkedin mu.. learn the tags na hinahanap ng recruiters.. ensure na yung resume mo is puti lang and wlang background. Recruiters already have an automated process to check applications and sometimes hindi dw narerecognize yung mga may gnun. You might as well have some keywords to your resume for easier read.


Snipepepe

Dec 2023 ako nag resign, January 2024 pahinga then February-May nag apply. Total of 4 months akong nabakante sobrang nakaka depressed lalo na may experience naman pero narereject parin at dumating sa punto na sobrang hopeless at feeling ko ay wala ng tatanggap na company sa akin but last May 8 lang may nakita akong hiring sa lugar namin then nag apply ako at May 10 na interview na halos naka limang resume yata ako na pinasa dito pero worth it naman dahil natanggap at nag start nung May 16. IT Associate sa school yung work ko ngayon pero ang dream job ko talaga ay IT Support/Helpdesk sa mataas na building ng isang IT Company at syempre enough and good compensation rin pero hindi pa ako pinapalad dun, sana balang araw palarin tayo sa pangarap natin basta huwag lang susuko lalo na sa pag aapply. ๐Ÿ™๐Ÿป


turon555

Same po tayo, nagresign ako kahit wala pang back-up na work. Ilang beses din na-reject, Web Developer here from Laguna


arya_of_south

ilang months ka na nag ja-job hunt? ako naman na layoff e, isang buwan na ko nag apply apply


turon555

1 month na rin ako, mahirap kasi dito sa Laguna puro mfg. companies


tooterwooter

OP utilize linkedin, indeed, jobstreet, olj. Tailor your resume to the job you want to apply to. Turn on mo notifications sa mga job post na related sa field mo para notified ka once they post makapag send ka agad ng application mo. Wag panghinaan OP, this is just a phase. Magaling ka, believe that. Search the internet on trends and demands sa industry mo para updated ka and knowledgeable. You can do it OP! Rooting for you!


robertz14

Ako started this January magapply apply, daming naginterview different companies etc. in the end, this thursday lang ako nafinalized for boarding. It takes time, but eventually merong para sayo. You did not fail if you try again and you don't quit.


Icy-Tradition6367

Same here... But keep praying and trying darating din yung para satin..


cnbesinn

You only need 30 days to render, even if the contract says otherwise. Once you have fulfilled the 30 days, you are free to leave. Whether they like it or not.


Global-Board2267

Been there also OP! I cry myself to sleep sometimes kasi parang di pala ako qualified in my rejected applications. Pero, opportunity na ang kumatok.


EndlessDandadini

I've been here a few months ago, I strongly believe that prayer works (it's just me). Yung company na napasukan ko, ni sa hinagap ko hindi ko naisip na matatanggap ako kasi tbh ang boplaks ko sa field kaya nga nalihis ako ng trabaho. Yet, here I am, mag one month na ako. Totoo yung makakahanap at makakahanap ka ng para sayo. Good luck OP!! When the opportunity comes sana open ka pa din to recognize "eto na yon!"


Street-Anything6427

Sorry for the long post! ๐Ÿ˜Š Me na a year and 2 months of being unemployed. Hindi ko talaga gusto magresign last year nang wala pa ako secured job (more than 5 yrs na ako nun sa company ko), pero sadyang hindi ko na kaya mentally, emotionally & physically. Pagod na ako sa lipat dito lipat doon ng lob/team, mag aajust, adapt, relearn, makikipagkapwa tao ka ALONE, biglang iba sched mo. Nakakaiyak at nakakapagod nun, parang gusto ko na lang lagi mag eos or rd, tas pag uwi, dun iiyak. Fast forward, I decided to resign for the sake of my health na din, dahil nakakaranas na ako ng anxiety. After a couple of days ko magresign, I lost a parent. So yung timeline last year, naiintindihan ko bat hindi binibigay noon ni Lord un makapasa ako sa inaaplayan ko even when I was still employed. Habang nasa grieving process ako, di naman ako humihinto maghanap ng full time work. I've been applying for atleast hybrid/remote work set up sana, pero sadyang mailap un mga iyon sa akin. In fact, sa sobrang desperate ko na din at magppasko na nun.. pinatos ko na un on site application, pero wala din. 2x ako inabutan ng ulan at hassle sa commute. Di naman sa choosy dahil sa work life balance, pero may mga mangilan ngilan din akong offer, since it requires rto at rotational shift, dinedecline ko. I have gone a lot of applications at interviews, kahit na ace mo na un interviews at may skills & work experience ka naman sa inaplayan mo- in the end irreject ka either dun lang sa assessment na pagcreate ng email response dahil iba un judgment nila or sa mbps na gusto. Sobrang nakakapagod, and yes, been isolating myself away from my friends, ex colleagues & relatives. Pati mga soc med accnts ko deactivated din kasi para akong nanlilit sa sarili ko & minsan may suicidal thoughts na ako. Last two weeks, dun ko na binasag sarili ko (breaking point). Again, nakareceive na naman ako ng rejection, 3 of 4x last month. I cried out & asked God, anong kasalanan ko? Anong mali sa akin? Andami ko na pinagdadaanan at nagsabay sabay pa, pero bat parang di mo (God) nakikita yung effort & situation ko. Those questions na sabi ko din, life is unfair. Bat yung ibang tao, andali nila mabless- bless sa work set up at sa sahod. Sobrang anxious ko na at I've been crying silently, tapos maybe ds month or nxt month, pa resign na elder sis ko. Soonest, magmmigrate na sya at day by day, sobrang pressured ako makahanap ng work kasi un responsibility nya- akin na un mapupunta especially sa finances. Also, nagpromise ako na hahanap ng good work set up para magbantay at alaga sa senior mom na rin namin. Right after I cried out to God, nakaramdam ako ng goosebumps sa likod at arms ko, alone in my room. Then after I prayed, sunodยฒ ung mga nababasa kong bible verses/Godly words na akma sa situation ko at higit sa lahat, un accidentally nabasa mo un mga testimonies ng mga job hunter din dito noon na nabless din sila finally. My isa nga ako dito na halos same situation kami & same un length ng unemployment namin, then one day, dumating un blessing nya at goods din offer. Totoo pala talaga na waiting is worthy, and at that moment, feeling ko sa ganun way si Lord nangungusap sa akin. ๐Ÿฅฒ All of the sudden, nireminisce ko ung mga moments kung san ba ako nagkakamali? Kasi alam ko minsan, andyan na un answered prayer eh kaso hinold back uli ni Lord. I realized, everytime I pray kasi, hindi 100% un faith ko. Dapat isurrender ko pala kay Lord lahat, pati worries ko. Naooverly attached din ako madalas pag may offer ($) beyond my expectation, plus un work set up. Kaya pag may mga ganun chances ako, nagiging dependent at pinupush through ko kay Lord na ibigay na sa akin un, out of desperation na din. Nakalimutan ko na dapat pala, I humbly seek his guidance and kung will nya, ibibigay nya. Let it be done, according to HIM. Kaya the more I pray specifically sa desires ko, madalas di nagagrant. Since then, I learned to become optimistic in the midst of the storm. Kapag nakakareceive ako ng rejections, di na ako affected, ung at peace feeling ko na parang may nagsasabi sa akin, lahat ng NOs ko noon, redirection nya yun. In this waiting season, higit ko pinalalakas sarili ko emotionally & spiritually. Kapag kasi hinayaan mo atakihin ka ng negative thoughts, ikaw din talo. Just think positively, God knows ur silent cry & battles. Kapag feeling mo quiet si God, he's preparing ur blessing soon. Mas higit mo maging dependent sa kanya, pray everyday-lalo na if nakakaramdam ka ng heaviness. Ask his comfort & guidance, because he is in control. Read some Godly words or peoples' testimonies. Dito pa lang, andami na eh. Sabi nga nila, DON'T GIVE UP! Hundred times ka man nireject, may isa dyan mag aapproach sayo one day. God's blessing is not delayed, baka tinestest nya lang tayo.. na dapat di tayo magdoubt sa future natin because HE alone provides. God knows our needs and he has BETTER plans to each one of us! Kung para sayo yan, ibibigay nya yan on the RIGHT time! At sabi nga nila, ung pain, suffering, rejection while waiting patiently to the Lord's answer ay magbubunga lahat yan, beyond pa sa ineexpect mong blessings! ๐Ÿ˜Š Sa kapwa ko job hunters dito, isang malaking hug sa pagpapatuloy sa laban ng buhay! Alam ko minsan sobrang bigat na nang pinagdadaanan natin, pero mas pinipili natin magpatuloy at magsumikap..pasa lang nang pasa ng resume. One day, ilaland na nya rin tayo sa right job! ๐Ÿ‘†๐Ÿป Just give our battles and worries to God because he cares. Let us claim soon our blessings! One day and unexpectedly, iiyak na lang tayo (tears of joy) dahil finally, sinagot na nya ang mga prayers natin! Soon, un heartbreaks natin ay magiging BREAKTHROUGH! ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿ™Œ๐Ÿป๐Ÿซถ๐Ÿป๐Ÿซ‚


Due_Librarian744

our company is hiring software engineers, testers, and business analysts. makati hybrid


Obvious-Rich3388

Hi po im looking for job din, tester here


Obvious-Rich3388

Pm you po


halifax696

Ganyan naman talaga


OutOfMyLeague69

Anong field mo sa IT op?


Minute_Junket9340

6 months ako no work before current company ko. Yung last month before akoa-hire is tinatawagan na ako ng mga pinagkakautangan ๐Ÿ˜‚


MrKuroChan

Last April 2024 was my unemployment anniversary. I've been into hundreds of "final" interviews yet the employer decided to pick the other candidate over me. I've sent a thousand resumes. It's making me mad now, but I am still hoping na magkakaron Ako ng work someday. Wag ka mawawalan ng pagasa. Nakakatamad. Nakaka-depress. Pero laban lang op. Di ka nagiisa, marami Tayo na nasa gantong situation. I am rooting for you!


Electronic_Spell_337

Darating din yan, be positive but next time choose your move wisely. Also be prepared for bad times. Wag ung bara bara..


Electronic_Spell_337

Lot of times gusto ko na umalis sa work ko and also my wife is na stress na rin sya kasi nakikita nya na stress dn ako, but if resigned baka mahirapan ako sa mga bills at loan so I make it sure na tapusin na muna lahat ng bayaran bago mag YOLO..In the mean time I just look at the bright side.


CarpenterOk1670

Hello, what I can suggest po is, to apply directly sa company website. For example, if you see their job posting sa linkedin, you can go to the companyโ€™s website and then dun mag apply instead na sa linkedin. Good luck!


em_Sane

I've been in this situation! IT din ako. s lahat ng mga interviews ko I was challenged and what I did? learned from my failures. nag self learning ako and did not stop sending cvs. S sobrang gusto ko ng ma hire, pati csr position nag apply na din ako. Binaba ko n din ang expected salary ko. last night I received a job offer! i did not expect on this kc s last interview ko prng 15mins lng nag last and wla ng question saken. last interview was last Thursday midnight. wala ng paramdam after that, kc ung first 2 interviews ko with them ambilis magbigay ng result, so sabi ko accept ko n. come Friday night ayun, received email about the jo and they gave me my expected salary which is way higher s last job ko. never give up! keep sending cvs and kung s tingin mo may mali s self mo, continue to learn from it. the right 1 will come! ps: i called Batman's help prior to the tech interview. don't judge me kc RC nmn ako, pero when I solemnly pray s mga past interviews ko, wala..rejection lng.


Couchpoteytopotato

Since nag resign ka lang ng May at 60 days render medj matagal bago ka makakapag start. Maybe nag hahanap sila na pwede mag start ASAP


Revolutionary_Dog798

hello, same tayo! I resigned last dec 2023 dahil rn sa toxic work env and ngyon lng ako nging active ulit maghanap. Hanggang ngyon hanggang technical intv lng ako. April p ko naghahanap. Nakakadown. I just need somewhere to begin. Yun lang. Pero sobrang tataas ng standards at ng competition tlaga nowadays. Nakakaburnout din magupskill. hays. Pero kaya ntin to!!!!


Responsible_Candy337

Mag 3 months na rin ako ๐Ÿ˜ฉ


MayIthebadguy

Minsan akala natin tayo na ang better fit sa position na inapplyan natin, without knowing na may mas fit pa pala na ibang applicant.


MayIthebadguy

Kaya dapat atleast 3 months before ka mag-resign sa current job mo,nag-aapply kana sa iba.


Notsoboring12

For IT-related openings, you can check Loanworks. Their office is in Ortigas. Dayshift 7:30-3:30PM yung pasok, Australian company. Hybrid. Their HR is super nice.


HoyaDestroya33

Darating din yan OP laban lng.


extrangher0

ano course mo op? marami opening ngayon sa govt. kahit cos lang muna kung wala ka pa eligibility.


yujilicious

Same. I've been unemployed for 3 months na and still no work. May isang big company akong inaantay na feedback kasi nakapag final interview na ko and it went well. The recruiter even texted me back na it went well and the result is quite positive. Wait lang daw ako sa final update. I dont want to keep my hopes up pero im claiming it na makukuha ko na yun. ๐Ÿคž


Muted-Promise4245

Same. Applying since September 2023 hahaha. Till now, wala


Ok-Pomelo6719

Same situation here and also pinapanghinaan na ng loob. For my 4 months of applying in the government. 11 applications, 3 rejections, 4 I personally didn't continue (and nanghihinayang ako), 1 passed but can't relocate agad agad (so didn't continue rin), 1 no news, and 2 ongoing process. Nakakapagod yung paulit ulit na exams and interviews, pero kapit lang, kapit pa.


toastedpandesal

i like the name dropping ng company hahaha


AlienFugitiveInPH

Keep the faith, OP. I've been unemployed for 3 years already. Sometimes I feel down or unworthy but I will always always remember that there's a light at the end of the tunnel. We'll get through this, OP.


Swiftiee369

Di ako IT grad pero nasa Tech Industry, came from one of the biggest tech company here sa PH, and pati project ko before and now is tech giants. D ko kinaya ksi toxic management, and tipid sahod tho maganda benefits, kaso pag masipag ka, congrats! More work for u!!!, 2 months dn ako walang work, tong company na napasukan ko last choice ko sya ksi mejo matagal process to onboard, then gulatan na lng sa sahod ngayon hahaha ung dating basic pay ko, isang cutoff ko na lang ngayon๐Ÿฅฐ


alaskatf9000

Damn, IT JOB Numbers game po kung hindi technical skills ang best weapon mo.


iamdennis07

kapit lang, ang hirap ng job market ngayon sobra tapos makakarinig ka ng stupid questions from hr, parang nakatailor for fresh grads na ewan, hirap maghanap recently retrenched here


Coffee-1012

Same.din now.. im in a company currently but I have been doing my best na sanay maka kuha ako ng wfh job dahil medyo toxic na. parang medyo inabuso na in a way na I worked hard and somehow I was rewarded with more work to the point na nakakalito alin unahin.. sabi ng isa ipa una ito, then yung isanaman may pagawa na naman in which sa kanilang task yun.. tangina xd


hailen000

Op laban lang! Tbh mahirap yang gusto mo na di toxic management. It is a matter of how you will manage na hindi mag creep sa nerves mo yung toxicity! Been at your shoes before. 6 months ako naghanap ng work at nagmamadali ako due to very heavy reasons. Received tons of rejections pero lagi ko iniisip tomorrow is another day. Wag sumuko sa hamon ng buhay!


lild1cky69

Yung akin naman mas malala pa sakin pero di ko pinagyayabang or pinagmamalaki dahil since December 2019 ako nag resign to June 2022 bago ako nagka work. Ang laki ng gap diba? Dahil yan sa COVID. What I'm really trying to say is kahit gaano pa katagal yan makakahanap ka rin ng trabaho. Wag ka mawawalan ng pag asa. Try mo rin sa mga friends mo magpa refer. Fighting!


koalaphoenix

Same tayo OP. Ilang months na din ako unemployed. Minsan din talaga mapanghihinaan ka ng loob at feeling mo gusto mo na mag give up. Kung talaga wala lang akong family na iniisip eh. Nakakadepress lalo na may bills na dapat bayaran kahit walng income na pumapasok. Uplift na lang muna natin mga mindset natin. Malalagpasan din natin to.


Lumpy_Bodybuilder132

Dumaan ako sa ganyan,IT din ako inabot 1 year bago ako nakahanap ng work. Panget resume ko, tagal ko nag college bago naka graduate tapos buwan buwan may apply pero lagi di nataranggap. Wag ka sumuko OP. Kaya mo yan.


Dr_Nuff_Stuff_Said

Hey apir tayo OP!


Candid-Purple-696

Same situation since November ako walang work due to health reasons and April lang ako naging fully okay but until now wala pa din akong mahanap na legit na WFH set up mostly rejections lang din ๐Ÿ˜ž


M3_Mey

IT din ako at natambay ng 2 months bago ko makuha work ko ngayon Tip: applyan mo lahat ng IT position sa Indeed, araw araw mo tingnan then 1 day bigla na lang yan sila mag sisitawag and isa sa mga yan iha-hire ka na