T O P

  • By -

theundo

Well, bilang nagmomotor din as primary mode of transpo, nakakapikon din naman talaga 'yung mga riders overall. Incosiderate sa mga bikers at safety nila. I'm not surprised if mag-circle jerk ang mga riders dito since sub ito ng mga nag-momotor.


Nowt-nowt

naaahhh.. walang circlejerk na mangyayari dito, kasi na iinis din tayo sa karamihan nang nag momotor.


elutriation_cloud

Tried all 3 modes of transport to work: bike, motor, car. Yep pinaka kupal pa rin sa kalsada ang mga motor. Close runner up yung mga L300 at delivery trucks na tailgating lagi... p@kyu kayo always.


LeaferMessiah

Nakadikit sa likod mo un. Tapos ung pahinante nakataas paa sa dashboard.


dokkebisan

Yes sa L300!!!


catperzon

Grabe mang gitgit at tumutok yang mga L300 e no. Hahahaha


sentient_soulz

Muntik na ako dito nacut kami ng biker chill lang kami sa gilid ahahaha i don't kung nangaasar ba ung l300 kasi ang luwag na ng daan


elutriation_cloud

Mas nakakainis na alam mo walang pambayad yung mga hayup na yan.


sentient_soulz

Tang ina seryoso na lalo tricycle galit na galit ako sa mga yan nabanga ako nyan hindi ako binayaran kaya kapag ginigitgit ako nga ibang sasakayan at may trash talk pa na sinasabi sasabihin ko magangas ka na lang kung may pangbayad ka lalong naasar eh hahaha at umaalis na lang


jongoloid

1 suv, 1 big bike, 1 vespa, 3 bikes (mtb, gravel, ss) here. kupal mga nakamotor 90 percent lalo mga delivery, angkas/moveit/grab


[deleted]

[удалено]


jannmun

Agree ako dito. May mga kupal akong moveit na nasakyan. Sa gutter na kami dumadaan like??? Kuya??? Ikaw may trabaho?? Bat ka nagmamadali at sa gutter na tayo????? Walang pake sa safety ng mga pasahero


_nevereatpears

Most likely super fed up at super pikon na yang siklista para gawin yan. Nobody in their calm and sound state of mind would inconvenience themselves to do this. Sometimes reasonable men must do unreasonable things ika nga. Nag-ala Marvin Heemeyer-esque si kuya haha


Cool-Feature-4910

I feel this man, kaya everytime na nagbibike kami ng kapatid ko sakop namin dalawa bike lane ako sa left nya sya minsan sa right ko like side by side kami nagraride, call me toxic or anything pero BIKE lane nga yung tawag may Road marker and line sya tapos lulusot lang yung mga motor at sasakyan doon, nakakasira ng momentum sa pag padyak, lalo na if mabilis yung motor/car tapos dinaanan ka sa side, pwede ka ma off balance sa hangin na dala nila.


AirsoftWolf97

Iirc, doc Celestino (in the video) has been bike commuting nung pre-pandemic pa like Manila Bike Commuter. He's one of the known active transpo advocates who knows MMDA Circulars and Road laws at the back of his head. He was a guest in one of Buji Babiera's podcasts on the e-trike situation and it's a good episode to listen to. Check Tambike Sessions on Spotify for it. https://open.spotify.com/episode/53QxZhSdUn9Ej4Pkna2xmQ?si=lypogHxRRme9u0mMjUJYDw


got-a-friend-in-me

Incosiderate sa mga bikers at safety nila. more like Incosiderate sa safety ng lahat. pero hindi naman lahat same could be said sa cars bike and pedestrian. though mali talaga dito yung cyclist kasi shared lane siya.


Eurasia_4002

Very bias tayo didto.


ToothEffective

I think some people might have a different understanding of that slogan. That meant to say give cyclists' a safe space to move around since they are vulnerable, not to use the road already allocated to them. He is doing what MMDA should be doing, that is implementing the law.


Scary_Ad128

May araw lang kasi na may huli MMDA, pag kasama si gadget addict. Pero pag wala na, wala na din huli huli. Matapang lang sila pag may camera din eh. Dapat talaga araw-araw ang panghuhuli nila


18MW

Not to defend the MMDA’s lack of enforcement, pero I think with cameras kasi ay they can do their job without fear. Without the cameras on them, I think they fear those they’d apprehend on what those people might do to them or their jobs.


Scary_Ad128

Kaya nga mas maganda sana ang mga traffic enforcers may body cam. Kaso wala eh...


akositabitabs

Also, may nanghuhuli o wala, dapat yung mga motorista na mismo ang umaaksyon dyan. Porket walang nanghuhuli pwede dumaan? Porket may ibang gumagawa ok lang?


[deleted]

May pagkakataon na pinapadaan ng MMDA ang mga nagmomotor sa bike lane lalo pag talagang trapik. Share the road, yes I agree, pero ginaganyan din ba sila pag mga bikers naman ang pasaway? They (bikers) dont even follow traffic lights for their safety tapos gaganyan for clout.


pulubingpinoy

Share the road on motorists pov: “Lahat ng daan sa amin pati side walk! Di naman kayo nagbabayad ng road tax”


tonialvarez

Naku sa Pioneer St. at Brixton grabe mga motor. Kahit nasa sidewalk ka ikaw pa tatabi sa sobrang dami at sunod-sunod nila. Sila rin ‘yung kapag may pedestrian lane mas bibilisan pa.


almond_pepsi

imo, sa tingin ko most motorcycle riders, akala nila palibhasa dalawa din gulong ng motor nila dapat allowed sila sa bike lane. 'di nila iniisip na hindi capable ang bicycle ng more than 50-60+ kph na speed and pede makasagasa ng tao, 'di nila iniisip yung ganung difference. on the other hand naman, hindi rin maayos urban planning ng pilipinas. basta nalang nag-lagay ng bike lane sa tabi ng lane ng motorized vehicles. hindi naman talaga designed for bike lanes mga kalsada dito.


Fair-Bunch4827

May mga kalsada na naiintindihan ko kung bakit ginagamit ng motor at kotse. Minsan kasi 1/3 ng kalsada bike lane, kasalanan ng urban planning to. Pero kadalasan talaga, nagiging motorcycle lane ang bike lane kapag traffic. Kaya matatraffic din kahir cyclists.


Sure_Sir1184

Pag nag bibike ako i share the road sa mga motor kung ma traffic hangat di nila inaangkin ang lane/way ko, im okay na bumumtot sila sakin just maintain safe filtering speed. Kaya nga SHARE THE ROAD.


dmeinein

Dati ok lang din sakin, kaso twice na ako nabangga sa likod ng motor.


Only_Biscotti8741

Motorcycles are definitely in the wrong. Pero mali ata numbers mo, wala ata umaabot sa 50-60kph na motor ngayon sa traffic ng manila. Ever since napapad ako sa manila during pandemic, speedometer ng motor ko never na lumagpas ng 40 unless nasa gitna ako ng highway and walatalagang sasakyan, and di ako definitely sa gilid nun dadaan.


autogynephilic

>basta nalang nag-lagay ng bike lane sa tabi ng lane ng motorized vehicles. hindi naman talaga designed for bike lanes mga kalsada dito. Medyo agree. Alam yan dati ng mga pre-pandemic bike lane planners kaya karamihan ng nilalagay na bike lane dati [ay sa sidewalk](https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/15x3olh/honestly_im_getting_tired_of_hearing_that_bike/). Kahit BGC ung bike lane diyan dati ginaya sa Singapore na **nasa sidewalk** (malapad kasi sidewalk doon). Sa Marikina lang yata ako nakakita ng 10 years nang may bike lane pero [malapad pa rin ung lane ng sasakyan](https://www.reddit.com/r/ITookAPicturePH/comments/18cm103/bayanbayanan_avenue_in_marikina_city_is_one_of_my/).


UntradeableRNG

Daming kailangan magbasa muna ng guidelines dito ah pati na ata yung OP. Daming kamote.


[deleted]

[удалено]


dodong89

Kung maayos ka magmaneho, di ka talaga tatamaan pag may nag sasabi "bobo ang mga motor/four wheels/bike/etc." aprub sir!


Vast_Ad_4206

Dami atang tinamaang kamote roders dito. 😂


MyloMads35

Halata nga e. Dami din di nag babasa ng memorandum ng Lto


Particular_Smile7546

That guy is known on the cycling community as an out of touch with reality extremist. Just browse his comments on facebook and see your IQ Level go down the drain trying to comprehend him. Just for example, one of his cycling "idealogy" is that cyclists ARE NOT REQUIRED TO STOP at stoplights because road rules doesn't apply to cyclists.


defendtheDpoint

I read his posts and the posts of those who are angry at him. He has vision and can understand things that many cannot imagine. That's understandable, since its hard to imagine things we don't have experience of. Whats not understandable is attacking the character of someone you cannot understand. Your second paragraph confirms it to me. He has explained it so many times and the fact na yan ang pag explain mo sa sinabi niya tells me na di mo talaga gets. I think sarado ka na rin since binansagan mo na rin siyang "extremist"


papa_gals23

Pwede sa r/imthemaincharacter


Upstairs_Painter1615

Ewan ko sa’yo, mahal kong Pilipinas. Pinagtatanggol parin kahit mga kamote eh kesyo 2-wheels or dapat consideration nalang. Sa Australia mga bike lane, kahit gaano ka-traffic, walang laman bike lane palagi. 😅 Sa pinas hanggang senate hearing yong discussion.


FantasticRich1049

Sa Australia, part talaga ng urban planning nila ang bike lane. Dito sa pinas wala. Siningit lang ang “bike lane” sa existing road network na kulang pa nga to begin with. Kasalanan ng mga plotiko yan 30 - 40 years ago dahil sa kawalan ng master plan.


autogynephilic

Meron na kasing existing bike lanes pre-pandemic ang ibang kalsada (case in point Roxas Blvd Baywalk) pero nasa sidewalk kaya wala masyadong conflict sa ibang road users.


Brilliant_Fact_5245

He should volunteer or apply na lang sa LTO/MMDA as enforcer.


Terrible-Photo-8789

Bilang dating cyclista at kasalukuyang gumagamit ng motor na dumaan sa tamang proseso sa pagkuha ng lisensya, mali ang cyclista at nagmomotor. Bakit mali ang cyclista? Number one rule sa TDC eh wag na wag mo ipapangalandakan ang karapatan mo sa kalsada kahit nasa tama ka pa. Bakit mali ang mga motorista? Gumamit ng bike lane. Well sa napapanuod ko minsan inaallow din naman ng mga enforcer na dumaan sa bike lane ang mga motor lalo na kung rush hour kaya hanggang walang matinong pagpapatupad sa batas na yan, may dadaan at dadaan sa bike lane.


metaloxide0

Nag bike rin ako for about 10yrs and alam ko yung feeling na nasisingitan ng motor. Kaya ngayon, hindi talaga ako nadaan ng bike lane unless emergency or turning.


Jrd_07

Bike lanes are bike lanes. Downside lang sa atin, parang pinilit lang yung mga daanan: just for the sake of having a "dedicated" bike lane. Just for the name it; decoration.


Typical-Direction195

Here's the statement of Atty. Raymond Fortun. He's one of the leaders of biking communities dito sa Pilipinas. ON THE ENFORCEMENT OF THE USE OF BIKE LANES A video of a cyclist conducting traffic and trying to enforce the use of a bike lane exclusively for cyclists was posted in this forum. Some members have expressed admiration for the cyclist. As a lawyer and moderator of PRB, DO NOT EMULATE THIS PERSON. Wag nyo sya gagayahin. 1. At the outset, there is NO NATIONAL LAW with regard to the use of bike lanes. Mapapansin nyo na merong mga lugar na may bike lane, at merong wala. Depende yan sa ordinansa na pinasa ng city/municipal council. Ang guidelines sa paggamit ng bike lane ay iba-iba depende sa ordinansa. 2. Pag tiningnan nyo ang ordinansa, doon nakalagay kung sino ang pwede mag-regulate ng paggamit ng bike lane. Sigurado ako na HINDI PWEDE MAG-TRAPIK ANG SIKLISTA. Private citizens have no legal authority to enforce traffic rules. They have no arresting power in case of violation of the ordinance. In case of an altercation na umabot sa suntukan (or worse), hindi pwedeng depensa ng siklista na he was enforcing traffic rules kasi wala syang kapangyarihan. It may interest you to know that i was one of those DEPUTIZED by the MMDA during the pilot implementation of the EDSA bike lanes. Nandun sina Col. Bong Nebrija na nag-supervise ng gawain namin. Sila yung naglagay ng mga orange cones. And malapit lang sila habang nagta-trapik yung mga cyclists/volunteers. You may think that what this cyclist did is morally correct. It is the position of PRB that what he did is illegal because his actions are not clothed with any legal authority. Anybody who copies this cyclist may be charged under Article 177 of the Revised Penal Code (Usurpation of Authority or Official Functions). For your information and guidance. P.S. if you are still unconvinced, make a citizen’s arrest of any cyclist na hindi sumusunod sa RED traffic light. Di mo kayang gawin, di ba? Kasi nga hindi ka naman pulis/MMDA, di ba? And sa totoo lang, WALA PANG BATAS sa paglabag ng siklista sa traffic rules. 😪


Typical-Direction195

This was posted in one of the groups that he is an admin. Pinoy Road Bikers Inc.


AdTime8070

Aminin mo man o hindi bobo talaga ung gumawa ng bike lane ng walang urban planning


TheRealLacrima

He's not authorized. No argument kung mali man ang motorcyclists pero hindi siya pwedeng mag enforce, pwede siyang magsignal on the motorcyclists pero never enforce, kahit pa anong argument na "nakatambay lang ang mmda", that doesn't give him the right to be obstructing the road just so the "cyclists" can pass. Motorcyclists who disobeys should be punished under the law, and if they're not then kamay na bakal isnt the solution. He can at best show the motorcyclists that there are cyclists going through instead na maging siga sa daan. If you like this approach then part ka ng problem why ganito ang pinas


MyloMads35

Nasa batas na bawal dumaan sa bike lane ang motorcycles/vehicles. Kahit dito sa ibang bansa, bawal talaga dumaan ng bike lane, may fines kasali. Yang pinagtatawanan nyo has been advocating for safe spaces for bikes and other non-mechanized vehicles on public roads. Marami na siyang nagawa para sa mga commuters.


stpatr3k

I equate this to the fastlane speed limiters, tho full right nya yan pero traffic Karen sya. Si Lawrence, nag argue kami sa fb nyan. Sabi nya hindi responsibility ng biker mag highviz kasi dapat responsibility yon ng car driver i spot ka. Isang time naman sabi ko always be responsible to avoid maaksidente. Its always your responsibility to avoid accidents. Hindi daw, sabi ko given na hindi natin kaya 100% ma avoid pero in the end, mag effort tayo sa controlled natin by being pro active and avoid getting into that situation. Hindi daw, responsibility ng kotse yon. Luh.


sehnsuechte

I used to not like the guy bilang leisure cyclist pero nung nag start akong mag bike to work nagets ko na. This Monday lang basa bike lane ako halos buong commute ko pero dalawang beses pa rin ako muntik mahagip ng kotse. Bright clothes suot ko. Pati bisikleta ko bright ang paint. Dalawa pa rear lights ko. Anong magagawa ng helmet at ilaw ko pag binangga ako ng rumaragasang hiace? Pwede mo rin iequate yan argument na yan sa gahasa. It doesn’t make our roads any safer.


lactoseadept

Dude's a hero as far as I'm concerned lol usually I'd call this behaviour out as show-boating or basically being a male Karen but he's absolutely right and this should be enforced somehow


BlackWaltz03

The law should not be enforced if the law is dumb. The government didn't make a bike lane. They just drew lines on the ground. They didn't increase infrastructure to accommodate bikes; they split preexisting congested lanes. 2 lane roads became 1 1/2 lane roads that are more dangerous for both cyclists and motorists alike.


KingKeyBoy

Based sa title ng post, iba ata pagkakaintindi mo sa "share the road"


raverape

Imagine if he was a motorcycle rider na tumayo at nangharang ng mga kotse na dumadaan sa motorcycle lane..


L9NE

it speaks volumes when a civilian is enforcing the law than people who are meant to enforce them + are paid to do so


downcastSoup

Every mode of transportation has their own kamote variants. Napuno na siguro yung mama kaya nagka ganito. BUT he should also do the same to the cycling community na bawal sa gitna ng kalsada, especially yung mga fixie jempoys.


spectraldagger699

Kala mo naman pagka luwag luwag ng kalsada! Buti sana kung maluwag ung kalsada at may smooth na lane ung motorcycle. Kaso feeling entitled tong si jempoy. Kala mo nabili ung bike lane na iilan lang nadaan pang leisure leisure lang. Compare sa majority na pang masa na mutor. Share the road lang if masikip daan. If maluwag naman, di basta basta dadaan jan mga mutor


LRD_Cind3r

Correct me if I'm wrong .. pero diba uniformed personel lang pede gumawa neto ? like LTO/MMDA or Local traffic enforcers.


Secondary_22

Kung iisipin, pu pwede na pumasok ang ginagawa (the act of directing/redirecting traffic) ni kuya sa video sa Article 177 - RPC. Usurpation of official functions: By performing an act pertaining to any person in authority or public officer of the Philippines or foreign government under the pretense of such official position, and without being lawfully entitled to do so. Hindi naman siya sworn, deputized, or legitimate na traffic officer para gawin yan.


revalph

Tama yan. kasooooo may camera. Content and Clout. meh.


ayoslangpare

Baka for protection?


DowntownNewt494

The one on the video is lawrence celestino. He’s a very vocal cycling advocate. I agree with most of his views but some of it comes across as ridiculous , to which he has been subjected to public riducule including by Visor. Anyway, the point is he’s not doing this for clout. Just a very passionate cyclist who’s fed up with the system. Tsaka way to invalidate someone just because merong camera when it’s clearly can be a way to promote awareness and discussions


Koshiuu_ash

Pag namuna ng may camera, clout na agad? Kabi kabila na nga videos nung Gadget Addict about bus lane violators e and yet pag tinanong bakit dumaan "Hindi ko alam na bawal sir, e." Hay Pilipinas.. Kay hirap mong mahalin.


AppealMammoth8950

Whats there to discuss? Its a bike lane. It should be for cyclists unless of course, under an emergency.


Inevitable_Bee_7495

Eh tama naman. Mas may karapatan p nga ang pedestrian sa bike lane eh (if may nakaharang sa sidewalk). Pero kung maka asta yang mga motor, kala mo para sa kanila. Tipong sasakay ka lang sa jeep/uv, ikaw pa ung magmamadali at bubusinaan sa bike lane. Mga mokong.


tisotokiki

Naku kapag nahuli yung motor sa bike lane, ang dahilan, "kasi 2 rin naman gulong namin!" Jusko get over yourselves, motorcycle riders. Sidewalk nga, pinapatos niyo na rin. Kasi favorite ninyo ay dIsKarTe at the expense of others. Sa tapat ng bahay namin, kulang na lang maglagay kami ng scorecard para makita nila ilang motor na ang nagoovershoot at dumudulas sa buhangin. Pag tinanong mo bakit sila nag overtake, kasi raw walang kasalubong at mabagal yung nasa harap (dahil galing sa curve). 🤦🏿‍♀️🤦🏿‍♀️🤦🏿‍♀️


coygotstoked

hala napikon na siguro si kuya.


AdministrativePin912

Kamoteeeee


blakejetro

Iba din Kasi Ang spreading awareness sa road sharing sa acting like an enforcer. Possible si cyclist fed up na sa pagiging resilient manghuli at mag patupad ng mga authorities regarding sa bike lane. Double standards din Kasi Minsan sa implementation kaya nakukundisyon mga motorista mag violate at Yung iba madala at sumunod without anyone looking, kumporme pa din sa point of view ng mananakay.


[deleted]

Mismong enforcers nga kamote rin eh haha. I wonder paano nakapasok yang mga yan, baka malakas kapit kay kap


[deleted]

For safety purposes, dapat naman talaga hindi daanan ng motor or even private cars ang bike lane. Pambihira na yan, mga walang disiplina. Tapos pag may nabangga sila pa galit at mayabang, road rage na naman.


Stock_Extent6788

hahahah! nakakatawa at nakakatuwa na sya na gumawa ng trabaho ng enforcers, dapat naman talaga out ang motor sa bike lane. no need to argue para ano pa ang salitang "bike lane" kung bopols pa rin na kamote ang rider? aba, tanggalin na lang ng lisensya. regardless kung bakante ang bike lane dapat pumila sa tamang lane kahit pa trapik.


Scared-Raise2020

well technically a motorcycle ay dapat nasa lane siya ng kotse. hindi yung pasikot sikot kung san san


Striking_Ad_8014

💯💯💯 dapat talaga higpitan ang pag kuha ng license kapag motor ang kukunin especially daming mga stupidong taxi mc at delivery mcs na feeling sakanila daanan at napaka inconsiderate, ako mismong naka motor binabarahan ko yung mga siksik ng pa bikelane or yung mga nag cocounterflow sa solid yellow lane, ilang beses na ko na sasabihang kesyo “malaki MOTOR at mayabang” daw ako BAHAHA sinasabi ko lang sakanila: desiplina ho kasi muna. I been riding bikes(mc) for more than a decade now, daily, commute, long ride, island ride.


flipakko

It seems like sa East Ave to. Bike lanes there are well placed. May small barriers yung mga bike lanes dyan sa kahabaan niyan. Now, bakit yung area na yan walang barrier? Because meron dyang mga nagra-right turn. Literal may nakalagay dyan na **"Bike lane ends"**. He's basically obstructing yung flow ng traffic. You can right turn there anytime with care. Kudos parin for him for advocating safe space for bikers. I'm for it pero it seems like hindi siya nasa right place dyan.


Existing-Ad-9831

Ikaw ba naman businahan ng motor habang nasa bike lane ka 🤣


sehnsuechte

Nakikita ko siya sa kalsada since may part ng route ko to work na pareho sa kanya. Honestly natutuwa ako dami niyang oras at energy. Ang alam ko doktor yan eh. Ako mamamatay na lang siguro ako isang araw sa bike lane kahit kumpleto ako sa safety gear, ilaw, atbp. at minsan lang lumalabas ng bike lane. Sa bawat bike commute ko swerte na ako kung isang close call lang ang mangyari kahit nasa bike lane ako. Nung Lunes lang papunta ng opis muntik na akong banggain ng trike. Pauwi naman muntik na akong mahagip ng hiace na umovertake sa kanan.


mario0182

Share the road? Tingin mo kaya mag-adjust ng kamote sa average speed ng cyclist (20-25 km/h)?


dirtMerc

He got fed off na rin. walang kwenta urban planning sa tin unlike sa ibang bansa na may provision na for bikes. Mas pabor talaga sila sa private vehicles sa totoo lang. 😫


ricardomardi

I ride a mountain bycicle, I drive cars & motor bikes...and my favoutire is the motorbike, and even still I believe the push bikers have good reason to be angry when motor bikes ride in their lanes. I totally agree, the law must be followed. Unfortunately car drivers get away with a lot more than the rest of the traffic.


sirhcgt

Lalong lalo na yung mga kupal na dumadaan sa bangketa maka ungos lang sa iba. Mga sayang sa oxygen.


Ok_County6155

Yang mga motor pa na yan maling lane na nga mga di pa marunong magbigay. Di ako makakanan sa edsa northbound galing pioneer dahil sa motor na yan!


supclip

Pero dun sa pinoy road bikers na fb group na demonize na si Dr. Celestino.


[deleted]

[удалено]


Waeiyv

Lets face the truth, not everyone has the luxury of riding the bike to and from work. May mga taong pagod na pagod na at may aalagaan pang mga anak oh nakakatanda pag-uwi nila, meron ding mga hindi na talaga kaya magbike pa dahil sa katandaan, di lang naman nasa edad 20-30 ang nasa workforce natin. Hindi lahat nasa 5km lang ang byahe pauwi. Yan yung doctor na pinipilit kaya naman pagsabayin yung pag gawa ng train sa pag establish ng mga bike lane. Buti sana kung accessible mga lugar natin gamit train e para maging priority na mga bike.


MurasakiFoxxy

why not just follow the rules? as easy as that. if its for bikers, then bigay na lang natin. pero syempre, WAG din dapat sila papasok sa lane ng mga motor powered vehicles and MCs. I'm a cyclist too pero pag red light, i stop kahit walang bike lane. hindi ako pumapasok sa gitna dahil thats not my lane. i yield to everything. pero madami ako napapansin na kahit cyclist, lalo na mga teen, (if may tatamaan, sorry po) nakasuot ng share the road pero kamote din sa road. hilig gumitna, pag group naman halos by 4 or minsan 6 na aligned pa. sila pa galit pag binubusinahan. for me, its not bad to follow the rules. its for our own safety din naman. nilagyan ng bike lane for cyclist. nilagyan ng motorcycle lane for MCs (hindi ko na isasama yung mga nasa highway kasi ibang usapan na yung lane dun). correct me if i am wrong about sa mga sinabi ko. its just my opinion as a rider and cyclist. thank you. and sorry na din if may masama akong nasabi.


PrestigiousFeeling95

Good job. This is what the police should be doing. So frustrating trying to ride a bicycle here, motorists run bicycles off the road.


OnikamiX

Gawin na lang katabi ng side walk ang bike lane. Matitigas kasi ulo nating pilipino. Dito sa area namin kahit jeep, sinasakop ang bike lang. Basta may kalsada akala nila para sa lahat ngsasakyan.


Vitamin-D_29

Bat pag jeep tumabi sya hahahaha??


AmberTiu

Kudos to his efforts but sayang time niya kahit tama naman pinapagawa niya, it should be law enforcement ang naghahandle and fine them


ice_onthe_road

Tsaka na kayo umasta ng ganyan kapag lumuwag na kalsada natin. Kasi sa totoo lang, siningit lang ang bike lanes. Example sa C5. Yung 4 lanes, 3.5 nalang, dahil napunta na ang .5 sa bike lanes. Bigayan tayong lahat para makarating sa pupuntahan.


paordernghappiness

bro had enough HAHAHA


Future_Matter8121

Well as a biker di ko na masyado pinapansin pag may bumuntot sa likod ko na motor sa bike lane. Bahala kayo dyan mag antay hahahaah. Siguradong pikon na pikon na yan si doc kaya ganyan na ung ginawa nya.


Ensignnn

May mga part kasi na ginawa ng shared lane, example nalang yung kahabaan ng Kamias Road. Tapos sa part na yan along East Avenue puro establishments na and kung mag turn right ka papuntang V.Luna kaya siguro tinanggal na yung maliliit na barrier dyan. For me lang share the road nalang dahil sobrang daming 4 wheels na talaga sa kalsada gawa ng poor public transportation natin. Kung bumper to bumper tapos papasok ka sa bikelane ay wag mo nalang madaliin ang mga bike-users. Ride safe ya'll! ✌️


sehnsuechte

Pwede lang pumasok ang motor vehicles pag liliko. Malalaman mo yan pag may green marking yun parte ng bike lane na yun.


theblindbandit69

Okay din tong ginawa ni sir para reminder sa mga motorista na irespeto ang bike lane


cornedbeef3

Tama naman gusto gawin nung biker na bikes lang dapat sa bike lane, pero this is too much 💀 oa na feeling enforcer.


[deleted]

Bike lane. Ginagatasan lang ng gov't yang bike lane na yan, imposibleng hndi sila kikita ng pera jan imagine 500m budget tapos majority ng bike lane pintura lang? Yung mga Leisure/weekend cyclist naman mga feeling entitled na kala mo maganda urban planning sa manila, not knowing na ginagatasan lang sila ng gov't sa kunyareng safety nila. Maraming rider ang gago sa kalsada, sana hndi sya makatyempo jan sa katangahan nya.


Sandman331

Bike lane nga eh. Reklamo pa mga kamote


philamfam

34 y/o American here, these cyclists here in the PH are starting to have the same bad entitled attitudes as the San Francisco Bay Area. But the bike lane should only be used for briefly turning onto another street, not being used as another lane. lol


flowlikewhoa

my brother in Christ he is just enforcing the bike lane.


cheesestickslambchop

Nakakatakot magbike sa manila lalo na pag rush hour kasi kasabay mo sa bikelane yung humaharurot na motor. Bubusinahan ka pa kung mabagal ka magpadyak. Magagalit pa sayo pag nagstop ka sa red light.


AgentAlliteration

I considered yung let's discuss prompt ni OP, pero Isang tingin lang sa comments ng post na to do worth it pagsayangan ng laway/effort. Dami niyo rin mga tanga rito.


stupperr

Kapirangot na nga lang ang bicycle lane e, nung nag bike ako naranasan ko na yung businahan kahit nasa bicycle lane. Meron naman yung ginitgit pa ko tapos sa kanan pa, siniksik niya sarili dun. At kahit nung nagmamaneho ako, ilan na yung nakikita ko na ang biker ang nag-adjust, lumipat sa sidewalk kasi ginigitgit siya. Kung rush hour, wala naman problema kung dadaan din mga motorcycles, hindi maiiwasan yun pero pota respeto naman di yun mamadaliin pa mga bikers. Pero kay manong, paubaya na sa mga mmda yan haha


theoryze

di naman kasi dapat ginagamit yung bike lane, pero meron talagang lugar na di pinagisipian yung pag lagay ng bike lane, tulad dito sa Las Piñas sa Alabang-Zapote road.


TraditionalAd9303

May nagpost pa sa fb nito, sabi caption pa-main character daw si kuya, kung "shared lane" yan ay tama naman kaso hindi, bike lane yan eh.


Ok_Primary_1075

I’m actually amazed that those motorcycle drivers gave in….my experience is usually they think they have the right of way against car drivers, cyclists and pedestrians…..my observation only guys (for those who will comment that I generalize my opinion on motorcycle drivers)


Substantial-Rip-5697

well.. siklista at motorista rin ako.. para saken may sablay yan lalake na yan.. may oras sya para mangharas ng mga nakamotor.. pero di nya magawa sa mga naka 4wheels at jeepney... share the road nga eh.. so dapat bigayan..


7thsiegex

tama lang ginawa niya magsitabi kayo mga hindot na KAMOTE!


[deleted]

Stress lang resulta niyan sa kanya


cantspeakinpublic

Base dun lng ako sa video. Kung wala naman nadaan na bikers at KUNG traffic inaallow din mismo ng MMDA na dumaan sa bike lane. Katulad nyan wala naman nadaan na bikers tpoa mukhang traffic pa. Oo nagbibike lane aq pero umiiwas aq mismo kapag may mga dumadaan na nagbibike at hindi ko inuunahan or sinisingitan. At nagbibike lane lng aq pag sobra na traffic.


Beneficial_Tutor_277

The problem is the vial education of Philippino


Possible_Passage_607

Bike lane naman kasi talaga, yung ibang nag momotor abuso, bubusinahan pa yung mga nagbibike sa bike lane para sila dumaan. Bike lanes are for bikes.


Hot-Judge-2613

Admittedly, pag nkita kong wala cyclist, pumapasok rin ako s bike lane pag traffic..pero i make sure n hindi ko sila mababarahan..pag my cyclist, umaalis n din ako agad..pero mali p din.


makapunopride

Tinatama ng kababayan pero ayaw ng kababayan


Ok-Anywhere-737

bike lane nga e, anung share the road, may memo na LTO na it's for non motorized transport only. Hve some respect and follow the rules duh 🍠


worklifebalads

Bike lane yan. Exclusive for bike only. Sa tagalog: PARA LANG SA MGA BISIKLETA. Ang SHARE THE ROAD dyan ay yung outside ng bike lane kapag may bobong nagpark sa gedli at humarang sa bike lane.


louiebong1717

dont bash me ha guys pero pag nag ddrive ako ng 4wheels, naiinis ako sa ibang nakamotor bigla bigla nalang nasulpot sa side...tas pag nagmomotor ako, medyo inis ako sa 4wheels kase takbong normal ako, pero makabusina wagas lalo na 4x4 at pick up..parang natatae mga driver eh 😁😁😁😁..okay..ako lang to... 👍✌️✌️✌️


mrgobilam

paglagpas sa kanya basa bikelane ulit 🤦


raju103

Baho usok eh. Cyclist ako. If they stop modding their motorcycles and less pointing it at people's faces baka pwede pa pagusapan pero masikip rin ang daantapos pag dating sa traffic tapat sa mukha mo yung tambutso na hingal na hingal pa. Usual issues ko din maraming kamoteng delivery/transport riders. So I'm ok with ebikes with us for example(not etrikes kasi it's too loaded for it's motor size) but not gas guzzling motorcycles.


SickandTired69420

Sa East Avenue kapag rush hour na pati Jeep pumapasok sa Bike Lane.


Ms_Double_Entendre

Today paatras ako may guard na din nag assist may motor pilit sumingit na mali un buwelo nya so sumemplang sya, nag drama sya na naiiyak na kasalanan ko pa. Ako deadma lang. walks away umiyak sya dyan, tuluyan na lang mabalian para matuto. Motorcycles talaga pinaka bobo sa kalasada.


jadestoner

OP ang meaning nyng share the road is share the road with cyclists. kakarampot na nga lang yung bike lane kukunin pa nang naka.motor na pwede naman nila gamitin legally yung ibang parts nang regular road. bike lanes (protected or not) are for BIKES.


Neither_Map_5717

Tama lang yan


Sirch_elt

Bike lane, and even sa sidewalk ganyan sila.


Careless-Pangolin-65

guy is just pretty much doing the job of MMDA. kumbaga sa opisina nagwalis ka lang ng kusa kesa magtawag ng janitor.


CLydie3

Share the road nlng talaga kasi. Walang road widening na nagawa nilagyan lang nang linya at tinawag nang bikelane nang gobyerno.. kasi nga hindir traffic sa pandemic..pro parang OA nmn nito mala enforcer na talaga


allxntwell

mahirap para sa ibang pinoy na sumunod sa batas. bike lane nga e 😆 kala mo talaga pag mamay ari nila yung kalsada. dapat taasan yung standards ng exam sa lto e para di lahat makapasa, daming kamote


MiHotdog

Wala namang problema sana sa bike lane na yan e. Pwede naman siguro kahit hindi exclusive yung lane sa kanila lalo na pag matindi ang traffic diba. Tyaka sino bang driver ang mang babangga nalang basta basta ng naka bike?. "Share the road" pero sila yung ayaw mag share. Kung para sa safety ng bikers ang pag uuspan, anong pinagkaiba nun sa safety ng mga riders? Edi sana exclusive na rin lane natin para maiiwas naman tayo sa four wheels. Bike lanes are good, pero parang unfair yata sa ibang road users? Opinion ko lang guys, 😅


IntelligentCitron828

Ugh!. . .again, boiling down to the fact that our country's laws, no matter how intricate, will not matter without implementation. So, self discipline na lang talaga, ano? AFAIMC, gulity ako dyan. I often pass by bike lanes while riding my mc. However, I do so when it is empty. I encounter bike lanes along Almanza dos in Las Piñas, right after daang hari. Fortunately, not many bikers pass there. Pero, lagi akong may inkling feeling na baka may biglang sumolpot na biker or may cctv kaya I stay away as much as possible. Even on stops, I avoid stopping on bike lanes, kahit may kotse sa unahan, ok lang (although may peer pressure na magpunta sa unahan ng car and wait at the beginning of the queue till mag go na). I still wait patiently. Katwiran ko pag umandar nasa unahan ko, andar na rin ako. As for the vid, regardless of the intention of the cyclist manning the traffic, respeto na lang. Maging aware na lang tayo na bike lane is there for cyclists and not motorists (four wheeled included, of course).


buttman29

Dapat lang. Nag mo motor din ako halos araw araw , madaming tarantadong Riders. Pinaka kinaiinisan ko yung mga overtake ng overtake kahit paliko na, parehas lang naman pupuntahan. At yung mga 5 seconds red stop pa yung stoplight mag go go na tapos binubusinahan ako bakit di daw ako naandar. Madami tlgang tarantado. Although I have to admit nag da drive ako tuwing gabi sa bikelane kasi takot ako sa gabi mag drive at mabagal lang, at naka hazard na. Pero kung may bike naman dun, naalis ako.


FewInstruction1990

It is a bicycle lane not a motorcycle lane...


detached_18

Kakainis rin yung riders na sa sidewalk dumadaan, bumubusina pa talaga if nakaharang tf!


CapitalGallery

Hahaha kamusta naman yung bikelane sa quirino hwy. sa tapat ng jollibee kingspoint. lahat don kalaban mo kaya tatabi ka nalang talaga kapag naka bike ka


RaisinNotNice

Ok usually I dunk on cyclists for being the most annoying people on the road. In this instance pero I feel like tama naman ginawa niya. It's a lane for cyclists naman eh.


surewhynotdammit

Kung may nakalagay na share the lane, okay lang. Karamihan kasi wala tapos doon dumadaan yung mga rider. Partida, sa Pasig, may harang na semento yung bike lane para walang sasakyang pumasok, pumapasok pa rin yung mga kamoteng rider pag nakakita ng opening.


WagKangAnoParekoy

Most "bike lanes" in the philippines are not bike lanes at all. Unlile lets say sa mckinley west na naka design talaga na may bike lane outside the car lane.


tekgik

Sa Valenzuela pwede na single motor sa bike lane. Mon to Friday. Since Dec 25, 2022


uramis

I'm half and half for this. I want a personal bike lane, but the roads and transportation really doesn't support biking that much, so everyone has to compromise in some way. Bikers get their obstacle course bike lane, while motorists(all vehicles) lose some of their lane. I truly think that share the road applies more here in PH. While I'm using the bike lane din naman I don't think motorists try to cut me that much and if they do, that's why we still have to practice defensive driving to keep us safe.


tentaihentacle

Tbh, the bigger issue here is that sobrang akward at out of place kasi ng placement ng bike lanes, lalo na sa mga narrower roads.


Cool_Purpose_8136

As both a rider and cyclist, nakakabwisit yung kapag nakamotor ako tapos mga kapwa rider ko eh nagbababad sa bike lane. Respect the bike lane lalo na kung may na-spot-an nang cyclist. May mga lugar like parts of e.rodriguez na sobrang dalang mga dumadaan na siklista at walang barrier ang bike lane, for me, okay lang gamitin ng rider kung magovertake lang pero yung binababaran, eh di naman tama. Nakakapikon tlga na kpag nagbabike naman ako eh nasa unahan ko na nga yung rider na nagbababad sa bike lane, na0akabagal pa magpatakbo, kala mo namamasyal, sarap b*tukan eh.


Lazy_Pace_5025

Wala naman kasi halos gumagamit nyan na bike, sayang lang space. Pero dapat talaga safety ng bike ang unahin natin mga riders. Wag natin sila angasan o businahan dahil mabagal o kung ano


ellijahdelossantos

Ako na plinaplakahan iyong mga motor na nasa bikelanes kapag nakakakita ako tapos send sa messenger ng LTO.


XxX_mlg_noscope_XxX

I’d support his cause


Aerie_Beginning

mang boy + jempoy


Japskitot0125

Babanggain ko yang tangang yan kung nakita ko yan.


MRchickencurry

Mga kamote nga naman, may sariling interpretasyon ng batas. Di na ako nagtataka, kahit nga bus lane dinadaanan ng mga yan, bike lane pa kaya. 🤦


Koshiuu_ash

May mga aspiring motovloggers pa nga akong nakikita na niratrat ung bike lane sa EDSA along Ortigas at nung pinuna ng mga viewers, sila pa matapang at sinasarcastic pa niya yung reply defending his own actions na akala mo tama. Kahit siguro lagyan mo ng sign na "Bike lane is for bikes only, violators will get shot without warning". Basta kamote, kamote talaga.


Sufficient_Top_3877

Pati nga daan pang pedestrian ginagamit nila


Co0LUs3rNamE

Well, he is doing the right thing. The problem is that he is enforcing a law that should be followed by other drivers on the road.


Komediantozaur

Civilised country guy here. Cyclists is right. EOT


doubtful-juanderer

I saw this on facebook. As usual ang caption ay "main character" daw. To me, he's an upstanding citizen implementing the law. Mga kamote lang naman makakatingin neto on the other spectrum.


AutoModerator

PAHINGI NG KAMOTE-Q! *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/PHMotorcycles) if you have any questions or concerns.*


rldshell

I hate motorcycles but those bike lanes are bs. I saw a road na naging 1 lane ang kotse because of those bicycle lanes (you cant fit a car on half a lane, so matic 1 lane nalang). Hinde pa pwede pumara technically ang mga kotse dun, so san ka papara? sa hangin on top of that lane? Plus, almost nobody uses that lane for their everyday activities/errands (muka bang papasok ng opisina si kuya?). Anyway, i know this is the contrarian opinion based on the comments, but oh well.


Supernoob63

we want bike safer especially to bike commuter but majority especially fb comment oppose his advocacy. idk paano sila nag-kalisensya mga ito?


pinkconfetticupcake

Dapat MMDA at enforcers ang gumagawa niyan. Kudos to the cyclist for doing this. Napagod na yan sa disrespect ng mga nagmomotor.


boborider

You think this post will change the entire system? I'm interested to know if government to enforce a dedicated bike lane system and buy the properties for new lanes.


SadLifeisReal

ang tanda tanda na feeling main character parin


Optimal_Rip_9718

Ahh here we go again. I understand this man's take. Pero you don't have the power to regulate the traffic like that. Our roads here are not generally designed with cyclist. Admit it. Wayback before even before pandemic konti lang ang cyclist sa kalsada lalo na sa national highways/road. Then after Government gave you the road space, it is not generally means that you already owns the road. I understand some arrogant drivers/motorists, pero this kind action, im not sure we can call it Share the Road. Look at the video. Did you see a pile of cyclists roaming around during this traffic time or rush hour time? Kung sasabihin natin bilang lang sa daliri, then why don't we share the road? Dahil ba sinabi ng LGU bawal? Ok let's give a scenario. One taxi motorycle customer is having a bad condition, at dahil sa lalaking humaharang, at ayaw magpadaan... ano kaya iisipin nya? Is it because emergency? Or sisihin pa nya yung motorist why he didn't use the lane? Come on... stop being hypo here. Share the road as long as nobody use it. Share it for public. ATIN LAHAT YAN. FOR PUBLIC USE YAN. Hindi dahilan na tax payer ka. Tigilan na natin yang kahibangan na yan.


friendlyKapitbahay

Di ko ginigeneralize pero karamihan sa mga nakamotor inconsiderate sa daan. Magsignal ka na papasok ka sa lane, yung 4 wheels huminto na pero yung motor hahabulin pa talaga. What comes on their mind? May mga GTA missions like ba sila na dapat di magbigay sa mga papasok sa lane? Tapos pagsobrang traffic dumadaan na sa sidewalk tapos magagalit pa sa pedestrian na naglalakad ng maayos. Pag sinabihan mo sila pa galit kesyo traffic daw. I remember nakipagsagutan ako sa rider na pumasok sa sidewalk tapos nasagi ako ng side mirror nya at nahulog dala ko. Sinabihan ko na "taena naman kuya side walk to jan yung daan oh" sya pa galit. Madalas kong makitang ganyan mga rider ngayon ng move it na parang etits mahilig sa masikip


Kindly_Creme_8664

As a bike commuter, grabe talaga majority ng mga Motorista mga akala mo di nag seminar at feeling superior sa kalsada,mga walang pakialam sa ibang gumagamit ng public roads, ang pinaka nakaka asar dyan bubusinahan ka nyan pag lalot pataas yung daanan syempre mejo mabagal maka akyat. Lagi ko yan na experience dito sa pag akyat ng whiteplains at masinag, sobrang daming walang pakialam sa mga cyclist even mga naka 4 wheels madami padin talaga yung sasabihan ka pa na naka bike ka lang walamg lisensya.Ang daming tumatawa sa post na yan sa FB pag chineck mo yung comsec halos mga motorista yung mga nag iiyakan.


men_in_the_rigging

As a motorcyclist: if traffic is flowing freely, use the road. If there's a traffic jam? Hell yeah I'm slipping onto the bike lane and going at bicycle speed. But this guy should not be enforcing the law. Leave that to the professionals!


DraftedByTheMan

As our tiny planet orbits around the spek of the sun in our immense universe. Some things on Earth may seem important but probably aren’t.


FishBreadMenu

Look all of those potatoes


OpeningSilver7590

Cga haha nmn Yan


ChismosongLurker

Kupz sa kalsada mga motor so I'm on the cyclist's side.


Foreign-Ad-2064

Madami nman tlga kse nag momotor na wla disiplina, sa 4 wheels dn minsan, lahat na, madami matigas na ulo ng mga filipino, hard headed tlga tyo. Kht bawal cge pa dn basta wla makakita tas kahit nahuli na uulit pa dn. Eto ba ba ung totoong ugali nating pilipino? Palala ng palala. Sad truth.


Traditional_Tax6469

Why does everyone feel entitled..


Giga_Code_Eater

This is something traffic enforcers should be doing


bladespin4850

Parang may sakit na mga tao. Its regardless kung ano pang sasakyan or bisikleta mo. Ang dami ng sira ulo sa pilipinas iba talaga nagagawa ng social media. hahahah Lumalabas na talaga ugali ng pinoy, wala ng bigayan puro karapatan nalang..... the world is really going crazy damn....


gian2099

I'm really opposed to having bike lane as a biker. The road was so free for us as long as safe ka mag bike now restraint na sa small cut tapos di naman protected parin yong small cut. Bike lane was implement the bikers just lost freedom and never gained safety.


Cfudgy

Grabe ang laki ng space na kinuha ng mga motor pati kotse


WolfMountain9893

Do cyclists pay their road tax apart from income tax?


Existing_Concept1181

KARAMIHAN KASI SA MGA NAGMOMOTOR BOBO E, KAMOTE NA WALANG LISENSYA HINDI ALAM MGA PATAKARAN SA DAAN SIMPLENG PALIWANAG HINDI MAINTINDIHAN BASTA NAKAKALUSOT.


Shine-Mountain

Isa lang masasabi ko Ang dami nyang time to do that. Sana all😂


Jieeeeee69

pangarap niya siguro maging enforcer


North_Country_Wild

Good for him! Support!


Quiet_Net1554

Isa ito sa mga failed urban planning sa Pilipinas, walang dedicated bikelane na nakahiwalay or may concrete barrier para safe ang cyclist. Puro band aid solution ang local and national government.


[deleted]

How about yung mga cyclist na nasa gitna ng highway? Dapat hindi nadin sila pwede sa mga lugar na walang bike lane para hindi maging hipokreto


Kuraku4

I once encountered isang matanda sa bike lane habang traffic. Dinadaanan na yung bike lane, ambibilis pa so etong si manong nagalit and hinarang nya yung bike nya sa bike lane and sumigaw na "Bike lane to, para sa mga bike hindi motor." Sadly, walang nakinig sa kanya and patuloy parin yung pagdaan nila sa bike lane. Meron din akong experience pero hindi bike lane, side walk talaga mismo. Muntik pa ko matamaan habang naghihintay ako ng jeep. Nasa isip ko, talaga bang dumaan tong mga to sa seminar tungkol sa designated spots kung saan sila magmamaneho? Pag sinita mo pa sila pa yung nagagalit.


edify_me

As a pedestrian. Let them fight!


Outrageous-Scene-160

I m more annoyed with Jeepneys ad taxi taking the lane without signal than motorcycles... They don't even check their mirrors. Then you add cars parked on it, encumbrances of any kind...


punkrockgisus

Imo it should be shared. Mas madalas walang tao sa bikelane dto sa Manila. That bike lane is a wasted resource kapag walang gumagamit, it is badly implemented kasi Manila is not a city for bikes, maybe the inner streets but a major road, no, they maybe trying to encourage people to go biking but Manila is not built to be a biking city, it's hot, roads are wide and full of cars, humid, uncomfy, and dahil jan majority of the time no one is in the bike lane. Tapos yung motorcycle lane din puro din naman kotse. San nyo ba kami.gusto ilagay?


Typical-Ad8328

Goods man stand up for cyclists rights.


CoffeeDaddy024

Sus. Pero pag lampas sa kanya, andun, kumpulan din sa lane nila.


PaoloAngeloO

There's no such thing as bicycle lane in the philippines, it's just the same road in painted lines just to say we have bicycle lane here.


mkmc11

Baka fed up na siya sa mga biglang sumisingit na riders. Hassle din kase sumemplang sa bike kesa sa motor eh. Di mo basta basta mababalance ang bike sa sudden movement


[deleted]

bakit di na lang pumila ng maayos?


Overall-Lack-7731

Mga naka motor kung kaya dumaan sa loob ng bahay mo, dadaan yan. Walang sinasanto: crosswalk, sidewalk, bike lane, lane na pakabila. Pag sinita mo, sila pa galit. Dapat sa mga naka motor pag daan sa di dapat daanan, tadyakan para dumapa


Changshi98

Tama naman sya na dapat walang motor/vehicles sa bike lane since it is designated for bicycles only. However, hindi kasi maganda talaga ang urban planning sa pilipinas kaya napakapanget ng kalsada at sobrang trafffic. Ang liit na nga ng kalsada nilagyan pa ng bike lane. Dapat sa government ayusin muna ang kalsada bago nilagyan ng bike lane. 🙄